Kabanata 34 - Isang Bubong, Isang Silid
Sa SasakyanTahimik na nakaupo si Emma sa tabi ni Chase habang pauwi sila sa Donovan Mansion. Kasama nila si Celeste na tahimik ring nakikinig sa music gamit ang earphones. Matapos ang gabi ng panonood ng sine at simpleng bonding, parang may nabago sa pagitan nila ni Chase. Hindi na ito iyong dating asar-talo niyang boss. Parang nagiging⦠mas malapit ito sa kanya."Sigurado ka bang okay lang saāyo dito muna tayo sa mansion?" tanong ni Chase habang nakatingin sa daan.Napatingin si Emma sa kanya. "Bakit? Akala ko uuwi tayo sa penthouse?""Bawal," sagot ni Chase. "Si Grandpa ang may gusto na dito tayo tumuloy. Sabi niya, mas ligtas tayo rito."Napatingin si Emma kay Celeste na bahagyang ngumiti. "Kapag sinabi ni Don Esteban, wala na tayong magagawa," sagot ng babae.Hindi na nakapagsalita si Emma. Pakiramdam niya ay parang nakulong na naman siya sa isang sitwasyon na hindi niya kontrKabanata 35 - Gising Pa RinPagkapasok ni Emma sa walk-in closet, agad niyang sinipat ang mga damit na nakahanger. Totoo nga ang sinabi ni Chaseālahat ng kailangan niya, nandito na. May pambahay, pantulog, pati toiletries. Para bang talagang planado ang lahat.āPlanado nga talaga?ā Napailing siya habang pumili ng damit. Pero habang ginagawa niya āyon, hindi niya mapigilan ang isang bagayāang maramdaman ang kakaibang kiliti sa sinabi ni Chase kanina.āNagpaplano talagang ang lalaking ito ng gawin akong permanenteng kasama sa silid na āto?āAng sagot nito? Isang misteryosong ngiti.Napailing siya at inis na kinuha ang isang oversized shirt at shorts. āAno bang iniisip ko? Hindi ko siya dapat masyadong intindihin.āPagbalik niya sa kwarto, nakaupo pa rin si Chase sa kama, mukhang kalmado at walang pakialam. Ngunit nang makita siya nito, bahagyang kumislot ang kilay nito.āAba, bakit parang may pinaplano kang lakad?ā tanong
Kabanata 36 - Bulungan at TensionPagpasok nina Chase at Emma sa kumpanya, para silang mga artistang dumaan sa red carpetālahat ng mata, nakatutok sa kanila."Ayan na sila!""Official na talaga? Grabe, parang imposible dati!""Ang ganda nilang tingnan together, pero parang ang init ng tension!"Naririnig nila ang bulungan sa paligid, pero wala silang pakialam. Totoo namanāmag-asawa na sila. Ngunit kahit na alam na ng lahat ang status nila, hindi pa rin natatapos ang usap-usapan.Habang naglalakad papasok ng elevator, naramdaman ni Emma ang bahagyang pagpisil ni Chase sa kamay niya. Napatingin siya rito, pero gaya ng dati, isang mayabang na smirk lang ang sagot nito.āAno?ā irap niya rito.āWala lang. Tinitingnan ko lang kung kumportable ka na sa atensyon nila.āNapairap si Emma. āHindi ito bago sa akin. Pero ikaw, masyado kang chill, ha.āāEh bakit naman hindi?ā Inilapit ni Chase ang labi sa tainga niya
Kabanata 37 - Ang Nakaraan na Hindi MatakasanHindi Umuwi si EmmaNagtaas ng kilay si Chase nang mapansin niyang maghahatinggabi na pero wala pa rin si Emma sa Donovan Mansion. Mula nang ikasal sila, palagi na silang sabay umuuwi, kaya hindi niya mapigilan ang kutob na may mali.Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Emma, pero walang sumasagot.Muli siyang napabuntong-hininga at tinawagan si Mia.Saglit lang bago sumagot ang babae sa kabilang linya. "Ano na naman, Mr. Donovan?"Hindi na inisip ni Chase ang pang-aasar nito. "Nasaāyo ba si Emma?"May ilang segundong katahimikan bago marinig niya ang marahas na paghinga ni Mia. "Ano ba āyan, Mr. Donovan! Asawa mo āyan, tapos hindi mo alam kung nasaan? Napaka-irresponsable mo naman!"Napakamot sa sentido si Chase. "Kung wala siya saāyo, saan siya puwedeng pumunta?""Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ako ang asawa niya."Napairap si Chase. "Mi
