Share

Chapter 6

Author: iamAexyz
last update Last Updated: 2023-11-16 12:41:36

Bumalik din agad ako Psyche matapos naming mag-usap ni Rebecca. Madami pa akong trabaho kaya hindi ako pwedeng magsayang ng oras.

Pagbalik ko sa opisina ay ipinatong ko ang bag na regalo ni Reb sa table ko. Muli akong napatingin sa isang box na natanggap ko kaninang umaga. Kinuha ko iyon at binuksan ang trash bin pero nagdadalawang isip ako kung itatapon ko ba iyon o hindi.

Sa huli ay muli ko iyong pinatong sa table. Sayang naman kung itatapon ko. Napatingin ako sa labas at dahil glass wall ang opisina ko ay kita ko ang buong paligid ay nakita ko si Anji. Napangiti akong tumayo at kinuha ang regalong nataggap ko.

Lumapit ako sa kanya. Mabuti nalang at wala pang dumadating na customer.

"Anj," tawag ko sa pansi niya. 

Nagtatanong ang mga matang tumingin ito sa akin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "'Di ba may boyfriend ka? Gusto mo bang mas lalo pa siyang mas ma-in love sa iyo?"

Kumunot ang noo nito sa tanong niya. "Nagtitinda ka ba ng gayuma?"

Pinanlakihan ko ito ng mata dahil sa tanong nito. "Gaga, hindi. I mean ito o," ipinakita ko sa kanya ang kahon nang natanggap kong regalo. Wala naman na iyong balot na gift wrapper dahil tinanggal ko nakaya kita niya ang brand ng isang sikat na underwear na nakasulat doon.

"Wow, saan 'to galing?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko din alam, regalo iyan sa akin kanina pero hindi ko alam kung sino ang nagbigay dahil wala namang pangalan ng sender. Hindi naman ako nagsusuot ng ganiyan kaya, bilhin mo na. Alam ko bagay na bagay ito sayo. Sa ganda ng katawan mo, parang sinukat ito sayo," pang-uuto ko sa kanya at kulang na lang ay bulatlatin ko sa harap niya ang lingerie na nasa box.

"Binobola mo lang ako."

"Ano ka ba? Kailan ba ako nagsinunagling? Alam kong  sexy ka kaya bagay sayo ang mga ganito. Kaya please bilhin mo na, " kulang na lang ay magmakaawa ako sa kanya dahil wala na talaga akong pera.

"Mahal iyan, e." Nag-aalangan pa ito pero kita ko sa mata nito na interesado ito sa hawak ko.

"Wala akong paki, one kyaw na lang para sa iyon. Presyong katrabaho," saad ko sa kanya.

"Alam ko mura na iyan sa isang libo pero hindi ko pa rin afford," tanggi nito.

"Napaka naman neto. Alam kong mapera ka, sobrang mahal nito  alam mo iyan pero dahil kilala kita 1K ko na lang ibebenta sayo daig mo pang may ninety percent discount dito," pamimilit ko sa kanya.

Dahil gipit ako pagkakakitaan ko na lang ang regalong ito kesa ma-stress ako kakaisip kung kanino galing. Mukhang rich kid ang nagpadala, wala naman akong close friends na rich kaya hindi ko mahulaan kung kanino ito galing. Saka bakit sa dami ng magreregalo sa akin, lingerie pa? Manyakis ba ang nagbigay nito? Bigla tuloy akong kinilabutan sa naisip ko.

"Sige na nga," saad nito at dumukot ng isang libo sa wallet.

Napangiti ako ng malaki nang tanggapin ko iyon. Pakipot pa siya alam ko naman na gusto din niya ito. Gusto lang niyang mas babaan ko pa ang presyo ay ginto naman talaga ang presyo ng nightwear na ito kapag sa physical store binili. 

Hindi ko alam kung bakit ang mahal-mahal ay wala naman ng natatakpan sa katawan mo kapag sinuot.

