SA pagkapasok ni Velora sa loob ng kanilang apartment na magkapatid ay bumungad ang madilim at nakakabinging katahimikan.Nang binuksan niya ang ilaw ay bumalot ang liwanag sa paligid. Andoon pa ang sopa at ilang mga gamit sa sala. Kaagad siyang pumasok sa loob ng kaniyang kuwarto. Napansin niya ang dalawang maleta. Nasa maleta na ang kanyang mga damit. Bukas ng gabi ay pupunta siya sa Maison para kausapin si Rosenda.'Di siya tatalikod sa napag-usapan. Malaki ang pangangailangan niya sa pera.Naupo si Velora sa gilid ng kanyang kama. Binuksan ang kanyang bag at kinuha ang tseke na bayad sa kanya ni Dewei."Patawarin mo ako, Dewei. Kung kailangan ko mang gawin 'to." Nangingilid ang mga luha na sabi ni Velora habang nasa tseke ang kanyang mata.Pinunasan niya ang mga luha niya at ibinalik ang tseke sa loob ng kanyang bag. Naihiga ni Velora ang kanyang likod sa kanyang malambot na kama. Namiss din niya ang kama niya. Masakit man ang kanyang buong katawan dahil sa naganap sa pagitan nila
NAGISING si Velora hapon na at kumalam ang kanyang sikmura. Di pa pala siya kumakain simula noong makauwi siya. Bumangon siya at paika ikang naglakad papunta sa kusina. Masakit pa rin talaga ang kanyang gitna. Di nga niya alam kung paano niyang natiis kaninang madaling araw habang pauwi siya sa apartment.Nagluto siya at pagkatapos ay naligo. Pupuntahan niya si Aster sa bahay nito.Nang makakain si Veloera ay pumunta siya sa kuwarto niya kinuha ang bag niya at isang bond paper. Matapos iyong sulatan ay inilagay niya sa isang malinis na white envelope at nai-seal.Nag-ayos si Velora. Simpleng blue dress ang kanyang suot. Pero litaw na litaw ang ganda niya dahil sa mestistahin niyang aura. Tinernuhan niya ang kanyang ng white flat sandals.Alas syete ng gabi nang lumabas siya sa apartment niya at naghihintay sa labas ang taxi."Good evening po, Manong Edgar." Magalang na bati ni Velora, pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng taxi."Magandang gabi din sa'yo. Kumusta ang araw mo, Velora
PINUNIT ni Dewei ang letter na bumungad sa kanya na nasa ibabaw ng kanyang lamesa, sa pagkapasok na pagkapasok niya ng kanyang opisina. Inihagis niya iyon at nagkalat sa sahig ang pira pirasong punit na papel. "Magenta! Magenta!" Dumadagundong ang malalakas na sigaw niya sa apat na sulok ng kanyang opisina. Wala pang limang segundo ay nakikita na ni Dewei ang kanyang sekretarya na natatarantang tumatakbo palapit sa kanya. "B-Bakit po, s-sir?" Napapalunok na tanong ni Magenta. Hinihingal pa ito galing sa pagtakbo na lumapit sa lamesa ni Dewei. "Who gave Velora's resignation letter? Did she come to my office?" mga sunod sunod na tanong ni Dewei. Nagtataka lang siya na pagkatapos ibigay sa kanya ng dalaga ang virginity nito ay bigla na lamang siyang iiwan basta sa condo niya. Ang tanging natira ay ang mga marka ng dugo sa bed sheet. Hindi din pumasok si Velora sa Solara. Ang akala niya ay makikita niya ang dalaga sa kompanya. Naghintay siya pero walang Velora ang dumating at resign
