Home / Romance / EMBRACING THE MOON / IKA-WALONG KABANATA

Share

IKA-WALONG KABANATA

Author: Inoxxente
last update Last Updated: 2021-12-02 19:17:10

Pain

“You done? Hindi mo pa nauubos ang pagkain mo.”

Umalis na si Atty.Santos pagkatapos naming mag-usap. May tatapusin pa daw siyang cases para walang conflict pag inayos na niya ang kaso ko.

“Busog na ako. Pwede ka nang umuwi.” Nagkibit-balikat lang ito at sinawsaw ang fries sa sundae, ugali na niya yang pagsawsaw ng fries sa sundae. Ang weird lang kasi ang alam ko dapat sa ketchup iyon eh.

“Kamusta na pala ang pag-stay mo dito? May mga nang-aaway ba sa’yo? Nambabastos?”

“Hindi ba sinabi sa’yo ng pulis na kasama mo kung ano ang lagay ko dito?” Ano ba sila? Magkaibigan? Magkamag-anak? Hindi ko naman sila nakikita na dating magkasama.

“I’m updated on what’s happening to you here, but I want to hear it from you. Don’t worry, other from stefan, may mga pulis akong kinausap para bantayan ka.”

Hinawakan niya ang kamay ko pero tinabig ko lang ang kamay niya. Nakita kong umigting ang panga niya at kinuyom na lang ang kamay.

“Hindi mo naman kailangang gawin ‘to.” Sabi ko sa kaniya.

“You’re my responsibility,Babe. Ilalabas kita dito at magpapaliwanag ako.”

“Why? Break na tayo, ‘di ba?” Tinaasan ko siya ng kilay?

“I don’t not remember that we’ve broke up.” Malumanay niyang sinabi pero halata ang inis sa boses niya.

“Years ago.. Nang nalaman kong niloko mo ako.. that’s the time na kumalas na ako sa relasyon natin.”

“I.did.not.cheat.on.you. For christ sake! Listen, Babe. Gusto kong magpaliwanag sa’yo pero i need my mother para sabay kaming humarap sa’yo at magpaliwanag.” Huminga siya ng malalim. “Kung ano man ang sinabi niya sa’yo before, hindi iyon totoo. She lied.”

Paulit-ulit akong umiling kase hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa siya. Hirap na siguro akong maniwala pa.

I still remembered that his mother don’t approved our relationship back then. How she tell bad words on me dahil ako ang pinili ng kaniyang anak at ang buhay na mayroon kami before.

“Adrian... Help me..”

Humahagulgul na ako dahil sa halo-halong emosyon, takot, pagot, galit at lungkot. Napatay si mama. Tumatakas kami kanina ng naabutan kami ng mga tauhan ng sindikatong sinalihan ni papa. Habang tumatakbong tumatakas ay nadapa si mama at binaril ng hindi ko na mabilang kung ilang beses. Babalikan ko na sana siya ng sumenyas siyang tumakbo na kami ng kapatid ko kaya sobrang labag man sa loob ko ay pikit matang sinunod ko ang utos niya. Akala ko makakalayo na kami pero... hinarangan kami ng isang van at pinipilit kaming ipasok ng kapatid ko nang may mga dumaang brgy.tanod at natulak ako ng isa at ang kapatid ko lang ang nakuha. Hinabol ko sila ngunit huli na.

Takbo ako ng takbo, umaasang maabutan ko pa ang kapatid ko ngunit wala na talaga.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kanina pa bumubuhos ang ulan at basang-basa na ako dito, kanina pa rin ako pinagtitinginan ng ibang tao dahil sa itsura ko at paghahagulgul ko. Hindi ko kailangan ng awa sa kanilang mga mata. Hindi nun mababalik ang buhay ng nanay ko at mababawi ang kapatid ko.

Sa halo-halong emosyon, nagpasiya akong pumunta sa bahay ng mga magulang ng boyfriend ko. Magbabakasakali ako na tanggapin ako dahil girlfriend ako ng anak nila. Wala akong mapupuntahan at malalapitan dahil ang mga tao ay ilag sa amin dahil alam nilang namatay ang tatay ko dahil sa pagiging pusher nito. Binaril ng hindi kinikilalang tao at natagpuan na lang na may karatulang “Pusher ako, wag tuluran” sa isang ilog sa katabing brgy namin.