Kabanata 38 - Tayo Sa labas ng bar, humigpit ang pagkakahawak ni Emma sa kamay ni Chase, pilit siyang hinahatak papalabas. Ramdam niya ang init ng katawan nitoāhindi ito normal."Chase, kailangan na nating umalis," aniya, pilit pinapanatili ang sarili niyang katinuan.Ngunit bago pa sila tuluyang makalabas, hinapit siya ni Chase sa bewang, idinikit siya sa matigas nitong katawan, at bago pa siya makapagsalita, ang labi nito ay bumangga sa kanyaāmainit, marahas, at puno ng paghahangad."Chaseā!"Hindi na niya natuloy ang sasabihin. Napaatras siya sa pader ng hallway, nagawa ni Chase na iipit siya, ang isang kamay nito nasa likod ng kanyang ulo, ang isa naman ay mahigpit na nakayakap sa kanyang bewang."Emmaā¦" bulong nito sa pagitan ng kanilang magkadikit na labi. "Tulungan mo ako⦠Mawawala ito pagā¦"Napalunok si Emma, hinahabol ang sariling paghinga. "Ano, Chase?""Kailangan kong ilabas ang init ng katawan ko, E
Kabanata 39 - PAGTATANONG at PagdududaNg magising si chase ramdam niya ang bigat ng kanyang ulo. Marahil ay epekto ito ng alak na nainom niya kagabi, pero higit pa roon, may mainit at pamilyar na pakiramdam sa kanyang katawanāang init ng yakap ni Emma.Ngunit nang subukan niyang kapain ang tabi niya, wala na itong katabi.Mabilis siyang dumilat, bahagyang nagulat sa kawalan ng presensya ni Emma sa kama. Napatingin siya sa paligid, pero siya lang ang nandoon. Napangisi siya. Alam niyang hindi isang panaginip ang lahat ng nangyari kagabi.Napahawak siya sa kanyang labiāparang nararamdaman pa rin niya ang tamis ng halik ni Emma, ang bawat pagdaing nito, ang init ng kanilang katawan na naghalo sa dilim ng gabi. Napalunok siya habang bumangon at naupo sa kama. Muli niyang inalala ang nangyari kagabiāang paraan ng pagyapos ni Emma sa kanya, ang mahihinang pag-ungol nito habang paulit-ulit niyang inaangkin.nang mapatingin siya sa kama, may isa
Kabanata 40 - Ang Lihim at Ang LamigPOV ni ChasePagkarating ni Chase sa opisina, agad siyang naupo sa kanyang swivel chair. Nakatitig siya sa screen ng kanyang laptop, ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya magawang mag-focus sa trabaho. Ang isip niya ay lumulutang, bumabalik sa isang bagay na hindi niya inakalang magiging isyu para sa kanyaāang nakaraan ni Emma.Bakit ko ba ito iniisip? Bakit ako nagkakaganito?Napalunok siya at bahagyang pinikit ang mga mata. Hindi niya maalis sa isip ang ideyang hindi siya ang una kay Emma. Hindi niya alam kung bakit mahalaga iyon sa kanya, pero ramdam niya ang bigat sa dibdib.At biglang sumagi sa isip niya ang gabing iyonāang isang babae sa isang hotel, ang bakas na naiwan sa kama, ang mapait na alaala ng kanyang dating walang saysay na relasyon.Paano kung ipahanap ko siya?Hinila niya ang kanyang telepono at tinawagan ang isang detective na dati na niyang kinontak para sa ila