NAGMAMADALI ang kilos na pumasok si Jai sa opisina ng HR. Good morning, Mrs. Rodriguez. Hihiramin ko lang sana ang staff file ni Miss Velora Venice," bungad sabi ni Jai sa babaeng nakasalamin. Siya si Rosaryo Rodriguez, ang head HR ng Solara Essence. Tumunghay ang ginang kay Jai at inalis ang kanyang salamin. Nginitian siya nito. "Good morning din sa'yo. Maupo ka muna, iche-check ko lang ang staff number ni Velora. Pero bakit mo hinihingi ang info sheet niya?" Tumalima si Jai at umupo sa upuang nasa harapan ng lamesa ni Mrs. Rodriguez. "Kailangan po ni Mr. Hughes." "Oh, I see." Wikang saad ni Mrs. Rodriguez na tumatango tango. Tumayo na ito at pumunta sa drawer kung saan ang mga info sheet ng lahat empleyado sa Solara Essence. Sinundan ng mga mata ni Jai ang ginang na binuksan ang second drawer at may kinuhang white folder. Binuklat iyon ni Mrs. Rodriguez at nagbalik sa upuan niya. "Here is her file. Kung may iba pa kayong kailangang impormasyon tungkol kay Velora Venice
RED na fitted dress ang suot ni Velora habang naglalakad papasok sa entrance ng Maison Rouge. As sual, mababa na naman ang cleavage niya at litaw na litaw ang kalahati ng dalawang pisngi ng kanyang dibdib. Sinasadya ni Velora iyon para lalong maakit ang mga kalalakihan sa kanya. Binabati siya ng lahat ng kanyang mga kasamahan, na ginagantihan niya ng ngiti o tango. Ilang gabi din siyang hindi pumasok sa Maison. Ito ang ikatlong gabi na sinabi ni manager sa kanya na bumalik sa club. Kaya heto siya, nagbabalik para tanggapin ang inaalok nitong trabaho. Bahala na kung saan siya tatahakin ng kanyang kapalaran. Para naman lahat ito kay Vanna. Ang importante ay maisagawa ang kidney transplant ng kapatid at maging maayos ang kalusugan. "Oyy, Queen V! Long time no see!" Malakas na tili ni Marisol nang makita siya. Sinuyod siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa. At hinawakan ang kanyang kamay, itinaas sa kanyang saka inikot ikot siya na parang isinasayaw. Halos mahilo si Velora sa gina
NAGING maagap ang kamay ni Rosenda pilit inagaw ang papel kay Velora."Pipirma ka ba o hindi?!"Napasinghap si Velora sa pagtaas ng boses ni manager sa kanya."Pipirma naman po ako. Pero, bakit parang ayaw niyong ipabasa sa akin ang nakalagay sa kontrata?Naiinis na siya. Para tuloy may itinatago sa kanya ang kanilang manager."Ikaw ang walang tiwala sa akin, V. Sinabi ko na kay sir na tutupad tayo sa lahat ng gusto niya. Parang wala lang itong kontrata. Nagpapaka-sigurista lang siya. Ayaw niyang bigla ka na lang umatras. Sayang naman ang perang ibqbayad niya sa 'tin. Makakasuhan pa tayong dalawa at makukulong kapag may aberya. Di ba?" mahabang sagot ni Rosenda. Kinukumbinsing maigi si Velora na pirmahan na lang ang papel at 'wag nang basahin.Hindi na siya puwedeng pumalpak ulit. Nabalaan na siya noong nakaraan."Sige po, manager. Akina ang ballpen at pipirmahan ko na..." nag-aalangan na tugon ni Velora. Napipilitan na lang na umayon para matapos na ang usapan.Sigurado naman siya s
PUMARADA ang magarang sasakyan ni Dewei sa harapan ng isang tatlong pintong apartment. Mula sa backseat, tahimik niyang pinagmasdan ang labas, ang mga aninong gumagalaw sa ilalim ng malamlam na ilaw ng poste. Sa tabi ng driver, nakaupo si Jai. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang kanyang assistant, bago muling ibinaling ang paningin sa harapan ng apartment. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya, hindi tiyak kung dapat ba siyang bumaba o manatili na lang sa loob ng sasakyan. Gabing gabi na nang pumunta sila sa apartment nina Velora. Nagdadalawang isip siya kung dapat pa ba niyang puntahan ang dalaga. Ayaw pa niyang aminin sa sarili na gusto niya si Velora —na gusto niyang bumalik ito sa Solara. "Iyon lang ba, Dewei?" untag ng sariling utak niya. Sa isang mumurahing apartment nakatira sila Velora. Luma, may sira ang pader, at nababakas ang lumang pintura na may kaunting bitak. Maraming tambay ang nakatayo sa gilid, nagkukuwentuhan habang nagyoyosi, at ang ilan ay
