Humindi siya kay Gray. Himalang nirespeto nito ang desisyon niya at hinayaan siyang magpahinga sa araw na iyon. Kaya lang, hindi naman siya nakapagpahinga kakaisip kay Brylle. Pilit sumasagi sa isip niya na ikakasal na ito. Kahit mangarap siyang tumakbo ito sa kasal ay siya naman itong hindi makakawala kay Gray. Si Gray na ang gusto lang sa kanya ay anak.Bumagsak ang luha niya at hinaplos ang kanyang tiyan. Napangiti siya nang mapait. Kasabay ng pagkawala sa kanya ni Brylle ay siya ring pagkawala ng kakayahan niyang magbuntis. Dati, pangarap niyang bumuo ng malaking pamilya lalo pa't lumaki siyang mag-isa. Gusto niya ng pamilyang matatawag niyang kanya ngunit napaka-imposibleng mangyari pa iyon. Pati buhay niya ngayon, nakasangla na rin kay Gray kahit wala naman siyang pagkaka-utang dito.Ilang araw din siyang nagmukmok at kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niyang hindi siya ginulo ni Gray. Ni hindi ito natulog sa sariling kwarto na pinagtataka niya. Hindi rin naman siya lumabas pa
Hindi agad nakakilos si Sylvaine sa nararamdamang kabog ng puso niya. Sobrang lakas ng tibok no'n at parang kakawala sa d*bdib niya. Ngayon lang siya nakaramdaman ng ganoon.Bumigat ang paghinga niya at ayaw ng lingunin pa muli si Gray. Para nitong hinihigop ang lakas niya."B-akit mo naman ako hahayaan na manatili sa comfort zone mo?""Because I want to," mabilis nitong sagot.Napapikit siya sa mainit nitong hininga na humaplos sa pisngi niya."Come on, stargazing is fun if we will lay on the bed, Dr. Sylvaine."Mabilis siyang napamulat ng mga mata matapos nitong lumayo at pahigang bumagsak sa kama. Dinipa nito ang isang braso sa kama at tinapik ang espasyo sa ibaba noon."You're free to use my arm as your pillow.... for tonight." Umangat ang gilid ng labi nito at muling tinapik ang espasyo sa kama.Nahigit niya ang hininga dahil pakiramdam niya ay kinikiliti ang sistema niya. Normal lang naman sigurong kiligin di ba? Masama bang matuwa kahit pa ang lalaking kasama niya ay ang mismon
Napalunok siya, "It's an invitation. Brylle Russo and Cassandra Mozzi's engagement party," nanghihina niyang bigkas matapos mabuksan ang invitation card."Tss, as if you didn't know that he is getting married," may halong inis na bulong ni Gray.Hindi siya nakakibo sa sinabi nito pero nagulat matapos nitong agawin ang card sa kamay niya."Ano'ng gagawin mo riyan?""Itatapon. This belongs in the trash." Naningkit bigla ang mga mata nito matapos makita ang nag-aalalang reaksyon niya, "Do not tell me you want to see him?" madiin nitong tanong.Napalunok siya muli at napalayo rito. Umiwas siya ng tingin dahil iyon ang naiisip niya. Akala niya ay okay na siya at wala ng pakialam kay Brylle pero sa totoo lang, gusto niya itong makita."Woman, ikaw mismo ang gumagawa ng ikakasakit mo," may talim ang boses nito.Napayuko siya ngunit hindi nagsalita. Totoo naman ang sinabi nito."Fine. Pupunta tayo ngayong gabi, but don't you dare cry, because I am not gonna wipe your tears."Hinagis nito muli