Inabot ko kay Anji ang box matapos kong tanggapin ang isang libong binigay niya. Sa wakas makaka-survive na ulit ako. May allowance na ulit.

"Kapag iyan suot mo, sure na akong hindi ka makakaranas ng tagtuyot dahil araw-araw kang didiligan ng boyfriend mo," pang-uuto ko pa sa kanya.

"Ano ka ba? Kahit anong isuot palagi pa rin siyang naglalaway sa akin," kinikilig na saad nito.

Itinirik ko ang mata ko dahil sa sinabi niya. Siya na ang may maulan na love life. Mapapasana all na lang talaga ako.

"Kaya isuot mo iyan para mas maulol siya sa iyon," sakay ko sa sinabi niya bago nakangiting iniwan siya.

Tiningnan ko ang isang libong hawak ko. Akala ko mahihirapan pa akong humanap ng pera. Pero kung cash na lang sana ibinigay sa akin hindi lingerie mas matutuwa pa ako. Sobrang mahal noon, sayang na isang libo ko lang naibenta.

Natapos ang araw ko na puro trabaho na lamang ang inaasikaso ko dahil medyo hindi na ako namomroblema sa pera dahil sa isang libong napagbentahan ko kanina.

Nang dumating ang alas singko ay isinara na namin ang Psyche. 

Naglakad lang ako pauwi gaya ng nakasanayan ko. Mabuti na lang at naka-rubber shoes ako ngayon dahil kung araw-araw akong magtatakong ay baka malaki na ang binti ko.

Napadaan ako sa mga nagtitinda ng fishball at dahil may barya pa naman ako sa bulsa ay hindi ko na tiniis ang sarili ko. Natatakam na akong kumain kaya nakisiksik at nakituhog na ako.

Dalawa ay piso ng fishball habang isang gayat naman ng kikiam ay piso samantalang dati isang buo nito piso lang. Kumuha ako ng nagkakahalagang sampong piso na inilagay ko sa malaking plastik na baso. Kumuha din ako ng isang tokneneng na ginto na ang halaga. Kinse ang isa kaya bale twenty five pesos lahat ang inabot ko sa tindero. Nilagyan ko ng sauce na nasa pitcher ang binili ko bago tulyang umalis. Mabagal lang akong naglalakad dahil kumakain ako.

"Miss, taya na," saad sa akin ni Manong na nagpapataya sa weting.

"Naku, manong bawal iyan."

"Bawal kapag nahuli. Tumaya kana, nakikinita ko tatama ka. Hindi ako magkamali. Minsan talaga nararamdaman ko kung sino ang tatama," wika nito na tila hinuhulaan ako.

"Sigurado po ba kayo?" naninigurong tanong ko sa kanya.

Tiningnan ko ito. Hindi naman ito mukhang scammer dahil sanay na akong makakita ng gaya nila na pagala-gala tapos may suot pa silang id kuno. Nakikita ko na rin siya madalas sa pwesto niya.

Yes, illegal ang jueteng sa bansa pero dahil nga sa dami nil ay hindi agad sila mahuli-huling lahat. Kaya ngayon pati ako pumapatol na sa mga legal na paraan para lang magkapera. Ako lang naman kasi itong puro trabaho pero palagi pa ring gipit. 

Lumapit ako sa kanya at dinukot ang lahat ng natirang barya sa bulsa ko. Thirty five pesos lahat iyon. Napatingin ako kay manong bago sa baryang hawak ko. Hindi ko alam kung itataya ko ba iyon o hindi. Alam kong mali ang gagawin ko dahil pagsusugal iyon pero sa gaya kong sa swerte na lang umaasa ay hindi ko na alam kong uunahin ko pa ba ang moral ko o ang laman ng bulsa ko.

Alam kong maaring masayang ang hawak kong pera pero paano kung tumama pala ako? Kinukwenta ko na sa isipan ko ang tatamaan ko. Mga ilang libo rin iyon. Malaki na iyon para sa mahirap na gaya ko. Kapag sa lotto ko kasi  itinaya ito, bente lang magagastos ko pero anim na letra naman ang huhulaan ko kaya mas imposibleng hindi ako tumama.

