Hindi siya agad nakapagsalita sa sinabi ni Don Manuel. Ayaw niyang maniwala dahil imposible iyon. Imposible na anak siya nito."A-nak niyo ko?"Sumeryoso ang tingin nito, "Ikaw ito, hindi ba?"Muli niyang tinitigan ang larawan na hawak nito. Baby picture niya nga iyon. Katulad iyon ng larawan na meron siya, larawan na iniwan pa yata ng mama niya sa ampunan."Sa tingin niyo ba maniniwala ako sa inyo?" sarkastikong bigkas niya.Malamang na gusto lang siya nitong paikutin. O baka gustong gamitin laban kay Gray. Tanda pa niya ang mga titig nito sa kanya at ang kagustuhang makuha siya nito.Kita niyang nagtagis ang bagang nito, "Do you want proof? A DNA test?"Umawang ang mga labi niya. Huwag mong sabihing hindi ito nagbibiro?"B-aka naman dinoktor na iyang DNA na iyan—""Dr. Sylvaine Hope. Lumaki sa orphanage at nakapagtapos ng pagiging doktor. Tingin mo bakit ka nakapag-aral, ah?!"Napadikit siya sa pader sa sigaw nito. Namewang ito at hin*god ang panga nito."Ako. Ako ang nagpa-aral sa'
"No trace, at all?" frustrated na tanong ni Gray kay Damien na nakaharap sa laptop.Nasa round table sila at hanggang ngayon ag tine-trace niya kung nasaan si Sylvaine."Baka naman kasi pinatay na iyong aso? Tapos pinatay na rin si Dr. Sylvaine?" balewalang tanong ni Gustavo.Nagtagis ang mga ngipin niya at hindi maiwasang kwelyuhan ang kaibigan. Kasalanan nito kung bakit naiwan si Sylvaine sa mansyon na iyon."Kung hindi k nagmadali, hindi sana siya naiwan—"Patay malisyang inalis ni Gustavo ang mga kamay niya sa kwelyo nito."Iiwanan mo rin naman di ba? Gumawa ka pa ng sulat. And now you're acting as if you wanted her to be with you again," sarkastikong bigkas ni Gustavo.Umigting ang panga niya. Tama naman ito. Pero ang balak niya sana ay sabihan muna si Sylvaine kaya lang ay natunugan nilang papunta roon si Don Manuel kaya't naiwan ito. Sulat na lang ang nagawa niya para dito."Dapat ba tayong mag-aksaya ng oras para sa kanya? This is the reality, Gray. Wala ng sagabal, pupwede mo
Marahas na napabuntong hininga si Gray at kahit nainis kay Lea ay hindi niya ito magawang sigawan. Sinundan niya lang ng tingin ang pagtulak ng katulong sa wheelchair nito upang makabalik sa itaas.Tinawag niya si Enzo. Sinuyo niya muna si Gabriel bago binigay kay Enzo. Pinaakyat niya sa fourth floor ang bata.Sumunod siya sa itaas. Dinatnan niyang nakaharap sa bintana si Lea."Ano'ng gusto mong pag-usapan?"Bahagya siyang namewang at hin*god ang panga niya.Hindi ito humarap sa kanya."You lied to me. Hindi ko siya anak di ba?" bakas ang sakit sa boses nito.Sandali siyang natigilan. Masyado bang halata na iba ang Mama ni Gabriel? Pumitik ang noo niya at bahagyang sumakit. Hindi niya rin alam kung paano magpapaliwanag dito."He's your son—""He is not! Kamukha mo siya, oo, pero hindi ko kamukha. Wala akong maramdaman! Anak mo siya sa ibang babae, Gray?"Kahit nakatalikod ito ay ramdam niya ang naggagaiting galit nito. Umigting ang panga niya at naikuyom ang kamao."Of course not—"Hu
