"F*ck, why are you outside?!"Hindi siya nakakibo kay Gray noong haklitin nito ang braso niya. Gulat pa siya sa narinig. Walang tigil ang kabog ng d*bdib niya. Totoong papatayin siya nito.Napaigtad siya noong isara nito ang pinto upang hindi niya makita ang mga kalalakihan."Didn't I tell you to stay in the room?!" mas gigil nitong tanong.Hinila siya nito patungo sa elevator. Napangiwi siya sa sakit."S-andali lang. Hindi ko naman sinasadya—masakit, Gray!"Kita niyang umigting pa ang panga nito pero lumuwang din ang hawak sa braso niya. Akmang pipindutin nito ang top floor ngunit pinigilan niya ang kamay nito.Hindi niya alam kung kaya niyang manatili sa kwarto, baka mabaliw siya roon kakaisip na papatayin nga siya ni Gray kapag nakapanganak na."S-a kusina na lang. Nagugutom pa ako," pagrarason niya.Madiin siya nitong tinitigan ngunit first floor din ang pinindot nito. Napayuko siya at hindi na ito matingnan. Tinago niya rin sa likod niya ang calling card ni Cassandra. Mukhang kak
"You are all useless!" galit na galit na sigaw ni Gray matapos malamang nakalabas ng mansyon si Sylvaine. Nalukot ang lata ng beer na hawak niya matapos higpitan ang hawak doon."F*ck! Ano'ng silbi na nandiyan kayong lahat pero natakasan kayo?! Ah?! Who the f*ck let her go outside?!"Sabay-sabay na yumuko ang mga tauhan niyang naiwan, ang iba kasi ay pinaghanap na niya kay Sylvaine."Sir, I-m sorry. Ang sabi niya kasi ay pinayagan mo siyang magpahangin sa labas," ani Enzo kaya't naningkit ang tingin niya.Pumikit siya nang mariin, "She lied to you?"Napatikhim ito, "Y-es, Mr. Whitlock. I'm sorry.""You are my trusted man, Enzo. Bakit mo kinalimutang ayoko siyang lumabas ng mansyon?!"Napaigtad ito sa sigaw niya, "I'm sorry. Sa garden sa likod naman kasi ang sinabi niya, hindi ko po alam kung paano siyang nawala roon."Napamulat siya ng mga mata. Tinaliman niya muna ng tingin ang mga tauhan niya bago mabilis na umakyat sa CCTV room.Ni-rewind niya ang footage sa likod. Tiningnan na ni
After 5 years"Maghanda ka na ng gamit para next month, oras na humilab ang tiyan mo, padala na kana rito agad," paalala niya sa pasyente niyang si Mean."Salamat, Doktora. Mabuti na lang at napadpad ka rito sa sitio. Hindi na namin kailangang magpunta sa bayan para magpa-check up."Mahina siyang tumawa sa sinabi nito. Siya nga ang mas nagpapasalamat na napadpad siya sa liblib na lugar na iyon. So far, maganda-ganda ang limang taon niyang pamamalagi doon, walang panganib at pawang katahimikan lang."Iyong paalala ko ah. Katok lang sa bahay ko kung gabi ka man maglabor," huling habilin niya bago ito hinayaang umalis.Huling pasyente na niya iyon at papalubog na ang araw. Hindi siya pwedeng magtagal sa clinic lalo pa't kailangan niyang magpunta sa maliit na eskwela ng barangay.Tahimik niyang sinara ang clinic. Akala niya talaga noon ay isusuplong na siya ni Gustavo pero hindi, tinawag nito ang isang tauhan at pinalipat siya ng sasakyan. Ni hindi niya alam kung saan siya mapupunta nguni
