Gaya ng araw-araw na buhay ko ay maaga na naman akong gumising para pumasok. At nakasanayan ko na ring hindi kumain sa agahan upang iwasan si inay. Ayokong pumasok palagi na may baong masasakit namga salita mula sa kanya.Maging si Rebecca ay maagang pumasok ngayon gayong dati ay medyo late na siya dahil hinahatid pa niya ang kambal pero ngayon ay hindi ko siya mapigilang asarin. Si Calvin, ang manliligaw niya ang naghatid sa mga anak niya. Mukhang nakakaabante na si Calvin mula sa friendzone pero duda akong makakarating siya hanggang sa dulo. Pakiramdam ko sa huli ang ama pa rin ng kambal ang magwawagi. Malakas ang pakiramdam na isa sa mga araw na ito susulpot na iyon dahil nga naniniwala akong ang nangyari dito at kay Rebecca ay hindi lang nagkataon o dahil lang sa alak.Hindi ako naniniwala sa nagkataon lang. Malakas ang pakiramdam ko. Matapos kong asarin si Rebecca ay bumalik na rin agad ako sa trabaho ko gayon din ito.Maaga pa lang ay abala na ako sa pag-i-inspect ng mga naka-di
Hinabol ko ng masamang tingin si Atty. Delgado nang umalis ito. Sinubukan ko talagang magtago para hindi na ako makita nito. Nang tuluyan na itong makalabas ay nagmamadali akong pumasok sa opisina ni Rebecca.Naabutan ko ang kaibigan ko na tila problemado. Unang kita ko pa lang sa abogadong iyon alam kong problema na ang dala niya pero hindi ko inaasahan na mas malala pa pala sa inaasahan ko.Ayon kay Rebecca ay gaya ni Mr. Ignacio sinabi rin nito na kailangan na naming lumipat sa lalong mas madaling panahon dahil gigibain na ang building.Ano ba ang trip ng bagong owner at binili niya ang gusali para lang gibain? Ganoon ba talaga ang mga mayayaman? Bumibili ng mga bagay para lang sayangin nila?Bumalik ako sa pwesto ko habang si Reb naman ay abala para maghanap ng lilipatan namin. Nagse-search na rin ito sa internet. Siguro mamaya kailangan ko na na ulit maghanap ng space for rent para naman makatulong ako sa kanya. Sana lang makahanap agad kami dahil hindi biro ang paglilipat ng lah
Mabilis akong bumaba sa motorsikolo ni Renzo nang huminto ito sa tapat ng bahay namin. "Salamat," saad ko sa kanya habang inaabot ang helmet na hinubad ko. "Ibig bang sabihin nito pumapayag ka nang ihatid sundo kita?" malaki ang ngiting tanong nito. "Hindi," walang pasubaling pagtanggi ko. "Malapit lang ang trabaho ko kaya huwag mo ng abalahin ang sarili mo." Sumama lang naman ako sa kanya ngayon dahil natatakot akong lapitan ako ni Cohen. Hangga't maari ay iiwas ako sa kanya. Sabay kaming napalingon ni Renzo kay Mikoy nang tumukhim ito. Lalaking-lalaki ang tindig nito habang masama na naman ang tingin kay Renzo. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ayaw nito sa huli, wala naman siyang dapat ipag-alala dahil hindi ko naman ito papatulan. "Salamat sa paghahatid sa ate ko. Makakaalis kana," pagtataboy nito kay Renzo at hinila ako papasok sa maliit na gate namin. "Anong problema mo?" kunot-noong tanong ko sa kanya. "Iyang lalaking iyan walang dala. Ilang beses mo nang binasted mukhan
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko binuksan ang malaking pinto pero napakunot ako nang tahimik ang buong paligid wala rin akong makitang tao nang tuluyan na akong pumasok. Nakaalis na ba si Mikael? Lalabas na sana ako nang biglang may yumakap mula sa likuran ko dahilan para mapaigtad ako. Agad na umikot ako para sana saktan ang mapangahas na yumakap sa akin pero biglang nanlaki ang mata ko ng ang mga labi nito ang sumalubong sa akin nang humarap ako dito. Nalasahan ko ang alak sa mga labi nito. Mariin kong itinikom ang labi ko upang hindi ako nito mahalikan at marahas na itinulak ito pero masyadong malakas ang mga brasong nakayakap sa akin na para bang mga bakal ang mga iyon. Gusto kong maiyak dahil sa pagiging mapangahas ng lalaking tila walang pakialam sa pagpalag ko pero mas binili kong umisip ng paraan kung papaano makakawala dito. Yayapakan ko sana ang paa nito para bitiwan ako nito pero eksaktong paggalaw ko ng isang paa ko ay ang pagsapo nito sa mga hita ko. Nan
