Share

Chapter 3

Author: AirportEni
last update Huling Na-update: 2023-10-13 07:23:43

"Pupunta ka ba ng nightclub mamaya, Crezst?" Tanong ni Helen.

Umiling si Crezst at sumubo ng ice cream bago sumagot. "Huwebes palang ngayon eh! Bukas ng gabi nalang para kinabukasan ay walang pasok."

"Sama ka, Slaine?" Aya ni Helen na tinitimbang ang aking ekspresyon.

Umiling ako bilang pagtanggi, "May trabaho ako sa Sabado kaya hindi ako pwedeng maglasing bukas."

"Sumama ka naman sa amin kahit minsan." May bahid ng pagtatampo sa boses ni Crezst at ngiting napailing ako sa kanila.

"Saka na kapag may pera. Maghahanap pa ako ng afam sa tinder para may pambayad ako sa tequila shots niyo."

"Libre ka namin! Sama ka na please?" Pagpupumilit ni Helen.

"Pasensya na girls, mahal ko atay ko."

"Gaga ka." Singhal ni Helen na ikinatawa ko.

"Minsan lang naman!" Depensa naman ni Crezst.

Umarko ang kilay ko at kalaunan ay isang nanunuyang ngiti ang gumapang sa labi ko. "May binabalak kayo sa akin 'no?"

"Huwag na natin siyang pilitin." Pagsuko ni Crezst saka napairap at ibinalik sa ice cream ang atensiyon. Wala sa mood ang loka kaya hindi ko na pinikon pa.

"Kasama niyo naman siguro ang boyfriend niyo, magmumukha lang akong chaperon doon." Usal ko habang tinitignan ang pictures na natanggap ko mula kay Helen.

Ginawa kong wallpaper ang litrato namin ni Rafus na whole body. Tumingkayad ako kaya nagkatinginan kami sa isa't isa. He looks so handsome even in those glasses!

I can't help myself from blushing and giggled at my own thoughts.

Friday came, I really thanked the SSG's Vice, Inigo. Nahuli kasi ako at mabuti nalang dahil hindi niya ako pinalista sa logbook, iwas ako sa pagkakaroon ng violation!

May dala akong graham balls at naubos agad iyon na hindi pa break time. Doon kami sa usual tambayan sa lilim ng puno. Nadagdagan uli ang school works namin at kailangan namin iyong matapos bago ang final exam.

Nang bumukas ang gate ay agad na nagpaaalam si Helen at Crezst sa akin dahil nga magku-club sila mamaya. Hindi nila sinabi kung saan at isa pa, hindi naman ako sasama kahit anong pilit nila. Kahit libre pa. Mahina ang tolerance ko sa alcoholic beverages at ayokong umasa sa pera nila. Nakakahiya.

"Gago ka!" Pinagsusuntok ko siya sa braso dahil sa pagkainis nang gulatin niya ako.

"Taympers! Taympers!" Pagpipigil niya sa akin pero mas lalo ko lamang nilakasan ang pagsuntok.

"Time Freeze iyon hangal!" Pagtatama ko. "Bakit ka ba kasi nanggugulat Lowell? Kung may sakit siguro ako sa puso, kanina pa ako dedo!"

"Masamang damo ka." Paalala niya kaya pinaningkitan ko siya ng tingin. "Joke." Pahabol nito.

Napairap ako at binilisan ang paglalakad. Inignora ko si Lowell nang tawagin niya ang pangalan ko. Pwede naman siyang tumakbo para maabutan ako, may pagkabobo talaga 'to minsan.

"Sabay na tayong umuwi, Slaine!"

Napalingon ako sa kaniya at bumuntong-hininga. "Ayokong ma-issue, Lowell."

"Libre kita ng street food." Napapantig ang tainga ko sa sinabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Sana sinabi mo agad!"

Ngiting-ngiti siyang napapailing habang papalapit sa akin. "Tara na!"

Naglalakad kami ni Lowell sa corridor at nahagip ng mata ko si Rafus na nagbabasa ng libro sa bench. Sinadya kong lakasan ang boses ko kapag nakikipagtuksuhan kay Lowell para mapansin niya pero wala talagang epekto, manhid ang loko.

