"OH, my God! Marilyn! Ikaw nga, hija!" Nabibiglang sambit ng ina ni Dewei. Nilapitan nito ang dalaga, hinalikan sa pisngi, saka niyakap nang mahigpit. "Ang tagal nating hindi nagkita," sabi pa nito nang bahagya siyang bitawan si Marilyn, pero nanatiling nakahawak sa braso nito, waring ayaw pang bumitaw. "Oo nga po, tita. Seven years din tayong hindi nagkita," nahihiya pang ngiti na sagot ni Marilyn. Napabaling ang tingin ng ina kay Dewei, at ngumiti ito nang malapad. Ngunit bago pa siya makapagsalita, nagulantang siya sa narinig. "Mom..." Tumikhim si Dewei, halatang may kaba. "I want you to meet my daughter." Saglit na katahimikan. Halatang hindi agad na-absorb ng ina ang sinabi. "Daughter?" nauutal nitong tanong, tila hindi makapaniwala sa pakilala niya sa bata nilang kasama ni Marilyn. "Anak po namin ni Marilyn si Marizca," buong tapang na dugtong ni Dewei. Nanlaki ang mata ng kanyang ina, at unti-unting napaawang ang bibig. Ilang saglit siyang natigilan, tila nag-aali
"SAAN ka ba nagpupunta, Dwight? Palagi kang wala sa bahay," angil ng mommy niya sa kapatid. Walang pakialam si Dwight sa pagtaas ng boses ng mommy nila, naupo ito sa katabi ng ama, katapat nito si Marilyn. Wala nga siyang nalalaman na balita tungkol kay Dwight. Mukhang nanahimik ang kanyang kapatid dahil sa pagbawi niya ng Solara. Napayuko si Marilyn dahil sa matamang pagtitig ng kapatid. "Ah, Dwight, I want you to meet my daughter, Marizca," pakilala niya sa kanyang anak sa bunsong kapatid. Parang hindi niya nakitaan si Dwight nang pagkagulat sa mukha nito ng makilala ang anak. "Yeah. Alam ko... kalat na kalat sa buong Solara Essence na may anak ka na, Kuya Dewei. How could I not know?" "Ako mismo ang nagsabi sa kanila. Gusto kong malaman nilang lahat na may anak na ako. I don't want to hide my own daughter," matapang na sabi ni Dewei. Tumaas ang sulok ng labi ng kapatid. "That's a good attitude. Proud and full of determination. Pero... wala ka na bang ibang itinatago, Kuya?"
NAPASINGHAP si Marilyn sa biglaang pagtulak ni Dwight sa kanya papasok sa loob ng kuwarto. Bumalot ang takot sa kanyang mata.Inilock ng binata ang pinto at nakakagat-labing humarap sa kanya."A-Anong gagawin mo, D-Dwight?" tanong niya na napaatras. Nakakakilbot ang tingin ng binata, animo'y kakinin siya ng buo."Wala pa akong ginagawa sa'yo." Sagot nito. Hinawakan ng palapulsuhan niya at hinatak siya papalapit."H-Huwag ka ngang lalapit. S-Sisigaw ako.. sige," nanginginig sa takot na babala niya.Tinaasan lang ni Marilyn ng kilay habang umuupo sa maliit na sofa sa loob ng kuwarto."You still haven't changed, Marilyn. Mapagkunwari ka pa rin. Mapagpanggap ka pa. How did you do that?"Habang umuupo, nag-cross leg si Marilyn at ipinatong ang isang kamay sa hita."Ang alin? Ikaw itong magaling magpanggap. Paano mo nagagawa 'yun, Dwight?"Napaismid si Dwight bago ngumiti nang malaki. Lumapit siya kay Marilyn, dumukwang, at mariing hinalikan siya sa labi."Same feathers, flock together..."
