Share

CHAPTER (40)

last update Last Updated: 2025-03-22 23:18:17

Kabanata 40 - Ang Lihim at Ang Lamig

POV ni Chase

Pagkarating ni Chase sa opisina, agad siyang naupo sa kanyang swivel chair. Nakatitig siya sa screen ng kanyang laptop, ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya magawang mag-focus sa trabaho. Ang isip niya ay lumulutang, bumabalik sa isang bagay na hindi niya inakalang magiging isyu para sa kanya—ang nakaraan ni Emma.

Bakit ko ba ito iniisip? Bakit ako nagkakaganito?

Napalunok siya at bahagyang pinikit ang mga mata. Hindi niya maalis sa isip ang ideyang hindi siya ang una kay Emma. Hindi niya alam kung bakit mahalaga iyon sa kanya, pero ramdam niya ang bigat sa dibdib.

At biglang sumagi sa isip niya ang gabing iyon—ang isang babae sa isang hotel, ang bakas na naiwan sa kama, ang mapait na alaala ng kanyang dating walang saysay na relasyon.

Paano kung ipahanap ko siya?

Hinila niya ang kanyang telepono at tinawagan ang isang detective na dati na niyang kinontak para sa ila
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (41)

    Kabanata 41 – Ang Paghahanap at ang DistansyaPOV ni ChaseMadaling araw na, pero hindi pa rin makatulog si Chase. Nakaupo siya sa kanyang study, isang kamay ang mahigpit na nakasapo sa kanyang noo habang ang isa ay mahigpit na nakahawak sa telepono.Tatlong araw na ang lumipas mula nang tawagan niya ang detective, pero wala pa ring balita.Naiinis siya sa sarili. Naiinis siya sa hindi maipaliwanag na pag-aalala na nararamdaman niya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang pakawalan ang nakaraan—isang gabing hindi niya dapat iniisip, isang babaeng hindi niya kilala, at isang hinalang bumabagabag sa kanyang isipan.Paano kung si Emma iyon?Pinilig niya ang kanyang ulo. Hindi. Hindi iyon maaaring totoo. At kung hindi iyon si Emma, sino siya?Bakit niya ito masyadong iniisip?Nagpasya siyang tawagan muli ang detective.ā€œAnong balita?ā€ malamig niyang tanong.ā€œSir, may nakuha akong im

    Last Updated : 2025-03-24
  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (42)

    Kabanata 42 – Ang Lihim ni VictoriaPOV ni VictoriaPapasok si Victoria sa isang marangyang bar, ang tunog ng jazz music ay marahang humahalo sa ingay ng mga taong nag-uusap at nagtatawanan. Pagkapasok niya, nilingon-lingon niya ang paligid, hinahanap ang lalaking nag-imbita sa kanya ngayong gabi.Hanggang sa sa bandang gitna, sa isang pribadong sulok ng bar, nakita niya ito.Nakaupo si Chase—matipuno, gwapo, at puno ng awtoridad. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang black button-down shirt na bahagyang nakabukas sa itaas, ipinapakita ang piraso ng kanyang matigas na dibdib. Ang kanyang postura ay maluwag, pero alam niyang nasa ilalim nito ang laging nakaalertong isipan.Huminga siya nang malalim at naglakad papalapit dito, ang kanyang mga hakbang ay banayad pero puno ng kumpiyansa. Nang makarating siya sa mesa, ngumiti siya.ā€œHi, Chase,ā€ malambing niyang bati, kasabay ng pag-upo sa tapat nito. ā€œHindi ko talaga in-expect na ma

    Last Updated : 2025-03-24
  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (43)

    Kabanata 43 – Mga Tanong na Hindi MasagotPOV ni EmmaBuong magdamag na hindi umuwi si Chase.Dati-rati, hindi niya iyon iisiping big deal. Pero ngayon, may kung anong bumabagabag sa kanya. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi, paulit-ulit siyang nagigising at tinutunton ng mata ang pintuan ng kwarto—baka sakaling bumalik ito. Pero wala.Hanggang sa dumaan ang umaga, at ni isang text o tawag ay wala siyang natanggap mula kay Chase.Pumasok siya sa opisina na mabigat ang pakiramdam. Hindi niya alam kung dahil lang ba sa puyat o dahil may bumabagabag sa kanya.Pagdating niya sa opisina, inasahan niyang abala na si Chase sa kanyang trabaho. Pero laking gulat niya nang madatnan itong nakaupo sa swivel chair nito, nakapangalumbaba, at nakatitig sa kawalan—para bang may iniisip nang malalim.Dahan-dahan siyang lumapit. ā€œChase?ā€Nag-angat ito ng tingin at saglit siyang tiningnan. Pero imbes na bumati o magtanong kun