"SINO nga kayo ulit? At ano ang kailangan niyo kay Velora?" Nakataas ang kilay ng matabang babae habang nagpapalit lipat ng tingin kina Dewei at Jai. "Ahmm... Ma'am, I'm Jai, and this is my boss, Mr. Hughes. Taga-Solara Essence po kami..." Biglang nanlaki ang mga mata ni Aling Susan sa narinig. Kilalang kilala niya ang sikat na brand ng pabango na Solara. Sa katunayan nga ay mayroon siyang binili na pabangong, tatak Solara. "Solara Essence? Iyong sikat na brand ng pabango?" Hindi makapaniwala pa rin na tanong ng ginang. Tumango si Jai. "Opo. Andito po kami para tanungin si Velora sa inyo. Saan pong lugar sila lumipat ng bahay?" Namula bigla ang pisngi ng ginang. Nasa harapan niya ang may-ari ng pinakasikat na brand ng perfume sa bansa. Hindi pala basta basta ang mga ginoong bisita niya. Nahiya tuloy siya sa dalawang binata dahil sa inasal niya kanina. "Akala ko talaga mga manliligaw kayo ni Velora..." ani Susan, napapakamot sa ulo. Nagkatinginan sina Dewei at Jai. "No! We're n
NATULALA si Marilyn nang marinig ang salitang "Papa" mula sa dalagita patungkol sa kanyang ama. Sinundan na lang niya ng tingin ang mga ito, parang naumid ang dila at hindi makapagsalita. Kaagad na tumayo si Vener at nilapitan ang magkapatid. "Buti nakarating kayo, mga anak ko, sa kasal ng kapatid n'yo." Nagkatinginan sina Velora at Vanna, saka muling napadako ang tingin kay Marilyn. Nagulat din ang mag-asawang Hughes sa narinig na magkapatid sa ama sina Marilyn at Velora. "Hindi totoo ’to..." mahina at hindi makapaniwalang sabi ni Marilyn. "Marilyn, totoong magkakapatid kayong tatlo. Anak ko sila kay Minerva," paliwanag ni Vener. Hinawakan ni Vener ang mga kamay nina Velora at Vanna saka lumapit kay Marilyn. Parang biglang namanhid ang buong katawan ni Velora nang mapagtantong magkapatid nga sila ni Marilyn. Nagtatanong ang kanyang tingin sa ama. "Mga anak, ang Ate Marilyn n'yo…" pakilala pa niya sa panganay. "Si Vanna ang bunso, at si Velora ang panganay sa kanilang dalawa
NAGMAMADALI na pumasok sa loob ng bahay si Vanna. Napatigil siya nang makita si Dewei Hughes sa loob ng bahay nila at nakaupo sa sopa. "Ma-Magandang araw po, Ku-Kuya Dewei," bati niya na hindi pa rin sanay na tinatawag na Kuya ang binata. Ginantihan siya ng malawak na ngiti ni Dewei. "Oh, Vanna.. ang aga mong umuwi..." sabi ni Velora na naglalakad palapit sa kanila. Napatulog na niya si Baby Devor at nasa kuna nito. Napabaling ang tingin ni Vanna sa kapatid. "Si Papa... tumawag siya kanina sa akin sa school at pinapunta niya tayo sa kasal ng kapatid natin ngayon na. Kasal daw niya." Imporma niya. Nagulat si Velora. Tila parang nahigit niya ang kanyang paghinga. "P-Pinapupunta niya tayo doon?" "Oo, Ate. Sa katunayan nga ipinadala ni Papa ang address kung saan ang kasal." 'Di nakaimik si Velora. Tanggap na kaya sila ng haft sister niya? Parang ang hirap paniwalaan. Ang laki ng kasalanan ng Mama nila sa unang pamilya ng Papa niya at maiintindihan niya kung magalit ito sa kani
