Prologue
-I'm into her?-
"Jacob...aasahan kita..."
"Papa, ngayon na po ba talaga?" Tanong ko kay Papa. Masyado akong maraming ginawa ngayong araw. Kaya mukhang pagod ang boses ko.
Ibinaba ko na ang cellphone ko at
inilagay na sa bulsa ng pantalon. Kakagaling ko lang sa Planta ngayon. Tulad ng araw araw kong ginagawa.
Sabi kasi ni Papa noong bata palang ako ay dapat alam ko na ang pagmamanage ng mga iyon. Ngayon ay ipinaubaya na niya sa akin ang planta. Tulad ng gusto niyang mangyari. Pinalago ko ito. Hanggang sa nabili ko ang kalapit na lupain nito.
Sa kanang bahagi non ay bahayan. Ayokong bilhin iyon dahil maraming mawawalan ng bahay kung sakali. Sapat na ang lupang napundar ko sa ipon ko. Imbis na pangarapin pa ang lupain na kasunod ay nakatulong pa ako sa pangaraw araw nila dahil sa trabaho na dala ng planta. Hindi man nakapagtapos ng pagaaral ay may makukuhang trabaho dito. Gusto kong umunlad ng hindi nang-aapak ng tao. Bagkus ay tumutulong. Maraming nagtataka paano ko nagagawa iyon. Sinasabi ko. Sipag at tiyaga sasamahan pa ng diskarte.
Nang makarating ako agad kong itinali ang kabayo sa kural nito. At dali-dali na tumuloy sa mansyon nila Lolo. Malapit nang bumababa ang araw kaya nakakapagtaka ang tawag ni papa sa akin.
Hindi ko pala nailagay sa schedule ko ang pagpunta sa mga Allegre ngayong gabi. Akala ko ay bukas pa iyon.
Pangalawang araw na ngayon ng anihan sa niyogan. Marami ang naging bunga ngayon anihan. Maganda ang kakalabasan nito para sa business. Mababawi ko ang lugi ko noong nakaraang anihan na na peste.
"Nanay Loleng. Si Lolo at lola po?" tanong ko kay nanay Loleng siya ang tagapangasiwa dito sa mansyon. Kaya naman siya ang agad kong tinanungan. Pero panigurado kong nauna na sila Lolo.
"Jacob, naririto ka papala. Akala ko'y alam mo na aalis sila at papatungo sa mansion ng mga Allegre."
"Tinawagan lang po ako ni Papa, Nanay. Kaya naalala ko po. Masyado pong maraming ginawa ngayong araw sa planta." sabi ko naman. Alam naman ni Nanay loleng iyon dahil ngayon pangalawang araw nang anihan ng mga niyog. Sigurado aabutin pa ng isa o dalawang araw ang paghaharvest ng mga niyog.
"Dumaan lang po ako dito para kuhanin ang regalo." sabi ko naman.
Noong isang araw ko ito binili. Hindi ko alam ang bibilhin ko at napadaan ako sa isang bookstore. Nagiisip pa ako noon kung ano ang irergalo ko. At ang bookstore na iyon ang sumagot sa katanungan ko. Magandang regalo ang mga libro sa isang estudyante makatulong ito para sa kanila.
" O siya sige. Bilisan mo. Kakaalis lang halos ng mga Lola mo. Gamitin mo na ang sasakyan ng Lolo mo." sabi naman ni Nanay habang papaakyat na ako sa kwarto ko rito sa mansyon.
Malawak ito at maraming kwarto. Ilang kwarto pa bago ako makarating sa pupuntahan ko. Tulad sa kwarto ko sa bahay ito ay nakatapat sa magandang view ng karagatan.
Dali-dali naman akong lumabas at bumaba na sa hagdan nang makuha ko ang regalo. Pinabalot ko na ang tatlong libro noong binili ko ito. The first book is about Science and Geography of the earth. Every one love this book. The second one is the life of some famous Architect and their famous works. Naisip kong baka gusto niya ito dahil nga ang mama niya ay isang Architect. Meron na ako nito sa bahay. Nakakahiya naman kung iyon ang ibigay ko. The third one is about political science, I heard from lolo na anak siya ng Mayor sa Manila. Napupunta naman ako sa Manila. Kaya lang ay kapag may project lang doon na kailangan ako. Ay saka lang ako pumupunta. Uuwi din ako agad dahil may inaayos pa ako sa planta.
Magdadalawang taon pa lang itong nakatayo, ito ang naging first project ko noong itayo ito. My first project and big achievement. Idinagdag ko sa pagtatayo nito na galing sa kinikita ng coconut plantation at natanggap kong reward noong ako ang naging top one list sa board exam. Mahirap sa akin noong nasa firm ako habang nagmamanage ng coconut plantation at nagrereview para sa dadating ngang board exam non. Hiling ko lang noon ay masama sa top ten. Pero naging mabait sa akin ang tadhana. Nakuha ko ang top one list sa board exam. Na siyang naging dahilan kung bakit ibinigay na sa akin ni papa ang pagmamanage nitong plantation.
"Dadaan po muna ako sa bahay at doon na makaligo at makapagbihis. Sabi po kasi ni Mama ay naroon ang susuotin ko." paliwanag ko sa nagtatakang mukha ni Nanay. Siguroy akala ay susuutin ko pa ang damit na suot ko papunta doon.
"O' sya magmadali baka ikaw ay abutan na ng dilim sa daan niyan."
"Sige po mauna na ako."
Tumawag ulit si mama at sinabing hihintayin nila akong dumating sa bahay.
Nung tinawagan ako ni mama ay dali-dali naman akong sumakay sa owner dala ang regalo upang mabilis na makarating sa bahay. May kalayuan kasi mula sa mansyon ni papa at plantation na narito kila lolo. Halos isang barangay din ang dadaanan ko.
Nawala sa isip ko ngayong araw ang pagdiriwang na gaganapin sa Masyon ng matandang Allegre na kaibigan ni lola at lolo. Alam ko ay bukas pa talaga iyon. Sa pagkakalam ko ay anniversary at Debut ang gaganapin ng mga ito.
Maging sabi ni lolo ay doon ko rin makikilala ang apo ng mga Allegre. Hindi na bago sa akin ito. Dahil sa mga pinsan kong mas nakakabata sa akin ay ganoon ang ginawa.
Pagbaba ko ng owner ay tumuloy na agad ako sa bakuna. Hindi katulad ng masyon nila lolo ito. Tama' medyo malaki ito. Ngunit Grand herritage mansyon ang kila Lolo na tiyak na ikakaligaw kung bago lang ang papasok doon.
"Mama. Papa." bati at h*****k sa pisngi ni mama. Agad naman akong umakyat at iniwan na sila papa doon. Upang agad na Maligo.
