Manlalakbay
~*~*~*~
DUMATING ang maluwang na jeep kaya komportable kaming nakasakay. Bumalik siya sa dating Shintaro, iyong palaging nakayuko. Tumikhim ako. Ano ba itong nangyayari? Binilang ko ang aking baon at ganoon parin iyon. Salamat naman at hindi nabawasan ang aking baon sa tricycle kanina. Wait! Kanina ba iyon ‘o ngayon? K. Whatever. Wala rin namang makakasagot sa tanong ng utak ko. Totoo ba ang lahat na iyon? Baka naman naka-drugs ako? Anong nahithit ko? Mygash!
Pagkababa namin ay ganoon parin ang atmospera. Parang hindi ko nakausap ang totoong Shintaro. Maniniwala ba ako sa kanya? ‘O parehas lang kaming naka-drugs dalawa? Mabibilang palang ang mga estudyante sa aming classroom. Ang iba ay patuloy nagtsitsismisan at ang iba naman ay napakunot ang noong napatingin sa amin. Pakialam ko sa inyo? Duh. Kung alam lang ninyong acting front lang iyan ng isang Shintaro Terrano, mapapanganga talaga kayo. Hubaran niyo siya at nang malaglag ang panty niyo sa totoong kagwapuhan niya!
“Paparating na si Ma’am!” Sinigaw iyon ng isang kaklase namin kaya nagmistula kaming robot na nagmamadaling umayos sa pagkaupo.
Yumuko ako nang mapatingin sa akin ang aming unang guro ngayong araw. Alam kong inirapan na naman niya ako. Sarap kilitiin ng knife! Lagi akong pinag-iinitan nito at ‘di ko alam kung bakit. Nakakatanga ‘di ba? Alam ko namang nakaka-insecure ang beauty ko. Pero sa grades talaga? Nag-aaral ako rito ng maayos pero namemersonal siya! Ngayon lang naman ako na-late sa klase niya! Ay wait! ‘Di pala ako na-late ngayon. Thanks to Shintaro!
“May lumiban ba ngayong araw?” Aniya.
“May mala-late po Ma’am...” Sagot ng isa sa mga kaklase namin.
“Sige, plus points sa nandito ngayon..” Napa-yes ako sa aking isipan at nagpalakpakan ang iba. “Iyong mga late, wala..”
Hinintay kong sasabihin niyang minus fifty points rin ang mga late pero hindi niya ginawa. Tsk. Pinagdidiskitahan talaga ako. Nilista lang ang aming mga pangalan bago siya umalis. Hindi pala talaga siya papasok ngayon… Ang daya, ano po? Kapag ako ang nale-late minus, kapag iba, wala lang points. Kasi naman, ‘e! Ang hirap na maging maganda at bata at fresh hah!
“TEKA, sino nga ulet ang hinahanap mo?” Balik tanong ni Riri sa akin.
“Sabi ko, kung nakita mo ba si Shintaro Terrano...”
Kanina ko pa kasi ginagala ang mga mata ko pero ‘di ko parin siya nakikita. Gusto ko na nga siyang puntahan sa sariling tambayan niya, ang likod ng abandonadong building. Kumakain na ba ang taong ‘yon? Teka! Tao ba ‘yon? Ah, ewan basta gusto ko lang magpasalamat! Pati narin ang magtanong. Aba, ginugulo niya ang mind ko, kaya dapat lang na sagutin niya ang mga katanungan ko!
“Aba, beh. Anong nakain mo?” Gulat na tanong niya.
“Nakita, kamo.”
Mas nanlaki ang kanyang mga mata. “Omg! Nakita mo na ang ano ni Shintaro?!” Agad ko siyang binatukan. Bastos na bata. Hindi pa nga, ‘e! Gusto ko ring makita ‘yon. “Aray, beh, masakit.”
“Kasalanan mo. Galumot na kasi ‘yang utak mo. Paki-vacuum please.” Umirap ako.
“Wala kaming vacuum sa bahay eh. Sorry.”
