Share

Chapter 2

"Dad please iba na lang" Mataas na sabi ko sa mga magulang ko na nakaupo ngayon kaharap ko dito sa garden .Nakakainis ,nakakabanas,nakakaurat at kung ano pa ang pwedeng term sa nararamdaman ko ngayon .Maling mali tong ginagawa nila Grabe

Tatlong araw , natapos  na ang issue sa gulo ng mga binayaran ni dad at isang famous reporter na Si Alister .Nababayaran pala ang lokang yun akala ko naman talagang honest siya sa service Niya ,may pasabi sabi pa na .Purong totoo daw ang sinasabi nila ehh Dali lang bayaran

Mabilis nawala lahat ng comments nang maglabas ng statement ang mag asawang Ramirez , lalo na at Malapit na ang eleksyon hindi dapat madungisan ang pangalan nila .Alam niyo na politicians things ,need malinis ang pangalan bago ang eleksyon .Maghihintay na lang ako na mabigyan nila ako ng candy after election .

Sinabi na lamang nila na politika ang habol ng gumawa noon at nadamay lamang ako, wag bigyan ng malisya ang lahat dahil tanging pagkakaibigan ang mayroon kami ng mga Ramirez . Lalo na sa pagitan namin ni Diego

Pero Itong gusto ni Dad hindi ko ata masisikmura ang ganito ,gusto kong tumalon sa bangin inangyan

Ipakasal daw ako dahil napapag Iwanan na daw ako sa lahat ng magpipinsan , nahiya naman ako Kay Joseph na Puro flings lang . Hinihintay ko talaga na may mabuntis Si Joseph the great para naman mag settle na ang gago na yun . Puro Inom at gala parang walang planong mag settle

Ang bata bata ko pa pero ganito na ang gusto ni dad , ano bang Nangyari at kung sino man ang lumason sa utak ng dad ko para ipakasal ako sa tao ng hindi ko man lang kilala at never ko pa nameet sa buong Buhay ko

"Buo na ang desisyon ko Avery it's either respect my decision or think about your future " Mataman ko Itong tiningnan kitang kita ang determinasyon sa mukha nito na ipakasal ako sa kung sino , hindi naman ako sigurado kung magkakasundo kami ng tao na yun .Tapos baka may tinatagong kagaguhan pa Yun ,jusko lord bakit kasi naisipan nila yan

Pano masamang tao yun ? Pano kung mamamatay tao? Pano kung drug lord pala yun ? Tapos matanda ?

Hell no !!!

Ayoko ! No way !!!!

Mamatay na lang akong mag isa !!

"Anak ,you spaced out " Yugyog sakin ni mom ,bago tinap ang pisngi ko .She's so gentle na parang masasaktan Nya ako ,oh my mom

"Dad sino ba yang ipapakasal errr niyo sakin , sure ba kayo ng mabuting tao yun ? Para ipagkatiwala niyo ako sure ba kayo-" Itinaas na nama ni Dad ang kamay Niya para patigilan ako ,mukhang naririndi na naman siya sa Boses ko na namana ko lang sa kanya

"I'm doing this for your future " Ma otoridad na sabi ni Dad

Ano daw?!!!! Narinig niyo ba yun people o nabingi lang ang magandang katulad ko !!!!

"Doing this for my future? Are you serious dad? Eh baka Lalong magulo ang future ko dahil dito " hindi ko mapigilang pataasin ang Boses ko hindi ko na macontrol, I'm not a rebellion daughter but do I deserve this kind of treatment ? Hindi ako pinapakinggan lagi na lang akong sunod sunuran mabuti pa Si couz kayang kaya niyang ipaglaban ang gusto Niya because Auntie and Uncle let her spoke her side .Eh dito wala akong nagagawa ,nakakainis talaga bwesit ,bwesit ,bwesit

"Don't raise your voice Avery , hindi mo ba naiisip pag nag asawa ka magkakaroon ka ng katuwang sa business o baka pwedeng tulungan din Niya ikaw, tayo at sa Pamilya Niya " What he mean by that ? Na hindi ko Kayang patakbuhin ang business na mag isa. I know I'm not a business course graduate but I'm not stupid para hindi matutunan ang mga bagay bagay .Excuse him pwede naman akin mag basa ng mga business books and apply it on our daily basis ,I can do that

