Asper Reign Dahila’s Pov“Pwede bang mag-relax ka muna?” sabi ni Miracle habang naglalakad kami papasok ng hotel. “At ayusin mo iyang mask mo kung ayaw mong malaman agad ni Jyn na narito ka.”Masquerade kasi ang theme ng party kaya required na magsuot ng mask. At plain gold mas ang suot ko ngayon at ipinartner ko ito sa suot kong red backless long dress.At kanina lang nabanggit sa akin ni Miracle na karamihan sa mga bodyguard na siyang nababantay sa ancestral house namin kung saan ako nag-i-stay ay tauhan ni Jyn kaya naman kinailangan ko pang iligaw iyong mga nakasunod sa akin para lang hindi niya malaman ang pagpunta ko dito.Ang sabi kasi ni Miracle ay baka umalis agad ito para umiwas sa akin kapag nalaman niyang pupunta ako dito.“At pwede ba, huwag ka naman umasta na para bang gatecrasher ka,” natatawa pa niyang sabi. “May invitation ang Dahlia Clan para sa birthday na ito kaya walang masama ang pagpunta mo dito. Magkaibigan kaya ang daddy mo at ang lolo ni Reina. Kaya nga agad n
Asper Reign Dahlia’s PovMatapos kong sabihin kay Jyn ang lahat ng gusto kong sabihin ay agad ko na din siyang iniwan sa balcony. Gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon para naman makapag-isip at matatak sa utak niya na hindi ko siya basta pakakawalan.At plano ko na sanang umuwi dahil wala na naman akong ibang sadya dito pero bago pa man ako makalabas ng hotel ay may ilang lalaki ang bigla na lang humarang sa dadanan ko.Bahagya akong kinabahan dahil hindi ko kilala ang mga ito at akma na akong aatras pabalik sa loob ngunit agad akong natigilan nang makita ang lalaking nakatayo sa likuran nila.Napangiti ako at lumapit sa kanya. “Nakapag-isip ka agad?”Hindi siya nagsalita at agad na lamang akong niyakap. “Ang tigas talaga ng ulo mo,” sabi niya na ikinatawa ko. “At talagang natutuwa ka pa.”“Akala ko kasi, mahihirapan pa akong kumbinsihin ka na bumalik sa akin.”Huminga siya ng malalim. “Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Hindi na magbabago ang isip mo?”Bahagya akong kumalas ng yakap
Asper Reign Dahlia’s PovDad agreed to let Jyn sleep in my room. He just gave a condition that we can’t lock the door and I agreed with that. Hindi ito ang unang beses na magtatabi kami sa isang kama pero wala namang nangyayari sa amin.Kahit nga ilang beses ko nang inaakit si Jyn, hanggang make out lang ang nagagawa namin dahil lagi niyang sinasabi na masyado pang maaga para sa relasyon namin ang gawin ang bagay na iyon.I don’t mind. Hindi ko napi-feel na nire-reject niya ako. Actually, I feel respected because of that.“So…” Nakaupo na siya sa kama habang nakasandal sa head board habang ako naman ay nakaharap sa kanya. “Isang taon tayong hindi nagkasama kaya kailangan nating bawiin ang lahat ng iyon.”Tumaas ang kilay niya. “And how do you plan to do that?”“We will be together everyday,” I said. “I already transferred the foundation to Aasiyah. Nagustuhan niya kasi ang pagma-manage noon at hiniling niya din sa akin para daw mabawasan ang value ko at mabawasan din ang dahilan ni He