HINDI maipinta ang mukha ni Dewei. Nakatiim-bagang siya at kuyom ang kanyang kamao sa ilalim ng lamesa habang parehong nasa harapan ng kanyang mga magulang. "Dewei, we're just concerned about what people will say and how it will affect the company. Kailangan mong pakasalan si Marilyn. Hindi natin puwedeng hayaang malaman ng lahat ang ganitong klaseng eskandalo, lalo na ng mga investors natin sa Solara Essence. Our board of directors expects the CEO to have a clean record—no bad reputation, no illegitimate child," mahabang paliwanag ng kanyang ama. "Bakit ba lagi ninyong iniisip ang sasabihin ng ibang tao? Hindi ko nakikitang dapat kong pakasalan si Marilyn! Matagal ko na siyang nakalimutan, at wala kayong alam sa naging relasyon namin sa loob ng limang taon!" madiing sabi niya. Masyado silang apektado sa masasamang sasabihin ng iba. Walang mali sa pagkakaroon ng anak nang hindi kasal. Magiging Hughes pa rin si Marizca. 'Di niya tatakbuhan ang responsibilidad niya sa bata. "Hijo, l
TUMATAKBO papasok si Dewei papasok sa loob ng bahay. Nasasabik na siyang makita si Velora. Lahat ng ginawa niyang pagpapahirap sa dalaga ay tapos na. Gusto niyang itama ang lahat at gawin ang dapat niyang gawin. "Velora! Velora!" Malalakas na tawag ni Dewei sa pangalan ng dalaga. Hindi siya sinagot ng dalaga, ni hindi ito sumalubong sa kanya na umuwi na siya. Tinignan niya ang kanyang relo, alas onse na pala. Baka makauwi na sina Nanay Igna at Tatay Tacio. Hindi pa siya nakakahingi ng tawad sa mag-asawa dahil sa nagawa niya kahapon. Pero, may narinig siyang mga tawanan. Hindi lang siya sigurado kung saang lugar. Sinundan niya ang mga boses. Napahinto si Dewei nang makita ang tatlong pigura sa likod ng bahay. May bonfire at nakaupong nakapalibot ang tatlo. Napako ang mata niya kay Velora. Malakas itong tumatawa. Walang bakas nang nangyaring away nila kagabi. Lumabas siya mula sa likuran na pinto at tinungo ang tatlo. "Andito lang pala kayo. Kanina pa ako tumatawag sa sala," bigla
PUPUNGAS-PUNGAS pa si Velora habang bumabangon sa kama, kasabay ng pag-inat ng kanyang mga braso. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi nang maalala ang pinag-usapan nila ni Dewei kagabi. Sana hindi lang iyon panaginip. Sana nga totoo… Ngunit napakunot ang kanyang noo nang mapansin na mag-isa lang siya sa silid. Hindi pala sila magkatabi natulog. Totoo nga ang sinabi ni Dewei—hindi sila magsasama sa isang kama hangga’t hindi pa niya ito sinasagot. “Ang haba ng hair mo, Velora! Pak na pak!” Masaya niyang bulalas habang hinihimas ang sariling buhok, tila kinikilig pa rin sa nangyayari. Nagulat siya nang makita sa sopa ang bouquet ng red roses. "Paksh^t! Kabog na kabog!" tili niya habang mabilis na kinukuha ang mga bulaklak. Inamoy niya ang mga iyon, tinitingnan kung tunay. At oo, hindi lang totoo—sariwa pa at amoy mahal. Kagabi pa siya pinapakilig ni Dewei, at ngayon, heto na naman siya. Napapangiti siyang mag-isa pero agad ding napailing. Baka kasi sa sobrang tuwa
