Share

Escape
Escape
Author: Dark Ash

Chapter:One

Maxine POV

Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko matapos ang sinabi ni Dada,hindi ako makapaniwala na nagawa niya akong ipagkasundo sa lalaking hindi ko naman mahal at hindi ko nakikita pa sa buong buhay ko..

"I'm sorry Max,ito nalang ang huling naiisip kong paraan para maka survive sa crisis ang company natin." Paliwanag pa ng Chairman.

"Ang isugal ang sarili kong kaligayahan? Ang matali sa lalaking hindi ko pa nakita or nakilala sa tanang buhay ko?" Umiiyak kunang tanong sa kaniya..

"Matututunan mo rin siyang mahalin pagdating nang araw." Ang wika pa nito.

Natawa ako ng pagak sa sinabi ni Dad,para sa kapakanan ng kompanya nagawa niya akong baliwalain..ako na nag iisang anak niyang babae..

"Bakit ako pa? Andiyan naman si Kuya Migo,Si Kuya Gab,marami pa kayong ka business partner! bakit kailangan ako pa!?" Ang hindi ko na naiwasang sigaw sa kaniya.

"Max,ang Zhang Company lang ang nag iisang company na makakatulong sa Crisis na kinakaharap ng kompanya natin,at isa pa matagal na natin silang ka business partner, mas may tiwala ako sa kompanya nila." Paliwang pa nito..

Napailing nalang ako sa sagot ni Dada,hindi ako makapaniwala na magagawa niya ang bagay na to..siya na sarili kong ama!

"Sana maintindihan mo Princess,ikaw nalang ang tangi kong pag asa para maisalba ang kompanya,para sa nakakarami." Paliwanag pa ng Chairman.

"I won't marry him,over my dead body." Matatag kong sabi kay Dad before ako patakbong umalis ng company niya.

I hate him!

I hate all of them!

Pakiramdam ko pinagkakaisahan nila ako! 

Paano nila nagawa yun sa akin? Paano sila nakapag decision without my consent!

"Ms.Maxine Uuwi kana ba?"

Narinig ko pang tanong ng staff ko,pero hindi ko siya pinansin..nagpatuloy lang ako sa pagtakbo papunta sa parking lot kong saan naroon ang car ko..

Inside my car!!

Dito ko binuhos ang sakit na nararamdaman ko sa loob ng car,ito ang naging saksi nang lahat ng kalungkutan ko..lahat ng hinanakit ko at pinag dadaanan ko sa buhay.

Napatingin ako sa phone ko ng tumunog iyon,galing kay Mom ang tawag..alam kong alam niya ang bagay na to..

Sa halip na sagutin ang tawag niya, pinaandar ko nalang yung sasakyan ko..I just wanted to be alone for the mean..

Kailangan kong makapag isip..kailangan ko ng oras..

Nag drive lang ako ng walang patutunguhan,bahala na kong saan ako dalhin ng sasakyan ko..

Gusto kong lumayo,kahit sandali lang,gusto kong makawala sa sakit na nararamdaman ko. Sa bigat ng pinagdadaanan ko.

Ito ba ang kaparusahan na maging anak ng isang mayaman..kong ito man,mas magugustuhin ko nalang ang mabuhay nang isang mahirap..

........

Someone POV

Mula sa loob ng opisina ay may kausap ang Chairman sa Phone. 

"I just want you to find her ASAP,dalhin niyo siya sa bahay,ikulong niyo kong kinakailangan!" Ang galit pa nitong utos mula sa kabilang linya..

Hindi niya pansin ang pag pasok ng isang lalake mula sa loob..

"Kailangan niyo ba talagang gawin to sa kaniya? " Ang di makapaniwalang tanong ng binata sa Chairman..

Noon lang binaba nang chairman ang hawak niyang phone at tuluyang hinarap ang binata.

"Wala na akong choice pa,alam mo naman ang kalagayan ng company natin,isang buwan nalang before ang bankruptcy. Ito nalang ang naiisip kong paraan." Sagot pa nito at inutusang maupo ang binata.

"Pero Chairman,sana kinausap niyo muna siya sa bagay na to,bago kayo nag desisyon..alam kong nasaktan siya sa ginawa  niyo,,sa lahat ng tao,alam ko na hindi niya inaasahan na ikaw pa mismo ng gagawa nito sa kaniya." Paliwanag pa ng binata." Buong buhay niya,lagi siyang nakadikit sayo,lahat ng ginagawa niyo sinusundan niya..kasi subrang idolo niya kayo." Dugtong pa nito.

"Kilala mo ang kapatid mo,alam ko na hindi siya papayag sa bagay na to." Sagot pa ng Chairman na bahagyang nalungkot.

"Kaya gumawa kayo ng desisyon ng hindi sinasabi sa kaniya,para wala na siyang pag pilian pa? Tao din si Max,wag niyo siyang gawing collateral." Ang nasasaktan ng sabi ni Gab sa ama..

"Ano ang gusto mong gawin ko? Ang hayaang ma bankrupt ang company,at maghirap ang mga employee natin!? Buong buhay nila sa atin sila nakaasa! Makakaya mo bang mabuhay na naghihirap ang mga taong yun,gayong may pagkakataon kang pumili na maisalba pa to!?" Ang galit na tanong ng Chairman.."kong ikaw ang nasa kalagayan ko,ano ang gagawin mo?" Anang Chairman wt tinapik ang balikat ng anak bago ito tinalikuran..

