Sobrang kaba ang nararamdaman niya ngayon. Mas malakas ngayon. Dahil ito ang unang araw na pagsisilbijan niya ang kanyang mag ama. Hindi niya alam kung papasa ba may Ely. Nakita na niya ang bagong Ely ngayon. Malupit at walang puso."Ate, dadalaw ako sayo doon. Matagal ko din hindi nakita ang mga pamangkin ko" sabi ni Carvie at niyakap ang kapatid. Nagpaalam na siya kay Carvie. Dadalaw na lang siya sa kapatid kapag may oras. Kapag pinayagan siya ni Ely."Aasahan kitang dadalawin mo ako" tugon ni Cory. Nang kumalas ito sa yakap niya.Iginiya ni Francis si Cory para pumunta sa sasakyan. Hawak niya ang kamay ni Cory. Hindi niya alam kung kailan ulit magiging ganito kalapit sa kanya si Cory.Kung puwede lang sana na pigilan niya ang desisyon ni Cory. Pero hindi maari. Anak iyon ng babaeng mahal niya. May tiwala siya kay Cory. Hinding hindi ito aatras sa kasal nila. Buong biyahe na tahimik sila Francis at Cory. Hindi din alam ni Cory kung ano ang sasabihin kay Francis. Mababawasan na ang
Nakarating na sina Cory at Francis sa bahay ni Ely. Agad na lumabas si Francis at umikot para pag buksan si Cory ng pinto. Nakangiting inilahad ni Francis ang kamay kay Cory. Parang nawala na kaagad ang sakit naramdaman niya kanina.Kinuha pa ni Francis ang isang kamay ni Cory. At hinanap ito. "Mag iingat ka dito, Cory. Whenever you need my help just call me. We are still friends, remember that" sabi ni Francis. Tumango ng ulo si Cory. Hinalikan ni Francis sa noo si Cory.Ngumiti naman si Cory sa ginawa ni Francis."Ipagdadasal ko na makita mo na ang babae na mamahalin ka pabalik. At oo, magkaibigan pa din tayo" tugon ni Cory kay Francis. Malawak na ngumiti si Francis. Binitawan na niya ang kamay ni Ely. At pumunta si Francis sa likuran ng kotse niya para kunin ang bag ni Cory. Pagkakuha ay ibinigay niya itong nakangiti kay Cory.Muli niyang sinulyapan si Cory. Kumaway pa siya kay Cory. Cory waved back to Francis. Pareho na silang dalawa na may ngiti sa labi.Habang may isang tao na
Pagkatapos makapagbihis ng damit ay bumaba na si Cory. Hindi man niya nagugustuhan ang mga nangyayari. Kailangan lang niyang magtiwala. Sa pagmamahal niya kay Ely. Para sa mga anak niya. Hindi man niya alam kung saan siya mapupunta ng kanyang pagmamahal kay Ely. Na kailangan niyang mag sakripisyo para sa pamilya niya. Muli magtitiwala siya kay Ely. Muli niyang ibabalik ang pagmamahal nito sa kanya.Habang papalapit si Cory sa kusina ay mas lalo siyang kinabahan. Kaya ba niyang makita na magkalapit sina Ely at Gemma? Ready ba ang sarili niya sa lahat ng makikita niya?"Nanay!" malakas na sigaw ni Calli. Lumingon sina Ely at Gemma kay Cory. Dali dali itong tumayo at tumakbo palapit kay Cory. Nakangiti naman na sinalubong ni Cory ang anak. Yumuko siya para mayakap ang panganay na anak. Saka kumalas at tiningnan si Calli."Kamusta ang Calli ni Nanay?" masiglang tanong ni Cory."Okay lang po Nanay. Dito na po kayo umupo sa tabi ko" sagot at aya ni Calli sa ina. Tumango ng ulo si Cory. Nila
