Agad niyang hiningi ang iba pang detalye kay Damien. Gamit ang motorbike ay pinuntahan niya ang lugar ngunit huli na sila, huli na para sa transakyon pero hindi huli para madatnan ang mga tauhan ni Don Manuel doon."Matapang, Gray. Siya lang at hindi kasama si Brylle," tukoy ni Damien sa nag-iisang babaeng naroon.Nanliit ang mga niya sa babae. Litaw ang balat nito sa racerback na pulang sando. Kita rin ang kurba ng mga hita nito sa suot na hapit na jeans at maging ang itim na boots na may takong ay bumagay rito. Pagtitig niya sa mukha nito ay naka-shade muli ito kahit pa may kadiliman sa paligid, nainis pa siya matapos makitang naka-itim itong facemask. Umalon din ang kulot nitong buhok."Aalis na yata sila," puna ni Damien.Agad siyang bumaba sa motorbike upang mapigilan ang pagsakay ng mga ito sa sasakyan."That's illegal," malamig niyang bigkas.Tumigil ang babae sa pagbubukas ng pinto sa sasakyan. Binaling nito ang ulo sa kanya at kahit naka-shade ito ay ramdam niya ang mariing t
Mahigpit na kumapit si Sylvaine sa sink ng kanyang banyo matapos maduwal. Pakiramdam niya ay naamoy pa niya si Gray kahit pa dalawang araw na ang lumipas noong barilin niya ito. Hindi niya nga lubos maisip na nabaril niya ito pero kun'di niya napigilan ang sarili ay baka sa d*bdib nito tumama ang bala.Mabilis siyang nagmumog matapos marinig ang katok sa pinto. Pinunasan niya ang pawis sa noo at maging ang bibig. Hinigpitan niya rin ang pagkakatali ng kanyang roba bago tinungo ang pinakapinto ng kwarto niya.Bahagyang nangunot ang noo niya matapos mapagbuksan ang katulong."Ma'am, pinapatawag po kayo ng Daddy niyo sa opisina." Nagyuko ito at agad na umalis.Nagtataka man ay nagpunta pa rin siya sa opisina ng Daddy niya. Malamang na importanteng bagay ang sasabihin nito lalo pa't gabi na pero pinatawag pa rin siya.Matapos niyang kumatok ng tatlong beses ay pumasok na siya. Nakaupo ito sa swivel chair, magkasalubong ang kilay habang binabasa ang hawak na card."Come here and see this,"
"Aren't you done yet?" naiinip na tanong ni Gray kay Lea.Kanina pa ito nag-aayos. Halos maubos na ang oras at baka pagdating nila sa hideout ay naroon na lahat o nagsipag-alisan na.Bumukas ang kwarto at nakangising Lea ang bumungad sa kanya."I'm done. Hindi ako pwedeng pumunta roon na hindi nakaayos. After all, I am still your wife," pagdidiin nito.Kinunot niya ang noo at pinasadahan ang asul nitong mahabang dress na may malaking slit sa kaliwang hita."Let's go. Nothing change," mahinang bigkas niya bago lumakad na."Tss. Really, Gray? O baka naman dahil iba na ang gusto mong makita at tingnan? Hanggang ngayon ba gusto mo pa ring makita ang kabit mo?"Napailing siya sa litanya nito at hindi pinansin. Hinayaan niya rin na umangkla ito sa braso niya. Kung itataboy niya pa ay baka mag-away lang sila."Swear, kapag talaga nalaman ko kung sino iyang kabit mo, ako mismo ang tatapos sa buhay niya—""Will you please shut your mouth?" hindi niya mapigilang sita rito ngunit talim ng tingin