"Cassandra and Brylle are already on the firing range, Darling. You should go now," masuyong saad ni Don Manuel sa kanya.Sinuot niya ang dalang shade at binuksan ang sasakyan."Bye, Dad. See you around." Mabilis na h*lik sa pisngi ang ginawad niya rito bago tuluyang bumaba.Dalawang buwan na rin ang nakalipas simula noong kupkupin siya nito. Nahihirapan pa siyang mag-adjust pero masasanay rin siya. Literal na nagbago ang buhay niya. Bukod sa yaman at mamahaling bagay, ang kapatid na si Cassandra ang bonus niya. Mataray ito at may kaartehan pero tinanggap siya nito. Minsan nga lang ay awkward siya kapag nariyan si Brylle pero kita naman niyang hindi nagseselos si Cassandra sa kanya.Tinahak niya ang papasok sa field. Agad niyang nakita si Cassandra na nakaupo sa mga may bench at hawak-hawak ang mamahaling kape nito. Nasa gitna naman ng field si Brylle, may hawak na baril at ekspertong pinatataman ang mga target na kahoy."Here, Ate."Agad siyang ngumisi, binaba ang shade, at lumapit k
Hindi siya agad nakakilos matapos maramdaman ang lalong paglapit nito mula sa likod niya."This b*tch poured a hot coffee to me," naiinis na sumbong ng asawa nito.Doon siya napakurap lalo pa't kita niya ang nanlilisik na titig sa kanya ng babae. Mahina siyang tumikhim at agad na sinuot ang shade. Wala siyang balak na magsalita o harapin si Gray, kaya lang ay hindi niya alam kung paano tatakas sa sitwasyon."Is that true? Bakit hindi mo ko harapin?" malamig na hamon ni Gray.Parang nakabitin sa ere ang puso niya lalo pa't malapit ito. Isang hila lang nito sa siko niya ay makikita siya nito."Iiyak ang anak mo kapag nakita niyang namumula ang braso ko. Gabriel cared for me so much," madramang bigkas ng babae sa harap niya.Naikuyom niya ang kamao. Huwag mong sabihing close na ito kay Gabriel?"Miss, just say sorry so this will be over," mahinahong pakiusap ni Gray.Kinuyom niya ang kamao. Halata naman na nag-aalala ito para sa asawa nito. Matinding pagpipigil ang ginawa niya para hindi
"Negative. She's not Sylvaine," ani Damien sa kanya mula sa kabilang linya.Nasa CCTV room siya ngayon at hindi maalis sa isip niya ang panganay na anak ni Don Manuel. Ayaw niyang maniwala na may anak itong iba bukod kay Cassandra kaya't pinaimbestiga niya kay Damien. Malakas kasi ang kutob niyang si Sylvaine iyon pero hindi raw."Fine, but keep an eye on her. Hindi ako naniniwalang may anak na iba si Don Manuel," madiin niyang sagot sa kaibigan."If you say so." Mabigat itong huminga, "Gray, just forget her. Kung buhay man iyon, malamang na nagpakita na lalo pa't hawak mo ang anak niya."Umigting ang panga niya sa narinig at kahit nainis ay nagpaalam pa rin siya nang maayos sa kaibigan.Pagkababa niya sa cellphone ay agad niyang kinalikot ang keyboard upang hanapin ang mga video ni Sylvaine. Pinanood niya at tinitigan ang bawat isa. Kung pagbabasehan ang bulto ng katawan nito ay katulad iyon ng kay Sylvaine. Alam niya dahil kabisado niya ang bawat parte ng katawan nito. Kung nakita n
Iniwas niya ang mukha matapos siyang tangkain na h*likan ni Lea. Hinawakan niya ito sa bewang hindi para hapitin ito kun'di para itulak."What? Hindi mo ko pagbibigyan?" may inis na tanong nito.Tumikhim siya at iniwasang tingnan ang katawan nito. Tinutok niya lang ang mga mata sa mukha nito."I don't feel like doing it—"Napapikit siya at bumaling ang mukha niya sa kabila matapos siya nitong sampalin nang malakas."H-ow dare you, Gray. Magaling na ako tapos iyan ang sasabihin mo?"Umigting ang panga niya, pagmulat ng mata ay matalim niyang tiningnan ang pader, hindi nilingon si Lea."Get dressed and sleep—""No way! Hindi pwedeng walang mangyayari sa atin ngayong gabi!"Hindi niya inasahan ang pagkuha nito sa kamay niya at paggiya nito roon patungo sa d*bdib nito.Mabilis niyang binawi ang kamay at nanlalaki ang mga matang nilingon ito."This is not the right time, Lea! Kagagaling mo pa lang," madiin niyang paalala.Nagtagis ang mga ngipin nito, "Talaga ba, Gray? O baka ayaw mo lang