"KAYA pala hindi mo masabi sa amin kung sino ang Tatay ng anak mo? E, napakayaman pala niya. Velora, ang swerte mo. Ikaw ang babaeng pinagpala sa lahat. Isang Dewei Hughes ang naging karelasyon mo at ama ni Devor. Naku, sisikat ka na parang artista," bulalas ni Len habang naglalakad sila papunta sa palengke.'Di naman malayo sa tinitirhan nila ang palengke. Kaya puwedeng lakarin."Hindi swerte 'yun, Ate Len. Nagkataon lang na empleyada niya ako sa Solara Essence noon," sagot niya. Pilit itinatago ang totoong naging ugnayan nila ni Dewei noon."Aba'y hindi. Ang magkagusto sa'yo si Dewei, iba. May nakita siya sa'yo na 'di niya nakikita sa iba..."Walang espesyal sa kanya para magustuhan ng isang Dewei Hughes. Isa pa rin siyang simple at mataas ang pangarap na babae.Hindi na sumagot pa si Velora. Ayaw na niyang dugtungan ang pinag-uusapan nila. Baka kung saan pa mapunta iyon at masabi lang niya na hindi puwede dahil may asawa na si Dewei. May pamilya na ang tao, 'di na siya dapat pa pum
LUMABAS ng bahay si Velora para ilabas saglit si Devor. Pero nasira agad ang magandang araw niya nang masilayan si Dewei. "Good morning, Mrs. Hughes," matamis ang ngiting bati ng binata. Umusok agad ang ilong ni Velora sa narinig. "Anong maganda sa umaga kung ganyan na kaagad ang bati mo? Puwede ba, ha. Tigilan mo 'ko! 'Wag mong sirain ang araw ko!" Napalunok si Dewei. Naging mas naging tigre ata ang asawa niya ngayong umaga. "Flowers for you, Velora," sabi pa niya na nailahad ang bulalak. Tinitignan lang iyon at ni hindi tinanggap. Napapagod na ang kamay ni Dewei habang nakalahad ang bulaklak. Pero maya-maya ay kinuha rin iyon ni Velora. Napangiti siya ng lihim. "Hoy! Huwag kang magsaya. Hindi porket kinuha ko ang bulaklak ay okay na tayo." Pagsusungit pa rin ni Velora. Napakamot si Dewei sa kanyang ulo. "Ako na ang mag-aalaga kay Devor. Baka pagod ka na." Napatingin si Velora sa anak. Parang tuwang-tuwa pa itong nakikita si Dewei. Panay ang ngiti ng anak niya. Mag
KASAL nina Dwight at Marilyn mamaya. Walang preparasyon, walang mga bisita, at walang malaking handaan. Sila-sila lang, ang mag-asawang Donny at Solara, ang anak nina Marilyn at Dwight na si Marizca, at si Vener, ang ama ni Marilyn. Bago ayusan ang mag-inang sina Marilyn at Marizca ay nasa kuwarto lang sila at hindi lumalabas. Ang laki ng pagtataka sa mukha ng anak. 'Di niya alam paano sisimulan ipaliwanag kay Marizca ang lahat. Pero unti-unti ay pipilitin niyang ipaintindi sa anak ang lahat. Napadako ang tingin ni Marilyn sa simpleng damit na isusuot niya sa kasal nila ni Dwight. Isang white plain dress at terno silang mag-ina. Alam niyang malaking kahihiyan ang ginawa niya, na halos hindi na niya alam paano tumingin sa mata ng magulang nina Dwight at Dewei. "May okasyon po ba? Sino pong ikakasal?" takang tanong ni Marizca. Nginitian lang ni Marilyn ang anak. Parang pinapatay siya ng sarili niyang konsensiya habang ganito ang trato nila sa kanya. Hindi niya deserve ang gani
NAPATITIG si Dewei kay Velora, tila kinakabisa ang mukha ng kanyang asawa. Simple na ang ayos nito ngayon, mula nang dumating si baby Devor sa buhay nila. But she was still the Velora he loved—ang babaeng palaging may pulang lipstick sa labi. Kapag naiisip niya iyon, mabilis mag-react ang katawan niya… lalo na ang kaibigan niyang natatakpan lang ng boxer at pantalon. Parang ayaw pa atang maniwala ni Velora sa sinabi niya kanina. Pinag-iisipan tuloy ni Dewei kung paano niya ipapaalam kay Velora na matagal na silang kasal. Ngayon palang nakikita na niya kung gaano siya nito ipagtabuyan paalis sa buhay nila ng anak niya. "Payagan mo lang 'ko ipaliwanag sa'yo ang lahat. Tapos, aalis na ako. Puwede ba?" Nakikiusap ang mga tingin niya. Irap ang naging ni Velora. "Naiintindihan ko. Hindi mo na ako mapapatawad sa nagawa ko sa'yo pati na ng pamilya ko..." tumayo siya at nakayuko ang ulo na tumalikod kay Velora. Nasa isip ni Dewei na magbabago ang isip ng asawa at pakikinggan ang lahat n
