CROSS clenched his fist hard. Hindi rin naman siya nakatulog at nakikiramdam lang. Lalo na at magkatabi ang kuwarto nina Nikole at Julian. Habang tumatagal ay palala nang palala ang insecurities niya at kung minsan pakiramdam niya ibang tao na siya. He was so guilty on what he did earlier. Imbes na i-comfort ang asawa ay pinag-isapan niya pa ito nang masama. Hanggang kailan niya ba ikukulong si Nikole sa pagsasama nilang ito na alam niyang hindi naman ito masaya? Sinusubukan naman niyang ipakita rito kung gaano ito kahalaga sa buhay niya. Pero kulang pa rin. Kulang na kulang pa rin. Lalo na at masyado itong vocal tungkol sa pangangailangan nito. That made him frustrated even more.Nagagalit siya sa sarili. Siguro panahon na Para payagan niya ang asawa na makipagtalik sa iba para kahit paano ay tumagal ang pagsasama nila. But Cross really against the idea. Hindi rin naman niya masabi ang totoong kundisyon niya dahil tiyak na magpa-file ito kaagad ng divorce. Hindi na niya alam kung s
1 YEAR LATER HINDI namalayan ni Nikole ang paglipas ng mga araw. Nasanay na siya sa malungkot niyang buhay kasama si Cross. Kahit anong gawin niya ay hindi talaga ito tumatabi sa kanya. Pero kapag nasa labas lalo na kung kaharap nila ang daddy niya ay masyado itong sweet na aakalain ng mga nakakita na perpekto ang kanilang pagsasama. Hindi na rin niya nakita sina Clive at Julian sa nakalipas na taon. She thought of them sometimes. Pero hanggang doon na lang iyon. Naghihintay nga siya ng balita sa dalawa kung ikinasal na ba ang mga ito o kaya may bago nang girlfriend. Usapan kasi nila na kapag mahanap na nila ang babaeng para sa kanila ay ipapaalam sa kanya. Pero baka sadyang ayaw na nilang maging acquainted pa sa kanya kaya naintindihan naman niya iyon. Natutuwa rin si Nikole sa nakikita ng malaking improvement sa pagsasama nina Kaden at Bernila. Minsan nga naiinggit na siya dahil mukhang ang saya-saya ng dalawa. Habang ito siya, nganga. Hindi niya nga lubos maisip kung paano siya
MAAGANG umuwi si Nikole. Tamang-tama dahil may dinaluhang dinner meeting si Cross kaya nakapaghanda siya. Naroon siya nagkulong sa loob ng banyo nito nang walang kahit anong saplot sa katawan nang marinig niyang paparating na ang ugong ng sasakyan nito. Pilya siyang napangiti. Hindi niya lubos na akalain na aabot sa ganito ang pagiging desperada niya. She had to do this to save her marriage. Dahil kung hindi, mapipilitan na talaga siyang magfile ng divorce. Nonconsummation of their marriage could be a legal ground for divorce. Nahigit niya ang pahinga nang marinig ang mahinang pagbukas at pagsara ng pinto. Pinakiramdaman niya si Cross. Mukhang nagbibihis na ito. Saktong boxer briefs na lang ang suot nito nang binuksan niya ang banyo at magpakita siya rito. Nikole was totally naked. “W-What are you doing here?” Tila namamalik-mata si Cross. Baka sa mukha nito na nakainom ito. “Were doing this tonight. I can’t take it anymore!” Lumapit si Nikole sa asawa pero nagulat siya nang bigl
ISANG marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Nikole nang mahiga siya sa kama. She stared at the ceiling for a moment. It only dawned on her that maybe Cross was sick. Dahil sa naganap kanina kaya bigla nitong naisip. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig sa realisasyon na iyon.Come to think of it, why would he choose to sleep on a different room considering they were husband and wife? Malakas ang kutob niyang may iniinda itong sakit kaya hindi siya matabihan sa pagtulog. Pero bakit hindi nito sinabi sa kanya? ‘Di sana ay nagawan nila ng paraan nang maaga. Hindi iyong lumipas na ang isang taon na ganito sila. Hindi naman ganoon kababaw ang pag-unawa niya. Besides, she could always find ways to be creative and have fun at the same time.Pabaling-baling si Nikole sa higaan. Bakit ba hindi niya ito naisip dati pa? Could it be that Cross had erectile dysfunction? Oh, no! The probability of her hunch was high. Paano kung totoo nga? Tatanggapin ba niya?Gusto niya itong tanung
