BUMALIK si Nikole at Cross sa Pilipinas. Akala niya magbabago ang pakikitungo nito sa kanya lalo na at nag-enjoy naman sila maghorseback riding sa Portugal at nagkaroon nang kaunting moment sa swimming pool. Pero ganoon pa rin ito. Parang ginawa pa ngang rason ang ginawa niyang istilo ng pag-aakit. Cross told him that was very immature to do. At ngayong nagbalik na ang dating routine nila, mas lalong lumayo si Cross sa kanya. Laging abala ito sa trabaho at magkahiwalay sila ng kuwarto. Sa isang ekslusibong subdivision sila nakatira malapit sa mansion dahil regalo rin iyon ni Vicente sa mag-asawa. Dalawang linggo matapos ang kanilang honeymoon ay naka-schedule si Nikole na bumisita sa site sa Tagaytay. Kahit paano ay excited siyang makita si Clive para man lang makumusta ito. Pero hindi inaasahan ni Nikole na biglang pagpasok ni Cross sa opisina niya nang paalis na sana siya kasama ang bagong bodyguard. “You are not going.” Mariing wika ni Cross. Nikole’s eyes narrowed. “Do you
CLIVE remained level-headed. Pinanatili niya ang pagiging propesyunal lalo na at kasama ni Nikole ang asawa. Sana walang nakahalatang malakas ang kabog ng dibdib niya.“It’s good to see you here… Architect. It has been a while.” Nikole’s eyes suddenly beamed.“You look week, as always… Mrs. Santillan.” Malawak ang mga ngiti sa labi ni Clive. Wala pa ring pinagbago sa magandang mukha ni Nikole. Pero kapansin-pasin na iba ang awra ng mukha nito ngayon. Malungkot ba ito?Clive wanted to ask if she were okay. Pero matatalim ang tingin na ipinupukol ng asawa nito sa kanya kaya hindi na lang siya kumibo. Ayaw naman niyang lumikha ng gulo dito sa hospital.“Hindi na rin kami magtatagal.” Hinawakan na ni Cross ang kamay ng asawa na para bang ipinamumukha nito sa kanya nap ag-aari nito si Nikole. Which was true. Kaya tumango na lang siya at ngumiti.“Ingat kayo,” magiliw na wika niya sa mag-asawa.Nikole nodded in silence. Hatid na lang ni Clive ang mga ito ng tanaw habang naglalakad palayo na
ISANG linggo na ang nakararaan mula nang maihatid sa huling hantungan si Bernadette pero hanggang ngayon ay dinadamdam pa rin ni Bernila ang pagkawala nito. Hindi niya lubos akalain na isang trahedya muli ang susubok sa tatag ng kanyang pagkatao pati na rin sa samahan nila ni Kaden. Nagising si Bernila isang umaga sa matinding hilab ng kanyang tiyan. Sobrang sakit na hindi niya maipaliwanag. Nagising si Kaden sa tabi niya ay gayun na lang ang panlalaki ng mata nito nang makitang dinudugo siya. “Oh, my God!” Agad siyang kinarga nito at ipinasok sa sasakyan. “Manong Jorge, let’s go to the hospital!” Tarantang utos ni Kaden sa kanilang driver. “Bern, hold on.” Hawak-hawak ni Kaden ang asawa. Magsisigaw si Bernila sa sobrang sakit. Halos hindi niya maipaliwanag kung saan iyon nagmumula. Panay rin ang pagpatak ng luha niya habang iniisip kung bakit ito nangyayari sa kanya. Niyakap ni Kaden ang asawa nang mahigpit. Namumutla ito at namumuo ang pawis. Saka lang bahagyang kumalma si Kad
