Secretive
"Liyag", gabing-gabi na ay nakuha pang pumunta ni Cade. Paano kasi ay hindi siya makatulog ng ayos dahil sa nangyari kanina. Hindi kasi ako nag re-reply sa kanya kaya kung anu-ano ang pumasok sa isip nito.
Hindi niya alam ay nagcharge lang ako ng cellphone kaya pati tawag niya ay hindi ko nasagot. Kusa kasi itong nag sh-shut down kapag lowbat na.
Buwan ang nagbigay ng liwanag upang mapansin ang mata niyang namumungay.
Humikab siya bago ulit magsalita.
"Yung kanina... Patawad... Nabigla ako. Hindi ko intensyon na masaktan ka"
Pilit niyang inabot ang palapulsahan kong namula dahil sa ginawa niya. Pero iniwas
NgitingHindiMakakalimutanAbalang naglalaro sina Papa kasama sina Donya Luisita at Don Casio. Ako naman ay naiwang kasama si Arrow habang namamasyal sa kabuuan ng El Roshan Country Club.Bukod sa kinukulit ako ni Mama na makipagdate ng totoo sa kung sinong magustuhan kong lalaki. Pinagpipilitan niyang magkaroon ng namamagitan sa amin ni Arrow. Kaya heto ako at sasamahan ko siya sa isa mga magagandang guest houses dito.Kung nandito lang sana ang dalawa niyang nakababatang kapatid ay hindi ako mag tiya-tiyagang samahan siya.Si Lois kasi ay mamaya pa darating dahil may gala raw ito kasama ang kanyang kaibigan. Kasama niya kaya si Mara?
MababangTaoMatapos ilibot sa bahay ay pumunta kami sa isa sa mga sikat na kainan dito. There's a lot of different cuisine here. Yun nga lang ang pinaka gusto ko ay Italian. Hindi pa kami magkasundo ni Arrow kaya natagalan kami sa pagpili kung saan kami kakain.Sa huli ay sinunod niya ang gusto ko. We're sitting in a luxurious chair while some of famous people are smiling at us. Sila yung mga amigos at amigas ng nila Mama. Matagal na nilang inaasam na maging kami ni Arrow pero mas malabo pa iyon sa tubig ng kanal.I smiled back at them while waving my hands.Angplastikmosapart nayan.
TrustedI'm in the kitchen helping my mother in preparing. Ang tawanan ni Papa kasama ang mga Vitale ay naghari sa loob ng bahay."So tell me? Is there something going on between you two?", masayang sabi ni Mama habang inaayos ang mga kubyertos.Napagdesisyunan nila Mama na dito maghapunan kasama sila Arrow. Ito ay yung guest house kung saan ko sinamahan ang isang iyon. Ang gusto ni Mama ay siya ang magluto ngayon kaya hindi siya pinakialaman ni Papa.Matagal siyang nag aral magluto ng afritada at adobo. For me it's basic. Hindi man ako gaanong maalam magluto but I can cook adobo."Ma ang bilis naman. Saka isa pa Arrow's not my type", muntik kong mabitiwan ang basong
Cade's POVMatagalnahinanap"Congrats, Sir Cade. Maganda ang ginawa ng klase mo", bati sa akin ng head ng school matapos ang performance ng Grade 10-Del Pilar.Hindi alam ng mga batang ito na sinali ko sila sa contest. Ang akala nila'y requirements lamang iyon para makapasa sila sa bilang Grade 10 completer.Sa nalalabing mga araw ay matatapos na ang kanilang klase. Lahat sila ay sabay-sabay mag mamartsa."Siege! Ang galing mo!", bati ng mga ka-grupo nito sa kanya nakakababa lang galing stage. Sila ang naging kampyeon ngayong taon sa pag gawa ng maikling play. Mabuti na lamang at nagtiwala ako sa kanya.