Hindi mapigilang mangisi ni Sylvaine lalo na sa nakikitang reaksyon ni Gray. Nakaawang ang mga labi nito habang ang noo ay nangungunot. Hindi rin ito nakaupo ng maayos at literal na hindi nito inaalis sa kanya ang tingin.Mas lalong lumawak ang ngisi niya matapos pasadahan ng tingin ang mga naroon. Ang akala niya ay puro matatanda ang miyembro ng mafia pero nakikita niya ang mangilan-ngilan na guwapo at mukhang binatang kalalakihan. Naroon din ang mga kaibigan ni Gray na pawang may multo ng ngiti."It's a pleasure to meet a fine lady like you, Miss?"Nagulat siya sa lalaking sumulpot sa tabi niya. Nakalahad ang kamay nito sa kanya at mukhang hinihintay nitong kuhanin niya iyon. Hindi niya ito binigo, mabagal niyang tinanggap ang kamay nito, sinisiguradong makikita iyon ni Gray."It's Sylvaine Hope Mozzi, Dear," mapang-akit niyang bigkas na malamang na narinig ng mga naroon.Ngumiti ang lalaki na nagpalitaw sa dimple nito sa gilid ng pisngi. Mukha itong banyaga at nakadepina ang panga,
"Gray, seriously? Bakit kailangan na sa pribadong kwarto mo pa?" histerya ng asawa nito.Tinaas lang ni Gray ang kamay at hindi sinagot ang asawa. Siya naman ay napalunok at bahagyang kinabahan. Sa tono ni Gray ay mukhang hindi nga nito palalagpasin ang ginawa niya rito. Wala sa loob na nilagok niya ang alak bago tumayo. Kailangan niya ng lakas ng loob. Hindi na siya ang mahinang si Sylvaine."Will you be alright?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Cassandra.Kita niya ang ama niyang nangunot lang ang noo at si Brylle na umigting ang panga."I-i will be fine." Pilit siyang ngumiti sa mga ito kahit pa ramdam niya sa sarili ang panganib.Walang kumibo sa mga naroon. Nahagip pa ng tingin niya ang muling pagngisi ng mga kaibigan ni Gray. Paalis na siya sa harap ng mesa matapos maramdaman ang paghawak ni Flavio sa siko niya."Ihahatid na kita."Hindi siya nakakibo noong ang kamay nito ay mapunta sa gilid ng bewang niya. Hinayaan niya iyon, wala namang magagalit."Shout if he does something b
"Hmp!" Pilit niyang tinikom ang mga labi dahil sa rahas ng h*lik nito.Para siyang nalulunod at hindi makahinga. Ang kamay niya ay pilit itong tinutulak palayo at ang paa niya ay sinusubukan itong sipain. Hindi niya halos maalala ang mga self-defense na dapat gawin lalo pa't napakalakas ng pwersa nito.Kinagat nito ang ibabang labi niya ngunit mas diniin niya ang pagkakatikom ng mga labi. Gamit ang takong ng heels niya ay sinpa niya ito sa binti ngunit hindi ito natinag bagkus ay kinulong nito ang mga binti niya gamit ang mga tuhod nito. Ang mga kamay niyang naglalaban dito ay nagawa nitong ipwesto sa kanyang likod at hawakan lang ng isang kamay nito.Hindi siya makagalaw at hindi rin makapag-isip ng paraan paano aalis sa ayos na iyon. Noong mapansin nitong hindi na siya makahinga nang maayos ay doon lang nito hiniwalayan ang mga labi niya.Napasinghap siya nang malakas at halos bumagsak ang buhok niya sa kanyang pisngi dahil sa pagyuko."H-ayop ka. Namimilit ka ng babae," madiin at i
Kahit gusto niyang mangiwi ay pinigilan niya. Napasandal siya sa pader matapos maramdamang mas dumiin ang kutsilyong hawak nito."B*tch, let go of my sister!" mabagsik na sigaw ni Cassandra kaya't nagkapag-asa siya.Nawala sa kanya ang atensyon ni Lea, lumayo rin sa leeg niya ang kutsilyo."No wonder you are both cheap," maang-hang nitong sagot kay Cassandra na walang kiming tinutok ang hawak na baril kay Lea.Kinuha niyang pagkakataon iyon at agad na hinawakan ang palapulsuhan nito at kinuha ang hawak nitong kutsilyo."What the!" gulat na humarap ito ngunit mabilis niyang inikot ang kamay nito palikod at sinandal ito sa pader."F*ck, let me go, B*tch!" singhal nito ngunit mas diniin niya ang hawak dito."Weak mo naman, Lea," pang-aasar dito ng kapatid niya.Matalim nitong tiningnan si Cassandra."May kakalagyan kayong dalawa sa akin!" angil nito.Siya naman ang ngumisi at walang takot na tinapat ang t*lim ng kutsilyo sa pisngi nito."Akala ko ba gusto mo kong makilala?" inosenteng ta
