Kabanata 45 – Pagtakas at Pag-amin POV ni Emma Malamig ang hangin habang naglalakad ako sa highway, pero hindi ito sapat para mapawi ang init na bumabalot sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hininga sa bigat ng nangyari kanina. Hindi ko alam kung saan ako pupunta—basta gusto ko lang lumayo. Ano bang nangyayari sa amin ni Chase? Bakit parang hindi ko na maintindihan ang sarili ko? Napabuntong-hininga ako at tumingala sa langit. Walang bituin. Walang sagot. Para bang pati kalangitan ay hindi sigurado sa kung ano ang dapat kong maramdaman. Biglang bumusina ang isang kotse sa tabi ko. Napatalon ako sa gulat. "Hoy! Emma Sinclair! Ano bang ginagawa mo rito sa daan na parang napabayaan ng tadhana?" Napalingon ako. Si Mia. Nakasungaw siya sa bintana ng kotse, nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin na parang isa akong batang nawawala sa mall. "Ano? Nagso-soul searching?" tanong niya bago mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan. "Sumakay ka na nga rito bago ka
Kabanata 46 – Anino sa DilimPOV ni EmmaTumigil ang mundo ko.Nakikita niya ako?Ang mga daliri ko ay nanlamig habang mahigpit kong hawak ang cellphone. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko—sobrang lakas, parang kaya na nitong umalingawngaw sa buong kwarto."Emma?" Bumaba ang boses ni Chase, puno ng pag-aalala. "Sino 'yan?"Hindi ako makasagot.Hindi ako makahinga.Tila may malamig na kamay na dahan-dahang pumipisil sa leeg ko. Ang paligid ko, na dati'y normal lang, ay biglang nagmistulang masikip at nakakabingi sa katahimikan."Sino ka?" mahina pero matigas kong tanong sa kabilang linya.Walang sagot.Tanging mahina, halos hindi marinig na paghinga lang ang naririnig ko.Parang may nakatayo sa likod ko.Parang may mga matang hindi ko nakikita, pero nararamdaman kong nakatitig sa akin.Dahan-dahan akong lumingon.Wala namang kakaiba. Sarad
Kabanata 47 – Mga Mata sa DilimPOV ni EmmaHindi ako mapakali.Kahit yakap-yakap ko ang sarili habang nakaupo sa gilid ng kama, hindi kayang palamigin ng balot na balot kong katawan ang sunod-sunod na kilabot na dumadaloy sa balat ko. Ang paligid ay tahimik, pero sa loob ng utak ko—ang paulit-ulit na pag-echo ng boses na narinig ko kanina sa tawag."Mas maganda ka sa personal."Ang kamay ko ay mahigpit na nakakapit sa kumot, pilit pinipigilan ang panginginig."Emma."Napatingala ako nang marinig ang mabigat na boses ni Chase. Nakatayo siya sa harapan ko, ang mga kamay niya ay nasa magkabilang gilid ng kanyang bewang. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.Matalim ang titig niya, halatang pinipilit niyang intindihin ang takot na bumabalot sa akin.Napansin kong may hawak siyang cellphone."Tumawag na ako sa security. Kukunin nila ang CCTV footage sa labas ng apartment. Huwag kang mag-alala