KINAUMAGAHAN ay nagkamalay na si Bernila. Natagpuan niya si Kaden na nahihimbing sa tabi niya habang hawak ang kanyang kamay. “Kaden…” mahinang usal niya. Unti-unting nagmulat ng mata si Kaden. Nagulat ito nang makitang gising na siya. “Bern, kumusta na ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong nito. Tumango si Bernila. “I-I’m okay.”Walang nang maramdaman sakit ng hilab ng tiyan si Bernila. Bigla siya Napahawak sa kanyang tiyan nang maaalang dinudugo siya.“K-kumusta si baby?”Kaden kissed the back of her palm. “You’ll be all right.”“Sagutin mo ako Kaden. A-Anong nangyari sa baby natin?” kinakabahang tanong ni Bernila dahil sa pag-iwas ng asawa sa kanyang tanong “Anong nangyari?” pinilit niyang bumangon. Pero nananakit ang pagitan ng kanyang mga hita. “Calm down, please…” pakiusap nito. “How can I calm down? Sagutin mo ang tanong ko. Anong nangyari sa anak natin?” nanginig ang buong katawan ni Bernila. Parang ayaw niyang marinig ang isa sagot ni Kaden. “Bern… you had a miscarri
NAKIBALITA si Nikole sa kababata tungkol sa lagay ng asawa nito. Nakahinga siya nang maluwag nang nalaman na nakalabas na ito ng hospital. Hindi na rin masyadong nakakapag-usap sina Nikole at Cross ng masinsinan dahil iniiwasan siya nito. Sa totoo lang ay malapit na siyang maubusan ng pasensya. But she endured more. Lalo na kapag kinakausap niya ang ama na tuwang-tuwa sa kanya at sa son-in-law nito. Kapansin-pansin din ang pagiging malakas ni Vicente. Siguro dahil hindi na ito stress sa kanya. Iniisip na lang niya ang malawak na ngiti ng ama. Sapat na iyon para magtiis pa siya sa piling ni Cross. “How’s everything here, hija?” tanong ni Vicente isang araw nang dumalaw ito sa bahay ng mag-asawa. Pero wala si Cross doon dahil may dinaluhang meeting out of town. “It’s spectacular as always, Dad. How’s your health?” baliktanong niya sa ama. Naroon sila sa garden bench bandang hapon. Hindi sila dumaan sa opisina nang araw na iyon. “Dr. Ruiz said my health improved a lot.” “Good for
NAGKAROON ng malay si Nikole na nakagapos ang kanyang mga kamay at paa habang nakaupo sa gitna ng isang silid. Tanging malamlam sa ilaw na mula sa labas ang nagbibigay liwanag sa kinaroroonan niya. Gusto niyang sumigaw pero may takip na duct tape ang kanyang bibig. Nikole tried jumped up to move the chair. Lumikha naman iyon ng ingay pero hindi sapat. Oh God, where am I? Please don’t let me die. Naidalangin niya. Nakahinga siya nang maluwag nang maramdaman ang pagvibrate ng kanyang cellphone sa kanyang dibdib. Nikole prayed that Julian could find her location before it's too late. Kung sino man ang sindikatong may pakana nito sana lang ay pera lang ang habol. Biglang bumukas ang pinto at may taong pumasok. Nasilaw si Nikole sa liwanag nang buksan nito ang switch ng ilaw. Saka tumambad sa kayang ang mukha na hindi inaasahang makita. “Hello, Nikole, long time no see!” Gustong sumagot ni Nikole pero dahil nakapinid ang kanyang mga bibig ay hindi siya makapagsalita. Nilapitan siya
HINDI bumitaw si Nikole sa pagkakayakap kay Julian hanggang hindi siya nahihimasmasan. Akala niya talaga katapusan na niya kanina. Paano na lang siya kung hindi ito dumating?“H-how did you find me?” tanong ni Nikole nang bumaklas sa pagkakayapos sa binata. “I received your call. So, I checked the GPS of your phone… and I’m thankful you still remembered my instructions before.” Tumango si Nikole. “Of course, I will always remember that.”Dati kasi madalas siyang i-brief ni Julian para sa ganitong mga pagkakataon. Julian put himself on her speed dial at number one. At isang missed call lang ay sapat na para maalerto siya. Usapan nila na kapag nakita ni Julian na kaduda-duda ang lokasyon niya, lalo na at hindi naman niya pupuntahan ay pipilitin nitong makarating agad sa kinaroroonan niya. Hindi lubos akalain na ni Nikole na mangyayari pala iyon. Madalas niya pang biruin dati si Julian na kung sakaling wala siyang suot na bra ay isisiksik niya ang cellphone sa kanyang panty para impro
