Malawak ang ngiti na hinahaplos haplos ni Ely ang buhok ni Cory. Nkatunghay sa mukha ni Ely na tulog na tulog at siya ay hindi dalawin ng antok. Sobrang galak ang kanyang nararamdaman na buo ang pamilya nila ni Ely. Sana lang ay hindi na matapos ang lahat ng kaligayahang nararasanan nila ngayong magkakasama na sila na iisang bubong.Maingat na tinanggal ni Cory ang hita ni Ely sa kanyang hita. Pati na ang kamay nitong nasa beywang niya. Nang matanggal ni Cory ay walang ingay na tumayo siya ng kama. Hinalikan niya sa pisngi si Ely. Bago lumabas ng kuwarto.Hapon na at siguradong uuwi na ang mga anak nila galing eskwelahan. Ayaw din ni Cory madisapppoint ang dalawang bata. Kapag hindi siya nakitang naghihintay sa kanila sa labas.Pagkababa sa sala ay dumiretso muna siya ng kusina. Tiningnan kung ano ang puwedeng ibigay na meryenda sa kanyang mag ama. Binuksan niya ang ref. Nakita niya na mayroong sangkap para sa paggawa ng sandwich. Masiglang kinuha niya ang mga iyon. Tama, gagawa na la
Napasabunot ng buhok si Ely. Gabi na wala pa din si Cory. Hindi pa din ito nakakauwi ng bahay. Kasama niya ngayon ang Mommy at Daddy niya. Padating na din ang mga kaibigan niya. Tutulong daw ang mga ito sa paghahanap sa asawa niya. Kasama naman ni Carvie ang dalawang pamangkin sa loob ng kuwarto ni Calli. Hindi pa alam ng mga bata na hindi pa nakakauwi ang kanilang ina. Nahihirapan siyang ipaliwanag ang pagkawala ni Cory sa mga anak nila. "What's your plan, Anak?" tanong ni Lester. Nakikita nila kung gaano ka problemado ang kanilang anak. "As of this moment, Dad. I don't know. Hangga't hindi ko alam kung nasaan si Cory. Hindi ako mapapakali. She promised, hindi niya kami iiwan. Panghahawakan ko po iyong pinangako niya" kinakabahan na sagot ni Ely sa ama. "Why don't you just let go the mother of your children, Ely? Hayaan mo siyang umalis. Kung ayaw na niyang umuwi sa iyo. Then let her. Hindi siya kawalan!" singit na sabat ni Eladia. "Mom, don't say that. She's still my wife. And
Maaga pa ay nasa presinto na sila Ely. Kasama ang mga kaibigan niya. Inimbestigahan ang pagkawala ni Cory. At may nalakap silang impromasyon na totoong pumunta ng supermarket si Cory. Naiwan ang mga pinamili ni Cory sa daan. At itinurn over iyon sa mga pulis."Tito Omari, ano pong sabi ng witness?" nag aalalang tanong ni Ely."Ang totoo, Ely. Hindi pa din natin na matatawag na matibay ang sinasabi nung nakakita kay Cory. Pero isa lang ang tiyak. Walang panghaharass kay Cory. Sumama siya ng kusang loob. Ang mga pinamili niya ay iniwan niya mismo doon sa witness natin. Kaya ang hirap na matunton ngayon ang kinaroroonan ng asawa mo ngayon" mahaba ng paliwanag ni Omari. "Pinapalabas niyo po ba na sumama sa ibang lalaki ang asawa ko?! Ganoon po ba ang sinasabi nila?" tumaas ang boses na tanong ni Ely. Agad siyang dinaluhan ng mga kaibigan."Pare, calm down. Wala naman sinasabi na ganoon si Tito" awat ni Omar sa kaibigan. Napalingon si Ely sa kanya.Malakas na tinulak ni Ely si Omar. "Sina
