SHEVAYA
"Saan ka pupunta? Malapit na ang deadline ng Term Paper natin." hindi ko magawang salubungin ang tingin ni Lexie, siya kasi ang partner ko para sa gagawin naming Term Paper, ang kaso lang parang wala siya'ng paki-alam.
Kung hindi ko nga siya nakitang papalabas na ng room, aalis siyang parang wala lang.
May nasimulan na ako, pero kulang pa rin ito.
Narinig ko ang pag ismid ni Lexie. Nasa likod nito si Stacy, na kaibigan niya. At ang taong madalas manakit sa akin.
"You're smart, right?" huminto ito saka ako tinitigan nang mariin. Lexie is one of my bullies, ang malas ko nga naman at siya pa ang nai-partner sa akin. "You can do it alone, pig." napa-atras ako ng isang beses ng bigla itong lumapit.
I gulp and nod. Hindi ko magawang umalis sa harapan nila. Stacy's mocking me through her stares, si Lexie naman ay ang lakas ng loob ng kwelyuhan ako kahit mas matangkad naman ako sa kanya.
"Dare not to include my name on our papers, I'll make your life worst ever than before." pabalyang binitawan ako nito. Inayos ko ang uniform na nagusot, siya naman ay parang diring diri na nag buhos ng alcohol sa kamay.
Napabuntong hininga na lang ako, I gathered all my belongings and silently walk towards the exit.
Kailangan ko na itong madaliin, lalo na at next week na ang deadline. Marami-rami pa akong dapat na tapusin. Kailangan ko ring i-maintain ang grades ko kung gusto kong makapag-tapos.
Tiningnan ko sa bag kung nadala ko ba iyong biniling biscuit at 'yong tubig na pinabaon ni lola.
May dorm ang L.I.S, provided na nh school at ang sponsors mismo ang nagbabayad. Pero dahil wala ng maiiwan kay Lola, mas pinili kong huwag tanggapin ang dorm na inaalok nila.
Hindi ko rin naman kasi pwedeng patirahin sa dorm ang Lola. Isa pa, malapit lang naman ang bahay namin. O' baka nasanay lang ako sa paglalakad kaya malapit na para sa akin.
Madalas kasi akong mag lakad pauwi dahil sa sobrang pag titipid.
Hinanap ko muna ang librong kakailanganin ko bago tumungo sa pinaka dulong upuan dito sa library. Mas safe rito dahil walang mga tarantadong tumatambay. Madalas kong makita rito ay iyong tutok talaga sa pag-aaral.
Hindi katulad nina Stacy na kapag nakakita ng pagkakataon ay bu-bwesitin ako.
Habang nag-babasa ay paunti-unti kong kinakain ang rebesco. May pasok pa ako mamayang alas singko.
Nakakatawa ngang isipin na madalas akong malipasan ng gutom dahil sa pag titipid, pero hindi man lang mabawas-bawasan itong timbang ko. Kaya ako parating nabu-bully dito e.
Nang maubos ang kinakain ay mabilis kong ininom ang tubig saka itinago uli sa bag, tutok ako sa pagbabasa habang nagti-take down notes ng makita ko sa peripheral vision ko ang babaeng nakatayo hindi kalayuan sa pwesto ko.
Ibinaba ko ang hawak na ballpen saka pinakatitigan si Professor Salvidar na mukhang hirap abutin iyong libro sa pinaka dulo ng shelves. Kahit ako na matangkad ay mahihirapan talagang abutin iyon kung walang hagdan.
Isang minuto ko rin yata itong tinitigang mukhang asar na asar na.
Matangkad naman siya compare sa mga tao rito, nga lang. Mas matangkad ako.
Napalabi ako ng inis nitong sinipa ang bookshelves, tapos siya naman itong nasaktan. Tumingin ito sa paligid para siguro tingnan kung may nakakita ng ginawa niya, at ng alam kong dadapo ang tingin niya sa banda ko ay agad akong yumuko at nag sulat.
Ipinag patuloy ko na lang ang ginagawa hanggang sa matapos ako, nireview ko pa ng ilang beses at ng masigurong ayos na ay lumabas na ako ng library saka hinanap si Lexie.
Siya na lang ang bahalang mag type nito at mag print, mayaman naman siya. For sure may laptop at printer siya sa bahay nila.
Maayos naman ang sulat ko kaya kampante akong maiintindihan niya ito.