CROSS clenched his fist hard. Hindi rin naman siya nakatulog at nakikiramdam lang. Lalo na at magkatabi ang kuwarto nina Nikole at Julian. Habang tumatagal ay palala nang palala ang insecurities niya at kung minsan pakiramdam niya ibang tao na siya. He was so guilty on what he did earlier. Imbes na i-comfort ang asawa ay pinag-isapan niya pa ito nang masama. Hanggang kailan niya ba ikukulong si Nikole sa pagsasama nilang ito na alam niyang hindi naman ito masaya? Sinusubukan naman niyang ipakita rito kung gaano ito kahalaga sa buhay niya. Pero kulang pa rin. Kulang na kulang pa rin. Lalo na at masyado itong vocal tungkol sa pangangailangan nito. That made him frustrated even more.Nagagalit siya sa sarili. Siguro panahon na Para payagan niya ang asawa na makipagtalik sa iba para kahit paano ay tumagal ang pagsasama nila. But Cross really against the idea. Hindi rin naman niya masabi ang totoong kundisyon niya dahil tiyak na magpa-file ito kaagad ng divorce. Hindi na niya alam kung s
FAMILY REUNIONNAGTIPON ang lahat sa pahabang mesa sa loob ng mini library sa bahay. Kaden was explaining the situation and Nikole would support him with information. Ipinaliwanag nila kung ano ang hindi inaasahan na pangyayari noong debut ni Tehani. “In short, Lucas’ father is… Uncle Julian?” hindi makapaniwala si Kane. Although he couldn’t remember the man, puno ng pictures sa bahay na magkasama sila habang karga siya nito noong bata pa. “Now I know why Teha is not here. She’d surely freak out.”Hindi mapakali si Juli sa kinauupuan. Parang hindi agad natanggap ng kanyang sistema ang mga sinabi ng magulang. Buhay ang ama niya. Pero ang masaklap ay hindi sila nito makikilala. Pero kahit isang yakap lang sana, okay na siya roon. Matagal nang nag-iipon si Juli ng impormasyon tungkol sa pagkawala ng ama. Suportado naman siya ng magulang kahit sa napakaliit na tyansa na maaaring nakaligtas ito. Because everyone knew, Julian Arevalo died a hero. Kaya isang napakalaking surpresa sa kanila
THE PRESENT“BAKIT pakiramdam ko kilala ko sila. It’s weird, they felt familiar.” Lumalim ang gatla sa noo ni Luke habang pabalik na sila sa kanilang Mesa. Hindi naman kasi talaga sila dapat pupunta sa party na ito kung hindi sa pangungulit ni Lucas. Apparently, he liked this girl. Kaya kinilala na rin nila ang magulang nito. Biglang tinambol ang dibdib ni Hera sa sinabi ng asawa. May koneksyon kaya ang mag-asawang iyon sa nakaraan ng ni Luke? Alanganin na ngumiti si Hera. “Love, kalma lang. We’ve been together for twenty years. Even our son is having a girlfriend. You’d still want to know your past?”“I want to be whole again, Love. Para bago man lang ako mamatay masagot ang napakaraming katanungan sa isip ko.”Tumango si Hera. “I will help you…”Bumalik na sila sa mesa pero nagpaiwan si Lucas na kausap pa ang magulang ni Tehani. Luke couldn’t get his eyes off Tehani’s mother. She was surely pretty, but there was something about her that he could not explain. Bakit malakas ang kab
