Share

Chapter:Two

Karl POV

Mula dito sa labas tanaw ko ang malawak na bakuran ng mga Quinto,hindi ko inaasahan na ganito kalawak ang bahay nila..

Maraming Guard ang nakabantay sa paligid,mahihirapan ang sinumang magtangkang pumasok sa loob..

Maliban nalang kong professional assassin ka,pero ganun pa man natitiyak kong mga well trained ang mga bantay na to.

Bahagyang yumukod sa akin ang lalaking sumalubong,mula sa di kalayuan natanaw ko ang Chairman.

"Sumunod po kayo sa akin Sir." Sabi pa ng lalake na bahagyang yumukod.

Tahimik lang ako hanggang sa sinalubong kami ng Chairman..maging ang asawa nito na halatang maganda pa rin..

Dati sa magazine ko lang nakikita ang asawa ng Chairman maging ang mga anak nito..ngayon makikilala ko na sila.

"Natutuwa ako at pinaunlakan mo ang paanyaya ko." Anang Chairman matapos makipag kamay sa binata..

"Ikinagagalak ko po kayong makilala." Bati ko sa kanila.

Isang matamis na ngiti lang ang iginawad nila sa akin..

......

"Nakapag bihis na ba si Max?" Pabulong na tanong ng Chairman sa maid na lumapit.

"Wala po siya sa kwarto niya." Tugon ng maid na ikinakunot noo ng Chairman.

"Ang batang yun,uubusin niya ba talaga ang pasensiya ko." Ang inis na sabi ng Chairman na tila nabalot ng pagkapahiya sa panauhin.

Naka tingin lang ako sa Chairman,hindi ko alam na may pagka pasaway pala ang anak nilang babae.

"I'll call her." Sabi ni Gab.

"No need to call me!." 

Cold na tinig ang siyang nagpalingon sa akin mula sa likuran..isang babae ang namataan ko,maganda siya,she's wearing a simple plane black T-shirt na tenirnuhan pa ng  white short na maong.

Wala rin siyang make up,o kahit lipstick man lang,naka lugay ang mahaba niyang buhok na bahagyang kulot sa dulo..kahit ganun hindi nabasawan ang ganda niya.

"Now I know kong bakit siya nagustuhan ni Kenjie Han." Ang tanging naisaloob ko.

"What do you think your doing?" Ang di makapaniwalang tanong ng Chairman.

"Joining dinner with you guys." Kaswal pang tugon ng dalaga." Di ba ito naman ang gusto niyo,so what's the problem." Ang brat pa niyang sagot.

Sigurado akong sakit siya sa ulo ng mga magulang niya,masyado siyang brat kong sumagot.

"Maxine Quinto!" Ang inis na bulalas ng Chairman sa anak.

"What! Hindi ko kailangan mag ayos para lang sa Family dinner na to!" Brat na tugon ng dalaga.

"Max,I'm warning you,maging mabait ka naman sa magiging asawa mo." Anang Chairman.

"Over my dead body I won't marry him! Hindi niyo ba talaga maintindihan yun." Sagot pa ng dalaga.

"Max-"

"It's okay sir." Awat ko sa kaniya.

Noon lang tumingin sa akin si Maxine,bahagya siyang naka smirk. Showing her attitude huh..

"Pasensiya kana Mr.Zhang,"anang Gng sa binata.

" It's okay po madam,I like her."sagot ko sabay tingin kay Max.

Nakita kong tumaas ang kilay niya bago siya uminom ng tubig.

"I'll do everything to destroy your life,alam ko na ikaw ang kahinaan ni Kenjie,kaya gagamitin kita laban sa kaniya." Naisaloob ko habang naka tingin kay Max.

"Oh hindi ko alam na,mas gusto mo palang sinasaktan ka" Sabi pa niya.

Sa halip na mapikon sa kaniya,nginitian ko lang siya na mas lalong ikina inis niya..

........

Maxine POV

"Look! what have you done!" Ang galit na sigaw ng Gng. Sa anak matapos makapasok sa loob ng kwarto."balak mo ba talaga sirain ang reputasyon ng pamilyang to!"

I just crossed my arms bago sumandal sa may pinto.which is naka bukas naman..kinaladkad niya ako papunta rito para sermunan..well alam ko naman yun na ganito ang mangyayari..pero wala na akong pakialam doon..

"Gusto mo ba talagang patayin ang Dada mo sa sama ng loob!" Muli ay sigaw nito..

Sa halip na sagutin,napa tingin lang ako sa kuku ko,just to make sure kong may dumi.

