Share

CHAPTER (50)

last update Last Updated: 2025-04-01 21:37:06

Kabanata 50 – Ang Larawan ng Pagtataksil

POV ni Emma

Habang nag-uusap kami ni Manang, biglang tumunog ang cellphone ko. Inisip ko na isang normal na mensahe lang—mga kaibigan ko o anuman. Pero nang makita ko ang pangalan sa screen, hindi ko na kayang pigilan ang puso ko.

Isang larawan ang lumabas.

Isang larawan na malinaw na kinuha sa isang family dinner. Si Chase, nakaakbay kay Victoria. Nakangiti silang dalawa, parang masaya at komportable. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko nang makita ko iyon, pero ang nararamdaman ko ay hindi makapaniwala.

Naramdaman ko ang init ng mga mata ko, parang may mga luha na gustong pumatak, pero pinigilan ko ang sarili ko. Si Chase
 at si Victoria
 Ang tanong ko, bakit ganito? Bakit ako pinalo ng ganitong larawan?

Tumayo ako at dali-daling kinuha ang aking bag. Hindi ko na kayang magpanggap na walang nangyayari. Hindi ko na kayang itago ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (51)

    Kabanata 51 – Ang Lihim na Pag-uusap Malamig ang gabi, at ang madilim na kalsada ay tanging liwanag mula sa mga poste ng ilaw ang nagsisilbing gabay. Habang hawak ang cellphone, nanginginig ang kamay ni Emma. Ang mensaheng natanggap niya ay nagbigay ng pag-aalala—isang address at ang mga salitang “Mahalaga.” Hindi siya sigurado kung sino ang nagpadala ng mensahe, ngunit may takot na nag-uumalab sa kanyang dibdib. Akala niya’y si Victoria ang makikipag-usap sa kanya ukol sa larawan ng dinner, kaya’t nagdesisyon siyang puntahan. "Isa lang ang kailangan ko. Sagutin ko lang ito, at makakausap ko siya," sabi ni Emma sa sarili, ngunit ramdam niyang hindi madali ang bawat hakbang na tinatahak niya patungo sa lugar na ibinigay. Ang mga kaluskos ng mga dahon sa ilalim ng kanyang mga paa ay nagsisilbing babala sa kanya, ngunit hindi siya huminto. Habang abala siya sa paglalakad at pag-iisip, isang tawag na naman ang tumunog mula sa

    Last Updated : 2025-04-02
  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (52)

    Kabanata 52 – "NAGUGULUHAN" Hindi na alam ni Emma kung saan magsisimula. Ang bawat hakbang na ginagawa niya ay tila mas mabigat, mas mahirap, at ang mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan ay naging malalalim na sugat na hindi kayang pagalingin ng mga simpleng sagot. Habang siya ay naglalakad pauwi, napansin niyang wala na ang mga tunog ng kalikasan—ang hangin, ang mga ibon, at ang mga kaluskos ng mga dahon—lahat ay tila nawawala. Lahat ng kanyang nararamdaman ay nagiging isang malupit na kabiguan, at ang sakit sa kanyang puso ay nagsimula nang mag-umapaw. Nakaupo siya sa isang bangko sa isang parke, ang mga mata ay naglalakbay sa kalangitan na tinatanglawan ng malamlam na buwan. Walang ibang tao sa paligid, at sa sandaling iyon, naramdaman niyang siya lang ang natirang buhay na kaluluwa sa buong mundo. Ang cellphone niya ay patuloy na nag-vibrate sa kanyang bag, ngunit ayaw niyang sagutin. Hindi na niya alam kung anong sasabihin, kung paano magpapaliw

    Last Updated : 2025-04-02
  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (53)

    Kabanata 53 "PANLILINLANG"Mabigat ang hakbang ni Chase habang papalapit sa kanyang opisina. Nasa kamay niya ang mga papeles—mga ebidensiyang nagdudugtong kay Emma sa isang hindi maipaliwanag na transaksyon. Hindi niya alam kung paano niya ito ipoproseso. Galit ba ang dapat niyang maramdaman? Pagtataksil ba ang ituturing niya rito? O isang mas malaking laro ang niluluto sa kanyang paligid?Pagdating sa opisina, agad siyang bumaling kay Ethan, ang kanyang pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan. "Hanapin mo lahat ng koneksyon ng perang ito. Saan galing, sino ang nagpadala, at higit sa lahat, bakit napunta ito kay Emma."Napatingin si Ethan sa hawak na dokumento. "Boss, sigurado ka bang si Ms. Sinclair talaga ang may kinalaman dito?"Napakuyom ang kamao ni Chase. "'Yan ang gusto kong malaman."Samantala, si Emma naman ay tahimik na nakaupo sa isang coffee shop, malayo sa gulo ng opisina. Hawak niya ang cellphone, nag-aalangan kung dapat ba niyang