TULALANG pinagmasdan ni Cross ang nagkalat na cake. Ilang ulit siyang nagbuga ng hangin. As expected, Nikole wouldn’t buy this drama. Maybe it looked too obvious. He paid the man to act, and he did his best performance. Mukhang makatotohanan naman ginawa nito. Ilang araw niya itong pinag-isipan. But he consulted Nikole’s father first.Umuwi talaga siya nang isang araw na mas maaga mula sa Osaka. He met Vicente at his office when he assured that Nikole didn’t drop in her office that day… “I don’t think this marriage is working, Dad. Nikole is trying her best, but I can’t afford to see her this sad...” aniya sa matanda na hindi na siya nagpaligoy pa. Tinatantya niya ang mood nito dahil baka hindi kayanin ng puso nito kaya dinaan niya ito sa mahinahong usapan.“Why all of a sudden, Cross? My daughter came here and promised that she’d compromise to work things out.”Ngumiti nang mapait si Cross. “I know she would. But she’d endure a lot from the day we got married.” May inabot siya rito
CROSS was already twenty-four when Nikole turned eighteen. At dahil anak ito ng isang bilyonaryo, napakabongga ng paghahanda sa debut nito. Ginanagap iyon sa isang luxury hotel at halos lahat ng mayayamang angkan sa buong Pilipinas ay imbitado. As expected, he was a part of her eighteen roses. Pero ang kababata nitong si Kaden ang panghuling sayaw bago si Vicente.When it was his turn, para siyang namamalikmata sa nakikita. Masyado siyang naging abala sa pag-aaral sa ibang bansa kaya hindi niya nasubaybayan ang mabilis nitong pagdadalaga. Halos hindi mapagkit ang mata niya sa mala-anghel nitong mukha. She had grown so pretty. Pero gaya ng dati ay sinarili na lang niya ang paghangang iyon. Nikole was the brightest star, and he was a child longing for it to fall.“Cross, do you think I’m pretty?” biglang tanong ni Nikole habang nagsasayaw sila.He nodded. “Not bad.”“Not bad lang? Ang kuripot mo naman sa compliments. You rarely visit home, I missed you. Do you have a girlfriend now?” w
NIKOLE immediately filed for a divorce. Nagtaka pa siya dahil hindi man lang nagtanong sa kanya ng dahilan ang ama. Basta na lang itong pumayag. Maging si Cross naman ay madaling kausap. He immediately signed the divorce papers. They became civil with each other. Pero kinausap siya nang masisinan ni Cross matapos ang divorce proceedings.“Thank you for giving me back my freedom, Cross.” Nikole meant it. Naroon sila nakaupo sa public bench ng abalang siyudad ng New York. “This is the best gift I could give you. Sa mga pagtitiis mo sa akin.” Natawa siya nang pagak.“I know something was wrong when you couldn’t sleep with even one for more than a year.” Hinawakan ni Nikole ang kamay ni Cross. “It must have been so hard for you, too. But you don’t need to do such things just to make me go away. Alam kong mabuti kang tao. I know you hired that person to spite me. I know you care for me but couldn’t express it well.”Tumingin si Cross sa mga abalang tao na pa roon at parito sa daan. “I ha
NASA loob si Julian ng isang kilalang bar sa Quezon City. Kagagaling lang niya sa isang delikadong mission. It was a joint operation with the SWAT, and he assisted alongside his agents. Isang malaking human trafficking ang nasabat nila nahuli nila ang ilan sa miyembro ng isang organized crime group na nag-operate sa buong Pilipinas. His much-awaited break came at last. Kaya deserve niyang magliwaliw. Sa nakalipas na taon ay mga malalaking misyon ang kinasangkutan niya. His company flourished these days. Hindi niya halos namalayan ang paglipas ng mga buwan dahil sa sobrang abala niya. Nakakadalawang bote pa lang siya ng beer nang may biglang lumapit sa kanyang babaeng pamilyar ang mukha. Pigil ni Julian ang matawa nang tuluyan niyang maalala kung sino ito. Mabagbiro talaga ang tadhana. Small world. He thought. “Hi, handsome!” magiliw na bati ng babae. “I’m Vanessa. But you can call me Vani. What’s your name?”“Julian Arevalo,” inilahad niya ang kamay. “Nice meeting you, Vani.”Maka