Humugot ako ng malalim na hininga bago inabot sa matanda ang perang hawak ko. Bahala na si batman. Tangina lahat nalang pinapatos ko para magkapera.

Nagbigay ako sa kanya nang dalawang numero na agad naman niyang sinulat sa papel na hawak niya.

"Tang kapag tumama ako puntahan mo lang ako doon," turo ko sa kanya sa building kong saan ako nagtatrabaho.

Ngumiti naman ito sa akin at tumango. "Oo ba, sana nga bwenas ka."

Umalis na rin agad ako  at nagpatuloy sa paglalakad. Kung usapang bwenas ay mukhang hindi ako iyon. Dahil pinanganak yata akong malas.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang kumakain ng tuhog-tuhog na binili ko nang biglang may kotseng sumabay sa akin habang naglalakad ako.

Nang ibaba nito ang bintana para makita ko kung sino ay nakompirma kong hindi nga ako swerte. Dapat hindi na ako tumaya dahil malas talaga ako.

Sa sobrang malas ko nakita ko na naman siya at alam kong hindi ito nagkataon lamang.

"Hop in," saad nito at ibinaba pa ang bubongan ng kotse dahilan para marami ang mapatingin sa kanya.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nagkunwari akong bingi.

Sinabi ko na sa kanyang ayaw ko na siyang makita pero hindi pa lumilipas ang isang araw nandito na naman siya.

"Margarita," tawag nito sa pangalan ko at tila nagbabanta pa ang boses nito.

Asar na tumigil ako at nameywang.

"Hindi ba sinabi ko na sa iyo? Let's ignore each other. Hindi ko maintindihan kong bakit para kang kabute mula kagabi, Attorney. Tantanan mo ako, hindi ako natutuwang bigla ka na lang sumusulpot at aaktong parang close tayo. Leave me alone, iba na langang bwesitin mo. Huwag ako, wala akong oras sayo," asar na saad ko bago nagpatuloy na naglakad.

Inis na lumingon ako nang bigla itong bumusina ng malakas. Inirapan ko ito ng  todo pero natawa lang ito sa ginawa ko kaya nagmamartsa sa inis na naglakad ako.

Ang lakas talaga ng trip niya at sa dami yata ng pagtitripan niya ako pa ang nakita niya.

Nakasunod pa rin ito sa akin na mabagal ang pagmamaneho pero nang lumiko ako sa iskinita namin ay nilubayan na ako nito kaya nakahinga ako ng maluwag.

Bakit ba ang kulit ng hinayup4k na iyon? 

Related chapters

  • Drunk on Margarita   Chapter 7

    Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto ko para magbihis. Matapos ko magbihis ay nagtungo ako sa kusina pero agad na nagsalubong ang kilay ko nang makita kong madaming hugasin. "Bella!" malakas na sigaw ko pero walang lumapit sa akin kaya asar na nagtungo ako sa kwarto niya. Alam kong nandito na siya sa bahay ng mga ganitong oras dahil madalas ay nauuna siyang umuwi palagi sa akin. "Ate bakit sumisigaw kana naman?" tanong sa akin ni Mikoy na kadarating lang. "Si Bella kasi hindi man lang marunong maghugas," sagot ko at dumeritso sa kwarto ni Bella. Binuksan ko ang pinto niya ng walang abog at nakita ko siyang busy sa selpon niya. Tila may kausap ito at nang makita ako ay mabilis na pinatay. "Ate, bakit hindi ka kumakatok?" may himig pagka-inis na tanong pa nito. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Sino ang kausap mo? Sa lakas ng sigaw ko maging kapitbahay natin siguradong dinig ako pero hindi mo narinig?" "Ano ba kasi iyon?" "Kumain ka pero itinambak mo lang sa lababo.