Kabanata 48 – Anino ng NakaraanPOV ni EmmaTahimik ang biyahe pabalik sa penthouse ni Chase. Kahit gaano ko gustong isiksik sa isip ko na wala akong dapat katakutan, hindi ko maiwasang lingunin ang paligid, naghahanap ng anino sa dilim. Pero kahit paulit-ulit kong tingnan, wala akong makitang kakaiba.Pagdating namin sa unit, agad akong naupo sa sofa, ramdam ang bigat sa balikat ko. Si Chase naman ay tahimik na tinanggal ang coat niya at humarap sa akin."Emma, gusto kong malaman ang buong nangyari. Klarong-klaro."Napatingin ako sa kanya. Naramdaman ko ang bigat ng titig niya—seryoso, puno ng pag-aalala. Hindi ko na maiiwasan ito.Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Nasabi ko na kanina, Chase...""Ulitin mo," madiin niyang sabi. "Gusto kong maintindihan lahat. Para alam ko kung paano kita poprotektahan."Napayuko ako, pinipilit i-compose ang sarili. "Tatlong taon na ang nakalipas... nangyari ito sa dati
Kabanata 49 – Bitag ng NakaraanPOV ni ChaseSimula nang malaman kong may stalker si Emma, hindi na ako mapakali. Hindi ko matanggap na may isang taong matagal nang pinagmamasdan siya. Kaya mula noong gabing iyon, hindi ko na siya iniwan.Alam kong naiinis siya sa pagiging overprotective ko, pero wala akong pakialam. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya.Pero isang tawag ang bumago sa araw ko.“Chase, we need to talk. It’s important.”Si Victoria.Gusto ko sanang iwasan, pero isang bahagi ng utak ko ang nagsasabing baka may sasabihin siyang mahalaga. At isa pa… may pananagutan ako sa kanya, hindi ba?Kaya kahit labag sa loob ko, pumayag akong makipagkita.---Sa isang pribadong restaurant, nakita ko siya. Hindi na siya mukhang kasingkumpiyansa ng dati—ngayon, mukha siyang kaawa-awa, parang sirang-sira. Pero alam ko ang laro niya.“Salamat at pumunta ka,” mahina niyang
Kabanata 50 – Ang Larawan ng Pagtataksil POV ni Emma Habang nag-uusap kami ni Manang, biglang tumunog ang cellphone ko. Inisip ko na isang normal na mensahe lang—mga kaibigan ko o anuman. Pero nang makita ko ang pangalan sa screen, hindi ko na kayang pigilan ang puso ko. Isang larawan ang lumabas. Isang larawan na malinaw na kinuha sa isang family dinner. Si Chase, nakaakbay kay Victoria. Nakangiti silang dalawa, parang masaya at komportable. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko nang makita ko iyon, pero ang nararamdaman ko ay hindi makapaniwala. Naramdaman ko ang init ng mga mata ko, parang may mga luha na gustong pumatak, pero pinigilan ko ang sarili ko. Si Chase… at si Victoria… Ang tanong ko, bakit ganito? Bakit ako pinalo ng ganitong larawan? Tumayo ako at dali-daling kinuha ang aking bag. Hindi ko na kayang magpanggap na walang nangyayari. Hindi ko na kayang itago ang
Kabanata 51 – Ang Lihim na Pag-uusap Malamig ang gabi, at ang madilim na kalsada ay tanging liwanag mula sa mga poste ng ilaw ang nagsisilbing gabay. Habang hawak ang cellphone, nanginginig ang kamay ni Emma. Ang mensaheng natanggap niya ay nagbigay ng pag-aalala—isang address at ang mga salitang “Mahalaga.” Hindi siya sigurado kung sino ang nagpadala ng mensahe, ngunit may takot na nag-uumalab sa kanyang dibdib. Akala niya’y si Victoria ang makikipag-usap sa kanya ukol sa larawan ng dinner, kaya’t nagdesisyon siyang puntahan. "Isa lang ang kailangan ko. Sagutin ko lang ito, at makakausap ko siya," sabi ni Emma sa sarili, ngunit ramdam niyang hindi madali ang bawat hakbang na tinatahak niya patungo sa lugar na ibinigay. Ang mga kaluskos ng mga dahon sa ilalim ng kanyang mga paa ay nagsisilbing babala sa kanya, ngunit hindi siya huminto. Habang abala siya sa paglalakad at pag-iisip, isang tawag na naman ang tumunog mula sa