Pagtapos sa hagdan ay papakaliwang patungo. Nadaanan ko na ang kwarto ko. Unang pintuan lamang ito. Katapat nito ay ang sumunod na kapatid ko sa akin. Nakita ko itong nakaharap sa kaniyang computer. Tulad ko ay sa University of Aurora ito nagtatapos ng engineering. Katabi naman nito ay kwarto ng busong kapatid na lalaki. May taban itong libro. Gabi na. Kaya nang makita ako ay itinigil na ito. At binati ako. Sa tapat naman nito ay ang kakaibang kulay Lila na pintuan ng kapatid kong babae nakasarado ito. Parang alam ko na kung bakit. Hindi paniguradong pinayagan ni Mama na sumama ito.
Apat ang bawat edad na pagitan naming magkakapatid. Twenty four ako, twenty naman ang sumunod sa akin, desisais naman ang sumunod at labing isa ang bunso naming babae. Princess kung ituring namin itong magkakapatid.
Sa kanang bahagi naman bago makarating sa hagdan ay ang bakanteng kwarto na ginawang office ni papa ngayon na kasunod ang master bedroom. Ang dalawang kwartong ito ay may balcony na magkatugon sa isa't isa. Bawat kwarto ay may sari-sariling toilet and bath. Samantalang sa ibaba naman ay may office din si papa at kadugtong niyon ay ang library. Ngunit madalas na pinapapunta kami lagi ay sa itaas na Office ni Papa. Dahil madalas ay naroroon siya.
Hindi ko namalayan na sinundan ako ni mama nasa kwarto ko na ito. Pagbalik ko mula sa kwarto ng kapatid kong babae. Kinausap ko ito. Pinatahan ko na rin. Naabutan ko kasi noong buksan ko ang kwarto niya na nakakulubong ito ng kumot at umiiyak.
"Mama. Huwag na po kaya ako sumama." pagod na sabi ko. Talagang pagod na ako ngayong araw. Pero ang hirap hindian ni mama lalong lalo na si papa.
"Anak minsan lang to. Nandoon naman sila Edward, Vladimir, Eleazar at Bench pati tita Erin at tito Benjamin mo. Siguradong hindi ka maboboring doon. Makikilala mo rin ang debutant na dalagang apo ni Don Allegre. Malay mo?." sabi naman ni Mama na tila sigurado na magugustuhan ko nga ang mga mangyayari.
Sabay abot sa akin ng dala ni Mama na isang smoking jacket blue violet color maching with black bow at isang pans na bagay na bagay sa susuootin kong pangitaas. Tila pormal talaga ang magaganap ngayong gabi.
"Anak bagay na bagay sayo panigurado iyan." kumbinsi naman ni Mama sa akin. Habang itinatapat sa katawan ko. "Mauuna na kami ng Papa mo sa Allegre Mansyon tandaan mo huwag malalate ah."at sandali itong lumapit sa lalagyanan ko ng mga sapatos. Kinuha nito ang black shoes at inilagay sa ibaba na katapat ng mga susuotin na ngayon ay nasa kama.
Kahit hindi na ako dito natutulog ay nanatiling maayos pa rin ang kwarto ko at mga gamit nanaiwan dito.
Sandali akong napaisip. Tumingin sa salamin na nasa harap ko. Umalis na si Mama nang makitang pumasok na ako sa loob ng Bathroom na katugon ng aking kwarto habang dala ang gray na tuwalya na nakasukbit sa kanan kong balikat.
Ilang taon na rin ang lumipas ng huli kong pasok sa kwartong ito. Kila lolo kasi ginanap ang twenty one birthday ko noon. Maraming pinakilalang investor at other part of the Company sila Papa at maging sila Lolo. Mga pinsang kong babae at lalaki ang naroroon at ilang kaibigan. Marami ang nagbago sa lahat. Kasalukuyan pa akong nagtratraining noon sa kaunaunahang firm ni papa dito sa Aurora. Hindi sapat ang isang araw para gampanan ko ang lahat ng iyon. Kaya naman salitan ng lingo kung pagpalitin ko ang pagmamanage ng planta at pagtrataining bilang graduate ng Architecture noon.
Kahit malapit lang ang mansyon nila lolo sa bahay ay tanging pagaaral at gugol sa plantation ang inatupag ko noon bago ako gumaraduate. Madalas rin naman nasa Manila sila papa at mama. Kung sakaling pupunta naman ako dito ay bibisitahin lang ang mga kapatid ko pagwala nang gawain sa plantation.
Ako ang panganay kaya ako ang dapat magging isang ihemplo. Nagiging katuwang ko rin naman ang sumunod sa akin. Pero bilang dumaan sa edad binata ay iba pa talaga ang focus nito.
Hindi katulad nila. Simula noong tumuntong ako nang kolehiyo ay doon na ako nakatira kila Lolo. Para malapit na rin sa plantation. Noong una naman ay tinuturuan ako ni Papa na patakbuhin ang plantation. Siguro ay nakita niyang kaya ko na, kaya naman pinaubaya na niya sa akin ang lahat.
Saglit pa akong nagisip. Paano ko ngayon hahatiin ang katawan ko. Wala pa sa bokubolaryo ko ang ipakasal. Lalong lalo na ang ipakasal sa taong hindi ko naman mahal at kakakilala ko palang. Ngunit dahil sa tradisyon ng pamilya na kapag kami ay nakatapos nang tumuntong sa edad na bente uno ay dapat may nakalaan na para sa amin na babaeng kanilang na pili. May isa o higit na taon pa naman kami para magisip kung tuloy ba ang kasal. Kung hindi naman daw mag click ay pwede namang umatras. Ngunit kung ayaw ng babae na maghiwalay at kami ay gusto namin. Madali lang tumakas sa kasalan. Madali lang tumakbo. Iyan ang laging salitaan naming magpipinsan kapag napapagkwentuhan ang tungkol doon. Ngunit dahil sa sitwasyon ko bilang unang apo nang Velasquez ay may nakalaan na para sa akin. Kaya naman tumagal pa ng tatlong taon bago ko makilala ang maapangasawa ko.
Malay ba namin kung bakit hanggang ngayon ay uso pa ang ganoon. Hindi ba pwedeng kung sino ang gusto naming babae ay pakasalan namin pagkatapos ng mga gampanin namin bilang isang anak ng Velasquez?. Alam ko lahat ng Velasquez ay kailangan na ipakasal sa napiling pamilya para manatili ang pangalan.
Hindi naman biro-biro lang ang napipili nila lolo at lola. Tulad nila Papa at Mama ay mula sa isang tanyag na pamilya rin. Gaya rin nang asawa ng mga tito ko. At mga pinili para sa mga pinsan ko. Si Bench at Edward ay mas nauna pa sa akin na makilala ang mapapangasawa nila. Dalawang taon na rin ang lumipas. Kita ko ang bawat pagbabago sa kanila. Mas bata sa kanila ng ilang taon ang pinipili. Si Bech ay hindi nagclick ewan ko kung bakit. Wala namang naiikuwento siya sakin. Isang taon lang ang tanda ko sa kanila. Si Eleazar at Vladimir gaya ni Edward ay ganoon din ang nagyari. Sa huli sila ang nasaktan sa lahat ng nangyari. Hindi kita iyon ng mga magulang namin. Lalong lalo na si Lolo at lola.
