"G-GOOD morning, S-Sir Dewei. Nakapagluto na po ako ng breakfast natin. Kumain na po kayo..." nauutal pa na bati ni Velora sa amo. Bakas ang ilang sa kanilang dalawa. Maagang nagising si Velora. Pero ang totoo ay hindi talaga siya nakatulog sa labis na pag-iisip. Naisipan niyang magluto ng agahan bago siya umalis. "Mamaya pa po pala darating ang sundo kong taxi pabalik sa Manila," dugtong imporma ng dalaga. Nagpasundo siya kay Manong Edgar. Hindi ito makakarating kaagad dahil sa biglaan ang pagtawag niya. Tumango lamang si Dewei at hindi ito nagsalita. Pero palihim niyang tinatapunan ng tingin si Velora at sa tuwing hindi ito nakatingin sa puwesto niya. Tumatagal ang mga mata ng binata sa exposed na legs ni Velora. Ang iksi iksi kasi ng shorts na suot. Nakikita na niya ang hindi niya dapat makita. 'Di niya maalala ang tawag sa shorts ni Velora. Napaisip na parang tang@ si Dewei. "Is that a pek pek shorts?" Biglang namutawing tanong ni Dewei sa bibig. Napatingin bigla si Velora s
TAHIMIK sina Velora at Dewei habang magkaharap na nakaupo. Nasa library sila ng rest house. Matiim na pinagmamasdan ng binata ang reaksyon ng mukha ni Velora. "Give me your phone and your wallet, Velora..." maawtoridad na utos ni Dewei. Napaamang si Velora pero wala ding nagawa. Nag-aalangan man pero ibinigay niya pa rin ang phone at wallet niya kay Dewei. Kumunot ang noo ng binata. Bumungad sa mata niya ang sexy post na pictures ni Velora sa screen. Napatikhim si Dewei. "You have a passcode." Muling ibinalik niya ang phone. "Remove your passcode." May diing utos pa niya. "Pero, sir---" Itinaas ni Dewei ang kanyang kanang kamay. Kaya naputol ang sasabihin sana ni Velora. "Just do what I say," madiing giit niya. Napabuntong hininga si Velora. Inis niyang tinanggl ang passcode ng phone niya. "Ayan na po, wala ng passcode." Nakasimangot na ibinalik ng dalaga ang phone kay Dewei. Tumango tango ang binata habang tinatanggap ang phone. Binuksan niya ang gallery at may ti
NAPAIGTING ang bagang ni Dewei at kumuyom ang kamao. Umikot siya para lapitan si Velora. Walang sabi sabi na marahas niyang hinaklit sa braso ang dalaga. "I will make sure, Velora, that no other man will ever get to enjoy your body. From now on, you will never belong to anyone but me! Remember that," madiing sabi niya sabay bitaw sa braso ng dalaga. Napahimas si Velora sa kanyang braso. Sa higpit ng hawak ni Dewei ay namula ang parte ng kanyang braso. Napatayo ang dalaga, tikom ang dalawang palad. Galit niyang tinapunan ng tingin si Dewei. "Nakapirma lang ako sa kontrata pero hindi mo ako pag-aari! At kung anuman ang namagitan sa atin noon ay wala lang yun. Isang gabi lang na parte ng trabaho ko!" Malakas ang loob niyang tugon. Tutal, iyon na rin ang tingin ni Dewei sa kanya. Isang baba3ng put@, e, di paninindigan na niya. Magpapatalo ba siya kay Dewei Hughes? Sa nakikita niya sa binata, alam niyang hindi na siya nito kailanman itatrato ng tama o bilang isang babae. Bayaran pa d