Sa cafeteria na ako dumiretso dahil alam kong duon naman sila madalas tumambay ng mga kaibigan niya. Iaabot ko lang ito at aalis na para hindi ako mapag-initan nina Stacy.
Ingay mula sa mga students ang bumungad sa'kin, bahagya pa akong natakam ng maamoy ang mabangong aroma na nag mumula sa mga pagkain nila.
Ang su-swerte talaga ng mga ito, they don't need to work hard just to have what they want. Hihingi lang sila, automatiko ng nasa harapan nila.
Unlike me...
Sa dulo, malapit sa glass wall at vendo machine si Lexie naka-upo, malayo pa lang ako ay halata na ang pagka-disgusto sa mga mukha nila.
"The heck are you doing here?" gigil na tanong ni Lexie ng makarating ako sa harapan nila.
Iwas ang tinging inabot ko sa kanya ang papel.
"T-tapos na," nautal pa ako dahil sa kaba. Lalo na at hindi na naman ako nilulubayan ng masamang tingin ni Stacy. Stacy is a model, pero mas madalas ang pag pasok niya kaysa sa pag tanggap ng trabaho. Matangkad din siya, hindi kami nalalayo ng tangkad. "Ikaw na lang ang mag type at print." hindi ko alam kung anong nakaka-tawa sa sinabi ko, bigla na lang kasing tumawa ang mga taong nasa lamesa nila.
Kaya tumingin ako sa mga ito, aksidenteng dumapo ang tingin ko sa mga pagkaing nasa table. I averted my gaze quickly. Pero hindi iyon naka-lusot sa mga kasama nila sa table.
"You want some, Baboy? Poor you, here.." kinuha ng lalaki ang isang piraso ng fries saka inihulog sa sahig. "You eat it, that's how pig eat right?" Nagtawanang muli ang mga ito.
Pati na ang sa mga kalapit na table na nakarinig sa sinabi ng lalaki.
"Ku--kunin mo na," pilit kong iniaabot dito ang papel na hawak.
"The Audacity to tell you what to do, Lexie." tunog mapanuya ang pagkaka sambit ni Stacy, mas lalo lang tuloy silang nag tawanan uli.
Mukhang naasar naman si Lexie sa sinabi ni Stacy kaya pahablot niya'ng kinuha ang papel na inaabot ko saka hinampas sa ulo ko.
"Woah!!"
"Boo!!"
"The pig got piggy, HAHAHAHAHAA,"
"Damn, that was satisfying. Do it again, booo!!"
Tangina.
Huminga ako ng malalim para pigilan ang sariling gumanti.
I'm used to it.
Napa-atras ako ng muli niyang hinampas pabalik sa'kin ang papel. Nalaglag pa ito sa sahig dahil hindi ko kaagad nasalo. Stacy step on it.
"Do it yourself, dam'it. You're embarrassing me, pig. Lubayan mo ako!" patili nitong sabi.
"Pero ikaw lang ang may laptop at computer. Tinapos ko na. Ita-type mo na lang." mas lalo lang itong nainis dahil sa sinabi ko. Hindi ko na nagawa pang maka ilag ng malakas ako nitong sampalin dahilan para matahimik ang halos lahat.
Nang aasar na tumawa naman si Stacy.
"Damn, Lex. That was so good."
"Napapala ng mga hampas-lupang katulad niya."
"She doesn't belong here," Pinulot ko ang papel, hindi ko pa nga nahahawakan ay sinipa naman ni Stacy papunta sa ilalim ng table nila.
Kung may pera lang sana akong pang computer shop, at pang-print, wala sana ako rito. I have ni choice but to grab it under the table, nahawakan ko na ang papel nang maramdaman ko ang pagkabasa ng likod ko.
And that realization down unto me.
Binuhusan ako ng orange juice ni Stacy sa likod.
****
"Aalis ka na?" tanong ni lola ng mabungaran ko ito sa labas ng bahay namin, may hawak na isang supot ng pandesal.
Nag manu ako bago tumango. "Maaga ko po kasing ipapasa iyong Term Paper ko."
Nag-dalawang isip pa ako kung isasabay si Lexie, pero ang unfair na n'on sa part ko kaya bahala na. Simpleng pag type at print na nga lang ang hinihingi ko sa kanya pero nagawa niya pa akong ipahiya kaya minabuti ko ng sarilinin ang Term Paper.