May iba pa siyang sinasabi ngunit nagliliwaliw na sa kahit saang panig ng mundo ang utak ko. Ano ba talagang kababalaghan iyon? Talaga bang may nagta-time travel? Yes, I read lots of books about that already pero hindi parin kapani-paniwala. Naengkanto lang ba ako? Juicecolored! Huwag naman po sanang may mapa-ibig akong engkanto! Okay lang sana kung Gods, ‘e. Like Cupid. Ahem. Si Cupid lang naman talaga ang choice ko sa mga Gods. I’m not into gors, you know. Kung mapapa-ibig ko man si Cupid... That’s mean na kasing ganda ko si Psyche. Havey! Pwede ring ‘mas’ pa. Edi, mas havey! Omg. Paano kung engkanto talaga si Shintaro? Tapos na-inlababo siya sa akin? Shit na iyan! Ek-ek lang talaga ‘yong manlalakbay thingy niya. Hindi talaga siya makakapag-time-travel, nagawa lang niya iyon kasi inspired siya sa akin. Siguro Prinsipe siya sa kaharian nila kaya nagawa iyon? Pero, grabi ha! Ang haba ng hair ko! Baka maglalaway na si Rapunzel!
“Aura?”
“AY KALBONG SI RAPUNZEL!” Napatalon ako at agad na napalingon sa nagsasalita. Si Shintaro.
Asan na si Riri? “Asan ako?” Nilibot ko ang paningin at napabuntong hininga nang malamang papalapit ako sa abandonadong building. “Anong ginagawa ko rito?” Naguguluhan ko pang tanong.
Napakamot siya ng ulo. “Ewan ko. Sinasabayan lang naman kita sa paglalakad at baka mapano ka. Mukhang malalim pa naman ang iniisip mo... Sobrang lalim pala talaga. Teka... sino si Rapunzel?”
Iwinagayway ko ang aking isang kamay. “Wala! Wala! Napalalim lang talaga ng sobra ang pag-iisip ko. Huwag mo ng isipin si Rapunzel. Naputol na ang buhok nun kaya ‘di ka masasagip kapag nalunod ka.”
“Ha?” Napakunot ang noo niya saka lamang nag-sink in sa akin ang mga sinasabi ko.
Ano bang pinagsasabi ko sa Prinsipeng engkantong ito?
“Sabi ko, ang ganda ko!” Saka ko siya tinalikuran. Hindi pa ako nakalayo nang mapagtanto kong siya pala talaga ang pakay ko kaya naiwala ko si Riri. Hinarap ko ulet siya. “Engkan- Ay, este! Shintaro! Pwede mo bang ayusin ang utak ko? Ginugulo mo kasi ‘e.”
Napahalakhak siya. Anong nakakatawa?
“Sus! Ako pala ang dahilan kung bakit malalim ang iniisip mo. Tsk. Iba na talaga ‘pag gwapo!”
“Oy.” Mas humalakhak siya.
Napasimangot ako. Baliw pala ang totoong Shintaro Terrano.
“ENGKANTO ka ‘no?” Nasamid siya ng kanyang laway sa unang tapon ko ng tanong pagka-upo namin sa lilim ng puno sa likod ng abandonadong building. Tahimik pala dito. Nakakarelax saka ‘di pa mainit. Napatitig naman siya sa akin. “Ito na nga ba ang kinatatakutan ko!”
Magwawala na sana ako nang marahan niyang hinila ang pisngi ko palayo sa isa’t isa. Agad kong tinapik ang kamay niya at kumawala sa kanya. Aray ha, ang sakit. #CuteProblem
“Pfft!” Nakakainis na simula ng tawa niya. “Engkanto?! Ginawa mo akong engkanto?!”
Tinakpan ko ang bibig niya at pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Tinatawag mo ba ang mga kalahi mo?”
Ibinaba niya ang kamay ko. “Ano ka ba? Panakot lang ‘yan. There’s no such thing like that.”
“Ano ka nga? Ang gulo mo ‘e!”
Napabuntong hininga siya. “Can I trust you then?”
