"Ano ang sinabi mo, Zane? Tinawagan mo ang asawa mo? How stupid can you be to call her?" Inis na inis na bulyaw ni Jed sa naturingan na amo nila pero panay kasablayan na ang ginagawa simula nang makipaghiwalay ang asawa nito. "Are you fucking kidding me right now?" "Are you fucking kidding me, Jed?" Pagganti na bulyaw naman ni Zane sa kaibigan niya. "Ano ang ikinagagalit mo kung tinawagan ko ang asawa ko? Hindi ako gano’n katanga kung inaakala mo na basta na lamang ako na tumawag at nagpakilala na ako si Zane Lardizabal at ako ang asawa niya. I even used our cover-up to call her kaya hindi mo kailangan na magwala na naman diyan." Napasapo na lamang si Jed sa kan’yang noo at pinili na huwag na lamang na makipagtalo pa sa kaibigan niya. Alam naman niya na wala rin mangyayari sa galit niya dahil sa huli ay gagawin at gagawin pa rin ni Zane ang nais nito na mangyari. "Did you even manage to make her agree to meet you?" tanong na lamang niya. “Kailan ka makikipagkita sa asawa mo? Ano ang
"I’m glad you came, Serenity. I’m more than happy to see you again, My Wife." Titig na titig si Serenity sa lalaki na nagsabi ng mga salita na iyon sa kan’ya. Hindi niya alam kung maniningkit ba ang mga mata niya sa inis o 'di naman kaya ay mamimilog sa gulat dahil sa sinabi nito sa kan’ya na asawa siya nito. Alam niya na kawangis na kawangis ni Axel ang lalaki sa kan’yang harapan; At first sight, she really thought it was Axel, except for a few differences the man has with her husband, but hearing him say that to her makes her want to believe that this man in front of her is clearly Axel. Pero paano nangyari ang bagay na iyon? Bakit nag-iba ang tindig at porma ng mukha na mabait na asawa niya? Nakikita niya si Axel sa harapan niya pero parang iba pa rin. Si Axel nga ba ang nasa harapan niya? Gulong-gulo ang isipan niya at hindi niya alam kung paano niya mabibigyan ng mga paliwanag ang lahat. She had a one-night stand with the man in front of her at ang ibig bang sabihin no’n ay
Kung naguguluhan si Serenity kanina ay mas triple na ang kaguluhan sa reaksyon ng asawa ni Zane nang sabihin niya na iisa lamang siya at si Axel. Mabuti na lamang din at nakaupo ang babae dahil sigurado siya na kung hindi ay malamang na bumagsak na lamang ang asawa niya dahil sa mga pasabog na ginagawa niya ngayon. Hindi rin niya masisisi ang reaksyon na iyon dahil sinigurado niya na mawawala na ang bakas ni Axel sa kan’ya simula nang pansamantala sila na magkahiwalay ng asawa niya. Zane doesn't want to continue living his life in Axel's shadows. Hindi siya ang lalaki na iyon at malayong-malayo ang pagkatao nila sa isa't-isa kaya sa kagustuhan niya na ayusin ang pagsasama nila ni Serene ay kailangan niya na aminin ang mga bagay patungkol sa totoong siya. Kaya naman uumpisahan niya iyon sa pagpapakilala ng tunay na pagkatao niya. At ito ang totoo na siya: Siya si Zane Lardizabal. Patuloy lamang sa pagtitig sa kan’ya si Serene at kahit na gustong-gusto niya na lapitan ang asawa niya at
"Anong kabaliwan na naman ang ginawa mo, Zane? Kinidnap mo ang sariling asawa mo!" Hindi na naman mapigilan ang inis na namamayani kay Jed sa kaalaman na isa na naman na hindi pinag-isipan na plano ang ginawa ng naturingan na amo nila. Naiinis na nga siya sa mga kinilos nito ay lalo pa siya na naiinis sa kaingayan ng buong mansyon dahil sa patuloy na pagwawala ni Serenity na kasalukuyan na nakakulong sa silid ni Zane. "Doing something like this is really stupid, Zane. Paano tayo matatahimik lahat dito kung magdamag na magwawala ang asawa mo riyan sa kuwarto mo?" Rumolyo ang mga mata ni Zane habang hindi rin maikakaila ang unti-unti na pagkabuhay ng kan’yang inis habang nakaharap siya sa tatlong kaibigan niya na iritable na rin ang itsura sa nililikha na kaguluhan ni Serenity. "Para lang malinaw sa’yo dahil mukhang hindi mo naiintindihan, wala akong sinabi na kinidnap ko dahil ang sinabi ko ay hindi ko lamang pinayagan na umuwi sa kanila at binitbit ko papunta rito." "Tang-Ina! Gano
