Mafia. Parte ng isang mafia ang asawa niya. Correction, hindi pala basta parte lamang kung hindi lider ng isang mafia ang asawa niya. At isa iyon sa katotohanan na hirap na hirap na tanggapin ni Serenity. Gumuho ang mundo niya nang sabihin ni Axel, rather, sabihin ni Zane na isa siyang lider ng mga kriminal. Well, not exactly his words, but that is how Serenity translated his admission. Isang kriminal ang asawa niya at iyon ang dahilan kaya nito nagawa sa ama niya ang mga bagay na ginawa nito. But what is the extent of her husband’s evilness? Technically, that truth is a valid reason for her to break off their marriage, but can she really walk away now that she is entangled with the mafia? Entangled with the hidden mafia of a husband she has at that? "Ay, Serene!" Napatili na lamang siya habang sinasabunutan ang kan’yang sarili. Alam niya na mahihirapan siya na gawin ang plano niya na pagtalikod sa kasal nila ng asawa niya at ang tangi na naiisip niya ay ang tumakas na lamang. Gano'n
Gusto niyang mainis pero pilit pa rin niya na kinokontrol ang kamalditahan niya lalo na at alam niya na isa rin kriminal ang kaharap niya. "You don't know how much he has hurt me and is hurting me at this moment. Bakit ba siya na lamang ang lagi ninyo na iniintindi? Bakit ba parang siya na lang ang laging kawawa rito? Dahil ba siya ang kaibigan ninyo? Paano naman ako? I was deceived and lied to, Chino. Pinaniwala ninyo ako sa isang bagay na walang katotohanan. Nagmahal din ako pero sinaktan niya ako. Nagpakasal pa ako sa isang lalaki na hindi ko kilala ang tunay na pagkatao dahil naniwala ako sa pagmamahal na sinasabi mo, pero iyon pala ay panay kasinungalingan lamang ang lahat. You are not who you told me to be, kaya siya pa rin ba ang lugi sa amin dalawa?" "Kasinungalingan lamang ang pagkatao ni Zane pero lahat kami ay totoo sa'yo kung sino talaga kami. Nagsinungaling man siya pero iyon ay sa totoong pagkatao lamang niya at hindi man niya gusto na gawin iyon pero wala siyang ibang p
"Sir, nais ka raw na makausap ni Tristan. Importante raw ang sadya niya ngayon." Nag-aalangan na sumilip si Linda sa opisina ni Manolo Enriquez upang ipaalam ang pagdating ng bodyguard ni Serenity. Mataman na nag-angat ng ulo si Manolo sa kan’yang sekretarya. "Where is Serene? Is she here? Bakit ang bodyguard niya ang narito? May ginawa na naman ba na kalokohan ang anak ko?" Sunod-sunod na tanong pa niya na sinagot naman ng babae ng pag-iling nito. "Sige, papasukin si Tristan." utos niya na lamang. Mabilis na lumabas si Linda ng opisina ng kan’yang amo upang tawagin si Tristan habang malalim na pag-iisip naman ang ginawa ni Manolo. If Tristan is here without Serenity, something must have gone wrong. Ayaw niya na mag-isip ng kung ano pa man but he has a nagging feeling about his daughter’s bodyguard being here, and he is not sure if he needs to be concerned or what. Nakakadagdag pa sa pag-aalala niya na ilan araw na rin niya na hindi nakikita ang anak niya. He is used to Serene's wa
"What?! Nababaliw ka na ba, Chino? Gusto mo ba na itumba tayo ni Zane kapag nalaman niya ito?" Hindi makapaniwala si Bogs sa mga sinasabi na plano ng kaibigan niya sa kan’ya ngayon. "Hindi pa ako handa na mamatay kaya labas ako sa plano mo na iyan. Alam mo ang kayang gawin ni Zane sa atin kapag pinangunahan natin ang desisyon niya." Alam ni Chino na hindi gano'n kadali niya na maiimpluwensiyahan si Bogs na sumang-ayon sa nais niya pero kailangan na nila na may gawin na aksyon dahil hindi na uubra na patuloy na magsesenti at mamroblema si Zane dahil sa asawa nito. Alam niya na hindi maganda ang plano niya na iyon pero wala na rin siyang iba pa na paraan na naiisip kung paano matutulungan ang kaibigan sa sitwasyon nito. Serenity’s words have been on his mind even after their talk at bagama't nasaktan siya sa mga sinabi ng babae ay nakukuha naman niya ang ipinupunto nito. Tanggap niya rin naman iyon dahil alam niya na mahirap manatili sa isang relasyon na panay kasinungalingan ang pund