Hindiniyagagawin"Pasensya ka na at hindi agad kita nakilala", sabi nito ng bumalik kami sa sala. Inubos ko ang meryendang hinain niya dahil sa gutom.Pinakita niya ang photo album na kinuha niya sa kanyang kwarto."Ayos lang yun Tiya. Teka. Ano nga palang nangyari dyan sa pilat mo?"Hinaplos niya iyon."Ito... Panlalaban ko ito nung hinahanap nila si Erman", tumabi siya sa akin saka nilapit sa isa pang pahina ang album.Nandon si Itay kasama si Inay pati na rin ang iilan pang kaibigan nito. Naghanay sila sa pagkuha ng pagkain. Ang ilan sa kanila ay nagt
Mata langangwalanglatay"Hoy. Ikaw...", hindi ko alam kung sinong tinutukoy ni Mang Gracio kaya't nagkatinginan kami ni Mang Imben.Kasalukuyan kaming nagsasaka ngayong araw. Araw ng sabado ngayon at walang pasok kaya't ako muna ang humalili kay Inay kasama si Cazue."Ano pang ginagawa mo! Bilisan mo!", agad niyang hinawakan ang dulo ng damit ko. Saka hinala ako sa aking kinatatayuan muntik pa kong mawalan ng balanse dahil sa ginawa niya.Si Cazue naman ay pigil ang inis ng mapatigil siya dahil sa ginawang iyon ni Mang Gracio. Ngumiti naman ako sa kanya para malaman niyang ayos lang ako.
SakitsaUloMay kung anong tawanan sa labas ang narinig namin ni Abel. Nagkatinginan kaming dalawa. Bumukas ang pinto ang niluwa non si Letty kasunod si Piper.Imbis na yakapin ko ay hampas ang agad kong natikman galing sa kanya. Buti na lang at hita ko ang hinampas nito."Dero, tara na", sabi ni Abel sa kapatid kong bunso. Nag thumbs pa ito sa akin bago lumabas. Si Letty naman ay sumenyas na lalabas din siya kaya't tumango ako.Sinarado niya ng dahan-dahan ang pinto."Sa tingin mo sinong hindi matutuwa sa lagay mo!", inabot ko ang braso niya saka inalapit siya sa akin.
Someone's POVBulaklakatSobre"Emilio, don't be so nervous", sabi ko habang minamasahe ang kanyang balikat.He's sitting on his swivel chair while his arms rested on the table.Kanina niya pa tinitigan ang mga papeles na nasa kanyang harapan. Iyon ang papeles na dinala ni Atty. Tecson. Siya ang nag aasikaso ng mga ito na may kinalaman sa aming negosyo kasama na ang ari-arian.Umikot siya ng marahan saka hinawakan ang braso ko. Something is written on his face. It's mixed emotions. "Wag na nating ituloy ito, Leonora. Mabigat ang pakiramdam ko"
Someone's POVSa wakas...Simula ng nangyari ang insidente ay hindi na muling makausap si Piper. Parang wala siya sa sarili.Palaging nakakulong sa kwarto at nagmumukmok. Minsan pang nadatnan ito ni Letty na tumatawa mag isa habang kausap ang larawan ni Cade, o hindi kaya naman larawan ng tunay niyang mga magulang.Kasalukuyan may dalang tray si Letty upang mananghalian si Piper. Pag bukas niya ng pinto ay hawak nito ang gunting at ginugupit ang sariling buhok.Ang mahabang buhok ni Piper ay gulo-gulo. Ilang araw na kasing hindi naliligo dahil nagwawala siya sa tuwing inaaya siya na maglinis ng katawan. Ang mga mata niya ay malalim at maitim ang ilalim. Halos wala na siyang pisngi at payat ang mga braso niyang puro sugat. Paano ay kinakalmot minsan ang kanyang sarili kapag nakikita niya si Donya Leonora."Piper! Wag mong gawin yan! Pa-panget ang buhok mo!" ma