"Why you hate me so much?" tanong nito sa akin habang nagmamaneho. Nagtanong pa talaga siya. Hindi ko naman siya hate. Hindi ko lang siya like. Kapag hate na kasi ang usapan masyado nang malalim iyon. "Stop pestering me. I don't know why are you doing this but I want you to stop." Ano ba ang gusto niyang gawin ko para lang tantanan na niya ako? Hindi ko maunawaan kong bakit pilit niya akong kinukulit at ginugulo. Kung iniisip niya na bubukaka akong muli sa kanya gaya nang nangyari noon ay nagkakamali siya. "I can't. You are making me interested in you," sagot nito na lalong nagpainit ng ulo ko. "I don't feel the same way. Sa iba mo na lang ibaling ang atensyon mo. Hindi ko kailangan niyan," diretsang pambabara ko sa kanya. Anong iniisip niya na kikiligin ako? "Why are you too hard on me, Tigress. Can't we be at least friends?" Binigyan ko siya nang hindi makapaniwalang tingin dahil sa tanong niya. Nagpapatawa ba siya? "Friends? Are you serious? Lahat ba ng babaeng ikinama mo
Kinaumagahan kahit medyo puyat ako ay maaga pa rin akong gumising dahil may pasok. Humihikap pa ako nang magtungo ako sa kusina para magkape nang magising man lang ang katawang lupa ko. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi ko makita si Inay. "Asan si Inay?" tanong ko kay Mikael na siyang nadatnan ko sa kusina na kumakain ng almusal. "Maagang nagtungo sa palengke," simpleng sagot nito. Nagtimpla ako ng kape at umupo sa katapat. Pinakatitigan ko ito habang umiinom ako ng mainit na kape. "Saan ka nagpunta kagabi?" tanong ko dito dahilan para magtaas ito ng tingin. Kumunot ang noo nito na para bang hindi alam ang sinasabi ko. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Maaga akong natulog kagabi, ate," tanggi nito at nagpatuloy sa pagkain. "Ilang beses na kitang nakikitang lumalabas ng gabi. Huwag mong sabihin na doubleganger mo lang iyon? Hindi naman kita tatanungin kong hindi kita nakita." Nakita ko ang pag-iwas nito ng tingin sa akin. "Kay Marlon lang, may hinirap lang ako para sa project
"So kayo na ba?" agad ay tanong sa akin ni Anji nang makaupo kami sa food court malapit sa pinagtatrabahuhan namin. Madalas na kaming tumambay na dalawa palagi dito pero ngayon niyaya niya ako dito dahil gusto niyang sumagap ng tsismis.Kauuwi pa lang namin at eksaktong hindi ito sinundo ng boyfriend niya kaya ako ngayon ang kinukulit nito. "Hindi nga," saad ko at sumubo ng barbecue na binili namin kanina bago kami naupo."Hindi kayo pero nagpatuka ka." Inginuso pa nito ang labi sa akin na para bang hahalik.Sinamaan ko siya ng tingin. Malay ko bang nanakawan ako ng halik ng gonggong na iyon."Hindi ako nagpapatuka anong akala mo sa akin manok?" pamimilosopo ko na lang sa kanya."Ang swerteng manok mo naman. Ang yummy ni Attorney. Siya iyong tipo ng lalaki na parang magino pero bastos. Tangina iyong tattoo pa lang niya nakakapaglaway na paano pa kaya kapag hubad na?"Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Kung pagpantasyahan niya si Delgado ay daig pa niya ang walang boyfriend
Abala akong nagdudutdot ng cellpone ko habang naghahanap ng available space for rent sa social media. Baka may kakilala akong may alam na malaki ang space pero mura lang kaya nakatutok ang mga mata ko sa selpon habang may mga ka-chat ako nang biglang may nagpop na mensahe sa akin. "Hi?" Kulang na lang ay umusok ang ilong ko nang mabasa ko ang pangalan nito. Napanganga na lang ako nang sunod-sunod na messages ang dumating sa akin. "Accept my request, Tigress." "I know you are online." "Don't block me, I know you. You already blocked my number." "How are you?" "Did you eat already?" "What do you want for breakfast for tomorrow?" Nagsalubong ang mga kilay ko sa mga mensaheng ipinadala niya sa akin. Gaano ba kabilis magtype ang daliri niya at wala pang segundo ang pagitan ng mga ito. Agad na blinocked ko ang account niya kahit na sinabi niyang huwag ko siyang i-block. Hanggang sa social media ba naman guguluhin niya ako? My goodness, daig pa ng lalaking ito ang stalker. Tapos