"Ely, akala ko ba pinag usapan na natin ito. Bakit parang napakasama ng dating ko sa inyo?" masama ang loob ni Gemma sa mga nangyayari."I'm sorry. Please give me time. Alam ko na makukuha din natin pareho ang mga gusto natin" sagot na turan ni Ely."I hope na kasama pa din kita sa laban ko na ito. Dont worry, after this wala na" dagdag na sabi ni Ely. Tumango ng ulo si Gemma.Ginagawa niya ito for Ely. At sa pakiusap nito sa kanya. Ayaw man niya. Wala siyang magawa. May kasalanan siya dito. So she will do to make things right.Nagpaalam na si Ely kay Gemma. At pumasok na sa kanyang kotse. Diretso na siyang umuwi sa bahay. Alam niyang naghihintay ang kanyang mga anak sa kanya."Cory, I hope tama ang ginagawa ko. This is for us. I want you to be mine again. Pero hanggat na kay Francis ka. Hindi matutupad ang gusto kong mangyari. Alam kong nasasaktan ka. Humihingi ako ng tawad, Baby" usal ni Ely habang tutok ang mga mata sa daan.Masayang naglalaro ang mag iina sa malawak na bakuran sa
Nagtataka siya sa sinabi ni Ely at ipinapakita ni Ely sa kanya. Indikasyon ba iyon na muling mabubuo ang pamilya nila na nasira? Ayaw niya sanang umasa. Lalo na andiyan si Gemma. May masasaktan na naman na isang tao. Hindi pa din niya alam kung matatanggap na ba siya ng Nanay ni Ely. Isa, pa, iyon sa malaking hadlang sa kanilang dalawa.Sumunod na din si Cory na pumasok sa loob ng bahay. Pagkapasok niya ay nadatnan niya si Ely na nasa sala. May kausap ito sa phone. Nang mapansin siya ay agad na ibinaba ang telepono niya. Tumayo ito at lumapit sa kanya.Napasinghap si Cory nang akbayan siya ni Ely. Tiningnan niya ito ng may pagtataka. Ely is too clingy. Kanina pa ito sa labas. Habang naglalaro sila kasama ang mga anak nila."Dont look at me like that. Hahalikan kita" babala niya kay Cory. Napairap si Cory at inalis ang kamay ni Ely sa balikat niya."Nakakahalata na ako sayo. Kanina kapa. Iniinis mo ba ako? Nagpunta ako dito para alagaan ang anak ko. Hindi makipagharutan sayo, Ely!"Ngu
Maingat na pinihit ni Cory ang seradura ng pintuan ng kuwarto ni Ely. Kanina pa siya katok ng katok sa labas. Hindi ito sumasagto. Kaya kusa na siyang pumasok dahil hindi naman nakalock ang pinto.Dala niya ang tray. Nagpatimpla kasi ito ng kape sa kanya. Nagpalinga linga siya sa buong kuwarto ni Ely. Malinis at maganda ang interior ng kuwarto ni Ely. Nilapitan niya ang mga picture na nakasabit sa wall.Namangha siya sa mga litrato doon. Picture ng kanyang mag ama. May picture din siya doon. Kuha nuong kasal nilang dalawa. Nangilid ang luha niya nang maalala ang gabi kung kailan sila ikinasal na dalawa. Its a surprise wedding. At isa sa pinaka hindi niya makakalimutang pangyayari sa buhay niya.Kaagad niyang pinunasan ang luha niya at pumunta ng balkonahe. Narinig niya ang boses ng isang tao na tila may kausap sa telepono. Wala siyang maintindihan sa sinasabi ni Ely dahil nakasara sa pinto doon. Pero tanaw niya si Ely dahil sa glass door. Nakatalikod sa kanya si Ely kaya hindi nito na
Nagising si Cory na may mabigat na nakadagan sa hita niya. Napaangat ang ulo niya. Nakita niya ang paa ni Ely. Humarap siya kay Ely na mahimbing pa din na natutulog. Napangiti si Cory na tinotoo ni Ely na matutulog lamang sila. Pero magkayakap. Halos ayaw na siyang bitawan ni Ely. Panaka naka pa siyang binibigyan nito ng halik sa buhok at noo. Ramdam niya ang pagmamahal ni Ely sa kanya. Ang tahimik. At payapa. Sana laging ganito na lamang sila. Wala nang magiging hadlang. Kahit pa may agam agam at pag aalinlangan. Pipilitin niyang alisin sa puso niya. Para tuluyan na sila maging masaya na isang pamilya.Maingat na tinanggal ni Cory ang paa ni Ely. Pati ang braso nitong nakayap ng mahigpit sa beywang niya. Dahan dahan na siyang umalis sa kama. Para hindi niya maistorbo ang tulog ni Ely."Mahal kita" mahinang usal ni Cory. Binigyan niya ng pinong halik sa labi si Ely. Saka tumalikod dito at lumabas ng kuwarto.Pababa ng hagdan ay nakita niya si Ditas. Ngumiti ito sa kanya."Good mornin
