Sinalubong agad si Ely ng Mommy at Daddy niya. Kumunot ang noo niya nang makita ang babaeng naging dahilan ng pagkasira ng pamilya niya, si Gemma.Umalis siya ng bansa at pumunta ng Greece para lumayo pansamantala. Hindi siya napigilan ng Mommy niya na hindi umalis. Alam naman niya na ipipilit na naman nito si Gemma sa kanya.Sa tingin niya kaya andito si Gemma ay may plano na naman ang Mommy niya na bigyan sila ng oras para makapag usap. Nuong umalis kasi siya ay ilang beses nang nagtatangka na makipag usap si Gemma sa kanya. Pero hindi niya iyon pinapansin.He promised na sa pagbabalik niya ay buo na ang loob niya na ipaglaban ang pamilya niya. Walang Gemma at walang Mommy niya ang makakahadlang. "Ely, namiss kita" may kislap ang mga mata na sabi ng Mommy niya sa kanya. At niyakap siya. Mataman lang na nakatingin si Gemma sa kanya."I missed you too Mommy" tugon ni Ely nang humarap siya sa Mommy niya. Hinalikan niya sa pisngi ang ina. Tinapik naman siya sa balik at ng Daddy niyaNa
Matagal na inasam ni Ely na makitang muli ang kanyang mag iina. Kaya ngayon na nasa malapit lang sila ay hindi niya palalampasin ang pagkakataong ito. Sabik na sabik na siya sa yakap ni Cory. Limang taon din na matagal sila hindi nagkasama na dalawa. Kung sana ay puso ang pinairal niya ay hindi mangyayari ito.Bawat madaan nila ay tinitingnan niyang mabuti. Dito sa lugar na ito nakayanan ng kanyang mag iina na tumira. Napakasimple ng buhay. Malapit sa dagat at tahimik ang kapaligiran. Huni ng ibon at lagaslas ng tubig ang maririnig.Unti unti niyang narealised kung anong klaseng buhay ang ibinigay niya sa asawa nuong magkasama pa sila. Mas nakakarelax ang pakiramdam na andito ang kanyang mag iina sa probinsiya. Hindi kagaya nuong nasa Maynila na walang katahimikan ang kalooban. Maingay at punong puno ng masasamang karanasan.Alas siete na ng gabi nang makarating sila Ely at Bryan sa lugar kung nakatira ang mag iina ni Ely.Maraming tao ang nasa labas. May dancing light at may mga, mal
"Dont cry, Baby. Andito na si Tatay" alo ni Ely sa anak na si Calli. Lumuhod siya para pantayan ang anak at pinunasan ang luha ng bata. Pagkatapos ay tumayo si at hinawakan ang kamay ng anak.Napaawang ang labi ni Cory. Hindi niya inaasahan na makikita ang dating asawa pagkalipas ng limang taon. Mataman lang siyang nakatingin sa kilos ni Ely.Habang si Francis ay napapailing ng kanyang ulo na nakapameywang.Papalapit nang papalapit si Ely sa kanila. Their eyes meet. Puno ng lungkot ang mga mata ni Ely. At halatang kagagaling lang sa pag iyak.Hinila bigla ni Francis si Cory papalapit sa kanya. Sa pag aakalang lalapitan si Cory. Pero dumiretso ito kay Elias.Ely caress the face of his son. He smile bitterly sweet. So, totoo ang hula niya. Lalaki ang sumunod na anak nila."Son, ako ito si Tatay" sabi ni Ely sa anak. Nakatingin lang si Elias sa ama. Walang reaksiyon at parang pilit na inintindi ang sinasabi ng lalaking kaharap niya."Elias, siya si Tatay. Dumating na siya. Alam ko babali
Iyak ng iyak si Cory. Habang si Francis ay inaalo siya. At si Glenda ay nasa tabi ni Cory."Tutulungan kitang makakuha ng visitation. Ilalaban natin sa korte" sabi ni Francis. Napatunghay bigla si Cory sa kanya."Visitation? Alam mo ba ang sinasabi mo Francis? Parang nanghihingi ako ng oras para sa mga anak ko. Ano yun, ha? Isisingit lang ang oras sa akin ako para makasama sila" ramdam nila ang frustration sa mga sinabi ni Cory."That's not I mean. Sa ngayon visitation lamang ang magagawa natin. Then we will appeal to the court. Makuha lang ang full custody ng mga bata para sayo. Kailangan nating kausapin ang abogado ko sa magandang gawin tungkol sa mga anak mo, Love""Ang hirap lang niyon para sa akin. Ramdam ko din na galit sa akin si Calli. Galit sa akin ang anak ko. Masakit iyon sa akin bilang isang ina. Gusto ko silang makasama. Hindi ko kaya na mawawala sila sa akin" lalo na siyang nanlumo sa sitwasyon nila ngayon."Mas maganda siguro na pakiusapan mo ang dati mong asawa, Cory.