Kabanata 41 ā Ang Paghahanap at ang DistansyaPOV ni ChaseMadaling araw na, pero hindi pa rin makatulog si Chase. Nakaupo siya sa kanyang study, isang kamay ang mahigpit na nakasapo sa kanyang noo habang ang isa ay mahigpit na nakahawak sa telepono.Tatlong araw na ang lumipas mula nang tawagan niya ang detective, pero wala pa ring balita.Naiinis siya sa sarili. Naiinis siya sa hindi maipaliwanag na pag-aalala na nararamdaman niya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang pakawalan ang nakaraanāisang gabing hindi niya dapat iniisip, isang babaeng hindi niya kilala, at isang hinalang bumabagabag sa kanyang isipan.Paano kung si Emma iyon?Pinilig niya ang kanyang ulo. Hindi. Hindi iyon maaaring totoo. At kung hindi iyon si Emma, sino siya?Bakit niya ito masyadong iniisip?Nagpasya siyang tawagan muli ang detective.āAnong balita?ā malamig niyang tanong.āSir, may nakuha akong im
Kabanata 42 ā Ang Lihim ni VictoriaPOV ni VictoriaPapasok si Victoria sa isang marangyang bar, ang tunog ng jazz music ay marahang humahalo sa ingay ng mga taong nag-uusap at nagtatawanan. Pagkapasok niya, nilingon-lingon niya ang paligid, hinahanap ang lalaking nag-imbita sa kanya ngayong gabi.Hanggang sa sa bandang gitna, sa isang pribadong sulok ng bar, nakita niya ito.Nakaupo si Chaseāmatipuno, gwapo, at puno ng awtoridad. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang black button-down shirt na bahagyang nakabukas sa itaas, ipinapakita ang piraso ng kanyang matigas na dibdib. Ang kanyang postura ay maluwag, pero alam niyang nasa ilalim nito ang laging nakaalertong isipan.Huminga siya nang malalim at naglakad papalapit dito, ang kanyang mga hakbang ay banayad pero puno ng kumpiyansa. Nang makarating siya sa mesa, ngumiti siya.āHi, Chase,ā malambing niyang bati, kasabay ng pag-upo sa tapat nito. āHindi ko talaga in-expect na ma
Kabanata 90: "PAGSABOG NG KATOTOHANAN"Biglang bumukas ang pinto ng silid.Pumasok ang security personnel ng ospital, kasunod ang dalawang pulis na mabilis na lumapit sa kinaroroonan nila."Hawak na namin ang CCTV footage. Mr. Chester Donovan, you are under arrest for attempted murder," malamig na anunsyo ng isa sa mga pulis.Napatras si Chester, napatingin kay Anabelle. "T-teka! Hindi pa ako handa! Hindi akoā""Tahimik!" sigaw ng pulis habang isinusuot ang posas sa kanyang pulso. "Lahat ng sinabi mo ay pwedeng gamitin laban saāyo sa korte."Si Anabelle ay nanatiling nakatayo, nanginginig, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Napatingin siya kay Chase, at sa unang pagkakataon ay nakita niya ang lalaking walang kahit kaunting awa sa kanyang mga mata."Chase, anak... ako ito."Mabigat ang titig ni Chase. "Hindi kita ina sinabi ko naa saiyo kanina, don't call me anak! Hindi mo kailanman pinalaki ako, noon
KABANATA 89: HUSTISYATahimik ang gabi sa ospital. Tanging ang tunog ng makina ang maririnig habang nakahiga si Don Esteban sa kama, nakapikit at walang malay. Nasa tabi lang niya ang private nurse, tahimik na nagbabantay.Sa labas ng kwarto, nakaupo si Chase sa hallway, hawak ang cellphone ngunit walang balak tumawag. Mahigpit ang hawak niya sa isang maliit na plastikāmga gamot na nakuha niya mula sa drawer ng kanyang tinuring na Lolo yun pala ay ang kanyang totoong ama bago pa siya dalhin sa ospital. May kutob na siyang mali, at ngayong hindi pa rin magising si Don Esteban, kailangan na niyang kumilos.Tumayo si Chase, walang sinabi kahit kanino. Iniwan niya ang ospital ng walang ingay, sakay ng kanyang sasakyan at dumiretso pabalik sa Donovan Mansion.Tahimik din sa mansion nang dumating siya. Wala ni isang tao sa sala. Ang mga ilaw ay bukas, pero walang kasambahay sa paligid. Maingat siyang umakyat sa silid ni Don Esteban, bitbit ang duplicate