    Last Updated : 2023-11-17
  • Drunk on Margarita   Chapter 8

    Kinabukasan ay maaga akong muling bumangon. Kahit linggo at dapat ay araw ng pahinga ay kailangan ko pa ring magtrabaho. Minsan nga pinapagalitan na ako ni Rebecca dahil ayaw kong mag-day off. Mas mabuti pa namang pumasok ako sa trabaho kaysa manatili sa bahay tapos si inay ang makakasama ko. Buong araw lang naman niya akong hindi papansinin kaya mas mabuti pang kumayod na lang ako para magkapera. Pagkabangon ko ay mabilis akong nagsa kusina para mag-almusal. Naabutan ko si inay na naghuhugas ng plato sa lababo. Dadampot na sana ako ng pandesal nang bigla itong magsalita. "Tirahan mo ang mga kapatid mo. Paborito iyan ni Mikael," agad ay paalala nito kaya hindi na lang ako kumuha. "Magkanin ka na lang. May tirang ulam pa kagabi iyon na lang ulamin mo." Nawalan na rin ako ng ganang kumain kaya bumalik na lang ako sa kwarto ko. Tanginang buhay ito. Mabilis akong naligo at nagbihis. Nang makagayak ako ay mabilis akong lumabas ng bahay ng walang paalam. Alam naman nila kung saan ako pup

    Last Updated : 2023-11-17
  • Drunk on Margarita   Chapter 9

    Nakahiga ako sa kama habang nakataas ang kamay ko at nakatingin sa perang nasa sobre. Scammer daw ang natayaan ko, kung totoo iyon bakit tumama ako? Ibig bang sabihin biniyayaan ako ng isang scammer? Teka bakit ko pa ba pinoproblema iyon? Hindi ko naman ito ninakaw. Ibinigay ito ng kusa sa akin dahil tumama raw ako. Baka naman nagbagong buhay na iyong tao at talagang nagpapataya na siya kahit illegal pa iyon. Yung nagbagong buhay na siya pero illegal pa rin trabaho niya. Pati tuloy ako napapa-overthink dahil sa kanya. Hindi ko alam pero may kakaiba talagang nangyayari sa akin mula nang mag-birthday ako. Una nakatanggap ako ng mamahaling lingerie tapos bigla akong tumama sa sugal. Hindi ko alam kung sinuswerte ba ako o may dahilan ang lahat nang nangyayari sa akin. Isama pa ang biglang pagko-krus ng landas naming muli ni Cohen. Siguro hindi pa rin ako swerte dahil nakita ko siyang muli. That man screams danger for me. I should avoid him. Ayoko na muling madawit sa kanya. Ayokong mag

    Last Updated : 2023-11-18
  • Drunk on Margarita   Chapter 10

    Maaga akong pumasok kinabukasan. Pagdating ko sa Psyche ay wala pang tao kaya ako na ang nag-bukas nito dahil may extra keys naman akong hawak. Pero habang nagbubukas ako ay may naramdaman akong tumikhim mula sa likuran ko. Agad na nagsalubong ang kilay ko ng makita ko siya. Anong ginagawa niya dito? "Anong ginagawa mo rito?" masungit na tanong ko sa kanya. "Good morning," nakangiting bati nito na hindi man lang ininda ang masamang tingin ko sa kanya. "Anong maganda sa umaga?" "Ikaw." Naningkit ang mga mata ko dahil sa sagot niya. "Wala akong oras makipaglokohan sayo, Atty." Tuluyan ko nang nabuksan ang glass door ng boutique matapos kong itaas ang roll up. "Don't worry, hindi kita lolokohin." Bumuga ako ng malakas na hangin bago inis na humarap muli sa kanya. Bakit ang aga-aga kung ano-ano na agad ang lumalabas sa bibig niya. "Nasisiraan kana ba talaga ng ulo?" Inikot ko pa ang daliri ko sa tapat ng sintido ko upang ipakita sa kanyang nababaliw na siya. " Can't you act base