Nakakabadtrip naman!

"Hoy grabe ka Lowell! Hindi naman ako baboy!" Reklamo ko sa kaniya dahil andami ng binili niya para sa'kin!

"Minsan naman lang 'to," aniya at sumubo ng fishball.

"Mukhang sa'yo na ako sasama tuwing uwian ah?" Napapangisi kong sabi.

"Sabi ko nga, ito na ang huling beses." Napahalaklak ako sa sagot niya.

"Hoy Lowell! Mga galawan mo!" Napalingon ako sa pinagmulan ng boses at nakita ko si Aji, ang pinsan niya na kalalabas lang ng gate.

Lumapit si Aji sa amin at inilahad ko ang paper plate na may lamang pagkain pero 'yong pagkain ni Lowell ang binawasan niya.

Mahinang napamura sa Lowell nang bigla siyang binatukan ni Aji pero naagaw ang pansin ko sa lalaking palabas ng gate.

Tumagal ang tingin ko sa kaniya. Grabe, ang gwapo niya talaga!

Napalingon siya sa direksyon namin na blangko ang ekspresyon ng mukha. Nginitian ko siya habang iniwagayway pa ang aking kamay pero umiwas siya ng tingin at diretsong naglakad paalis.

Kung hindi lang kita crush, ekis ka na sa'kin!

"Babalik kami bukas ng umaga sa bukid." Mahinang sabi ni Tatay, napatigil ako sa pagkain.

"Gusto niyo po bang samahan ko kayo, Tay?"

"Huwag na 'nak. Kaya na namin ito ng Nanay mo at ng mga Tito mo." Pigil ni Tatay.

"Ano po bang gagawin niyo doon Tay? Baka pwede akong makatulong?" Alok ko pero umiling si Tatay.

Hindi kami sinasama nina Tatay at Nanay sa bukid at kailangan ko pa silang pilitin minsan para pumayag.

"Mag-aani kami ng mani."

"Dalhin niyo po ang dalawang tupperware ng graham balls bukas para may makain kayo roon." Sabi ko sa kanila pero agad na tumanggi si Nanay.

"Pagkakitaan mo nalang anak."

"Sige na po Nay, minsan lang naman po eh." Dumukot ako sa bulsa at inabot iyon kay Tatay. "Tulong ko po, Tay."

"Itabi mo nalang iyan sa gastusin mo anak." Ibinalik ni Tatay sa akin ang isang libo.

"Nabayaran ko na po ang babayarin namin ni Shey sa school. Tulong ko nalang po iyan para sa pagbili ng maintenance ni Nanay."

Hinaplos ang puso ko nang makitang ngumiti sila Nanay at Tatay. Ang sarap sarap sa pakiramdam niyon. I can't wait to receive my diploma and find a permanent job so that I can give my parents anything they want.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para makapaghanda ng agahan nina Nanay at Tatay bago pumunta sa bukid. Kinuha ko narin ang damit nila para maisama ko sa aking paglalaba.

Pagbalik ko ng bahay ay nakita kong naghahanda na sila Nanay at Tatay. Inilapag ko muna ang binili ko sa mesa para tumulong sa kanila.

Ako ang naglagay ng tubig sa water jug na dadalhin nila at inilabas narin ang dalawang tupperware ng graham balls mula sa freezer. Inilagay ko iyon sa bag na dadalhin nila.

Lumabas na ako ng bahay pagkatapos tumulong para makapagsimulang maglaba.

I've spend so much time washing our clothes. Nasampay ko na sa sampayan ang mga damit namin at ni-hanger ko naman ang mga damit panglakad. Kanina pa nakaalis sila Nanay at hindi pa nagigising hanggang ngayon si Shey.

Pumasok ako sa bahay para makapagpahinga ng kaunti, mag-aalas otso palang naman at maya maya nalang ako maliligo.

Naka-mustard color shirt ako na may itim na bulsa sa kaliwang dibdib at nakatuck-in sa aking black jeans saka ipinares sa lumang cream color na ballerina flats. Nakalugay ang mahabang buhok ko, sinuot ko ang relong pambisig at isinukbit sa balikat ko ang mumurahin kong sling bag.