Malawak ang ngiti na hinahaplos haplos ni Ely ang buhok ni Cory. Nkatunghay sa mukha ni Ely na tulog na tulog at siya ay hindi dalawin ng antok. Sobrang galak ang kanyang nararamdaman na buo ang pamilya nila ni Ely. Sana lang ay hindi na matapos ang lahat ng kaligayahang nararasanan nila ngayong magkakasama na sila na iisang bubong.Maingat na tinanggal ni Cory ang hita ni Ely sa kanyang hita. Pati na ang kamay nitong nasa beywang niya. Nang matanggal ni Cory ay walang ingay na tumayo siya ng kama. Hinalikan niya sa pisngi si Ely. Bago lumabas ng kuwarto.Hapon na at siguradong uuwi na ang mga anak nila galing eskwelahan. Ayaw din ni Cory madisapppoint ang dalawang bata. Kapag hindi siya nakitang naghihintay sa kanila sa labas.Pagkababa sa sala ay dumiretso muna siya ng kusina. Tiningnan kung ano ang puwedeng ibigay na meryenda sa kanyang mag ama. Binuksan niya ang ref. Nakita niya na mayroong sangkap para sa paggawa ng sandwich. Masiglang kinuha niya ang mga iyon. Tama, gagawa na la
Bumalikwas ng bangon si Cory. Mataas na ang sikat ng araw sa labas. Tanghali na? Napasarap ang tulog niya. May mga pasok ang mga anak nila ngayon.Nagmamadali siya na bumaba ng kama ng kama. Saka pumunta ng banyo. Mabilis na ginawa ang morning routine niya. Nang matapos ay nagbihis siya at lumabas ng kuwarto nilang mag asawa.Bumaba siya sa sala. Tahimik ang paligid. Nasaan ang mga tao? Maaga bang umalis si Ely papunta sa opisina niya? Hindi man lang siya ginising ni Ely. Nafrustrated na hindi siya ang nag-asikaso sa mga anak.Pumunta na lang siya ng kusina. Para tignan kung anong niluluto ni Manang Ester. Pero wala siyang nadatnan na tao doon. "Nasaan ang mga tao dito sa bahay?" usal na tanong ni Cory sa isip.Umakyat siyang muli para puntahan ang mga anak sa kuwarto ng mga ito. Una niyang binuksan ang kuwarto ni Calli. Wala doon ang panganay na anak. Sinunod niya ang kuwarto ni Elias. Katulad kay Calli ay wala din doon si Elias. Pati si Mari ay wala doon. Pati na ang bunso nila.Ag
"Nanay, may nanliligaw na po kay Ate Calli sa school." sumbong ni Elias sa ina. Napatingin si Cory sa kanyang panganay na anak. Dalagita na ngayon si Calli."Totoo ba iyon, Calli?""No, Nanay. Hindi po iyon totoo. Nagsisinungaling lang po siya. Si Elias kaya ang may crush na. Nahuli ko po siya na may kausap na student sa kabilang school." tangging sagot ni Calli sa ina. Nagtuturuan na ang dalawang bata sa kanya.Nagsalubong ang kilay ni Cory sa narinig. Malalaki na talaga ang mga anak nila ni Ely. Nagkakaroon na nang crush o nagugustuhan."Pag aaral muna ang atupagin ninyong dalawa. Okay lang kung magka-crush. Huwag lang pabayaan ang pag aaral." pangaral niya sa mga anak. "Nag aaral po akong mabuti. Ewan ko lang po kay Elias." sagot ni Calli. Fifteen years old na si Calli at nasa high school na. Habang si Elias ay labing tatlong taong gulang.Apat na ang anak nina Cory at Ely. Si Calli ang panganay nila. Sumunod si Elias, pangatlo si Mari, pang apat si Eliseo Jr. Eliss ang palayaw na