    Last Updated : 2023-11-19
  • Drunk on Margarita   Chapter 11

    Napatingin ako kay Rebecca nang humahagos na lumabas ito ng opisina niya habang may may inaasikaso akong client namin na nais magpagawa ng gown para sa darating na debut nito."Where are you going? Nagmamadali ka yata?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Nagmamadali kasi ito."Tumawag ang principal ng kambal. Napaaway raw, kailangan kong pumunta ng school," puno ng pag-aalalang sagot niya na hindi na ako nagawang lingunin pa."Huh? Bakit daw?""I don't know. Ikaw na muna bahala rito. Bye," paalam niya bago tuluyang makalapas ng Psyche.Hindi ko rin maiwasang mag-alala dahil sa sinabi nito.May nangyari ba sa inaanak ko? Pero nang humarap akong muli sa client namin ay binigyan ko ito ng isang ngiti. "We will make a draft for your gown ma'am. A green ball gown with a fairy tale theme. Our designer can do a magic, you don't have to worry. You will surely please once you saw her design. We will just contact you once we finish the design for you final output," nakangiting saad ko dito."Than

    Last Updated : 2023-11-20
  • Drunk on Margarita   Chapter 12

    Matapos ang uwian ay nag kan'ya kaniya na kaming paalam sa isa't isa. Nauna nang umalis ang ibang staffs. Si Rebecca naman ay kanina umalis pa dahil magsusundo pa ito sa kambal. Si Anji naman ay sinundo ng jowa niya kaya malaki ang ngiti. Siya na ang may boyfriend. Si Kuya Gary naman ay hinintay kong matapos niyang isara ang lock ng pintuan at makandado ang roll up na binaba niya. Hindi muna ako umuwi. Naglibot muna ako para maghanap ng space na maari naming rentahan. Alam kong naghahanap na rin si Rebecca. Gusto ko lang makatulong sa kanya. Mahalaga rin sa akin ang Psyche. Malaki ang naitulong sa akin ng Psyche kaya hindi ko ito pwedeng pabayaan. Kapag wala kaming nahanap na panibagong space ay maaring matigil ang operasyon namin. Alam ko naman nakahit hindi niya sabihin namomroblema siya ngayon. Bakit kasi biglaan? Iyong matandang panot na si Mr. Ignacio, pasalamat siya wala akong kotse kundi sinagasaan ko na sana siya ngayon. Masakit na ang paa ko kalilibot at malapit na ring mag

    Last Updated : 2023-11-21
  • Drunk on Margarita   Chapter 13

    Napatingin ako kay inay nang salubungin niya ako nang makapasok na ako sa loob ng bahay. Napatingin ako sa kamay niya nang bigla niyang isahod iyon sa akin. "Mabuti naman at dumating kana. Asan na ang pambayad sa kuryente? Gusto mo bang na maputulan muna tayo bago ka magbigay?" pagtatalak agad nito. Lihim na tumirik ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Siya lang ang kilala ko na nanghihingi pero sobrang tapang pa. "Pasensya na po. Nakalimutan kong po i-abot kanina," sabay abot ko sa kanya ng perang dalawang libo mula sa bag na dala ko. Naalala kong nanghihingi nga pala ito ng pambayad sa akin ng kuryente noong nakaraan. Umismid pa ito sa akin kaya napailing na lang ako. Malapit na talagang mapigtas ang pasensya ko. Napatingin naman ako kay Mikael na bagong dating. Agad na sinalubong ito ni inay. "Oh, anak, bakit ngayon ka lang?" malaki ngiting bati dito ni inay. Pinag-krus ko ang mga braso ko habang pinapanood siya. Bagay na bagay na maging kontrabida sa pelikula ang ina ko. Sy