Tanging sarili lang nila ang nakakapagbalik sa dati nitong katauhan. Masakit ang iwanan kung kailan kana nahulog. Iyan ang kadalasan kong naririnig sa kanila. Bilang mas matanda sa kanila tanging pagdadamay lang sa kanila ang ginagawa ko hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa sitwasyon nila. Malaki ang pinagbago nila.
Yung dating kapag palay na ang lumapit at agad tutkain ng manok. Ngayon ay marunong na silang tumanggi. Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal.
Ngunit ibahin daw ang Velasquez dahil ang isang Velasquez ay kailangan magkaroon ng sariling pangalan bago makuha ang yaman. Pero sa tingin ko sa paggawa ng sariling pangalan ay naroon narin ang pagasenso parang premyo nalang ang makukuha namin mula kila Lolo at sa mga magulang namin.
Matagal nang sinabi sa akin ni Lolo at Lola ang tungkol sa mga Allegre na ipapakasal sa akin. Dahil ako ang unang apo ng mga Velazquez ay ako ang ipapakasal sa Allegre na unang apo nang mga Allegre.
Wala namang tutol sila Lolo at Lola na ina at ama ni Mama. Wala naman kasing tradisyon sa pamilyang ganoon.
"Mama. Si Joseph nalang po kaya ang isama nyo." hiyaw ko mula sa labas ng pinto ng kapatid ko. Wala na sila Mama at Papa. Gusto ko lang biruin ang kapatid ko. Kakalabas ko lang ng kwarto ko. Nakaligo narin ako at suot ang ibinigay ni Mama ka nina. At ang buhok naman ay hindi ko masyadong pinagtuunan, magugulo rin naman. Hinayan kong naka messy hair style. Hindi naman pangit.
Bukas ang kwarto ng kapatid ko. Kaya sigurado akong rinig niya iyon.
Pumasok ako doon upang tingnan uli ang itsura ko mas malaki ang salamin nito kaysa sa kwarto ko.
"No bro may exam pa ako bukas at kailangan ko nang magreview." sabi naman nito habang taban ang mouse at tila may tinitipa sa monitor nito. Pumunta naman ako sa likod nito. Upang makita ang monitor ng kaniyang computer. Tiningnan ko kung reviewer nga ang inaatupag.
Laking gulat ko ay naglalaro lang ito. "Galing exam pala...ah. loko ka." sabay hampas ko ng mahina ng unan sa ulo nito. Umaray naman ito na tila nasaktan nga sa paghampas ko. Pero tuloy pa rin sa paglalaro.
"Kuya naman! Yan talo na." sigaw nito. Bago pa siya tumayo sa pagkakaupo ay umalis na ako sa kwarto niya. Dali-dali akong bumamaba sa hagdan namin. Habang dala ang regalo sa kanang kamay.
"Tan-tanan-tan-tan-tan..." kanta naman niya sa mga kinakasal sa simbahan. Loko. Alam kasi niyang kung ano ang pupuntahan ko. G@go may araw ka rin sa ganito. "Tan-tanan-tan-tan-tan." ulit pa nito.
"Loko!" hiyaw ko naman. "magreview ka na. Maaga pa ang pasok mo."
Biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag pala si mama.
"Jacob nasaan ka na?. nandito na kami." tanong sa akin ni Mama. Masyadong nagtagal pala ako. Medyo malapit lang naman ang Allegre Mansion kabilang barangay lamang ito.
"Ma papaalis na po. Nagsisimula na po ba?" tanong ko kay Mama.
"Hindi naman...pero bilisan mo..."
Agad ko namang tinawagan ang pinsan kong si Bench. Siguradong naglilibot na ito upang maghanap ng sirena sa dagat ng mga tao. Sabi nga nila hanggat may alak may balak. Practice daw kung baga. Maging si Edward at Eleazar ay naroon na rin.
Sabi naman nila ay hihintayin nila ako sa labas. Maging si Vladimir ay hihintayin din nila.
"Mga Bro bilisan nyo kung gusto ninyo pang abutan kami ng may dugo pa sa katawan dito." sabi naman ni Edward sa kabilang linya
"Bro malapit na ako. Diyan na ako dederetso." sabi naman ni Vladimir.
"Ulol. Sino niloko mo. Yung malapit na yan siguradong malayo pa dito." hiyaw ko naman sa kabilang linya. Kabisado ko na kasi ito. Ito ang laging late kapag may lakad kami.
"Uy. Jacob. Bilisan mo hinihintay ka na ng future bride mo dito. Hanep! Bro kakasal kana." salitaan naman ni Eleazar. Loko talaga to.
"Bro hinahanap ka na ni Lolo." sabi naman ni Bench sa akin.
"Sige baba ko na. Nagdadrive ako. Baka hindi ako makarating nang buhay diyan."
"Ako rin ibaba ko na." sabi naman ni Vladimir.
"Sige ingat Blood." paalala naman nila kay Vladimir kakagaling lang kasi nito sa Manila.
Napaisip akong muli sa magaganap ngayong gabi. Sa pagkakaalam ko ay matalik na kaibigan ni lolo at lola ang mga Allegre. Gustong maging isa ng bawat pamilya. Ngunit dahil nga parehas na puro lalaki ang naging anak ay sa aming mga apo nalang ituloy ito. At sa kasamaang palad ako ang unang apo na iyon. Ngayong gabi ko rin makikilala ang babaeng ipagkakasundo sa akin. Ilang buwan palang daw diyan si Don at Donya Allegre galing nang state kasama ang apo na galing ng Manila at gustong dito na manatili. Dahil nga gusto nang pagtuunan ang naiwang mga a*i-a*ian.
Hindi ako kinakabahan. Dahil noong bata palang ako ay nakilala ko na ang matandang Allegre. At bakit naman ako kakabahan sa mangyayari ngayon. Mas kinakabahan pa nga ako kung hindi ko matupad ang mga pangarap ko ng dahil sa babaeng mapapangasawa ko. Paano ko hahatiin ang sarili ko?
Ang sarap kayang mamuhay ng walang iniintindi. Yung walang pipigil sa mga gagawin mo. I'm a type of boy na ayaw ng commitment kung lumapit siya. Huwag niyang iexpect na iientertain ko siya. Dahil malabo. Focus ako ngayon sa pagmamanage ng planta kung paano patakbuhin ang business na pinagkatiwala na sa akin ni Papa. Tapos na ako sa pagpapakasaya bilang binata para atupagin pa ang mga ganoon. Bilang isang Velasquez dapat matutong igugol ang sarili sa mga bagay na paki-pakinabang. Iyan ang laging sinasabi ni Lolo sa akin maging si Papa.
Inalala ko. Kung magaasawa kaya ako. Paano ko mamanage ang lahat. Mula plantation at hanggang pagtupad ko sa mga plano ko.
Ang mansyon ay nakaharap sa dagat sa dulo ng mansyon ay ang ekta ektaryang taniman ng kape na si Lolo ang nagmamanage. Aurora Blend ito kung tawagin. Ipinangalan sa lugar namin. Gaya ng simoy at lakas ng hangin dito ay ang tibay na lasa nito. Bukod doon ay kapangalan din ito ni Lola. Na sa bawat produkto ng kape ay si lola ang nakatatak.