Cory's POV After nang kasal namin ni Ely sa simbahan ay mas lalong tumibay ang relasyon naming dalawa. Mas lalong napamahal si Ely sa akin. He is so perfect to me. Kung puwede lang sabitan siya nang medalya sa pagka uliran niyang asawa at ama ng mga anak namin ay ginawa ko na. Ilang beses kaming pinaglayo ng tadhana. Pero si Ely ang mas lumaban para matalo namin ang mga pagsubok ni Tadhana. Magsucced kami. At ngayon nga ay masayang masaya na nagsasama kasama ang aming mga anak. "Mahal, umuwi kana" tinawagan ko si Ely sa phone para lamang pauwiin sa bahay. "Why, Baby? Hinif pa tapos ang trabaho ko" "Kapag hindi ka umuwi. Aalis ako ngayon. Bibitbitin ko ang tatlong anak mo!" pananakot ko sa asawa ko. Ganito ako ngayon maglihi sa aming pang apat na anak. Navison ko na napasabunot ng buhok ang asawa ko. Kilalang kilala ko ang asawa ko. Kilos pa lang niya alam na alam ko na. "Okay. Uuwi na po" napabuga ito nang hangin na pumayag sa gusto ko. Hinid siya under de saya. Mahal na mahal
This is it! Ang araw na ikakasal sina Ely at Cory sa simbahan. Sa loob ng simbahan ay halos mapuno na ng mga bulaklak na paborito ni Cory. Ang tulips at white roses.Lahat ay excited na makita ang bride. Habang ang groom ay naghihintay sa pagpasok ni Cory sa loob ng simbahan. Si Omar ang kanyang bestman. Invited ang lahat ng kaibigan niya. Si Peter ay kasama sa mga abay at si Carvie. Pati na din si Vince. Kasama din sa mga groomsmen si Francis at Ashton. Kaibigan ni Parker. Habang ang kay Cory na maid of honor ay si Sierra. Pinsan ni George. Kasama sa bridesmaid sina Edna, Ditas, Sandra at Glenda. Naaliw sila kay Francis dahil hindi ito umaalis sa tabi ni Glenda. Si Glenda naman panay ang taboy kay Francis. Si Peter ay hindi na naalis ang tingin kay Edna. Naiinis naman si Sandra kay Ashton na kanina pa siya kinukulit. While Vince, tahimik lang sila ni Ditas. Napipi ang madaldal na si Ditas. Si Carvie ay isinama ang girlfriend na si Anastacia na maging partner niya.Ang flower girl ay
Buhat ni Cory ang isang bag na pinaglagyan ng mga gamit ng kanyang mga anak. Damit, laruan at kung ano ano pa. Nauna nang pumasok sina Ely kasama ang dalawang bata. Habang si Yaya Katring ay akay ang bunsong anak. Si Ditas ay nauna na ding pumunta ng kusina para tingnan kung ano pa ang puwede niyang iluto para sa hapunan nila.Nagulat si Cory nang biglang namatay ang ilaw sa buong kabahayan. Nanlaki ang mga mata niya. Naisip kaagad ang mga anak. Tiyak na mag iiyak ang bunso nilang si Mari. Pati na din si Elias. Takot pa naman sa dilim ang panganay na anak.Ang ipinagtataka niya ay walang tumatakbo para puntahan siya at igiya papasok sa loob ng bahay. Tangan ang cellphone na siyang nagsilbing flashlight sa kanyang daraanan."Ely!" tawag niya sa asawa. Tahimik ang buong paligid. Wala siyang marinig na ingay mula sa mga anak.Inilapag ni Cory ang dalang bag sa sofa saka dahan-dahan na humakbang. Sa sobrang dilim ay halos mangapa siya. Idagdag pang ramdam niyang mag isa lamang siya sa iba
"Sobrang miss ko na kayo. Mama, Papa at Cathleen. Nagsasaya na kayo diyan sa Itaas. Salamat po, Mama. Binigyan mo po ako ng isa pang kapatid. Si Kuya George. Masaya ako na nadadagdagan ang aking pamilya. May Kuya na ako at Ate pa kami ngayon ni Carvie. Hindi po kami ulila dahil palagi kayong andiyan para sa amin. Hindi man namin kayo kasama o nakikita. Andito kayo sa puso namin. Kailanman ay hindi mawawala" nitong nakalipas na dalawang taon ay hindi pumalya si Cory na dalawin ang namayapang magulang at kapatid. Pumupunta sila ng Samar para madalaw sila at muling makasama kahit na tuwing Araw ng mga Kaluluwa.Dalawang taon ang lumipas nuong nangyari ang insidente ng pagdukot kina Calli at Elias. Akala ni Cory ay tuluyan nang may mawawala sa kanyang buhay. Magluluksa kagaya nuong nawala si Cathleen sa kanilang magkapatid.Halos gumuho ang mundo niya nang malaman na isinugod sa ospital si Ely. Nagkaroon ito ng tama sa balikat. Dahil sa tama ng baril mula na kagagawan ni Mr. Martino. Nagp