    Last Updated : 2025-04-02
  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (54)

    Kabanata 54: Ang Laban ng mga KatotohananHabang nakatayo si Chase at Emma sa gitna ng tensyon, tila ang mundo sa paligid nila ay huminto. Ang bawat salita, bawat tanong, at bawat sagot ay nagiging mga sandata sa isang labanan na hindi nila inaasahang haharapin.“Chase, pakinggan mo ako,” pakiusap ni Emma, ang kanyang boses ay naglalaman ng takot at pag-asa. “Hindi ko alam kung paano napunta ang perang iyon sa pangalan ko, pero hindi ko ito ginawa. May mas malaking bagay na nangyayari.”Ngunit hindi nakikinig si Chase. Ang kanyang galit ay tila unti-unting nagiging poot. “Hindi mo ako maaasahan, Emma. Ang mga ebidensiyang ito ay nagpapakita na hindi ka nagtapat sa akin. Paano kita mapagkakatiwalaan?”Patuloy na nanginginig ang kamay ni Emma habang binubuksan ang folder na kanyang dala. “Tingnan mo ang mga dokumento. Ipinapakita nito na may mga transaksyon na hindi ko alam. May nagmamanipula sa atin, at sigurado akong si Victoria ang nasa likod nit

    Last Updated : 2025-04-02
  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (55)

    Kabanata 55 "Pamana at Pagsubok"Habang nasa opisina ng Chase Donovan Enterprises, nakaupo si Chase sa kanyang swivel chair, nakatingin sa malayo habang ang kanyang isip ay puno ng mga tanong. Bakit siya biglang ipapatawag ng kanyang Lolo? May kinalaman ba ito sa mga nangyayari sa kompanya? O may mas malalim pang dahilan?Sa gitna ng kanyang pag-iisip, biglang tumunog ang kanyang cellphone, Kinuha niya ito mula sa kanyang mesa at nakita ang pangalan ng kanyang sekretarya sa screen. "Mr. Donovan, nasa linya po si Don Esteban. Gusto po kayong makausap." Tumawag na sakin si Lolo kanina tumawag naman ulit.Napabuntong-hininga si Chase bago sinagot ang tawag. "Lolo?""Chase, umuwi ka ngayon din sa Donovan Mansion. May mahalaga akong sasabihin sa’yo," direktang sabi ng kanyang Lolo, walang pasikot-sikot."Ngayon din?" tanong ni Chase, bahagyang naguguluhan. "Nasa opisina pa ako. Ano ba ang—""Basta, umuwi ka na. Huwag mo akon

    Last Updated : 2025-04-03
  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (56)

    Kabanata 56 "Sa Piling ng Ala-ala"Habang papalabas na si Chase mula sa Donovan Mansion, isang pamilyar ngunit matigas na tinig ang pumigil sa kanya."Chase!"Tumigil siya sa paghakbang at dahan-dahang lumingon. Nakita niya ang kanyang ama, si Chester Donovan, nakatayo sa may pintuan ng opisina ng kanyang Lolo. May matigas na titig ito, puno ng determinasyon at hinanakit."Ako ang ama mo, Chase," matigas na sabi ni Chester. "Andito pa ako. Dapat ako ang humahawak sa kumpanya, hindi ikaw!"Napangisi si Chase, ngunit wala ni bahagyang saya sa kanyang mga mata. "Dad—ikaw ang humawak noon, pero anong ginawa mo? Muntikan nang malugi ang kumpanya sa mga maling desisyon mo. Kung inayos mo pa sana, eh di ikaw pa rin ang namumuno hanggang ngayon."Napalunok si Chester, ngunit hindi siya natinag. "Hindi mo naiintindihan ang lahat ng nangyari—""Isa pa, Dad," putol ni Chase. "Kung may reklamo ka, wag ako ang kausapin mo tungkol diy

    Last Updated : 2025-04-03
  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (57)