Asper Reign Dahlia’s Pov“Marry me—aw!” Inis akong tumingin kay Jyn habang hinihimas ang noo ko. “What was that for?” Pinitik lang naman niya ang noo ko.“You keep stealing my lines, baby,” ismid. “I should be the one saying those to you.”“Hindi porket ako ang babae, wala na akong karapatan na ayain kang magpakasal,” balik ko sa kanya. “I believe that men and women are equal. Kung ano ang kaya niyong gawin ay kaya din namin.”“I know that.” Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap. “There is no harm being a gentleman, you know. So, let me do my part.”“But you are slow.” Ngumuso ako. “Kung hindi pa ako ang nag-i-initiate para sa atin, walang mangyayari sa ating dalawa.”“Hindi ko naman kasi akalain na ganito ka pala kabilis,” sabi niya. “At magkaiba tayo mag-handle ng mga bagay. You are using everything to your advantage without thinking about its consequences.”“Let me correct that, okay?” I said, “I am more into the easy way for the people involved. Problema na nga ang hinaharap
Asper Reign Dahlia’s PovCassiela Clan is also part of Jyn’s family. Kaya after naming mag-almusal ay umalis agad kami sa bahay at dito dumeretso sa hotel ng mga Cassiela kung nasaan ang lahat.I want to pay my respect to them and honor them as Jyn’s family. At gusto ko din na malaman nila na hindi ko naman ilaayo sa kanila si Jyn kahit na ikasal na kami. I will respect their relationship with him.And I guess, nagustuhan nila ang desisyon kong sabihan sila agad tungkol sa pagpapakasal namin ni Jyn dahil labis-labis na tuwa ang ipinakita nila matapos naming ipaalam ang plano namin.They also gave me a warm welcome. At sinabi nila na huwag akong mahihiya sa kanila dahil parte na din ako ng kanilang pamilya.Alam kong mababait ang mga Cassiela. Walang masasabi sa kanila ang ibang tao pero hindi ko inaasahan na ganito ang magiging pagtanggap na ibibigay nila sa akin,“Are you okay?” tanong sa akin ni Jyn matapos akong pakawalan ng ilang pinsan ni Remus. “You looked overwhelmed.”“I am,”
Asper Reign Dahlia’s PovReina Rumia Cassiela-Jyn is alive.Iyan ang headline sa national news sa bansa dahil malaking issue ang kinasangkutan nito apat na taon na ang nakakaraan.Ayon sa kanilang source, mayroong nakakita kay Reina sa nasusunog na bahay kung saan ito dinala ni Prince Hector at iniligtas siya. Nang magising ay walang maalala na kahit ano at hindi aware ang mga nakakita sa kanya ng tungkol sa nangyari dito kaya hindi agad siya naibalik.Pero inalagaan siya ng mga ito hanggang sa tuluyang bumalik ang kanyang alaala. At ang pagbalik sa kanyang pamilya ang una niyang ginawa.Isang linggo na ang nakakaraan mula nang biglaan siyang dumating sa hotel ng kanyang pamilya kung saan in-announce namin sa mga Cassiela ang plano naming pagpapakasal.Pero matapos ang araw na iyon ay agad nawala sa plano ang tungkol sa bagay na iyon dahil naging abala si Jyn sa pagbabalik ni Reina.Hindi ko siya masisisi.Ito ang babaeng pinakamamahal niya na inakala niyang patay niya. Kung hindi nam
Asper Reign Dahlia’s Pov“Asper Dahlia…” Masaya akong sinalubong ni Prince Hector, ang kasalukuyang crown prince ng bansa namin at nakatatandang kapatid ni Miracle. “Hindi ko akalain na ikaw pa mismo ang lalapit sa akin at— shit!”“Asper!” sigaw ni Miracle matapos kong suntukin sa mukha ang kapatid niya. Agad niya akong nilapitan at hinawakan sa braso. “Please don’t be too hard. Baka makarating sa mga magulang ko at maparusahan ka.”Hindi ako sumagot at nananatili lang na nakatingin kay Prince Hector na ngayon ay nakaupo na sa sahig habang sapo ang kanyang sikmura na sinuntok ko.“W-what the hell?” Nag-angat siya ng mukha at tinapunan ako ng matalim na tingin. “What do you think you are doing?”“Kasalanan mo ang lahat ng ito!” sigaw ko sa kanya. “Ikaw ang dahilan ng lahat kung bakit durog na durog ako ngayon!”Nanlaki ang mga mata niya. Hindi malaman ang gagawin na para bang hindi niya inaasahan ang mga sasabihin ko.“This is all your fault!” Sinampal ko siya ngunit wala na iyong laka