Limang buwan ang lumipas hanggang sa naging isang taon. Hindi pa din tumitigil si Ely sa paghahanap kay Cory. Ramdam na niya ang pagod at kawalan ng pag asa na makita pa asawa. Pero ayaw niyang sumuko. Kumakapit pa din siya sa pag asang babalikan sila ni Cory. Kahit abutin man ng limang taon. Kahit sampung taon pa. Abutin man kung gaano katagal. Okay lang maghihintay pa din siya. Hihintayin niya ang pagbabalik ni Cory sa kanilang mag ama. "Tatay, namimiss ko na po si Nanay. Nasaan po ba siya?" inosenteng tanong ni Elias sa ama. Napatigil si Ely. Nangangapa kung anong isasagot sa anak."I miss Nanay too" malungkot na nasabi na lamang ni Ely. Miss na din niya ang kanyang mahal na asawa. Isang taon na din ang lumipas na wala ito sa piling nilang mag ama. "Ako din po, Tatay. Miss na miss na si Nanay" malungkot na sabat ni Calli.Nakahiga sila sa kama nilang mag asawa. Yakap ni Ely ang dalawang anak. Hindi na niya napigilan ang sarili na lumuha. Agad iyon nakita ni Calli."Tatay, huwag k
Tumunghay ng ulo si Ely kay George. "What happen to her?" tanong niya nang makabalik sa wisyo."Nagkaroon siya ng head trauma. She's been in coma for almost a year. At nang magkamalay siya ay naging ganyan na siya. Walang gana sa buhay. Umiiyak at hindi nagsasalita" paliwanag na sagot ni George. Kaagad na tumayo si Ely at nilapitan si George. Kinuwelyuhan niya ito."Then, why you didn't report it?! Alam mo na may pamilya siya! Alam mo na may maghahanap sa kanya! Alam mo ang buong pangalan ng asawa ko pati na ang pangalan ko! Pero itinago mo pa din ang asawa ko!" galit na galit na singhal ni Ely kay George.Hinawakan lang ni George ang kamay ni Ely at tinanggal ang kamay nito sa kuwelyo niya. Tinanggal naman iyon ni Ely at pinagpagan ni George ang kuwelyo pati na ang polo na suot. Animo'y may dumi ang damit niya."Itinago ko siya dahil sa kalagayan niya. Dito ko siya sa bahay ko inilagak at ginamot. At first, I didn't know na may asawa siya. Until I confirm na buntis siya. She is two
Pauwi na si Ely nang bahay. Kahit paano ay nabunutan siya ng tinik nang makita ang asawa. Malungkot lang na naging ganoon kasama ang naging karanasan ni Cory sa ibang tao."I promise, Baby. Pagbabayaran nilang lahat ng ginawa nilang kahayupan sayo! Hindi ako titigil hangga't hindi mo nakakamit ang hustisya" usal na pangako ni Ely. Matalim na tingin ang naipukol niya sa daan.Nakarating na siya nang bahay. Madaling araw na. Tiyak na tulog na ang mga anak. Pagkapasok sa loob ng bahay ay dire diretso siya sa taas sa kuwarto ng mga bata.Una niyang pinuntahan ang kuwarto ni Calli. Dahan dahan niyang pinihit papasok ang seradura ng pinto. Nakita niya ang anak na mahimbing nang natutulog. Agad na nilapitan ni Ely ang panganay na anak. Umupo sa gilid ng kamay at hinaplos ang buhok ni Calli. Saka kinintalan ng halik sa pisngi. Tumayo na siya at inayos ang kumot ni Calli. Saka umalis sa kuwarto ng panganay na anak.Sumunod na pinuntahan niya ay ang kuwarto ng bunsong si Elias. Ang kuwarto ng a
Binuksan ni Ely ang pinto sa passenger seat at magkasunod na bumaba ang dalawang anak niya. Hinawakan ni Ely ang kamay ng dalawang bata."Tatay, kanino po itong bahay?" nakatubghay ang ulo sa ama."Makikita niyo, mga Anak. Kung sino ang pupuntahan natin sa bahay na iyan" turo pa ni Ely sa bahay. Mataman lang na nakatitig sina Calli at Elias sa bahay.Ely's hearts beat so fast. He couldn't imagine what his children will felt when they saw their mother. Their longing for their mother will disappear the moment thar they will saw Cory. It will probably the best day of his life. After a year they will be complete as a family.Manang Matilda open the door for them. Ngumiti si Ely sa matanda. At bumati. "Good morning po. This is my kids, Calli and Elias" pakilala niya sa dalawang anak."Magandang umaga din sa inyo. Kay ganda at guwapo naman ng anak mo, Ely" tumingin si Ely sa dalawang bata at ngumiti."Thank you po""Pasok na kayo sa loob. Kanina pa kayo hinihintay" aya ni Manang Matilda sa