Bitbit ko sa kanang kamay ang eco bag na naglalaman ng order ni Ma'am na ihahatid ko ngayon. Pumara ako ng tricycle at sinabi ko kung saan ako bababa saka nag-abot ng bayad.

Naglakad ako ng mga sampung metro bago ko narating ang bahay nina Ma'am. Nagtawag ako sa labas at ilang sandali lang ay lumabas na si Ma'am na pawisan saka pinagbuksan niya ako ng gate ng bahay nila. "Pasok ka muna Slaine."

Ngitian ko si Ma'am at sumunod sa kanya, bitbit ko parin ang eco bag. "Ma'am, saan ko po ito ilalagay?"

Itinuro niya ang mesa at nilapag ko roon ang order niya. Mukhang abalang abala sila sa paghahanda, maging ang asawa ni Ma'am ay tumutulong na rin sa pagluluto.

May mga lutong pagkaing nakalagay sa mesa at tinatakpan ng babasaging pantakip. Napansin ko rin kanina na may nagluluto sa labas ng bahay nila Ma'am.

"Ito ang bayad ko Slaine." Nanlaki ang mata ko sa halaga ng binayad ni Ma'am, hindi ko agad iyon natanggap.

"Wala po akong pangsukli sa'yo Ma'am."

I heard my teacher chuckled a bit. "Loka hindi mo na ako kailangang susuklian, bayad ko na lahat iyan sayo."

"Pero sobra po ng dalawang daan Ma'am." Pilit niyang inilalagay sa aking kamay ang isang libo. "Isipin mo nalang na tip ko iyan sa'yo Slaine. Sige na, tanggapin mo na."

Bumuntong hininga ako't napipilitang tanggapin ang pera. "Bumalik ka dito mamayang alas dos ng hapon Slaine, ah?"

"Ay hindi na po kailangan Ma'am." Pagtatanggi ko.

Nandito lang naman ako para maghatid ng order, hindi para umattend ng party. Kung ano-ano nang kasinungalingan ang sinasabi ko kay Ma'am para makaalis lang sa bahay nila at sa huli ay pinayagan ako kahit labag sa loob niya.

Nagpaalam ako kay Ma'am at sa asawa niya bago tuluyang umalis ng bahay nila. Naglakad ako uli hanggang sa makarating ako ng highway.

Laglag ang panga ko at nanlaki ng bahagya ang mata nang makilala ko kung sino ang lalaking kausap ng isang caretaker.

He's wearing a tan colored chino shorts and a black polo shirt paired with white sneakers! He's still wearing an eyeglasses, let me tell y'all he's so frigging hot!

Nakapasok ang isa niyang kamay sa kaniyang bulsa at kitang kita ko mula dito ang mamahaling suot niyang relo. Rolex o Cartier o Patek Phillipe? Hindi ko alam kung anong brand basta diyan sa tatlong iyan!

I'm damn conscious of myself right now!

Napaiwas ako ng tingin nang lumingon siya sa direksyon ko. Napapakagat labi ako't medyo kinikilig.

Nang sumulyap ako ay Rafus at nagtama ang tingin namin. He's staring at me while talking to the caretaker. Nakapark sa gilid nila ang kotseng BMW X5M na itim na sa tingin ko ay kaniya rin.

Marunong pala itong magmaneho? Rafus baka naman may balak kang imaneho ako papuntang langit?

I laughed at my own thoughts. Curse this contaminated mind! Kasalanan ito nila Crezst at Helen!

Nang makaalis na ang caretaker ay naglakas loob akong tumawid ng kalsada para makalapit sa kaniya.

"Hi, so we meet again." I said in a nice way and trying my hardest to calm myself. Baka kasi malandi ko siya. His eyes were intimidating but I snob it.

Seryoso niya akong tinignan at nangangawit na ang labi ko sa kangingiti sa kaniya pero wala namang epek.

"Uuwi ka na?" I tried hitting a conversation with him. My mouth left open when he just nodded and never said anything.