Pansin ko lang, kanina pa siya english ng english! Pa-sosyal ang kumag!
Tumango ako sabay kindat sa kanya.“Opkors!”
“Magtanong ka. Hindi ako mind reader! Abusado!”
Napangiwi ako. “Sige, fine. Tao ka ba?”
“Tanga ka ba?” Kung maka-tanga, bes.
“Gago ka ba?” Balik tanong ko kaya napaayos siya ng upo.
Madadala ka naman pala eh.
“Oo, tao ako. Hindi ngalang ako normal kagaya ninyo.”
“So, abnormal ka?”
Napabungisngis ako saglit nang tumango siya. Gago! Abnormal nga! Ngumisi pa ang damuho.
“Enjoy ka talaga, ano po?” Tumango ako. Napailing nalang siya at itinuloy na ang kanyang storytelling. “Hindi kami ordinary kagaya ninyo. Tinatawag kaming traveler ‘o manlalakbay. Mas mataas ang mga anghel ng langit sa amin. Sila ay nagbibigay sa amin ng trabaho. Kung anong iniuutos nila, ay galing rin sa iniuutos ng ating Diyos. Past, present and future… Kahit saang lugar, kahit anong oras... Kaya naming baguhin...”
Napanganga ako. Life changer... Ano kaya ang mangyayari sa akin sa hinaharap? “Shintaro, bakit ginagawa mong weirdo ang sarili mo? Alam mo ba na ang gwapo mo?”
Napasimangot ako. Leche. Napuri ko pa ang isang abnormal na tao. “Alam ko, seyempre. Tinitingnan ko lang kung may papansin ba sa akin kahit nilalayuan ako ng ibang tao. I’m observing... At ikaw ang unang pumansin sa akin, Aura.”
“Hindi lang ako ang nakapansin sa iyo. Halos lahat nakapansin sa iyo...”
“Napansin nila ako bilang nakakatakot at nakakadiring weirdong tao. Hindi nila ako kinakausap gaya ng ginawa mo...”
Ow? “Napansin lang naman kita ng dahil sa points.” I honestly said.
“Alam ko.” Ngumiti siya sa akin.
Anong meron sa ngiti niya at parang kinakabahan ako? May ibig sabihin ba iyon? “H-Hindi ka ba natatakot na baka ibenta ko ang existence mo sa media?” Alam mo ‘yon? Mga kababalaghang libro. Mga ‘di normal na tao.
“Do that. Walang maniniwala sayo, Aura… If I were you, I’d never do such a thing like that. Lalo na’t pinagkakatiwalaan ako ng tao.” Umiling-iling siya at tiningnan ako ng matamam.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Sige na. Baka nga ‘e, ‘di ba? Baka lang. Kung makakonsensiya ka, todo! Tsk!” Nakakaasar.
Ang Pumapatay~*~*~*~MUNTIKna akong mahulog sa kama sa kakapalit ko ng pwesto. Nahihirapan ako sa pagtulog lalo na’t buhay na buhay pa sa isipan ko ang sinabi ni Shintaro. Anong alam niya at parang kinakabahan ako sa bawat salita niya? Bakit parang ang laki ng tiwala niya sa akin at sinama niya pa ako sa paglalakbay niya? Ganito na ba talaga ako kaganda at naakit ko nalang siya ng basta-basta? Alam naman pala niyang dahil lang sa points kaya ko siya kinausap pero... Wala akong idea bakit! Nakakainis!“Ate! Magpatulog ka nga ng mahimbing!” Reklamo ng kapatid ko sa akin.“Heh! Matulog ka nga diyan ng mahimbing!” Ginugulo mo pa ako eh ang laki na nga ng problema ko sa utak!Sinabi ni Shintaro sa akin na bago niya napagdesisyonang tulungan ako, pinuntahan muna niya ang hi
