Share

5 Seconds

Author: AI Ragas
last update Last Updated: 2021-10-01 22:03:47

Heartbreak

~*~*~*~

KINABUKASAN hindi pa tumilaok ang manok, gising na ako. Oh, buhay. Kay hirap ‘pag may kaaway! Kailangan kong makapunta ng maaga sa paaralan. Kasi kung hindi ko gagawin iyon, tiyak na makakasalubong ko si Shintaro sa sakayan. Huli pa naman namin iyong pag-uusap, alangan namang may kasunod pa? Tsk. Bahala siya sa buhay niya. Ako na nga lang itong nag-iisa niyang kaibigan ‘e umaariba pa ang kasungitan niya.

“Oh, Triz, okay lang namang makitulog ka sa boyfriend pero kailangang magpaalam. Paano ‘pag pinatay ka? Sinong makakaalam sa pumatay sa iyo, ha?” Umirap ako nang marinig na naman ang simulang umaga ni Inay.

“Ma! Hindi ko nga boyfriend! Naubusan ng masakyan kaya nakitulog ako…” Inis kong sagot.

Pagkatapos kong kumain ng agahan ay dumating na ang bunso kong kapatid. Malaki pa ang ngisi niya sa akin. “Ate, who’s that mad man Ma talked about? Give it a name already. ‘O gusto mo lang talagang tawagin siyang ‘boyfriend mo’?” Tapos mas lumaki pa ang ngisi niya. Lumapit naman ang aming ina sa kanya at tinapik siya sa balikat.

“Kumain ka na, Tin. Ihahatid mo pa ang ate mo...” Aniya.

Suminghap ako. “Ma naman, ‘e! Kaya ko pong mag-jeep!”

“What’s the use of car?” Padabog akong tumayo at kinuha ang aking bag. Sinapok ko pa si Tin bago ako tuluyang umalis. “Ate!” Tawag pa niya. “Bahala ka na nga!”

Nagmamadali ako sa paglalakad kasi kung hindi, maabutan ako ng sasakyan. Alam kong walang pasok sina Tin ngayon. Hindi naman siya magpe-presinta kung meron ‘e. Habang nagmamadali ako sa paglalakad ay narinig ko ang tunog ng makinang paparating. Malapit na ako sa waiting shed nang bumusina ito at inilabas ng driver ang kanyang ulo. “Ate, lagot ako kay mama ‘pag ‘di kita naihatid!” Tin shouted.

Mabigat ang hakbang ko habang patungo sa waiting shed. “Kaya ko ang sarili ko! Wala akong boyfriend kaya ‘wag mo na akong ihatid!” Sa kabila ng inis ko ay humalakhak lang siya.

“Fine,” Mamaya ay sagot niya habang nakasunod parin sa akin. Naramdaman ko naman  ang pagliko ng sasakyan pabalik at bago ito tuluyang lumiko ay tinawag niya ulet ako. “Just take care of yourself. I love you, bye!”

“Sige na,” wika ko. Kumaway ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Saktong paparating ang jeep na maluwag kaya hinintay ko na lamang ito. Iaangat ko na sana ang sarili ko nang may humawak sa aking bewang at tinulungan ako. Tiningnan ko kung sino ‘yon at agad akong nagsisi nang makita ko ang malamig na mga mata ni Shintaro. Umupo ako sa gilid ng pintuan at napalunok na lamang nang maramdaman ko ang braso niyang dumidikit sa akin. Bullshit.

GAYA ng madalas naming nakikita, nakayuko si Shintaro sa ‘di niya matapos-tapos na libro. Alam kong alam niya na tumatagos ang masama kong tingin sa utak niya. Halos maputol ko na ang lapis na aking hawak-hawak nang dahil sa inis. Nakakainis kasi simula noong nasa jeep kami hanggang dito sa classroom ay ‘di niya talaga ako pinansin. Parang ‘di niya ako kilala, samantalang magkakalapit-bahay kami.