FAMILY REUNIONNAGTIPON ang lahat sa pahabang mesa sa loob ng mini library sa bahay. Kaden was explaining the situation and Nikole would support him with information. Ipinaliwanag nila kung ano ang hindi inaasahan na pangyayari noong debut ni Tehani. “In short, Lucas’ father is… Uncle Julian?” hindi makapaniwala si Kane. Although he couldn’t remember the man, puno ng pictures sa bahay na magkasama sila habang karga siya nito noong bata pa. “Now I know why Teha is not here. She’d surely freak out.”Hindi mapakali si Juli sa kinauupuan. Parang hindi agad natanggap ng kanyang sistema ang mga sinabi ng magulang. Buhay ang ama niya. Pero ang masaklap ay hindi sila nito makikilala. Pero kahit isang yakap lang sana, okay na siya roon. Matagal nang nag-iipon si Juli ng impormasyon tungkol sa pagkawala ng ama. Suportado naman siya ng magulang kahit sa napakaliit na tyansa na maaaring nakaligtas ito. Because everyone knew, Julian Arevalo died a hero. Kaya isang napakalaking surpresa sa kanila
THE PRESENT“BAKIT pakiramdam ko kilala ko sila. It’s weird, they felt familiar.” Lumalim ang gatla sa noo ni Luke habang pabalik na sila sa kanilang Mesa. Hindi naman kasi talaga sila dapat pupunta sa party na ito kung hindi sa pangungulit ni Lucas. Apparently, he liked this girl. Kaya kinilala na rin nila ang magulang nito. Biglang tinambol ang dibdib ni Hera sa sinabi ng asawa. May koneksyon kaya ang mag-asawang iyon sa nakaraan ng ni Luke? Alanganin na ngumiti si Hera. “Love, kalma lang. We’ve been together for twenty years. Even our son is having a girlfriend. You’d still want to know your past?”“I want to be whole again, Love. Para bago man lang ako mamatay masagot ang napakaraming katanungan sa isip ko.”Tumango si Hera. “I will help you…”Bumalik na sila sa mesa pero nagpaiwan si Lucas na kausap pa ang magulang ni Tehani. Luke couldn’t get his eyes off Tehani’s mother. She was surely pretty, but there was something about her that he could not explain. Bakit malakas ang kab
NAPASIGAW si Julian nang tumama sa kanyang ulo ang matigas bagay. It was a ship debris. Naroon na siya sa speedboat at papaalis na siya. Kailangan niyang makabalik sa pampang. Pero dahil sa malakas na hagupit ng hangin at sa kanyang tama sa ulo ay nahihirapan siyang makagalaw. “Hirsch! Do you copy?” There was a faint static sound. Mas tinatalo ng lakas ng hagupit ng hangin ang tunog mula sa kanyang earpiece. Pinanatili niya ang natitirang katinuan bago pa siya maianod ng nangangalit na mga alon kaya itinali niya ang sarili sa speedboat. “Hirsch! Hirsch!” Pero isa pang debris ang tumama sa ulo niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Milagro na maituturing na sa isang pribadong isla napadpad ang naghihingalong katawan ni Julian na sa awa ng diyos ay nanatiling nakatali sa speedboat. Habang sa hindi kalayuan ay may isang babaeng panay ang hikbi at sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman ay gusto niyang lamunin na lang siya ng karagatan. She just got married. But her husband die
20 YEARS LATERABALA si Nikole sa pagiging Chairman ng CREC at malalaki na ang mga anak nila. She had another two kids with Kaden, isang lalaki at babae ang bunso. Sina Nikolas at Tehani. Ang panganay nilang si Kane ay siya na ngayong namamahala ng law firm. And kambal nilang si Callie at Juliette ay siya namang namamahala ng negosyo ng naiwan ng mga ama niyo. Si Nikolas naman ay mukhang susunod sa yapak ng ama na mag-aabogasya rin. Pero ang bunso nilang si Tehani… ay mukhang hindi pa alam kung saan ang patutunguhan.Nasa loob si Nikole ng kanyang opisina nang biglang pumasok ang madilim na mukha ni Kaden. Halos dalawang dekada na ang dumaan mula nang ikasal sila pero makisig pa rin ito. Alaga nito ang katawan kaya parang hindi ito tumatanda. “What’s wrong sweetheart?” takang tanong ni Nikole sa asawa.“Ang magaling mong bunso may boyfriend na!” Nanggigigil itong naupo sa receiving chair. Masyado itong protective sa bunso na namana yata ang taglay na katigasan ni Nikole noong kabata
NIKOLE and Kaden celebrated a wedding of a century makalipas ang tatlong buwan. Napakabongga niyon na ginanap sa Manila Cathedral. Halos lahat ng kilalang tao sa mundo ng negosyo ay imbitado roon.Litaw na litaw ang ganda ni Nikole sa suot nitong traje de boda na idinisenyo pa ng pinakasikat na fashion designer sa Europe. She was like a princess. Even Kaden looked dashing in his wedding suit. Every guest was mesmerized by them.Puno ng galak ang bawat pamilya nina Kaden at Nikole. Lalo na si Vicente na hindi napigil ang maluha habang hinahatid si Nikole sa altar. Tuwang-tuwa rin si Kane na laging pinamamalita sa school nito na may bagong mommy na siya. Kane was their ring bearer. He even made Noah his best friend. Naroon rin ang bata bilang coin bearer. Callie and Juliette were the most adorable flower girls. Nagsasaboy ang dalawa ng petals ng pulang tulips sa red carpet nang ginanap ang wedding entourage. Kulay pula at ginto ang motif ng kasal at punong-puno ng mga fresh flowers a