Si Shintaro Terrano ~*~*~*~ “AURA, may problema ka ba?” tanong sa akin ni Eliz. Niyakap ko siya agad pagkakita ko sa kanya. Nagtataka man, sinuklian rin niya ang yakap ko. Suminghot pa ako. Naiisip ko kasing hindi ko ito nagawa noon bago siya nawala. “Wala, na miss lang kita!” Natawa siya. “Nagkatabi pa tayo kanina sa room ah! Pinakita ko pa nga sa iyo ang picture ng isang kabaong na Hello Kitty painted!” Buo pa sa alaala ko iyon. Sinabi niyang bibili siya ng ganon kapag yayaman siya.“Eliz...” “Hmm?” Humiwalay na ako ng yakap sa kanya at ngumiti. Pinunasan ko rin ang aking basang pisngi nang dahil sa luha. “Makinig kang mabuti. Huwag mong isiping walang nagmamahal sa iyo kasi nandito lang kami. Mahal ka namin... Patawarin mo sana kami kung nai
Heartbreak ~*~*~*~ KINABUKASAN hindi pa tumilaok ang manok, gising na ako. Oh, buhay. Kay hirap ‘pag may kaaway! Kailangan kong makapunta ng maaga sa paaralan. Kasi kung hindi ko gagawin iyon, tiyak na makakasalubong ko si Shintaro sa sakayan. Huli pa naman namin iyong pag-uusap, alangan namang may kasunod pa? Tsk. Bahala siya sa buhay niya. Ako na nga lang itong nag-iisa niyang kaibigan ‘e umaariba pa ang kasungitan niya. “Oh, Triz, okay lang namang makitulog ka sa boyfriend pero kailangang magpaalam. Paano ‘pag pinatay ka? Sinong makakaalam sa pumatay sa iyo, ha?” Umirap ako nang marinig na naman ang simulang umaga ni Inay. “Ma! Hindi ko nga boyfriend! Naubusan ng masakyan kaya nakitulog ako…” Inis kong sagot. Pagkatapos kong kumain ng agahan ay dumating na ang bunso kong kapatid. Ma
Burst~*~*~*~PAGKARATING ko sa aking kwarto ay agad akong nakatulog nang dahil sa pagod. Napagod ako sa kadahilanang iniyakan ko ang taong napagod rin sa akin. Na-drain na lahat ng energy ko kasi inubos ko sa pang-isahang iyak ang sakit na iyon. Lagpas alas diyes ng gabi nang muntik akong mahulog sa kama. Inayos ko nalang ang aking sarili at lumabas ng silid.Hindi ko kinausap si Shintaro kahit panay ang kakasunod niya sa akin. “May boyfriend ka pala?” Ang tinanong niya sa akin kanina. Hindi ko siya sinagot habang nagpapatuloy naman siya. “He talked to me. Ako lang daw ang malalapitan niya upang tulungan ka. Did he mean about dragging you away from him? Iyon ba ang hiningi niyang tulong?” Umigting na ang panga ko pero nagpipigil parin ako. Papanindigan ko. Hindi ko siya kakausapin! “He’s heartless, huh. He br
Team Shin ~*~*~*~ NAGKUMPULAN ang mga estudyante sa labas ng aming classroom. Tinitingnan nila ako at pinag-uusapan habang diretso ang aking mga mata sa whiteboard na nakikinig sa guro. Iritado akong bumaba sa kotse ni Austin kanina kasi pinipilit niya pa akong ihatid. Inaasar niya pa ako na hindi raw bagay ang get up ko sa pampublikong sasakyan! Kagaya ng mood ko kanina ay iritado narin ang aming guro sa bulong-bulongan sa labas. Tumingin si Mrs. Torre sa akin. “Diaz, bakit hindi ka muna lumabas upang kausapin ang mga fans mo na class hour ngayon at nakakaistorbo sila!” Tumikhim ako. “With all due respect Mrs. Torre, but I cannot tell them what to do with their lives. It’s their choice, and I won’t shoo them because they have disturbed the class. Though,” Sumulyap ako sa nakikinig sa labas. “If they are educated eno