"What was that, Gray? Pinalagpas mo lang?" hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Lea noong makarating sila sa mansyon.Alam niyang kanina pa ito nanggagalaiti sa galit pero mas naiinis siya ngayon. Kita niya kasing mas malalim ang ginawa nitong sugat kay Sylvaine."Ipagamot mo na iyan sa katulong," malamig niyang utos na kinamaang nito."Seriously? Ganoon na lang iyon?"Hindi na niya ito pinansin at imbis na puntahan si Gabriel sa itaas ay tinungo na lang niya ang bar area ng mansyon. Agad siyang nagbukas ng whisky at nagsalin sa baso. Umigting ang panga niya matapos maalala ang nangyari. Hindi siya naniniwalang anak ni Don Manuel si Sylvaine pero ayaw din naman niyang isipin na babae nga ito ng matanda kahit pa iyon ang husga niya rito kanina.Napalagok siya sa alak matapos maalala ang ayos nito. Wala na itong kaba at lalo yatang tumapang. Masakit din ang suntok nito.Hin*god niya ang panga at napapikit nang mariin. Kahit pa labanan siya ni Sylvaine, talo pa rin niya ito kapag dina
After a few months...Mabigay siyang nakatitig sa puntod sa harap niya. Kasing itim ng bestidang suot niya ang kanyang nararamdaman sa tuwing tinititigan ang puntod. Hindi pa rin niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang lahat."I'm sorry, but I have to do that."Bumuntong hininga siya at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang kanyang itim na bestida bago muling sulyapan ang puntod."You scared the hell out of me," malamig niyang sagot dito.Napapikit siya noong umikot ang mga matipuno nitong braso sa kanyang bewang at marahang hinaplos ang kanyang baby bump."Hindi kasi titigil ang ama mo kung hindi ako magpapanggap na patay na," bulong na sagot nito.Napanguso siya at muling tinitigan ang puntod na pinasadya pa nito. Nagluksa pa naman siya ng ilang araw dahil doon. Ngayon nga ay ni-request na niyang paalisin iyon."Kasabwat mo si Gustavo?" Tumikwas ang kilay niya kahit hindi nito nakikita."Gustavo is my friend," tipid na sagot nito na tila sapat na iyong paliwan
SYLVAINE'S POV"Baliw," mahinang sambit niya kay Dimitri na ngumisi lang."Yeah~ I'm crazy. Baliw rin si Gray at pinagkatiwala ka niya sa akin. Isn't it exciting?"Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. Niyakap niyang mabuti si Gabriel. Gusto niyang manghina dahil alam niyang wala siyang ligtas dito ngunit gusto niya ring umasa na manalo si Gray at iligtas sila nito.Nangilid ang luha niya. Gusto niyang bumalik sa bahay at tingnan ang sitwasyon doon."Huwag ka ng umasang bubuhayin pa ni Don Manuel si Gray. Kating-kati pa naman iyon na tapusin—""Shut up!" mahina ngunit gigil niyang sambit.Sinulyapan siya nito. Pinaglandas nito ang dila sa sariling labi bago kinagat ang ibabang labi."Fierce. Gusto ko iyan. Palaban... sa kama," mayabang na bigkas nito.Mas lalo siyang nainis dahil doon lalo pa't naroon lang din si Gabriel. Gusto niya itong suntukin sa mukha ngunit napasigaw siya noong bigla itong pumreno sa kalagitnaan ng daan."F*ck!" pagmumura nito.Hindi niya ito pinansin bag