kabanata 88: "TOXIC NA LIHIM"Dumating ang ambulansya sa harap ng mansyon, mabilis at maingay ang dating nito. Agad na ibinaba ng mga medics ang stretcher at maingat na isinakay si Don Esteban na wala pa ring malay."Anong ginawa niyo?!" sigaw ni Anabelle habang lumalapit, halatang nanginginig sa takot at galit. "Bakit nangyari āto?!" Nangingilid ang luha niya habang tinititigan si Don Esteban na walang reaksyon sa stretcher.Tahimik ang lahat. Walang gustong sumagot. Ang tensyon sa paligid ay parang bombang anumang oras ay puputok."May sasama ba sa amin?" tanong ng driver ng ambulansya, lumingon-lingon sa paligid."Ako," agad na tugon ni Chase, walang alinlangan.Sumakay siya sa ambulansya, hawak pa rin ang kamay ng matandang lalaki. Habang umaandar ang sasakyan, nanatili siyang tahimik, pinagmamasdan ang bawat saglit na lumilipas.Pagdating sa ospital, sinalubong sila ng mga doktor at nurse. Dumeretso sila sa emergenc
Kabanata 87" Anak na Sekreto" "Paglipat sa Penthouse at Paalam ni Chase"Pagkatapos ng ilang araw ng paghahanda, dumating na rin ang araw ng paglipat. Inilipat na ni Chase ang kanyang mag-ina sa penthouse na dati nilang tinitirhan ni Emmaāisang lugar na puno ng alaala, masasaya man o masakit.Tahimik si Emma habang nakatitig sa isang lumang litrato na naka-frame sa dingding. Bata pa siya roon, nakangiti, katabi si Chase na kasing-bata rin niya. Hindi niya maalala kung kailan iyon kuha, pero pamilyar ang damdaming bumalot sa kanya habang tinitingnan ito.Lumingon siya kay Chase, na abalang inaayos ang ilang gamit sa shelf.āChase... saan mo nakuha ātong picture na āto?ā tanong niya, hawak ang larawan.Tumigil si Chase sa ginagawa. Saglit siyang natahimik bago lumapit at ngumiti nang banayad.āNoong umalis ka,ā panimula niya, āhinanap kita kahit saan. Isa sa mga pinuntahan ko ay ang lumang bahay ninyo sa Quezon City. Nand
Kabanata 86" HINDI NA AKO BULAG" Lumabas si Chase mula sa unit, seryoso ang ekspresyon habang papalapit kay Victoria.āChase,ā bungad ng babae, agad na nagtatanong. āSino ang kasama mo sa loob?āTumigil si Chase ilang hakbang mula sa kanya at malamig ang sagot. āWala akong kasama sa loob. Kaya puwede bang umalis ka na rito?āUmirap si Victoria at hindi natinag. āBakit ako aalis? Asawa mo ako. Kung nasaan ka, doon din ako.āNapailing si Chase, ramdam ang inis sa boses. āVictoria, pwede bang nipisan mo naman ang mukha mo kahit minsan? Ayaw ko na saāyo. Hindi ka ba tinatablan ng kahihiyan? Ganyan ka na ba ka-desperada? Hindi ka pa rin ba sumusuko?āTumayo nang mas tuwid si Victoria, nagpipigil ng luha. āSige, Chase. Kung ganyan ang trato mo saākin, tatawagan ko si Mama Anabelle. Sasabihin ko sa kanya kung paano mo ako tinatrato!āNapangisi si Chase, punung-puno ng panlilibak ang titig niya. āTalaga ba, Victoria? Tinatakot