“Para sayo raw, Aura,” May inilagay na nakatuping papel si Erich sa mesa ko. Hindi ko na sana ito papansinin nang makita ko ang mga hearts na drawing. Napakamot ako ng ulo. “From your admirer with love…” Ngumisi siya.

Agad namang nagsilapitan sina Letty at Jev sa akin nung marinig iyon. “Dali na,” Utos nila. Mas napakamot ako ng ulo. Muntikan ng mawala sa utak ko si Edison. Mabuti nalang rin at hindi na kami magkaibigan ni Shintaro. Magseselos kasi siya kapag may kinakausap akong iba. Though, hanggang selos lang. Pero ayaw ko namang sumasama ang loob ng tao sa akin.

Bumuntong hininga ako bago ko binuksan ang papel.

Gusto kitang makausap. 12pm.

-Ed

Isang hawak sa aking braso at nagising na ang aking diwa. Napatingin ako kay Jev at kita ko ang pagtaas ng kanyang kilay, nagtatanong. He’s gay but still, he looked so handsome. Kaya alam ko kung bakit ganon nalang ang pagtago ng tingin ni Letty sa kanya. Huminga akong malalim at kinagat ang aking labi. “Anong oras na?” Tumikhim si Letty at kinuha mismo galing sa aking kamay ang maliit na sulat.

“It’s eleven, forty-six,” Sagot ni Riri. Tumango ako at inihanda ang aking sarili.

Galing sa sulat ay bumaba ang tingin ni Letty sa akin. Kumunot ang kanyang noo. “Saan naman kayo magkikita?”

“Sa puno, malapit sa ilog…” Sagot ko.

Pinatay ko lang ang oras sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan sa kanila. May iba naman akong kaibigan pero sila ‘yong pinaka-close ko talaga. Nang limang minuto nalang bago mag-alas dose ay pinatayo na ako ni Riri at pinagtutulungan nila akong tinulak palabas sa pintuan. Isa-isa ko lang silang inirapan bago ako nagpaalam.

Sa labas ng paaralan kami magkikita ni Edison. Kapag kasi gumagala kami ay hindi namin kinakalimutang magpahinga sa lugar na iyon. Si Edison Villanueva ay hindi lang basta-basta sa paaralan namin. Galing kasi siya sa mayamang angkan at isa ang pamilya niya sa pinakamayaman dito sa aming lugar. Hindi ko nga alam kung bakit niya pinili ang public ‘e kaya naman nila siyang ipasok sa pribadong paaralan. Siya ang pinakasikat sa paaralan namin. Marami ang may gusto sa kanya at dahil doon marami rin ang may ayaw sa akin. Pero mas marami ang may gusto sa kanya na may gusto ring magkatuluyan kami. Ang labo, ‘no? Hindi lang naman siya mayaman kaya siya sikat. Sikat siya kasi nasa kanya na ang total-package na hinahanap ng mga dilag sa isang Adonis. Mayaman, matalino, maganda ang tikas, masiyahin, mabait at sobrang guwapo.

“Au,” Speaking of guwapo. Agad niya akong sinalubong ng yakap pagkakita sa akin. Segundo lang ang yakap na iyon. “Akala ko ‘di ka makakarating ‘eh. Kumain ka na ba? May dala akong pagkain. ‘Lika ubusin muna natin ito.”

Nginitian ko siya at lumagpas ang mga mata ko sa mga pagkain na nakalatag sa carpet. Nanlaki ang mga mata ko pero agad kong niliit iyon. Binalik ko ang tingin sa kanya. “Ang dami naman niyan. Anong meron?”

Hindi na ako nag-antay na paupuin niya ako. Kusa na akong lumapit sa carpet at doon umupo. May dalawang basket roon na alam kung pinaglalagyan ng mga pagkain. Kumuha ako ng dalawang plato na nilagyan ko ng naka-mix na prutas, naka-packed na sandwich, at spaghetti. Nakatitig lamang siya sa akin habang inabot ko sa kanya ang isa. “Kumain ka na.” ‘Di parin siya kumibo. Napailing ako at ‘di ko napigilan ang pagkawala ng tawa sa aking labi. “Ed,”

“S-sorry,” Tikhim niya. “Ang ganda mo kasi,”

“Alam ko...” Sinabi ko nalang at mas itinaas ang isang plato na para sa kanya.