At isa pa, sobra-sobrang kahihiyan ang dinanas ko ng araw na iyon. Wala man lang nag-alok ng tulong matapos akong buhusan ni Stacy ng orange juice.
People just kept on laughing, tapos nagv-video pa. Hindi ko na napigilang hindi mapaiyak ng oras na iyon.
Lexie deserve a lower grade. Tutal ay akin naman talaga ito, ako ang gumawa. Ako ang nag hirap.
"Nag luto ako ng baon mo."
"Po?" gulat ko itong binalingan ng tingin.
Wala naman akong binibigay na pera sa kanya.
"Saan ka kumuha ng pera, la?" tanong ko habang sumusunod dito papasok ng bahay.
"Wag ng maraming tanong. Alam kong hindi ka kumakain." napangiwi ako saka inabot ang binibigay niya.
May kasama na rin itong tubig.
"La naman," mahina kong banggit. "Ang sabi ko sa'yo na wag ng tatanggap ng labada e'. Matanda ka na."
Parang tinusok ng libo-libong karayom ang puso ko ng ngumiti ito. Hinaplos niya ang kamay ko saka ako tinulak papalabas, marahan lang.
"Kaya ko pa ang sarili ko, Apo. Bumawi ka na lang kay Lola kapag kaya mo na." nag pakawala ako ng isang marahang buntong hininga at madamdaming niyakap ang tumayong ina ko.
Pangako, la. Ipagkakaloob ko sa'yo ang buhay na pinagkait ng panahon. Makakaahon din tayong dalawa.
"Salamat po." I kiss her cheek and start walking.
Dahil maaga pa ay naka sakay ako agad sa jeep, mabuti na lang at hindi siksikan, inilabas ko ang Term Paper na ginawa at nag lakad papunta sa office ni Sir Atom.
Wala pang masyadong tao, mostly ay iyong mga janitor na parating nag lilinis ng hallway at ng mga room.
Ngumiti ako sa isang matandang naka-salubong. Bahagya pa akong yumuko at bumati.
"Ang aga mo yata ah."
"May ipapasa lang po." I haven't seen him, ngayon lang. Baka bago.
Nakangiting nag lakad akong muli, pero agad ko ring binawi nang makita ko kung sino ang makaka-salubong ko. Wearing a business suit for women, ang pinagka-iba lang ay wala itong blazer na suot. Iyong stiletto niya'ng dinig na dinig ang bawat pag tama sa sahig.
Beautiful.
Hindi ko namalayang napatagal pala ang tingin ko sa magandang mukha ni Miss Salvidar. Mabuti na lang at hindi niya ako napansin.
Malamig at deritso lang siya'ng nakatingin sa daan, parang walang paki-alam sa paligid.
Yumuko ako at nag kunyareng hindi siya nakita. Paulit-ulit kong binu-buklat ang papel na hawak, kahit wala naman talaga akong iche-check dahil nakontento na ako sa gawa ko bago ko pa ito pinrint.
Makakahinga na sana ako ng maluwag ng lampasan niya ako pero agad ding dinagundong ng kaba nang bigla ako nitong tinawag.
"Hey," I know it's me, kaming dalawa lang ang nandito sa hallway.
Hindi ko alam ang gagawin. Tutuloy na lang ba at mag kukunyareng hindi siya narinig o haharapin siya?
Shit naman.
Sa huli ay pigil hiningang hinarap ko ito.
"B-bakit po?"
"What's your name?" her voice is kinda deep and cold. Hindi katulad noong sinabihan niya ako ng dugyot.
"Shevaya, Miss." inilagay ko sa likod ang dalawang kamay, hindi ko nga magawang titigan siya ng matagal e. Nakaka intimidate.
"Shevaya.." she trailed off. Naglakad si Miss Salvidar ng dalawang hakbang palapit sa'kin, out of instinct ay umatras ako. "Are you blind or feeling entitled? Which one?" nakaramdam ako ng panlalamig sa kung paano njyang binitawan ang mga katagang iyon.
Nakagat ko ang pang ibabang labi, wala akong masabi. Sanay na naman ako sa mga ganito. Marami ang may ayaw sa'kin.
At isa pa, wala naman akong ginagawa para isipi niya'ng entitled ang tingin ko sa sarili.
"The audacity not to greet me." doon lang ako nag angat nang tingin, nagkatitigan kaming dalawa.