"Come on, Tuti, kiss Mommy," dinig ni Gray na pagkausap ni Sylvaine sa asong maliit na kasya nga sa tasa.Hindi niya rin alam kung paano siya nito napapayag na bumili ng aso, ang alam niya lang ay ilang araw na siyang naiinis na mas kinakausap pa nito ang aso kaysa sa kanya.Hindi siya makapagpokus sa harap ng laptop habang nasa sofa. Ang mga mata niya ay lumilipad ang tingin kay Sylvaine na nakadapa sa kama, suot-suot ang malaking t-shirt niya, at ginagalaw ang mga paa ng paitaas at baba. Sa harap nito ay ang puting aso na nasa puting tasa.Nahila niya pah*bad ang suot na sando matapos makaramdam ng init. Para siyang hinah*tak ng makinis nitong hita. Ilang gabi na nga siyang hindi maka-score rito. Paano ba naman ay katabi nila sa kama ang aso at natatakot si Sylvaine at baka madaganan daw nila."Ano'ng pinangalan mo sa kanya?"Lumingon ito sa kanya at ngumiti nang malawak, "Tuti. Cute di ba?"Nagsalubong ang mga kilay niya, "The f*ck? What's cute about Tuti?""Shh ka nga, Gray! Baka
Malakas na halakhak ni Dimitri ang narinig ni Gray matapos niyang sabihin ang rason kung bakit sila nasa Japan ngayon at bumibili ng white strawberry. Kahit kasi labag sa loob niya ay nagpunta siya ng Japan mapagbigyan lang si Sylvaine, si Dimitri pa ang nahatak niya imbis na si Gustavo."Seriously, Gray? Kailan ka pa naging sunud-sunuran sa babae? Hindi ka ganyan kay Lea," komento nito matapos humalakhak.Nagsalubong ang kilay niya upang itago ang inis, inis para sa sarili niya dahil tama ito. Hindi niya rin kasi maintindihan kung bakit siya napapasunod ni Sylvaine. Ang alam niya lang, ayaw niya itong malungkot."Bayaran mo na," imbis ay utos niya kay Dimitri. Bahagyang namilog ang mga mata nito, "Ako? Wala akong pera dito—"Agad itong natigilan matapos niyang ibigay ang iilang malaking papel na pera, "Ikaw na kumausap," agad niyang bigkas bago ito iwanan sa loob ng tindihan."Uy, G*go! Hindi ako Japanese, Russian ako!" dinig niyang protesta nito.Hindi niya ito pinansin at tumingal
Napamaang si Sylvaine sa narinig. May past si Cassandra at Gray? Pero magkaaway si Gray at Don Manuel?"Ang gulo ng buhay ng Daddy mo, Tuti," pagkausap niya sa asong hawak niya sa kanyang kamay.Napailing siya at agad na pumasok sa loob ng mansyon matapos makitang papalapit na si Gray samantalang hinihila na paalis si Cassandra ng mga tauhan."Pagsisisihan mo 'to, Gray! Papatayin ko si Lea! Papatayin ko rin iyan—F*ck! Bitiwan niyo ko!" dinig niya pang pagwawala ni Cassandra.Hindi niya alam kung maaawa rito pero mas pinili niyang huwag na lang makialam. Baka kung ano pa ang magawa sa kanya ni Gray."Bakit nasa labas ka?"Namilog ang mga mata niya matapos marinig ang malamig na boses ni Gray. Napatigil siya sa paglalakad at mas nilapit sa kanya si Tuti.Unti-unti siyang humarap para lang makita ang nangungunot na noo nito, akala mo ay walang sinaktang babae kanina."Huh? Bawal na ba ako ulit lumabas ng kwarto?"Kumibot ang labi nito, "You heard everything?"Napakurap siya, "Iyong kanin
"Try, hurry up." Hinagis sa kanya ni Gray ang brown paperbag na agad niyang sinalo.Kinakabahan na naman siya. Gusto nitong magpregnancy test kit siya kahit pa sinabi niyang hindi siya buntis. Ngayon nga ay nasa top floor na kwarto ulit sila. Nakahalukipkip ito sa harap niya."Doktor ako, alam ko sa sarili ko—""Try it. Do I still need to repeat myself?" mahina ngunit gigil nitong bigkas.Mahina siyang napasinghap. Napalunok siya at napahakbang sa banyo. Agad niyang sinara ang pinto at nanghihinang napadausdos sa sahig."Bakit kasi hindi na lang siya makuntento kay Tuti?" bulong bulong niya bago binuksan ang paperbag.May limang Pregnancy test kit doon. Tatlo lang ang kinuha niya at inayos sa sink. Bagsak ang balikat na binuksan ang mga iyon at binuksan ang faucet. Tinatamad pa siyang naglagay ng tubig sa mga kit. Sure naman kasing negative ang mga iyon. Ang kinakatakot niya lang ngayon ay baka magalit na naman si Gray katulad dati.Matapos ang ilang minuto ay kinatok na siya nito. Hu