My dad didn't know how to trust his only daughter

Mabilis na akong Tumayo at naglakad paalis ng bahay na iyon nasasakal ako , gusto kong lumayo , gusto kong Tumayo sa sarili ko na ma realize nila na kaya ko at hindi ko kailangan ng tulong nang kahit na sino pa man lalo na at wala sa Pamilya

Narinig ko ang mga tawag nila sa pangalan ko pero hindi na ako nag abalang lumingon , I just enter my car and drove away from that place .Nag beep pa ako ng Ilang beses para alam nilang umalis ako ,I know mag aalala Si Mom sakin but I need this .This is for my own good

Hindi ko alam kung saan pupunta .First nasa ibang bansa Si Couz .Si Xenon naman nasa Davao daw for business things .While ate Niki ? Naghahanda na rin yun dahil Malapit na siyang ikasal sa Anak ng sikat na Pamilyang Riego

,Tsk Edi sila na ang may the one wew na lang ,ako na tong wala sige

Napapadyak ako at napapabusina everytime may mag overtake sakin .Naiinis kang ako na inuunahan ako .I even beat on traffic light ,god nababaliw na ako ,Joke Edi isend nila ang high way ticket sakin ano naman ngayon . Wala lang ako sa mood pero hindi ako Bobo noh .

I continue driving hanggang sa tumigil ang kotse ko , gulat akong napatingin sa umuusok na harapan ng kotse ko at lumabas what the heck , what happened !!

Mabilis akong bumaba at tiningnan ito , I think nag over heat ang Makina ng sasakyan ko siyempre pina full tank ko ito kahapon kaya I know hindi naubusan ng gas ang kotse ko .

I need water , tumingin ako sa paligid na kinatirikan ng kotse ko , tanaw dito ang isang malawak na taniman at may tubig? Wait Palay ata to .Wala akong alam sa Agriculture so wag niyong asahan na alam ko yan ,hindi ko nga alam ang pagkakaiba sa puno ng Acacia at Nara

Napangiti ako ng makita ang Ilang tao sa hindi Kalayuan , nakaupo sila sa kapag at may kung Anong ginagawa sa bungkos ng Palay ,You can do this Avey ,maganda ka .Maybe they can't resist you sa Sobrang ganda mo ,tama tama ganon nga ,Dapat confident lang ako sa Buhay na ito

Kinapalan ko na ang mukha ko at naglakad papunta sa mga tao .Palapit palang ako kita ko na ang mga Tingin nila sa akin , Pano ba naman naka T-shirt , short at tsinelas lang ako .Para akong hindi handa na mag drive ng malayo. Well it's true naman

Biglang nanginig ako katawan ko ng tiningnan ang mga tao rito , nakajacket sila at malaking sombrero .Nasan ba talaga ako ? shit what if nasa Mindanao na ako .Joke lang tanga talaga ,Hindi pa nga ako tumatawid ng dagat eh Edi sana lumubog na ako

"Neng may kailangan ka ba ?" Tanong sakin ng isang Manong , ibinaba nito ang Sako na naka lagay sa uluhan Niya , kagat Labi akong tumango. Okay fine nahihiya na ako ,kinakain na ako ng hiya

"Sorry to disturb but I need water for my car " sabay Turo ko sa sasakyan kong nasa kalsada .Doon ko lang napansin na ansakit sa balat ng init kaya pala sila naka long sleeves

"Englishera pala iyan Karyo , halatang Mayaman at naligaw lang dito, mga Taga Manila " Nagtawanan sila , teka Anong meron hindi ba nila alam na naiintindihan ko sila .Napangiti ako ng awkward dahil wala ako sa mood para magalit

"Sorry po pero nakakapag Tagalog naman po ako " bigla akong nahiya nang Ngumiti ang Manong na halos katabi ko na

"ineng alam naming Mayaman ka, Pero sana Matuto ka namang bumati muna ng magandang tanghali " sabi ng babaeng nakaupo sa lapag .Seriously kailangan yun? Tiningnan ko ang paligid sakin na pala nakatingin ang halos lahat na tao dito hinihintay nila ang sasabihin ko dyoskopo ano ba Itong napasok ko hindi ako sanay dito .Eh kung kainin na Lang kaya Ako ng lupa