    Last Updated : 2025-03-25
  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (44)

    Kabanata 44 – Hangganan ng PagpipigilPOV ni EmmaMalakas ang bawat hakbang ni Chase papasok ng penthouse. Halos bumalibag ang pinto sa lakas ng pagkapit niya rito. Halos mapaatras ako sa biglaang pagdating niya, pero nanatili akong nakatayo, pilit pinapanatili ang kumpiyansa sa sarili."Chase—""Ano ba talaga, Emma?" malalim at puno ng tensyon ang boses niya. Dumiretso siya sa harapan ko, hindi alintana ang kasambahay na abala sa kusina.Napahawak ako sa braso ko. Hindi ko gusto ang tingin niya sa akin ngayon—matigas, puno ng hindi maipaliwanag na emosyon."Ano'ng sinasabi mo?" sinubukan kong panatilihing kalmado ang tono ko."May naging lalaki ka na sa buhay mo," malamig niyang ulit. "Pero bakit parang hindi mo agad nasagot ang tanong ko kanina?"Napakurap ako. "Chase, hindi ko maintindihan kung bakit natin kailangang pag-usapan 'yan. Wala na siya sa buhay ko. Tapos na."Bahagyang bumaba ang ting

    Last Updated : 2025-03-26
  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (45)

    Kabanata 45 – Pagtakas at Pag-amin POV ni Emma Malamig ang hangin habang naglalakad ako sa highway, pero hindi ito sapat para mapawi ang init na bumabalot sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hininga sa bigat ng nangyari kanina. Hindi ko alam kung saan ako pupunta—basta gusto ko lang lumayo. Ano bang nangyayari sa amin ni Chase? Bakit parang hindi ko na maintindihan ang sarili ko? Napabuntong-hininga ako at tumingala sa langit. Walang bituin. Walang sagot. Para bang pati kalangitan ay hindi sigurado sa kung ano ang dapat kong maramdaman. Biglang bumusina ang isang kotse sa tabi ko. Napatalon ako sa gulat. "Hoy! Emma Sinclair! Ano bang ginagawa mo rito sa daan na parang napabayaan ng tadhana?" Napalingon ako. Si Mia. Nakasungaw siya sa bintana ng kotse, nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin na parang isa akong batang nawawala sa mall. "Ano? Nagso-soul searching?" tanong niya bago mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan. "Sumakay ka na nga rito bago ka

    Last Updated : 2025-03-27
  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (46)

    Kabanata 46 – Anino sa DilimPOV ni EmmaTumigil ang mundo ko.Nakikita niya ako?Ang mga daliri ko ay nanlamig habang mahigpit kong hawak ang cellphone. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko—sobrang lakas, parang kaya na nitong umalingawngaw sa buong kwarto."Emma?" Bumaba ang boses ni Chase, puno ng pag-aalala. "Sino 'yan?"Hindi ako makasagot.Hindi ako makahinga.Tila may malamig na kamay na dahan-dahang pumipisil sa leeg ko. Ang paligid ko, na dati'y normal lang, ay biglang nagmistulang masikip at nakakabingi sa katahimikan."Sino ka?" mahina pero matigas kong tanong sa kabilang linya.Walang sagot.Tanging mahina, halos hindi marinig na paghinga lang ang naririnig ko.Parang may nakatayo sa likod ko.Parang may mga matang hindi ko nakikita, pero nararamdaman kong nakatitig sa akin.Dahan-dahan akong lumingon.Wala namang kakaiba. Sarad

    Last Updated : 2025-03-27
  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (47)