Malapit lang doon ang plantation isang daanan high way lang naman ang pagitan nito papunta sa Planta. Tulad ng sa Mansyon ay tanaw din doon ang dagat. Hindi patag ang lupa sa coconut Plantation kaya naman ay kabayo ang ginagamit ko papunta doon. Sa unang at pangalawang taon ko sa pagmamanage nito ay hindi ko pa masyadong na aadopt kung paano gagawin tuwing may mapepesteng pananim o dadaanan man ng bagyo. Minsan ay dito nananatili ang mga pinsan ko. Kahit na malapit lang ang mansyon nila Lolo. May itinayo akong isang rest house. Naginagawa ko na minsan na bahay kapag maraming ginagawa sa Planta.
Sabi ng mga trabahador na matagal na dito. Lahat daw sila Tito at papa ay nagmanage nito ng walang tulong mula kila lolo. Dapat daw ay mapanatili ang pagiging kilala nito sa publiko o pagproproduce ng maraming niyog ng mga puno dito.
Mabuti nalang ay may mga trabahador na tingin ko ay pamilya para sa akin na tumutulong sa akin. Mas maalam pa sila sa akin. Lagi naman nilang dahilan kapag tingin nila ay idinadown ko ang sarili ko. Sinasabi naman nilang matutunan ko rin ang lahat ng ito. Kita daw nila ang abilidad ko gaya ng mga tito ko. Lalong lalo na ng kagaya ni papa.
Kaya naman pilit kong ginagawa ang lahat upang maging maayos ang produksyon ng mga ito. Isang taon nalang ang gugulin ko bago ako makapagexam at maging ganap nang Architect license noon.
Habang nagaaral nga ako ay minamanage ko na ito. Minsan ay dito ko narin ginagawa ang mga gawaing skwela at natutulog.
Mahirap. Pero hindi ko pinapakita kay papa at lolo. May iilang kamaganak na nakakapagsabi na. Ano ang alam ng isang lisensadong Bachelor of Architecture sa pagaagrikultura?. iyan din madalas ang lumalabas na katanungan sa akin. Tama ba ang pinasok ko. Pero sa lahat ng iyan lagi ko nalang tinitingnan si papa bilang role model. Bakit si papa kinaya kahit na Architecture ang kinuha. Bakit hindi ko subukan. Diba?...Maraming struggle ang dumaan sa akin. Pero sapat na pag time management ang puhunan ko. Sipag at tiyaga.
"Bro.. iyan na namang owner ni lolong luma ang gamit mo? Buti hindi ka tinirik niyan." sabing biro naman ni Edward ng makita ang sinakyan ko.
"Mga loko talaga kayo. Asan na si blood kala ko ba malapit na iyon?"
"Bro kabisado mo na iyon ang malapit doon ay malayo pa. Masyado niyang na adopt ang kulturang Pilipino bro." sabi naman ni Eleazar.
"Bro pasok ka muna sa loob. Pakita ka muna kila tita. Kanina ka pa hinahanap." sabi naman ni Edward.
"Kanina a pa hinahanap ng debutant. Ikaw pala ang patner bro mamaya Bro pakilala mo naman kami sa mga pinsan." sabi naman ni Bench.
"Ganda ng porma bro tapos owner ang sasakyan mo." natatawang sabi naman ni Eleazar.
"Loko, mas matibay pa sayo ang owner ni Lolo na ito pagdating sa lakas ng loob." mapatalinghagang sambit ko sa kaniya.
"Sige intayin nyo dyan ang Manilakenyong amerikanong hilaw na si Blood." paalam ko naman at dali-daling dumaan na sa gilid ng mansyon at sa Garden ito papatahak. Minsan na akong naisama ni Lolo dito. Upang bisitahin minsan ang mansyon ng mga ito. Simula nang umalis kasi ang Matandang Allegre ay si lolo na minsan ang nagpupunta rito upang tingnan kung nanatiling malinis pa rin ito ng mga caretaker. Si lolo na rin ang nagtuturo sa mga apo nito na dito nakatira. Sa pagkakalam ko.
"Tita. tito. " bati ko nang makita ko sila. Malapit lang sila sa stage kaya naman madali lang makita.
May iilan pang bakanteng upuan doon. May hindi naman kataasang stage ang naroroon. Dalawang engrandeng upuan sa kanan at ganoon din sa kaliwa. Pangalan ng debutant at ilan pang ornaments na meron para sa anniversary.
"Jacob. Nandon sa Family room ang mama at papa mo. Kasama si mama at papa. Kanina ka pa iniintay. Ano bang nagyari sayo?"
"Salamat Tita. Nakalimutan ko po kasi ang okasyon ngayon." sabi ko naman.
"Sige puntahan mo na."
Pumunta na ako sa likod ng maliit na stage na meron ang function hall ng bahay na ito. Gaya ng sa mansion ay katulad ang bawat plano nito. Ang kaibahan lang ay ang kulay at iilang desenyo ng mansion. Mas mukha kasing herritage ang sa Mansyon ni Lolo at ito ay kasalukuyan palang inaayos. Ang bawat espasyo.
"Ma. Pa." tawag ko kila mama at papa. Naka upo sila sa isang soffa. Maging si lolo at lola ay naroon. Nakaharap sa akin sila mama. Kaya naman agad akong kita.
Kaharap naman nila mama ay si Don Allegre at Donya. May kasaam naman itong hindi ko kakilalang tila alam kong magasawa ito at ina at ama ng debutant.
May single soffa sa magkabilang gilid nito.
Bumati muna ako sa lahat ng naroroon.
"Ito na ba ang apo mo Aurora. Kay ganda namang lalaki. Maliit pa ito noong una kong kita." sabi naman sa akin ni donya Allegre.
Naupo naman na ako sa single-an upuan.
Alam ko na kung bakit ako pinatawag dito. Ako kasi ang magiging patner ng debutant. Iyon ang sabi ni mama at nakalagay sa invitation. Mamaya ko pa siguro makikilala ang magiging fiance ko. Imposible naman yung debutant kasi kaka eighteen palang nito.
Nilibot ko ang aking mata sa paligid. Tila isang sakit sa isang architect ang tumingin sa paligid. May isang pintuan naman sa loob nitong family room. Sa tingin ko ay doon inaayusan ang debutant. Hindi kita ang nasa loob. Kaya naman tinitigan ko nalang ang bawat ornaments na naka desenyo sa u shape na bakuna nito. Maganda ito...ilan pang saglit na tinitigan ko ito ay may lumabas na isang sa tingin ko ay stylish ng debutant. At isang may katangkarang lalaki na may scurf sa kaniyang leeg at may taban itong brush. Nakasalamin din ito. Hinarangan nila ang bakuna. May babae naman ang unti-unting lumabas sa bakuna habang lumilihis naman tila pintuan ang dalawang stylish sa lalabas.