Nakahanda na ang lahat ng dadalhin ni Cory. Isang bag lang ang dala niya. Hindi naman siya magtatagal doon. Mas gusto niya pa din na umuwi ng Antique."Mag iingat ka doon. Tawagan mo agad ako kapag nakuha mo na ang mga bata. Mamiss kita" maluluhang mga bilin ni Glenda. Habang hawak ang kamay ni Cory."Mamimiss din kita. Babalitaan kita palagi. Mag iingat ka din dito" sabi din ni Cory at niyakap ang kaibigan. Tinapik ni Francis si Cory sa balikat. Kumalas si Cory sa yakap at hinarap si Francis."Aalis na kami, Glenda" paalam ni Francis sa kaibigan ni Cory. Tumango naman ng ulo si Glenda at ngumiti.Inakbayan ni Francis si Cory at tumalikod na sila kay Glenda. Nasa sasakyan na ni Francis ang bag ni Cory.Mabilis silang makarating ng Manila. Dahil nagplane sila. At may trenta minuto lamang ang biyahe sa himpapawid. Dumiretso na kaagad sila sa tinutuluyan ni Carvie.Ipinakilala ni Cory si Francis sa kapatid. Hinarap naman ni Carvie ang bagong nobyo ng kapatid."Ate, dito kana tumira sa ba
"Sir, may bisita po kayo" imporma ng kasambahay ni Ely. Walang pasok si Ely ngayon. Nag leave siya ng one month para makasama ang mga anak. At para na din maka bonding niya ito. He will not let go his chance to with his kids.Busy sina Calli at Elias sa paglalaro ng mga toys nila sa sala. Si Ely ang mismong nagbabantay sa mga anak ngayon pa hindi siya muna pumasok sa kompanya. Kahit pa may kinuha na siya na Yaya para sa, dalawang bata."Sino daw?" tumayo siya mula sa sopa at nakapameywang na nagtanong sa kasambahay."Cory Luna daw po" nanlaki ang mga mata ni Ely. Ang dalawang bata ay napatigil sa paglalaro ng marinig ang pangalan ng kanilang ina."Si Nanay?" sabi ni Calli at tumayo na din ito at lumapit sa ama. Ganoon din ang ginawa ni Elias. Parehong kumapit sa binti niya ang dalawang bata."Papasukin mo?" utos ni Ely. Agad naman sinunod kasambahay ang sinabi ni Ely at pumunta ng pintuan.Naglalakad papasok sina Cory at Francis sa loob ng bahay ni Ely. Mukhang bago ang bahay ng datin
"Hindi ko pipirmahan yan! Napakatigas naman ng puso mo, Ely. Para gawin sa akin lahat ng ito. Hindi ko kaya na mawala ang mga anak ko sa akin. Pero hindi ko puwedeng gawin kapalit ang mga anak ko. Huwag mong gawin ito sa akin. Sila ang buhay ko" umiiyak na sabi ni Cory.Matigas ang anyo na tumingin lang si Ely kay Cory. Hindi siya maawa kay Cory. Hindi niya gagawin na maging madali ang lahat kina Francis at Cory. "Anong gusto mong gawin ko para hindi mo na ilayo ang mga anak ko sa akin, Ely? Gusto mo bang lumuhod ako sayo? Sige, luluhod ako. Huwag mo lang ilayo ang mga anak ko" dagdag na litanya ni Cory. Tumayo na si Cory at lumapit kay Ely. Maaga na pinigilan ni Francis si Cory."No, Love! Dont stoop down your level. Hindi mo kailangan magmakaawa para sa lalaki na yan! Just to get your kids!" pigil ni Francis kay Cory nang akma na ito na luluhod sa harapan ni Ely.Napaigting ang panga ni Ely."Yes! Dont waste my time. Bukas ang pinto. Puwede na kayong umalis na dalawa" sabi naman ni