HINDI namalayan ni Velora na nakaidlip pala siya. Nagising lang siya sa malalakas na katok at sigaw sa pintuan. Napabalikwas siya ng bangon at nagmamadaling binuksan ang pinto."Itong taong ito talaga kung makakatok, akala mo may sunog. Sisirain pa talaga ang pintuan.."Nang mabuksan niya ang pinto ay bumungad ang walang ekspresyon na mukha ni Dewei sa kanya. Walang paalam na bigla na lang itong pumasok sa loob ng kuwarto. Na ikinakunot ng noo niya."Take all your things and transfer to my room," Dewei commanded icily.Napataas ang kilay ni Velora sa utos ng amo. "Sandali nga lang... bakit kailangan pa na ilipat ko ang mga gamit ko sa kuwarto mo?"Para saan 'yun? Hindi naman kulang ng kuwarto dito sa bahay. May mga extrang kuwarto pa nga."Dahil sinabi ko... at simula mamayang gabi, sa kuwarto ko na ikaw matutulog.""Sa isang kuwarto tayong dalawa matutulog?!" Nabibiglang tanong ni Velora, na may pagtataka.Mariing napatiim si Dewei ng kanyang labi. "Kailangan na paulit ulit?""Nakaka
"HOY! Ano ba! Ibaba mo nga 'ko!" Mga bulyaw niyang palag at pinagpapalo sa dibdib ang binata. "Huwag kang malikot. Mahuhulog ka," pananakot ni Dewei na naglakad papunta sa kama. Hindi ininda ang mga palo ng dalaga sa kanya. Natahimik si Velora na nanghahaba ang nguso. Ikinawit na lang ang dalawang kamay sa batok ni Dewei. Baka nga mahulog siya sa sahig o baka isadya ng binata ihulog siya. Maingat na inilapag ni Dewei si Velora paupo sa gilid ng kama. Kasunod nito, napaupo rin siya at tumunghay sa dalaga. Tahimik na tinitigan ang mukha ni Velora. Kinabisado ni Dewei ang buong mukha nito at saka bumaba ang kanyang mata sa mabibilog na d!bd!b ni Velora. Lalong natakam siya sa kanyang nakikita. Nakakasabik na muling mahaplos ang balat ng dalaga. Bumilis ang tibok ng puso ni Velora sa klase ng titig ni Dewei. Parang gustong kumawala sa kanyang dbdib. Ramdam niya ang mabilis na ugong nito na parang tambol at hindi niya mapigilan. Hinawakan ni Dewei ang garter ng maong shorts ng
NAPABALING ang tingin ni Velora sa kanyang katabi. Muli naulit na may nangyari sa kanila ni Dewei. Nasa isip niya na sana ganito din siya kabilis makatulog. "Ang guwapo talaga ng g@gong ito kahit tulog," bulalas niya na titig na titig sa guwapong mukha ni Dewei. May sumilay na ngiti sa labi ni Velora pero may pait sa puso niya. Dumapo ang isang kamay niya sa pisngi ng binata. Marahang hinaplos iyon. Napagpasyahan ni Velora na bumaba sa kama. Wala siyang pakialam kung wala siyang saplot sa katawan. Hindi naman na din siya makakatulog. Dumiretso siya sa banyo para muna maligo. Nang matapos ay nagsuot lang siya ng maluwag na t-shirt at shorts na maong. Pagkatapos ay nagsuklay at lumabas ng kuwarto. Nagmamadali na pumunta si Velora sa kusina. Baka kasi magising na din si Dewei. Kung may makakita sa kanila aakalain ng iba na may relasyon o para silang mag-asawa dahil sa iisang bahay sila nakatira at natutulog sa isang kuwarto. Sila lang ni Dewei ang tao sa resthouse, wala ang katiwa
MABILIS lumipas ang isang linggo. Walang naging problema sa pagsasama nina Velora at Dewei sa resthouse ng binata, maliban na lang sa madalas na pag-alis ni Dewei, na hindi alam ni Velora kung saan ito nagpupunta. Hindi naman siya makapagtanong sa binata. Wala siyang karapatang magreklamo at sabihin ang kahit anong saloobin niya. Pero, masaya siya na kahit paano ay maayos naman ang pakikitungo ni Dewei sa kanya. Para hindi mabagot si Velora ay inaalagaan niya ang mga halaman na garden, wala namang gagawa kundi siya lang. Palagi rin siyang naiiwan sa bahay. Saka para mawala na rin ang pagkamiss niya sa kapatid. Nagiging abala ang isip niya sa paghahalaman. Kagaya ngayon, wala si Dewei. Tiyak na gagabihin na naman ng uwi ang binata. Kinagabihan, mataman na naghihintay si Velora sa binata. Alas nuebe na ng gabi ay wala pa ito. Malamig na ang mga pagkain na inihanda niya. Nagluto pa siya kung hindi rin naman pala kakainin. Masisira at masasayang lamang. Nakaidlip na lang siya sa upua