GUMAGANTI na rin ng halik si Velora. Ipinagkakanulo siya ng sarili niyang katawan. Kahit anong pigil ng isip, gusto naman ng puso at ng katawan niya, wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Nanatiling mulat ang kanyang mga mata. Baka sa pagpikit niya, bigla na lamang maglaho si Dewei. Ayaw pa niyang matapos ang panaginip na ito. Nang sa pagitan ng halikan nila ay dumapo ang mga kamay ni Dewei sa dibdib niya. "Sh^t! Parang totoo na 'to, ah..." usal niya sa isip. Hindi ito isang panaginip. Si Dewei nga ang nasa ibabaw niya, humahalik sa labi niya. Napakunot ang kanyang noo. Napatiim si Velora ng kanyang labi at itinukod ang dalawang kamay sa dibdib ng binata. Bumalikwas siya ng bangon. "Hoy! G^go ka ba? Anong ginagawa mo dito sa kuwarto naming mag-ina?" Sunod-sunod na mga tanong niya. Napatilapon si Dewei at napaupo sa sahig. "Baby, naman. Masakit..." daing niya habang hawak ang piging nasaktan at dahan-dahan na tumatayo. "Talagang masasaktan ka! Anong ginagawa mo dito? Si
HUMALAKHAK ng malakas si Jai. "Velora, nagpaghahalata ka. Miss mo na si Dewei. Tama ako, 'no?" nanunukso niyang tanong. Doon natauhan si Velora. Pinamulahan siya ng mukha nang marinig ang sinabi ni Jai. Napatakip siya ng kanyang mukha. Hiyang-hiya sa kanyang kaibigan. Napagkamalan pang si Dewei ang kasama sa sala. Kinuha niya ang throw pillow at ibinato kay Jai. Mabilis na umiwaa ang binata, 'di siya natamaan. Kinuha niya ang unan na tatawa-tawa. Saka, nilapitan si Velora. Umupo siya sa tabi ng kaibigan. Kumuha ng isang slice ng pizza saka kumagat at nginuya. Napabaling siya sa kanyang katabi. "Paano nga kaya kung biglang dumating si Dewei sa harapan mo? Anong gagawin mo?" Kaswal niyang tanong. Saglit na natigilan si Velora. Hindi siya naka-react agad sa tanong ni Jai. Napainom tuloy siya ng kape para mawala ang pagbabara ng lalamunan. "Hi-Hindi ko alam..." napaiwas siya ng tingin kay Jai. May sumilay na nakakalokong ngiti ang binata. "Kinakabahan ka. Parang pupunta naman
"SAMAHAN mo 'ko, Jai. Gusto ko silang makita... kahit patago lang. Miss na miss ko na sila," mahina pero buo ang loob na sabi ni Dewei. Pinipilit niyang magpakatatag, pero ramdam ni Jai ang bigat sa boses nito. Sa kabila ng kagustuhang magpatawad, hindi mabura ni Dewei ang sakit, kung paanong winasak nina Dwight at Marilyn ang buhay niya. Ang tanging pag-asa na lang niya, kung sakaling makita niya ulit sina Velora at Devor, baka muling tumibay ang puso niyang pagod na sa pakikibaka. "Oo naman. Bakit hindi ka pa nagpapakita kay Velora? Bawiin mo na siya, Dewei. Sayang ‘yung pagmamahal n’yo. Ngayon ka pa ba aatras?" sagot ni Jai, may bahid ng paghihikayat sa boses. "Kailangan kong maging handa. May anak na kami ni Velora. Isa pa, gusto kong humingi ng tawad ang pamilya ko sa kanya. Umaasa ako... sana tanggapin na siya ngayon." "Sana nga," ani Jai. "Kilala mo naman sila. Mabilis manghusga lalo kung mahirap lang ang kausap. Hindi man lang nila sinubukang kilalanin si Velora bago