Agad niyang hiningi ang iba pang detalye kay Damien. Gamit ang motorbike ay pinuntahan niya ang lugar ngunit huli na sila, huli na para sa transakyon pero hindi huli para madatnan ang mga tauhan ni Don Manuel doon."Matapang, Gray. Siya lang at hindi kasama si Brylle," tukoy ni Damien sa nag-iisang babaeng naroon.Nanliit ang mga niya sa babae. Litaw ang balat nito sa racerback na pulang sando. Kita rin ang kurba ng mga hita nito sa suot na hapit na jeans at maging ang itim na boots na may takong ay bumagay rito. Pagtitig niya sa mukha nito ay naka-shade muli ito kahit pa may kadiliman sa paligid, nainis pa siya matapos makitang naka-itim itong facemask. Umalon din ang kulot nitong buhok."Aalis na yata sila," puna ni Damien.Agad siyang bumaba sa motorbike upang mapigilan ang pagsakay ng mga ito sa sasakyan."That's illegal," malamig niyang bigkas.Tumigil ang babae sa pagbubukas ng pinto sa sasakyan. Binaling nito ang ulo sa kanya at kahit naka-shade ito ay ramdam niya ang mariing t
After a few months...Mabigay siyang nakatitig sa puntod sa harap niya. Kasing itim ng bestidang suot niya ang kanyang nararamdaman sa tuwing tinititigan ang puntod. Hindi pa rin niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang lahat."I'm sorry, but I have to do that."Bumuntong hininga siya at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang kanyang itim na bestida bago muling sulyapan ang puntod."You scared the hell out of me," malamig niyang sagot dito.Napapikit siya noong umikot ang mga matipuno nitong braso sa kanyang bewang at marahang hinaplos ang kanyang baby bump."Hindi kasi titigil ang ama mo kung hindi ako magpapanggap na patay na," bulong na sagot nito.Napanguso siya at muling tinitigan ang puntod na pinasadya pa nito. Nagluksa pa naman siya ng ilang araw dahil doon. Ngayon nga ay ni-request na niyang paalisin iyon."Kasabwat mo si Gustavo?" Tumikwas ang kilay niya kahit hindi nito nakikita."Gustavo is my friend," tipid na sagot nito na tila sapat na iyong paliwan
SYLVAINE'S POV"Baliw," mahinang sambit niya kay Dimitri na ngumisi lang."Yeah~ I'm crazy. Baliw rin si Gray at pinagkatiwala ka niya sa akin. Isn't it exciting?"Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. Niyakap niyang mabuti si Gabriel. Gusto niyang manghina dahil alam niyang wala siyang ligtas dito ngunit gusto niya ring umasa na manalo si Gray at iligtas sila nito.Nangilid ang luha niya. Gusto niyang bumalik sa bahay at tingnan ang sitwasyon doon."Huwag ka ng umasang bubuhayin pa ni Don Manuel si Gray. Kating-kati pa naman iyon na tapusin—""Shut up!" mahina ngunit gigil niyang sambit.Sinulyapan siya nito. Pinaglandas nito ang dila sa sariling labi bago kinagat ang ibabang labi."Fierce. Gusto ko iyan. Palaban... sa kama," mayabang na bigkas nito.Mas lalo siyang nainis dahil doon lalo pa't naroon lang din si Gabriel. Gusto niya itong suntukin sa mukha ngunit napasigaw siya noong bigla itong pumreno sa kalagitnaan ng daan."F*ck!" pagmumura nito.Hindi niya ito pinansin bag