    Kabanata 57: Pagitan ng Dalawang MundoMadilim at tahimik ang paligid nang dumating si Chase sa lumang bahay ni Emma. Ang dating tahanan na puno ng masasayang alaala ay ngayo’y tila napag-iwanan ng panahon. Huminga siya ng malalim bago bumaba ng sasakyan, tangan ang isang papel na kanina pa bumabagabag sa kanyang isipan."Regret to inform you that due to your failure to settle the remaining balance, the property located at Lot 23, Greenfield Subdivision, Quezon City, will be foreclosed within thirty (30) days."Mahigpit niyang hinawakan ang papel. Alam na niya ang tungkol sa bahay—ito ang dahilan kung bakit pumayag si Emma na magpakasal sa kanya. Alam niyang sa simula pa lang ito na ang pinaka importanting bagay para sa kanya. Luma na pero pag ni-renovate ito ay gaganda ito. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan at kumatok. "Emma?"Walang tugon.Pinisil niya ang doorknob at bahagyang itinulak ang pinto. Hindi naka-lock. Dah

    Last Updated : 2025-04-04
  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (58)

    Kabanata 58: Kasunduan at Lason Isang mainit na umaga ang sumalubong kina Chase at Emma kinabukasan. Magkayakap silang natulog sa lumang sofa—pagod ngunit kontento, tila ba ang lahat ng sakit ay nahilom kahit panandalian lamang. Ngunit sa bawat saya, may laging nakatagong paalala. Habang nakahiga pa si Emma sa braso ni Chase, nag-ring ang cellphone nito. Tumayo si Chase upang sagutin. Isang mensahe mula sa legal team. “Reminder: One-year marriage agreement clause to be reviewed before final processing of title transfer to spouse.” Nanigas ang katawan ni Chase. Isang taon. Hindi lang basta kasunduan—isang kontratang sinang-ayunan nilang dalawa. Ngunit ngayon, sa bawat sandaling kasama niya si Emma, lumalabo ang hangganan ng kasunduan at ng tunay na damdamin. Bumalik siya sa tabi ni Emma, pinagmamasdan ang mapayapa nitong mukha. “Isang taon lang ba talaga?” tanong ng isipan niya, ngunit hindi niya na kayang banggitin sa babae ang laman ng mensahe. --- Lumipas ang mga araw

    Last Updated : 2025-04-04

Latest chapter

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (90)

    Kabanata 90: "PAGSABOG NG KATOTOHANAN"Biglang bumukas ang pinto ng silid.Pumasok ang security personnel ng ospital, kasunod ang dalawang pulis na mabilis na lumapit sa kinaroroonan nila."Hawak na namin ang CCTV footage. Mr. Chester Donovan, you are under arrest for attempted murder," malamig na anunsyo ng isa sa mga pulis.Napatras si Chester, napatingin kay Anabelle. "T-teka! Hindi pa ako handa! Hindi ako—""Tahimik!" sigaw ng pulis habang isinusuot ang posas sa kanyang pulso. "Lahat ng sinabi mo ay pwedeng gamitin laban sa’yo sa korte."Si Anabelle ay nanatiling nakatayo, nanginginig, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Napatingin siya kay Chase, at sa unang pagkakataon ay nakita niya ang lalaking walang kahit kaunting awa sa kanyang mga mata."Chase, anak... ako ito."Mabigat ang titig ni Chase. "Hindi kita ina sinabi ko naa saiyo kanina, don't call me anak! Hindi mo kailanman pinalaki ako, noon

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (89)

    KABANATA 89: HUSTISYATahimik ang gabi sa ospital. Tanging ang tunog ng makina ang maririnig habang nakahiga si Don Esteban sa kama, nakapikit at walang malay. Nasa tabi lang niya ang private nurse, tahimik na nagbabantay.Sa labas ng kwarto, nakaupo si Chase sa hallway, hawak ang cellphone ngunit walang balak tumawag. Mahigpit ang hawak niya sa isang maliit na plastik—mga gamot na nakuha niya mula sa drawer ng kanyang tinuring na Lolo yun pala ay ang kanyang totoong ama bago pa siya dalhin sa ospital. May kutob na siyang mali, at ngayong hindi pa rin magising si Don Esteban, kailangan na niyang kumilos.Tumayo si Chase, walang sinabi kahit kanino. Iniwan niya ang ospital ng walang ingay, sakay ng kanyang sasakyan at dumiretso pabalik sa Donovan Mansion.Tahimik din sa mansion nang dumating siya. Wala ni isang tao sa sala. Ang mga ilaw ay bukas, pero walang kasambahay sa paligid. Maingat siyang umakyat sa silid ni Don Esteban, bitbit ang duplicate

