Malakas na halakhak ni Dimitri ang narinig ni Gray matapos niyang sabihin ang rason kung bakit sila nasa Japan ngayon at bumibili ng white strawberry. Kahit kasi labag sa loob niya ay nagpunta siya ng Japan mapagbigyan lang si Sylvaine, si Dimitri pa ang nahatak niya imbis na si Gustavo."Seriously, Gray? Kailan ka pa naging sunud-sunuran sa babae? Hindi ka ganyan kay Lea," komento nito matapos humalakhak.Nagsalubong ang kilay niya upang itago ang inis, inis para sa sarili niya dahil tama ito. Hindi niya rin kasi maintindihan kung bakit siya napapasunod ni Sylvaine. Ang alam niya lang, ayaw niya itong malungkot."Bayaran mo na," imbis ay utos niya kay Dimitri. Bahagyang namilog ang mga mata nito, "Ako? Wala akong pera dito—"Agad itong natigilan matapos niyang ibigay ang iilang malaking papel na pera, "Ikaw na kumausap," agad niyang bigkas bago ito iwanan sa loob ng tindihan."Uy, G*go! Hindi ako Japanese, Russian ako!" dinig niyang protesta nito.Hindi niya ito pinansin at tumingal
Napamaang si Sylvaine sa narinig. May past si Cassandra at Gray? Pero magkaaway si Gray at Don Manuel?"Ang gulo ng buhay ng Daddy mo, Tuti," pagkausap niya sa asong hawak niya sa kanyang kamay.Napailing siya at agad na pumasok sa loob ng mansyon matapos makitang papalapit na si Gray samantalang hinihila na paalis si Cassandra ng mga tauhan."Pagsisisihan mo 'to, Gray! Papatayin ko si Lea! Papatayin ko rin iyan—F*ck! Bitiwan niyo ko!" dinig niya pang pagwawala ni Cassandra.Hindi niya alam kung maaawa rito pero mas pinili niyang huwag na lang makialam. Baka kung ano pa ang magawa sa kanya ni Gray."Bakit nasa labas ka?"Namilog ang mga mata niya matapos marinig ang malamig na boses ni Gray. Napatigil siya sa paglalakad at mas nilapit sa kanya si Tuti.Unti-unti siyang humarap para lang makita ang nangungunot na noo nito, akala mo ay walang sinaktang babae kanina."Huh? Bawal na ba ako ulit lumabas ng kwarto?"Kumibot ang labi nito, "You heard everything?"Napakurap siya, "Iyong kanin
"Try, hurry up." Hinagis sa kanya ni Gray ang brown paperbag na agad niyang sinalo.Kinakabahan na naman siya. Gusto nitong magpregnancy test kit siya kahit pa sinabi niyang hindi siya buntis. Ngayon nga ay nasa top floor na kwarto ulit sila. Nakahalukipkip ito sa harap niya."Doktor ako, alam ko sa sarili ko—""Try it. Do I still need to repeat myself?" mahina ngunit gigil nitong bigkas.Mahina siyang napasinghap. Napalunok siya at napahakbang sa banyo. Agad niyang sinara ang pinto at nanghihinang napadausdos sa sahig."Bakit kasi hindi na lang siya makuntento kay Tuti?" bulong bulong niya bago binuksan ang paperbag.May limang Pregnancy test kit doon. Tatlo lang ang kinuha niya at inayos sa sink. Bagsak ang balikat na binuksan ang mga iyon at binuksan ang faucet. Tinatamad pa siyang naglagay ng tubig sa mga kit. Sure naman kasing negative ang mga iyon. Ang kinakatakot niya lang ngayon ay baka magalit na naman si Gray katulad dati.Matapos ang ilang minuto ay kinatok na siya nito. Hu