Kanina pa ako nag doorbell pero walang lumalabas na tao para pagbuksan ako. Kumakatok na rin ako at sumisigaw para marinig nila pero wala pa ring nagbubukas ng gate. Impossible namang walang tao dahil may nakikita akong mga anino sa loob.

Naghintay pa ako ng ilang oras at nakatulog na lang sa paghihintay na buksan ang gate.

Umaga ng magising ako ng naramdamang may bumuhos ng tubig sa akin. Nagmulat agad ako ng mata dahil sa sobrang lamig ng tubig sa katawan ko.

“You! Ang kapal din ng mukha mong pumunta pa dito, ‘no?”

“Ti..ta, wala na po akong mapupuntahan. Girlfriend naman po ako ng anak niyo, makikituloy lang ako kahit saglit.” Ngunit parang wala siyang narinig sa mga pakiusap ko.

“At bakit naman kita papatuluyin sa bahay namin? Mamaya madamay pa kami sa buhay niyo.”

“Tita, please. Kailangan ko lang ng matutuluyan.”

“Nung una palang ayaw na talaga kita sa buhay ng anak ko. Sinabihan na kita, ‘di ba? Layuan mo ang anak ko. Matagal na akong may naririnig na pusher ang tatay mo kaya umpisa pa lang ayoko na sa’yo!”

“Lumayo ka dito. Hindi kita matutulungan. Mamaya gumagamit ka rin tapos pagtangakaan mo ang buhay namin dito.”

“Sige, tita. Pero, bigyan niyo na lang ako chance para kausapin ang anak niyo. Please, kailangan ko lang ng tulong.” Pero mas lalo siyang nagalit sa akin at binuhusan ako ng tubig.

“Tanga ka ba! Idadamay mo pa ang buhay ng anak ko! Atsaka may babae nang kinahuhumalingan ang anak ko kaya tumigil kana.”

“Hindi.. Hindi totoo yan! Tita please, bawiin niyo ang sinabi niyo! tawagan niyo si Adrian, gusto ko siyang makausap.” Lumuhod na ako sa kaniya at humagulgul sa harap niya.

“Totoo iyon! Ang anak ng kumadre ko at si adrian ay nagbahaybahayan na sila sa condo at siya ang bagong kinahuhumangalingan ng anak ko.”

“No..!”

“Sabi ko naman sa’yo, ‘di ba. Magsasawa rin sa’yo si Adrian at yung babaeng iyon ay ang babaeng nararapat para sa anak ko.”

“Kaya kung ako sa’yo, magtago kana lang at wag ka nang bumalik dito. Lumayas ka at baka madamay pa kaming lahat sa kamalasang hatid niyo!”

“Nakakahiya kayo! Nagbebenta ng illegal na gamot para sumira ng buhay ng iba! Buti nga sa tatay mo yan dahil pusher siya! Karma na ang gumagawa ng paraan para parusahan kayo! At ikaw! Wala ka nang babalikan dahil hindi na ikaw ang mahal ng anak ko kaya tumigil kana at wag nang magpapakita dito at baka may pumunta pang pulis dito at hulihin kami dahil kakilala namin kayo. Anak ng pusher!”

Binuhusan niya ulit ako ng tubig bago niya sinipa ang timba malapit sa pwesto ko tiyaka niya malakas na isinara ang gate ng bahay nila.

Nakita ko sa paligid ko kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito. Ang iba ay naaawa, ang iba ay galit at ang iba ay walang pakealam at gusto lang maki chismis sa nangyayare sa amin.

Tapos na ang palabas, maaari na kayong pumasok sa mga bahay niyo.

“Umalis kana. Ayoko nang marinig ang kahit anong sasabihin mo.”

“Babe...”

“Sige. Ganito na lang, hahayaan kitang magpaliwanag pero huwag muna ngayon and please! ayoko makita ang mama mo kung gusto mo ako makausap. Hmm?” mahina kong sabi.