“Anong ginagawa n'yo rito?” masungit na tanong ni Conan kina Cupid at Eros na malapad ang mga ngiti. Kasama ng mga ito si Dwayne na dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay namin at feel at home na naupo sa sofang katapat ko. Habang ang asawa ko naman ay parang sira na hinaharang ang kambal. “I want to play with Ate Love,” sagot ni Cupid na hindi pinansin ang pagsusungit ng asawa ko. “Lora, huwag kang maki-love. Ate Lora itawag mo sa kaniya.” “Love, for you,” biglang napatingin ang asawa ko kay Eros na may inaabot na paper bag kay Love. Mabilis na lumapit ito kay Eros na at kinuha ang hawak nitong paper bag bago pa man ito maabot ng anak namin. Hindi ko maiwasang mapailing sa inakto ni Conan habang ngingisi-ngisi naman si Dwayne. “Cookies? Bakit binibigyan mo ng cookies ang anak ko?” daig pa ng imbestigador sa tanong nito. “Mommy said to give it to Love,” paliwanag ni Eros “Ate Lora. Call her Ate Lora, nakiki-love ka rin, e.” Ako ang na-e-stress kay Conan, pati mga bata pinapa
Naluha ako sa tuwa habang hawak ko ang pregnancy test. Hindi ako makapaniwalang buntis ako. NA NAMAN. Duda na talaga ako dahil ilang araw na akong nagsusuka sa umaga. Inisiip ko baka may nakain lang ako pero wala naman akong kinakaing kakaiba kaya naisipan ko nang mag-PT. "Tigress, what happened? Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Conan na kalalabas pa lang sa shower nang maabutan niya akong tulala. Tumingin ako ng masama sa kaniya. "Hindi ba uso sayo ang magtapis man lang tuwalya?" Tinutuyo kasi nito ang basang buhok ng towel pero wala naman itong suot na kahit na ako na pwedeng magtago ng dapat itago. "As if you didn't see it," nakangising saad nito at sumandal pa sa sink kaya kitang-kita ko ang b****a niya. "Bakit ba ang hilig mong mag-bold?" Sanay na sanay na talaga siyang parang si Adan kapag kaming dalawa lang ang kasama. Palibhasa maganda ang katawan niya tapos malaki iyong kaniya kaya kung ibalandra niya ng todo sa mata ko ganoon na lang. Bigla nitong hinawak
Nandito kami ngayon sa bahay nina Rebecca. Nanganak na ito at lalaki ulit ang naging baby niya, habang ako naman ay tatlong buwang buntis. Kababalik lang namin ni Conan mula sa honeymoon mula sa ikatlong kasal namin. Isa sa hindi niya papayagang palampasin ay ang honeymoon. Minsan nga binibiro ko siya na honeymoon lang talaga habol niya. "Wow, ang popogi naman ng mga anak mo, Reb," saad ko habang tinitingnan anak nitong pitong buwan na. "Siguradong maraming paiiyaking mga babae ito." Nilalaro ko ang anak niya na may malalim na dimple kapag tumatawa. "Siguradong sasakit din ang ulo ko dito," saad naman nito na ikinatawa ko. "Okay lang iyan, hasang-hasa ka naman na sa kambal." Isa pa isa yata siya sa may pinakamahabang pasensyang nakilala ko. Kung gaano kahaba ang pasensya niya ganoon naman kaiksi ang akin. Sumimangot ito. "Kotang-kota na ako sa dalawang iyan," saad nito at tumingin sa mga anak niya na kalaro ng anak ko habang ang mga ama naman nito ay nagkakagulo sa swimming poo