Kita ko kung paanong natigilan si Miss Portia, pero saglit lang iyon.Maya-maya pa ay inirapan ako nito, naiwan naman akong nakanganga, tinatanaw ang papalayong bulto ng babaeng iyon.
I tilted my head and lightly chuckled. Tama nga naman, ang kapal ng mukha kong hindi sya batiin.
E' sa nahihiya ako.
Nakangiting kumatok ako sa labas ng office ni Sir Atom. Mabuti na lang at nandoon na siya, maaga rin kasi parati ang isang ito.
"Good morning, Sir." nakangiting bati ko. Tumango siya saka inilahad ang upuan sa harapan. Umiling naman ako. "Ipapasa ko lang po ito." inabot ko ang papel na hawak sa kanya, kinuha niya naman ito at paisa-isang tiningnan. Huli nyang ni-check ay ang front page.
"Bakit ikaw lang?" Inalala ko ang linyang dapat kong sasabihin sa kanya oras na mag tanong siya.
"Hindi po k-kasi ako tinulungan ni Lexie, and I think it will be unfair in my part if I'll include her name, Sir. Ako lang po kasi ang gumawa ng mga yan, mag-isa." tumango ang guro bago itinago ang binigay ko.
"Okay. Thank you for informing me. You may leave." muli akong nag pasalamat saka ito iniwan.
Isang oras yata akong nagpagala-gala sa buong campus bago tuluyang pumasok sa first subject namin. Minor lang ngayon at mamaya pa ang major. Sa kay Sir Atom.
After my first class ay nag mamadali kong tinungo ang sunod na klase. Ang hilig kasi talaga mag overtime ng professor na iyon, akala mo mga walang next class ang students niya e.
Pagpasok ko pa lang ay sobrang sama na nang tingin sa'kin ni Lexie. I averted my gaze and pretended as if I couldn't see her.
Higit isang oras nag lesson si Sir Atom, focus na focus ako dahil baka bigla na lang itong magpa long quiz.
Mabuti na lang at hindi. Inilaan niya iyong kalahating oras para sa mga student na hindi pa nakakapag-pass ng term paper.
Hindi muna ako lumabas, nag review lang ako ng notes hanggang sa matapos ang oras namin sa kanya.
And when I'm about to leave, he called my name together with Lexie.
Kung kanina ay masama na ang tingin sa akin ng isa, ngayon naman ay naka-ngisi na. Nakaramdam tuloy ako ng kaba.
"Why did you lie, Miss Calderon?" kunot noong tanong ng professor namin.
"Po?" I asked, confused. Hindi ko kasi talaga alam.
"About Lexie not helping you. Look, Miss De Guzman told me that she helped you."
"Sir--" I was cut off by Lexie.
"Gusto niya lang talagang ma-solo ang grade, Sir. That selfish bitch." kumuyom ang kamao ko dahil sa sinabi nito.
"Hindi po yan toto--" and this time, si Sir Atom naman ang pumutol sa sasabihin ko.
I feel so helpless, I feel so weak, and worthless. Can't he listen to me first? Bakit si Lexie pa ang pinaniniwalaan niya.
I know, he knew Lexie's reputation. Pero ako pa rin ang minasama niya sa huli.
"Enough. I'll give you a deduction for not telling me the truth, Calderon. Pasalamat ka at hindi ko ito pina abot sa Admin, baka mapasama pa at mawalan ka ng scholarship." I was about to defend myself ng muling sumingit si Lexie.
"Be thankful nga at hindi ako nag sumbong kay Dad. Baka kung ano pang magawa niya sa'yo." That's it.
Hindi na ako nag paalam pa sa dalawa, dali-dali akong lumabas ng classroom at nag hanap ng pwedeng mapag tambayan. Alam kong walang respeto iyong ginawa ko pero mas walang respeto naman ang ginawa nila.
Sinabi ko na sa kanya kaninang umaga. Hindi ko lang alam kung ano ang sinabi ni Lexie para mapaniwala niya si Sir Atom na tumulong siya at nag sinungaling ako.
Ano ba yan' umiiyak na naman ako.
Hindi ko lang kasi mapigilan. Wala na naman akong kakampi. Nandito na naman 'yong pakiramdam na mag-isaang ako, na wala akong mapagsasabihin ng mga sama ng loob.