“M-ay n-agsabi sa akin na binuhusan ka daw ng tubig ni mama nang araw na pumunta ka dun. Is that true, kane?” Umigting ang panga ko sa tanong niya.

“Tapos na iyon, Adrian.”

“Babe.”

Tumayo na ako at ready nang umalis. Tumayo din siya para sana pigilan ako pero nang nakita niyang matamlay ang mga mata ko ay pinigilan niya ang sarili niya sa pagtangka.

“Salamat sa lahat ng tulong mo, Adrian. Pero katulad nga ng sabi ko it’s not your obligation na tulungan ako dahil tapos na rin naman tayo pero nagpapasalamat pa rin ako na tinutulungan mo ako.” Nginitian ko siya “Salamat din sa masarap na pagkain. Pwede kanang umalis para makapagpahinga kana. Bye.”

Tumalikod na ako at hindi ko na siya nilingon pa. Ramdam ko ang mainit na titig niya sa akin pero hindi ko na iyon inintindi pa at umalis na ng tuluyan sa lugar na iyon.

Masakit pa rin pala talaga.

Napangiti na lang ako ng mapait.

“Okay ka lang?” pagkarating ko sa selda ay tinanong ako ni May kung okay lang ba ako at sinagot ko siya ng oo.

Pumunta ako sa pwesto ko at umupo na lang. Tiningnan ko ang nasa paligid ko. Wala si Nanay Bilog dahil may bumisita daw sa kaniya. Wala rin si Dahlia at may sumundo daw ditong pulis kanina at ibang narito ay nagbabaraha at ang iba ay nakatulala. Nagbibilang yata ng araw kung kelan lalabas. Hindi ko alam.

“Nabalitaan ko pinapunta ka daw ni Chief Mendez sa office niya kagabi ah.” Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya.

Paano niya nalaman? Nabasa niya yata ang isip ko kaya mas lumaki ang ngiti niya.

“Paano ko nalaman? Aba! Reyna ako ng kulungan, ano ka ba?!” May pa suntok pa siya sa d****b niya.

“Narinig ko pangalan mo nung papunta ako sa office nung jowa ko para tumawag sa mga anak ko tapos sakto magkalapit lang naman ang pwesto ng office nila kaya narinig ko na pinapapunta ka daw dun dahil may pag-uusapan daw kayo. Sexy time?” tumataas taas pa ang dalawang kilay niya.

I rolled my eyes.

“Nakipag deal ako sa kaniya.”

“Tapos” umusog pa siya sa pwesto ko at hayok na hayok sa tsismis ang babae.

“Ilalabas daw niya ako dito pag sinunod ko ang deal namin.” Pinigilan ko ang sarili ko na magsabi pa ng ibang impormasyon.

“Kane.” Parang natatae na ang itsura niya.

“Bakit?”

“Ang panget nun, 336. Bakit ka pumatol dun?”

Napatawa naman ako sa sinabi niya. Hindi lang pala ako nakapansin sa itsura ng hepe na iyon.

Nagkibit-balikat na lang ako.

“I have no choice. Magulo na ang isip ko at desperado na akong lumabas.” Sabi ko naman.

“Ano sabi niya? Itatakas ka niya dito? G.gu iyon, kane. Niloloko ka lang nun.”

Tiningnan ko lang siya at hindi sumagot.

“Unang araw ko dito. May kasamahan kami na nakipag deal din sa kaniya. S.x ang kapalit ng kalayaan. Lumaya na lang iyong babae dahil sa parol at hindi sa pinangako sa kaniya ng hepe na iyon.”

“Buti na lang at hindi ka nakipag deal dun.”

Biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Adrian. Na hindi mapapagkatiwalaan ang taong iyon bukod sa tuta siya ng boss ay siguradong s.x lang ang habol nun sa akin at wala namang kasiguraduhang makakalabas ako dito.

Muntik na ako dun. Mabuti na lang.

“Muntik na ako dun.” Napasandal ako sa pader, siguro kung hindi pumunta si Adrian ng gabing iyon ay sure akong may mangayayare sa amin ng hepe na iyon. At, at, baka may sakit pa iyon.