PAPALUBOG na ang araw, ngunit nasa dalampasigan pa rin sila. Ang malamig na simoy ng hangin ay sumasayaw sa paligid, dinadala ang amoy ng inihaw na isda at manok. Plano nilang magpalipas ng gabi roon at umuwi kinabukasan ng umaga.Dalawang tent ang dala nila para magsilbing tulugan, ngunit sa ngayon, mas ninanais nilang sulitin ang tahimik at payapang gabi sa tabing-dagat.Habang sina Velora at Nanay Igna ay abala sa pag-iihaw, sina Dewei at Tatay Tacio naman ay nakaupo sa isang mahabang bangko, may tig-iisang bote ng beer sa kamay. Ang liwanag ng bonfire ay sumasayad sa kanilang mukha, nagbibigay ng banayad na liwanag sa madilim na paligid."Tay, uubusin po natin lahat itong isang case," biro ni Dewei, sabay tawa.Natawa rin si Tatay Tacio at umiling. "Naku, hijo, mahina ako sa alak. Tama na ang dalawang bote sa akin. Hindi na sanay ang katawan ko sa ganito."Napalingon si Dewei kina Velora at Nanay Igna, saglit na pinagmasdan si Velora habang maingat nitong iniihaw ang manok. Napang
"TACIO, ang likot-likot mong matulog kagabi. Hindi ako makatulog. Nakakainis din ang mga pusa sa labas. Ewan ko, paano nagkaroon ng pusa dito sa tabing-dagat," reklamo ni Nanay Igna. Umubo si Velora habang pilit namang pinipigilan ni Dewei ang malakas na pagtawa. Sabay na napalingon ang mag-asawa sa dalaga. "Velora, uminom ka nga ng tubig. Sasakit ang lalamunan mo niyan," mungkahi ni Nanay Igna. Sinunod naman ng dalaga ang sinabi ng matanda. Uminom siya ng tubig at napatingin kay Dewei. Pinanlakihan niya ito ng mata, dahilan para biglang matikom ang bibig ng binata. "Kasalanan ito ni Dewei. Sobrang malandi at ayaw paawat. Sinaid ang lakas ko kagabi," naiinis na usal ni Velora sa isip. "Maligo na tayo, uuwi na tayo maya-maya," yakag ni Tatay Tacio sa asawa. Tumayo na ang matandang lalaki at sumunod na rin si Nanay Igna. Tumakbo sila papunta sa dagat. Nang makaalis ang mag-asawa ay mabilis na hinampas ni Velora sa balikat si Dewei. "It's hurt, babe..." daing ni Dewei na n
NATULALA si Marilyn nang marinig ang salitang "Papa" mula sa dalagita patungkol sa kanyang ama. Sinundan na lang niya ng tingin ang mga ito, parang naumid ang dila at hindi makapagsalita. Kaagad na tumayo si Vener at nilapitan ang magkapatid. "Buti nakarating kayo, mga anak ko, sa kasal ng kapatid n'yo." Nagkatinginan sina Velora at Vanna, saka muling napadako ang tingin kay Marilyn. Nagulat din ang mag-asawang Hughes sa narinig na magkapatid sa ama sina Marilyn at Velora. "Hindi totoo ’to..." mahina at hindi makapaniwalang sabi ni Marilyn. "Marilyn, totoong magkakapatid kayong tatlo. Anak ko sila kay Minerva," paliwanag ni Vener. Hinawakan ni Vener ang mga kamay nina Velora at Vanna saka lumapit kay Marilyn. Parang biglang namanhid ang buong katawan ni Velora nang mapagtantong magkapatid nga sila ni Marilyn. Nagtatanong ang kanyang tingin sa ama. "Mga anak, ang Ate Marilyn n'yo…" pakilala pa niya sa panganay. "Si Vanna ang bunso, at si Velora ang panganay sa kanilang dalawa
NAGMAMADALI na pumasok sa loob ng bahay si Vanna. Napatigil siya nang makita si Dewei Hughes sa loob ng bahay nila at nakaupo sa sopa. "Ma-Magandang araw po, Ku-Kuya Dewei," bati niya na hindi pa rin sanay na tinatawag na Kuya ang binata. Ginantihan siya ng malawak na ngiti ni Dewei. "Oh, Vanna.. ang aga mong umuwi..." sabi ni Velora na naglalakad palapit sa kanila. Napatulog na niya si Baby Devor at nasa kuna nito. Napabaling ang tingin ni Vanna sa kapatid. "Si Papa... tumawag siya kanina sa akin sa school at pinapunta niya tayo sa kasal ng kapatid natin ngayon na. Kasal daw niya." Imporma niya. Nagulat si Velora. Tila parang nahigit niya ang kanyang paghinga. "P-Pinapupunta niya tayo doon?" "Oo, Ate. Sa katunayan nga ipinadala ni Papa ang address kung saan ang kasal." 'Di nakaimik si Velora. Tanggap na kaya sila ng haft sister niya? Parang ang hirap paniwalaan. Ang laki ng kasalanan ng Mama nila sa unang pamilya ng Papa niya at maiintindihan niya kung magalit ito sa kani