Natulala ako. Sa maamo nitong mukha. Parang nagkita na kami. Pero imposible kasi matalas ang itsura ng babaeng yon. Kasi ang nasa harap ko parang anghel na bumaba sa langit. Ikinulot naman ang buhok nito na bagay na bagay sa suot nito. Ang kaniyang mata ay medyo asul. Parang may lahi ito. Hindi ko alam kung contact lense ito o natural na sa kaniya.Ang kulay ng kaniyang balloon dress ay ibinagay sa suot ko ngayon. Bumalik ako sa kaniyang mukha. Papa- heart shape ang kaniyang mukha. Ngayon ko lang tinitigan ang isang babae nang ganito. Hindi ako magaling magkabisado ng mukha at pangalan kung kakakilala ko pa lang. Pero sa tingin ko tumatatak na sa aking isipan ang itsura niya.
"Bagay na bagay Issabella sa Apo mo ang kasuotan nito parang isang prinsesa sa mga Fairy tail." kumento naman ni lola ng makita rin ang tinitigan ko.
"Bagay na bagay talaga ang apo kong si Elizah sa apo mo Aurora." sabi naman ni Donya Allegre kay lola. " tama ako Jacob diba." hindi ako maka oo o maka hindi. Gulat pa rin ako sa mga nagyayari.
Maging ang babae na tinitigan ko ay nakatitig na rin sa akin. Ngunit may kakakaiba sa titig niya.
"Magaling talaga ang pasya natin." sabi naman ni Don Allegre kay Lolo.
Tama ba ang mga naririnig ko ngayong gabi. Ang debutant at yung ipapakilala sa akin na magiging fiance ko ay iisa.
"O anak tila natulala ka na riyan?" sabi naman ni Mama sa akin. Doon lang ako natauhan na masyadong matagal na pala akong nakatitig sa Dalaga.
"Anak lumapit ka dito. Ipapakilala kita sa magiging fiance mo." sabi ng katapat na babae ni Mama. Ibig sabihin ay siya ang ina ng debutant.
"Anak Tulungan mo ang debutant sa kaniyang suot. Ikaw ang escort." si papa naman ang nagsalita. Kaya naman agad akong tumayo at lumapit dito.
Mahaba ang kaniyang gown. Kaya kailangan talaga ng tulong sa bawat galaw niya.
Saglit munang nagusap ang lahat.
"Ano tara na sa Venue. Aakyat nalang ang dalawa, katulong ang mga stylish sa pangalawang palapag upang sa Grand stair sila mangagaling." sabi ng mama ni Elizah.
Gaya ng isang anghel na maganda ang pangalan niya. Elizabeth Allegre Velasquez. Parang bagay sa kaniyang ikabit ang aking apilido sa kaniyang pangalan. Ngayon ko lang naiisip ang mga ganito. Bago sa akin ang mga naiisip ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nasa isip ko. Totoo pala na kapag may babaeng kukuha nang atensyon mo ay maiiba agad ang nasa wisyo mo.
Inalalayan ko siya. Kasunod naman namin si Don at Donya Allegre. Dahan dahan itong mga naglalakad papaakyat sa hagdanan.
Hindi ko napansin ang hagdan kanina na papunta sa pangalawang palapag na ito. Akala ko ay ang grand stair lang ang tanging nakakapagaccess sa pangalawang palapag.
"Ouch!" sabi ni Elizah. Kaya naman agad akong humito. At tinanong siya kung bakit.
"Wala." at inirapan ako nito. Patuloy itong naglakad papatungong sa itaas. Bumitaw sa pagkakahawak ko. May nagawa ba akong mali? Bakit parang kanina pa sa akin may galit ito.
"Senyorita Elizah. Dahandahan lang sa pagakyat baka matumba ka." sabi naman ng baklang stylish.
"Senyorito. Alalayan mo naman ang Debutant. Baka kaarawan na karawan ay madapa ito." sabi ng babaeng stylish na kasunod ni Don at donya Allegre.
"Hayaan mo na parang kaya naman niya ang sarili niya." sabi ko. Habang binabaybay ang nilalakaran ni Elizah. Parang isang bata ang aalagaan ko ngayon. Siya ba talaga ang ipapakasal sa akin?.
" Senyorito. Magmadali ka na." sabi naman ng babaeng stylish ulit noong hindi pa ako kumikilos.
"Mukha namang hindi niya ako kailangan." sabi ko habang itinuturo ang tumatakbong si Elizah na papalagpas ng ilang mga kwarto dito sa itaas. Mahabang hallway pa ang tinahak ko bago ako nakarating sa tinakbo ng Debutant. Binabawi ko na na bagay sa pangalan niya ang apilidong dala-dala ko. Tingin ko kasi ay sakit lang sa ulo ang mangyayari sa akin sa kakasaway sa kaniya.
Humingi naman ng pasensya ang dalawang matanda sa asal ng kanilang apo. "pasensya na Jacob, excited lang ang apo ko."
Hello. Hindi ka na bata , at legal. age .na. Titig ko sa tumatakbo na tila bata.
Inayos ko na ang kuwelyo ko at suot na damit. Lumapit na ako sa kaniyang kanan habang taban ang kaniyang kanang kamay at inilagay sa aking bisig. Ganito kasi ang ginawa ko sa mga babaeng kaibigan ko noong nag debut ang mga ito. Maging sa mga pinsan ko. Ako ang kadalasan na kinukuha.
"Pwede bang kumilos ka ng isang tunay na dalaga. Hindi ka na bata para tumakbo ng ganoon." bulong ko sa kaniya. Halata ko ang inis sa kaniyang mukha. Agad kong naalala ang babae kahapon. Ganito rin siya umasta. Noong sinabi niya ang buo kong pangalan ay agad na akong umalis noon wala akong panahon para makipag away. Madalas sinasabi ng mga crew na may mga nagpupunta nga doong mga tao at sinasabing kilala ako. Dahil nga sa hindi ako matandaain sa mukha ay pinapabayaan ko nalang. Baka malayong kamag anak o nakilala ko sa mga party ng pinsan ko. Kaibigan nila kaya naman pinapabayaan ko nalang.
Ngunit nung sinabi niyang siya ang magiging Fiance ko ay hindi ko na pinatulan. Ang bata pa kasi niya. Para doon. Baka nagkakamali lang. Mahaba ang pasensya ko. Iyan ang isa sa mga kalakasan ko.
"Paki mo ba." sabi nito. Halata ko ang inis sa tono niya. Magaling siyang artista kung titingnan sa bawat anggulo. Kaya niyang mainis kahit na nakangiti sa harap ng maraming tao.
Sa tingin ko ay nakilala niya na ako. Kaya ganito na siya kung umasal.
Tama namn ang ginawa ko kahapon. Pinoprotektahan ko lang ang bawat bisita. Hindi ko alam kung saan sila nag daan. Kaya siguro hindi na inform ang tungkol sa paghaharvest ng mga niyog.
Nagsimula na ang engrandeng pagpapakilala. Tumapat na ang spot light sa gawi namin. Umayos na agad ito ng tindig.
