Thank you for waiting for my updates. Please don't forget to comment and follow to be updated in my future updates.
MALIYAH POV Nagitla ako sa lamig ng tubig na bumubuhos sa akin. Punong puno ito ng yelo na isinaboy sa akin habang natutulog ako sa sahig na walang sapin. Nanginginig ako sa lamig.Bumaluktot ako na parang sanggol sa sinapupunan. Hindi ako makasigaw dahil binusalan nila ang bibig ko, iginapos nila ako at kinaladkad. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng takot. Takot na kahit sa hinuha hindi ko maisip na maranasan ko ito. Wala akong naging kaaway para maranasan ang ganitong pag mamalupit. Hindi kami mayaman at lalong walang pantubos ang pamilya ko. Ngunit hindi ako nawawalan ng pag aasa lalaban ako kahit ikamatay ko makatakas lang dito. “Hoy babae, maligo ka, ang baho baho mo!” sigaw sa akin ng lalaking kasama ng mahabang buhok. Panot na panot ito. At makakapal ang kilay, sapad ang long at makapal ang mga labi niya. Maliyah nagawa mo pa talagang manlait. Kastigo na utak ko. Pumasok ang binatilyong may dalang supot. Inabot ko ang supot mula sa binatilyong nag bigay sa akin. Ki
CLINT POV "What the fuck, Clint? What the hell are you doing? Is this all you wanted? Drowning yourself to death in alcohol? Are you lost your fucking mind?" Blah blah- I was murmuring inside head. It was my infamous twin brother Chlyde, he was so annoying, he kept on barging at me. Siya na ang may masayang love life, parang hindi niya naranasan itong nangyari sa akin dahil sa kagaguhan niyang ginawa sa asawa niya. Anong bang pakialam niya, kung lulunurin ko ang sarili ko sa alak kung ito lang ang makakapag pamanhid sa nararamdaman ko kahit pansamantalang? Kahit saglit makalimutan ko si Maliyah. Nakalimutan mo nga ba Clint? Kastigo ng utak ko. Ang sakit sakit na?Parang wala akong kwenta. Naturingan akong isa sa pinakamayaman, kilala sa alta-sosyedad at isang sikat na CEO ng security agency pero ang taong pinakamamahal ko hindi ko makita? Tang ina lang. Ano pa ang silbi ng buhay ko kung wala si Maliyah? It’s been few years now. Wala parin akong balita sa kanya. Yes, I was in love
MALIYAH POV Palaisipan para sa akin kung sino at kong taga saan ako, ayon kay Nanay Pising na siyang kumukop sa akin natagpuan niya akong walang malay sa gilid ng bangin malapit sa ilog. Wala akong malay, at duguan ako. Hindi ko rin maalala kung sino ako. Gayunpaman nagpapasalamat ako, dahil buhay ako at sigurado ako, hinahanap na ako ng pamilya ko. Pero ilang taon na rin akong naririto sa barrio paz sa Calapan. Kinupkop ako nila Tatay Efren at Nanay Pising, meron silang anak si Oscar, pero naka destino sa iba't ibang lugar sa bansa dahil isa itong personal bodyguard ng isang mayaman na negosyante. Bihira daw itong umuwi kaya natutuwa silang buhay ako. Puno ng sugat at pasa daw ang buong katawan, meron pa akong pilat sa braso na tila nahiwa ng isang matalim na bagay. Ayon sa kanila ilang buwan din akong namalagi sa hospital sa siyudad. Nasa tabi ng dagat ang tinitirhan namin. Mangingisda si Tatay Efren si nanay pising naman ang taga tinda ng huling isda ni tatay at tinutulungan ko s
MALIYAH POV Matapos kong sabihin ang pangalan sa nagngangalang Clint, inalok niya ang kamay niya para makadaupang palad kami, pero bago ko tinanggap iyon pinunasan ko ang palad ko ng panyo dahil namamawis yun. Kakahiya naman baka sabihin niya pasmado ako. Tinanggap ko ang kamay at nang magtagpo ang mga kamay namin ramdam ko ang kakaibang kuryente dumaloy sa himaymay ng katawan ko. Isang pamilyar na pa pakiramdam ngunit hindi ko maalala. "Ahemm, Clint, you can let go of Clara’s hand." Napalunok ako ng wala sa oras dahil bago bitawan ni Clint na yun ang kamay ko pinisil pa niya ito ng bahagya na lalong nagpa regudon ng tibok ng puso ko. Naningkit ang mga mata niya na hindi ko mawari kung bakit. "Clara, flowers for you!" napatingin ako sa kay Clint ako dahil nang tagis ang mga bagang niya at kita ko ang galit sa mga mata niya. Nakakunot ako ng noo, napalingon doon si Mayor, agad naman nagbago ang anyo niya na tila maamong tupa. "Don’t mind Clara, bitter lang yan." Nag-aalangan ako