NASA kabilang kuwarto si Velora. Nakaupo sa kama, nakasandal at yakap yakap ang mga tuhod habang humahagulhol ng malakas na iyak. Bato talaga ang puso ni Dewei. Palibhasa, mayroon ito ng lahat sa mundo, kapangyarihan, yaman, at impluwensiya. Hindi ito kailanman natutong umintindi ng damdamin ng iba. Para sa kanya, walang halaga ang luha, lalo na kung tungkol ito sa mga bagay na hindi niya kailanman itinuring na mahalaga. Muli siyang napahagulgol, mas mahigpit pang niyakap ang sarili. Hanggang kailan niya titiisin ang ganito? Hanggang kailan siya magpapakat@nga sa isang lalaking ni hindi yata marunong makaramdam? "Umaasa ka bang aamuhin ka niya at patatahanin sa pag-iyak? Wake up, girl! Asa ka pa!" Kastigo ng sariling utak. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha. Parang pader sa tigas ang lalaling 'yon. Walang puwang ang sorry dito. Ni hindi ata alam ni Dewei ang salitang sorry. "Nakakainis ka talaga, Dewei Hughes! I hate you! I hate you so much!" Malakas na sigaw ni V
BUHAT ni Dwight ang asawang si Marilyn. Wala itong malay at duguan ang damit. Kasunod niya ang ama ng asawa, mga kapatid nito, at si Dewei. "Doktor! Doktor!" malakas na sigaw ni Dwight habang napatingin kay Marilyn. Mula sa isang kuwarto ay lumabas ang isang babaeng nurse at agad silang nilapitan. "Ano pong nangyari sa pasyente?" "She got hit by a speeding car," sagot ni Dwight. "Ipasok n'yo na po sa loob at ihiga niyo sa bed. Tatawagin ko lang po ang doktor." Utos ng babaeng nurse at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Sumunod si Dwight sa sinabi ng nurse at naiwan sina Velora sa labas na nakasilip lamang sa loob habang maingat na naihiga si Marilyn sa bed. Takot na takot sila habang ang kanilang mga mata ay nasa kapatid. Ilang minuto lamang ay bumabalik ang babaeng nurse, kasama na ang doktor. "Excuse me po..." sabi ng doktor at binigyan nila ng daan ang lalaking doktor para makapasok sa loob. Napatingin si Dewei kay Velora. Banaag na banaag sa mukha nito ang pag-aalala at so
NATULALA si Marilyn nang marinig ang salitang "Papa" mula sa dalagita patungkol sa kanyang ama. Sinundan na lang niya ng tingin ang mga ito, parang naumid ang dila at hindi makapagsalita. Kaagad na tumayo si Vener at nilapitan ang magkapatid. "Buti nakarating kayo, mga anak ko, sa kasal ng kapatid n'yo." Nagkatinginan sina Velora at Vanna, saka muling napadako ang tingin kay Marilyn. Nagulat din ang mag-asawang Hughes sa narinig na magkapatid sa ama sina Marilyn at Velora. "Hindi totoo ’to..." mahina at hindi makapaniwalang sabi ni Marilyn. "Marilyn, totoong magkakapatid kayong tatlo. Anak ko sila kay Minerva," paliwanag ni Vener. Hinawakan ni Vener ang mga kamay nina Velora at Vanna saka lumapit kay Marilyn. Parang biglang namanhid ang buong katawan ni Velora nang mapagtantong magkapatid nga sila ni Marilyn. Nagtatanong ang kanyang tingin sa ama. "Mga anak, ang Ate Marilyn n'yo…" pakilala pa niya sa panganay. "Si Vanna ang bunso, at si Velora ang panganay sa kanilang dalawa