"Nahanap niyo na?" agad na tanong ni Gray kay Enzo.Yumuko ito bago tahimik na tumabi sa kanya sa harap ng salamin ng I.C.U. Tinitigan rin nito si Lea na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising."Limang taon na ang nakalilipas, Mr. Whitlock—""Still no trace?" lumamig ang boses niya."Sinusundan po namin si Brylle Russo—""Why the h*ck are you following that bastard?! Hindi siya ang pinapahanap ko!"Hindi naman ito nagulat sa sigaw niya. Yumuko ito muli, "I'm sorry, Mr. Whitlock. May nakapagsabi kasing nag-do-donate siya sa isang liblib na lugar. Akala ko ay naroon si Dr. Syl—""Go, follow him again. Huwag niyong hayaan na mawala siya sa paningin ninyo." Umigting ang panga niya.Sa tuwing naaalala niya ang pagtakas sa kanya ni Sylvaine five years ago, kumukulo ang dugo niya lalo pa't bitbit nito ang tagapagmana niya. Naningkit ang paningin niya matapos maisip ang batang lalaki na kamukha niya. F*ck! Oras na mahanap niya ito, lintik lang ang walang ganti!"Paano naman kung patibong lang
"Am I still not allowed to go to school, Mama?" malungkot na tanong ni Gabriel sa kanya.Naroon ito at nakasandal sa labas ng pintuan ng clinic, nakatingin sa mga estudyanteng papasok na sa eskwela. Kahapon ay hindi niya ito pinapasok sa sobrang kaba na baka bumalik iyong lalaki at kausapin na naman ito."Gab, dalawang araw pa, please," pakiusap niya rito habang naglilinis ng mesa."Pero fake gun lang naman ito, Mama," katwiran nito bago pinakita ang kanina pa nitong hawak na baril.Naglapat ang mga labi niya. Masama ang kutob niya sa lalaking nakausap nito na agad umalis bago pa man siya makalapit. Tiningnan niya ring mabuti ang baril na binigay nito at baka mamaya ay nakatagong camera o baka nga may bomba. Wala naman."Safety first, Gab. Huwag ng makulit."Dinig niya ang mabigat nitong buntong hininga na akala mo naman ay nasa ustong edad na ito. Matangkad din ito kumpara sa ibang bata kaya't madalas napagkakamalang anim na taon na."Don't you want me to be happy, Mama? Why do I nee
"Ang cute niya di ba, Mama?" muling tanong sa kanya ni Gabriel.Hindi siya makakilos kahit pa ang nasa isip niya ay tumakbo at tumakas. Hindi niya rin mailayo ang aso kay Gabriel lalo pa't tinuring niya rin namang anak si Tuti."Tuti ang pangalan niya, Mama?"Hindi siya muli nakasagot. Walang tigil sa pagkabog ang puso niya. Paano kung bumalik ang mga nagbigay? Sigurado siyang tauhan ang mga iyon ni Gray! Dapat pala ay naniwala na siya kay Brylle."Let's go, Gab. Umalis na tayo rito."Hinila niya ito sa braso para lumakad na paalis sa eskwela. Nagtataka itong sumunod pero noong bilisan niya ang lakad ay nagreklamo na ito."Mama, bakit ka ba nagmamadali? Ayaw mo ba sa dog ko?"Hindi niya muli pinansin si Brylle. Sa takot niya ay binuhat na niya ito kahit pa mabigat ito."Pagdating natin sa bahay, magpalit ka agad ng damit. Mag-aayos ako ng gamit at aalis na tayo rito," kinakabahang bigkas niya."Pero, Mama, babalik pa raw ang mga nagbigay kay Tuti. Bibigyan pa nila ako ulit ng laruan,"
"Please, Gray. Huwag mong kunin sa akin ang anak ko!"Tumayo siya at hinarang ang mga kamay para lang hindi ito lumapit. Tinatagan niya ang loob kahit pa alam niyang wala siyang laban sa mga ito."How dare you plead like that?" nang-uuyam na tanong nito, "He is my son. He's f*cking mine!"Dumagundong ang boses nito sa kabahayan na nagpasindak sa kanya. Pinapanalangin niya sana ay may dumating na kapit-bahay pero duda siya kung may lalapit gayong may baril ang mga tauhan nito.Napalunok siya sa takot noong umigting ang panga nito at akmang lalapit."Diyan ka lang! Tulong!" malakas niyang sigaw bago niyakap si Gabriel na hindi makakilos."Mama, I'm scared," dinig niyang bulong nito."Shh, Baby. I'm here, hindi kita ibibigay sa kanya," pangako niya na kahit siya mismo ay hindi mapanindigan."Give him to me while I am still kind—""Ayoko! Anak ko siya! Ayokong matulad siya sa'yo!"Humigpit ang yakap niya kay Gabriel. Hindi niya gustong lumaki ito sa puder ni Gray. Alam niya ang magiging k