Kaagad na tinawagan ni Ely si George. Hindi na niya malaman ang gagawin. Sobrang natataranta na siya sa mga ikinikilos ni Cory."Anong nangyari?" bungad na tanong ni George. Nasa may pintuan pa lamang ito at palipat lipat ng tingin sa mag asawa."Bigla na lang siyang umiyak. Pagkatapos nakatingin lang siya sa akin at hindi niya ako matandaan" sagot ni Ely. Ang mata niya ay nakay Cory.Nilapitan ni George ang kapatid. Tumayo si Ely at pinagmamasdan lang ang pagsuri ni George sa asawa niya. Hinawakan ni George si Cory sa dalawang kamay nito."Makinig ka. Diretso lang ang tingin sa akin. Gusto kong sagutin mo ang mga itatanong ko." saad ni George. Tumango ng ulo si Cory at nakatingin lang sa mga mata ni George "Anong pangalan mo?" tanong ni George."Cory Luna" mabilis na sagot ni Cory."Kilala mo ba ako?"Tumango ng ulo si Cory."Doc. George Sta. Maria" sagot ni Cory."Eh, siya. Kilala mo ba siya?" turo ni George kay Ely. Mataman lang na naghihintay si Ely sa isasagot ni Cory."Ely?" tum
Bumalikwas ng bangon si Cory. Mataas na ang sikat ng araw sa labas. Tanghali na? Napasarap ang tulog niya. May mga pasok ang mga anak nila ngayon.Nagmamadali siya na bumaba ng kama ng kama. Saka pumunta ng banyo. Mabilis na ginawa ang morning routine niya. Nang matapos ay nagbihis siya at lumabas ng kuwarto nilang mag asawa.Bumaba siya sa sala. Tahimik ang paligid. Nasaan ang mga tao? Maaga bang umalis si Ely papunta sa opisina niya? Hindi man lang siya ginising ni Ely. Nafrustrated na hindi siya ang nag-asikaso sa mga anak.Pumunta na lang siya ng kusina. Para tignan kung anong niluluto ni Manang Ester. Pero wala siyang nadatnan na tao doon. "Nasaan ang mga tao dito sa bahay?" usal na tanong ni Cory sa isip.Umakyat siyang muli para puntahan ang mga anak sa kuwarto ng mga ito. Una niyang binuksan ang kuwarto ni Calli. Wala doon ang panganay na anak. Sinunod niya ang kuwarto ni Elias. Katulad kay Calli ay wala din doon si Elias. Pati si Mari ay wala doon. Pati na ang bunso nila.Ag
"Nanay, may nanliligaw na po kay Ate Calli sa school." sumbong ni Elias sa ina. Napatingin si Cory sa kanyang panganay na anak. Dalagita na ngayon si Calli."Totoo ba iyon, Calli?""No, Nanay. Hindi po iyon totoo. Nagsisinungaling lang po siya. Si Elias kaya ang may crush na. Nahuli ko po siya na may kausap na student sa kabilang school." tangging sagot ni Calli sa ina. Nagtuturuan na ang dalawang bata sa kanya.Nagsalubong ang kilay ni Cory sa narinig. Malalaki na talaga ang mga anak nila ni Ely. Nagkakaroon na nang crush o nagugustuhan."Pag aaral muna ang atupagin ninyong dalawa. Okay lang kung magka-crush. Huwag lang pabayaan ang pag aaral." pangaral niya sa mga anak. "Nag aaral po akong mabuti. Ewan ko lang po kay Elias." sagot ni Calli. Fifteen years old na si Calli at nasa high school na. Habang si Elias ay labing tatlong taong gulang.Apat na ang anak nina Cory at Ely. Si Calli ang panganay nila. Sumunod si Elias, pangatlo si Mari, pang apat si Eliseo Jr. Eliss ang palayaw na