Walang kibo pareho sina Cory at Francis habang lulan ng kotse ng binata. Parehong may malalim na iniisip ang dalawa. Paminsan minsan ay napapatingin si Cory kay Francis.Francis is with her for the past five years. Halos araw araw nakakausap. Araw araw nakikita. Tinutulungan siyang alagaan ang dalawa niyang anak. Laging may pasalubong kina Calli at Elias. He is helping her since they moved to Antique. And she appreciate all his effort. Masakit lang sa part na sa dami ng naitulong ni Francis sa kanya. Kahit isa wala siyang iginanti. O kaya ay binigay man lang.Ang inaasahan niyang pagmamahal man lang para kay Francis ay mawawala pa. Dahil hanggang ngayon si Ely pa din. May pitak na din sa puso niya si Francis. Pero hindi kasing lalim ng nararamdaman niya for Ely. Ely became her other haft. Kasal sila at may mga anak. Kay Ely lang din niya ibinigay ang sarili.Sa loob ng limang taon na wala si Ely sa tabi nilang mag iina ay wala siyang nakita na kahit na sino ang papalit sa puwesto nito
Bumalikwas ng bangon si Cory. Mataas na ang sikat ng araw sa labas. Tanghali na? Napasarap ang tulog niya. May mga pasok ang mga anak nila ngayon.Nagmamadali siya na bumaba ng kama ng kama. Saka pumunta ng banyo. Mabilis na ginawa ang morning routine niya. Nang matapos ay nagbihis siya at lumabas ng kuwarto nilang mag asawa.Bumaba siya sa sala. Tahimik ang paligid. Nasaan ang mga tao? Maaga bang umalis si Ely papunta sa opisina niya? Hindi man lang siya ginising ni Ely. Nafrustrated na hindi siya ang nag-asikaso sa mga anak.Pumunta na lang siya ng kusina. Para tignan kung anong niluluto ni Manang Ester. Pero wala siyang nadatnan na tao doon. "Nasaan ang mga tao dito sa bahay?" usal na tanong ni Cory sa isip.Umakyat siyang muli para puntahan ang mga anak sa kuwarto ng mga ito. Una niyang binuksan ang kuwarto ni Calli. Wala doon ang panganay na anak. Sinunod niya ang kuwarto ni Elias. Katulad kay Calli ay wala din doon si Elias. Pati si Mari ay wala doon. Pati na ang bunso nila.Ag
"Nanay, may nanliligaw na po kay Ate Calli sa school." sumbong ni Elias sa ina. Napatingin si Cory sa kanyang panganay na anak. Dalagita na ngayon si Calli."Totoo ba iyon, Calli?""No, Nanay. Hindi po iyon totoo. Nagsisinungaling lang po siya. Si Elias kaya ang may crush na. Nahuli ko po siya na may kausap na student sa kabilang school." tangging sagot ni Calli sa ina. Nagtuturuan na ang dalawang bata sa kanya.Nagsalubong ang kilay ni Cory sa narinig. Malalaki na talaga ang mga anak nila ni Ely. Nagkakaroon na nang crush o nagugustuhan."Pag aaral muna ang atupagin ninyong dalawa. Okay lang kung magka-crush. Huwag lang pabayaan ang pag aaral." pangaral niya sa mga anak. "Nag aaral po akong mabuti. Ewan ko lang po kay Elias." sagot ni Calli. Fifteen years old na si Calli at nasa high school na. Habang si Elias ay labing tatlong taong gulang.Apat na ang anak nina Cory at Ely. Si Calli ang panganay nila. Sumunod si Elias, pangatlo si Mari, pang apat si Eliseo Jr. Eliss ang palayaw na
Cory's POV After nang kasal namin ni Ely sa simbahan ay mas lalong tumibay ang relasyon naming dalawa. Mas lalong napamahal si Ely sa akin. He is so perfect to me. Kung puwede lang sabitan siya nang medalya sa pagka uliran niyang asawa at ama ng mga anak namin ay ginawa ko na. Ilang beses kaming pinaglayo ng tadhana. Pero si Ely ang mas lumaban para matalo namin ang mga pagsubok ni Tadhana. Magsucced kami. At ngayon nga ay masayang masaya na nagsasama kasama ang aming mga anak. "Mahal, umuwi