"Lumayo ka!" sigaw niya at pilit itong sinipa ngunit natigilan siya matapos marinig ang pagkapunit ng damit niya at pagyakap ng lamig ng aircon sa katawan niya."Do you have any idea how mad I am right now, huh?" gigil nitong bulong matapos gumapang sa ibabaw niya.Hindi siya nakasagot. Kita naman niya ang panlilisik ng mga mata nito sa galit. Ni hindi na niya maigalaw ang mga binti noong ipitin nito ang mga iyon gamit ang binti nito."This is rape—""I am not gonna force you. Ikaw ang magdedesisyon kung tutuloy ako."Matalim niya itong tiningnan. Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi nito mula sa sampal niya."Lumayo ka at huwag tumuloy! Ibalik mo na lang sa akin si Gabriel!" panlalaban niya ngunit naitikom niya ang bibig matapos maramdaman ang malaking kamay nito sa leeg niya.Napasinghap siya at gustong ilayo ang kamay nito ngunit mukhang balak yata talaga siya nitong patayin."Gabriel Silas Hope," marahang bulong nito ngunit napa-igik siya sa sakit noong dumiin ang palad nito sa
After a few months...Mabigay siyang nakatitig sa puntod sa harap niya. Kasing itim ng bestidang suot niya ang kanyang nararamdaman sa tuwing tinititigan ang puntod. Hindi pa rin niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang lahat."I'm sorry, but I have to do that."Bumuntong hininga siya at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang kanyang itim na bestida bago muling sulyapan ang puntod."You scared the hell out of me," malamig niyang sagot dito.Napapikit siya noong umikot ang mga matipuno nitong braso sa kanyang bewang at marahang hinaplos ang kanyang baby bump."Hindi kasi titigil ang ama mo kung hindi ako magpapanggap na patay na," bulong na sagot nito.Napanguso siya at muling tinitigan ang puntod na pinasadya pa nito. Nagluksa pa naman siya ng ilang araw dahil doon. Ngayon nga ay ni-request na niyang paalisin iyon."Kasabwat mo si Gustavo?" Tumikwas ang kilay niya kahit hindi nito nakikita."Gustavo is my friend," tipid na sagot nito na tila sapat na iyong paliwan
SYLVAINE'S POV"Baliw," mahinang sambit niya kay Dimitri na ngumisi lang."Yeah~ I'm crazy. Baliw rin si Gray at pinagkatiwala ka niya sa akin. Isn't it exciting?"Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. Niyakap niyang mabuti si Gabriel. Gusto niyang manghina dahil alam niyang wala siyang ligtas dito ngunit gusto niya ring umasa na manalo si Gray at iligtas sila nito.Nangilid ang luha niya. Gusto niyang bumalik sa bahay at tingnan ang sitwasyon doon."Huwag ka ng umasang bubuhayin pa ni Don Manuel si Gray. Kating-kati pa naman iyon na tapusin—""Shut up!" mahina ngunit gigil niyang sambit.Sinulyapan siya nito. Pinaglandas nito ang dila sa sariling labi bago kinagat ang ibabang labi."Fierce. Gusto ko iyan. Palaban... sa kama," mayabang na bigkas nito.Mas lalo siyang nainis dahil doon lalo pa't naroon lang din si Gabriel. Gusto niya itong suntukin sa mukha ngunit napasigaw siya noong bigla itong pumreno sa kalagitnaan ng daan."F*ck!" pagmumura nito.Hindi niya ito pinansin bag