"Boss! Boss!" Nabulabog ang apat na lider ng Bastardos sa mga pagsigaw na iyon ng isa sa kanilang tauhan. "Boss!" Habol-habol pa ang kan’yang hininga na tinungo ng tauhan ang mga lider nila sa may dining area at halata ang takot nito sa apat na kalalakihan na lahat ay seryoso lamang na nag-aalmusal. Ang apat naman ay mataman lamang na napahinto sa kanilang pagkain at nakatingin na lamang sa kan’ya at naghihintay sa sasabihin niya. "Anong problema mo, Jethro? Ang aga-aga ang ingay-ingay mo!" Bulyaw ni Bogs sa tauhan. "Nahatiran na ba ninyo ng pagkain si Serenity?" "Boss," tawag pa ulit nito. Hindi malaman ng apat kung sino ba sa kanila ang pinatutungkulan nito at panay boss lamang ang tangi na nasasabi at halata pa ang takot sa mukha nito. "Anong problema, Jeth?" Pag-uulit ni Jed sa tanong ni Bogs kanina sa lalaki. "Boss Zane, a-ang asawa mo. Nawawala ang asawa mo!" "What?!" Sabay-sabay na napasigaw ang apat habang napahampas na lamang si Zane sa lamesa. "Anong nawawala?" singi
"Tristan, where are we going? Hindi ba at ang sabi ko sa’yo ay sa condo ako uuwi. Saan ba tayo pupunta?" Patuloy sa pananahimik si Tristan at diretso lamang sa pagmamaneho nito at iyon ang lalo nang nakapagpa-pa-init ng ulo ni Serenity. "Tristan, are you listening? Ang sabi ko ay ihatid mo ako sa condo ko." "I can't." Tipid na sagot nito sa kan’ya at ipinagpatuloy lamang ang pagmamaneho. "What do you mean, you can't? Ano ba ang ginagawa mo? Iuwi mo ako kung hindi ay isusumbong kita kay dad." Pagbabanta pa ni Serene pero hindi pa rin nagpatinag ang lalaki sa kan’ya. "Hindi ako nakikipaglokohan sa’yo, Tristan! Nasaan ba ang ibang mga bodyguards? Bakit hindi mo sila kasama?" "I am doing this for you. Save the questions for later, Serene. Sasagutin ko ang lahat ng mga tanong mo kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin." Alam ni Tristan na mangyayari ang ganito na eksena sa pagitan nila ng heredera ni Manolo kaya naman napaghandaan na rin niya ito at may plano na siya para rito. "T
"Zane, naipadala na namin kay Manolo ang sulat na pinapadala mo. And just as we have discussed, we told him that his daughter is with us. If that is believable or not for him, I really don't know." Pagrereport agad ni Chino kay Zane nang muli sila na magtipon-tipon. "We are still awaiting a response from him as of this moment." "Tingin ko naman ay makakalusot pa tayo rito dahil may mga tao tayo na nagmamanman sa mansyon at sa EMG at sinabi nila sa akin na wala pang anino ni Serenity ang nagpunta roon. Wala pa rin naman na pumapasok na tawag sa EMG at sa mansyon galing sa kan’ya. Mabuti na lamang din talaga at nagdesisyon tayo na ituloy lamang ang pag-tap sa mga telepono ng mga Enriquez dahil kahit paano ay nakakatulong sa atin iyon ngayon. But still, we should have placed a GPS on Serene's phone. But then again, this development is better than nothing at all. Walang komunikasyon sa kan'yang ama kaya wala pang mabigat na problema sa ngayon." Dagdag na pagrereport naman ni Bogs. "Ano
"Zane, have you heard? Nais daw makipagharap sa atin ni Manolo Enriquez. Nagpadala na rin siya ng isang mensahe bilang tugon sa ipinadala natin sa kan’ya at hindi niya tayo binibigyan ng opsyon para tumanggi sa nais niya na mangyari. The old man is playing with us by giving us threats as well. He knows who we are now, Zane. Alam na niya na isa kang Lardizabal at alam na niya kung sino tayo mismo sa likod ng Bastardos kaya hindi malayo na isang patibong ang pagkikita na ito para sa atin." Halata sa boses ni Jed ang halo-halo na emosyon nang ibalita niya ang mga detalye na iyon sa kaibigan niya. Hindi pa man nila nahahanap si Serenity ay mukhang may panibagong gulo na naman na nakaambang sa kanila at isa ito mismo sa kinatatakutan niya na mangyari noon pa man. "How did he know about us? Ang gago na bodyguard ba na iyon na naman?" Masungit rin na tugon ni Zane. "I don't even know how he managed to do just that, but let’s take in the fact that he is still Manolo Enriquez, and he has a lo