"Paano naman ang kaligayahan ni Maxine Dada?" Malungkot na tanong ng binata.

"Masakit din sa akin to,pero wala na akong mapagpipilian pa." Sagot ng Chairman.

Masakit para sa kaniya ang ginawa niyang iyon Kay Maxine,pero wala na siyang pagpipilian pa..tanging ang Zhang Company nalang ang natitirang pag asa para maisalba pa ang kompanya nila..

...........

Sa kabilang banda tahimik na kumakain ang binata,habang kausap ang isang lalaking naka suot ng salamin..

"It's time for you to meet her." Sabi pa ng lalake sa binata.

"She's pretty thou huh." Sabi pa ng binata habang naka titig sa larawan ng dalaga.

"I know." Sagot pa ng lalake.

"Uncle,tingin mo papayag siya sa gusto nang parents niya?" Usisa pa nito.

"Wala na silang choice kundi ang pumayag sa kasunduan natin,kong gusto nilang maisalba ang company." Sagot pa ng lalake.

"Sa pagkaka alam ko,only daughter siya,hindi kaya magbago pa ang isip ng chairman ng Harding Group." Tanong pa niya na tila nagdududa.

"Kilala ko ang Chairman,mahalaga sa kaniya ang kompanya at mga tauhan niya higit kanino man..kaya sigurado akong itutuloy niya ang napag usapan." Sabi pa nito.

"Kong ganun,mag set ka ng time para makapag usap kami ng Chairman." Utos pa niya sa lalaki.

"Ang totoo niyan,nag aya ng family dinner ang chairman,mamayang gabi sa bahay nila." Sagot pa nito.

Tumaas ang kilay ng binata sa sinabi ng lalake,hindi niya inaasahan na mapapabilis ang pagkikita nila ng dalaga..

May kong ano sa puso niya ang nagalak sa nalamang iyon.ang makita ang dalaga,ang babaeng pakakasalan niyan..

"Nga pala,napag alaman ko na gustong makipag business partner ni Kenjie sa mga Quinto. I'm sure may binabalak siya."

Agad na natigilan ang binata sa sinabi ng lalaking kausap niya..kilala niya ang lalaking tinutukoy nito..ito ang dahilan kong bakit namatay ang mommy niya..galing siya sa pamilyang Han.

........

Kenjie POV

Galit na tinabig ko ang anumang nakapatong sa mesa ko..hindi ako makapaniwala na magagawang piliin ng Harding group ang Zhang company!

Akala ko umayon na lahat sa plano ko,pero hindi pala.hindi ko inaasahan na ang Zhang company ang pipiliin niya..

"Sir,alam kong masama ang loob niyo ngayon sa mga nalaman niyo,pero may isang bagay akong ibabalita sa inyo na alam kong ikakatuwa niyo." Anang secretary ng binata.

"Siguraduhin mong matutuwa ako sa bagay na yan! kundi ibabawas ko yan sa mga day off mo!" Ang galit kong baling sa kaniya.

"Sir naman halos wala na nga akong day off dahil sa mga parusa niyo," Reklamo pa niya sa binata." Nga pala,napag alaman namin na tumanggi ang anak ng Chairman na pakasal sa CEO ng Zhang company." Sagot pa nito.

Saglit akong natigilan sa sinabi niya..pero kilala ko ang chairman ng Harding group,hindi siya papayag na basta nalang tatanggi ang anak niya sa kasal gayong kailangan ng kompanya nila ng tulong.

"Gusto kong alamin mo kong anong ginagawa ngayon ni Karl,sigurado akong may binabalak siya." Utos ko sa kaniya.

"Masusunod po Sir,pero bago yun gusto ko lang ipaalala sa inyo na may meeting pa kayo before 2pm." Sabi pa nito..

"Cancel all my meeting,may kailangan akong gawin." Utos ko bago ako tumayo at lumapit sa may bintana.

Kailangan kong maka usap ang anak ng Chairman ng Harding group,handa kong gawin ang lahat huwag lang matuloy ang kasal..ayaw kong maagaw siya ng iba sa akin..

Noong araw na nakita ko siya,ipinangako sa sarili ko na siya lang ang babaeng mamahalin ko..ang magiging ina ang mga anak ko..

Tanda ko pa ang una naming pagkikita,hindi ako sigurado kong naaalala pa niya ako o hindi na..matagal na panahon na rin na nangyari yun..

Nong araw na yun, 17 years old pa lang ako,namatay ang parents ko dahil sa car accident..nong mga panahong iyon,malungkot ako,galit sa mundo..

"Kong iiyak ka lang diyan at wala kang gagawin,walang mangyayari sa buhay mo." Sabi pa ng dalagita sabay abot ng puting panyo dito.

Tanda ko pa ang sinabi niyang yun,hanggang ngayon natatandaan ko pa ang mukha niya.

"Sa mundong to walang katiyakan ang buhay,gawin mo kong ano ang magpapasaya sayo,habang may oras ka pa."

Ang brat na yun. Akala niya kong sinong matured magpayo..eh mas matanda pa ako sa kaniya..

Hindi ko talaga maiwasang mangiti kapag naaalala ko ang mga sinabi niya..sa totoo lang gusto ko siyang pagtawanan ng sinabi niyang iyon..

Sino ba namang di matatawa,habang sinasabi niya yun,may lollipop pa siya sa bibig niya...di ba ang immature niya.

........

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status