Lintek na isang tanong, isang sagot na lalaki ito!

"Bakit dito ka nagbabantay? Hindi ba pa-norte ang lugar niyo?"

I'm grinning from ear to ear and my cheeks reddenned of what he asked. Even if it's in monotone, I'm still thrilled! Paano niya alam? Ito na ba ang sign na intersado siya sa akin?

Hindi pa kasi ako uuwi dahil may balak akong pumunta ng El Paso para bumili ng groceries. Makikipaglandian muna ako kay Rafus habang nagbabantay ng masasakyan. Susubukan ko lang at baka may mapala ako.

"Kikitain ko kasi sugar daddy ko." I joked but then I was disappointed due to the reason that he remained unbothered!

"Ikaw? Bakit ka nandito?" I asked again.

"Bakit? Hindi pwede?" Balik niyang tanong at umarko ng kaunti ang isang kilay.

"Sinusundan mo ako ano?"

"No." He flatly declined.

Aray! Hindi man lang nagdalawang isip! Ang kasungitan niya ay parang kanta ng æspa! Next level!

"E, bakit ka nandito?" Magsusungit na rin ako at nakipaglaban sa pakikipagtitigan sa kaniya hangang siya ang naunang umiwas.

I won! Ha!

"I'm just checking our family's plantation." He boringly answered.

"Totoo? Pati rito may plantasyon kayo?" Mangha kong tanong. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang tumango siya, hindi ko inaasahang sumagot siya. Nakakapanibago!

"Are you a licensed driver?"

The side of his lips rose. "Why ask?"

"Just answer me." I demanded.

An amusing smile slowly crept his face. "Yes, I am."

Tinanaw ko muna kung may paparating na bus at may nakita akong Ceres na huminto sa hindi kalayuan.

Bumaling uli ako kay Rafus na tila naghihintay ng paliwanag kung bakit ko natanong iyon.

I smiled sweetly at him while he's just pursing his lips. "Then, baby drive me."

Hindi ko na hinintay pa ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko. Agad akong tumawid ng kalsada at pumara sa bus saka dali-daling umakyat.

Damn, nakakahiya!

Kaugnay na kabanata

  • Enthralling Beauty   Chapter 4

    "Ano'ng gagawin ko?" Nahihimigan ko ang frustration sa boses ni Helen.Napaangat ako ng tingin sa kaniya na kanina pa hindi mapakali. "Bakit mo ba kasi ginawa iyon?" Problemado kong tanong sa kaniya."Hindi ko naman kasi alam na pinsan niya iyon, okay?" Napaupo siya at bahagyang ginulo ang buhok."Marupok ka kasi!" Napairap si Crezst.Matalim siyang tinignan ni Helen. "Lasing ako noon, okay? Pareho tayong lasing!""E, bakit ako? Lasing din naman ako pero hindi ako nakipagmake-out!" Singhal ni Crezst.Napatingin ako sa paligid, mabuti nalang at walang nakarinig. Break time namin ngayon at nasa tambayan kami. I actually don't know how to help Helen. Nahuli kasi siya ng boyfriend niya na nakikipagmake-out doon sa nightclub noong Biyernes, ang masaklap ay pinsan pa iyon ng boyfriend niya. Hindi lang basta pinsan kundi itinuturing iyon ng boyfriend niya bilang malapit na kaibigan!"Did your boyfriend make a scene at the club?" I asked with worry."Muntik na Slaine, mabuti nga at naawat aga

    Huling Na-update : 2023-10-23
  • Enthralling Beauty   Chapter 5

    "Hoy Crezst! Grabe ka na talaga! Babalik iyan sa'yo, sige ka!" Dinuro ko siya at sinikap na maging seryoso ang boses."Whatever, Slaine!" Napairap si Crezst. "Ngayon, parang alam ko na kung sino ang unang mabubuntis."I was slightly got insulted by what she said. Since she's a really good friend to me, I let it slide."I think, it's you." I said in monotone and my eyes were pierced on her.Nanlaki ang mata ni Crezst dahil sa gulat. "W-why me? I think... it's Helen!""No Crezst, I think it's you too." si Helen.I want to laugh out loud because of Crezst's expression. She's afraid. She's afraid it might come true.Kahit na ako ay natatakot. Sino ba naman ang hindi? Ang babata pa namin para magkaroon ng anak. I want to give my child a good life. Having a child is the last thing I want to do if luck won't be at my side."Bakit ba ito ang pinag-uusapan natin?" Naiinis na tanong ni Crezst."Well, you brought this topic first." I pointed out."Please let's not mention this kind of topic ever