Asper Reign Dahlia’s PovIsang kagulat-gulat na bagay talaga ang malaman na mahuhulog ang loob ng isang Hector Raydeen Azaria sa isang babae. Kilala siyang walang respeto sa kahit na sino, lalo na sa isang babae.Ang tingin niya kasi sa mga tulad namin ay isang bagay lang na magagamit niya kahit kailan niya gusto. Papalit-palit din siya ng mga babaeng ikinakama halos araw-araw. At kahit ang mga nagtatrabaho sa palasyo ay hindi nakakaligtas sa kanya. Hindi din siya nagdadalawang-isip na saktan ang mga ito ng pisikal kapag tumanggi sa kanya.Kaya hindi na nakakapagtaka na nahimatay si Miracle matapos kong sabihin na in love ang lalaking ito.“I am not,” tanggi ni Hector at agad na nag-iwas ng tingin. “I am not.”“It sounds like you are convincing yourself,” sabi ko. “Anyway, gusto pa talaga kitang sapakin dahil sa mga ginagawa mo nitong nakaraan pero hindi ako kasing sama mo kaya ititigil ko na.”Masakit pa din ang puso ko dahil wala na naman akong magagawa sa sitwasyon namin ni Jyn kun
Caspian Jyn's Pov “Something is wrong,” iyan ang sambit ni Rajiv matapos ibaba ang kanyang cellphone pagkuwa’y tumingin sa akin. “They are acting weird.” “Who?” “Lucky and the rest of Asper’s bodyguards,” sagot niya. “What makes you think that they are weird?” I asked. “Asper changed, Jyn,” he said. “Sa isang taon natin siyang hindi nakita, malaki na ang pinagbago niya. At hindi na siya iyong tipong mananatili lang sa isang tabi, tatahimik at walang gagawin.” “Sa tingin mo ay pagtatakpan siya ng mga iyon kung mayroon man siyang ginagawa nang hindi natin nalalaman?” Nagkibit-balikat siya. “I don’t know how Asper thinks now. At alam ko kung gaano katakot ang mga iyon sayo, hindi pa din maalis sa isip ko na may ginagawa si Asper.” “Pull out the last batch of security details that we send there and just send Azure. Just make sure that she will not learn his identity at the group.” Ibinalik ko ang tingin sa mga papeles na hawak ko ngayon. “Kahit gaano kalakas ang pinanghahawakan niy
Asper Reign Dahlia’s PovDad told me not to worry too much after I mentioned to him about what Hector said to me. Siniguro niya ako na nakahanda siya at si Aasiyah sa kung anuman ang maging hakbang ng palasyo.He already learned his lesson. Kaya wala na din siyang planong pangunahan pa si Aasiyah sa kung ano ang magiging desisyon nito kung sakali man na mag-propose ang palasyo ng kasal para kay Cloven.Well, kilala ko naman ang kapatid kong iyon. Kahit siya ang bunso at medyo sheltered ng buong pamilya ay hindi siya magpapakontrol sa mga taong nasa paligid niya.Tulad ko ay lalaban siya kung hindi niya gusto ang sitwasyon kaya alam kong hindi siya basta magpapadala sa mga iyon.At para makasigurado ay sinabihan ko na din si Miracle. At siniguro niya na gagawin ang lahat upang hindi maulit kay Aasiyah ang nangyaring pangha-harass sa akin ng mga nasa palasyo noon.Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. At least, alam kong kahit wala ako doon ay mapoprotektahan si Aasiyah. Hindi ko k