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (88)

    kabanata 88: "TOXIC NA LIHIM"Dumating ang ambulansya sa harap ng mansyon, mabilis at maingay ang dating nito. Agad na ibinaba ng mga medics ang stretcher at maingat na isinakay si Don Esteban na wala pa ring malay."Anong ginawa niyo?!" sigaw ni Anabelle habang lumalapit, halatang nanginginig sa takot at galit. "Bakit nangyari ‘to?!" Nangingilid ang luha niya habang tinititigan si Don Esteban na walang reaksyon sa stretcher.Tahimik ang lahat. Walang gustong sumagot. Ang tensyon sa paligid ay parang bombang anumang oras ay puputok."May sasama ba sa amin?" tanong ng driver ng ambulansya, lumingon-lingon sa paligid."Ako," agad na tugon ni Chase, walang alinlangan.Sumakay siya sa ambulansya, hawak pa rin ang kamay ng matandang lalaki. Habang umaandar ang sasakyan, nanatili siyang tahimik, pinagmamasdan ang bawat saglit na lumilipas.Pagdating sa ospital, sinalubong sila ng mga doktor at nurse. Dumeretso sila sa emergenc

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (87)

    Kabanata 87" Anak na Sekreto" "Paglipat sa Penthouse at Paalam ni Chase"Pagkatapos ng ilang araw ng paghahanda, dumating na rin ang araw ng paglipat. Inilipat na ni Chase ang kanyang mag-ina sa penthouse na dati nilang tinitirhan ni Emma—isang lugar na puno ng alaala, masasaya man o masakit.Tahimik si Emma habang nakatitig sa isang lumang litrato na naka-frame sa dingding. Bata pa siya roon, nakangiti, katabi si Chase na kasing-bata rin niya. Hindi niya maalala kung kailan iyon kuha, pero pamilyar ang damdaming bumalot sa kanya habang tinitingnan ito.Lumingon siya kay Chase, na abalang inaayos ang ilang gamit sa shelf.“Chase... saan mo nakuha ‘tong picture na ‘to?” tanong niya, hawak ang larawan.Tumigil si Chase sa ginagawa. Saglit siyang natahimik bago lumapit at ngumiti nang banayad.“Noong umalis ka,” panimula niya, “hinanap kita kahit saan. Isa sa mga pinuntahan ko ay ang lumang bahay ninyo sa Quezon City. Nand

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (86)

    Kabanata 86" HINDI NA AKO BULAG" Lumabas si Chase mula sa unit, seryoso ang ekspresyon habang papalapit kay Victoria.“Chase,” bungad ng babae, agad na nagtatanong. “Sino ang kasama mo sa loob?”Tumigil si Chase ilang hakbang mula sa kanya at malamig ang sagot. “Wala akong kasama sa loob. Kaya puwede bang umalis ka na rito?”Umirap si Victoria at hindi natinag. “Bakit ako aalis? Asawa mo ako. Kung nasaan ka, doon din ako.”Napailing si Chase, ramdam ang inis sa boses. “Victoria, pwede bang nipisan mo naman ang mukha mo kahit minsan? Ayaw ko na sa’yo. Hindi ka ba tinatablan ng kahihiyan? Ganyan ka na ba ka-desperada? Hindi ka pa rin ba sumusuko?”Tumayo nang mas tuwid si Victoria, nagpipigil ng luha. “Sige, Chase. Kung ganyan ang trato mo sa’kin, tatawagan ko si Mama Anabelle. Sasabihin ko sa kanya kung paano mo ako tinatrato!”Napangisi si Chase, punung-puno ng panlilibak ang titig niya. “Talaga ba, Victoria? Tinatakot

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (85)