Tumango-tango siya at sa mga oras na ito, kinuha na niya sa kamay ko ang plato at inimbitahan ang sarili sa pag-upo. Nagsimula na akong kumain at alam kong bawat subo niya ay sinusulyapan niya ako kaya pabiro ko siyang inirapan na tinawanan niya lang. “Ed,” Tawag ko ulit sa kanya. Tinaas naman niya ang isang kilay. “Bakit mo ako gustong makausap? Anong pag-uusapan natin?”

Saglit siyang natigilan. Napakagat-labi ako nang makita ko ang dumaang ibang emosyon sa kanyang mga mata. Hindi ito pagkatuwa. Kundi galit. Galit nga ba? ‘O baka naman guni-guni ko lang iyon? Bihira lang magalit si Edison. Iyong mga oras na nagagalit sa akin ay iyong mga panahong muntik na akong malunod sa field trip namin. Iyon ang una at huling beses ko siyang nakitaan ng galit. Alanganin siyang ngumiti. “Kumain ka na muna.” Aniya.

“Okay,” Sagot ko nalang.

Ang biglaang seryosong atmosphere ay nawala. Ibinaba niya ang pinagkainang plato at ngumiti sa akin ng nakakaloko. Kinunotan ko lang siya ng noo. “Anong mas mabigat, isang toneladang ginto, o isang toneladang piso?”

Mas kinunotan ko siya ng noo sa kanyang tanong.

“Syempre, ginto!” Presko kong sagot.

“Talaga?”

‘Di ko napigilan ang aking pag-irap sa kanya. Ang tigas ng bungo! “Oo! Paano bumigat ang isang toneladang piso, eh isang tonelada lang siya? Edi ba ‘yong ginto-” Isang tonelada rin? Napatigil ako at ngumuso. “P-parehas lang pala…”

Mukha namang nasiyahan si Ed kasi napatawa siya ng malakas. Kumati ang kamay kong batukan siya pero inirapan ko na lang. Nang makita niyang seryoso ako ay tumigil siya at tinakpan ang kanyang bibig. Pinipigilan ang pag-alpas ng kanyang halakhak na nanggaling sa kanyang tiyan. Tumikhim siya ng malakas at ipinakita na sa akin ang kanyang malaking ngiti na naroon. Kinuha niya ang kamay ko at nabigla ako nang dalhin niya ito sa kanyang dibdib kung saan nakatira ang kanyang puso. Sumeryoso ang kanyang mukha bago siya yumuko. “Mahal kita... Sobrang mahal kita, Aura.”

“E-Ed…”

“Alam kong wala akong pag-asa sa 'yo. Pero itinuloy ko parin. Sabi ‘ko, okay lang, mamahalin rin ako ni Aura. Hindi ako titigil kahit makailang ulit na niya akong sinabihan na tumigil. Kasi nga... mahal kita. Kahit anong mangyari, hindi ako titigil. Walang sukuan.” Humigpit ang kapit niya sa kamay ko. “Gustong-gusto ka ng pamilya ko. Maski sila ay tutol sa d-desisyon kong ito…”

“A-Anong desisyon?” Hinawakan ko rin ang kamay niya. Napakalamig nito.

“Pumayag ako sa alok ng business partner ni daddy… M-Mahal kita pero ipapakasal ako sa iba. Mahal kita pero pagod na ako... Ayaw na kitang mahalin. Kailangan ko ring mahalin ang sarili ko…”

Nanginig ang mga kamay ko nang dahil sa mga naririnig ko sa kanya. “Mahal mo ako, Edison... Please, ‘wag kang sumuko. Hindi ka susuko, pinangako mo ‘yan!” Pumiyok ang boses ko at  nagsilandasan ang mga luha sa aking pisngi. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya. Hinawakan ko ito ng may pwersa. “Ed, nagbibiro ka lang, ‘di ba? Ed, mahal rin kita… Matagal na kitang mahal, ano ba!”