"KAYA pala hindi mo masabi sa amin kung sino ang Tatay ng anak mo? E, napakayaman pala niya. Velora, ang swerte mo. Ikaw ang babaeng pinagpala sa lahat. Isang Dewei Hughes ang naging karelasyon mo at ama ni Devor. Naku, sisikat ka na parang artista," bulalas ni Len habang naglalakad sila papunta sa palengke.'Di naman malayo sa tinitirhan nila ang palengke. Kaya puwedeng lakarin."Hindi swerte 'yun, Ate Len. Nagkataon lang na empleyada niya ako sa Solara Essence noon," sagot niya. Pilit itinatago ang totoong naging ugnayan nila ni Dewei noon."Aba'y hindi. Ang magkagusto sa'yo si Dewei, iba. May nakita siya sa'yo na 'di niya nakikita sa iba..."Walang espesyal sa kanya para magustuhan ng isang Dewei Hughes. Isa pa rin siyang simple at mataas ang pangarap na babae.Hindi na sumagot pa si Velora. Ayaw na niyang dugtungan ang pinag-uusapan nila. Baka kung saan pa mapunta iyon at masabi lang niya na hindi puwede dahil may asawa na si Dewei. May pamilya na ang tao, 'di na siya dapat pa pum
LUMABAS ng bahay si Velora para ilabas saglit si Devor. Pero nasira agad ang magandang araw niya nang masilayan si Dewei. "Good morning, Mrs. Hughes," matamis ang ngiting bati ng binata. Umusok agad ang ilong ni Velora sa narinig. "Anong maganda sa umaga kung ganyan na kaagad ang bati mo? Puwede ba, ha. Tigilan mo 'ko! 'Wag mong sirain ang araw ko!" Napalunok si Dewei. Naging mas naging tigre ata ang asawa niya ngayong umaga. "Flowers for you, Velora," sabi pa niya na nailahad ang bulalak. Tinitignan lang iyon at ni hindi tinanggap. Napapagod na ang kamay ni Dewei habang nakalahad ang bulaklak. Pero maya-maya ay kinuha rin iyon ni Velora. Napangiti siya ng lihim. "Hoy! Huwag kang magsaya. Hindi porket kinuha ko ang bulaklak ay okay na tayo." Pagsusungit pa rin ni Velora. Napakamot si Dewei sa kanyang ulo. "Ako na ang mag-aalaga kay Devor. Baka pagod ka na." Napatingin si Velora sa anak. Parang tuwang-tuwa pa itong nakikita si Dewei. Panay ang ngiti ng anak niya. Mag
KASAL nina Dwight at Marilyn mamaya. Walang preparasyon, walang mga bisita, at walang malaking handaan. Sila-sila lang, ang mag-asawang Donny at Solara, ang anak nina Marilyn at Dwight na si Marizca, at si Vener, ang ama ni Marilyn. Bago ayusan ang mag-inang sina Marilyn at Marizca ay nasa kuwarto lang sila at hindi lumalabas. Ang laki ng pagtataka sa mukha ng anak. 'Di niya alam paano sisimulan ipaliwanag kay Marizca ang lahat. Pero unti-unti ay pipilitin niyang ipaintindi sa anak ang lahat. Napadako ang tingin ni Marilyn sa simpleng damit na isusuot niya sa kasal nila ni Dwight. Isang white plain dress at terno silang mag-ina. Alam niyang malaking kahihiyan ang ginawa niya, na halos hindi na niya alam paano tumingin sa mata ng magulang nina Dwight at Dewei. "May okasyon po ba? Sino pong ikakasal?" takang tanong ni Marizca. Nginitian lang ni Marilyn ang anak. Parang pinapatay siya ng sarili niyang konsensiya habang ganito ang trato nila sa kanya. Hindi niya deserve ang gani
NAPATITIG si Dewei kay Velora, tila kinakabisa ang mukha ng kanyang asawa. Simple na ang ayos nito ngayon, mula nang dumating si baby Devor sa buhay nila. But she was still the Velora he loved—ang babaeng palaging may pulang lipstick sa labi. Kapag naiisip niya iyon, mabilis mag-react ang katawan niya… lalo na ang kaibigan niyang natatakpan lang ng boxer at pantalon. Parang ayaw pa atang maniwala ni Velora sa sinabi niya kanina. Pinag-iisipan tuloy ni Dewei kung paano niya ipapaalam kay Velora na matagal na silang kasal. Ngayon palang nakikita na niya kung gaano siya nito ipagtabuyan paalis sa buhay nila ng anak niya. "Payagan mo lang 'ko ipaliwanag sa'yo ang lahat. Tapos, aalis na ako. Puwede ba?" Nakikiusap ang mga tingin niya. Irap ang naging ni Velora. "Naiintindihan ko. Hindi mo na ako mapapatawad sa nagawa ko sa'yo pati na ng pamilya ko..." tumayo siya at nakayuko ang ulo na tumalikod kay Velora. Nasa isip ni Dewei na magbabago ang isip ng asawa at pakikinggan ang lahat n