    Huling Na-update : 2023-10-24
  • Enthralling Beauty   Chapter 6

    Sa totoo lang, parang gusto kong tumalon palabas ng bus dahil sa hiya. Talagang nag-uusap sina Kirk, Daven, at Rios sa harapan ko! Of course, I would really feel awkward! Even if they're talking about sa particular game, I could sense a light tension between them."Kailan ang exams niyo Slaine?" Biglang tanong ni Rios at ang atensiyon nilang tatlo ay nasa akin."Uh, mid-August pa, Rios." Simple kong sagot at nakita ko ang bahagyang ngiti ni Rios.Three of them striked a conversation with me, and I kept on answering them with close-end, yet they still managed to keep it alive.Nang makarating ang bus sa terminal ay agad akong bumaba dahil hindi ko talaga kayang manatili na kasama silang tatlo. Muntik na akong mahulog dahil sa pagkatisod, buti nalang nahawakan agad ako ni Kirk sa bawyang kaya nakabalanse ako ulit.I expressed my gratitude to him, yet when I glanced at the back, I saw Daven and Rios darkly looking at him. When I finally got

    Huling Na-update : 2023-10-25
  • Enthralling Beauty   Chapter 7

    "Are you satisfied now?" Crezst boringly asked and glanced at her waych. "We're seven minutes late already. Luckily, our teacher hasn't arrived yet.""Okay, let's go." I smiled then nodded in jubilee.They both sighed. Helen shook her head before looking at me. "Is that the effect of not having a boyfriend these past few months, Slaine?""No. I don't need a boyfriend right now. Rafus alone is enough. I have to put all of my attention on him. He's getting more handsome as days passed by. Mahirap na baka may umagaw, mas mabuting mabakuran ko na.""Grabe, Slaine! Ikaw na talaga ang baligtad ang ulo! Dapat ikaw ang bakuran hindi 'yong ikaw ang magbabakod," pagtatama ni Crezst."Time will come, he'll be head over heels in love with me.""That'll be thirty years from now, Slaine." Helen teased that made me frowned."Tuyo na ako no'n! Hindi ako papayag, Helen!" Giit ko at kumibit-balikat lang ang dalawa.We continued w

    Huling Na-update : 2023-10-26
  • Enthralling Beauty   Chapter 8

    "Slaine, tingin ka sa labas! Harap-harapang kang sinasampal ng katotoohanan, o!" Ani Dani kaya napatingin ako direksyong tinuro niya.Hindi ko maalis ang tingin sa kanila. Mataman kong sinuri ang kasama niya, at mapait na napangiti. Kumakapit ang babae sa braso ni Rafus habang siya'y may dala-dalang libro."Ingatan mo siya, binalewala niya ako dahil sa'yo..."Kung nakakatigok lang ang tingin, kanina pa nadispatsa si Lowell at Dom. May pakanta kanta pang nalalaman eh sintunado naman at pumiyok pa!"Siya ang tunay na baby, Slaine. Sa kaso mo, kathang isip lang ang sa'yo.""Hindi ba dapat kino-comfort mo ako ngayon, Crezst? Tunay talaga kitang kaibigan!" May bahid ng sarkasmo ang boses ko at dumiretso sa upuan.Hindi parin sila tumitigil ang mga sinasabi nila sa akin na hindi ko alam kung pampagaan ng loob o mas lalong ikakukulo ng dugo ko."Isang daan, taya ko! Paniguradong may gusto ang babaeng iyon kay Rafus!" Pagpaparinig ni Lowell.Nang magtama ang tingin namin ni Dom ay nginisihan