Ilang beses na umikot sa isipan ni Sylvaine ang sinabi ni Cassandra. Nasa kwarto na siya ulit, gabi na pero hindi siya makatulog."Mafia leader ang Daddy mo, Tuti?"Mahina itong tumahol na tila ba sumasang-ayon kaya't napasimangot siya. Matatakot pa ba siya gayong ilang beses na siyang nakakita ng baril? Pero kung mafia leader ito, ibig sabihin ay ang anak niya ang gagawin nitong tagapagmana sa organisasyon nito? Gagawin nitong masama ang batang ni hindi pa man niya nailuluwal?Napalunok siya at napahawak sa impis niyang tiyan. Napatingin din siya sa calling card ni Cassandra. Patay siya kapag nakita iyon ni Gray kaya't agad niyang tinago sa drawer, kasama ng mga kit. Napatigil siya matapos makita ang mga kit, ngayon ay nagdadalawang isip na siya kung sasabihin pa rin kay Gray ang tungkol sa pinagbubuntis niya."Hindi naman siguro niya ipapahamak ang anak niya di ba?" nanghihina niyang tanong kay Tuti, "Hindi rin naman siguro totoong papatayin niya ako di ba?"Napalabi siya matapos wa
"F*ck, why are you outside?!"Hindi siya nakakibo kay Gray noong haklitin nito ang braso niya. Gulat pa siya sa narinig. Walang tigil ang kabog ng d*bdib niya. Totoong papatayin siya nito.Napaigtad siya noong isara nito ang pinto upang hindi niya makita ang mga kalalakihan."Didn't I tell you to stay in the room?!" mas gigil nitong tanong.Hinila siya nito patungo sa elevator. Napangiwi siya sa sakit."S-andali lang. Hindi ko naman sinasadya—masakit, Gray!"Kita niyang umigting pa ang panga nito pero lumuwang din ang hawak sa braso niya. Akmang pipindutin nito ang top floor ngunit pinigilan niya ang kamay nito.Hindi niya alam kung kaya niyang manatili sa kwarto, baka mabaliw siya roon kakaisip na papatayin nga siya ni Gray kapag nakapanganak na."S-a kusina na lang. Nagugutom pa ako," pagrarason niya.Madiin siya nitong tinitigan ngunit first floor din ang pinindot nito. Napayuko siya at hindi na ito matingnan. Tinago niya rin sa likod niya ang calling card ni Cassandra. Mukhang kak
"You are all useless!" galit na galit na sigaw ni Gray matapos malamang nakalabas ng mansyon si Sylvaine. Nalukot ang lata ng beer na hawak niya matapos higpitan ang hawak doon."F*ck! Ano'ng silbi na nandiyan kayong lahat pero natakasan kayo?! Ah?! Who the f*ck let her go outside?!"Sabay-sabay na yumuko ang mga tauhan niyang naiwan, ang iba kasi ay pinaghanap na niya kay Sylvaine."Sir, I-m sorry. Ang sabi niya kasi ay pinayagan mo siyang magpahangin sa labas," ani Enzo kaya't naningkit ang tingin niya.Pumikit siya nang mariin, "She lied to you?"Napatikhim ito, "Y-es, Mr. Whitlock. I'm sorry.""You are my trusted man, Enzo. Bakit mo kinalimutang ayoko siyang lumabas ng mansyon?!"Napaigtad ito sa sigaw niya, "I'm sorry. Sa garden sa likod naman kasi ang sinabi niya, hindi ko po alam kung paano siyang nawala roon."Napamulat siya ng mga mata. Tinaliman niya muna ng tingin ang mga tauhan niya bago mabilis na umakyat sa CCTV room.Ni-rewind niya ang footage sa likod. Tiningnan na ni
After 5 years"Maghanda ka na ng gamit para next month, oras na humilab ang tiyan mo, padala na kana rito agad," paalala niya sa pasyente niyang si Mean."Salamat, Doktora. Mabuti na lang at napadpad ka rito sa sitio. Hindi na namin kailangang magpunta sa bayan para magpa-check up."Mahina siyang tumawa sa sinabi nito. Siya nga ang mas nagpapasalamat na napadpad siya sa liblib na lugar na iyon. So far, maganda-ganda ang limang taon niyang pamamalagi doon, walang panganib at pawang katahimikan lang."Iyong paalala ko ah. Katok lang sa bahay ko kung gabi ka man maglabor," huling habilin niya bago ito hinayaang umalis.Huling pasyente na niya iyon at papalubog na ang araw. Hindi siya pwedeng magtagal sa clinic lalo pa't kailangan niyang magpunta sa maliit na eskwela ng barangay.Tahimik niyang sinara ang clinic. Akala niya talaga noon ay isusuplong na siya ni Gustavo pero hindi, tinawag nito ang isang tauhan at pinalipat siya ng sasakyan. Ni hindi niya alam kung saan siya mapupunta nguni