NAGMAMADALI na pumasok sa loob ng bahay si Vanna. Napatigil siya nang makita si Dewei Hughes sa loob ng bahay nila at nakaupo sa sopa. "Ma-Magandang araw po, Ku-Kuya Dewei," bati niya na hindi pa rin sanay na tinatawag na Kuya ang binata. Ginantihan siya ng malawak na ngiti ni Dewei. "Oh, Vanna.. ang aga mong umuwi..." sabi ni Velora na naglalakad palapit sa kanila. Napatulog na niya si Baby Devor at nasa kuna nito. Napabaling ang tingin ni Vanna sa kapatid. "Si Papa... tumawag siya kanina sa akin sa school at pinapunta niya tayo sa kasal ng kapatid natin ngayon na. Kasal daw niya." Imporma niya. Nagulat si Velora. Tila parang nahigit niya ang kanyang paghinga. "P-Pinapupunta niya tayo doon?" "Oo, Ate. Sa katunayan nga ipinadala ni Papa ang address kung saan ang kasal." 'Di nakaimik si Velora. Tanggap na kaya sila ng haft sister niya? Parang ang hirap paniwalaan. Ang laki ng kasalanan ng Mama nila sa unang pamilya ng Papa niya at maiintindihan niya kung magalit ito sa kani
"KAYA pala hindi mo masabi sa amin kung sino ang Tatay ng anak mo? E, napakayaman pala niya. Velora, ang swerte mo. Ikaw ang babaeng pinagpala sa lahat. Isang Dewei Hughes ang naging karelasyon mo at ama ni Devor. Naku, sisikat ka na parang artista," bulalas ni Len habang naglalakad sila papunta sa palengke.'Di naman malayo sa tinitirhan nila ang palengke. Kaya puwedeng lakarin."Hindi swerte 'yun, Ate Len. Nagkataon lang na empleyada niya ako sa Solara Essence noon," sagot niya. Pilit itinatago ang totoong naging ugnayan nila ni Dewei noon."Aba'y hindi. Ang magkagusto sa'yo si Dewei, iba. May nakita siya sa'yo na 'di niya nakikita sa iba..."Walang espesyal sa kanya para magustuhan ng isang Dewei Hughes. Isa pa rin siyang simple at mataas ang pangarap na babae.Hindi na sumagot pa si Velora. Ayaw na niyang dugtungan ang pinag-uusapan nila. Baka kung saan pa mapunta iyon at masabi lang niya na hindi puwede dahil may asawa na si Dewei. May pamilya na ang tao, 'di na siya dapat pa pum
LUMABAS ng bahay si Velora para ilabas saglit si Devor. Pero nasira agad ang magandang araw niya nang masilayan si Dewei. "Good morning, Mrs. Hughes," matamis ang ngiting bati ng binata. Umusok agad ang ilong ni Velora sa narinig. "Anong maganda sa umaga kung ganyan na kaagad ang bati mo? Puwede ba, ha. Tigilan mo 'ko! 'Wag mong sirain ang araw ko!" Napalunok si Dewei. Naging mas naging tigre ata ang asawa niya ngayong umaga. "Flowers for you, Velora," sabi pa niya na nailahad ang bulalak. Tinitignan lang iyon at ni hindi tinanggap. Napapagod na ang kamay ni Dewei habang nakalahad ang bulaklak. Pero maya-maya ay kinuha rin iyon ni Velora. Napangiti siya ng lihim. "Hoy! Huwag kang magsaya. Hindi porket kinuha ko ang bulaklak ay okay na tayo." Pagsusungit pa rin ni Velora. Napakamot si Dewei sa kanyang ulo. "Ako na ang mag-aalaga kay Devor. Baka pagod ka na." Napatingin si Velora sa anak. Parang tuwang-tuwa pa itong nakikita si Dewei. Panay ang ngiti ng anak niya. Mag
KASAL nina Dwight at Marilyn mamaya. Walang preparasyon, walang mga bisita, at walang malaking handaan. Sila-sila lang, ang mag-asawang Donny at Solara, ang anak nina Marilyn at Dwight na si Marizca, at si Vener, ang ama ni Marilyn. Bago ayusan ang mag-inang sina Marilyn at Marizca ay nasa kuwarto lang sila at hindi lumalabas. Ang laki ng pagtataka sa mukha ng anak. 'Di niya alam paano sisimulan ipaliwanag kay Marizca ang lahat. Pero unti-unti ay pipilitin niyang ipaintindi sa anak ang lahat. Napadako ang tingin ni Marilyn sa simpleng damit na isusuot niya sa kasal nila ni Dwight. Isang white plain dress at terno silang mag-ina. Alam niyang malaking kahihiyan ang ginawa niya, na halos hindi na niya alam paano tumingin sa mata ng magulang nina Dwight at Dewei. "May okasyon po ba? Sino pong ikakasal?" takang tanong ni Marizca. Nginitian lang ni Marilyn ang anak. Parang pinapatay siya ng sarili niyang konsensiya habang ganito ang trato nila sa kanya. Hindi niya deserve ang gani