GRAY'S POV"Are you crazy, Gray?! Bakit mo hinayaan si Sylvaine kay Dimitri?" may gigil na kumpronta sa kanya ni Gustavo.Malamig niyang nilingon ang kaibigan. Hanggang ngayon ay nagseselos siya na may gusto ito sa asawa niya pero hindi iyon ang isinaalang-alang niya kanina. He has a plan."You know Dimitri very well," malamig niyang sagot."And you know him too! F*ck! He killed Lea, Gray. Tingin mo ay bubuhayin niya si Sylvaine at Gabriel?" frustrated na tanong ni Gustavo kahit pa parehas silang abala sa paglalagay ng bala sa baril."Ako na lang sana ang pinasama mo sa kanila," hinanakit nito bago nagtago sa likod ng sofa.Pumikit siya nang mariin at bumuntong hininga. Dinig na niya ang palitan ng putukan ng baril sa labas ngunit hindi siya nangangamba."Kung hinayaan ko si Dimitri na manatili dito at pinaalis kita. Tingin mo ba ay tutulungan niya ako?" pagpapa-intindi niya kay Gustavo bago pumwesto sa likod ng pinto."Pagtutulungan nila ako at mas malabong mailigtas ko ang mag-ina k
"Seriously, Gray? Hindi mo ko papakinggan?" hinanakit niya rito.Ayaw niyang umalis sa tabi nito. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya sa takot na baka huli na iyon. Ni hindi siya lumapit kay Dimitri sa pag-aakalang magbabago pa ang isip ni Gray. Ngunit sinenyasan nito si Enzo upang kuhanin si Gabriel sa itaas."We don't have enough time. Wait for Gabriel, then go with Dimitri," malamig na utos nito.Napapikit siya nang mariin sa inis. Kinuyom niya ang kamao ngunit hindi siya nakatiis. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang inagaw ang isang baril mula sa malapit na tauhan na kinagulat nilang lahat."What the f*ck, Sylvaine?!" may galit na ang tono ni Gray matapos siya nitong makitang itutok ang baril sa sariling sentido niya.Walang takot niyang tinapatan ang matalim nitong titig. Mas diniin niya rin sa kanyang sentido ang baril. Kung ito lang ang paraan para magbago ang isip nito ay gagawin niya."Gusto mong harapin ang ama ko at mamatay di ba? Sige, uunahan na kita para naman h
SYLVAINE'S POV"Lea is dead."Napatayo siya sa kinauupuan matapos marinig ang binalita ni Dimitri na kararating lang. Nanlamig siya."What?" nalilitong tanong ni Gray sa kaibigan.Naibaba nito ang hawak na wine glass at mariing tinitigan si Dimitri."Narinig ko lang sa iba. Patay na si Lea pero hindi no'n ibig sabihin ay titigil si Don Manuel. Sa narinig ko, ikaw ang pinagbibintangan niyang pumatay sa asawa niya," seryosong dagdag ni Dimitri."F*ck! I didn't kill her!" hindi mapigilang sigaw ni Gray at mapatayo mula rin mula sa pagkakaupo.Lalong namilog ang mga mata niya. Malabong si Gray ang gumawa dahil kasama niya ito. Abala ito sa kung paanong maayos ang grupo.Kumibit balikat si Dimitri, "Hindi palalagpasin ni Don Manuel ang nangyari lalo pa't suot yata ni Lea ang kuwintas bago siya mamatay."Muling napamura si Gray habang siya ay napakurap."Paano mo nalaman Dimitri?" hindi niya mapigilang tanong dito.Lumiit ang mga mata nito. Akmang sasagot na ngunit bumukas ang pinto at nilu
LEA'S POVNakangisi niyang tiningnan ang sarili sa salamin ng elevator. Bagay na bagay talaga sa kanya ang kuwintas noon pa man. Kaya naman pala niyang masikmura ang ugali at itsura ni Don Manuel. Alam niyang kaunti na lang ay babalik na sa kanya ang lahat lalo pa't lahat ng nasa grupo ay nasa panig na nila.Muling umangat ang gilid ng labi niya noong makarating sa tamang palapag. Hindi pa naman niya nakalilimutan ang lalaking kasama niya sa planong ito. Kapag natalo na si Gray, madali na lang din itapon si Don Manuel. Mas pipiliin niyang gawing hari ang lalaking ito kaysa sa matandang hukluban na iyon.Inayos niya ang kanyang buhok at ang kuwintas sa kanyang leeg bago tinipa ang passcode ng condominium nito. Ngunit nangunot ang noo niya matapos mag-error niyon."Did he change his passcode?" wala sa sarili niyang tanong.Napairap siya at walang pagpipilian kun'di pindutin ang doorbell. Ilang beses pa niyang pinatunog iyon bago bumukas ang pinto. Niluwa noon ang lalaking pawis na pawis