Umiling siya at tumayo. “Patawad,” Pinatakan niya ng magaan na halik ang aking noo. “Huli na. Bakit ngayon mo lang 'yan sinabi? Aura, alam kong nabigla ka lang ngayon… H'wag mong pilitin ang sarili mong mahalin ang taong hindi mo mahal.”

“Pero mahal kita...”

“Ibang uring pagmamahal ang meron ako sa’yo... Alam kong ganun ka rin. Hindi mo ako mahal bilang mas higit pa sa pagkakaibigan…”

Mas humagulhol ako sa pag-iyak habang inulit-ulit bigkasin ang mga katagang mahal ko rin siya. Mahal ko siya at sobrang huli na nang pinaalam ko. Magpapakasal na siya at hindi ako ang babaeng papakasalan niya.  Ang sakit. Bakit ba kasi ang duwag ko? Noong mga oras na mahal pa niya ako, bakit ‘di ko man lang pinaramdam? Mas maigi kung sinabi ko sa kanya nang mas maaga. Nagpatuloy ako sa pag-iyak at hindi ko na matingnan  ng maayos ang nasa aking harapan. Hindi ko narin napagsino ang kinausap ni Ed sa lugar na ito nang may tinawag siya. “Salamat at nandito ka. Ikaw na ang bahala sa kanya, Terrano.” Ang huli niyang sinabi.

AI Ragas

For those who reads this book. Thank you so much. I know it is not that good but I'll try my best for y'all.

| Like

Related chapters

  • Every Second Count   6 Seconds

    Burst~*~*~*~PAGKARATING ko sa aking kwarto ay agad akong nakatulog nang dahil sa pagod. Napagod ako sa kadahilanang iniyakan ko ang taong napagod rin sa akin. Na-drain na lahat ng energy ko kasi inubos ko sa pang-isahang iyak ang sakit na iyon. Lagpas alas diyes ng gabi nang muntik akong mahulog sa kama. Inayos ko nalang ang aking sarili at lumabas ng silid.Hindi ko kinausap si Shintaro kahit panay ang kakasunod niya sa akin. “May boyfriend ka pala?” Ang tinanong niya sa akin kanina. Hindi ko siya sinagot habang nagpapatuloy naman siya. “He talked to me. Ako lang daw ang malalapitan niya upang tulungan ka. Did he mean about dragging you away from him? Iyon ba ang hiningi niyang tulong?” Umigting na ang panga ko pero nagpipigil parin ako. Papanindigan ko. Hindi ko siya kakausapin! “He’s heartless, huh. He br

    Last Updated : 2021-10-02
  • Every Second Count   7 Seconds

    Team Shin ~*~*~*~ NAGKUMPULAN ang mga estudyante sa labas ng aming classroom. Tinitingnan nila ako at pinag-uusapan habang diretso ang aking mga mata sa whiteboard na nakikinig sa guro. Iritado akong bumaba sa kotse ni Austin kanina kasi pinipilit niya pa akong ihatid. Inaasar niya pa ako na hindi raw bagay ang get up ko sa pampublikong sasakyan! Kagaya ng mood ko kanina ay iritado narin ang aming guro sa bulong-bulongan sa labas. Tumingin si Mrs. Torre sa akin. “Diaz, bakit hindi ka muna lumabas upang kausapin ang mga fans mo na class hour ngayon at nakakaistorbo sila!” Tumikhim ako. “With all due respect Mrs. Torre, but I cannot tell them what to do with their lives. It’s their choice, and I won’t shoo them because they have disturbed the class. Though,” Sumulyap ako sa nakikinig sa labas. “If they are educated eno