    Kabanata 47 – Mga Mata sa DilimPOV ni EmmaHindi ako mapakali.Kahit yakap-yakap ko ang sarili habang nakaupo sa gilid ng kama, hindi kayang palamigin ng balot na balot kong katawan ang sunod-sunod na kilabot na dumadaloy sa balat ko. Ang paligid ay tahimik, pero sa loob ng utak ko—ang paulit-ulit na pag-echo ng boses na narinig ko kanina sa tawag."Mas maganda ka sa personal."Ang kamay ko ay mahigpit na nakakapit sa kumot, pilit pinipigilan ang panginginig."Emma."Napatingala ako nang marinig ang mabigat na boses ni Chase. Nakatayo siya sa harapan ko, ang mga kamay niya ay nasa magkabilang gilid ng kanyang bewang. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.Matalim ang titig niya, halatang pinipilit niyang intindihin ang takot na bumabalot sa akin.Napansin kong may hawak siyang cellphone."Tumawag na ako sa security. Kukunin nila ang CCTV footage sa labas ng apartment. Huwag kang mag-alala

    Last Updated : 2025-03-27
  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER: (48)

    Kabanata 48 – Anino ng NakaraanPOV ni EmmaTahimik ang biyahe pabalik sa penthouse ni Chase. Kahit gaano ko gustong isiksik sa isip ko na wala akong dapat katakutan, hindi ko maiwasang lingunin ang paligid, naghahanap ng anino sa dilim. Pero kahit paulit-ulit kong tingnan, wala akong makitang kakaiba.Pagdating namin sa unit, agad akong naupo sa sofa, ramdam ang bigat sa balikat ko. Si Chase naman ay tahimik na tinanggal ang coat niya at humarap sa akin."Emma, gusto kong malaman ang buong nangyari. Klarong-klaro."Napatingin ako sa kanya. Naramdaman ko ang bigat ng titig niya—seryoso, puno ng pag-aalala. Hindi ko na maiiwasan ito.Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Nasabi ko na kanina, Chase...""Ulitin mo," madiin niyang sabi. "Gusto kong maintindihan lahat. Para alam ko kung paano kita poprotektahan."Napayuko ako, pinipilit i-compose ang sarili. "Tatlong taon na ang nakalipas... nangyari ito sa dati

    Last Updated : 2025-03-29

Latest chapter

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (90)

    Kabanata 90: "PAGSABOG NG KATOTOHANAN"Biglang bumukas ang pinto ng silid.Pumasok ang security personnel ng ospital, kasunod ang dalawang pulis na mabilis na lumapit sa kinaroroonan nila."Hawak na namin ang CCTV footage. Mr. Chester Donovan, you are under arrest for attempted murder," malamig na anunsyo ng isa sa mga pulis.Napatras si Chester, napatingin kay Anabelle. "T-teka! Hindi pa ako handa! Hindi ako—""Tahimik!" sigaw ng pulis habang isinusuot ang posas sa kanyang pulso. "Lahat ng sinabi mo ay pwedeng gamitin laban sa’yo sa korte."Si Anabelle ay nanatiling nakatayo, nanginginig, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Napatingin siya kay Chase, at sa unang pagkakataon ay nakita niya ang lalaking walang kahit kaunting awa sa kanyang mga mata."Chase, anak... ako ito."Mabigat ang titig ni Chase. "Hindi kita ina sinabi ko naa saiyo kanina, don't call me anak! Hindi mo kailanman pinalaki ako, noon

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (89)

    KABANATA 89: HUSTISYATahimik ang gabi sa ospital. Tanging ang tunog ng makina ang maririnig habang nakahiga si Don Esteban sa kama, nakapikit at walang malay. Nasa tabi lang niya ang private nurse, tahimik na nagbabantay.Sa labas ng kwarto, nakaupo si Chase sa hallway, hawak ang cellphone ngunit walang balak tumawag. Mahigpit ang hawak niya sa isang maliit na plastik—mga gamot na nakuha niya mula sa drawer ng kanyang tinuring na Lolo yun pala ay ang kanyang totoong ama bago pa siya dalhin sa ospital. May kutob na siyang mali, at ngayong hindi pa rin magising si Don Esteban, kailangan na niyang kumilos.Tumayo si Chase, walang sinabi kahit kanino. Iniwan niya ang ospital ng walang ingay, sakay ng kanyang sasakyan at dumiretso pabalik sa Donovan Mansion.Tahimik din sa mansion nang dumating siya. Wala ni isang tao sa sala. Ang mga ilaw ay bukas, pero walang kasambahay sa paligid. Maingat siyang umakyat sa silid ni Don Esteban, bitbit ang duplicate