“Huwag kang papasok sa ganun, kane. Mahirap nang makalabas pag pumasok ka sa ganung bagay.” Huling sabi niya bago niya ginaya ang pagsandal ko sa pader.

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin bago ako nagpasiyang basagin ito sa pamamagitan ng pagtatanong kung kamusta na ang mga anak niya sa labas.

“Okay lang sila. Kumakain sila sa tamang oras. Wala nang nambubugbug sa kanila at nasa maayos na silang kalagayan.”

“Hindi ba sila bumibisita dito?”

Malungkot siyang napatingin sa akin.

“Hindi ko sila pinapayagan. Ayokong makita nila ako dito na naka posas. Baka mag-iyakan pa kami dito, 336.” Tumawa siya pero may namuong luha sa paligid ng kaniyang mata.

“Gusto ko nang maka-uwi sa amin.”

“Wala ka bang abogado na pwedeng humawak sa kaso mo?”

“Wala. Walang pera tsaka mahal eh.”

“Paano yan? Paano kayo magkakasama ng mga anak mo?”

Nagkibit-balikat lang siya.

“Ewan. Pag nakalabas na siguro ako o iurong iyong kaso sa akin ng pamilya ng dati kong asawa kaso malabo eh. Sukdulan galit nung mga iyon sa akin.”

Pinagmasdan ko siya. Pag ako nakalaya at nakahanap ang magandang trabaho, gagawa ako ng paraan para makalaya ka at makasama mo mga anak mo.

Nakabalik na Dahlia. Mugto ang kaniyang mga mata, mukhang kakagaling lang sa iyak.

Sinalubong ko siya ng yakap dahil halatang nanginginig siya. Pumunta kami sa pwesto namin ni May at pina-upo siya.

“Hey. Anong nangyare?”

“Kane...” Pinipigilan niyang umiyak pero may lumabas na luha sa kaniyang mga mata.

“Bakit? Care to share?”

“Dumating dito ang dating nobyo ko. Kane, ikakasal na siya.”

Huh?

“Dumalaw lang siya dito para sabihing pupunta na sila ng maynila para dun magpakasal ng bago niya at magpakalayo-layo.”

“Paanong nangyare iyon? He cheated on you while you both are in relationship?”

Umiling siya at umiyak lang ng umiyak hanggang sa makatulog sa balikat ko. Inayos ko naman ang higaan para ilapag siya dun at maging komprtable ang tulog niya. Sinaway ko rin ang iba na wag mag ingay para hindi magising si Dahlia.

Dumating si Nanay Bilog na masaya pang pumipito ng mapansin niyang tahimik ang lahat. Sinabi ko lang na wag mag ingay at baka magising si Dahlia. Hindi naman siya nagtanong pa at hindi na kami pinansin pa dahil siguro masaya ang araw niya ngayon.

Sana lahat.

Related chapters

  • EMBRACING THE MOON   IKA-SIYAM NA KABANATA

    FIRST HEARING “Are you ready?” Kinakabahan ako. Ngayon ang araw kung saan gaganapin ang unang hearing ko. Kinakabahan pero desidido akong humarap sa judge at makalabas dito. Hinawakan ni Adrian ang dalawa kong kamay at bahagyang kumunot ang nuo niya. Masyadong malamig at nagpapawis ang kamay ko, ibig sabihin lang ay kinakabahan ako ngayon. “Don’t be nervous, you will be out of here.” Tumango ako. Kaya ko ‘to. Inhale, exhale. Breathe, Kane. You can do it. Pumunta sa pwesto namin ang isang babae, naka formal attire and naka tali ang buhok . Nginitian niya kami at ngumiti din ako sa kaniya pabalik. “Pasok na po kayo.” “Lets go.” Atty.Santos said at lumakad na kami. Binuksan ng babae ang pinto. Umupo kami sa unahan