    Last Updated : 2021-11-05
  • Every Second Count   8 Seconds

    Bisita~*~*~*~BINATUKAN ko si Riri nang literal siyang ngumanga pagkakita sa kapatid ko. Ngumuso siya at tumitig ulit kay Austin na ngayon ay papalapit sa amin. “Sayang, ngayon ko lang nakita ang kuya mo...” Binatukan ko ulit siya. Ngayon, mas malakas kaya asar siyang tumingin sa akin.“Baby brother ko ‘yan, uy!” Sabi ko. “Tsaka, anong nakita mo sa damuhong iyan? Trust me. He’s the worst nightmare!” Kutya ko pa.Kumunot naman ang noo ni Tin pagkarinig no’n. Tuluyan na siyang nakarating sa harapan namin. “Hi, baby,” Ngali-ngali ko siyang batukan nang marinig iyon. Hinalikan niya ako sa noo bago siya lumingon kay Erich. “What’s the name, beautiful?”“Austin Benjamin! What are you doing here?” ‘Wag mong la

    Last Updated : 2021-11-12
  • Every Second Count   9 Seconds

    Team ShinRa ~*~*~*~ NAKAHINGA ako ng maluwag nang hindi namin nakasalubong si Shintaro sa back door. Kailangan pa naming dumaan sa makitid na daan bago talaga makarating sa kalsada. Sana naman ‘di na niya ako hinintay. ‘Wag sana siyang umasa na sasakay ako sa kanya. Excuse me, ayaw ko siyang makasama. Never! “Dito, Aura!” Sigaw ni Riri nang muntik na akong mawala. Hinihingal na ako sapagkat tumakbo kami. First time kong dumaan dito at ewan ko lang sa tatlo. Hindi ako backdoorista, ‘di kagaya ng tatlo. “Malayo pa ba?” Tanong ko. Kanina ko pa gustong makaalis pero ang tagal ng oras. Ang oras kapag hinihintay, bumabagal. Nilingon naman ako ni Jev. “Malapit na. Kalsada na ang tungo niyan,” sabay turo niya sa kaliwa. Tumango ako at sumunod sa kanila. Nang malapit na kami

    Last Updated : 2021-11-13
  • Every Second Count   10 Seconds

    Naghintay pala… ~*~*~*~ “MA, nakaalis na po ba si Austin?” Sinundan ko si Mama sa kitchen upang tulungan siyang kumuha ng pagkain. “May pabaon po ako sa kanya,” “Oh, ano naman ‘yon at ng maipadala na natin.” Ngumisi ako. “Isang batok po sana...” Natigilan si Mama at mataman niya akong tiningnan. Ngumiti siya. “Sus, mabuti iyong ginawa niya at mukhang mabait naman na bata si Shintaro at gwapo pa. Tapos kaibigan mo pa, naku, baka naman nanliligaw ‘yan sa’yo, Triz.” “Ma naman! ‘Di po,” “Kapag manligaw, sagutin mo agad, ah,” Juicecolored! Ika nga niya, isa siyang time-traveler! Ayaw ko naman ‘yong umaalis ang asawa ko papunta sa ibang oras. Ay naku, manliligaw lang, Au! Manliligaw, hindi asawa! “Malayo po sa realidad, Ma,” Sagot k

    Last Updated : 2021-11-14
  • Every Second Count   11 Seconds

    Biglaan ~*~*~*~ HATID-SUNDO ako ni Shintaro sa paaralan. Sa akin nga ang kotse pero siya naman ang nagpapa-gas. Napagkasunduan narin namin na kung may ibang lakad ang bawat isa, pwedeng magamit ang kotse. Ngayong may kailangan akong puntahan, sumama siya sa akin. Ayaw niya daw na magda-drive ako sapagkat alam niya ang history ko. Nakakainis! Kaya ko namang mag-ingat at alagaan ang sarili ko pero pumayag nalang ako. Siguro naman mapapagod rin siya sa kabaitan niya. “Ang weird mo,” Salubong ko sa kanya nang makita kong umiiwas siya sa mga tao. Sinamaan naman niya ako ng tingin bilang sagot. “Ang weird mo talaga, promise,” May napalingon na sa akin. Maraming tao ang dumadaan dito ngayon sapagkat marami ang mga naka-display na bilihan. Inirapan ko siya at tinalikuran nang hindi na niya ako pinansin.