"Nahanap niyo na?" agad na tanong ni Gray kay Enzo.Yumuko ito bago tahimik na tumabi sa kanya sa harap ng salamin ng I.C.U. Tinitigan rin nito si Lea na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising."Limang taon na ang nakalilipas, Mr. Whitlock—""Still no trace?" lumamig ang boses niya."Sinusundan po namin si Brylle Russo—""Why the h*ck are you following that bastard?! Hindi siya ang pinapahanap ko!"Hindi naman ito nagulat sa sigaw niya. Yumuko ito muli, "I'm sorry, Mr. Whitlock. May nakapagsabi kasing nag-do-donate siya sa isang liblib na lugar. Akala ko ay naroon si Dr. Syl—""Go, follow him again. Huwag niyong hayaan na mawala siya sa paningin ninyo." Umigting ang panga niya.Sa tuwing naaalala niya ang pagtakas sa kanya ni Sylvaine five years ago, kumukulo ang dugo niya lalo pa't bitbit nito ang tagapagmana niya. Naningkit ang paningin niya matapos maisip ang batang lalaki na kamukha niya. F*ck! Oras na mahanap niya ito, lintik lang ang walang ganti!"Paano naman kung patibong lang
After a few months...Mabigay siyang nakatitig sa puntod sa harap niya. Kasing itim ng bestidang suot niya ang kanyang nararamdaman sa tuwing tinititigan ang puntod. Hindi pa rin niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang lahat."I'm sorry, but I have to do that."Bumuntong hininga siya at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang kanyang itim na bestida bago muling sulyapan ang puntod."You scared the hell out of me," malamig niyang sagot dito.Napapikit siya noong umikot ang mga matipuno nitong braso sa kanyang bewang at marahang hinaplos ang kanyang baby bump."Hindi kasi titigil ang ama mo kung hindi ako magpapanggap na patay na," bulong na sagot nito.Napanguso siya at muling tinitigan ang puntod na pinasadya pa nito. Nagluksa pa naman siya ng ilang araw dahil doon. Ngayon nga ay ni-request na niyang paalisin iyon."Kasabwat mo si Gustavo?" Tumikwas ang kilay niya kahit hindi nito nakikita."Gustavo is my friend," tipid na sagot nito na tila sapat na iyong paliwan
SYLVAINE'S POV"Baliw," mahinang sambit niya kay Dimitri na ngumisi lang."Yeah~ I'm crazy. Baliw rin si Gray at pinagkatiwala ka niya sa akin. Isn't it exciting?"Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. Niyakap niyang mabuti si Gabriel. Gusto niyang manghina dahil alam niyang wala siyang ligtas dito ngunit gusto niya ring umasa na manalo si Gray at iligtas sila nito.Nangilid ang luha niya. Gusto niyang bumalik sa bahay at tingnan ang sitwasyon doon."Huwag ka ng umasang bubuhayin pa ni Don Manuel si Gray. Kating-kati pa naman iyon na tapusin—""Shut up!" mahina ngunit gigil niyang sambit.Sinulyapan siya nito. Pinaglandas nito ang dila sa sariling labi bago kinagat ang ibabang labi."Fierce. Gusto ko iyan. Palaban... sa kama," mayabang na bigkas nito.Mas lalo siyang nainis dahil doon lalo pa't naroon lang din si Gabriel. Gusto niya itong suntukin sa mukha ngunit napasigaw siya noong bigla itong pumreno sa kalagitnaan ng daan."F*ck!" pagmumura nito.Hindi niya ito pinansin bag