    Last Updated : 2021-12-06
  • EMBRACING THE MOON   IKA-SAMPUNG KABANATA

    PUSHER “336, Pinapatawag ka sa interrogation room, andun na rin ang abogado mo.” This is the day na haharap ako sa mga police at sasabihin ko na ang nalalaman ko. There is no room for retreat since I need to get my sister from my boss. Panalangin ko lang na sana walang gawing masama ang boss ko sa kapatid ko sa gagawin ko ngayon. I breathed and ready myself for confessions. Binuksan na nang Police ang isang kwarto. Andun si Stefan and isang police, sila yata ang mag tatanong sa akin kasama sa isang side si Atty.Santos. Unang naka kita sa akin ay si Atty. Tumayo ito at sinalubong ako. Tiningnan lang ako ng dalawang police at ginalaw ang kanilang mga ulo bilang pagbati. “Good Morning, Miss.Peña Vega. Kami ang magtatanong sayo about sa case mo. I need your confession about that drug syndicate as well as its members.” “Mag tatan

    Last Updated : 2021-12-08
  • EMBRACING THE MOON   KABANATA LABING-ISA

    CONFESSION“After mong pumayag sa gusto ng boss mo, Ano nang nangyare?”After I agreed to that demon, His guard put me in a room. Walang bintana, kaya walang pwedeng labasan. Isinarado nila ang pinto at ang seradura ay nasa harap. Maliit lang ang kwarto at walang kahit anong mga gamit ang makikita dito.Nag-aalala ako sa kapatid ko, wala siyang malay. Hindi ko rin naman alam kung saan nila siya inalagay.Pumunta ako sa pinakasulok ng kwarto, humiga ako kahit walang karton at malamig ang sahig. Pagod na pagod ang katawang lupa ko sa dami nang natamo kong pananakit at sugat sa kanila. Napansin ko ring dumudugo ang labi ko dahil sa sampal sa akin kanina.Nagising ako sa malakas na bagsak ng pinto. Halos hindi ko mamulat ang mata ko sa sobrang antok at pagod.“Hoy! Aba gising na! Hindi ka prinsesa dito, Ineng. Oh, pagkain mo.”

    Last Updated : 2021-12-10
  • EMBRACING THE MOON   KABANATA LABING-DALAWA

    SAVE “Hearing mo?” Tanong ni Nanay Bilog. Ngumiti ako kay Nanay Bilog. “Opo, Nay.” Sagot ko sa kanya. Pagkatapos nang pag-amin ko sa mga Police ay gumawa na sila ng report about sa sindikatong sinalihan ko. Pinabalik ako nang gabi ding iyon para sa sketching ng ibang tauhan at ng pinuno ng grupo. Naging maayos naman ang takbo ng lahat pagkatapos kong umamin. Dahil nga may mga tauhan ang dati kong Boss dito ay may mga police na inassign si Stefan na pasimpleng magbabantay sa akin para sa security ko. Hinahanda na nila ang warrant of arrest and nagpa plano na rin sila para sa pagdakip sa leader at sa member ng grupong sinalihan ko. “Goodluck, Anak! Sana ay makapag piyansa ka o makaalis kana talaga dito.” Nanay Bilog grabbed my hand and slightly squeeze it. “Sana nga po, Nay.” Dumat

    Last Updated : 2021-12-12
  • EMBRACING THE MOON   KABANATA LABING-TATLO

    TEASE“Eat.”Instead na dumeretsyo kami sa kusina binalik niya ako sa kwarto and siya na ang kumuha ng pagkain. He re-heat the food that he’d buy when I was still sleeping. Chicken Adobo and Garlic Rice. He even give me a glass of milk.Kumain lang ako habang nasa tabi ko siya. Kumukuha ng tiyempong punasan ang gilid ng labi ko kada may mga kanin sa gilid ng bibig ko.When I’m done eating, He brought my plates downstairs, Nag hugas pa yata kaya medyo natagalan.“Where are we?” I asked him.“Turtle Island...” He answered.“Turtle Island? Kanino? And why are we here? Kailangan ko pang hanapin ang kapatid ko, Adrian.”Mamaya kung ano nang mangyareng masama sa kapatid ko. Huwag naman sana.“Don’t worry, Your sister is safe until n