Wala ako ni isang kaibigan na pwede kong puntahan, kausapin, o hindi kaya ay iyakan man lang.
Noong may kaibigan ako, nakikinig naman ako sa mga hinaing nila sa buhay, I've been with them, been their therapist. Pero kapag ako na, wala akong masandalan sa kanila.
Good thing, hindi ko na sila kaibigan.
Pero ngayon, gusto ko ng karamay. I want someone who'll pat my shoulder and tell me that it will be fine. That it's alright.
Hindi ko na kayang mag-isa.
Nakaka sama lang kasi talaga ng loob. Pinag hirapan ko iyon tapos ako pa ang babawasan.
Mas naniwala siya sa kasinungalingan. Bakit? Dahil ba sa mas may makapangyarihan ang pamilya ni Lexie at ako ay wala?
Tangina nila kamo.
Lamunin nila iyong puntos. Babawi na lang ako.
I inhaled and relax a bit. Nasa likod ako ng Arki Building. Maraming puno rito, sariwa pa ang hangin at walang tao.
Inilabas ko ang baong niluto ni lola. Maliit akong ngumiti ng makita ang isang piniritong hotdog at itlog.
Marami rami rin ang nilagay niya'ng kanin.
Hindi ko tuloy napigilang h'wag nang maiyak muli. Paano, kung si Lola nga ay nakakaya pa, dapat ako rin. Ipinangako kong babaguhin ko ang buhay niya.
Patuloy pa rin sa pag tulo ang mga luha ko. Sayang din iyong ibabawas ni Sir. Kung sino pa itong walang naitulong, siya pa ang nanginabang.
Kainis.
Panay subo lang ako habang nakatingin sa kawalan.
Gusto ko nang sumuko, huminto at mag trabaho na lang. Pero maisip ko pa lang si Lola na umaasang matatapos ko itong kursong kinuha ay muli akong nabubuhayan.
Siy lang ang naniniwala sa'kin.
Yumuko ako at tuluyan ng napahagulgol.
Nasa ganoon akong posisyon ng biglang may nahulog na puting panyo sa paanan ko.
Nag angat ako ng tingin, sumalubong sa'kin ang maganda nitong mukha. Nakanunot ang noo habang mariing nakatitig sa'kin.
"My bad," yumuko ito para kunin ang panyong hinulog niya.
Anong ginagawa nito rito? Bakit siya napadpad sa likod ng arki building? Hindi ba at lunch time na? Dapat nasa cafeteria siya.
"M-ma'am," I utter. She rolled her eyes.
Gulat akong napa-singhap nang iniluhod nito ang isang tuhod. Ngayon ay magkaharap na kaming dalawa.
"Didn't mean to drop this," sabay pakita sa hawak na panyo. "Here," walang pandidiring kinuha nito ang kamay ko saka ipinatong ang panyo sa ibabaw ng aking palad.
"You look like shit eh." malamig niyang bigkas saka ako muling tinalikuran at iniwang nakanganga.
SHEVAYAHawak-hawak ko sa isang kamay ang form na galing sa registrar. Dalawang linggo lang ang naging bakasyon namin bago nag start ulit ang klase para sa pang huling semester.Napahawak ako sa ulo ng bahagya itong kumirot. Tulog pa kasi si Lola ng iwan ko, siguro hindi na naman iyon naka-tulog kagabi. Iniwanan ko lang din siya nang makakakain at hindi na ako nag-abalang mag almusal pa.Tiningnan ko ang schedule na hawak. Philippine literature, room 104, building IV.May kalayuan pa ang lalakarin ko.Dahil mas tutok ako sa hawak na schedule ay hindi ko na namalayang may makaka salubong na pala ako. Napa atras ako dahil sa lakas ng impact habang iyong babae naman ay napadausdos sa sahig.Shit.Hindi ko siya kilala pero sana hindi siya katulad ng ibang mga nag-aaral dito. Pero ano bang inaasahan ko 'e pare-parehas lang naman ang mga ugali ng mga students sa LIS."S-sorry." akmang tutulungan ko itong tumayo ng may tumapik sa kamay ko at siya na ang nag-tayo sa babaeng naka-bungguan ko