    Huling Na-update : 2023-10-27
  • Enthralling Beauty   Chapter 9

    "Saan mo naman nakalap 'yan?" Mahinang usisa ni Lowell kay Crezst."Sa bibig niya mismo nanggaling!" Sagot ni Crezst at aminado akong nagulat sa narinig dahil hindi ko naman aakalain na makikipagbalikan siya kay Mejia. "Akala ko ba hindi pa iyon nakakamove-on sa ex niyang Criminology student na nanliligaw kay Sienna Gallegos?" Singgit ni Dani."Lahat naman ata ng mga ex niya, hindi pa siya nakakamove-on." Simpleng sabi ni Helen at napakibit balikat."Hindi kami nagkabalikan ni Mejia, okay?" Pagpaliwanag ni Lowell at kumunot ang noo ko dahil sa'kin siya nakatingin. "Isa pa, hindi kami ni Aena. Nanliligaw palang ako.""Ewan ko sa inyo, dami niyong issues sa love life!" Sabay itinaas ni Crezst ang magkabilang kamay."Nagsalita ang walang issue," parinig ni Helen at pekeng umubo."Nagsalita rin ang wala," ganti ni Crezst."Tahimik na. Pareho naman kayong dalawa na meron," awat ko sa kanilang dalawa pero anim silang nakangisi sa akin."Nagsalita ang wala!"Muntik na akong napaatras dahil

    Huling Na-update : 2023-10-28
  • Enthralling Beauty   Chapter 10

    After our last subject, I immediately fixed my things and about leave as it was already five thirty in the evening.Akma akong lalabas ng classroom nang may humigit sa siko ko. "Saan ka pupunta? Cleaners natin ngayon kaya huwag kang tumakas oy!"Napatampal ako ng noo dahil ngayon ko lang naalala. "Sorry, Hansel. Nakalimutan ko."Inilapag ko ang bag sa silya at tumulong sa paglinis ng classroom habang ang ibang myembro namin ay banyo ang nililinisan. I volunteered in throwing the trash, and I saw Lowell leaning on the wall outside the room."Tulungan na kita," aniya at kinuha ang dalawang basurahan sa hawak ko.Sumabay ako ng paglalakad sa kaniya at inasar ko siya habang bumababa kami ng hagdan. "Himala talaga na nandito ka pa. Hindi ba ikaw ang palaging unang nawawala kapag tapos na ang panghuling klase?"Mahina siyang natawa, "Hindi ba si Daniel iyon?""Si Daniel daw..." Napaismid ako. "Ikaw ang lider nila, remember?"

    Huling Na-update : 2023-11-01
  • Enthralling Beauty   Chapter 11

    "So, hindi ka bumisita kahapon?" Ulit niyang tanong kaya bigla kong naalala ang nangyari kahapon."Pupuntahan ko mamaya!"Ayokong sabihin sa kaniya na pumunta ako kahapon at hindi lang natuloy dahil nakita ko si Rafus na may kasamang babae kasi alam kongng kukutyain ako ni Crezst. Minsan kasi ay epal siya sa love life ko.Hindi ko naman ida-down ang sarili ko kaya masasabi kong pareho kaming maganda pero sa magkaibang aspeto lang."Akala ko talaga pumunta ka kahapon! Ikaw pa naman iyong tipo na go na go pagdating kay Rafus." Aniya at nakakunot ang noo na parang hindi makapaniwala."Akala ko ba ang sabi mo exam first and landi later? Bakit pakiramdam ko, ikaw pa ang tumutulak sa akin para harutin si Rafus, Crezst?"Napakamot siya ng ulo at parang nawiwirduhan sa akin. "Bahala ka na nga sa buhay-harot mo, Slaine!"Natapos ang araw na hindi ko nakikita si Rafus. Okay lang naman dahil ayoko pa siyang makita dahil maaalala ko

    Huling Na-update : 2023-11-02

Pinakabagong kabanata

  • Enthralling Beauty   Chapter 117 (Final Chapter)