NAPASIGAW si Julian nang tumama sa kanyang ulo ang matigas bagay. It was a ship debris. Naroon na siya sa speedboat at papaalis na siya. Kailangan niyang makabalik sa pampang. Pero dahil sa malakas na hagupit ng hangin at sa kanyang tama sa ulo ay nahihirapan siyang makagalaw. “Hirsch! Do you copy?” There was a faint static sound. Mas tinatalo ng lakas ng hagupit ng hangin ang tunog mula sa kanyang earpiece. Pinanatili niya ang natitirang katinuan bago pa siya maianod ng nangangalit na mga alon kaya itinali niya ang sarili sa speedboat. “Hirsch! Hirsch!” Pero isa pang debris ang tumama sa ulo niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Milagro na maituturing na sa isang pribadong isla napadpad ang naghihingalong katawan ni Julian na sa awa ng diyos ay nanatiling nakatali sa speedboat. Habang sa hindi kalayuan ay may isang babaeng panay ang hikbi at sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman ay gusto niyang lamunin na lang siya ng karagatan. She just got married. But her husband die
20 YEARS LATERABALA si Nikole sa pagiging Chairman ng CREC at malalaki na ang mga anak nila. She had another two kids with Kaden, isang lalaki at babae ang bunso. Sina Nikolas at Tehani. Ang panganay nilang si Kane ay siya na ngayong namamahala ng law firm. And kambal nilang si Callie at Juliette ay siya namang namamahala ng negosyo ng naiwan ng mga ama niyo. Si Nikolas naman ay mukhang susunod sa yapak ng ama na mag-aabogasya rin. Pero ang bunso nilang si Tehani… ay mukhang hindi pa alam kung saan ang patutunguhan.Nasa loob si Nikole ng kanyang opisina nang biglang pumasok ang madilim na mukha ni Kaden. Halos dalawang dekada na ang dumaan mula nang ikasal sila pero makisig pa rin ito. Alaga nito ang katawan kaya parang hindi ito tumatanda. “What’s wrong sweetheart?” takang tanong ni Nikole sa asawa.“Ang magaling mong bunso may boyfriend na!” Nanggigigil itong naupo sa receiving chair. Masyado itong protective sa bunso na namana yata ang taglay na katigasan ni Nikole noong kabata
NIKOLE and Kaden celebrated a wedding of a century makalipas ang tatlong buwan. Napakabongga niyon na ginanap sa Manila Cathedral. Halos lahat ng kilalang tao sa mundo ng negosyo ay imbitado roon.Litaw na litaw ang ganda ni Nikole sa suot nitong traje de boda na idinisenyo pa ng pinakasikat na fashion designer sa Europe. She was like a princess. Even Kaden looked dashing in his wedding suit. Every guest was mesmerized by them.Puno ng galak ang bawat pamilya nina Kaden at Nikole. Lalo na si Vicente na hindi napigil ang maluha habang hinahatid si Nikole sa altar. Tuwang-tuwa rin si Kane na laging pinamamalita sa school nito na may bagong mommy na siya. Kane was their ring bearer. He even made Noah his best friend. Naroon rin ang bata bilang coin bearer. Callie and Juliette were the most adorable flower girls. Nagsasaboy ang dalawa ng petals ng pulang tulips sa red carpet nang ginanap ang wedding entourage. Kulay pula at ginto ang motif ng kasal at punong-puno ng mga fresh flowers a
“MAMA Niki and Daddy are sleeping together!” halos mabulabog ang buong kabahayan dahil pa ikot-ikot si Kane na nag-sisisisgaw habang hila-hila ang kanyang saranggola. “Yehey, they are making a baby!” Nagulantang ang mga nakarinig. Habang si Ken ay halos about tainga ang ngiti habang nagkakape nang umaga ng iyon. But the olds pretended they didn’t hear it. Bumalikwas ng bangon si Nikole. Kanina niya sapo ang noo dahil sa kahihiyan. Sa dinamirami ng makaka kita sa kanila ay ang batang makulit na iyon pa. Akmang tatayo na siya nang bigla siyang pigilan ni Kaden. “Stay…” “Kade, you have seen what happened? Ano na lang sasabihin ng pamilya mo?” parang biglang nawala ang antok niya sa katawan. “They won’t mind, believe me. Baka nga sila pa ang unang mag-celebrate.” Nikole’s face burned. “But—” “No more buts.” Hinila siya nito pabalik at bigla na lang itong pumaibabaw sa kanya. “You’re really something. After all our acrobatic show last night, you could still walk?” pinalihmgian si