SHEVAYA"Move, pig. You're too big." napa-yuko na lang ako dahil sa hiya, lalo na nang mag-tawanan pa iyong mga nakarinig kay Stacy.Agad kong pinulot ang mga papel na nahulog dahil sa pag bangga nito sa'kin.Nang makuha ko na lahat ay dali-dali akong tumakbo palayo sa mga mapang husgang titig nila.A teardrop fell onto the hallways floor. Why am I crying? I should not feel affected by a mere insult, I'm use to it. Second year na ako, simula first year ay pinag-iinitan na nila ako pero mas lumala lang ng harap-harapan kong i-turn down ang pag-aaya sa'kin ni Kevin ng dinner date.If I didn't hear them talking about me, having a bet sa kung mapapapayag ba ako ni Kevin sa date na inaalok niya, I could've been say yes. Dahil kahit papaano ay may lihim akong pag-tingin rito.Just a little crush, na pinagsisihan ko rin naman. After all, ang pangit niya. Mas matangkad pa ako ng ilang inches sa lalaking 'yon e'.But it change now, lalo na ng malaman ko kung gaano kasama ang ugali nito. May it
SHEVAYAHawak-hawak ko sa isang kamay ang form na galing sa registrar. Dalawang linggo lang ang naging bakasyon namin bago nag start ulit ang klase para sa pang huling semester.Napahawak ako sa ulo ng bahagya itong kumirot. Tulog pa kasi si Lola ng iwan ko, siguro hindi na naman iyon naka-tulog kagabi. Iniwanan ko lang din siya nang makakakain at hindi na ako nag-abalang mag almusal pa.Tiningnan ko ang schedule na hawak. Philippine literature, room 104, building IV.May kalayuan pa ang lalakarin ko.Dahil mas tutok ako sa hawak na schedule ay hindi ko na namalayang may makaka salubong na pala ako. Napa atras ako dahil sa lakas ng impact habang iyong babae naman ay napadausdos sa sahig.Shit.Hindi ko siya kilala pero sana hindi siya katulad ng ibang mga nag-aaral dito. Pero ano bang inaasahan ko 'e pare-parehas lang naman ang mga ugali ng mga students sa LIS."S-sorry." akmang tutulungan ko itong tumayo ng may tumapik sa kamay ko at siya na ang nag-tayo sa babaeng naka-bungguan ko
SHEVAYA"Saan ka pupunta? Malapit na ang deadline ng Term Paper natin." hindi ko magawang salubungin ang tingin ni Lexie, siya kasi ang partner ko para sa gagawin naming Term Paper, ang kaso lang parang wala siya'ng paki-alam.Kung hindi ko nga siya nakitang papalabas na ng room, aalis siyang parang wala lang.May nasimulan na ako, pero kulang pa rin ito.Narinig ko ang pag ismid ni Lexie. Nasa likod nito si Stacy, na kaibigan niya. At ang taong madalas manakit sa akin."You're smart, right?" huminto ito saka ako tinitigan nang mariin. Lexie is one of my bullies, ang malas ko nga naman at siya pa ang nai-partner sa akin. "You can do it alone, pig." napa-atras ako ng isang beses ng bigla itong lumapit.I gulp and nod. Hindi ko magawang umalis sa harapan nila. Stacy's mocking me through her stares, si Lexie naman ay ang lakas ng loob ng kwelyuhan ako kahit mas matangkad naman ako sa kanya."Dare not to include my name on our papers, I'll make your life worst ever than before." pabalyang
SHEVAYA"Move, pig. You're too big." napa-yuko na lang ako dahil sa hiya, lalo na nang mag-tawanan pa iyong mga nakarinig kay Stacy.Agad kong pinulot ang mga papel na nahulog dahil sa pag bangga nito sa'kin.Nang makuha ko na lahat ay dali-dali akong tumakbo palayo sa mga mapang husgang titig nila.A teardrop fell onto the hallways floor. Why am I crying? I should not feel affected by a mere insult, I'm use to it. Second year na ako, simula first year ay pinag-iinitan na nila ako pero mas lumala lang ng harap-harapan kong i-turn down ang pag-aaya sa'kin ni Kevin ng dinner date.If I didn't hear them talking about me, having a bet sa kung mapapapayag ba ako ni Kevin sa date na inaalok niya, I could've been say yes. Dahil kahit papaano ay may lihim akong pag-tingin rito.Just a little crush, na pinagsisihan ko rin naman. After all, ang pangit niya. Mas matangkad pa ako ng ilang inches sa lalaking 'yon e'.But it change now, lalo na ng malaman ko kung gaano kasama ang ugali nito. May it