GRAY'S POV"Are you crazy, Gray?! Bakit mo hinayaan si Sylvaine kay Dimitri?" may gigil na kumpronta sa kanya ni Gustavo.Malamig niyang nilingon ang kaibigan. Hanggang ngayon ay nagseselos siya na may gusto ito sa asawa niya pero hindi iyon ang isinaalang-alang niya kanina. He has a plan."You know Dimitri very well," malamig niyang sagot."And you know him too! F*ck! He killed Lea, Gray. Tingin mo ay bubuhayin niya si Sylvaine at Gabriel?" frustrated na tanong ni Gustavo kahit pa parehas silang abala sa paglalagay ng bala sa baril."Ako na lang sana ang pinasama mo sa kanila," hinanakit nito bago nagtago sa likod ng sofa.Pumikit siya nang mariin at bumuntong hininga. Dinig na niya ang palitan ng putukan ng baril sa labas ngunit hindi siya nangangamba."Kung hinayaan ko si Dimitri na manatili dito at pinaalis kita. Tingin mo ba ay tutulungan niya ako?" pagpapa-intindi niya kay Gustavo bago pumwesto sa likod ng pinto."Pagtutulungan nila ako at mas malabong mailigtas ko ang mag-ina k
"Seriously, Gray? Hindi mo ko papakinggan?" hinanakit niya rito.Ayaw niyang umalis sa tabi nito. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya sa takot na baka huli na iyon. Ni hindi siya lumapit kay Dimitri sa pag-aakalang magbabago pa ang isip ni Gray. Ngunit sinenyasan nito si Enzo upang kuhanin si Gabriel sa itaas."We don't have enough time. Wait for Gabriel, then go with Dimitri," malamig na utos nito.Napapikit siya nang mariin sa inis. Kinuyom niya ang kamao ngunit hindi siya nakatiis. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang inagaw ang isang baril mula sa malapit na tauhan na kinagulat nilang lahat."What the f*ck, Sylvaine?!" may galit na ang tono ni Gray matapos siya nitong makitang itutok ang baril sa sariling sentido niya.Walang takot niyang tinapatan ang matalim nitong titig. Mas diniin niya rin sa kanyang sentido ang baril. Kung ito lang ang paraan para magbago ang isip nito ay gagawin niya."Gusto mong harapin ang ama ko at mamatay di ba? Sige, uunahan na kita para naman h
SYLVAINE'S POV"Lea is dead."Napatayo siya sa kinauupuan matapos marinig ang binalita ni Dimitri na kararating lang. Nanlamig siya."What?" nalilitong tanong ni Gray sa kaibigan.Naibaba nito ang hawak na wine glass at mariing tinitigan si Dimitri."Narinig ko lang sa iba. Patay na si Lea pero hindi no'n ibig sabihin ay titigil si Don Manuel. Sa narinig ko, ikaw ang pinagbibintangan niyang pumatay sa asawa niya," seryosong dagdag ni Dimitri."F*ck! I didn't kill her!" hindi mapigilang sigaw ni Gray at mapatayo mula rin mula sa pagkakaupo.Lalong namilog ang mga mata niya. Malabong si Gray ang gumawa dahil kasama niya ito. Abala ito sa kung paanong maayos ang grupo.Kumibit balikat si Dimitri, "Hindi palalagpasin ni Don Manuel ang nangyari lalo pa't suot yata ni Lea ang kuwintas bago siya mamatay."Muling napamura si Gray habang siya ay napakurap."Paano mo nalaman Dimitri?" hindi niya mapigilang tanong dito.Lumiit ang mga mata nito. Akmang sasagot na ngunit bumukas ang pinto at nilu
LEA'S POVNakangisi niyang tiningnan ang sarili sa salamin ng elevator. Bagay na bagay talaga sa kanya ang kuwintas noon pa man. Kaya naman pala niyang masikmura ang ugali at itsura ni Don Manuel. Alam niyang kaunti na lang ay babalik na sa kanya ang lahat lalo pa't lahat ng nasa grupo ay nasa panig na nila.Muling umangat ang gilid ng labi niya noong makarating sa tamang palapag. Hindi pa naman niya nakalilimutan ang lalaking kasama niya sa planong ito. Kapag natalo na si Gray, madali na lang din itapon si Don Manuel. Mas pipiliin niyang gawing hari ang lalaking ito kaysa sa matandang hukluban na iyon.Inayos niya ang kanyang buhok at ang kuwintas sa kanyang leeg bago tinipa ang passcode ng condominium nito. Ngunit nangunot ang noo niya matapos mag-error niyon."Did he change his passcode?" wala sa sarili niyang tanong.Napairap siya at walang pagpipilian kun'di pindutin ang doorbell. Ilang beses pa niyang pinatunog iyon bago bumukas ang pinto. Niluwa noon ang lalaking pawis na pawis