Ilang beses na umikot sa isipan ni Sylvaine ang sinabi ni Cassandra. Nasa kwarto na siya ulit, gabi na pero hindi siya makatulog."Mafia leader ang Daddy mo, Tuti?"Mahina itong tumahol na tila ba sumasang-ayon kaya't napasimangot siya. Matatakot pa ba siya gayong ilang beses na siyang nakakita ng baril? Pero kung mafia leader ito, ibig sabihin ay ang anak niya ang gagawin nitong tagapagmana sa organisasyon nito? Gagawin nitong masama ang batang ni hindi pa man niya nailuluwal?Napalunok siya at napahawak sa impis niyang tiyan. Napatingin din siya sa calling card ni Cassandra. Patay siya kapag nakita iyon ni Gray kaya't agad niyang tinago sa drawer, kasama ng mga kit. Napatigil siya matapos makita ang mga kit, ngayon ay nagdadalawang isip na siya kung sasabihin pa rin kay Gray ang tungkol sa pinagbubuntis niya."Hindi naman siguro niya ipapahamak ang anak niya di ba?" nanghihina niyang tanong kay Tuti, "Hindi rin naman siguro totoong papatayin niya ako di ba?"Napalabi siya matapos wa
After a few months...Mabigay siyang nakatitig sa puntod sa harap niya. Kasing itim ng bestidang suot niya ang kanyang nararamdaman sa tuwing tinititigan ang puntod. Hindi pa rin niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang lahat."I'm sorry, but I have to do that."Bumuntong hininga siya at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang kanyang itim na bestida bago muling sulyapan ang puntod."You scared the hell out of me," malamig niyang sagot dito.Napapikit siya noong umikot ang mga matipuno nitong braso sa kanyang bewang at marahang hinaplos ang kanyang baby bump."Hindi kasi titigil ang ama mo kung hindi ako magpapanggap na patay na," bulong na sagot nito.Napanguso siya at muling tinitigan ang puntod na pinasadya pa nito. Nagluksa pa naman siya ng ilang araw dahil doon. Ngayon nga ay ni-request na niyang paalisin iyon."Kasabwat mo si Gustavo?" Tumikwas ang kilay niya kahit hindi nito nakikita."Gustavo is my friend," tipid na sagot nito na tila sapat na iyong paliwan
SYLVAINE'S POV"Baliw," mahinang sambit niya kay Dimitri na ngumisi lang."Yeah~ I'm crazy. Baliw rin si Gray at pinagkatiwala ka niya sa akin. Isn't it exciting?"Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. Niyakap niyang mabuti si Gabriel. Gusto niyang manghina dahil alam niyang wala siyang ligtas dito ngunit gusto niya ring umasa na manalo si Gray at iligtas sila nito.Nangilid ang luha niya. Gusto niyang bumalik sa bahay at tingnan ang sitwasyon doon."Huwag ka ng umasang bubuhayin pa ni Don Manuel si Gray. Kating-kati pa naman iyon na tapusin—""Shut up!" mahina ngunit gigil niyang sambit.Sinulyapan siya nito. Pinaglandas nito ang dila sa sariling labi bago kinagat ang ibabang labi."Fierce. Gusto ko iyan. Palaban... sa kama," mayabang na bigkas nito.Mas lalo siyang nainis dahil doon lalo pa't naroon lang din si Gabriel. Gusto niya itong suntukin sa mukha ngunit napasigaw siya noong bigla itong pumreno sa kalagitnaan ng daan."F*ck!" pagmumura nito.Hindi niya ito pinansin bag