Kabanata 52 – "NAGUGULUHAN" Hindi na alam ni Emma kung saan magsisimula. Ang bawat hakbang na ginagawa niya ay tila mas mabigat, mas mahirap, at ang mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan ay naging malalalim na sugat na hindi kayang pagalingin ng mga simpleng sagot. Habang siya ay naglalakad pauwi, napansin niyang wala na ang mga tunog ng kalikasan—ang hangin, ang mga ibon, at ang mga kaluskos ng mga dahon—lahat ay tila nawawala. Lahat ng kanyang nararamdaman ay nagiging isang malupit na kabiguan, at ang sakit sa kanyang puso ay nagsimula nang mag-umapaw. Nakaupo siya sa isang bangko sa isang parke, ang mga mata ay naglalakbay sa kalangitan na tinatanglawan ng malamlam na buwan. Walang ibang tao sa paligid, at sa sandaling iyon, naramdaman niyang siya lang ang natirang buhay na kaluluwa sa buong mundo. Ang cellphone niya ay patuloy na nag-vibrate sa kanyang bag, ngunit ayaw niyang sagutin. Hindi na niya alam kung anong sasabihin, kung paano magpapaliw
Kabanata 90: "PAGSABOG NG KATOTOHANAN"Biglang bumukas ang pinto ng silid.Pumasok ang security personnel ng ospital, kasunod ang dalawang pulis na mabilis na lumapit sa kinaroroonan nila."Hawak na namin ang CCTV footage. Mr. Chester Donovan, you are under arrest for attempted murder," malamig na anunsyo ng isa sa mga pulis.Napatras si Chester, napatingin kay Anabelle. "T-teka! Hindi pa ako handa! Hindi ako—""Tahimik!" sigaw ng pulis habang isinusuot ang posas sa kanyang pulso. "Lahat ng sinabi mo ay pwedeng gamitin laban sa’yo sa korte."Si Anabelle ay nanatiling nakatayo, nanginginig, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Napatingin siya kay Chase, at sa unang pagkakataon ay nakita niya ang lalaking walang kahit kaunting awa sa kanyang mga mata."Chase, anak... ako ito."Mabigat ang titig ni Chase. "Hindi kita ina sinabi ko naa saiyo kanina, don't call me anak! Hindi mo kailanman pinalaki ako, noon
KABANATA 89: HUSTISYATahimik ang gabi sa ospital. Tanging ang tunog ng makina ang maririnig habang nakahiga si Don Esteban sa kama, nakapikit at walang malay. Nasa tabi lang niya ang private nurse, tahimik na nagbabantay.Sa labas ng kwarto, nakaupo si Chase sa hallway, hawak ang cellphone ngunit walang balak tumawag. Mahigpit ang hawak niya sa isang maliit na plastik—mga gamot na nakuha niya mula sa drawer ng kanyang tinuring na Lolo yun pala ay ang kanyang totoong ama bago pa siya dalhin sa ospital. May kutob na siyang mali, at ngayong hindi pa rin magising si Don Esteban, kailangan na niyang kumilos.Tumayo si Chase, walang sinabi kahit kanino. Iniwan niya ang ospital ng walang ingay, sakay ng kanyang sasakyan at dumiretso pabalik sa Donovan Mansion.Tahimik din sa mansion nang dumating siya. Wala ni isang tao sa sala. Ang mga ilaw ay bukas, pero walang kasambahay sa paligid. Maingat siyang umakyat sa silid ni Don Esteban, bitbit ang duplicate