NAPATITIG si Dewei kay Velora, tila kinakabisa ang mukha ng kanyang asawa. Simple na ang ayos nito ngayon, mula nang dumating si baby Devor sa buhay nila. But she was still the Velora he loved—ang babaeng palaging may pulang lipstick sa labi. Kapag naiisip niya iyon, mabilis mag-react ang katawan niya… lalo na ang kaibigan niyang natatakpan lang ng boxer at pantalon. Parang ayaw pa atang maniwala ni Velora sa sinabi niya kanina. Pinag-iisipan tuloy ni Dewei kung paano niya ipapaalam kay Velora na matagal na silang kasal. Ngayon palang nakikita na niya kung gaano siya nito ipagtabuyan paalis sa buhay nila ng anak niya. "Payagan mo lang 'ko ipaliwanag sa'yo ang lahat. Tapos, aalis na ako. Puwede ba?" Nakikiusap ang mga tingin niya. Irap ang naging ni Velora. "Naiintindihan ko. Hindi mo na ako mapapatawad sa nagawa ko sa'yo pati na ng pamilya ko..." tumayo siya at nakayuko ang ulo na tumalikod kay Velora. Nasa isip ni Dewei na magbabago ang isip ng asawa at pakikinggan ang lahat n
GUMAGANTI na rin ng halik si Velora. Ipinagkakanulo siya ng sarili niyang katawan. Kahit anong pigil ng isip, gusto naman ng puso at ng katawan niya, wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Nanatiling mulat ang kanyang mga mata. Baka sa pagpikit niya, bigla na lamang maglaho si Dewei. Ayaw pa niyang matapos ang panaginip na ito. Nang sa pagitan ng halikan nila ay dumapo ang mga kamay ni Dewei sa dibdib niya. "Sh^t! Parang totoo na 'to, ah..." usal niya sa isip. Hindi ito isang panaginip. Si Dewei nga ang nasa ibabaw niya, humahalik sa labi niya. Napakunot ang kanyang noo. Napatiim si Velora ng kanyang labi at itinukod ang dalawang kamay sa dibdib ng binata. Bumalikwas siya ng bangon. "Hoy! G^go ka ba? Anong ginagawa mo dito sa kuwarto naming mag-ina?" Sunod-sunod na mga tanong niya. Napatilapon si Dewei at napaupo sa sahig. "Baby, naman. Masakit..." daing niya habang hawak ang piging nasaktan at dahan-dahan na tumatayo. "Talagang masasaktan ka! Anong ginagawa mo dito? Si
HUMALAKHAK ng malakas si Jai. "Velora, nagpaghahalata ka. Miss mo na si Dewei. Tama ako, 'no?" nanunukso niyang tanong. Doon natauhan si Velora. Pinamulahan siya ng mukha nang marinig ang sinabi ni Jai. Napatakip siya ng kanyang mukha. Hiyang-hiya sa kanyang kaibigan. Napagkamalan pang si Dewei ang kasama sa sala. Kinuha niya ang throw pillow at ibinato kay Jai. Mabilis na umiwaa ang binata, 'di siya natamaan. Kinuha niya ang unan na tatawa-tawa. Saka, nilapitan si Velora. Umupo siya sa tabi ng kaibigan. Kumuha ng isang slice ng pizza saka kumagat at nginuya. Napabaling siya sa kanyang katabi. "Paano nga kaya kung biglang dumating si Dewei sa harapan mo? Anong gagawin mo?" Kaswal niyang tanong. Saglit na natigilan si Velora. Hindi siya naka-react agad sa tanong ni Jai. Napainom tuloy siya ng kape para mawala ang pagbabara ng lalamunan. "Hi-Hindi ko alam..." napaiwas siya ng tingin kay Jai. May sumilay na nakakalokong ngiti ang binata. "Kinakabahan ka. Parang pupunta naman