Kabanata 85: "Laban sa Nakaraan"Alas 7 ng umaga, nagmamadali si Chase na maghanda para sa trabaho. Marami na siyang nakatambak na tasks sa Donovan Enterprises, at hindi puwedeng mawalan ng oras. Bago siya umalis, tumingin siya kay Emma na nag-aalaga kay Amara."Emma," sabi ni Chase habang nagsusuot ng jacket, "huwag mong buksan ang pinto ng basta-basta. Tawagan mo ako kung may tao, ha? Alam mo naman na pag ako ang kakatok, tatawagin ko ang pangalan mo."Tumango si Emma, nag-aalalang tiningnan si Chase. "Okay. Alagaan mo ang anak natin.""Andiyan na lahat ng kailangan ninyo," sabi ni Chase, nag-aalalang tiningnan si Emma. "Bakit ba hindi ako puwedeng lumabas?""Sa ngayon, wag mo na munang gawin. Mangiramdam muna ako. Alam mo naman na nag-iingat lang ako para sa inyo," sagot ni Chase, pinupunasan ang kanyang mga kamay ng towel habang papalabas na ng pintuan."Okay, sige," sabi ni Emma, nagbigay ng mahinang ngiti bago tuluyang
KABANATA 84āSa Unang PagkakataonāāShe calls me⦠D-daddy?āHindi makagalaw si Chase. Parang bumalot sa kanya ang init at lamig ng sabay. Ilang ulit niyang inisip kung kailan mangyayari itoākung darating pa ba talaga ang araw na kikilalanin siya ni Amara bilang ama. Pero ngayong narinig na niya, hindi siya handa.āAmara,ā bulong niya habang dahan-dahang lumapit sa kama. āSinabi mo ba āyon, anak?āTumango si Amara, ngumiting parang walang nangyaring sigawan o gulo ilang oras lang ang nakalipas. Para sa kanya, simpleng mundo lang: May Mommy. May Daddy. Basta magkasama sila, ayos lang.āTinawag kita kasi ikaw naman talaga si Daddy, ādi ba?ā inosente nitong tanong.Hindi agad nakasagot si Chase. Napaluhod siya sa gilid ng kama, pinigilan ang pagbagsak ng luha habang tinatapunan ng tingin si Emmaātila humihingi ng pahintulot, o kahit kunting kumpirmasyon na may karapatan siyang maramdaman ang ganito.Tumango si Emma.
KABANATA 83 āSaglit na KatahimikanāTahimik ang paligid. Tila huminto ang oras sa harap ng silid kung saan mahimbing na natutulog si Amara. Magkaharap sina Emma at Chaseāparehong pagod, parehong sugatan, ngunit may mumunting apoy ng pag-asa sa pagitan ng kanilang katahimikan.Nag-ring ang cellphone ni Emma.Mia. Napabuntong-hininga siya, saglit na tiningnan si Chase bago sinagot ang tawag.āHello?āāEmma! Diyos ko, salamat at sinagot mo na rin!ā agad na bungad ni Mia, puno ng pag-aalala ang boses. āNabasa ko na ang lahat. Andyan ka pa din ba? Okay ka lang ba? Kamusta si Amara?āNapakagat-labi si Emma. āOo, Mia. Nandito pa ako. Okay naman si Amara⦠si Chase ang mahirap intindihin.āāGusto mong puntahan kita?ā tanong ni Mia, pero agad ring bumawi. āAy, wait⦠teka, okey lang ba? Wag na Mia. Pero Emma, please lang⦠huwag mong hayaang sirain ka na naman ng pagmamahal na hindi ka sigurado. Protektahan mo sarili mo, okay?ā
KABANATA 82āWalang IbaāHuminto ang taxi sa harap ng isang modernong condominium sa Maynila. Mataas, elegante, at tahimik sa labasātila walang bakas ng unos na sumalubong sa damdamin ni Emma. Hawak niya ang overnight bag, at sa ilalim ng mga matang mapungay mula sa puyat at pagod, ay naroon ang matinding kaba.Mula Sogod hanggang Tacloban, saka lipad patungong Maynilaāhindi man ganoon kahaba ang oras, pakiramdam niyaāy buong buhay niya ang pinagdaanan para lang makarating dito.Tumigil siya sa harap ng entrance, luminga sandali, saka dinial ang numero ni Chase.āMalapit na ako,ā mahina niyang sabi.Sa kabilang linya, sagot ni Chase, mababa at buo ang tinig. āDito lang ako. At sana, ako na lang⦠wala nang iba.āPag-akyat niya, sinalubong siya ng guard at dinala sa unit. Bukas ang pinto. Nakatayo si Chase sa bungadānaka-itim na shirt, gray na pantalon, at may mga matang tila ilang araw nang walang tulog. Nang magtagp