"Mama, labas tayo sabi ni Uncle Dimitri!" sigaw ni Gabriel mula sa pinto.Mabilis niyang pinunasan ang mga kamay mula sa paghuhugas ng mansanas. Isang linggo na o higit na yata sila ni Gabriel sa mansyon na iyon pero hindi pa rin bumabalik si Gray. Hindi rin siya makahanap ng paraan kung paano lalabas sa gubat kaya naman na-alerto siya ngayong nagyayang lumabas si Dimitri. Minsan kasi ay kinukuha nito si Gab para maglaro.Sumilip siya mula sa kusina at nakitang nasa sala na si Dimitri at kausap ni Gabriel."Oh hi! B-awal yata kaming lumabas. Sabi ni Gray ay bawal kaming lumabas ng mansyon," kunwaring pa-inosenteng bigkas niya pero ang totoo ay kating-kati na siyang lumabas."Sinabi niya iyon? Hindi naman tayo lalabas sa safe place na ito. I know a small waterfall inside the forest. Let's catch some fish. Or you can stay here if you want—""Sasama ako! Wala pa naman si Gray. Hindi mo naman kami isusumbong di ba?"Pinagkrus niya ang mga daliri at nanalangin na pumayag ito. Kampon ito ni
Malakas siyang napasinghap matapos marinig ang putok ng baril nito. Literal na tumigil ang tibok ng puso niya at napaluha. Kaya lang ay wala siyang naramdamang sakit sa ulo niya, bagkus ay napamulat siya ng mga mata matapos marinig ang malakas na pagbagsak sa harapan niya."Sabi ko namang huwag kang gagalaw," bigkas ni Gray.Hindi siya nakakilos at lalo lang yatang nanginig ang mga tuhod niya sa malaking ahas sa harapan niya."Come here. Let's go home," utos nito.Para siyang hiningal at napadausdos ng upo sa gilid ng puno. Napalunok siya at hindi kayang tingnan sa mata ang malaking ahas."Tss. Now you're scared? Stubborn woman. Sinabi na kasing huwag kang tatakas—""H-indi ako tumatakas. N-aligaw lang," pagsisinungaling niya.Matiim siya nitong tinitigan bago lumapit. Muntik pa siyang mapasigaw noong basta lang nitong kunin sa isang kamay ang ahas."Iluluto ni Dimitri." Sinuri pa nito ang bigat ng ahas.Nalukot ang mukha niya dahil doon, "Kumakain kayo ng ahas?"Nangunot ang noo nito
"G-ray," mahinang usal niya.Hindi niya alam kung tama ang narinig niya sa bibig nito pero ang nakikitang pamumungay ng mga mata nito ay nagsasabing totoo iyon.Napalunok siya at hindi maiwasang titigan ang mga mata nito. Kita niyang inaantok ito pero kita niya rin ang kagustuhan nitong makasama siya. Nagbaba siya ng tingin noong makita ang pag-alon ng adams apple nito. Nahiya siya bigla dahil h*bad siya sa harapan nito habang ito ay naka-t-shirt at boxer short na."Maliligo ka ba? Lalabas na ako—"Hindi niya naituloy ang pag-alis noong humarang ang kamay nito. Tinukod nito iyon sa pader upang makulong siya sa katawan nito."I'm done taking a shower," paos na bulong nito.Bumigat lalo ang paghinga niya. Ayaw niyang umasa na talagang na-miss siya nito kaya ito nandito o baka katawan lang niya ang habol nito."Bumalik ka na sa baba, baka hinihintay ka na nila—""I don't want to."Pumikit siya nang mariin, "Matulog ka na lang, please. Kailangan mo ng pahinga."Pagharap niya para sana itu