    Last Updated : 2023-11-23
  • Drunk on Margarita   Chapter 14

    Gaya ng araw-araw na buhay ko ay maaga na naman akong gumising para pumasok. At nakasanayan ko na ring hindi kumain sa agahan upang iwasan si inay. Ayokong pumasok palagi na may baong masasakit namga salita mula sa kanya.Maging si Rebecca ay maagang pumasok ngayon gayong dati ay medyo late na siya dahil hinahatid pa niya ang kambal pero ngayon ay hindi ko siya mapigilang asarin. Si Calvin, ang manliligaw niya ang naghatid sa mga anak niya. Mukhang nakakaabante na si Calvin mula sa friendzone pero duda akong makakarating siya hanggang sa dulo. Pakiramdam ko sa huli ang ama pa rin ng kambal ang magwawagi. Malakas ang pakiramdam na isa sa mga araw na ito susulpot na iyon dahil nga naniniwala akong ang nangyari dito at kay Rebecca ay hindi lang nagkataon o dahil lang sa alak.Hindi ako naniniwala sa nagkataon lang. Malakas ang pakiramdam ko. Matapos kong asarin si Rebecca ay bumalik na rin agad ako sa trabaho ko gayon din ito.Maaga pa lang ay abala na ako sa pag-i-inspect ng mga naka-di

    Last Updated : 2023-11-24

Latest chapter

  • Drunk on Margarita   Special Chapter

    “Anong ginagawa n'yo rito?” masungit na tanong ni Conan kina Cupid at Eros na malapad ang mga ngiti. Kasama ng mga ito si Dwayne na dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay namin at feel at home na naupo sa sofang katapat ko. Habang ang asawa ko naman ay parang sira na hinaharang ang kambal. “I want to play with Ate Love,” sagot ni Cupid na hindi pinansin ang pagsusungit ng asawa ko. “Lora, huwag kang maki-love. Ate Lora itawag mo sa kaniya.” “Love, for you,” biglang napatingin ang asawa ko kay Eros na may inaabot na paper bag kay Love. Mabilis na lumapit ito kay Eros na at kinuha ang hawak nitong paper bag bago pa man ito maabot ng anak namin. Hindi ko maiwasang mapailing sa inakto ni Conan habang ngingisi-ngisi naman si Dwayne. “Cookies? Bakit binibigyan mo ng cookies ang anak ko?” daig pa ng imbestigador sa tanong nito. “Mommy said to give it to Love,” paliwanag ni Eros “Ate Lora. Call her Ate Lora, nakiki-love ka rin, e.” Ako ang na-e-stress kay Conan, pati mga bata pinapa

  • Drunk on Margarita   Special Chapter

    Naluha ako sa tuwa habang hawak ko ang pregnancy test. Hindi ako makapaniwalang buntis ako. NA NAMAN. Duda na talaga ako dahil ilang araw na akong nagsusuka sa umaga. Inisiip ko baka may nakain lang ako pero wala naman akong kinakaing kakaiba kaya naisipan ko nang mag-PT. "Tigress, what happened? Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Conan na kalalabas pa lang sa shower nang maabutan niya akong tulala. Tumingin ako ng masama sa kaniya. "Hindi ba uso sayo ang magtapis man lang tuwalya?" Tinutuyo kasi nito ang basang buhok ng towel pero wala naman itong suot na kahit na ako na pwedeng magtago ng dapat itago. "As if you didn't see it," nakangising saad nito at sumandal pa sa sink kaya kitang-kita ko ang b****a niya. "Bakit ba ang hilig mong mag-bold?" Sanay na sanay na talaga siyang parang si Adan kapag kaming dalawa lang ang kasama. Palibhasa maganda ang katawan niya tapos malaki iyong kaniya kaya kung ibalandra niya ng todo sa mata ko ganoon na lang. Bigla nitong hinawak