GUMAGANTI na rin ng halik si Velora. Ipinagkakanulo siya ng sarili niyang katawan. Kahit anong pigil ng isip, gusto naman ng puso at ng katawan niya, wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Nanatiling mulat ang kanyang mga mata. Baka sa pagpikit niya, bigla na lamang maglaho si Dewei. Ayaw pa niyang matapos ang panaginip na ito. Nang sa pagitan ng halikan nila ay dumapo ang mga kamay ni Dewei sa dibdib niya. "Sh^t! Parang totoo na 'to, ah..." usal niya sa isip. Hindi ito isang panaginip. Si Dewei nga ang nasa ibabaw niya, humahalik sa labi niya. Napakunot ang kanyang noo. Napatiim si Velora ng kanyang labi at itinukod ang dalawang kamay sa dibdib ng binata. Bumalikwas siya ng bangon. "Hoy! G^go ka ba? Anong ginagawa mo dito sa kuwarto naming mag-ina?" Sunod-sunod na mga tanong niya. Napatilapon si Dewei at napaupo sa sahig. "Baby, naman. Masakit..." daing niya habang hawak ang piging nasaktan at dahan-dahan na tumatayo. "Talagang masasaktan ka! Anong ginagawa mo dito? Si
HUMALAKHAK ng malakas si Jai. "Velora, nagpaghahalata ka. Miss mo na si Dewei. Tama ako, 'no?" nanunukso niyang tanong. Doon natauhan si Velora. Pinamulahan siya ng mukha nang marinig ang sinabi ni Jai. Napatakip siya ng kanyang mukha. Hiyang-hiya sa kanyang kaibigan. Napagkamalan pang si Dewei ang kasama sa sala. Kinuha niya ang throw pillow at ibinato kay Jai. Mabilis na umiwaa ang binata, 'di siya natamaan. Kinuha niya ang unan na tatawa-tawa. Saka, nilapitan si Velora. Umupo siya sa tabi ng kaibigan. Kumuha ng isang slice ng pizza saka kumagat at nginuya. Napabaling siya sa kanyang katabi. "Paano nga kaya kung biglang dumating si Dewei sa harapan mo? Anong gagawin mo?" Kaswal niyang tanong. Saglit na natigilan si Velora. Hindi siya naka-react agad sa tanong ni Jai. Napainom tuloy siya ng kape para mawala ang pagbabara ng lalamunan. "Hi-Hindi ko alam..." napaiwas siya ng tingin kay Jai. May sumilay na nakakalokong ngiti ang binata. "Kinakabahan ka. Parang pupunta naman
"SAMAHAN mo 'ko, Jai. Gusto ko silang makita... kahit patago lang. Miss na miss ko na sila," mahina pero buo ang loob na sabi ni Dewei. Pinipilit niyang magpakatatag, pero ramdam ni Jai ang bigat sa boses nito. Sa kabila ng kagustuhang magpatawad, hindi mabura ni Dewei ang sakit, kung paanong winasak nina Dwight at Marilyn ang buhay niya. Ang tanging pag-asa na lang niya, kung sakaling makita niya ulit sina Velora at Devor, baka muling tumibay ang puso niyang pagod na sa pakikibaka. "Oo naman. Bakit hindi ka pa nagpapakita kay Velora? Bawiin mo na siya, Dewei. Sayang ‘yung pagmamahal n’yo. Ngayon ka pa ba aatras?" sagot ni Jai, may bahid ng paghihikayat sa boses. "Kailangan kong maging handa. May anak na kami ni Velora. Isa pa, gusto kong humingi ng tawad ang pamilya ko sa kanya. Umaasa ako... sana tanggapin na siya ngayon." "Sana nga," ani Jai. "Kilala mo naman sila. Mabilis manghusga lalo kung mahirap lang ang kausap. Hindi man lang nila sinubukang kilalanin si Velora bago