Apong's POVPinabayaan"Gracio, nahihibang ka na ba!? Parang wala kayong pinagsamahan ni Presigo" galit kong sabi sa kanya ng makita siyang sinasaktan nito si Cazue.Kilala ko ang mga taong may kauganayan kay Presigo. Alam ko kung anong klase siyang tao."Himala at nagpakita ka ulit, Apong?" aniya nito sa natatawang boses.Kasalukuyan kaming nasa bahay niya. Alam kong mapagkakatiwalaan siya kahit nagbago ang pakikitungo nito sa halos lahat ng magsasaka.Kitang-kita kung gaano binago ni Don Emilio ang buhay niya mula sa sahig hanggang sa kasuluk-sulukan ng bahay na ito."Hindi naman ako mamatay tao kahit taga sunod ako ng gobernador. Alam ko ang limitasyon ko. Magtiwala ka" sinindihan niya ang sigarilyong hawak.Hinagis niya sa akin ang kaha na galing sa sarili niyang bulsa."Ewan ko ba sayo bakit ka nag r
Don Emilio's POVMamaalam"Don Emilio!" nakaupo ako sa swivel chair habang hinihigop ang aking kupita.Umikot ako para harapin kung sino ang nagsalita. Isa iyon sa mga tauhan ko.Hawak nito ang dibdib niya habang naghahabol ng hininga."Bakit biglaan yata ang pag dalaw mo sa akin Mang Garber?" isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan."Nagkakaroon na ng progreso sa binabalak ni Cade. Usap-usapan iyon kanina sa bukid"Lumisik ang mga mata ko sa sinabi niya. Iniisa isa kong binato ang mga bagay na nasa mesa.Lumapit ako sa kanya at kinuwelyahan. "Hindi ba't sabi ko bantayan mo ng igi ang batang 'yon!"Nanginginig ang mga mata niya."D...don... E...milio... G...ginawa ko ang lahat ng makakaya ko!"Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanya. Unti-unti siyang lumiyad dahil sa g
Galit"Gago ka! Hayop ka!!!" agad na bumungad ang mga salitang iyon ng makita ni Karlos ang pag panhik ni Mang Hermano sa bahay niya.Dahil sa mabilis niyang pagkilos namataan na lang namin na ilang beses niyang sinuntok ang matanda."Awat na!!!" sigaw ni Abel. Dahil sa paghigit nito kay Karlos ay muntikan pa niyang mapunit ng husto ang damit nito.Si Mang Hermano ay hindi mapigilang maluha. Pilit ko siyang hinawakan sa magkabilang braso pero gusto niyang kumawala doon."Lalapit ako! Bugbugin mo na ko hanggang sa mamatay ako!" aniya.Si Karlos na tila nahimasmasan dahil ay tinitigan lang siya."Ano pang hinihintay mo!?" kinuwelyuhan ni Mang Hermano si Karlos pero nagbalik na ito sa katinuan niya.Kahit hindi naimik ay ramdam ang galit sa mga mata nito. Kung paano ang paghinga niyang may intesidad at ang kamao niya na
NagsisisiPinatuloy kami ni Mang Hermano sa nagsisilbi nitong bahay. Maliit iyon na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood"Opo, Inay. Uuwi rin ako kinabukasan", sabi ko bago binaba ang tawag.Nagpaalam akong may kailangan akong gawin. Hindi ko detalyadong sinabi dahil alang-ala ito sa kaligtasan ng matandang nasa harap ko."Kain na kayo" alok niya.Tinulungan siya ni Abel sa paghahain ng pagkain. Ako naman ay tinitignan ang mga picture frame sa maliit nitong cabinet. Larawan ng masayang pamilya kasama ang pumanaw na si Fr. Kule. May larawan pang kasama ang aking Itay."Magkakilala po ba kayo ni Itay?"Naghila siya ng upuan pagkatapos magsalin ng tubig sa aming baso. Ako naman ay nakisalo sa pagsisimula ng kumain."Oo, kakilala ako ng Itay mo pero hindi kami gaanong malapit sa isa't-isa"T