Asper Reign Dahlia’s Pov“Ang sabi ko, ipinasa ko na nang tuluyan kay Aasiyah ang pamamahala sa foundation,” ulit ko. “Tapos nang asikasuhin ng mga lawyer namin ang pagta-transfer ng management noong isang taon pa at noong isang buwan iyon na-finalized.”Hindi pa din nawawala ang gulat sa mga mata niya matapos ang narinig. At maliban doon, bakas din ng matinding pangamba ang kanyang mukha na para bang isang maling pagkakamali ang ginawa ko.“Aware ka naman siguro na mula nang umalis ako, si Aasiyah na ang namamahala sa foundation,” dugtong ko. “At dahil nga sa nangyari sa akin at sa buhay na pinipili ko ngayon, nagdesisyon akong bitiwan ito. Nagprisinta si Aasiyah na akuin ang responsibilidad dahil nagustuhan niya din ang pagtatrabaho dito.”“You…” Napasapo siya ng noo at napaupo sa damuhan. Hindi ko alam kung anong problema niya pero para bang isang malaking balita ang narinig niya.Hindi naman mahalaga para sa foundation kung sino ang namamahala dito. As long as tuloy-tuloy ang mga
Asper Reign Dahlia’s Pov“Sira ulo ka din talaga, noh?” natatawa na sabi ni Hector matapos kong ikwento sa kanya ang ginawa ko sa mga tauhan ni Jyn na bodyguard ko ngayon. “Isinangkalang mo ang sarili mo para lang mapasunod ang mga iyon.”“That is all I have, okay?” sabi ko. “I can only take advantage of Jyn’s feelings for me to make them do what I want.”Napailing siya at itinuon ang atensyon sa pagpapaligo sa isang kabayo. “You like taking advantage of everything to make sure that every situation will side with you.”Nandito kami sa kwadra ng mga kabayo. Nagtatrabaho siya habang ako naman ay nakaupo lang hindi kalayuan sa kanya.“Mas malala pa ang ginagawa mo noon, noh!” Inirapan ko siya. Kung makapagsalita ang lalaking ito, akala mo ay hindi niya inabuso ang posisyon niya bilang crown prince noon para makuha ang lahat ng gusto niya.“Kaya nga nagbabago na ako, hindi ba?” balik niya sa akin. “Eh ikaw? Parang lalo kang lumalala habang tumatagal.”“Well, sa mundo ng mafia na pinapasok
Asper Reign Dahlia’s PovPagdating sa farm ay agad akong sinalubong ni Hector. At agad niyang sinabi na ang trabahong napili niya ay ang pag-aalaga ng mga kabayo.Ang alam ko ay mahilig siyang mangabayo. May mga alaga sila sa palasyo at ilang beses na din siyang sumali sa mga horseback tournament kaya siguro iyon ang pinili niyang gawin habang nandito siya.Kaya kinausap ko agad si Layno, ang namamahala sa pag-aalaga sa lahat ng hayop dito sa farm, at sa kanya na ibinilin si Hector.Pagkatapos noon ay nagpahinga muna ako buong araw. Ginising lang ako ni Manang Judith para maghapunan at nang malalim na ang gabi ay tsaka ko tinipon ang lahat ng bodyguard na ibinigay sa akin ni Jyn.Nasa malawak na garden kami. Nakaupo ako sa ilang baitang ng hagdanan habang ang sampung miyembro ng security detail ko ay nakaupo sa damuhan.“So?” Tinaasan ko sila ng kilay. “Kayo lang ba talaga ang pinadala ng boss niyo para bantayan ako?” Isa-isa ko silang tinitigan.“Yes, Miss Asper,” sagot ni Lucky. “Th
Asper Reign Dahlia’s Pov“Sorry for that, Dad.” Iyan na lang ang nasabi ko kay Daddy na kausap ko ngayon sa cellphone habang nakatitig ako sa chopper niyang binabalot ng apoy na bumubulusok mula sa himpapawid. “I am still not sure about how much money I have right now but I will try to buy a new chopper for you.”Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Daddy mula sa kabilang linya. “Don’t worry about that. Plano ko na namang ibigay na lang sa kuya mo iyan at bumili ng bago.”Napakamot ako ng ulo. “Then, nawalan pa tuloy si Kuya ng pinakamadaling transportation niya para makapagpabalik-balik siya ng Yain City nang hindi napapabayaan ang trabaho niya.”“But are you okay?” tanong ni Daddy. “Mabuti at agad niyong napansin na may problema ang chopper at nakababa agad kayo.”“Siguro ay dahil sa patuloy na pagte-training ko ay naging matalas na din ang pakiramdam ko kapag may panganib sa paligid ko.”“Are there any casualties?”“Wala naman,” sagot ko. “Sa dagat naman bumagsak ang chopper at wal