kabanata 88: "TOXIC NA LIHIM"Dumating ang ambulansya sa harap ng mansyon, mabilis at maingay ang dating nito. Agad na ibinaba ng mga medics ang stretcher at maingat na isinakay si Don Esteban na wala pa ring malay."Anong ginawa niyo?!" sigaw ni Anabelle habang lumalapit, halatang nanginginig sa takot at galit. "Bakit nangyari ‘to?!" Nangingilid ang luha niya habang tinititigan si Don Esteban na walang reaksyon sa stretcher.Tahimik ang lahat. Walang gustong sumagot. Ang tensyon sa paligid ay parang bombang anumang oras ay puputok."May sasama ba sa amin?" tanong ng driver ng ambulansya, lumingon-lingon sa paligid."Ako," agad na tugon ni Chase, walang alinlangan.Sumakay siya sa ambulansya, hawak pa rin ang kamay ng matandang lalaki. Habang umaandar ang sasakyan, nanatili siyang tahimik, pinagmamasdan ang bawat saglit na lumilipas.Pagdating sa ospital, sinalubong sila ng mga doktor at nurse. Dumeretso sila sa emergenc
Kabanata 87" Anak na Sekreto" "Paglipat sa Penthouse at Paalam ni Chase"Pagkatapos ng ilang araw ng paghahanda, dumating na rin ang araw ng paglipat. Inilipat na ni Chase ang kanyang mag-ina sa penthouse na dati nilang tinitirhan ni Emma—isang lugar na puno ng alaala, masasaya man o masakit.Tahimik si Emma habang nakatitig sa isang lumang litrato na naka-frame sa dingding. Bata pa siya roon, nakangiti, katabi si Chase na kasing-bata rin niya. Hindi niya maalala kung kailan iyon kuha, pero pamilyar ang damdaming bumalot sa kanya habang tinitingnan ito.Lumingon siya kay Chase, na abalang inaayos ang ilang gamit sa shelf.“Chase... saan mo nakuha ‘tong picture na ‘to?” tanong niya, hawak ang larawan.Tumigil si Chase sa ginagawa. Saglit siyang natahimik bago lumapit at ngumiti nang banayad.“Noong umalis ka,” panimula niya, “hinanap kita kahit saan. Isa sa mga pinuntahan ko ay ang lumang bahay ninyo sa Quezon City. Nand
Kabanata 86" HINDI NA AKO BULAG" Lumabas si Chase mula sa unit, seryoso ang ekspresyon habang papalapit kay Victoria.“Chase,” bungad ng babae, agad na nagtatanong. “Sino ang kasama mo sa loob?”Tumigil si Chase ilang hakbang mula sa kanya at malamig ang sagot. “Wala akong kasama sa loob. Kaya puwede bang umalis ka na rito?”Umirap si Victoria at hindi natinag. “Bakit ako aalis? Asawa mo ako. Kung nasaan ka, doon din ako.”Napailing si Chase, ramdam ang inis sa boses. “Victoria, pwede bang nipisan mo naman ang mukha mo kahit minsan? Ayaw ko na sa’yo. Hindi ka ba tinatablan ng kahihiyan? Ganyan ka na ba ka-desperada? Hindi ka pa rin ba sumusuko?”Tumayo nang mas tuwid si Victoria, nagpipigil ng luha. “Sige, Chase. Kung ganyan ang trato mo sa’kin, tatawagan ko si Mama Anabelle. Sasabihin ko sa kanya kung paano mo ako tinatrato!”Napangisi si Chase, punung-puno ng panlilibak ang titig niya. “Talaga ba, Victoria? Tinatakot
Kabanata 85: "Laban sa Nakaraan"Alas 7 ng umaga, nagmamadali si Chase na maghanda para sa trabaho. Marami na siyang nakatambak na tasks sa Donovan Enterprises, at hindi puwedeng mawalan ng oras. Bago siya umalis, tumingin siya kay Emma na nag-aalaga kay Amara."Emma," sabi ni Chase habang nagsusuot ng jacket, "huwag mong buksan ang pinto ng basta-basta. Tawagan mo ako kung may tao, ha? Alam mo naman na pag ako ang kakatok, tatawagin ko ang pangalan mo."Tumango si Emma, nag-aalalang tiningnan si Chase. "Okay. Alagaan mo ang anak natin.""Andiyan na lahat ng kailangan ninyo," sabi ni Chase, nag-aalalang tiningnan si Emma. "Bakit ba hindi ako puwedeng lumabas?""Sa ngayon, wag mo na munang gawin. Mangiramdam muna ako. Alam mo naman na nag-iingat lang ako para sa inyo," sagot ni Chase, pinupunasan ang kanyang mga kamay ng towel habang papalabas na ng pintuan."Okay, sige," sabi ni Emma, nagbigay ng mahinang ngiti bago tuluyang