    Last Updated : 2021-12-16
  • EMBRACING THE MOON   KABANATA LABING-APAT

    MARGAUXGago talaga ‘to. Lakas ng amats eh.Nang malagay na niya ako sa bathtub ay pinaalis ko na siya. Kaya ko naman sigurong paliguan mag-isa ang sarili ko nang walang tulong niya. Ang awkward na nga kanina habang binaba niya ako dito. Iba na ang tingin, may halong init.Inferness ang ganda dito. First time ko makapasok sa ganito kagandang banyo, pang mayaman style. Iyong sa shower area may glass na harang tapos itong bathtub ang ganda magbabad, nakaka relax. Maligamgam ang tubig tapos maraming bula.Kumuha ako ng bula at inamoy ito. Napaka bango. Napaka tamis ng amoy, parang candy.Dahil wala naman si Adrian ay tinanggal ko ang bra at panty.Kumuha ako ng bodywash at inilagay ko ito sa bimpo at Inumpisahan ko nang magkuskos. Nag dahan-dahan lang ako sa mga galaw ko dahil natatakot ako baka bumuka ang tahi ko, iniwasan ko rin ang parte kung saan ako n

    Last Updated : 2021-12-20
  • EMBRACING THE MOON   KABANATA LABING-LIMA

    THE TRUTHTruth can set us free. Hindi na baling masaktan sa katotohanan atleast nakalaya tayo sa kasinungalingan. I’m ready to hear his reason, If he cheated, If he has feeling for another girl while we’re in a relationship or lahat iyon gawa-gawa lang ng nanay niya. Lahat gusto ko nang malaman.“Sino si Margaux?” ulit ko sa kaniya.“She’s my godmother daughter.” saad niya.“S-iya ba ang gusto ng parents mo para sa’yo?” He only nodded.Ang sakit pala, ang malaman na hindi ka gusto ng parents ng mahal mo para sa kaniya. Alam ko naman nuon pa pero masakit pa rin pala.Pinikit ko na lang ang mata ko dahil sa sakit na nararamdaman.“Say something p-lease.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan.“Ask...Ask what you want to know. I will answer

    Last Updated : 2021-12-22
  • EMBRACING THE MOON   KABANATA LABING-ANIM

    PLEASUREThe truth finally set me free. Dahil sa sinabi ng nanay niya na may iba na siya at may kinahuhumalingang babae ay nagalit ako. How can he love another girl while committed to me? Habang ako ay lumulubog sa lahat nang problema at namatayan, siya ay nagpapakasaya sa piling ng bagong babae niya.But I also realized na playboy pala siya dati nang nakilala ko and I’m naive when it comes to relationship back then kaya baka oo nga, totoo nga na pagkatapos niyang makuha ang gusto niya sa akin ay lilipat na siya sa iba.Ang bigat sa dibdib ko ay biglang nawala. Hindi siya nagloko at hindi niya ako ginago. Sadya lang talagang sa gitna ng pagpipilian ay nagipit lang siya at ang relasyon namin ang naging sakripisyo.Mula sa likod ay may yumakap sa akin. “Babe, Have you eaten?”“Not yet.”1 week had passed and naging okay na kami fin

    Last Updated : 2021-12-26

Latest chapter

  • EMBRACING THE MOON   ADRIAN POV

    ADRIAN POV My love of my life is sleeping peacefully besides me. I smirked. Yesterday is too memorable to forget. We are finally married. She is now carrying my name. I smiled. I kissed her forehead softly and cover her body with blanket before i get up. I only wear my boxer short as i leave our room. It’s Nine in the morning and yet she still sleeping. Napagod ko yata talaga. I decided to make breakfast for the two of us. I only make Monti cristo sandwich for my wife and hot Choco. I just make coffee for myself. I sat down on the couch while sipping my coffee. This is the kind of life I’ve wish since i met her. That girl. She has the beautiful eyes i have ever since. The beautiful girl my eyes found. Inaalala ko kung bakit ba ako andito sa isang school. Naglalakad-lakad lang ako hanggang sa mapadpad na ako dito.Aalis na sana ako na