Cade's POVMagtagoSa maghapon kong paghahapon sa bayan ng Gurabo ni-anino ni Mang Hermano ay hindi ko makita. Wala pa rin balita na galing kay Abel. Gusto niya rin tumulong sa paghahanap kaya nagsabi ako ng ilang detalye.Pero uugatin na yata ako sa paghihintay ng tawag galing sa kanya.Dumiretso ako ng pamilihang bayan pumasok kasi sa isip ko na wala ng pagkain sa bahay. Hindi kasi makapamili ang Inay dahil sa rayuma nito. Ilang araw na rin siyang hindi nagsasaka kaya kami ni Cazue ang palaging nasa palayan.Samu't-saring amoy ang tumambay sa aking ilong habang namimili."Bili ka na pogi" sabi ng isa sa mga iyon. Nagpupunas siya ng pawis habang nakangiti sa akin. Matandang babae na halos kasing edad ni Inay."Kahit hindi po ako bumili. Gwapo pa rin ako"Awtomatikong nagtinginan ang ilang mamimili sa akin. Natawa naman ako s
Sa Muling PagkikitaAng araw ay unti-unti ng tinatakpan ng bulubundukin pero wala akong pakialam kung anong oras ako makakarating doon."Cade!" tambad ko sa kanya ng sinagot ang tawag ko.Ilang segundo bago niya sinagot."Nasaan ka?!""Hindi ko pwedeng sabihin, Liyag""Kailangan mong makipagkita sa akin! Tutulungan kita. Tutulungan ko kayo!""Ayokong madamay ka""Matagal na kong damay dito!"Ilang lunok ang laway ang ginawa ko."Cade. Tutulungan kita. Pero kailangan natin magkita!""Alalahanin mo ang sarili mo, Liyag. Kaya ko na ito""Hindi, Cade. Kailangan mo ng tulong ko. Pupuntahan kita dyan. Please?"Parang nagdalawang-isip pa siya sa sinabi ko."Magkita tayo sa sakayan ng bus"
Trahedya"Showbiz ka kasi, Piper!" humalakhak si Aria. Akala mo ay nakakatuwa ang kanyang biro.Ilang minuto palang ang nakakalipas ay para bang oras iyon para sa akin. Hindi ko kinakaya ang tanong ni Pixie lalo pa at nilagay sa gitna ang kinauupuan ko. Kulang na lang tali para magmukha akong may kasalanan."Sinasabi ko na nga ba. Kailan ka pa natutong maglihim sa akin?" ang hawak niyang pamaypay ay tinututok sa akin.Kinuwento ko kay Pixie ang nangyari pero hindi naman gaanong detalyado. Tama ng sinabi ko sa kanya na niligawan ako ni Cade at ayon nakuha niya ang loob ko. Takang-taka pa siya sa nangyari dahil alam niya kung gaano kapili sa lalaki. Pero si Cade yon may kakaiba sa kanya.Ang tawag kanina ni Letty ay hindi na nasundan. Hindi ko naman nasagot kaya nag aalala ako para kasing urgent iyon dahil sa ilang beses niyang pag tawag."Hindi naman sa naglih
Picture Frame"This is super elegant!" aniya Aria nasa tabi ko. Nauna na si Pixie dahil sa mga kaibigan niyang Manager din ng ibang artista.Naghihiyawan ang mamahalin nilang suot dahil sa kintab nito. Almost all of the woman are exposing their skin. Pahabaan din ng dyamanteng hikaw. Walang magpapahuli sa pataasan ng kanilang heels."Gorgeous! The queen is here!" isa siya sa batikang direktor na kilala ko. He's wearing a cream tuxedo. Talaga namang kitang-kita ang pagiging gastador nito dahil sa mamahaling F.P Journe watch nito."Thank you!" nahihiya kong sabi. Si Aria ay siniko pa na para bang inaasar ako.Anyways, thanks to her. I love what I'm wearing. It's a Charlize Theron Gucci cream dress. I have a simple earings that matched to it.While Aria is wearing a light pink dress that has a side slit and a knot.May ilan din na nakipagkamay sa kanya dahi