Cory's POV After nang kasal namin ni Ely sa simbahan ay mas lalong tumibay ang relasyon naming dalawa. Mas lalong napamahal si Ely sa akin. He is so perfect to me. Kung puwede lang sabitan siya nang medalya sa pagka uliran niyang asawa at ama ng mga anak namin ay ginawa ko na. Ilang beses kaming pinaglayo ng tadhana. Pero si Ely ang mas lumaban para matalo namin ang mga pagsubok ni Tadhana. Magsucced kami. At ngayon nga ay masayang masaya na nagsasama kasama ang aming mga anak. "Mahal, umuwi kana" tinawagan ko si Ely sa phone para lamang pauwiin sa bahay. "Why, Baby? Hinif pa tapos ang trabaho ko" "Kapag hindi ka umuwi. Aalis ako ngayon. Bibitbitin ko ang tatlong anak mo!" pananakot ko sa asawa ko. Ganito ako ngayon maglihi sa aming pang apat na anak. Navison ko na napasabunot ng buhok ang asawa ko. Kilalang kilala ko ang asawa ko. Kilos pa lang niya alam na alam ko na. "Okay. Uuwi na po" napabuga ito nang hangin na pumayag sa gusto ko. Hinid siya under de saya. Mahal na mahal
This is it! Ang araw na ikakasal sina Ely at Cory sa simbahan. Sa loob ng simbahan ay halos mapuno na ng mga bulaklak na paborito ni Cory. Ang tulips at white roses.Lahat ay excited na makita ang bride. Habang ang groom ay naghihintay sa pagpasok ni Cory sa loob ng simbahan. Si Omar ang kanyang bestman. Invited ang lahat ng kaibigan niya. Si Peter ay kasama sa mga abay at si Carvie. Pati na din si Vince. Kasama din sa mga groomsmen si Francis at Ashton. Kaibigan ni Parker. Habang ang kay Cory na maid of honor ay si Sierra. Pinsan ni George. Kasama sa bridesmaid sina Edna, Ditas, Sandra at Glenda. Naaliw sila kay Francis dahil hindi ito umaalis sa tabi ni Glenda. Si Glenda naman panay ang taboy kay Francis. Si Peter ay hindi na naalis ang tingin kay Edna. Naiinis naman si Sandra kay Ashton na kanina pa siya kinukulit. While Vince, tahimik lang sila ni Ditas. Napipi ang madaldal na si Ditas. Si Carvie ay isinama ang girlfriend na si Anastacia na maging partner niya.Ang flower girl ay
Buhat ni Cory ang isang bag na pinaglagyan ng mga gamit ng kanyang mga anak. Damit, laruan at kung ano ano pa. Nauna nang pumasok sina Ely kasama ang dalawang bata. Habang si Yaya Katring ay akay ang bunsong anak. Si Ditas ay nauna na ding pumunta ng kusina para tingnan kung ano pa ang puwede niyang iluto para sa hapunan nila.Nagulat si Cory nang biglang namatay ang ilaw sa buong kabahayan. Nanlaki ang mga mata niya. Naisip kaagad ang mga anak. Tiyak na mag iiyak ang bunso nilang si Mari. Pati na din si Elias. Takot pa naman sa dilim ang panganay na anak.Ang ipinagtataka niya ay walang tumatakbo para puntahan siya at igiya papasok sa loob ng bahay. Tangan ang cellphone na siyang nagsilbing flashlight sa kanyang daraanan."Ely!" tawag niya sa asawa. Tahimik ang buong paligid. Wala siyang marinig na ingay mula sa mga anak.Inilapag ni Cory ang dalang bag sa sofa saka dahan-dahan na humakbang. Sa sobrang dilim ay halos mangapa siya. Idagdag pang ramdam niyang mag isa lamang siya sa iba
"Sobrang miss ko na kayo. Mama, Papa at Cathleen. Nagsasaya na kayo diyan sa Itaas. Salamat po, Mama. Binigyan mo po ako ng isa pang kapatid. Si Kuya George. Masaya ako na nadadagdagan ang aking pamilya. May Kuya na ako at Ate pa kami ngayon ni Carvie. Hindi po kami ulila dahil palagi kayong andiyan para sa amin. Hindi man namin kayo kasama o nakikita. Andito kayo sa puso namin. Kailanman ay hindi mawawala" nitong nakalipas na dalawang taon ay hindi pumalya si Cory na dalawin ang namayapang magulang at kapatid. Pumupunta sila ng Samar para madalaw sila at muling makasama kahit na tuwing Araw ng mga Kaluluwa.Dalawang taon ang lumipas nuong nangyari ang insidente ng pagdukot kina Calli at Elias. Akala ni Cory ay tuluyan nang may mawawala sa kanyang buhay. Magluluksa kagaya nuong nawala si Cathleen sa kanilang magkapatid.Halos gumuho ang mundo niya nang malaman na isinugod sa ospital si Ely. Nagkaroon ito ng tama sa balikat. Dahil sa tama ng baril mula na kagagawan ni Mr. Martino. Nagp