"Ladies and gentlemen. Please give a round of applause our new debutant. Miss Elizabeth Atraje Allegre with her escort Mr. John Jacob Lazo Velazquez." at punong puno ng kasayahan sa mga mukha ng lahat ng naroroon ang kaganapan ngayon.
Inalalayan kong papaibaba sa huling hagdan si Elizabeth. Tinabanan ko ang bewang niya. At inalalayan ang kamay. Mataas ang suot niyang stello kaya naman narito ako para alalayan siya pababa.
"Dahan-dahan." bigkas ko. " feel the moment."dagdag ko. Papunta na kasi kami sa isang may kababaan na stage. Nagmamadali siyang makarating doon. Maraming kamera na may flash ang sumasalubong sa amin ng tuluyan na kaming makarating sa Stage
Pagkaupo namin ay siya namang pagbaba at pagpapakilala kay Don Allegre at Donya Allegre. Nakisabay na rin kami sa mga pumalakpak.
Kita ang saya sa kanilang mga mata. Nagpasalamat naman sila sa mga dumalo.
Kagaya sa pangkaraniwang tradisyon ng isang debutant ay may mga eighteen anythings nanaganap.
Una ay ang eighteen candle may mga dala itong regalo. Halos mga tita niya ang mga ito at malalapit na kamaganak. Iisa lang wish para sa kaniya. Sana ay huwag nang maging pasaway at maging pino na sa mga kinikilos. Tawanan naman ang lahat ng sabihin ang lahat ng mga iyon. Iisa lang ang ibig sabihin. Sakit talaga sa ulo ang magiging fiance ko.
Sunod naman ay ang eighteen Bag. Literal na bag ang reglo nila sa Debutant. may mga sinabi din ito sa debutant. Tungkol kung paano niya kagusto ang mga ito. She's a model. Iyan ang paagkakarinig ko sa mga nagsasalita. Hindi na ako nagtataka. Kasi matangkad ito.
Sunod naman ay ang eighteen Shoes. Gaya ng bag ay literal na sandals o sapatos ang mga regalo nito. Kita ko iyon sa pagbabalot palang ng mga ito.
Sunod naman ay ang eighteen dress. Katulad sa mga nauna ay ganoon din ang ginagawa. Punong puno na ng mga regalo ang gilid namin. Nakaupo lang kaming dalawa. Minsan ay may mga nagpapaicture at inaalayan ko siyang tumayo.
Sa bawat taong nagpupunta dito ay mas nakikilala ko ang ugali niya. Halos iisa lang ang mga sinasambit. Huwag maging pasaway. Marami pang mga kalokohan ang ginagawa niya sa paaralan niya. Marami ring nagsabi na magfocus sa pagaaral. Ibig sabihin pabaya sa pagaaral? Pero magaling sa sa sport kung saan pasok sa extra curricular.
Sumunod naman ay ang eighteen wine of glass. Tumayo kami. Inalalayan ko siyang pumunta sa gitna. May pumupuntanta sa harap. Upang makipagtoss sa kaniya. Gaya niya ay may taban itong isang glass of wine. Samantalang may bilang na kabuuan ang iinumin niya. Paniguradong lasing ito kapag natapos nitong inumin ang lahat ng alak.
"Wait! Bakit mo ininom akin iyon." sabi nito. Sa pangapat na glass ng wine. Nakakatatlong glass of wine palang siya ay kita ko nang namula ang kaniyang mukha. Mababa ang tolerance niya sa alak. Hindi naman sobrang lakas ng tama ng Wine. Sa tingin ko ay mahina lang ang percentage ng alcohol nito.
"Hindi mo na kaya. Kita na sa mukha mo ." sabi ko.
"Wow ang gentle naman ng ating escort sa debutant natin." kumento ng host.
Ngumiti naman ako dito.
Kaya naman sa bawat taong nasa stage na pumupunta ay iniinom ko naka fifteen glass ako. Kahit na mababa ang alcohol rate nito ay parang bigla akong tinamaan. Paano pa kaya kung siya.
Huli naman ay ang eigteen roses. Na upo na kami. Inalalayan ko siya. Pang huli ako kaya naman nakaupo ako at may oras para mawala ang tama ng alak. Dala narin siguro ng pagod ko ngayong araw kaya madali akong tinamaan.
Naunang isinayaw ng papa niya ang kaniyang anak. Sumunod naman ang mga lolo niya. At dalawang kapatid. Sumunod naman ay ang mga pinsan niya at mga kaibigan ang nagabot ng bulaklak at nagsayaw sa kaniya. Ako ang huli. Kaya naman tumayo na ako. Upang isayaw siya.
"Ano nahihilo ka na ba." bulong nito. Hindi ko alam kung tanong ba ito na may dalang pagalala o iba.
"Hindi." sabi ko ng deretso.
"Alam mo, kung nahihilo ka na pwede namang huwag ka nang sumayaw. Bigay mo nalang sa akin ang bulaklak at maupo ka na." sabi nito. Pero hindi ko siya sinunod. Kasabay ng pagtugtog ng isang magandang instrumental music of beautiful ay siya namang umpisa ng sayaw. Parang kami lang ang tao.
"Alam mo ba, hindi ko aakalain na ipapakasal ako sa tulad mo. Unang tingin ko sayo akala ko isang anghel ang ugali mo. Pero nagkamali ako kung ano ang ikinaganda ng mukaha mo siya namang ikinakulit ng mga kilos mo-"inaalala ang mga ginawa nito kahapon doon sa niyogan. May kasama itong dalawang babae at isang lalaki. Kilos palang nito ay alam kong hindi ito lalaki.
"Compliment ba iyan o inaasar mo ako?" agad namng sinabi nito.
"Shh---kahit ngayon lang huwag ka munang maging makulit." hindi ako lasing. Tingin ko kasi kailangan niyang marinig ito. "kanina sabawat taong tumuntong sa stage na ito at kabilang diyan sa mundo mo. Bigla akong nakaramdam na bakit ako nandito. Ano nga ba ang ganap ko? Ako lang ang hindi ka kilala sa mga umakyat dito sa stage. Naramdam ko agad kung anong pagkatao ang meron ka. Ilang kaibigan ang nabuo mo nung wala pa ako sa mundong ginagalawan mo kasabay doon ay ang tanong na ilang lalaki kaya ang napaiyak nito?"
"Lasing ka ba?" tanong nito sa akin.
"Elizabeth. Sana maaga nalang kita nakilala. Hindi mo man lang ako nahintay na makilala." panghihinayang kong salita sa kaniya. Ewan ko. Bakit iyon ang nasa isip ko. Sinasabi ko lang kung ano ang nararamdaman ko.
"Baliw. Huwag ka ngang magisip ng kung ano. Baka matawa ka lang kung sasabihin kong lahat ng nanligaw sa akin ay wala akong sinagot." bigla naman akong nabuhayan. Ibig sabihin ako ang first boyfriend niya kung sakali.
"Bakit?" takang tanong ko. Imposibleng sa boung highschool niya ay wala man lang siyang nakarelasyon.