    "Baby..." I heard Rafus spoke and I felt his presence in the bathroom.I stayed silent and acted oblivious. I don't want to talk with him at the moment because I know it'll end with screaming and fighting."Let's talk, I'll explain everything to you." His voice is cooing, and I just found him behind my back. His clothes are already soaking wet but he didn't left not until I faced him."Later... let's do that later." I said almost a whisper."No," he shook his head. The wet shirt is tracing his built. "We have to settle this now. I don't think I can last another second knowing something's off between us."My lips remain in thin line. I'm staring at him because I'm waiting for the words that will come out his mouth."That night when you finally gave me and our relationship another chance, kagagaling ko lang no'n mula sa dinner kasama ang pamilya ko at pamilya ni Aurora." He sighed and held my waist. His eyes were pleading and fille

  • Enthralling Beauty   Chapter 116

    "Be with me," Rafus whisper to my ears.The sunlight's already spreading everywhere, yet we're still here lying on my bed, both naked beneath my comforter.I hummed then buried my face more on his chest. "Where to?"He tightens the hug before kissing the top of my head. "Palawan. I brought a vacation house from Sienna, and I wanted to visit it with you."Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. I don't think I can get used to his handsomeness that will welcome me when I wake up in the morning. "Kailan ba ang plano mong bumisita roon?""Two days from now. Is that alright with you? We'll just fix what we needed to be fixed in the corporation, then I'll ask Rojas or Amadeus to look after the business for a while."I gasped audibly and blinked twice. "You're still friends with Amadeus?""Baby, what are you talking about? Of course, I'm still friends with Amadeus." Natawa si Rafus at inangat ang pang-itaas na katawan para kubabawan

  • Enthralling Beauty   Chapter 115

    I groaned when my clock alarmed loudly. I covered my face with the blanket, hoping that my sleepiness would visit me again, but failed.Marahan kong iminulat ang mata ko at ngayon ko lang natanto na walang sinag na tumatama sa mga mata ko dahil natatakpan ng kurtina ang sliding glass door na nakakonekta sa balkonahe.Natutop ko ang labi nang maalalang sa sofa ako kagabi, papaanong nandito na ako ngayon sa kwarto? I scanned myself, and I also found out that I'm wearing comfortable cotton oversize shirt, not my office clothes.I shook my head. Damn he's doing this again! Napahawak ako sa dibdib ko. It's beating wildly as if something triggers my system to feel those feelings again.I climbed off my bed then help my way towards the bathroom and fixed myself ready for work. Hindi na ako nag-abalang magluto ng agahan dahil dadaan nalang ako sa café mamaya."Good morning."My heart leaped. Kalalabas ko lang ng apartment ay siya agad an

  • Enthralling Beauty   Chapter 114

    I fixed the belt on my trouser and left the two buttons of my long sleeve top open. I wore tube beneath, so I won't get to receive any lewd stares from anyone.Napakurap-kurap ako nang lumuhod si Rafus at siya mismo ang nagpasuot ng ankle strap sandals sa akin. I felt the gentleness as he held my feet and carefully assuring that the strap was perfectly locked."Rafus, don't treat me like this please..." I said almost begging.I don't want him to treat me like I'm valuable. Damn, I don't want to get hurt by the same person again! Nawasak ako dati at ayokong mawasak ulit. His gestures and the way he treat me brings the feelings I used to feel for him."Let's clearly draw the line. I don't have any hang ups with you, and yes, we had sex. I think that's normal for us, don't try putting another meaning of what happened last night when it's clearly lust and sexual desire."His expression became stoic and later, he laughed at himself. "Damn, bab

  • Enthralling Beauty   Chapter 113

    We're both silent the whole ride. I refuse to utter a word because I'm trying hard to control myself after remembering all the memories we had here, and Rafus' perfume never change over the years.Damn, even if I don't admit it, I know to myself that I still have hangs up for him.I don't know where Rafus is taking me. Nagdrive thru lang kami ng pagkain tapos tumulak uli kami. I looked at my wristwatch, it's nearing five thirty already."Seriously speaking, where are you taking me Rafus?""You'll see, we're almost there, just hang on for few minutes."I sighed and shut my mouth. He won't tell me, period. Why did I kept on trying since earlier then? Rafus' unbending, what's new about it?After an hour of driving, finally the car stopped. I didn't wait for Rafus' cue and help myself got out of the car."What are we doing here?" I seriously asked him with my arms crossed over my chest.Kalalabas niya lang ng kotse