    Last Updated : 2021-11-15
  • Every Second Count   12 Seconds

    Cold War ~*~*~*~ MAKAILANG ulit kong inuntog ang aking ulo sa unan. Alam kong nahihibang na nga ako! Imagine, nasabi ko iyon kay Shintaro? Ang desperadang tingnan! Ibang-iba ang sinabi ko sa naging reaksiyon ko. Kasi naman ehhhh. Bakit biglaan kong nasabi 'yon? Damn it! Pinatay ko naman agad ang topic at sinabi ko sa kanyang kalimutan na niya iyon. Pero parang nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Ni hindi niya ako kinausap sa sasakyan pagkauwi! Sa tingin ko, naisip niyang ginagamit ko lang siya. Sinasama na nga niya ako tapos umaabuso pa ako? Asar. Kinabukasan ay maaga kaming nagsimba ni Mama at nagmovie-mara sa hapon. Ilang ulit ko ng dinasal na sana mas humaba pa ang araw, mas humaba ang gabi nang sa gano'n ay ‘di muna kami magkita ni Shintaro! “Triz, nandito na ang sundo mo!”

    Last Updated : 2021-11-16
  • Every Second Count   13 Seconds

    Canvass~*~*~*~TAMA nga ang hinala ko. Kinuyom ko ang aking kamay upang maramdaman ang binigay na regalo ni Shintaro sa akin. Ngayon lang ako nakahawak neto kaya ako na-ignorante. “Next time, ‘wag na itong snow ang dalhin mo. Ako nalang. Sasama naman ako ‘e.” marahan kong sinabi.Presko lang siyang nakasandal sa hood ng kotse habang tamad akong pinagmamasdan. Nasa may dulo kami ng paaralan kaya walang makakapansin sa kanya kung magpapakanormal siya sa harapan ko.“Aura,” Maya-maya ay tawag niya. Inangat ko lang ang aking tingin habang dinadama ang papagunaw na snow sa aking kamay. “Kailangan mo ng tulong ko ‘di ba? I can help you, you know…”“Ha? Saan?”“About Edison… I can help you with him.&rdquo

    Last Updated : 2021-11-20

Latest chapter

  • Every Second Count   40 Seconds

    Not Bad~*~*~*~HABANG pinagmamasdan ko sina Jev at Letty na naglalambingan, si Riri na nang-aasar sa akin habang naliligo sa pool at sina Mama at Papa na parang batang nagtatalo habang nag-iihaw, alam kong naging mabuti ang takbo ng plano na tinuloy nila para sa akin. Masaya ako kasi sa kabila ng lahat, ganito na kami. Sa lahat ng iyak, takot at saya ay magkakasama parin kami.Hindi na muna bumalik si Austin pero tumawag naman siya kanina. Sinabi niyang maganda ang pinagbabakasyonan niyang lugar. Though, hindi niya sinabi kung nasaan talaga siya. Naalala ko pa 'yon sa plano ko, mawawala siya at tutulungan ako ni Shintaro na mahanap siya upang magkalapit kami. Nakakatawa na nangyari nga iyon at sobrang kinabahan ako. Hindi ko na talaga uulitin ang ganun, nakakamatay pala sa kaba.Pero sa t'wing maaalala ko ang mga pangyayari