"Tell me, do you like him?" pinilit ni Gray na maging mahinahon ang boses niya ngunit kumakawala talaga ang inis mula roon. Kanina pa lang na makitang magkaharap ang dalawa ay umaakyat na ang galit sa kanya. Hindi siya nag-iisip ng masama ngunit hindi niya alam kung bakit nag-review siya ng cctv. And f*ck! He just wanted to strangle Gustavo's neck right now! "H-indi, Gray. Siya ang humalik. T-inulak ko siya." Pumikit siya nang mariin sa sagot ni Sylvaine. Alam naman niya iyon pero talagang kumikitid ang utak niya sa napanood. Hindi rin siya makapaniwalang kayang gawin iyon ni Gustavo. Humigpit ang yakap niya sa bewang nito. Umigting ang panga niya. Ayaw niyang magsalita dahil baka masaktan ito. "Hindi ko naman gusto si Gustavo. Nasampal ko pa nga siya dahil sa ginawa niya—" "Shh. Don't tell me the story," mabigat niyang bulong. He is territorial. Umiikot na sa isip niya kung paano kakausapin si Gustavo—mali, baka hindi na niya ito kausapin dahil sa nangyari. Kayang-kaya niya ito
Namimilog ang mga mata niya at hindi agad nakakilos sa ginawa ni Gustavo. Ngunit noong maramdaman ang labi nitong gumalaw ay mabilis niya itong tinulak at sinampal. Pumaling sa kaliwa ang mukha nito."Bastos!" gulat niyang sigaw at agad na tumayo.Nanginginig ang kamay niya. Hindi niya lubos mapaniwalaan na hinalikan siya ni Gustavo. Paano na lang kung makita o malaman iyon ni Gray? Tiyak na magwawala ito!"We've been looking for you, Gustavo. Nandito ka lang pala kila Gray," boses iyon ni Dimitri.Bumaling siya sa harapan ngunit mas na-estatwa siya matapos makita roon si Dimitri... katabi ni Gray."G-ray," sambit niya sa pangalan nito ngunit malamig lang itong nakatingin sa kanya.Napayuko siya noong lagpasan siya ng tingin nito.Nakita ba nito? Binugso siya ng kaba at halos hindi na ito matingnan noong lumapit ito kay Gustavo."What are you doing here, Gustavo?" malamig na tanong din nito sa kaibigan.Nasamyo niya ang amoy ng alak sa katawan nito. Siguro nga ay totoong uminom ito pe
"Gray—""Go to your room, Gabriel," utos nito sa anak nila.Nakagat niya ang ibabang labi noong iwasan siya nito matapos ibaba si Gabriel mula sa bisig nito. Simula kaninang bumalik sila galing hideout ay malamig na ang pakikitungo nito. Gusto pa nga niyang sagutin si Lea kanina pero mas nataranta siya sa pag-iwan sa kanya ni Gray. Ngayon nga ay hindi niya makuha ang atensyon nito."Gray, please—""Not now, Sylvaine," malamig na sagot nito bago siya muling talikuran at lumiko patungo sa kabilang kwarto.Bumagsak ang mga balikat niya at halos mangilid ang luha. Wala naman sa plano niya ang patayin ito kahit pa i-utos iyon ng ama niya. Dapat pala ay sinabi niya agad at pinaliwanag dito, hindi sana siya nito pinagdududahan ngayon.Napapikit siya nang mariin at huminga nang malalim. Ayaw niyang pangunahan siya ng kanyang emosyon. Hahayaan niya muna ito sandali pero hindi siya papayag na hindi niya ito makausap ngayon.Dumiretso siya sa kusina upang uminom ng tubig. Nagpalamig siya sandali