Matalim na tingin ang ipinukol ni Ely. Tumatagos ito sa katawan ni Gerardo. "Bitawan mo ang anak ko! Kung hindi mauubos ang pasensiya ko na kanina ko pa tinitimpi! I can be evil that you cannot imagine. Sinusubukan kong pigilan ang konti kong pasensiya. Pero, nasasagad na ang pasensiya ko! Sobrang maiksing-maiiksi na. Better to let go of my child, now!" mga babala ni Ely habang nakatiim bagang at nasa likod ang kanyang kamay.Papalapit siya kay Gerardo nang hindi nito napapansin. Habang si Calli ay panay ang piglas sa hawak ni Gerardo sa kanya."Bitawan niyo po ako! Maawa po kayo sa akin. Sabi niyo Lolo namin kayo ni Elias" umiiyak na sabi ni Calli. Tumingin si Gerardo sa bata."Kaya po kami sumama ni Elias sa inyo kasi mabait kayo. Binilhan niyo pa po kami ng ice cream. Binantayan namin si Tita Gemma. Kasi sabi niyo gusto ninyong bumalik si Tita Gemma sa dati. Kagaya po ni Nanay. Pero, bakit po ngayon sinasaktan niyo kami ni Elias? Wala naman po kaming ginawa kay Tita Gemma na masama
Isa isang nagsibabaan ang mga pulis sa mga patrol car nila. Kasama nina Ely si Omari sa HiAce van na lulan sila."Dito lang kayo. Huwag na kayong sumunod pa sa amin sa loob" bilin ni Omari sa magkakaibigan. Magsasalita na sana si Ely nang pigilan ito ni Omari."Huwag nang matigas ang ulo, Ely" saad ni Omari ka Ely. Walang nagawa si Ely kundi ang magpaiwan sa loob ng van.Lumabas na ng sasakyan si Omari. Naiwan ang magkakaibigan sa loob. Hindi mapakali si Ely. Dalawang anak niya ang nasa loob ng bahay ng mga Martino. Napapapikit siya sa isiping puwedeng mangyari sa dalawang bata. Maghahanap pa siya ng mga salitang puwedeng ibigay na ipaliwanag sa asawa. Sa nakikita palang niya na gagawin ni Cory ay nanghihina na siya.Makakaya kaya niya na may mawala sa mga taong importante sa buhay niya?"Payagan niyo na ako. Kailangan kong makita ang mga anak ko!" pamimilit ni Ely. Hawak siya sa braso ni Parker at Nickson."Pare, hayaan mo na ang mga pulis. Ililigtas nila ang mga bata. Maghintay na l
Malakas na nahampas ni Ely ang manibela. Kung kailan siya nagmamadali. Saka pa siya maiipit sa traffic. Wala siyang magawa kundi ang maghintay. Masyado na siyang nag aalala para sa kalagayan ng mga anak. Pati na din sa kalagayan ng asawa niya. Kagagaling lang ni Cory at ayaw na ni Ely na bumalik ang sakit ng asawa. Sana lang ay hindi totoo ang hinala niya. Huwag naman sana ang kanilang dalawang anak."Cory!" alalang alala na tawag ni Ely sa asawa. Mabilis ang paghinga sa hingal dahil sa pagmamadali. Hinahanap ng mga mata niya ang asawa na ayon kay Edna ay kanina pa hindi humihinto sa pag iyak."Sir Ely?" si Edna ang nasalubong niya sa sala."Ang Ma'am Cory mo?""Nasa kuwarto niyo po. Kasama si Ditas at Yaya Katring. Kanina pa po umiiyak si Ma'am. Nag aalala na po kami ni Ditas" sagot ni Edna. Mababanaag ang ang takot para sa kaniyang aamong babae. Mabilis pa sa alas kuwatro na tumakbo si Ely pataas ng hagdan. Papunta sa kuwarto nilang mag asawa. Nang makarating sa tapat ng pinto ay k