MALIYAH POV (SPG WARNING) Ramdam ko ang kakaibang kilabot sa bulong na yung ni Clint malapit sa tenga ko. Nanindig ang balahibo ko, at kung anong kiliti ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ako ba ay ma-excite o matatakot sa banta niya sa akin na parusa. Mas pinili kong maexcite. Ay talandi ka Clara kastigo ng isip ko. Nag ayos na kami ng aming mga banyera dahil sa kalokohan ko naubos agad ang panindang isda namin. Sino ba naman ang hindi maengganyong bumili kung may libreng hipo sa pandesal este abs ng kasama ko. At habang may lumapalat na kamay sa matitigas niyang abs ay naniningkit ang mga matang ipinupukol niya sa akin. Ngisi lang ang ang iginanti ko sa tuwing ginagawa niya yun. Sakay na kami ng tricycle pauwi ako lang mag isa sa loob dahil sa laking tao ni Clint hindi siya kasya. Doon siya umangkas sa likod ng driver. Ilang saglit pa nakarating na kami sa bahay, sarado iyon. Totoo nga na wala sila Nanay Pasing at Tatay Efren. Pagkarating namin sa bahay, agad akong bumaba at
MALIYAH POV Nagising ako kinabukasan, na wala si Clint sa tabi ko, pero amoy ko mula sa silid ang bango ng sinangag na kanin, at milo. Sinuri ko ang sarili ko may damit na ako, ang huling tanda ko ay nakatulog ako ng walang ni anumang saplot sa katawan. Uminit ang mukha ng maalala ang pinag saluhan namin ni Clint kagabi. Nahihiya ako paano ko siya haharapin mamaya. Pumasok ako sa banyo para gawin ang morning routine ko. Nag tooth brush at naghilamos, hindi na ako nag suklay, kumuha nalang ako ng panali at itinali ng pa messy buns ang buhok ko, at nag wisik ng vanilla scent na cologne. Nakatalikod si Clint sa akin kaya hindi niya ako napansin nakasandal ako sa gilid malapit sa kusina, kita ko ang pigurang nagpabilis ng tibok ng puso ko ng walang kahit na sino ang nagparamdam sa akin, pero itong misteryosong lalaking nasa harapan ko lang ang nakagawa noon. Marupok ka teh sigaw ng isang bahagi ng utak ko. “Ahem!” kuha ko ng atensiyon niya. “Good morning sweetheart! Upo kana, pin
MALIYAH POV (SPG WARNING) Mahigit isang linggo na naman hindi nagpakita si Clint, at noong araw na masaya ang lahat sa pananghalian. Ang paghingi niya ng tawad sa akin sa kasalanang hindi ko naman maalala. Pero may kirot sa puso ko. Normal na linggo lang ang nakalipas sa akin. Sumasama ako kina Papa at Mama sa palengke, sanay na ako sa Mindoro, nag titinda kami ng isda ni Nanay Pising. Namimiss ko na sila, noong isang araw tumawag ako sa kanila, at namimiss nila ako. Nangako akong dadalaw sa kanila kapag may pagkakataon. Gusto ko munang sulitin ang mga panahon na nawalay ako sa mahal kong pamilya. Nakasanayan ko na rin kada hapong pag dalaw sa akin ni Alexander, at mga bonding namin sa kanila. Hinahalungkat namin ang mga pictures namin noong mga bata pa kami, tuwang tuwa ang mga magulang niya sa akin. Pinakita nila sa akin ang litrato namin ni Alexander na nag tatanim ng bulaklak. Isang itim na Ferrari na kotse, ang huminto sa harapan ng bakuran namin. Hindi ko kilala kung sino ang n
MALIYAH POV Nakatulog na ako sa kama kung saan may nangyari na naman sa amin ni Clint. Hindi ko alam kung anong oras na, may damit narin ako, ng naalimpungatan ako. Hindi rin malagkit ang katawan ko, at amoy vanilla narin ang shampoo ko at ang balat ko, amoy na amoy ang vanilla scent sa katawan ko. Pati ang kulay gray na unan na ang nakatakip sa katawan ko ay ganun din ang amoy. Iginala ko ang mga paningin ko sa kabuuan ng silid, hindi ko masyado maaninag kasi mapusyaw ang liwanag na nanggagaling sa lampshade sa gilid ng kama. Dahan dahan akong bumangon dahil ramdam ko ang pangangalay, sa sa buong katawan at bumalik sa gunita ko ang nangyari sa amin ni Clint. Uminit ang mukha at alam kong namumula iyon. Sigurado ako. “Tita Mommy!!” dinig kong tawag ni Andrea sa labas, pag apak ko ng mga paa ko sa sahig naramdaman ko ang konting kirot sa gitnang bahagi ko. “Ano Maliyah masarap?” Sisige ka pa?” kastigo ng isip ko sa akin. Pinilig ko ang ulo para mabura ang pagkutya doon. “Oo na marup