GRAY'S POV"Are you crazy, Gray?! Bakit mo hinayaan si Sylvaine kay Dimitri?" may gigil na kumpronta sa kanya ni Gustavo.Malamig niyang nilingon ang kaibigan. Hanggang ngayon ay nagseselos siya na may gusto ito sa asawa niya pero hindi iyon ang isinaalang-alang niya kanina. He has a plan."You know Dimitri very well," malamig niyang sagot."And you know him too! F*ck! He killed Lea, Gray. Tingin mo ay bubuhayin niya si Sylvaine at Gabriel?" frustrated na tanong ni Gustavo kahit pa parehas silang abala sa paglalagay ng bala sa baril."Ako na lang sana ang pinasama mo sa kanila," hinanakit nito bago nagtago sa likod ng sofa.Pumikit siya nang mariin at bumuntong hininga. Dinig na niya ang palitan ng putukan ng baril sa labas ngunit hindi siya nangangamba."Kung hinayaan ko si Dimitri na manatili dito at pinaalis kita. Tingin mo ba ay tutulungan niya ako?" pagpapa-intindi niya kay Gustavo bago pumwesto sa likod ng pinto."Pagtutulungan nila ako at mas malabong mailigtas ko ang mag-ina k
"Seriously, Gray? Hindi mo ko papakinggan?" hinanakit niya rito.Ayaw niyang umalis sa tabi nito. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya sa takot na baka huli na iyon. Ni hindi siya lumapit kay Dimitri sa pag-aakalang magbabago pa ang isip ni Gray. Ngunit sinenyasan nito si Enzo upang kuhanin si Gabriel sa itaas."We don't have enough time. Wait for Gabriel, then go with Dimitri," malamig na utos nito.Napapikit siya nang mariin sa inis. Kinuyom niya ang kamao ngunit hindi siya nakatiis. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang inagaw ang isang baril mula sa malapit na tauhan na kinagulat nilang lahat."What the f*ck, Sylvaine?!" may galit na ang tono ni Gray matapos siya nitong makitang itutok ang baril sa sariling sentido niya.Walang takot niyang tinapatan ang matalim nitong titig. Mas diniin niya rin sa kanyang sentido ang baril. Kung ito lang ang paraan para magbago ang isip nito ay gagawin niya."Gusto mong harapin ang ama ko at mamatay di ba? Sige, uunahan na kita para naman h
SYLVAINE'S POV"Lea is dead."Napatayo siya sa kinauupuan matapos marinig ang binalita ni Dimitri na kararating lang. Nanlamig siya."What?" nalilitong tanong ni Gray sa kaibigan.Naibaba nito ang hawak na wine glass at mariing tinitigan si Dimitri."Narinig ko lang sa iba. Patay na si Lea pero hindi no'n ibig sabihin ay titigil si Don Manuel. Sa narinig ko, ikaw ang pinagbibintangan niyang pumatay sa asawa niya," seryosong dagdag ni Dimitri."F*ck! I didn't kill her!" hindi mapigilang sigaw ni Gray at mapatayo mula rin mula sa pagkakaupo.Lalong namilog ang mga mata niya. Malabong si Gray ang gumawa dahil kasama niya ito. Abala ito sa kung paanong maayos ang grupo.Kumibit balikat si Dimitri, "Hindi palalagpasin ni Don Manuel ang nangyari lalo pa't suot yata ni Lea ang kuwintas bago siya mamatay."Muling napamura si Gray habang siya ay napakurap."Paano mo nalaman Dimitri?" hindi niya mapigilang tanong dito.Lumiit ang mga mata nito. Akmang sasagot na ngunit bumukas ang pinto at nilu
LEA'S POVNakangisi niyang tiningnan ang sarili sa salamin ng elevator. Bagay na bagay talaga sa kanya ang kuwintas noon pa man. Kaya naman pala niyang masikmura ang ugali at itsura ni Don Manuel. Alam niyang kaunti na lang ay babalik na sa kanya ang lahat lalo pa't lahat ng nasa grupo ay nasa panig na nila.Muling umangat ang gilid ng labi niya noong makarating sa tamang palapag. Hindi pa naman niya nakalilimutan ang lalaking kasama niya sa planong ito. Kapag natalo na si Gray, madali na lang din itapon si Don Manuel. Mas pipiliin niyang gawing hari ang lalaking ito kaysa sa matandang hukluban na iyon.Inayos niya ang kanyang buhok at ang kuwintas sa kanyang leeg bago tinipa ang passcode ng condominium nito. Ngunit nangunot ang noo niya matapos mag-error niyon."Did he change his passcode?" wala sa sarili niyang tanong.Napairap siya at walang pagpipilian kun'di pindutin ang doorbell. Ilang beses pa niyang pinatunog iyon bago bumukas ang pinto. Niluwa noon ang lalaking pawis na pawis