Puno na ng luha ang mukha niya at halos nahalughog na ang buong bahay ngunit walang Gabriel o Gray na lumitaw sa harapan niya."G-ab, please, m-agpakita ka kay Mama," muling pagtawag niya ngunit wala pa rin.Sobrang sakit na ng d*bdib niya, kanina pa rin siya hinihingal dahil sa pag-iyak. Daig pa niya ang pinagtaksilan sa ginawa ni Gray.Muli siyang humikbi at dumausdos ng upo sa gilid ng pader. Nanginginig ang kamay niya at nanlalambot na rin ang mga tuhod."G-ab, baby, nandito pa si Mama," nanghihinang bigkas niya, nagbabakasaling laro lang ang gusto ni Gray at tinago lang sandali si Gabriel.Napakurap siya matapos marinig ang mahinang tahol ni Tuti. Agad itong lumapit sa kanya at dinilaan ang kamay niyang nakalaylay sa sahig. Kahit hindi malinaw sa mata niya ay napatitig siya rito. Doon siya natauhan, walang mangyayari kung iiyak lang siya sa loob ng bahay lalo pa't mukhang siya na lang ang tao roon.Mabilis niyang kinuha si Tuti at lumabas. Maga man ang mga mata niya ay sinubukan
"A-sa ka, Don Manuel—argh!"Lalo siyang namilipit sa sakit noong dumiin ang kamay nito sa panga niya. Kita niya ang pagtalim ng tingin nito."Iniwan ka na ng lover boy mo, ayaw mo pa rin sa akin?!" madiing tanong nito.Naluha siya at halos hindi makahinga sa higpit ng hawak nito. Mabilis siyang napaubo noong bitiwan siya nito bigla. Daig pa niya ang sinakal sa lakas nito."Tss. Tingin mo ba ay babalikan ka pa ni Gray dito?"Huminga siya nang malalim at pilit na umupo kahit pa sobrang sakit ng balakang niya."Ibalik mo sa akin si Tuti—"Hindi niya naituloy ang sasabihin noong bitiwan nito bigla ang aso na agad niyang sinalo. Niyakap niya iyon. Kay Tuti na lang siya mananalig dahil mukhang hindi siya hahayaang mabuhay ni Don Manuel. O kung buhayin man siya nito ay baka pahihirapan lang din."Mukhang natunugan niyang nahanap namin ang lugar na 'to kaya umalis at iniwan ka," inis na bigkas nito.Nagyuko siya at ayaw itong tingnan. Nandidiri siya sa tingin nito kaya naman noong dumukwang i
Hindi siya agad nakapagsalita sa sinabi ni Don Manuel. Ayaw niyang maniwala dahil imposible iyon. Imposible na anak siya nito."A-nak niyo ko?"Sumeryoso ang tingin nito, "Ikaw ito, hindi ba?"Muli niyang tinitigan ang larawan na hawak nito. Baby picture niya nga iyon. Katulad iyon ng larawan na meron siya, larawan na iniwan pa yata ng mama niya sa ampunan."Sa tingin niyo ba maniniwala ako sa inyo?" sarkastikong bigkas niya.Malamang na gusto lang siya nitong paikutin. O baka gustong gamitin laban kay Gray. Tanda pa niya ang mga titig nito sa kanya at ang kagustuhang makuha siya nito.Kita niyang nagtagis ang bagang nito, "Do you want proof? A DNA test?"Umawang ang mga labi niya. Huwag mong sabihing hindi ito nagbibiro?"B-aka naman dinoktor na iyang DNA na iyan—""Dr. Sylvaine Hope. Lumaki sa orphanage at nakapagtapos ng pagiging doktor. Tingin mo bakit ka nakapag-aral, ah?!"Napadikit siya sa pader sa sigaw nito. Namewang ito at hin*god ang panga nito."Ako. Ako ang nagpa-aral sa'
"No trace, at all?" frustrated na tanong ni Gray kay Damien na nakaharap sa laptop.Nasa round table sila at hanggang ngayon ag tine-trace niya kung nasaan si Sylvaine."Baka naman kasi pinatay na iyong aso? Tapos pinatay na rin si Dr. Sylvaine?" balewalang tanong ni Gustavo.Nagtagis ang mga ngipin niya at hindi maiwasang kwelyuhan ang kaibigan. Kasalanan nito kung bakit naiwan si Sylvaine sa mansyon na iyon."Kung hindi k nagmadali, hindi sana siya naiwan—"Patay malisyang inalis ni Gustavo ang mga kamay niya sa kwelyo nito."Iiwanan mo rin naman di ba? Gumawa ka pa ng sulat. And now you're acting as if you wanted her to be with you again," sarkastikong bigkas ni Gustavo.Umigting ang panga niya. Tama naman ito. Pero ang balak niya sana ay sabihan muna si Sylvaine kaya lang ay natunugan nilang papunta roon si Don Manuel kaya't naiwan ito. Sulat na lang ang nagawa niya para dito."Dapat ba tayong mag-aksaya ng oras para sa kanya? This is the reality, Gray. Wala ng sagabal, pupwede mo