GRAY'S POV"Are you crazy, Gray?! Bakit mo hinayaan si Sylvaine kay Dimitri?" may gigil na kumpronta sa kanya ni Gustavo.Malamig niyang nilingon ang kaibigan. Hanggang ngayon ay nagseselos siya na may gusto ito sa asawa niya pero hindi iyon ang isinaalang-alang niya kanina. He has a plan."You know Dimitri very well," malamig niyang sagot."And you know him too! F*ck! He killed Lea, Gray. Tingin mo ay bubuhayin niya si Sylvaine at Gabriel?" frustrated na tanong ni Gustavo kahit pa parehas silang abala sa paglalagay ng bala sa baril."Ako na lang sana ang pinasama mo sa kanila," hinanakit nito bago nagtago sa likod ng sofa.Pumikit siya nang mariin at bumuntong hininga. Dinig na niya ang palitan ng putukan ng baril sa labas ngunit hindi siya nangangamba."Kung hinayaan ko si Dimitri na manatili dito at pinaalis kita. Tingin mo ba ay tutulungan niya ako?" pagpapa-intindi niya kay Gustavo bago pumwesto sa likod ng pinto."Pagtutulungan nila ako at mas malabong mailigtas ko ang mag-ina k
"Seriously, Gray? Hindi mo ko papakinggan?" hinanakit niya rito.Ayaw niyang umalis sa tabi nito. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya sa takot na baka huli na iyon. Ni hindi siya lumapit kay Dimitri sa pag-aakalang magbabago pa ang isip ni Gray. Ngunit sinenyasan nito si Enzo upang kuhanin si Gabriel sa itaas."We don't have enough time. Wait for Gabriel, then go with Dimitri," malamig na utos nito.Napapikit siya nang mariin sa inis. Kinuyom niya ang kamao ngunit hindi siya nakatiis. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang inagaw ang isang baril mula sa malapit na tauhan na kinagulat nilang lahat."What the f*ck, Sylvaine?!" may galit na ang tono ni Gray matapos siya nitong makitang itutok ang baril sa sariling sentido niya.Walang takot niyang tinapatan ang matalim nitong titig. Mas diniin niya rin sa kanyang sentido ang baril. Kung ito lang ang paraan para magbago ang isip nito ay gagawin niya."Gusto mong harapin ang ama ko at mamatay di ba? Sige, uunahan na kita para naman h
SYLVAINE'S POV"Lea is dead."Napatayo siya sa kinauupuan matapos marinig ang binalita ni Dimitri na kararating lang. Nanlamig siya."What?" nalilitong tanong ni Gray sa kaibigan.Naibaba nito ang hawak na wine glass at mariing tinitigan si Dimitri."Narinig ko lang sa iba. Patay na si Lea pero hindi no'n ibig sabihin ay titigil si Don Manuel. Sa narinig ko, ikaw ang pinagbibintangan niyang pumatay sa asawa niya," seryosong dagdag ni Dimitri."F*ck! I didn't kill her!" hindi mapigilang sigaw ni Gray at mapatayo mula rin mula sa pagkakaupo.Lalong namilog ang mga mata niya. Malabong si Gray ang gumawa dahil kasama niya ito. Abala ito sa kung paanong maayos ang grupo.Kumibit balikat si Dimitri, "Hindi palalagpasin ni Don Manuel ang nangyari lalo pa't suot yata ni Lea ang kuwintas bago siya mamatay."Muling napamura si Gray habang siya ay napakurap."Paano mo nalaman Dimitri?" hindi niya mapigilang tanong dito.Lumiit ang mga mata nito. Akmang sasagot na ngunit bumukas ang pinto at nilu
LEA'S POVNakangisi niyang tiningnan ang sarili sa salamin ng elevator. Bagay na bagay talaga sa kanya ang kuwintas noon pa man. Kaya naman pala niyang masikmura ang ugali at itsura ni Don Manuel. Alam niyang kaunti na lang ay babalik na sa kanya ang lahat lalo pa't lahat ng nasa grupo ay nasa panig na nila.Muling umangat ang gilid ng labi niya noong makarating sa tamang palapag. Hindi pa naman niya nakalilimutan ang lalaking kasama niya sa planong ito. Kapag natalo na si Gray, madali na lang din itapon si Don Manuel. Mas pipiliin niyang gawing hari ang lalaking ito kaysa sa matandang hukluban na iyon.Inayos niya ang kanyang buhok at ang kuwintas sa kanyang leeg bago tinipa ang passcode ng condominium nito. Ngunit nangunot ang noo niya matapos mag-error niyon."Did he change his passcode?" wala sa sarili niyang tanong.Napairap siya at walang pagpipilian kun'di pindutin ang doorbell. Ilang beses pa niyang pinatunog iyon bago bumukas ang pinto. Niluwa noon ang lalaking pawis na pawis