Bisita~*~*~*~BINATUKAN ko si Riri nang literal siyang ngumanga pagkakita sa kapatid ko. Ngumuso siya at tumitig ulit kay Austin na ngayon ay papalapit sa amin. “Sayang, ngayon ko lang nakita ang kuya mo...” Binatukan ko ulit siya. Ngayon, mas malakas kaya asar siyang tumingin sa akin.“Baby brother ko ‘yan, uy!” Sabi ko. “Tsaka, anong nakita mo sa damuhong iyan? Trust me. He’s the worst nightmare!” Kutya ko pa.Kumunot naman ang noo ni Tin pagkarinig no’n. Tuluyan na siyang nakarating sa harapan namin. “Hi, baby,” Ngali-ngali ko siyang batukan nang marinig iyon. Hinalikan niya ako sa noo bago siya lumingon kay Erich. “What’s the name, beautiful?”“Austin Benjamin! What are you doing here?” ‘Wag mong la
Team ShinRa ~*~*~*~ NAKAHINGA ako ng maluwag nang hindi namin nakasalubong si Shintaro sa back door. Kailangan pa naming dumaan sa makitid na daan bago talaga makarating sa kalsada. Sana naman ‘di na niya ako hinintay. ‘Wag sana siyang umasa na sasakay ako sa kanya. Excuse me, ayaw ko siyang makasama. Never! “Dito, Aura!” Sigaw ni Riri nang muntik na akong mawala. Hinihingal na ako sapagkat tumakbo kami. First time kong dumaan dito at ewan ko lang sa tatlo. Hindi ako backdoorista, ‘di kagaya ng tatlo. “Malayo pa ba?” Tanong ko. Kanina ko pa gustong makaalis pero ang tagal ng oras. Ang oras kapag hinihintay, bumabagal. Nilingon naman ako ni Jev. “Malapit na. Kalsada na ang tungo niyan,” sabay turo niya sa kaliwa. Tumango ako at sumunod sa kanila. Nang malapit na kami
Naghintay pala… ~*~*~*~ “MA, nakaalis na po ba si Austin?” Sinundan ko si Mama sa kitchen upang tulungan siyang kumuha ng pagkain. “May pabaon po ako sa kanya,” “Oh, ano naman ‘yon at ng maipadala na natin.” Ngumisi ako. “Isang batok po sana...” Natigilan si Mama at mataman niya akong tiningnan. Ngumiti siya. “Sus, mabuti iyong ginawa niya at mukhang mabait naman na bata si Shintaro at gwapo pa. Tapos kaibigan mo pa, naku, baka naman nanliligaw ‘yan sa’yo, Triz.” “Ma naman! ‘Di po,” “Kapag manligaw, sagutin mo agad, ah,” Juicecolored! Ika nga niya, isa siyang time-traveler! Ayaw ko naman ‘yong umaalis ang asawa ko papunta sa ibang oras. Ay naku, manliligaw lang, Au! Manliligaw, hindi asawa! “Malayo po sa realidad, Ma,” Sagot k
Not Bad~*~*~*~HABANG pinagmamasdan ko sina Jev at Letty na naglalambingan, si Riri na nang-aasar sa akin habang naliligo sa pool at sina Mama at Papa na parang batang nagtatalo habang nag-iihaw, alam kong naging mabuti ang takbo ng plano na tinuloy nila para sa akin. Masaya ako kasi sa kabila ng lahat, ganito na kami. Sa lahat ng iyak, takot at saya ay magkakasama parin kami.Hindi na muna bumalik si Austin pero tumawag naman siya kanina. Sinabi niyang maganda ang pinagbabakasyonan niyang lugar. Though, hindi niya sinabi kung nasaan talaga siya. Naalala ko pa 'yon sa plano ko, mawawala siya at tutulungan ako ni Shintaro na mahanap siya upang magkalapit kami. Nakakatawa na nangyari nga iyon at sobrang kinabahan ako. Hindi ko na talaga uulitin ang ganun, nakakamatay pala sa kaba.Pero sa t'wing maaalala ko ang mga pangyayari