  • Every Second Count   39 Seconds

    Smitten~*~*~*~SINABI ko na kay Shintaro ang tungkol kay Drake. Nagulat siya pero wala na siyang magawa. Nakakapagdesisyon na ako na hindi na itutuloy ang plano. Ang tanging matutuloy ay ang pag-inom ko ng gamot upang makalimot.“Ayaw mo na ba talagang makilala ang isang weird na time-traveler na si Shintaro Terrano? Baka magsisi ka. Minsan mo na nga lang akong makikitang weird tapos hindi pa matutuloy? Tss. Pinapaalis mo pa ako. Akala ko ba si David lang ang kakalimutan mo?” Nakasimangot na tanong niya.Napailing ako at bahagyang napangiti. “Magpakilala ka nalang ulit sa akin. Sa ngayon ay bumalik ka na muna sa dati mong buhay. Nagpapasalamat ako kasi nandito ka parati para sa amin Shintaro pero sasabihin ko sayo, hindi lang sa amin, sa akin umiikot ang mundo mo. May buhay ka rin na dapat mong alagaan. Hi

  • Every Second Count   38 Seconds

    Emosyon~*~*~*~NAGISING ako nang maramdaman ko ang paninitig sa akin ng kung sino. Napabalikwas agad ako ng bangon. Nasa kwarto ako! Bakit narito si Shintaro? Nang makita ko ang takot sa mga mata niya ay saka ko napagtantong ako ang dahilan kung bakit siya nandito sa kwarto ko. Kung bakit katabi ko siya sa kama ko.“B-Bakit hindi ka natulog?” Nauutal na bulong ko.Nanatili siyang nakahiga habang nakayakap sa aking bewang ang kanyang braso. Napagpasyahan ni Mama na samahan ako ni Shintaro ngayong gabi. Ayaw sana ni Papa pero dahil sa ginawa kong stunt kanina habang yakap ako ni Shintaro ay sobrang nagpakaba sa kanila. Nabahala sila na baka may gagawin na naman akong ikapapahamak ng sarili ko. Si Jev ay nasa kwarto ni Austin samantalang sina Riri naman at Letty ay magkasama sa guest room.Pina

  • Every Second Count   37 Seconds

    Segundo~*~*~*~PARANG kahapon lang ang mga alaalang bumalik sa akin. Parang kahapon lang na sobra akong nasaktan. Sa kabila ng kalaliman ng gabi, pinaharurot ko pabalik sa amin ang sasakyan. Hindi ako pinayagan ng tatlo pero nagmamatigas ako. Gusto kong makausap sina Mama. Gusto ko silang makausap tungkol sa lahat ng nangyari. Gulong-gulo na ang utak ko at hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanila pagkauwi ko. Hindi ko na inabala pang punasan ang sariling luha.Sobrang pamilyar ng eksenang ito. Nagpapatakbo ako ng kotse habang umiiyak. Sumagi sa isip ko ang ibangga nalang itong kotse sa kung ano. Ayaw ko na. Sawang-sawa na ako sa lahat ng ito! Si David. Bullshit. Si David! Ilang mura na ang nasabi ko at ilang suntok na ang binigay ko sa manibela.Wala na akong pakialam kung makaabala ako ngayon sa iba na bumibyahe rin katulad ko. A

  • Every Second Count   36 Seconds

    Binalikan~*~*~*~MAY nararamdaman akong humaplos sa mukha ko kaya unti-unti akong nagmulat. Sinalubong ako ng malungkot na ngiti ni Mama. Iaangat ko na sana ang sarili ko nang pigilan niya ang aking braso at siya ang humiga sa aking tabi. Nasulyapan ko ang laptop at nasa study table ko na ito.“Ang lahat ng ayaw kong makita sa'yo, Triz.. Ang umiiyak ka. Kaya kahit labag man sa kalooban ko, sinusuportahan kitang kumalimot. Ayaw kong araw-araw kang nasasaktan.” Malumanay na wika niya.Tumagilid ako at iniyakap kay Mama ang aking braso. Sumiksik ako sa kanya na parang bata. Ako ang panganay na anak pero sa t'wing magkakasama kaming apat, parang ako pa 'yong baby sa kanila. Lalong lalo na kay Austin. Minsan ay itinuturing niya akong bata.“Kapag 'di ko po 'to maiiyak, baka ano na ang nangy