    Kabanata 85: "Laban sa Nakaraan"Alas 7 ng umaga, nagmamadali si Chase na maghanda para sa trabaho. Marami na siyang nakatambak na tasks sa Donovan Enterprises, at hindi puwedeng mawalan ng oras. Bago siya umalis, tumingin siya kay Emma na nag-aalaga kay Amara."Emma," sabi ni Chase habang nagsusuot ng jacket, "huwag mong buksan ang pinto ng basta-basta. Tawagan mo ako kung may tao, ha? Alam mo naman na pag ako ang kakatok, tatawagin ko ang pangalan mo."Tumango si Emma, nag-aalalang tiningnan si Chase. "Okay. Alagaan mo ang anak natin.""Andiyan na lahat ng kailangan ninyo," sabi ni Chase, nag-aalalang tiningnan si Emma. "Bakit ba hindi ako puwedeng lumabas?""Sa ngayon, wag mo na munang gawin. Mangiramdam muna ako. Alam mo naman na nag-iingat lang ako para sa inyo," sagot ni Chase, pinupunasan ang kanyang mga kamay ng towel habang papalabas na ng pintuan."Okay, sige," sabi ni Emma, nagbigay ng mahinang ngiti bago tuluyang

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (84)

    KABANATA 84“Sa Unang Pagkakataon”“She calls me
 D-daddy?”Hindi makagalaw si Chase. Parang bumalot sa kanya ang init at lamig ng sabay. Ilang ulit niyang inisip kung kailan mangyayari ito—kung darating pa ba talaga ang araw na kikilalanin siya ni Amara bilang ama. Pero ngayong narinig na niya, hindi siya handa.“Amara,” bulong niya habang dahan-dahang lumapit sa kama. “Sinabi mo ba ‘yon, anak?”Tumango si Amara, ngumiting parang walang nangyaring sigawan o gulo ilang oras lang ang nakalipas. Para sa kanya, simpleng mundo lang: May Mommy. May Daddy. Basta magkasama sila, ayos lang.“Tinawag kita kasi ikaw naman talaga si Daddy, ‘di ba?” inosente nitong tanong.Hindi agad nakasagot si Chase. Napaluhod siya sa gilid ng kama, pinigilan ang pagbagsak ng luha habang tinatapunan ng tingin si Emma—tila humihingi ng pahintulot, o kahit kunting kumpirmasyon na may karapatan siyang maramdaman ang ganito.Tumango si Emma.

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (83)

    KABANATA 83 “Saglit na Katahimikan”Tahimik ang paligid. Tila huminto ang oras sa harap ng silid kung saan mahimbing na natutulog si Amara. Magkaharap sina Emma at Chase—parehong pagod, parehong sugatan, ngunit may mumunting apoy ng pag-asa sa pagitan ng kanilang katahimikan.Nag-ring ang cellphone ni Emma.Mia. Napabuntong-hininga siya, saglit na tiningnan si Chase bago sinagot ang tawag.“Hello?”“Emma! Diyos ko, salamat at sinagot mo na rin!” agad na bungad ni Mia, puno ng pag-aalala ang boses. “Nabasa ko na ang lahat. Andyan ka pa din ba? Okay ka lang ba? Kamusta si Amara?”Napakagat-labi si Emma. “Oo, Mia. Nandito pa ako. Okay naman si Amara
 si Chase ang mahirap intindihin.”“Gusto mong puntahan kita?” tanong ni Mia, pero agad ring bumawi. “Ay, wait
 teka, okey lang ba? Wag na Mia. Pero Emma, please lang
 huwag mong hayaang sirain ka na naman ng pagmamahal na hindi ka sigurado. Protektahan mo sarili mo, okay?”

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (82)

    KABANATA 82“Walang Iba”Huminto ang taxi sa harap ng isang modernong condominium sa Maynila. Mataas, elegante, at tahimik sa labas—tila walang bakas ng unos na sumalubong sa damdamin ni Emma. Hawak niya ang overnight bag, at sa ilalim ng mga matang mapungay mula sa puyat at pagod, ay naroon ang matinding kaba.Mula Sogod hanggang Tacloban, saka lipad patungong Maynila—hindi man ganoon kahaba ang oras, pakiramdam niya’y buong buhay niya ang pinagdaanan para lang makarating dito.Tumigil siya sa harap ng entrance, luminga sandali, saka dinial ang numero ni Chase.“Malapit na ako,” mahina niyang sabi.Sa kabilang linya, sagot ni Chase, mababa at buo ang tinig. “Dito lang ako. At sana, ako na lang
 wala nang iba.”Pag-akyat niya, sinalubong siya ng guard at dinala sa unit. Bukas ang pinto. Nakatayo si Chase sa bungad—naka-itim na shirt, gray na pantalon, at may mga matang tila ilang araw nang walang tulog. Nang magtagp

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status