Huminga ako ng malalim Bago Ngumiti

"Magandang tanghali po pasensiya na sa istorbo kung pwede po Sana ng humingi ng tubig para sa sasakyan ko " muntikan pa akong mabulol sa mga sinasabi ko

"Nenang kita mo natakot naman ang bata sayo " nagatawanan ulit sila , they look so close to each other .Maybe magkakapamilya lang sila or baka best friends

"Raldo kumuha ka nga ng isang galon ng tubig doon sa poso at ibigay mo Kay Miss beautiful" napangiti ako sa tinuran ng Manong na katabi ko

Nakita kong kumilos ang isa sa mga lalaki doon siguro siya Si Raldo

"Ineng saan ka ba Galing ?" Usisa ni aling nenang ata yan

"Sa Nuevia po , sa Gardenia" magalang kong sabi rito tumango tango naman ito

"Kung ganon bakit andito ka sa pangasinan" napatingin ako s lalaking nagsalita wait pangasinan to Pano ako nakarating dito , kaya ba ako siningil ng toll fee kanina loko ka talaga Avey sa Tagal ng pag iisip mo hindi mo na namalayan ang lahat

Nginitian ko na lang sila dahil wala naman akong masasabi it's family matter

"Tanghalian na neng Kain ka " tumango ako at napatingin sa baon nila may mga saging , Kain , itlog at Tuyo sa mga bacon nila , yun lang kakainin nila? For breakfast yun hindi ba

Pero sa Nakita ko mukhang nasasarapan naman sila sa kinakain

Dumating Si Raldo dala dala ang isang galon ng tubig

Nagpaalam muna ako sa kanila Bago pinasunod Si Raldo sa kotse ko

"Miss dito ba ?" Tanong nito kung saan ilalagay ang tubig

"Ahh oo pupunuin lang raldo " tumango ito ng may ngiti Bago Dahan Dahan na binuhos ang tubig

Sa mukha ni Raldo halatang dito na siya lumaki , hindi man sa magiging judge mental Pero parang lag pas 30 na ito

" Miss may asawa kana ba ?" Napitlag ako sa tanong nito , nakatingin na pala ito sakin habang naglalagay ng tubig

"Wala pa , ikaw meron ba ?" Balik kong tanong para hindi lang kami ma awkward

"Meron na at may isa kaming anak na babae " napangiti ako ng makitang nagningning ang mata nito halatang mahal na mahal nito ang asawa

"May problema ka miss halata sa mukha mo " sabi nito at nakababa na ang galon mukhang tapos na nitong lagyan , tiningnan ko ito sa mukha kuryusidad ang ranging nababasa ko

"Ah oo kaya nagulat ako na nakarating ako dito " sabi ko na lang Bago huminga ng malalim

"Miss alam mo kung ano man yan kaya mo yan , sabi nga nila lahat ng bagay nangyayari dahil nasa tadhana ng maykapal at diyos  " sabi nito Bago naglakad paalis

Nasa tadhana ba na ikasal ako sa taong hindi ko pa nakakilala ?

Gusto ko Itong tanungin Ngunit wag na

Sumunod ako dito at tumingin ulit sa mga tao

"Maraming salamat po " sabi ko habang Nakangiti

"Walang anuman miss Basta mag ingat ka sa biyahe " Ngumiti ako Bago tumango , maglalakad na ulit sana ako pabalik nang may naalala ako kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa Bago kinuha ang Pera mula sa likod ng case ko

Lumapit ako may Manong Karyo at inabot ito sa kanya , hindi na ito nakaanggal kaya naglakad na ako pabalik sa kotse ko

Bago ako punasok sa kotse Ay kumaway muna ako sa kanila na binalik naman nila

Kailangan ko nang bumalik ng Nuevia  Bago dumilim

Sana sa pag balik ko matanggap KO na ang tadhana na sinasabi ni Raldo

I wish my life will gonna be fine pagkatapos lahat ng ito

-

Reading bring us unknown friends

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status