  • Every Second Count   35 Seconds

    Cheat~*~*~*~NAGING mahimbing ang tulog ko nang dumating ang gabi. Tinigil muna namin ang brainstorming. Ayaw kong matuyo ang utak ko. Ang hirap pala nito. Tinulungan nila akong lahat. Hindi lang ako ang naghihirap, pati narin pala sila. Tinulungan nila ako kasi mahal nila ako.Nagpabili ako ng bagong cellphone kay Mama. Iyong mga gamit ko na nakakapag-alala sa akin kay David ay tinago ko narin. Tsaka ko na gagamitin ang bagong cellphone ko kapag mainom ko na ang capsule. Binilin ko naman kay Mama na siya na ang magtatago ng magiging dati kong cellphone.Ayaw ko kasing magkaroon ng ebidensiya sa planong ito pagdating ng panahon. Pagkagising ko ay masigla kong inunat ang aking kamay at paa. Bukas pa kami ‘magme-meeting’ ulit kaya iba ang gagawin ko ngayon. Kinuha ko ang aking cellphone at tinitigan ko ang mukha n

  • Every Second Count   34 Seconds

    Plano~*~*~*~GUSTO kong matawa sa sarili ko. Sobrang imposible ng gusto kong mangyari. Walang makakagawa ng ganoon. Malayo sa realidad ang gusto kong gawin nila. Okay sana kung totoo talaga ang time-traveler, time-machine at iba pa. Oo nga, walang kasiguraduhan kung totoo ba ang mga iyon 'o hindi.May tiwala naman ako sa sarili ko. Noong nagsunog ako ng kilay makaisip lamang ng magandang plano, hindi ako nagdadalawang isip na isali ang mga ito. In fact, matagal ko nang gawin ang mga ito. Gusto kong i-relate sa totoong buhay.Nanlaki ang mga mata ni Letty. Nakaawang narin ang labi niya. Kulang nalang ay pasukan ito ng langaw. “Waaah! Gusto ko 'yan, Aura! Sige, deal ako diyan!” Mangha niyang sigaw.Natawa ako. Alam ko ang iniisip niya. Iniisip niyang para silang time-traveler kasi malalaman na

  • Every Second Count   33 Seconds

    Organizing Events~*~*~*~“SURE ka ba dito?” Tumango siya. “Baka ito ang ikamamatay ko, Shin-”“Taro.” Putol niya. Ngumisi ako.Simula bata pa kami ay ayaw na niyang tawagin ko siyang Shinshin. Gusto kasi niya noon ay Shintaro kasi binata daw pakinggan. Excited na excited siyang lumaki!Nasa kamay ko na ang capsule na binigay niya sa akin. Ang capsule daw na ito ay ginawa para sa mga taong gustong kumalimot. Makakabura raw ito ng mga alaala. Lalong lalo na iyong mga alaalang masakit.Pero, hindi ba, mas masakit isipin iyong masasayang alaala? Lalo na kapag hindi mo na makikita sa physical ang taong kasama mo sa alaalang iyon. Napalunok ako at muling tumitig sa kapsula. Kakalimutan na ba talaga kita, David?Nagtaka si Mama

  • Every Second Count   32 Seconds

    Sorry~*~*~*~KAGAYA ng nakagawian, inimbitahan na naman ni Mama ang kaibigan ni Austin pagsapit hapunan. Shintaro.. Ang pangalan niya. Pero ayaw ko siyang tawagin sa pangalan niya.“Ako na po dito, Mama..” Sinabi ko nang magsimula na siyang magligpit. Natigilan saglit si Mama pero nginitian ko nalang siya. “Kaya ko na po ito. Lagi nalang po ninyong ginagawa ito.”Tumayo rin ang kaibigan ni Austin. “Tutulungan ko nalang po siya, Tita…” Presinta niya. Napaawang ang labi ko. Nakita ko pang ngumisi si Austin bago ito magpaalam sa hapagkainan.Nagdadalawang isip pa si Mama pero maya-maya ay ngumiti siya. “Sige.. Maiwan ko na kayo.Nagsimula na akong magligpit at hindi ko na pinansin ang aking kasama. Iniba ko ang kutsara’t tin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status