Marahas na napabuntong hininga si Gray at kahit nainis kay Lea ay hindi niya ito magawang sigawan. Sinundan niya lang ng tingin ang pagtulak ng katulong sa wheelchair nito upang makabalik sa itaas.Tinawag niya si Enzo. Sinuyo niya muna si Gabriel bago binigay kay Enzo. Pinaakyat niya sa fourth floor ang bata.Sumunod siya sa itaas. Dinatnan niyang nakaharap sa bintana si Lea."Ano'ng gusto mong pag-usapan?"Bahagya siyang namewang at hin*god ang panga niya.Hindi ito humarap sa kanya."You lied to me. Hindi ko siya anak di ba?" bakas ang sakit sa boses nito.Sandali siyang natigilan. Masyado bang halata na iba ang Mama ni Gabriel? Pumitik ang noo niya at bahagyang sumakit. Hindi niya rin alam kung paano magpapaliwanag dito."He's your son—""He is not! Kamukha mo siya, oo, pero hindi ko kamukha. Wala akong maramdaman! Anak mo siya sa ibang babae, Gray?"Kahit nakatalikod ito ay ramdam niya ang naggagaiting galit nito. Umigting ang panga niya at naikuyom ang kamao."Of course not—"Hu
After a few months...Mabigay siyang nakatitig sa puntod sa harap niya. Kasing itim ng bestidang suot niya ang kanyang nararamdaman sa tuwing tinititigan ang puntod. Hindi pa rin niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang lahat."I'm sorry, but I have to do that."Bumuntong hininga siya at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang kanyang itim na bestida bago muling sulyapan ang puntod."You scared the hell out of me," malamig niyang sagot dito.Napapikit siya noong umikot ang mga matipuno nitong braso sa kanyang bewang at marahang hinaplos ang kanyang baby bump."Hindi kasi titigil ang ama mo kung hindi ako magpapanggap na patay na," bulong na sagot nito.Napanguso siya at muling tinitigan ang puntod na pinasadya pa nito. Nagluksa pa naman siya ng ilang araw dahil doon. Ngayon nga ay ni-request na niyang paalisin iyon."Kasabwat mo si Gustavo?" Tumikwas ang kilay niya kahit hindi nito nakikita."Gustavo is my friend," tipid na sagot nito na tila sapat na iyong paliwan
SYLVAINE'S POV"Baliw," mahinang sambit niya kay Dimitri na ngumisi lang."Yeah~ I'm crazy. Baliw rin si Gray at pinagkatiwala ka niya sa akin. Isn't it exciting?"Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. Niyakap niyang mabuti si Gabriel. Gusto niyang manghina dahil alam niyang wala siyang ligtas dito ngunit gusto niya ring umasa na manalo si Gray at iligtas sila nito.Nangilid ang luha niya. Gusto niyang bumalik sa bahay at tingnan ang sitwasyon doon."Huwag ka ng umasang bubuhayin pa ni Don Manuel si Gray. Kating-kati pa naman iyon na tapusin—""Shut up!" mahina ngunit gigil niyang sambit.Sinulyapan siya nito. Pinaglandas nito ang dila sa sariling labi bago kinagat ang ibabang labi."Fierce. Gusto ko iyan. Palaban... sa kama," mayabang na bigkas nito.Mas lalo siyang nainis dahil doon lalo pa't naroon lang din si Gabriel. Gusto niya itong suntukin sa mukha ngunit napasigaw siya noong bigla itong pumreno sa kalagitnaan ng daan."F*ck!" pagmumura nito.Hindi niya ito pinansin bag