kana" tinawagan ko si Ely sa phone para lamang pauwiin sa bahay. "Why, Baby? Hinif pa tapos ang trabaho ko" "Kapag hindi ka umuwi. Aalis ako ngayon. Bibitbitin ko ang tatlong anak mo!" pananakot ko sa asawa ko. Ganito ako ngayon maglihi sa aming pang apat na anak. Navison ko na napasabunot ng buhok ang asawa ko. Kilalang kilala ko ang asawa ko. Kilos pa lang niya alam na alam ko na. "Okay. Uuwi na po" napabuga ito nang hangin na pumayag sa gusto ko. Hinid siya under de saya. Mahal na mahal
This is it! Ang araw na ikakasal sina Ely at Cory sa simbahan. Sa loob ng simbahan ay halos mapuno na ng mga bulaklak na paborito ni Cory. Ang tulips at white roses.Lahat ay excited na makita ang bride. Habang ang groom ay naghihintay sa pagpasok ni Cory sa loob ng simbahan. Si Omar ang kanyang bestman. Invited ang lahat ng kaibigan niya. Si Peter ay kasama sa mga abay at si Carvie. Pati na din si Vince. Kasama din sa mga groomsmen si Francis at Ashton. Kaibigan ni Parker. Habang ang kay Cory na maid of honor ay si Sierra. Pinsan ni George. Kasama sa bridesmaid sina Edna, Ditas, Sandra at Glenda. Naaliw sila kay Francis dahil hindi ito umaalis sa tabi ni Glenda. Si Glenda naman panay ang taboy kay Francis. Si Peter ay hindi na naalis ang tingin kay Edna. Naiinis naman si Sandra kay Ashton na kanina pa siya kinukulit. While Vince, tahimik lang sila ni Ditas. Napipi ang madaldal na si Ditas. Si Carvie ay isinama ang girlfriend na si Anastacia na maging partner niya.Ang flower girl ay
Buhat ni Cory ang isang bag na pinaglagyan ng mga gamit ng kanyang mga anak. Damit, laruan at kung ano ano pa. Nauna nang pumasok sina Ely kasama ang dalawang bata. Habang si Yaya Katring ay akay ang bunsong anak. Si Ditas ay nauna na ding pumunta ng kusina para tingnan kung ano pa ang puwede niyang iluto para sa hapunan nila.Nagulat si Cory nang biglang namatay ang ilaw sa buong kabahayan. Nanlaki ang mga mata niya. Naisip kaagad ang mga anak. Tiyak na mag iiyak ang bunso nilang si Mari. Pati na din si Elias. Takot pa naman sa dilim ang panganay na anak.Ang ipinagtataka niya ay walang tumatakbo para puntahan siya at igiya papasok sa loob ng bahay. Tangan ang cellphone na siyang nagsilbing flashlight sa kanyang daraanan."Ely!" tawag niya sa asawa. Tahimik ang buong paligid. Wala siyang marinig na ingay mula sa mga anak.Inilapag ni Cory ang dalang bag sa sofa saka dahan-dahan na humakbang. Sa sobrang dilim ay halos mangapa siya. Idagdag pang ramdam niyang mag isa lamang siya sa iba
"Sobrang miss ko na kayo. Mama, Papa at Cathleen. Nagsasaya na kayo diyan sa Itaas. Salamat po, Mama. Binigyan mo po ako ng isa pang kapatid. Si Kuya George. Masaya ako na nadadagdagan ang aking pamilya. May Kuya na ako at Ate pa kami ngayon ni Carvie. Hindi po kami ulila dahil palagi kayong andiyan para sa amin. Hindi man namin kayo kasama o nakikita. Andito kayo sa puso namin. Kailanman ay hindi mawawala" nitong nakalipas na dalawang taon ay hindi pumalya si Cory na dalawin ang namayapang magulang at kapatid. Pumupunta sila ng Samar para madalaw sila at muling makasama kahit na tuwing Araw ng mga Kaluluwa.Dalawang taon ang lumipas nuong nangyari ang insidente ng pagdukot kina Calli at Elias. Akala ni Cory ay tuluyan nang may mawawala sa kanyang buhay. Magluluksa kagaya nuong nawala si Cathleen sa kanilang magkapatid.Halos gumuho ang mundo niya nang malaman na isinugod sa ospital si Ely. Nagkaroon ito ng tama sa balikat. Dahil sa tama ng baril mula na kagagawan ni Mr. Martino. Nagp