  • EMBRACING THE MOON   KABANATA APATNAPU

    TIED THE KNOT We will getting married.... Nanlaki ang aking mata sa sinabi ni Adrian. Itinago niya sa bulsa ang kaniyang Cellphone at kinuha ang aking kamay para halikan. “There is no turning back, Baby. I won’t let you.” No. I’m not backing out. I’m shocked. Adrian said na naghihintay na si Atty. Santos sa mansion nila Adrian. Doon daw iraraos ang kasal namin ngayon. Yes, ngayon dahil ayaw nang patagalin ni Mama Alma ang pag-iisang dibdib namin ng kaniyang anak. Papunta kami ngayon sa mansion nila sa Quezon City. Andoon na daw ang lahat at kami na lang ang hinihintay. I’m so damn*d nervous and excited. I cannot wait. “Nervous?” He asked. “Yes.” “Hmm.” He chuckled. “I love you.” He only said.Pagdating namin sa bahay nila Adrian ay nasa Garden na ang lahat. Napapalibutan ang lugar ng mga ibat-ibang klase ng bulaklak

  • EMBRACING THE MOON   KABANATA TATLUMPO'T SIYAM

    CEMETERY“Congratulations to the both of you!” “Tagal pinangarap yan ni Adrian!” “Sana all!” “Oh ayan may bakod na talaga.” Everyone’s laughed because of that. Adrian embrace me tightly. I feel his fast heartbeat like how i felt mine. Today, I got engaged to the man of my life. To the man i use to love since i was eighteen. “Mahal na mahal kita.” Naiiyak kong bulong. “I love you. I love you too, Baby.” Naghiwalay kami nang yakap. Kinuha siya ng mga pinsan niyang lalaki. Ako naman ay pinuntahan ni Mama Alma upang yakapin. “Thank you for accepting my sorry, Iha.” “Wala na po ‘yon. Kalimutan na po natin ang lahat... Mama.” She cried in tears while nodding her head. “Mahalin niyo lang ni Adrian ang isat-isa ng tapat— ‘yon lang naman ang gusto namin para sa inyo.”

  • EMBRACING THE MOON   KABANATA TATLUMPO'T WALO

    APPROVAL Tama. Hindi dapat ako magpa- apekto. Baka pag inisip ko pa ang mga sinabi ng babaeng ‘yon ay ma stress pa ako at baka nakasimangot pa ang aking anak sa loob ng tiyan ko. Pagpasok ko sa Condo ay saktong nagluluto si Nanay Melay. Nakatalikod ang ginang at nag gigisa siya ng bawang at sibuyas. Nakaramdam ako ng pagsusuka. Agad akong pumunta sa Lababo upang sumuka. Wala naman lumabas ngunit ramdam ko lang na parang may lalabas sa bibig ko. May kamay na humahaplos sa aking likod. “Hala pasensya kana, Ineng. Sensitibo ka yata sa bawang kaya ka nagsusuka.” “Okay lang po.” Sabay hawak sa ilong ko. I used to love how garlic sauté before but now, nasusuka at nababahuan talaga ako sa amoy.“I’m sorry, Nanay Melay. Maiwan po muna kita. Nanghihina po ako sa amoy. Akyat po muna ako.” Nginitian ko ang ginang at sinuklian din naman ako nito ng mainit na ngiti.

  • EMBRACING THE MOON   KABANATA TATLUMPO'T PITO

    USERAng natutulog kong diwa ay nagising mula sa mumunting halik sa aking pisnge.“Good morning, Baby.” My body wrapped by Adrian legs. Ang kaniyang mukha ay nasa aking pisnge kaya amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Mabilis kong tinakpan ang aking labi sa takot na maamoy niya ang aking pang umagang hininga. Nakakahiya dahil wala pa akong toothbrush tapos sa kaniya kahit kagigising lang parang bagong mouthwash. Unfair!He teasingly looked at me. Naka angat ang kaunting labi. Umibabaw siya sa akin. Mabilis niyang natanggal ang aking kamay at pinagsiklop niya ito kasama ng isa pa. Masama ang tingin ko sa kaniya ngunit ang walanghiya ay mabilis pa sa alas kwatro na sinunggaban ang labi ko. Wala na akong magawa ng pisilin niya ang aking bewang kaya napaawang ang labi ko. He grabbed the opportunity to enter his tongue on my mouth. Roaming around an