GRAY'S POV"Are you crazy, Gray?! Bakit mo hinayaan si Sylvaine kay Dimitri?" may gigil na kumpronta sa kanya ni Gustavo.Malamig niyang nilingon ang kaibigan. Hanggang ngayon ay nagseselos siya na may gusto ito sa asawa niya pero hindi iyon ang isinaalang-alang niya kanina. He has a plan."You know Dimitri very well," malamig niyang sagot."And you know him too! F*ck! He killed Lea, Gray. Tingin mo ay bubuhayin niya si Sylvaine at Gabriel?" frustrated na tanong ni Gustavo kahit pa parehas silang abala sa paglalagay ng bala sa baril."Ako na lang sana ang pinasama mo sa kanila," hinanakit nito bago nagtago sa likod ng sofa.Pumikit siya nang mariin at bumuntong hininga. Dinig na niya ang palitan ng putukan ng baril sa labas ngunit hindi siya nangangamba."Kung hinayaan ko si Dimitri na manatili dito at pinaalis kita. Tingin mo ba ay tutulungan niya ako?" pagpapa-intindi niya kay Gustavo bago pumwesto sa likod ng pinto."Pagtutulungan nila ako at mas malabong mailigtas ko ang mag-ina k
"Seriously, Gray? Hindi mo ko papakinggan?" hinanakit niya rito.Ayaw niyang umalis sa tabi nito. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya sa takot na baka huli na iyon. Ni hindi siya lumapit kay Dimitri sa pag-aakalang magbabago pa ang isip ni Gray. Ngunit sinenyasan nito si Enzo upang kuhanin si Gabriel sa itaas."We don't have enough time. Wait for Gabriel, then go with Dimitri," malamig na utos nito.Napapikit siya nang mariin sa inis. Kinuyom niya ang kamao ngunit hindi siya nakatiis. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang inagaw ang isang baril mula sa malapit na tauhan na kinagulat nilang lahat."What the f*ck, Sylvaine?!" may galit na ang tono ni Gray matapos siya nitong makitang itutok ang baril sa sariling sentido niya.Walang takot niyang tinapatan ang matalim nitong titig. Mas diniin niya rin sa kanyang sentido ang baril. Kung ito lang ang paraan para magbago ang isip nito ay gagawin niya."Gusto mong harapin ang ama ko at mamatay di ba? Sige, uunahan na kita para naman h
SYLVAINE'S POV"Lea is dead."Napatayo siya sa kinauupuan matapos marinig ang binalita ni Dimitri na kararating lang. Nanlamig siya."What?" nalilitong tanong ni Gray sa kaibigan.Naibaba nito ang hawak na wine glass at mariing tinitigan si Dimitri."Narinig ko lang sa iba. Patay na si Lea pero hindi no'n ibig sabihin ay titigil si Don Manuel. Sa narinig ko, ikaw ang pinagbibintangan niyang pumatay sa asawa niya," seryosong dagdag ni Dimitri."F*ck! I didn't kill her!" hindi mapigilang sigaw ni Gray at mapatayo mula rin mula sa pagkakaupo.Lalong namilog ang mga mata niya. Malabong si Gray ang gumawa dahil kasama niya ito. Abala ito sa kung paanong maayos ang grupo.Kumibit balikat si Dimitri, "Hindi palalagpasin ni Don Manuel ang nangyari lalo pa't suot yata ni Lea ang kuwintas bago siya mamatay."Muling napamura si Gray habang siya ay napakurap."Paano mo nalaman Dimitri?" hindi niya mapigilang tanong dito.Lumiit ang mga mata nito. Akmang sasagot na ngunit bumukas ang pinto at nilu
LEA'S POVNakangisi niyang tiningnan ang sarili sa salamin ng elevator. Bagay na bagay talaga sa kanya ang kuwintas noon pa man. Kaya naman pala niyang masikmura ang ugali at itsura ni Don Manuel. Alam niyang kaunti na lang ay babalik na sa kanya ang lahat lalo pa't lahat ng nasa grupo ay nasa panig na nila.Muling umangat ang gilid ng labi niya noong makarating sa tamang palapag. Hindi pa naman niya nakalilimutan ang lalaking kasama niya sa planong ito. Kapag natalo na si Gray, madali na lang din itapon si Don Manuel. Mas pipiliin niyang gawing hari ang lalaking ito kaysa sa matandang hukluban na iyon.Inayos niya ang kanyang buhok at ang kuwintas sa kanyang leeg bago tinipa ang passcode ng condominium nito. Ngunit nangunot ang noo niya matapos mag-error niyon."Did he change his passcode?" wala sa sarili niyang tanong.Napairap siya at walang pagpipilian kun'di pindutin ang doorbell. Ilang beses pa niyang pinatunog iyon bago bumukas ang pinto. Niluwa noon ang lalaking pawis na pawis