Smitten~*~*~*~SINABI ko na kay Shintaro ang tungkol kay Drake. Nagulat siya pero wala na siyang magawa. Nakakapagdesisyon na ako na hindi na itutuloy ang plano. Ang tanging matutuloy ay ang pag-inom ko ng gamot upang makalimot.“Ayaw mo na ba talagang makilala ang isang weird na time-traveler na si Shintaro Terrano? Baka magsisi ka. Minsan mo na nga lang akong makikitang weird tapos hindi pa matutuloy? Tss. Pinapaalis mo pa ako. Akala ko ba si David lang ang kakalimutan mo?” Nakasimangot na tanong niya.Napailing ako at bahagyang napangiti. “Magpakilala ka nalang ulit sa akin. Sa ngayon ay bumalik ka na muna sa dati mong buhay. Nagpapasalamat ako kasi nandito ka parati para sa amin Shintaro pero sasabihin ko sayo, hindi lang sa amin, sa akin umiikot ang mundo mo. May buhay ka rin na dapat mong alagaan. Hi
Emosyon~*~*~*~NAGISING ako nang maramdaman ko ang paninitig sa akin ng kung sino. Napabalikwas agad ako ng bangon. Nasa kwarto ako! Bakit narito si Shintaro? Nang makita ko ang takot sa mga mata niya ay saka ko napagtantong ako ang dahilan kung bakit siya nandito sa kwarto ko. Kung bakit katabi ko siya sa kama ko.“B-Bakit hindi ka natulog?” Nauutal na bulong ko.Nanatili siyang nakahiga habang nakayakap sa aking bewang ang kanyang braso. Napagpasyahan ni Mama na samahan ako ni Shintaro ngayong gabi. Ayaw sana ni Papa pero dahil sa ginawa kong stunt kanina habang yakap ako ni Shintaro ay sobrang nagpakaba sa kanila. Nabahala sila na baka may gagawin na naman akong ikapapahamak ng sarili ko. Si Jev ay nasa kwarto ni Austin samantalang sina Riri naman at Letty ay magkasama sa guest room.Pina
Segundo~*~*~*~PARANG kahapon lang ang mga alaalang bumalik sa akin. Parang kahapon lang na sobra akong nasaktan. Sa kabila ng kalaliman ng gabi, pinaharurot ko pabalik sa amin ang sasakyan. Hindi ako pinayagan ng tatlo pero nagmamatigas ako. Gusto kong makausap sina Mama. Gusto ko silang makausap tungkol sa lahat ng nangyari. Gulong-gulo na ang utak ko at hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanila pagkauwi ko. Hindi ko na inabala pang punasan ang sariling luha.Sobrang pamilyar ng eksenang ito. Nagpapatakbo ako ng kotse habang umiiyak. Sumagi sa isip ko ang ibangga nalang itong kotse sa kung ano. Ayaw ko na. Sawang-sawa na ako sa lahat ng ito! Si David. Bullshit. Si David! Ilang mura na ang nasabi ko at ilang suntok na ang binigay ko sa manibela.Wala na akong pakialam kung makaabala ako ngayon sa iba na bumibyahe rin katulad ko. A
Binalikan~*~*~*~MAY nararamdaman akong humaplos sa mukha ko kaya unti-unti akong nagmulat. Sinalubong ako ng malungkot na ngiti ni Mama. Iaangat ko na sana ang sarili ko nang pigilan niya ang aking braso at siya ang humiga sa aking tabi. Nasulyapan ko ang laptop at nasa study table ko na ito.“Ang lahat ng ayaw kong makita sa'yo, Triz.. Ang umiiyak ka. Kaya kahit labag man sa kalooban ko, sinusuportahan kitang kumalimot. Ayaw kong araw-araw kang nasasaktan.” Malumanay na wika niya.Tumagilid ako at iniyakap kay Mama ang aking braso. Sumiksik ako sa kanya na parang bata. Ako ang panganay na anak pero sa t'wing magkakasama kaming apat, parang ako pa 'yong baby sa kanila. Lalong lalo na kay Austin. Minsan ay itinuturing niya akong bata.“Kapag 'di ko po 'to maiiyak, baka ano na ang nangy