Asper Reign Dahlia’s PovMaayos na ang lahat ng kailangan ko para sa paglipat sa farm. Nandoon na din ang mga taong makakatulong sa akin sa panibagong yugto ng buhay na tatahakin ko.Though, alam ko naman na may mga pagkakataon na bibisita pa din ako dito kaya hindi ko maintindihan kung bakit sobra naman yata kung makaiyak ang pamilya ko.“Seriously, guys?” Naiiling na lang ako sa kanila. Lalo na kay Kezia na sobra pa kung makayakap sa akin. “I am just three hours' drive away. Pwede kayong bumisita sa akin anytime. At bibisita pa din ako dito kapag may free time ako. You can also call me whenever you want. Hindi na ito tulad ng dati noong nasa Yain City ako na limitado lang ang communication natin.”“Iba pa rin ang nandito ka!” singhal sa akin ni Kezia. “Kung bakit ba naman kasi kailangan mo pang lumipat doon. You can manage the farm without staying there.”“I know.” Bumuntong hininga ako. “Pero ang farm ang primary source of income ko kaya kailangan kong tutukan iyon. Isa pa, kailang
Asper Reign Dahlia’s Pov“Give him time, Asper,” dagdag ni Miracle tsaka ibinagsak ang kanyang katawan sa kamang inuupuan. “He is not used to what is happening to him right now.”“I understand what is happening to him and I am trying my best not to become his burden while he is fixing everything around him,” paliwanag ko. “Kaya nga ako lalayo, hindi ba? Kaya ko pinili ang farm dahil doon, magagawa ko ang lahat ng paraan para protektahan ang sarili ko. Nang sa gayon, kapag ready na siyang balikan ako, hindi na siya mangangamba na muli akong mapapahamak.”“Ibig bang sabihin ba nito, kapag naayos na niya ang lahat at handa na siyang bumalik sayo, hindi ka magdadalawang-isip na tanggapin siya?”“Yup,” mabilis kong sagot na nagpabangon sa kanya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Moving on from him is not really part of my plan. I just want to give him space while he is working on his personal issue. And I am working on my life so I could live it the way I want without fearing for my safet
Asper Reign Dahlia’s PovPeople in the house were shocked by my decision to hire Hector and as I expected, Kuya Jasper and Kezia were against my decision. Though Dad didn’t say anything, I can see in his eyes that he is also on their side.Mom, Easter and Aasiyah were not really agreed but they respect what I want to do, just like what they kept doing for the past months.“He is changing,” giit ko sa kanila dahil paulit-ulit nilang sinasabi na hindi ko dapat pagkatiwalaan si Hector at alam ko naman kung ano ang ugali nito noon. “Why don’t you give him a chance.”“Do you really believe that he is changing?” tanong ni Kuya Jasper. “Paano pala kung nagpapanggap lang siya para makuha ang simpatya mo at kapag panatag na ang loob mo ay tsaka niya babawiin ang mga binitawan at muli kang pilitin na magpakasal?”Pinanliitan ko siyang mata. “Are you hearing yourself, right now? Hector is incapable of pretension. Iyan ang isang bagay na maganda sa kanya dahil kahit anong pilit niya ay hindi niya