"Tell me, do you like him?" pinilit ni Gray na maging mahinahon ang boses niya ngunit kumakawala talaga ang inis mula roon. Kanina pa lang na makitang magkaharap ang dalawa ay umaakyat na ang galit sa kanya. Hindi siya nag-iisip ng masama ngunit hindi niya alam kung bakit nag-review siya ng cctv. And f*ck! He just wanted to strangle Gustavo's neck right now! "H-indi, Gray. Siya ang humalik. T-inulak ko siya." Pumikit siya nang mariin sa sagot ni Sylvaine. Alam naman niya iyon pero talagang kumikitid ang utak niya sa napanood. Hindi rin siya makapaniwalang kayang gawin iyon ni Gustavo. Humigpit ang yakap niya sa bewang nito. Umigting ang panga niya. Ayaw niyang magsalita dahil baka masaktan ito. "Hindi ko naman gusto si Gustavo. Nasampal ko pa nga siya dahil sa ginawa niya—" "Shh. Don't tell me the story," mabigat niyang bulong. He is territorial. Umiikot na sa isip niya kung paano kakausapin si Gustavo—mali, baka hindi na niya ito kausapin dahil sa nangyari. Kayang-kaya niya ito
Namimilog ang mga mata niya at hindi agad nakakilos sa ginawa ni Gustavo. Ngunit noong maramdaman ang labi nitong gumalaw ay mabilis niya itong tinulak at sinampal. Pumaling sa kaliwa ang mukha nito."Bastos!" gulat niyang sigaw at agad na tumayo.Nanginginig ang kamay niya. Hindi niya lubos mapaniwalaan na hinalikan siya ni Gustavo. Paano na lang kung makita o malaman iyon ni Gray? Tiyak na magwawala ito!"We've been looking for you, Gustavo. Nandito ka lang pala kila Gray," boses iyon ni Dimitri.Bumaling siya sa harapan ngunit mas na-estatwa siya matapos makita roon si Dimitri... katabi ni Gray."G-ray," sambit niya sa pangalan nito ngunit malamig lang itong nakatingin sa kanya.Napayuko siya noong lagpasan siya ng tingin nito.Nakita ba nito? Binugso siya ng kaba at halos hindi na ito matingnan noong lumapit ito kay Gustavo."What are you doing here, Gustavo?" malamig na tanong din nito sa kaibigan.Nasamyo niya ang amoy ng alak sa katawan nito. Siguro nga ay totoong uminom ito pe
"Gray—""Go to your room, Gabriel," utos nito sa anak nila.Nakagat niya ang ibabang labi noong iwasan siya nito matapos ibaba si Gabriel mula sa bisig nito. Simula kaninang bumalik sila galing hideout ay malamig na ang pakikitungo nito. Gusto pa nga niyang sagutin si Lea kanina pero mas nataranta siya sa pag-iwan sa kanya ni Gray. Ngayon nga ay hindi niya makuha ang atensyon nito."Gray, please—""Not now, Sylvaine," malamig na sagot nito bago siya muling talikuran at lumiko patungo sa kabilang kwarto.Bumagsak ang mga balikat niya at halos mangilid ang luha. Wala naman sa plano niya ang patayin ito kahit pa i-utos iyon ng ama niya. Dapat pala ay sinabi niya agad at pinaliwanag dito, hindi sana siya nito pinagdududahan ngayon.Napapikit siya nang mariin at huminga nang malalim. Ayaw niyang pangunahan siya ng kanyang emosyon. Hahayaan niya muna ito sandali pero hindi siya papayag na hindi niya ito makausap ngayon.Dumiretso siya sa kusina upang uminom ng tubig. Nagpalamig siya sandali