GRAY'S POV"Are you crazy, Gray?! Bakit mo hinayaan si Sylvaine kay Dimitri?" may gigil na kumpronta sa kanya ni Gustavo.Malamig niyang nilingon ang kaibigan. Hanggang ngayon ay nagseselos siya na may gusto ito sa asawa niya pero hindi iyon ang isinaalang-alang niya kanina. He has a plan."You know Dimitri very well," malamig niyang sagot."And you know him too! F*ck! He killed Lea, Gray. Tingin mo ay bubuhayin niya si Sylvaine at Gabriel?" frustrated na tanong ni Gustavo kahit pa parehas silang abala sa paglalagay ng bala sa baril."Ako na lang sana ang pinasama mo sa kanila," hinanakit nito bago nagtago sa likod ng sofa.Pumikit siya nang mariin at bumuntong hininga. Dinig na niya ang palitan ng putukan ng baril sa labas ngunit hindi siya nangangamba."Kung hinayaan ko si Dimitri na manatili dito at pinaalis kita. Tingin mo ba ay tutulungan niya ako?" pagpapa-intindi niya kay Gustavo bago pumwesto sa likod ng pinto."Pagtutulungan nila ako at mas malabong mailigtas ko ang mag-ina k
"Seriously, Gray? Hindi mo ko papakinggan?" hinanakit niya rito.Ayaw niyang umalis sa tabi nito. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya sa takot na baka huli na iyon. Ni hindi siya lumapit kay Dimitri sa pag-aakalang magbabago pa ang isip ni Gray. Ngunit sinenyasan nito si Enzo upang kuhanin si Gabriel sa itaas."We don't have enough time. Wait for Gabriel, then go with Dimitri," malamig na utos nito.Napapikit siya nang mariin sa inis. Kinuyom niya ang kamao ngunit hindi siya nakatiis. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang inagaw ang isang baril mula sa malapit na tauhan na kinagulat nilang lahat."What the f*ck, Sylvaine?!" may galit na ang tono ni Gray matapos siya nitong makitang itutok ang baril sa sariling sentido niya.Walang takot niyang tinapatan ang matalim nitong titig. Mas diniin niya rin sa kanyang sentido ang baril. Kung ito lang ang paraan para magbago ang isip nito ay gagawin niya."Gusto mong harapin ang ama ko at mamatay di ba? Sige, uunahan na kita para naman h
SYLVAINE'S POV"Lea is dead."Napatayo siya sa kinauupuan matapos marinig ang binalita ni Dimitri na kararating lang. Nanlamig siya."What?" nalilitong tanong ni Gray sa kaibigan.Naibaba nito ang hawak na wine glass at mariing tinitigan si Dimitri."Narinig ko lang sa iba. Patay na si Lea pero hindi no'n ibig sabihin ay titigil si Don Manuel. Sa narinig ko, ikaw ang pinagbibintangan niyang pumatay sa asawa niya," seryosong dagdag ni Dimitri."F*ck! I didn't kill her!" hindi mapigilang sigaw ni Gray at mapatayo mula rin mula sa pagkakaupo.Lalong namilog ang mga mata niya. Malabong si Gray ang gumawa dahil kasama niya ito. Abala ito sa kung paanong maayos ang grupo.Kumibit balikat si Dimitri, "Hindi palalagpasin ni Don Manuel ang nangyari lalo pa't suot yata ni Lea ang kuwintas bago siya mamatay."Muling napamura si Gray habang siya ay napakurap."Paano mo nalaman Dimitri?" hindi niya mapigilang tanong dito.Lumiit ang mga mata nito. Akmang sasagot na ngunit bumukas ang pinto at nilu
LEA'S POVNakangisi niyang tiningnan ang sarili sa salamin ng elevator. Bagay na bagay talaga sa kanya ang kuwintas noon pa man. Kaya naman pala niyang masikmura ang ugali at itsura ni Don Manuel. Alam niyang kaunti na lang ay babalik na sa kanya ang lahat lalo pa't lahat ng nasa grupo ay nasa panig na nila.Muling umangat ang gilid ng labi niya noong makarating sa tamang palapag. Hindi pa naman niya nakalilimutan ang lalaking kasama niya sa planong ito. Kapag natalo na si Gray, madali na lang din itapon si Don Manuel. Mas pipiliin niyang gawing hari ang lalaking ito kaysa sa matandang hukluban na iyon.Inayos niya ang kanyang buhok at ang kuwintas sa kanyang leeg bago tinipa ang passcode ng condominium nito. Ngunit nangunot ang noo niya matapos mag-error niyon."Did he change his passcode?" wala sa sarili niyang tanong.Napairap siya at walang pagpipilian kun'di pindutin ang doorbell. Ilang beses pa niyang pinatunog iyon bago bumukas ang pinto. Niluwa noon ang lalaking pawis na pawis