  • Drunk on Margarita   Special Chapter

    Nandito kami ngayon sa bahay nina Rebecca. Nanganak na ito at lalaki ulit ang naging baby niya, habang ako naman ay tatlong buwang buntis. Kababalik lang namin ni Conan mula sa honeymoon mula sa ikatlong kasal namin. Isa sa hindi niya papayagang palampasin ay ang honeymoon. Minsan nga binibiro ko siya na honeymoon lang talaga habol niya. "Wow, ang popogi naman ng mga anak mo, Reb," saad ko habang tinitingnan anak nitong pitong buwan na. "Siguradong maraming paiiyaking mga babae ito." Nilalaro ko ang anak niya na may malalim na dimple kapag tumatawa. "Siguradong sasakit din ang ulo ko dito," saad naman nito na ikinatawa ko. "Okay lang iyan, hasang-hasa ka naman na sa kambal." Isa pa isa yata siya sa may pinakamahabang pasensyang nakilala ko. Kung gaano kahaba ang pasensya niya ganoon naman kaiksi ang akin. Sumimangot ito. "Kotang-kota na ako sa dalawang iyan," saad nito at tumingin sa mga anak niya na kalaro ng anak ko habang ang mga ama naman nito ay nagkakagulo sa swimming poo

  • Drunk on Margarita   Special Chapter

    Patulog na kami pero bigla akong napabangon at tumingin kay Conan nang bigla akong may maalaala."Tell me," saad ko sa kaniya."Ang alin?" nagtatakang tanong nito."We first met in my graduation right?" paninigurado ko sa kaniya.Ang natatandaan ko ay nagkabangga kami nang makalapas ako nang comfort room. Iyon ang unang beses na nakita ko siya at agad na akong humanga sa kaniya.Ngumiti ito sa akin at ipinagsaklop ang kamay sa likod ng ulo nito habang nakahiga."You first met me during graduation, but I first met you before I graduate," sagot nito na ikinakunot ng noo ko.Pinakatitigan ko siyang mabuti. Seryoso ba siya?"What do you mean?""My mother own the Arkanghel Foundation. They had a medical mission in your school before and I was one of the volunteers. That was the first time I saw you, when there are a lot of girls trying to catch my attention in your school, you are busy sleeping on the bench. I even seated opposite where you are sleeping, but you did not notice me. I used to

  • Drunk on Margarita   Special Chapter

    PAMANHIKANMahigpit na hinawakan ko ang kamay ni Conan habang hawak ko namana ng kamay ni Love sa kabila bago kami tuluyang pumasok sa bahay ng ama ko.Napatingin sa amin ang lahat ng pumasok kami. Nakita ko pang natulala ang pamilya ko nang makita kami.Alam naman nilang paparating kami dahil tumawag na ako sa kanila bago pa kami pumarito. Kaya marahil may mga nakahanda rin sila sa lamesa kahit may mga dala naman kaming pagkain na ipinapasok ni Mang Karding.Ipinilit kasi ni Conan na magpaalam muna sa ama ko bago kami magpakasal. At masaya ako sa desisyon niyang iyon. Ibig sabihin nirerespeto pa rin niya ang mga magulang ko. Kahit alam kong kung sakali man na hindi pumayag ang ama ko ay pakakasalan pa rin niya ako.Ipinakilala ko sila sa ama at mga kapatid ko. Hindi makapaniwalang nakatingin lang sila sa akin. Alam kong hindi nila aasahan na may anak na ako. "May anak ka na? Hindi mo man lang sinabi sa amin?" gulat na tanong ni Marcela. "Ibig sabihin nang mawala ka ng matagal na sab