Cheat~*~*~*~NAGING mahimbing ang tulog ko nang dumating ang gabi. Tinigil muna namin ang brainstorming. Ayaw kong matuyo ang utak ko. Ang hirap pala nito. Tinulungan nila akong lahat. Hindi lang ako ang naghihirap, pati narin pala sila. Tinulungan nila ako kasi mahal nila ako.Nagpabili ako ng bagong cellphone kay Mama. Iyong mga gamit ko na nakakapag-alala sa akin kay David ay tinago ko narin. Tsaka ko na gagamitin ang bagong cellphone ko kapag mainom ko na ang capsule. Binilin ko naman kay Mama na siya na ang magtatago ng magiging dati kong cellphone.Ayaw ko kasing magkaroon ng ebidensiya sa planong ito pagdating ng panahon. Pagkagising ko ay masigla kong inunat ang aking kamay at paa. Bukas pa kami ‘magme-meeting’ ulit kaya iba ang gagawin ko ngayon. Kinuha ko ang aking cellphone at tinitigan ko ang mukha n
Plano~*~*~*~GUSTO kong matawa sa sarili ko. Sobrang imposible ng gusto kong mangyari. Walang makakagawa ng ganoon. Malayo sa realidad ang gusto kong gawin nila. Okay sana kung totoo talaga ang time-traveler, time-machine at iba pa. Oo nga, walang kasiguraduhan kung totoo ba ang mga iyon 'o hindi.May tiwala naman ako sa sarili ko. Noong nagsunog ako ng kilay makaisip lamang ng magandang plano, hindi ako nagdadalawang isip na isali ang mga ito. In fact, matagal ko nang gawin ang mga ito. Gusto kong i-relate sa totoong buhay.Nanlaki ang mga mata ni Letty. Nakaawang narin ang labi niya. Kulang nalang ay pasukan ito ng langaw. “Waaah! Gusto ko 'yan, Aura! Sige, deal ako diyan!” Mangha niyang sigaw.Natawa ako. Alam ko ang iniisip niya. Iniisip niyang para silang time-traveler kasi malalaman na
Organizing Events~*~*~*~“SURE ka ba dito?” Tumango siya. “Baka ito ang ikamamatay ko, Shin-”“Taro.” Putol niya. Ngumisi ako.Simula bata pa kami ay ayaw na niyang tawagin ko siyang Shinshin. Gusto kasi niya noon ay Shintaro kasi binata daw pakinggan. Excited na excited siyang lumaki!Nasa kamay ko na ang capsule na binigay niya sa akin. Ang capsule daw na ito ay ginawa para sa mga taong gustong kumalimot. Makakabura raw ito ng mga alaala. Lalong lalo na iyong mga alaalang masakit.Pero, hindi ba, mas masakit isipin iyong masasayang alaala? Lalo na kapag hindi mo na makikita sa physical ang taong kasama mo sa alaalang iyon. Napalunok ako at muling tumitig sa kapsula. Kakalimutan na ba talaga kita, David?Nagtaka si Mama
Sorry~*~*~*~KAGAYA ng nakagawian, inimbitahan na naman ni Mama ang kaibigan ni Austin pagsapit hapunan. Shintaro.. Ang pangalan niya. Pero ayaw ko siyang tawagin sa pangalan niya.“Ako na po dito, Mama..” Sinabi ko nang magsimula na siyang magligpit. Natigilan saglit si Mama pero nginitian ko nalang siya. “Kaya ko na po ito. Lagi nalang po ninyong ginagawa ito.”Tumayo rin ang kaibigan ni Austin. “Tutulungan ko nalang po siya, Tita…” Presinta niya. Napaawang ang labi ko. Nakita ko pang ngumisi si Austin bago ito magpaalam sa hapagkainan.Nagdadalawang isip pa si Mama pero maya-maya ay ngumiti siya. “Sige.. Maiwan ko na kayo.Nagsimula na akong magligpit at hindi ko na pinansin ang aking kasama. Iniba ko ang kutsara’t tin