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (88)

    kabanata 88: "TOXIC NA LIHIM"Dumating ang ambulansya sa harap ng mansyon, mabilis at maingay ang dating nito. Agad na ibinaba ng mga medics ang stretcher at maingat na isinakay si Don Esteban na wala pa ring malay."Anong ginawa niyo?!" sigaw ni Anabelle habang lumalapit, halatang nanginginig sa takot at galit. "Bakit nangyari ā€˜to?!" Nangingilid ang luha niya habang tinititigan si Don Esteban na walang reaksyon sa stretcher.Tahimik ang lahat. Walang gustong sumagot. Ang tensyon sa paligid ay parang bombang anumang oras ay puputok."May sasama ba sa amin?" tanong ng driver ng ambulansya, lumingon-lingon sa paligid."Ako," agad na tugon ni Chase, walang alinlangan.Sumakay siya sa ambulansya, hawak pa rin ang kamay ng matandang lalaki. Habang umaandar ang sasakyan, nanatili siyang tahimik, pinagmamasdan ang bawat saglit na lumilipas.Pagdating sa ospital, sinalubong sila ng mga doktor at nurse. Dumeretso sila sa emergenc

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (87)

    Kabanata 87" Anak na Sekreto" "Paglipat sa Penthouse at Paalam ni Chase"Pagkatapos ng ilang araw ng paghahanda, dumating na rin ang araw ng paglipat. Inilipat na ni Chase ang kanyang mag-ina sa penthouse na dati nilang tinitirhan ni Emma—isang lugar na puno ng alaala, masasaya man o masakit.Tahimik si Emma habang nakatitig sa isang lumang litrato na naka-frame sa dingding. Bata pa siya roon, nakangiti, katabi si Chase na kasing-bata rin niya. Hindi niya maalala kung kailan iyon kuha, pero pamilyar ang damdaming bumalot sa kanya habang tinitingnan ito.Lumingon siya kay Chase, na abalang inaayos ang ilang gamit sa shelf.ā€œChase... saan mo nakuha ā€˜tong picture na ā€˜to?ā€ tanong niya, hawak ang larawan.Tumigil si Chase sa ginagawa. Saglit siyang natahimik bago lumapit at ngumiti nang banayad.ā€œNoong umalis ka,ā€ panimula niya, ā€œhinanap kita kahit saan. Isa sa mga pinuntahan ko ay ang lumang bahay ninyo sa Quezon City. Nand

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (86)

    Kabanata 86" HINDI NA AKO BULAG" Lumabas si Chase mula sa unit, seryoso ang ekspresyon habang papalapit kay Victoria.ā€œChase,ā€ bungad ng babae, agad na nagtatanong. ā€œSino ang kasama mo sa loob?ā€Tumigil si Chase ilang hakbang mula sa kanya at malamig ang sagot. ā€œWala akong kasama sa loob. Kaya puwede bang umalis ka na rito?ā€Umirap si Victoria at hindi natinag. ā€œBakit ako aalis? Asawa mo ako. Kung nasaan ka, doon din ako.ā€Napailing si Chase, ramdam ang inis sa boses. ā€œVictoria, pwede bang nipisan mo naman ang mukha mo kahit minsan? Ayaw ko na sa’yo. Hindi ka ba tinatablan ng kahihiyan? Ganyan ka na ba ka-desperada? Hindi ka pa rin ba sumusuko?ā€Tumayo nang mas tuwid si Victoria, nagpipigil ng luha. ā€œSige, Chase. Kung ganyan ang trato mo sa’kin, tatawagan ko si Mama Anabelle. Sasabihin ko sa kanya kung paano mo ako tinatrato!ā€Napangisi si Chase, punung-puno ng panlilibak ang titig niya. ā€œTalaga ba, Victoria? Tinatakot

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (85)

    Kabanata 85: "Laban sa Nakaraan"Alas 7 ng umaga, nagmamadali si Chase na maghanda para sa trabaho. Marami na siyang nakatambak na tasks sa Donovan Enterprises, at hindi puwedeng mawalan ng oras. Bago siya umalis, tumingin siya kay Emma na nag-aalaga kay Amara."Emma," sabi ni Chase habang nagsusuot ng jacket, "huwag mong buksan ang pinto ng basta-basta. Tawagan mo ako kung may tao, ha? Alam mo naman na pag ako ang kakatok, tatawagin ko ang pangalan mo."Tumango si Emma, nag-aalalang tiningnan si Chase. "Okay. Alagaan mo ang anak natin.""Andiyan na lahat ng kailangan ninyo," sabi ni Chase, nag-aalalang tiningnan si Emma. "Bakit ba hindi ako puwedeng lumabas?""Sa ngayon, wag mo na munang gawin. Mangiramdam muna ako. Alam mo naman na nag-iingat lang ako para sa inyo," sagot ni Chase, pinupunasan ang kanyang mga kamay ng towel habang papalabas na ng pintuan."Okay, sige," sabi ni Emma, nagbigay ng mahinang ngiti bago tuluyang