MALALIM na ang gabi pero tuloy pa rin ang party. Pero natulog na nang maaga si Kaira. Habang si Kaden ay nakikipag-inuman sa ama nito. Naroon sila sa veranda. Nagsiuwi na ang ilang bisita. “What happened to the girl you brought here earlier?” usyoso ni Ken sa anak. “My son didn’t like her. So, I removed her from the list.” Kaden chugged his cognac. “Hindi ko kasi maintindihan. Bakit inilalayo mo pa ang mata mo kung meron naman sa malapit.” Makahulugang sambit ng ama. Natawa nang pagak si Kaden. “Who, Nikole? I wish.” “You wish? E tlagang hanggang sa wish ka na lang kung hindi ka gagalaw. You guys are both single now. Matagal nang magkakilala. You’ve been together through the darkest times of your lives. Ano pa ba ang hinahanap mo?” napapailing na saad ni Ken. “Niki didn’t like me.” “Then make her fall for you! Iba na ang sitwasyon niyo ngayon. You’ve both matured. Unlike before na mga bata pa kayo. You’re in your mid-thirties now.” “Niki didn’t want to be in a relationship
DUMATING ang baby shower ni Kaira. Pamilya at malapit na kaibigan lang ang mga naroon. Ginanap iyon sa mansion ng mga Elorde. Malapit na kasi ang kabuwanan nito. Kaira was expecting a baby boy. They all wore white dresses since it was the motiff. Iniwan ni Nikole ang kambal sa Lolo Vicente ng mga ito. Gustong-gusto naman kasi ng kambal doon. Lalo na ngayon na nakapansin-pansin na lalong lumalakas ang daddy niya mula nang magkaroon ng mga apo. “Congratulations, Kai! Now it’s your turn to be a mother!” She kissed Kaira’s cheeks. “Sorry, I didn’t get to buy a gift. Cash na lang. Is five million enough?”“Sure, no problem! That’s too much, Niki.”“It’s for the baby.” Hinawakan niya ang malaking tiyan nito.Nagulat sila nang biglang dumating si Kaden na may kasama ng mestisahing babae.“Who is that?” bulong ni Nikole sa kaibigan. Mula noong gabing aksidente silang nagkita saItalian restaurant kung saang nagkahulihan na magka-date ay wala pang nababanggit si Kaden na may bago na itong nak
DAHIL sa madalas na pangungulit ni Kane na gusto nang magkaroon ng nanay kaya sinubukan ni Kaden na makipagdate. Dahil wala siyang oras na maghanap kaya pinatulan na niya ang reto ng mga panyero niya dahil bihira raw mangyari na siya na mismo ang naghanap.Ngayon heto si Kaden nangangalay na ang panga sa kakangiti. Ayaw naman niyang magmukhang bastos sa kausap. Kasalukuyan siyang nasa isang kilalang Italian restaurant kasama ang isang Filipino Korean na si Samantha Park. She preferred to be called Sam. Parang gustong pagsisihan ni Kaden na sinubukan niya ang pagba-blindate.Goodness gracious, I won’t do this again! Kung sa hitsura lang naman ay wala siyang maipipintas dito. Taglay nito ang mga katangiang hinahanap madalas ng lalaki sa isang babae kung pisikal na aspeto ang pagbabasehan. Matangkad ito at makinis ang namumula-mulang kutis. Pantay-pantay ang ngipin at maganda ang tsinitang mata.Kaden tried his best to carry the conversation. Idinaan na lang niya sa mga biro. Pakiramdam