Gulong-gulo na nga siya ay mas lalo pa na gumulo ang lahat sa kan’ya nang sabihin ni Bogs ang mga bagay na sinabi nito sa kan’ya. Axel is Zane, and Zane is Axel, pero bakit kailangan na magkaroon ng dalawang katauhan ang lalaki na minahal niya? And if that is the case, it only means she is not really married, as Axel Salvacion does not really exist. Bukod pa roon ay bakit simula pa noon ay paulit-ulit na rin na sinasabi ng mga kaibigan ni Axel na tanggapin niya ng buong-buo ang lalaki? What is it with the man that she needs to accept completely?Natanggap naman niya at minahal pa nga niya si Axel sa kabila ng kaalaman na hindi sila pareho ng estado sa buhay, ngunit sa huli ay siya pa nga ang nagkamali dahil mukhang hindi naman talaga mahirap ang tao na inakala niya na mahirap. Is Bogs referring to Axel’s ways instead? Iyon ba ang nais nito na tangapin niya? Ang pananakot ni Axel kapalit ng pera? Paano naman niya matatanggap ang gano’n gawain lalo na at naging biktima pa nito ang kan’
"The secret is out!" Lahat sila ay napatingin kay Zane nang magsalita ang lider nila habang bumababa sa hagdan. It’s not as if they are even surprised about that admission; they are indeed not because they have been expecting this, but what they are not expecting is the defeated look that Zane is sporting at this exact moment. Hindi naman kasi nagpapatalo si Zane kaya naman hindi nila inaasahan ang talunan na itsura ng amo nila ngayon. "Ano ang nangyari, Zane?" May bahid nang pag-aalala agad ang tono na iyon ni Jed. Alam niya na hindi magiging madali ang sitwasyon para sa mag-asawa, but more so for Zane, things will be much more difficult for Serenity to accept. "HIndi niya matanggap ang mga sinabi mo?" Dahan-dahan na napa-iling si Zane habang naglalakad patungo sa couch. Iyon na rin naman ang inaasahan niya na magiging reaksyon ng asawa niya and he thought he was prepared for it, but still, it was too painful to accept that Serene could not and would not be able to accept who he rea
Mafia. Parte ng isang mafia ang asawa niya. Correction, hindi pala basta parte lamang kung hindi lider ng isang mafia ang asawa niya. At isa iyon sa katotohanan na hirap na hirap na tanggapin ni Serenity. Gumuho ang mundo niya nang sabihin ni Axel, rather, sabihin ni Zane na isa siyang lider ng mga kriminal. Well, not exactly his words, but that is how Serenity translated his admission. Isang kriminal ang asawa niya at iyon ang dahilan kaya nito nagawa sa ama niya ang mga bagay na ginawa nito. But what is the extent of her husband’s evilness? Technically, that truth is a valid reason for her to break off their marriage, but can she really walk away now that she is entangled with the mafia? Entangled with the hidden mafia of a husband she has at that? "Ay, Serene!" Napatili na lamang siya habang sinasabunutan ang kan’yang sarili. Alam niya na mahihirapan siya na gawin ang plano niya na pagtalikod sa kasal nila ng asawa niya at ang tangi na naiisip niya ay ang tumakas na lamang. Gano'n
Gusto niyang mainis pero pilit pa rin niya na kinokontrol ang kamalditahan niya lalo na at alam niya na isa rin kriminal ang kaharap niya. "You don't know how much he has hurt me and is hurting me at this moment. Bakit ba siya na lamang ang lagi ninyo na iniintindi? Bakit ba parang siya na lang ang laging kawawa rito? Dahil ba siya ang kaibigan ninyo? Paano naman ako? I was deceived and lied to, Chino. Pinaniwala ninyo ako sa isang bagay na walang katotohanan. Nagmahal din ako pero sinaktan niya ako. Nagpakasal pa ako sa isang lalaki na hindi ko kilala ang tunay na pagkatao dahil naniwala ako sa pagmamahal na sinasabi mo, pero iyon pala ay panay kasinungalingan lamang ang lahat. You are not who you told me to be, kaya siya pa rin ba ang lugi sa amin dalawa?" "Kasinungalingan lamang ang pagkatao ni Zane pero lahat kami ay totoo sa'yo kung sino talaga kami. Nagsinungaling man siya pero iyon ay sa totoong pagkatao lamang niya at hindi man niya gusto na gawin iyon pero wala siyang ibang p