“MAMA Niki and Daddy are sleeping together!” halos mabulabog ang buong kabahayan dahil pa ikot-ikot si Kane na nag-sisisisgaw habang hila-hila ang kanyang saranggola. “Yehey, they are making a baby!” Nagulantang ang mga nakarinig. Habang si Ken ay halos about tainga ang ngiti habang nagkakape nang umaga ng iyon. But the olds pretended they didn’t hear it. Bumalikwas ng bangon si Nikole. Kanina niya sapo ang noo dahil sa kahihiyan. Sa dinamirami ng makaka kita sa kanila ay ang batang makulit na iyon pa. Akmang tatayo na siya nang bigla siyang pigilan ni Kaden. “Stay…” “Kade, you have seen what happened? Ano na lang sasabihin ng pamilya mo?” parang biglang nawala ang antok niya sa katawan. “They won’t mind, believe me. Baka nga sila pa ang unang mag-celebrate.” Nikole’s face burned. “But—” “No more buts.” Hinila siya nito pabalik at bigla na lang itong pumaibabaw sa kanya. “You’re really something. After all our acrobatic show last night, you could still walk?” pinalihmgian si
MALALIM na ang gabi pero tuloy pa rin ang party. Pero natulog na nang maaga si Kaira. Habang si Kaden ay nakikipag-inuman sa ama nito. Naroon sila sa veranda. Nagsiuwi na ang ilang bisita. “What happened to the girl you brought here earlier?” usyoso ni Ken sa anak. “My son didn’t like her. So, I removed her from the list.” Kaden chugged his cognac. “Hindi ko kasi maintindihan. Bakit inilalayo mo pa ang mata mo kung meron naman sa malapit.” Makahulugang sambit ng ama. Natawa nang pagak si Kaden. “Who, Nikole? I wish.” “You wish? E tlagang hanggang sa wish ka na lang kung hindi ka gagalaw. You guys are both single now. Matagal nang magkakilala. You’ve been together through the darkest times of your lives. Ano pa ba ang hinahanap mo?” napapailing na saad ni Ken. “Niki didn’t like me.” “Then make her fall for you! Iba na ang sitwasyon niyo ngayon. You’ve both matured. Unlike before na mga bata pa kayo. You’re in your mid-thirties now.” “Niki didn’t want to be in a relationship
DUMATING ang baby shower ni Kaira. Pamilya at malapit na kaibigan lang ang mga naroon. Ginanap iyon sa mansion ng mga Elorde. Malapit na kasi ang kabuwanan nito. Kaira was expecting a baby boy. They all wore white dresses since it was the motiff. Iniwan ni Nikole ang kambal sa Lolo Vicente ng mga ito. Gustong-gusto naman kasi ng kambal doon. Lalo na ngayon na nakapansin-pansin na lalong lumalakas ang daddy niya mula nang magkaroon ng mga apo. “Congratulations, Kai! Now it’s your turn to be a mother!” She kissed Kaira’s cheeks. “Sorry, I didn’t get to buy a gift. Cash na lang. Is five million enough?”“Sure, no problem! That’s too much, Niki.”“It’s for the baby.” Hinawakan niya ang malaking tiyan nito.Nagulat sila nang biglang dumating si Kaden na may kasama ng mestisahing babae.“Who is that?” bulong ni Nikole sa kaibigan. Mula noong gabing aksidente silang nagkita saItalian restaurant kung saang nagkahulihan na magka-date ay wala pang nababanggit si Kaden na may bago na itong nak
DAHIL sa madalas na pangungulit ni Kane na gusto nang magkaroon ng nanay kaya sinubukan ni Kaden na makipagdate. Dahil wala siyang oras na maghanap kaya pinatulan na niya ang reto ng mga panyero niya dahil bihira raw mangyari na siya na mismo ang naghanap.Ngayon heto si Kaden nangangalay na ang panga sa kakangiti. Ayaw naman niyang magmukhang bastos sa kausap. Kasalukuyan siyang nasa isang kilalang Italian restaurant kasama ang isang Filipino Korean na si Samantha Park. She preferred to be called Sam. Parang gustong pagsisihan ni Kaden na sinubukan niya ang pagba-blindate.Goodness gracious, I won’t do this again! Kung sa hitsura lang naman ay wala siyang maipipintas dito. Taglay nito ang mga katangiang hinahanap madalas ng lalaki sa isang babae kung pisikal na aspeto ang pagbabasehan. Matangkad ito at makinis ang namumula-mulang kutis. Pantay-pantay ang ngipin at maganda ang tsinitang mata.Kaden tried his best to carry the conversation. Idinaan na lang niya sa mga biro. Pakiramdam