"Tell me, do you like him?" pinilit ni Gray na maging mahinahon ang boses niya ngunit kumakawala talaga ang inis mula roon. Kanina pa lang na makitang magkaharap ang dalawa ay umaakyat na ang galit sa kanya. Hindi siya nag-iisip ng masama ngunit hindi niya alam kung bakit nag-review siya ng cctv. And f*ck! He just wanted to strangle Gustavo's neck right now! "H-indi, Gray. Siya ang humalik. T-inulak ko siya." Pumikit siya nang mariin sa sagot ni Sylvaine. Alam naman niya iyon pero talagang kumikitid ang utak niya sa napanood. Hindi rin siya makapaniwalang kayang gawin iyon ni Gustavo. Humigpit ang yakap niya sa bewang nito. Umigting ang panga niya. Ayaw niyang magsalita dahil baka masaktan ito. "Hindi ko naman gusto si Gustavo. Nasampal ko pa nga siya dahil sa ginawa niya—" "Shh. Don't tell me the story," mabigat niyang bulong. He is territorial. Umiikot na sa isip niya kung paano kakausapin si Gustavo—mali, baka hindi na niya ito kausapin dahil sa nangyari. Kayang-kaya niya ito
Namimilog ang mga mata niya at hindi agad nakakilos sa ginawa ni Gustavo. Ngunit noong maramdaman ang labi nitong gumalaw ay mabilis niya itong tinulak at sinampal. Pumaling sa kaliwa ang mukha nito."Bastos!" gulat niyang sigaw at agad na tumayo.Nanginginig ang kamay niya. Hindi niya lubos mapaniwalaan na hinalikan siya ni Gustavo. Paano na lang kung makita o malaman iyon ni Gray? Tiyak na magwawala ito!"We've been looking for you, Gustavo. Nandito ka lang pala kila Gray," boses iyon ni Dimitri.Bumaling siya sa harapan ngunit mas na-estatwa siya matapos makita roon si Dimitri... katabi ni Gray."G-ray," sambit niya sa pangalan nito ngunit malamig lang itong nakatingin sa kanya.Napayuko siya noong lagpasan siya ng tingin nito.Nakita ba nito? Binugso siya ng kaba at halos hindi na ito matingnan noong lumapit ito kay Gustavo."What are you doing here, Gustavo?" malamig na tanong din nito sa kaibigan.Nasamyo niya ang amoy ng alak sa katawan nito. Siguro nga ay totoong uminom ito pe
"Gray—""Go to your room, Gabriel," utos nito sa anak nila.Nakagat niya ang ibabang labi noong iwasan siya nito matapos ibaba si Gabriel mula sa bisig nito. Simula kaninang bumalik sila galing hideout ay malamig na ang pakikitungo nito. Gusto pa nga niyang sagutin si Lea kanina pero mas nataranta siya sa pag-iwan sa kanya ni Gray. Ngayon nga ay hindi niya makuha ang atensyon nito."Gray, please—""Not now, Sylvaine," malamig na sagot nito bago siya muling talikuran at lumiko patungo sa kabilang kwarto.Bumagsak ang mga balikat niya at halos mangilid ang luha. Wala naman sa plano niya ang patayin ito kahit pa i-utos iyon ng ama niya. Dapat pala ay sinabi niya agad at pinaliwanag dito, hindi sana siya nito pinagdududahan ngayon.Napapikit siya nang mariin at huminga nang malalim. Ayaw niyang pangunahan siya ng kanyang emosyon. Hahayaan niya muna ito sandali pero hindi siya papayag na hindi niya ito makausap ngayon.Dumiretso siya sa kusina upang uminom ng tubig. Nagpalamig siya sandali