Matalim na tingin ang ipinukol ni Ely. Tumatagos ito sa katawan ni Gerardo. "Bitawan mo ang anak ko! Kung hindi mauubos ang pasensiya ko na kanina ko pa tinitimpi! I can be evil that you cannot imagine. Sinusubukan kong pigilan ang konti kong pasensiya. Pero, nasasagad na ang pasensiya ko! Sobrang maiksing-maiiksi na. Better to let go of my child, now!" mga babala ni Ely habang nakatiim bagang at nasa likod ang kanyang kamay.Papalapit siya kay Gerardo nang hindi nito napapansin. Habang si Calli ay panay ang piglas sa hawak ni Gerardo sa kanya."Bitawan niyo po ako! Maawa po kayo sa akin. Sabi niyo Lolo namin kayo ni Elias" umiiyak na sabi ni Calli. Tumingin si Gerardo sa bata."Kaya po kami sumama ni Elias sa inyo kasi mabait kayo. Binilhan niyo pa po kami ng ice cream. Binantayan namin si Tita Gemma. Kasi sabi niyo gusto ninyong bumalik si Tita Gemma sa dati. Kagaya po ni Nanay. Pero, bakit po ngayon sinasaktan niyo kami ni Elias? Wala naman po kaming ginawa kay Tita Gemma na masama
Isa isang nagsibabaan ang mga pulis sa mga patrol car nila. Kasama nina Ely si Omari sa HiAce van na lulan sila."Dito lang kayo. Huwag na kayong sumunod pa sa amin sa loob" bilin ni Omari sa magkakaibigan. Magsasalita na sana si Ely nang pigilan ito ni Omari."Huwag nang matigas ang ulo, Ely" saad ni Omari ka Ely. Walang nagawa si Ely kundi ang magpaiwan sa loob ng van.Lumabas na ng sasakyan si Omari. Naiwan ang magkakaibigan sa loob. Hindi mapakali si Ely. Dalawang anak niya ang nasa loob ng bahay ng mga Martino. Napapapikit siya sa isiping puwedeng mangyari sa dalawang bata. Maghahanap pa siya ng mga salitang puwedeng ibigay na ipaliwanag sa asawa. Sa nakikita palang niya na gagawin ni Cory ay nanghihina na siya.Makakaya kaya niya na may mawala sa mga taong importante sa buhay niya?"Payagan niyo na ako. Kailangan kong makita ang mga anak ko!" pamimilit ni Ely. Hawak siya sa braso ni Parker at Nickson."Pare, hayaan mo na ang mga pulis. Ililigtas nila ang mga bata. Maghintay na l
Malakas na nahampas ni Ely ang manibela. Kung kailan siya nagmamadali. Saka pa siya maiipit sa traffic. Wala siyang magawa kundi ang maghintay. Masyado na siyang nag aalala para sa kalagayan ng mga anak. Pati na din sa kalagayan ng asawa niya. Kagagaling lang ni Cory at ayaw na ni Ely na bumalik ang sakit ng asawa. Sana lang ay hindi totoo ang hinala niya. Huwag naman sana ang kanilang dalawang anak."Cory!" alalang alala na tawag ni Ely sa asawa. Mabilis ang paghinga sa hingal dahil sa pagmamadali. Hinahanap ng mga mata niya ang asawa na ayon kay Edna ay kanina pa hindi humihinto sa pag iyak."Sir Ely?" si Edna ang nasalubong niya sa sala."Ang Ma'am Cory mo?""Nasa kuwarto niyo po. Kasama si Ditas at Yaya Katring. Kanina pa po umiiyak si Ma'am. Nag aalala na po kami ni Ditas" sagot ni Edna. Mababanaag ang ang takot para sa kaniyang aamong babae. Mabilis pa sa alas kuwatro na tumakbo si Ely pataas ng hagdan. Papunta sa kuwarto nilang mag asawa. Nang makarating sa tapat ng pinto ay k