KABANATA 84“Sa Unang Pagkakataon”“She calls me… D-daddy?”Hindi makagalaw si Chase. Parang bumalot sa kanya ang init at lamig ng sabay. Ilang ulit niyang inisip kung kailan mangyayari ito—kung darating pa ba talaga ang araw na kikilalanin siya ni Amara bilang ama. Pero ngayong narinig na niya, hindi siya handa.“Amara,” bulong niya habang dahan-dahang lumapit sa kama. “Sinabi mo ba ‘yon, anak?”Tumango si Amara, ngumiting parang walang nangyaring sigawan o gulo ilang oras lang ang nakalipas. Para sa kanya, simpleng mundo lang: May Mommy. May Daddy. Basta magkasama sila, ayos lang.“Tinawag kita kasi ikaw naman talaga si Daddy, ‘di ba?” inosente nitong tanong.Hindi agad nakasagot si Chase. Napaluhod siya sa gilid ng kama, pinigilan ang pagbagsak ng luha habang tinatapunan ng tingin si Emma—tila humihingi ng pahintulot, o kahit kunting kumpirmasyon na may karapatan siyang maramdaman ang ganito.Tumango si Emma.
KABANATA 83 “Saglit na Katahimikan”Tahimik ang paligid. Tila huminto ang oras sa harap ng silid kung saan mahimbing na natutulog si Amara. Magkaharap sina Emma at Chase—parehong pagod, parehong sugatan, ngunit may mumunting apoy ng pag-asa sa pagitan ng kanilang katahimikan.Nag-ring ang cellphone ni Emma.Mia. Napabuntong-hininga siya, saglit na tiningnan si Chase bago sinagot ang tawag.“Hello?”“Emma! Diyos ko, salamat at sinagot mo na rin!” agad na bungad ni Mia, puno ng pag-aalala ang boses. “Nabasa ko na ang lahat. Andyan ka pa din ba? Okay ka lang ba? Kamusta si Amara?”Napakagat-labi si Emma. “Oo, Mia. Nandito pa ako. Okay naman si Amara… si Chase ang mahirap intindihin.”“Gusto mong puntahan kita?” tanong ni Mia, pero agad ring bumawi. “Ay, wait… teka, okey lang ba? Wag na Mia. Pero Emma, please lang… huwag mong hayaang sirain ka na naman ng pagmamahal na hindi ka sigurado. Protektahan mo sarili mo, okay?”
KABANATA 82“Walang Iba”Huminto ang taxi sa harap ng isang modernong condominium sa Maynila. Mataas, elegante, at tahimik sa labas—tila walang bakas ng unos na sumalubong sa damdamin ni Emma. Hawak niya ang overnight bag, at sa ilalim ng mga matang mapungay mula sa puyat at pagod, ay naroon ang matinding kaba.Mula Sogod hanggang Tacloban, saka lipad patungong Maynila—hindi man ganoon kahaba ang oras, pakiramdam niya’y buong buhay niya ang pinagdaanan para lang makarating dito.Tumigil siya sa harap ng entrance, luminga sandali, saka dinial ang numero ni Chase.“Malapit na ako,” mahina niyang sabi.Sa kabilang linya, sagot ni Chase, mababa at buo ang tinig. “Dito lang ako. At sana, ako na lang… wala nang iba.”Pag-akyat niya, sinalubong siya ng guard at dinala sa unit. Bukas ang pinto. Nakatayo si Chase sa bungad—naka-itim na shirt, gray na pantalon, at may mga matang tila ilang araw nang walang tulog. Nang magtagp