"Tell me, do you like him?" pinilit ni Gray na maging mahinahon ang boses niya ngunit kumakawala talaga ang inis mula roon. Kanina pa lang na makitang magkaharap ang dalawa ay umaakyat na ang galit sa kanya. Hindi siya nag-iisip ng masama ngunit hindi niya alam kung bakit nag-review siya ng cctv. And f*ck! He just wanted to strangle Gustavo's neck right now! "H-indi, Gray. Siya ang humalik. T-inulak ko siya." Pumikit siya nang mariin sa sagot ni Sylvaine. Alam naman niya iyon pero talagang kumikitid ang utak niya sa napanood. Hindi rin siya makapaniwalang kayang gawin iyon ni Gustavo. Humigpit ang yakap niya sa bewang nito. Umigting ang panga niya. Ayaw niyang magsalita dahil baka masaktan ito. "Hindi ko naman gusto si Gustavo. Nasampal ko pa nga siya dahil sa ginawa niya—" "Shh. Don't tell me the story," mabigat niyang bulong. He is territorial. Umiikot na sa isip niya kung paano kakausapin si Gustavo—mali, baka hindi na niya ito kausapin dahil sa nangyari. Kayang-kaya niya ito
Namimilog ang mga mata niya at hindi agad nakakilos sa ginawa ni Gustavo. Ngunit noong maramdaman ang labi nitong gumalaw ay mabilis niya itong tinulak at sinampal. Pumaling sa kaliwa ang mukha nito."Bastos!" gulat niyang sigaw at agad na tumayo.Nanginginig ang kamay niya. Hindi niya lubos mapaniwalaan na hinalikan siya ni Gustavo. Paano na lang kung makita o malaman iyon ni Gray? Tiyak na magwawala ito!"We've been looking for you, Gustavo. Nandito ka lang pala kila Gray," boses iyon ni Dimitri.Bumaling siya sa harapan ngunit mas na-estatwa siya matapos makita roon si Dimitri... katabi ni Gray."G-ray," sambit niya sa pangalan nito ngunit malamig lang itong nakatingin sa kanya.Napayuko siya noong lagpasan siya ng tingin nito.Nakita ba nito? Binugso siya ng kaba at halos hindi na ito matingnan noong lumapit ito kay Gustavo."What are you doing here, Gustavo?" malamig na tanong din nito sa kaibigan.Nasamyo niya ang amoy ng alak sa katawan nito. Siguro nga ay totoong uminom ito pe
"Gray—""Go to your room, Gabriel," utos nito sa anak nila.Nakagat niya ang ibabang labi noong iwasan siya nito matapos ibaba si Gabriel mula sa bisig nito. Simula kaninang bumalik sila galing hideout ay malamig na ang pakikitungo nito. Gusto pa nga niyang sagutin si Lea kanina pero mas nataranta siya sa pag-iwan sa kanya ni Gray. Ngayon nga ay hindi niya makuha ang atensyon nito."Gray, please—""Not now, Sylvaine," malamig na sagot nito bago siya muling talikuran at lumiko patungo sa kabilang kwarto.Bumagsak ang mga balikat niya at halos mangilid ang luha. Wala naman sa plano niya ang patayin ito kahit pa i-utos iyon ng ama niya. Dapat pala ay sinabi niya agad at pinaliwanag dito, hindi sana siya nito pinagdududahan ngayon.Napapikit siya nang mariin at huminga nang malalim. Ayaw niyang pangunahan siya ng kanyang emosyon. Hahayaan niya muna ito sandali pero hindi siya papayag na hindi niya ito makausap ngayon.Dumiretso siya sa kusina upang uminom ng tubig. Nagpalamig siya sandali