Share

CHAPTER 23 “UNEXPECTED KISS"

ANG gusto sana niya ay i-drop na lamang siya ni Joaquin sa harapan ng entrance ng mall katulad ng ginawa nito kahapon. Pero hindi ito nakinig at sa halip ay dinala pa rin nito sa parking ng gusali ang sasakyan.

“Ano bang dahilan at bakit kailangan mong dalhin pa dito ang kotse mo?” tanong ni Lara.

Ayaw man niyang pansinin pero ang totoo ay hindi niya maikakaila ang kaba na unti-unting nabubuhay sa kanyang dibdib nang mga sandaling iyon.

“Kakausapin lang kita,” anitong kinalas ang suot na seatbelt saka siya matiim na tinitigan.

Lalong nagtumindi ang kabog ng d-ibdib ni Lara sa nangyari at nakita niyang ikinilos na iyon ng binata.

Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ni Joaquin na pag-uusapan nila. Pero ang totoo kahit matindi ang discomfort na nararamdaman niya ay gusto pa rin niyang marinig ang lahat ng sasabihin nito.

“Sige,” aniyang tumango.

Umangat ang sulok ng labi ni Joaquin sa sinabi niyang iyon. Pagkatapos ay kumilos it

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status