  • Enthralling Beauty   Chapter 112

    "Come in," he announces and after a moment, a guy enter his office."Mr. Cattaneo, I'm here to inform you that the partition and curve table is already here. We'll just going to install it here in your office."Rafus nodded, "Okay, and do finish it as fast as you can."Naalerto ako nang hawakan ni Rafus ang kamay ko at pinagsiklop iyon. Nakita ko rin ang pagsulyap ng employee sa kamay naming dalawa kaya ginapang ako ng kaba at nagpupumilit na kumalas."Do inform me if you're done," Rafus formally said to the guy and swiftly picked my handbag on the floor.Lumabas kami ng opsina at doon ako nagkaroon ng lakas loob para lagyan ng puwersa ang pagwaksi ko sa kamay kong hawak niya."It's working hours," I said, not taking my eyes off him. "I believe you do know how to separate personal relationship with work, Mr. Cattaneo."He flashes that smirk, making me feel annoyed. "Well that principle works depending where my woman

  • Enthralling Beauty   Chapter 111

    I blink couple of times before slowly opening my eyes to adjust to the light that passes through the slightly open curtain.I groaned as I felt pain in my head like it's been hammered multiple times. I travelled my eyes to the whole room and fear starting creeping in my system.This is not my room!I touched my body and that's when I finally felt at ease. Thank God I'm still fully-clothed.I spend few moments of ransacking my head to find answer why I'm here in someone's room, but I only remember that I'm with Ma'am Claireen in the club last night!Before I could finally recognize the familiar scent that fills in the whole room, the door push open and a man step in, making my jaw drop in shock and confusion."Oh, you're awake now..." He calmly said and I got distracted by the sweats dripping from his forehead.I cleared my throat, "Where am I? And why I am here with you?"Mariin siyang napatingin sa akin at doon

  • Enthralling Beauty   Chapter 110

    "What are you doing here?" My brows furrow and my blood starts to boil. He didn't answer, he just remain there, standing while looking calm and collected.I took a deep breath and almost rolled my eyes on him. Kinuha ko ang grocery bags na nakalapag at binuksan ang pinto ng apartment ko saka bastang pumasok pero bago ko pa iyon maisara, pinigilan iyon ng malakas na kamay."Ano ba'ng problema mo?" Pinigilan ko ang sarili na huwag siyang pagtaasan ng boses.Titig na titig siya mga mata ko at hindi ko magawang umiwas. I can see exhaustion, pain, and longing in his eyes. In a snap, he invited himself in. He took the grocery bags from my hold and shamelessly walked towards my kitchen."Seriously, Rafus? What are you trying to do? Why are you doing this?" I followed him to my kitchen and took the grocery bag to place it on my countertop.I was taken a back when he wrapped his arms around my waist and buried his head between my neck and shoulder

  • Enthralling Beauty   Chapter 109

    I paid the driver a yellow bill and didn't wait for my change. Lumabas ako ng sasakyan dala-dala ang dalawang duffel bag. Hindi naman siguro ako mukhang haggard mula sa flight dahil malaki ang tiwala ko sa simpleng make-up na inilagay ko sa mukha.I'm wearing a matching plaid trouser and blazer, a black tube top, then white shoes. This is often my office attire, and I never got any complain from my fellow workmates or from Mr. Sorrento.Hindi ako pinigilan ng security guard nang basta-basta akong pumasok. Sa dalawang taon ko ba namang pagtatrabaho dito sa incorporated ay hindi nila ako nakilala."Ms. Aranza!" Gulat na bungad ng receptionist. "Naparito po kayo?"Tipid akong ngumiti, "May problema lang sa resignation ko. Uhm—pwede bang maiwan ko muna dito sa ground floor ang mga duffel bag ko?""Uh sige po," nakangiti niyang tugon at sumenyas sa security guard kaya madaling naipasok sa loob ang workplace ng receptionist ang bags ko.

DMCA.com Protection Status