"Tell me, do you like him?" pinilit ni Gray na maging mahinahon ang boses niya ngunit kumakawala talaga ang inis mula roon. Kanina pa lang na makitang magkaharap ang dalawa ay umaakyat na ang galit sa kanya. Hindi siya nag-iisip ng masama ngunit hindi niya alam kung bakit nag-review siya ng cctv. And f*ck! He just wanted to strangle Gustavo's neck right now! "H-indi, Gray. Siya ang humalik. T-inulak ko siya." Pumikit siya nang mariin sa sagot ni Sylvaine. Alam naman niya iyon pero talagang kumikitid ang utak niya sa napanood. Hindi rin siya makapaniwalang kayang gawin iyon ni Gustavo. Humigpit ang yakap niya sa bewang nito. Umigting ang panga niya. Ayaw niyang magsalita dahil baka masaktan ito. "Hindi ko naman gusto si Gustavo. Nasampal ko pa nga siya dahil sa ginawa niya—" "Shh. Don't tell me the story," mabigat niyang bulong. He is territorial. Umiikot na sa isip niya kung paano kakausapin si Gustavo—mali, baka hindi na niya ito kausapin dahil sa nangyari. Kayang-kaya niya ito
Namimilog ang mga mata niya at hindi agad nakakilos sa ginawa ni Gustavo. Ngunit noong maramdaman ang labi nitong gumalaw ay mabilis niya itong tinulak at sinampal. Pumaling sa kaliwa ang mukha nito."Bastos!" gulat niyang sigaw at agad na tumayo.Nanginginig ang kamay niya. Hindi niya lubos mapaniwalaan na hinalikan siya ni Gustavo. Paano na lang kung makita o malaman iyon ni Gray? Tiyak na magwawala ito!"We've been looking for you, Gustavo. Nandito ka lang pala kila Gray," boses iyon ni Dimitri.Bumaling siya sa harapan ngunit mas na-estatwa siya matapos makita roon si Dimitri... katabi ni Gray."G-ray," sambit niya sa pangalan nito ngunit malamig lang itong nakatingin sa kanya.Napayuko siya noong lagpasan siya ng tingin nito.Nakita ba nito? Binugso siya ng kaba at halos hindi na ito matingnan noong lumapit ito kay Gustavo."What are you doing here, Gustavo?" malamig na tanong din nito sa kaibigan.Nasamyo niya ang amoy ng alak sa katawan nito. Siguro nga ay totoong uminom ito pe
"Gray—""Go to your room, Gabriel," utos nito sa anak nila.Nakagat niya ang ibabang labi noong iwasan siya nito matapos ibaba si Gabriel mula sa bisig nito. Simula kaninang bumalik sila galing hideout ay malamig na ang pakikitungo nito. Gusto pa nga niyang sagutin si Lea kanina pero mas nataranta siya sa pag-iwan sa kanya ni Gray. Ngayon nga ay hindi niya makuha ang atensyon nito."Gray, please—""Not now, Sylvaine," malamig na sagot nito bago siya muling talikuran at lumiko patungo sa kabilang kwarto.Bumagsak ang mga balikat niya at halos mangilid ang luha. Wala naman sa plano niya ang patayin ito kahit pa i-utos iyon ng ama niya. Dapat pala ay sinabi niya agad at pinaliwanag dito, hindi sana siya nito pinagdududahan ngayon.Napapikit siya nang mariin at huminga nang malalim. Ayaw niyang pangunahan siya ng kanyang emosyon. Hahayaan niya muna ito sandali pero hindi siya papayag na hindi niya ito makausap ngayon.Dumiretso siya sa kusina upang uminom ng tubig. Nagpalamig siya sandali