"Maxine! I'm talking to you! Can you just listen to me first!" Ang frustrated nang sabi ng Gng sa dalaga na tila walang pakialam..

"I'm just listening Mom," Padabog kong sabi sa kaniya.

"As if your listening." Uyam na sagot ni Migo na noon ay nakatayo sa may restroom door.

I just raised my brow,hindi ko alam kong bakit galit na galit siya sa akin..gayong wala naman akong ginagawang masama.

"And what the hell are you doing here,inside my room?" Asar kong baling sa kaniya.

Pero nag smirk lang siya sabay tingin kay Mom.

"What?" Asar Kong tanong sa kanilang dalawa..

"Pinakuha ko sa kaniya ang phone mo,just to make sure na hindi ka ma contact ng mga kaibigan mo." Sagot ng Gng.

"Pati ba naman sila kailangan kong iwasan?" Asar ko nang tanong.

"We're just doing this for your own good." Sagot pa ng Gng.

"Para ba talaga sa akin? Or sa letcheng reputasyon na yan!" Ang asar kong tanong.

"Max,try to understand our situation,we need your help.sana this time pag bigyan muna ang Dada mo.stop being jerk." Saway pa nito bago tuluyang lumabas ng pinto.

Tumingin ako kay Kuya Migo na naka tingin lang sa akin..I'm sure nandito na naman siya para inisin ako.

"What are you waiting for! Just get out of here!" Mataray kong baling sa kaniya.

"If I were you,gigising na ako sa mga pantasya ko..kasi kahit anong gawin mo,hindi mangyayari ang mga pangarap mo!" Wika pa ni Migo." Ikaw ang pag asa ng kompanya,sayo nakasalalay ang kinabukasan ng mga tauhan ni Dada." Pang aasar pa nito.

"Kong kaya ka nandito para pestehin ako! Mas mabuti pang umalis ka nalang dito bago pa kita di ma tansiya." Asar kong sabi sa kaniya.

"Sana hindi ka nalang bumalik dito.di sana tahimik ang pamilyang to!" Sabi pa ni Migo bago tuluyang lumabas ng kwarto..

Napaawang ang labi ko sa sinabi niyang iyon,hindi ko alam na ganun na lang ang galit niya sa akin.

Hindi ko maalala kong paano nagsimula ang galit sa akin ni Kuya Migo,basta isang araw naging ganyan nalang siya..

Isang araw matapos ang aksidenting nangyari sa akin..isang aksidenting muntik kunang ikamatay..nong araw na nagising ako sa loob ng hospital,noon ko naramdaman ang paglayo niya..

Si kuya Migo naman talaga ang ka close ko noong mga bata pa kami,siya ang naging taga pagtanggol ko sa mga nakakaaway ko..

Until one day bigla nalang siyang nagbago,hanggang sa pinadala ako nila Mom sa Australia para doon mag aral ng business.

Tapos pagbalik ko ang cold na niya sa akin..bagay na hindi ko maintindihan..Hindi ko alam ang mga nangyari noon kaya nasasaktan ako na nagkaka ganito kami..

...........

Kenjie POV

I took a deep breath habang naka tingin dito sa labas ng bahay nila..alam kong hindi pa umaalis si Karl nandito pa yung kotse niya.

Hindi ko alam kong anong binabalak niya,pero sigurado ako na may kinalaman yun sa akin.

"Ano bang problema mo!" Ang galit na tanong  ni kenjie sa lalaking bigla nalang dumating para awayin siya.

"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Inagaw mo sa akin ang lahat! " Sigaw ni Karl sa binata."nawala si mommy ng dahil sa pamilya mo! Kaya pagbabayarin kita sa ginawa mong ito!"

"Hindi kita maintindihan! Ano bang sinasabi mo! Kahit kailan wala akong inaagaw sayo!" Ang galit pa niyang sabi.

"Sinungaling ka! Pinapangako ko! Pagbabayarin kita sa ginawa mo sa akin! Kukunin ko lahat ng mayroon ka! At sisiguraduhin ko sayo na walang matitira ni kahit katiting..ipaparamdam ko sayo! Kong gaano kasakit ang mawalan!" Sigaw ni Karl bago tuluyang umalis.

Bahagya akong napa buntong hininga matapos maalala ang pinag usapan namin ni Karl, 9 years ago nang mangyari yun..

Hindi ko alam kong ano yung sinasabi niyang inagaw ko sa kaniya ang lahat..

Napatingin ako sa orasang pambisig ko,hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas si Karl..napapailing na lumabas ako ng car at naglakad lakad sa gilid. 