  • EMBRACING THE MOON   KABANATA TATLUMPO'T ANIM

    ShowerKinagabihan ay umuwi si Adrian na masama ang aura. Nalaman niya ang nangyare sa akin at hindi niya ‘yon nagustuhan.“I already told you na huwag kang lalapit sa gate, Kane. Ang tigas ng ulo mo. What if masabunutan ka ni kiana?” Pinaalam sa kaniya ng Nurse ang nangyare kanina. Inutusan niya pala itong i update siya kung anong mangyayare sa lakad ko. I pouted. Guilty. “Sorry, baby.” I held his hand and sofly kiss it. Tila lumambot naman ang kaniyang ekpresyon ngunit pinipigilan niya ito gamit ang kaseryosohan. Bumuntong-hininga siya. Lumapit siya sa akin at tinayo upang mayakap ako. “Next time. I won’t let you go to your sister without me. You don’t know how d*mn worried i was when i heard the news. Sorry, I don’t want any bad things happen to you and our baby.” Mula sa likod ay pinagapang niya ang kaniyang kamay papunta sa akin

  • EMBRACING THE MOON   KABANATA TATLUMPO'T LIMA

    GALIT“Ma.” Mabilis lumakbay ang aking mata sa kung saan. Nakita ko si Adrian na galit na galit at umiigting ang panga. Natigil kami ni aling Alma. Mabilis si Adrian na nakapunta sa pwesto ko at tinago ako sa kaniyang likod. Umaalpas ang luha sa aking mata. “Son! A-ala k-o nasa office ka pa?” utal-utal niyang sabi. “What are doing here? And what are doing with kane, Ma?!” sigaw na sabi ni Adrian. Natakot ang ginang sa sigaw ng kaniyang anak. “Hindi siya ang babaeng para sa’yo! Kailangan niya ng umalis dahil ikakasal kana!” pumikit ako ng mariin. Mas humigpit ang kapit ni adrian sa aking kamay. Sa sobrang higpit nito ay ramdam na ramdam ko ang sakit mula sa gigil.“Kane is my girlfriend! What wedding are talking about?! I don’t agree to be married with Margaux. I told you, i already have a girlfriend!” “No! Hindi ako p

  • EMBRACING THE MOON   KABANATA TATLUMPO'T APAT

    VISIT “Adrian!” Sigaw ko sa kaniya. “What? I’m just stating the fact, baby.” Natatawa niyang saad. “Pwede ba? Hindi kana makakalagpas sa next level na sinasabi mo!” mariing bulong ko sa kaniya. He groaned for what I’ve said. “Baby...” “Iniinis mo kasi ako, eh.” “Okay. Hindi na kita iinisin pero pupunta ako sa next level pag magaling kana.” Malambing niyang bulong. “No.” “Baby, You are so hard on me. Tingnan mo naman ang buddy ko.” Sabay turo niya sa pants niyang kulang na lang masira sa sobrang gigil ng alaga niyang makawala. “Ano ba... bakit ganiyan?! Hoy! Patulugin mo ‘yan.” Naiiskandalo kong sigaw.He Groaned. “Of course it’s awake kasi may ginagawa tayo kanina, baby. Gusto na ngang makawala niyan at pasukin ka kanina pa but I’m holding my sanity because i know hindi pa pwede.” Nahihirapan niyang

  • EMBRACING THE MOON   KABANATA TATLUMPO'T TATLO

    Home theatreAfter we went from the rehab ay pumasok ang sasakyan niya sa isang mataas na building. Sabi ni Adrian ay sa condo niya daw muna kami titira pansamantala dahil hindi pa tapos ang pinapagawang bahay niya. Pumasok kami sa isang exclusive condominium. Puro glass ang makikita sa paligid at halos lahat ng tao ay halatang mayaman. Umakyat ang elevator sa may twenty-fifth floor. Gandang ganda ako sa condo niya. Malawak ang lugar and may pagka modern style ang design. White and gray ang theme ng condo niya. There is also a one way mirror kaya kitang kita ang nag tataasang building sa labas. “Wow.” Manghang bigkas ko. Bumaba siya sa akin para magka level ang aming mukha. “Do you like it?” he sweetly asked. “Of course, I like it!” “This is so beautiful!” I added. “I’m glad you’d like it.” Tumayo n

DMCA.com Protection Status