Matalim na tingin ang ipinukol ni Ely. Tumatagos ito sa katawan ni Gerardo. "Bitawan mo ang anak ko! Kung hindi mauubos ang pasensiya ko na kanina ko pa tinitimpi! I can be evil that you cannot imagine. Sinusubukan kong pigilan ang konti kong pasensiya. Pero, nasasagad na ang pasensiya ko! Sobrang maiksing-maiiksi na. Better to let go of my child, now!" mga babala ni Ely habang nakatiim bagang at nasa likod ang kanyang kamay.Papalapit siya kay Gerardo nang hindi nito napapansin. Habang si Calli ay panay ang piglas sa hawak ni Gerardo sa kanya."Bitawan niyo po ako! Maawa po kayo sa akin. Sabi niyo Lolo namin kayo ni Elias" umiiyak na sabi ni Calli. Tumingin si Gerardo sa bata."Kaya po kami sumama ni Elias sa inyo kasi mabait kayo. Binilhan niyo pa po kami ng ice cream. Binantayan namin si Tita Gemma. Kasi sabi niyo gusto ninyong bumalik si Tita Gemma sa dati. Kagaya po ni Nanay. Pero, bakit po ngayon sinasaktan niyo kami ni Elias? Wala naman po kaming ginawa kay Tita Gemma na masama
Isa isang nagsibabaan ang mga pulis sa mga patrol car nila. Kasama nina Ely si Omari sa HiAce van na lulan sila."Dito lang kayo. Huwag na kayong sumunod pa sa amin sa loob" bilin ni Omari sa magkakaibigan. Magsasalita na sana si Ely nang pigilan ito ni Omari."Huwag nang matigas ang ulo, Ely" saad ni Omari ka Ely. Walang nagawa si Ely kundi ang magpaiwan sa loob ng van.Lumabas na ng sasakyan si Omari. Naiwan ang magkakaibigan sa loob. Hindi mapakali si Ely. Dalawang anak niya ang nasa loob ng bahay ng mga Martino. Napapapikit siya sa isiping puwedeng mangyari sa dalawang bata. Maghahanap pa siya ng mga salitang puwedeng ibigay na ipaliwanag sa asawa. Sa nakikita palang niya na gagawin ni Cory ay nanghihina na siya.Makakaya kaya niya na may mawala sa mga taong importante sa buhay niya?"Payagan niyo na ako. Kailangan kong makita ang mga anak ko!" pamimilit ni Ely. Hawak siya sa braso ni Parker at Nickson."Pare, hayaan mo na ang mga pulis. Ililigtas nila ang mga bata. Maghintay na l
Malakas na nahampas ni Ely ang manibela. Kung kailan siya nagmamadali. Saka pa siya maiipit sa traffic. Wala siyang magawa kundi ang maghintay. Masyado na siyang nag aalala para sa kalagayan ng mga anak. Pati na din sa kalagayan ng asawa niya. Kagagaling lang ni Cory at ayaw na ni Ely na bumalik ang sakit ng asawa. Sana lang ay hindi totoo ang hinala niya. Huwag naman sana ang kanilang dalawang anak."Cory!" alalang alala na tawag ni Ely sa asawa. Mabilis ang paghinga sa hingal dahil sa pagmamadali. Hinahanap ng mga mata niya ang asawa na ayon kay Edna ay kanina pa hindi humihinto sa pag iyak."Sir Ely?" si Edna ang nasalubong niya sa sala."Ang Ma'am Cory mo?""Nasa kuwarto niyo po. Kasama si Ditas at Yaya Katring. Kanina pa po umiiyak si Ma'am. Nag aalala na po kami ni Ditas" sagot ni Edna. Mababanaag ang ang takot para sa kaniyang aamong babae. Mabilis pa sa alas kuwatro na tumakbo si Ely pataas ng hagdan. Papunta sa kuwarto nilang mag asawa. Nang makarating sa tapat ng pinto ay k