"Kasi bawal. May nakalaan na daw para sa akin. Kung nalaman ko lang ng mas maaga na ikaw. E' di sana sinaway ko nalang ang mga magulang ko." sabi nito ng deretsuhan. Bigla naman akong napaisip. Hindi niya talaga naranasan ang magkaboyfriend? Pero siguradong marami talagang nanligaw sa kaniya.
"Bakit? Hindi ba ako kaintay-intay?" para akong tanga na naitanong sa kaniya iyon. Hindi ko alam kung tama bang panghimasukan ang sitwasyon niya.
"Ewan. Kasi ang dami ko pang gustong gawin. Pero hindi ko magagawa iyon dahil matatali na ako sa isang relasyon na hindi ko alam kung saan papatungo." sagot nito. Tulad ko rin ang iniisip niya at mga gusto.
Mali ako ng husga sa kaniya. Mali ang mga iniisip ko ngayong nakasama ko siya.
"Sorry." sambit ko. Hindi lang sorry iyon para sa maling paghuhusga ko sa kaniya. Kundi sa ako ang magiging dahilan kung bakit siya hindi magiging masaya. Parang gusto ko agad ibigay sa kaniya ang lahat ng meron ako. Gusto ko siyang mahalin at protektahan. Gusto lagi siyang nakikitang masaya.
"Sorry para saan? Hindi naman na mababago ang lahat. Kasi isinilang ako para magpakasal sa isang tulad mo." at huminto na ito sa pagsasayaw. Kasabay nito ay ang paghinto ng tugtugin. Inalalayan ko naman itong umupo. Hindi katulad ng mga naunang sumayaw sa kaniya ay masay siya sa tuwing ibabalik siya sa upuan na katabi ko. Ngayon ay iba, ako ang magbabalik sa upuan na malungkot siya.
Makalipas pa ang ilang minuto ay inalayan ko na siya papunta muli sa Family room. Upang magpalit ng casual dress at aayusan na muli ng mga stylish. Habang wala naman kami ay patuloy parin ang okasyon. Ang Matandang Allegre naman ang ipinagdiriwang ang kanilang anniversary. Halo ang mga tao sa Venue.
Ilang Minuto pa ay natapos na ang tradisyon na ginagawa para sa magasawa ay kasabay nito rin ang sabay na pagihip ng kandila ni Elizah sa kaniyang cake.
Magkatapos ay ipinasok na rin ang mga regalo. Kasabay non ay ang pagkawala ng paningin ko kay Elizah. Humalo na kasi ito sa kaibigan niya at bisita. Ganoon din ako kasama ko ang mga pinsan ko na nakikipagusap sa mga kakilalal. Pinapakillala naman kami sa mga kasama nito. Parang hindi debut at Anniversary ang nang yari. Sa loob ng function hall ay parang pinagtipon tipon na mga business man at mga kilala sa ibat ibang industria at larangan. May mga politiko pa ang imbitado.
Sa labas naman kung saan may garden at sa dulo ay ang swimming pool na tanaw mula dito ay nandoon si Elizah at mga kaibigan nito kasama ang mga anak ng mga iilang pamnauhin na naririto. Panigurado ako kung nandito ang dalawa kong kapatid ay doon dederetso ang mga ito. Samantalang kung nandito ang babae kong kapatid paniguradong ma oop lang iyon. Kasi sa akin ipapasama ni mama iyon panigurado.
"Iho , you can go to Elizah." sabi naman nang nagaalalang si Donya Allegre. Akala siguro ay na Op ako sa mga nakapalibot na tao sa akin ngayon. Wala na ang mga pinsan ko. Hindi ko alam kung saan nagsuot. Tinawag kasi ako ng loloa at lola ni Elizah upang ipakilala sa isang kaibigan. Hanggang ngayon ay naririto pa rin ako.
"Huwag na po Donya Allegre. Mukha namang masaya si Elizah kasama ang mga kaibigan niya. " sabi ko.
"Asus apo. Hindi naman nalalayo ang itsura mo sa kanila. Bata ka pa kaya naman enjoyin mo na ang Moment na ito." sabi naman ng Lolo ni Elizah.
May dumating ulit silang kaibigan. Pinakilala muli nila ako doon. Kilala ko na ito dahil minsan nang ipinakilala sa akin ito ni Papa. Nung ipakilala ng lolo ni Elizah ay tsaka ko lang naalala ang pangalan nito.
Lumayo na ako sa gawi nila. Nung may dumating muli upang batiin sila ng personal.
Makita lang si Elizah na masaya kasama ang mga kaibigan niya ay masaya na rin ako. Nagkakatuwaan na ang mga ito sa pool. Tawa ng tawa si Elizah. Napangiti namn ako. Kasi nakakagaya ang tawa nito.
Nakita kong itinuro ng mga kaibigan niya ang gawi ko. Agad namang nawala ang saya nito ng may sinabi ang katabing kaibigan nito na tumatawa. Ito rin ang mga kaibigan niyang kasama kahapon. Sabi ng mama at papa ni Elizah ay mga matatalik na kaibigan ang mga ito. At ang mga dumating naman ay mga kateam mates at iilan pang mga kaibigan. Nandoon din ang mga pinsan niyang kasama. Mapalalaki o babae ay nagkakasaya sila. Hindi kita ang OPness ng mga anak ng iilang panauhin sa barkada ni Elizah. Parang matagal na silang magkakakilala.
Umalis na ako doon. Ayokong maging hadlang ako sa kasayahan ni Elizah ngayon. Ayos na ang makasama niya ako kanina.
Nakita ko ang mga pinsan ko sa ikalawang palapag. Inaya nila ako doon na pumunta nung makita nila akong nakatingin sa kanila. May mga kasama na silang hindi ko mga kilala.
Papa letter L ang hugis ng mansyon sa gitna ay ang garden at ang pool. Ang pwesto nila ay maganda upang tingnan ang kabuuan ng mga nasa pool. Umakyat ako papatungo doon. Hindi naman na siguro masama kung sumama ako sa kanila.
"Bro, halika may papakilala ako sayo." sabi ni Eleazar. May katabi itong babae. "Lyca Bro...pinsan ni Elizabeth sa mother side." nakipagkamay naman ito sa akin.
"Lyca Atraje." sabi nito.
"Jacob Velasquez." pakilala ko.
"Jacob Velasquez?" ulit ng ilang babae na nandoon. Kaya naman kinamayan ko ito at sinabi ang pangalan ko ulit.
"You mean the owner of Velasquez coconut plantation, hotel and resort?" tanong ng isa pa. Kinamayan ko ito at nag pakilala at kinumpirma ang nagaalangan pa niyang tanong.
May lumapit naman sa gawi ko. Sinasabi kung gaano katanyag at kakilala ang coconut plantation sa buong bansa. Tinatanong pa kung ano ang sekreto ko. At marami pang mga katanungan...