Hindi naman nila ako makikita,dahil nandito lang naman ako sa labas ng gate..

"Hindi ko alam na hinihintay mo pala ako,,nakaka touch naman ang ginagawa mo." 

Gulat akong napa lingon sa nagsalita,,hindi ko pansin ang presence niya..

"Ang tiyaga mo din noh,nagawa mo pa akong hintayin ng ganung katagal." Naka ngising sabi ng binata.

"Hindi ko alam kong anong pina-plano mo, at nagawa mo pang idamay ang mga Quinto." Kaswal kong sabi.

"Sinabi ko naman sayo dati di ba.kukunin ko lahat ng mayroon hanggang sa wala nang matira sayo." Sagot ni Karl na bahagyang ngumisi." Natutuwa akong malaman na sinusundan mo lala ako. Nakakataba ng puso." Pang uuyam pa niya.

"Ano ba talagang pina- plano mo?" Asar kong tanong sa kaniya.

"Ang makita kang tuluyang bumagsak." Sagot pa nito.

"Mangarap ka lang hanggat gusto mo,dahil natitiyak ko sayong hindi mangyayari ang gusto mo." Sagot ko sa kaniya.

"Tingnan natin kong hanggang saan yang confidence mo..masasabi ko pa kaya yan kapag nangyari na ang inaasahan ko?" Pang uuyam pa ng binata bago tuluyang umalis.

Takang sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa pag pasok niya sa dala niyang sasakyan..

Hindi ko alam kong anong pina-plano niya, ang lakas ng confidence niya para sabihin ang bagay na yun..

Hindi ako papayag na manalo siya,kahit kailan hindi pa niya nagawang manalo sa akin..kaya nakakapagtaka naman kong ang lakas ng loob niya na sabihin sa akin yun.

Bago pa ako tuluyang mainis minabuti kong umalis nalang at tumuloy sa bahay..

Few hours later!

Andito na ako sa bahay pero sa halip na tumuloy sa kwarto para makapag pahinga sa counter bar ako tumuloy..

Kong saan inabutan ko ang Assistant ko na tahimik na nag iinom..

Yes dito siya nakatira sa bahay,his like my brother.

"May problema ba?" Tanong ko sa kaniya bago ako naupo sa tabi niya,,sinalinan muna niya ang alak ang baso ko..

"Wala naman,gusto ko lang mag celebrate,nagawa nating pabagsakin ang Yang Company at Harding Group." Wika pa ng lalake.

Maharan akong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga,ako ang dahilan kong bakit mapipilitang pakasal ang babaeng mahal ko..

Akala ko kasi aayon lahat sa plano ko pero hindi pala..ako gumawa ng paraan para tuluyan siyang mawala sa akin..

"Nagawa nga natin,pero hindi ako masaya ako ang dahilan kong bakit mapupunta siya sa iba." Malungkot kong pag amin.

"Sinabi ko na sayo di ba?kong gusto mong mapalapit sa kaniya sana nagpakilala ka nalang. Di sana hindi umabot sa ganito ang lahat." Paninisi pa nito..

"Nakita niya na ako,pero hindi niya ako matandaan." Pag amin ko..

Nong time na yun nagmamadali ako,kausap ko noon si Luke..my PA,nagkaroon ng kunting problema sa kompanya..professional akong tao,at hindi ko yun pwede ipagpa bukas..

Dahil sa pagmamadali ko,hindi ko napansin ang car niya na papaliko..buti nalang maagap akong nakapag preno..

Lumabas siya noon sa car niya..

"What the hell is your problem! Hindi mo ba nakita ang car ko." Ang galit pa niyang tanong sa binata.

At dahil hindi ko inaasahan noon na makikita siya,bigla akong natulala,nawala lahat ng gusto kong sabihin..hanggang sa napikon siya at nilayasan ako..

Ni hindi ko man lang siya naka usap that time..

"Napaka hina mo talaga pagdating sa kaniya. Hamakin mo yun,nagkita na kayo,nakaharap mo na siya pero hindi mo masabi ang mga gusto mong sabihin." Napapailing pang sabi ni Luke matapos mag kwento ang binata.

"Hindi ko alam kong paano siya haharapin." Sagot ko.

Totoo yun,sa tuwing nakikita ko siya,hindi ko masabi ang mga gusto kong sabihin,hindi ko magawang magpakilala.

Lagi akong inuunahan ng kaba at hiya.hanggang sa na kontento nalang ako na pag masdan siya mula sa malayo,ang pangarapin siya,ang mahalin siya ng hindi niya alam.

........ 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status