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (84)

    KABANATA 84ā€œSa Unang Pagkakataonā€ā€œShe calls me… D-daddy?ā€Hindi makagalaw si Chase. Parang bumalot sa kanya ang init at lamig ng sabay. Ilang ulit niyang inisip kung kailan mangyayari ito—kung darating pa ba talaga ang araw na kikilalanin siya ni Amara bilang ama. Pero ngayong narinig na niya, hindi siya handa.ā€œAmara,ā€ bulong niya habang dahan-dahang lumapit sa kama. ā€œSinabi mo ba ā€˜yon, anak?ā€Tumango si Amara, ngumiting parang walang nangyaring sigawan o gulo ilang oras lang ang nakalipas. Para sa kanya, simpleng mundo lang: May Mommy. May Daddy. Basta magkasama sila, ayos lang.ā€œTinawag kita kasi ikaw naman talaga si Daddy, ā€˜di ba?ā€ inosente nitong tanong.Hindi agad nakasagot si Chase. Napaluhod siya sa gilid ng kama, pinigilan ang pagbagsak ng luha habang tinatapunan ng tingin si Emma—tila humihingi ng pahintulot, o kahit kunting kumpirmasyon na may karapatan siyang maramdaman ang ganito.Tumango si Emma.

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (83)

    KABANATA 83 ā€œSaglit na Katahimikanā€Tahimik ang paligid. Tila huminto ang oras sa harap ng silid kung saan mahimbing na natutulog si Amara. Magkaharap sina Emma at Chase—parehong pagod, parehong sugatan, ngunit may mumunting apoy ng pag-asa sa pagitan ng kanilang katahimikan.Nag-ring ang cellphone ni Emma.Mia. Napabuntong-hininga siya, saglit na tiningnan si Chase bago sinagot ang tawag.ā€œHello?ā€ā€œEmma! Diyos ko, salamat at sinagot mo na rin!ā€ agad na bungad ni Mia, puno ng pag-aalala ang boses. ā€œNabasa ko na ang lahat. Andyan ka pa din ba? Okay ka lang ba? Kamusta si Amara?ā€Napakagat-labi si Emma. ā€œOo, Mia. Nandito pa ako. Okay naman si Amara… si Chase ang mahirap intindihin.ā€ā€œGusto mong puntahan kita?ā€ tanong ni Mia, pero agad ring bumawi. ā€œAy, wait… teka, okey lang ba? Wag na Mia. Pero Emma, please lang… huwag mong hayaang sirain ka na naman ng pagmamahal na hindi ka sigurado. Protektahan mo sarili mo, okay?ā€

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-Ā Ā Ā CHAPTER (82)

    KABANATA 82ā€œWalang Ibaā€Huminto ang taxi sa harap ng isang modernong condominium sa Maynila. Mataas, elegante, at tahimik sa labas—tila walang bakas ng unos na sumalubong sa damdamin ni Emma. Hawak niya ang overnight bag, at sa ilalim ng mga matang mapungay mula sa puyat at pagod, ay naroon ang matinding kaba.Mula Sogod hanggang Tacloban, saka lipad patungong Maynila—hindi man ganoon kahaba ang oras, pakiramdam niya’y buong buhay niya ang pinagdaanan para lang makarating dito.Tumigil siya sa harap ng entrance, luminga sandali, saka dinial ang numero ni Chase.ā€œMalapit na ako,ā€ mahina niyang sabi.Sa kabilang linya, sagot ni Chase, mababa at buo ang tinig. ā€œDito lang ako. At sana, ako na lang… wala nang iba.ā€Pag-akyat niya, sinalubong siya ng guard at dinala sa unit. Bukas ang pinto. Nakatayo si Chase sa bungad—naka-itim na shirt, gray na pantalon, at may mga matang tila ilang araw nang walang tulog. Nang magtagp

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status