"Tell me, do you like him?" pinilit ni Gray na maging mahinahon ang boses niya ngunit kumakawala talaga ang inis mula roon. Kanina pa lang na makitang magkaharap ang dalawa ay umaakyat na ang galit sa kanya. Hindi siya nag-iisip ng masama ngunit hindi niya alam kung bakit nag-review siya ng cctv. And f*ck! He just wanted to strangle Gustavo's neck right now! "H-indi, Gray. Siya ang humalik. T-inulak ko siya." Pumikit siya nang mariin sa sagot ni Sylvaine. Alam naman niya iyon pero talagang kumikitid ang utak niya sa napanood. Hindi rin siya makapaniwalang kayang gawin iyon ni Gustavo. Humigpit ang yakap niya sa bewang nito. Umigting ang panga niya. Ayaw niyang magsalita dahil baka masaktan ito. "Hindi ko naman gusto si Gustavo. Nasampal ko pa nga siya dahil sa ginawa niya—" "Shh. Don't tell me the story," mabigat niyang bulong. He is territorial. Umiikot na sa isip niya kung paano kakausapin si Gustavo—mali, baka hindi na niya ito kausapin dahil sa nangyari. Kayang-kaya niya ito
Namimilog ang mga mata niya at hindi agad nakakilos sa ginawa ni Gustavo. Ngunit noong maramdaman ang labi nitong gumalaw ay mabilis niya itong tinulak at sinampal. Pumaling sa kaliwa ang mukha nito."Bastos!" gulat niyang sigaw at agad na tumayo.Nanginginig ang kamay niya. Hindi niya lubos mapaniwalaan na hinalikan siya ni Gustavo. Paano na lang kung makita o malaman iyon ni Gray? Tiyak na magwawala ito!"We've been looking for you, Gustavo. Nandito ka lang pala kila Gray," boses iyon ni Dimitri.Bumaling siya sa harapan ngunit mas na-estatwa siya matapos makita roon si Dimitri... katabi ni Gray."G-ray," sambit niya sa pangalan nito ngunit malamig lang itong nakatingin sa kanya.Napayuko siya noong lagpasan siya ng tingin nito.Nakita ba nito? Binugso siya ng kaba at halos hindi na ito matingnan noong lumapit ito kay Gustavo."What are you doing here, Gustavo?" malamig na tanong din nito sa kaibigan.Nasamyo niya ang amoy ng alak sa katawan nito. Siguro nga ay totoong uminom ito pe
"Gray—""Go to your room, Gabriel," utos nito sa anak nila.Nakagat niya ang ibabang labi noong iwasan siya nito matapos ibaba si Gabriel mula sa bisig nito. Simula kaninang bumalik sila galing hideout ay malamig na ang pakikitungo nito. Gusto pa nga niyang sagutin si Lea kanina pero mas nataranta siya sa pag-iwan sa kanya ni Gray. Ngayon nga ay hindi niya makuha ang atensyon nito."Gray, please—""Not now, Sylvaine," malamig na sagot nito bago siya muling talikuran at lumiko patungo sa kabilang kwarto.Bumagsak ang mga balikat niya at halos mangilid ang luha. Wala naman sa plano niya ang patayin ito kahit pa i-utos iyon ng ama niya. Dapat pala ay sinabi niya agad at pinaliwanag dito, hindi sana siya nito pinagdududahan ngayon.Napapikit siya nang mariin at huminga nang malalim. Ayaw niyang pangunahan siya ng kanyang emosyon. Hahayaan niya muna ito sandali pero hindi siya papayag na hindi niya ito makausap ngayon.Dumiretso siya sa kusina upang uminom ng tubig. Nagpalamig siya sandali