  • Drunk on Margarita   Finale

    MARGARITA "So what do you want? Garden, beach or church wedding?" tanong sa akin ni Conan habang pinaglalaruan nito ang mga daliri ko. Nandito kami ngayon sa opisina niya sa bahay. Hindi siya pumasok ngayon gayong weekdays naman. Iba na talaga kapag boss, pwede pumasok anytime. Ako nga gusto ko nang magtrabaho ulit. Hindi ako sanay na nasa bahay lamang. May mga negosyo naman ako pero tumatakbo naman iyon ng maayos kahit wala ako dahil may mga tauhan akong mapagkakatiwalaan. Binigyan ko na rin ng trabaho si Mikael sa hotel na pagmamay-ari ko. Sinabi kasi niyang gusto na talaga niyang magpart-time habang pumapasok siya. Mukhang natuto na rin sa wakas kaya ako na mismo ang nagbigay ng trabaho sa kaniya. Sabi ko naman sa kanila handa akong tulungan sila basta nakita ko lang na nagsisikap sila. Si Marcela ay okay na rin kami may oras na nag-iiringan pa ring kaming dalawa pero hindi na katulad ng dati. Minsan parang nasanay na lang kaming nagtatalo kami kaya ganoon. Nalaman ko na rin n

  • Drunk on Margarita   Chapter 136

    COHEN Napatingin ako sa anak ko nang bigla itong bumungtong-hininga ng malakas. "What's wrong?" I asked her. It's sunday, she is eating peanut cake again while we are watching her mom helping in the garden. Sinabihan ko na si Margarita na hayaan na lang ang mga kasambahay namin na gumawa noon pero ako pa ang pinagalitan nito kaya hinyaan ko na lang siya. She is fully healed already. Have a lots of energy to move around dahil masyado daw siyang na-bored noong hindi siya makalakad ng maayos. Lora and I are on the second floor balcony. "When are you going to marry my mom?" biglang tanong nito. I smiled at her. "Soon." She rolled her eyes. "Dad, I want an specific time and date. Are you saying soon because you are not sure?" nakatikwas pa ang kilay na tanong nito. "Don't say that, if there is someone I am so sure in my life, that's your mom," depensa ko sa kaniya. "Then will you are going to marry her?" "I need to propose to her first." "When are you going to propose?" "I nee

  • Drunk on Margarita   Chapter 135

    Napatingin ako kay Conan nang patulog na kami. Nakahiga na ako sa bed ko pero tumayo pa siya at siniguradong naka-lock ang pinto ng kwarto namin dito sa hospital. Nasa VIP room kami kaya hindi gaya ng iba na kita agad ang kwarto namin sa labas. Para nga lang kaming nasa hotel dito, perks of having a rich tapos nadamay ako kasi boyfriend ko siya. Bukas ay pwede na siyang lumabas habang ako ay kailangan pang manatili ng ilang araw dahil sa paa ko. Gusto ko na ngang lumabas dahil nauumay na ako dito. "What are you doing?" nagtatakang tanong ko nang lumapit siya sa akin. Ngumisi ito sa akin. Ngisi pa lang nito kinakabahan na ako. This is one of the reasons why I don't want us to share room. He is too naughty and I can't resist him. "Don't you dare!" saway ko sa kaniya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May naiisip na namang kalokohan ang lalaking ito. Pero tila bingi ito. Nanlaki ang mata ko nang hubarin niya ang patient shirt na suot niya. "Conan," saad ko sa pangalan niya par

  • Drunk on Margarita   Chapter 134

    MARGARITA"Yeah, you are sorry," sarcastic na saad ni Conan habang nakatingin sa kaniyang ina. "It also means that while I am looking for her, you are blocking all the information. Don't you trust me? I can protect them, mom."Halata ang frustration sa mukha nito. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kaniya. May sugat pa siya sa tagiliran niya na katatahi lang pero mukhang masyado na agad siyang stress. Dapat nagpapahinga na lang muna siya.Marahang pinisil ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. He is becoming emotional. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya nagsinungaling ang lahat sa kaniya pero naiintindihan ko rin ang ina niya. Magkaiba sila ng paraan pero iisa lang naman ang gusto nila, ang protektahan kami ni Love at nagpapasalamat ako sa kaniya. Nagpapasalamat ako sa ina niya kahit na noong una ay siya ang pinagbibintangan ko sa mga nangyari sa akin noon."I am sorry. That's why I tried to correct all the things I did. When I found out that you already found

DMCA.com Protection Status