Dumami na ang umakyat sa itaas. Medyo nagkakaingay na rin dahil sa mga pinagkukuwetuhan. Hindi ako sanay na may h*******k sa pisngi ko na hindi ko kakilala. Nagulat nalang ako nung ang isang babae ay hinalikan ako sa pisngi at sa labi.
Naghiyawan ang mga naroon. Na siguradong nakakakuha ng atensyon na nasa pool. Hindi naman na pangkaraniwan sa akin na babae ang hah***k. Dahil na sanay na ako sa mga bar na napupuntahan ko kasama ang pinsan ko. Smack lang naman. Pero dahil siguro dala ng kalasingan ng babaeng nasa harap ko ay nagtagal ang h***k nito.
Hindi ako tumugon. Kaya ang ending ay sa d****b ko na ito ngayon. Kinuha ko ang wine glass na taban nito at ibinaba sa lamesa. Saka ko siya iniupo sa isang couch malapit sa amin. Tinawag ko si Edward para tulungan ako sa babae. Malayong pinsan pala ito ni Elizah sa Mother side at sobra ito kung malasing. Hindi na alam ang ginagawa. Humingi naman ng tawad ang mga kasamahan nito.
"Sorry Jacob...kakabreak lang kasi kayak naglasing..."
"Okay lang...naiintindihan ko."
Nagpaalam na ako pagkayari ng pangayayari. Ayoko nang maulit pa. Baka makita pa ako ng mga kamaanak ni Elizah na may alam sa kasunduan. Nakakahiya. Nakita ko namang sinundan na ako ng mga pinsan ko.
Nung nakita ko sila lolo at Lola ay pumatungo ako doon sa kanila. Binubulyawan pa ako ng mga pinsan ko tungkol sa naganap. Natahimik lang sila nung malapit na kami. Nandoon din kasi ang Lolo at lola ni Elizah, mama at papa at ilang pang mga kamaganak. Madali lang itong makita dahil tanaw mula dito kung manggagaling sa garden ang maghahanap.
Ipinakilala naman ako ng lolo at Lola ni Elizah sa mga kamaganak na naroroon. Batid narin nila ang tungkol sa kasunduan. Maging ang mga pinsan ko ay pinakilala rin.
"kailan ang engagement party mama." tanong ng Tita ni Elizah kay donya Issabella. Kailangan pa ba iyon. Ito lang party na ito ay paniguradong marami nang nakakaalam tungkol doon.
"Iha sa susunod na linggo, sa mansyon naman gaganapin ang tungkol diyan. Upang pormal na ipaalam ang tungkol sa kasunduan." si Lola ang sumagot sa katanungan ng tita ni Elizah.
"Mama...Papa...magpapaalam na kami. Maaga pa ang alis namin para bukas." paalam naman ng mommy ni Elizah. Nagpaalam din ang mga ito kay mama at papa na aalis na rin. Sa pagkakalam ko ay may flight sila Papa bukas papuntang New Zeland sa Engagement party na lamang babalik sila.
"Apo Jacob...bakit hindi ka makisaya kila Elizah? Sama mo mga pinsan mo." sabi naman ng Lolo ni Elizah. Nakikita siguro na patingin tingin ako sa gawi nito.
"Nako. Huwag na po. Baka mailang lang sa amin ang mga kaibigan ni Elizah." sabi ko at tumitig muli sa gawi ng pool naroon na ang iilang pinsan na lalaki at babae sa Mother side at father side ni Elizah. Nagkakasayahan na sila.
"Bro, lola at lolo na ang nagsuggest sayo. Baka maunahan ka pa." sabi naman ni blood sa akin habang itinuturo si Elizabeth na naka swimmingsuit nanakikipaglaro sa mga tao nanasa pool. Nakasakay ito sa balikat ng isang lalaki. Isa ito sa mga nagsasayaw sa kaniya kanina sa eighteen roses. Sa pagkakalam ko ay varsity member ito sa school nila.
"Vladimir, wala akong damit." sabi ko.
"Bro, ano pang ginagawa ng mga gamit na nasa sasakyan ni blood kung magmumukmok kalang diyan at tititig nalang." sagot naman ni Eleazar
"Bro, kanina pa kita napapansin na tingin ng tingin sa gawi ni Elizah." sabi naman ni Bench. "e bro, baka malusaw." dagdag nito.
"Mga bro tingin ko nakahaanap na ng katapat ang insan natin. Mga bro tinamaan na." sabi naman ni Edward habang may taban na shot glass at ininom na ang laman nito.
"Ulol. Anong tinamaan. Ako tinamaan hindi." sabi ko at ininom na rin ang huling lagok ng alak. Pumunta na ako sa sasakyan ni Vladimir. Sumunod naman ang apat.
"Bro, timaan ka nga." sabi ulit ni Edward. Paulit-ulit na silang sinasabi ang mga katagang iyan.
" No way mga Bro, ang isang John Jacob Velazquez ay tinamaan sa babaeng hindi na abot ang standard niya. Jusko Lord. It's end of the World na mga Bro." si Bech habang nakataas pa ang mga kamay.
"Mga ulol. Loko kayo. Ako nanaman ang ginugoodtime ninyo. Asan naba ang short na sinasabi mo at masuot na at ipapakita ko sa inyo na ang isang Velasquez ay hindi tinatamaan sa isang babae."
Ako. Tinamaan? Ang isang Velasquez tinamaan sa isang babae? No way!
Hindi nga ba ako nahuhulog?...
================================DISCLAIMER ALERT!!!This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.================================Story of Elizabeth Atraje Allegre and John Jacob Lazo Velazquez. SYNOPSIS/DESCRIPTIONIn her life ... She lived that the decision did not come from her, she was forced to love the person She didn't like, she missed some parts of her personal life.She w
Prologue-I'm into her?-"Jacob...aasahan kita...""Papa, ngayon na po ba talaga?" Tanong ko kay Papa. Masyado akong maraming ginawa ngayong araw. Kaya mukhang pagod ang boses ko.Ibinaba ko na ang cellphone ko atinilagay na sa bulsa ng pantalon. Kakagaling ko lang sa Planta ngayon. Tulad ng araw araw kong ginagawa.Sabi kasi ni Papa noong bata palang ako ay dapat alam ko na ang pagmamanage ng mga iyon. Ngayon ay ipinaubaya na niya sa akin ang planta. Tulad ng gusto niyang mangyari. Pinalago ko ito. Hanggang sa nabili ko ang kalapit na lupain nito.Sa kanang bahagi non ay bahayan. Ayokong bilhin iyon dahil maraming mawawalan ng bahay kung sakali. Sapat na ang lupang napundar ko sa ipon ko. Imbis na pangarapin pa ang lupain na kasunod ay nakatulong pa ako sa pangaraw araw nila dahil sa trabaho na dala ng planta. Hindi man nakapagtapos ng pagaaral
================================DISCLAIMER ALERT!!!This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.================================Story of Elizabeth Atraje Allegre and John Jacob Lazo Velazquez. SYNOPSIS/DESCRIPTIONIn her life ... She lived that the decision did not come from her, she was forced to love the person She didn't like, she missed some parts of her personal life.She w