Patulog na kami pero bigla akong napabangon at tumingin kay Conan nang bigla akong may maalaala."Tell me," saad ko sa kaniya."Ang alin?" nagtatakang tanong nito."We first met in my graduation right?" paninigurado ko sa kaniya.Ang natatandaan ko ay nagkabangga kami nang makalapas ako nang comfort room. Iyon ang unang beses na nakita ko siya at agad na akong humanga sa kaniya.Ngumiti ito sa akin at ipinagsaklop ang kamay sa likod ng ulo nito habang nakahiga."You first met me during graduation, but I first met you before I graduate," sagot nito na ikinakunot ng noo ko.Pinakatitigan ko siyang mabuti. Seryoso ba siya?"What do you mean?""My mother own the Arkanghel Foundation. They had a medical mission in your school before and I was one of the volunteers. That was the first time I saw you, when there are a lot of girls trying to catch my attention in your school, you are busy sleeping on the bench. I even seated opposite where you are sleeping, but you did not notice me. I used to
PAMANHIKANMahigpit na hinawakan ko ang kamay ni Conan habang hawak ko namana ng kamay ni Love sa kabila bago kami tuluyang pumasok sa bahay ng ama ko.Napatingin sa amin ang lahat ng pumasok kami. Nakita ko pang natulala ang pamilya ko nang makita kami.Alam naman nilang paparating kami dahil tumawag na ako sa kanila bago pa kami pumarito. Kaya marahil may mga nakahanda rin sila sa lamesa kahit may mga dala naman kaming pagkain na ipinapasok ni Mang Karding.Ipinilit kasi ni Conan na magpaalam muna sa ama ko bago kami magpakasal. At masaya ako sa desisyon niyang iyon. Ibig sabihin nirerespeto pa rin niya ang mga magulang ko. Kahit alam kong kung sakali man na hindi pumayag ang ama ko ay pakakasalan pa rin niya ako.Ipinakilala ko sila sa ama at mga kapatid ko. Hindi makapaniwalang nakatingin lang sila sa akin. Alam kong hindi nila aasahan na may anak na ako. "May anak ka na? Hindi mo man lang sinabi sa amin?" gulat na tanong ni Marcela. "Ibig sabihin nang mawala ka ng matagal na sab
MARGARITA "So what do you want? Garden, beach or church wedding?" tanong sa akin ni Conan habang pinaglalaruan nito ang mga daliri ko. Nandito kami ngayon sa opisina niya sa bahay. Hindi siya pumasok ngayon gayong weekdays naman. Iba na talaga kapag boss, pwede pumasok anytime. Ako nga gusto ko nang magtrabaho ulit. Hindi ako sanay na nasa bahay lamang. May mga negosyo naman ako pero tumatakbo naman iyon ng maayos kahit wala ako dahil may mga tauhan akong mapagkakatiwalaan. Binigyan ko na rin ng trabaho si Mikael sa hotel na pagmamay-ari ko. Sinabi kasi niyang gusto na talaga niyang magpart-time habang pumapasok siya. Mukhang natuto na rin sa wakas kaya ako na mismo ang nagbigay ng trabaho sa kaniya. Sabi ko naman sa kanila handa akong tulungan sila basta nakita ko lang na nagsisikap sila. Si Marcela ay okay na rin kami may oras na nag-iiringan pa ring kaming dalawa pero hindi na katulad ng dati. Minsan parang nasanay na lang kaming nagtatalo kami kaya ganoon. Nalaman ko na rin n
COHEN Napatingin ako sa anak ko nang bigla itong bumungtong-hininga ng malakas. "What's wrong?" I asked her. It's sunday, she is eating peanut cake again while we are watching her mom helping in the garden. Sinabihan ko na si Margarita na hayaan na lang ang mga kasambahay namin na gumawa noon pero ako pa ang pinagalitan nito kaya hinyaan ko na lang siya. She is fully healed already. Have a lots of energy to move around dahil masyado daw siyang na-bored noong hindi siya makalakad ng maayos. Lora and I are on the second floor balcony. "When are you going to marry my mom?" biglang tanong nito. I smiled at her. "Soon." She rolled her eyes. "Dad, I want an specific time and date. Are you saying soon because you are not sure?" nakatikwas pa ang kilay na tanong nito. "Don't say that, if there is someone I am so sure in my life, that's your mom," depensa ko sa kaniya. "Then will you are going to marry her?" "I need to propose to her first." "When are you going to propose?" "I nee
Napatingin ako kay Conan nang patulog na kami. Nakahiga na ako sa bed ko pero tumayo pa siya at siniguradong naka-lock ang pinto ng kwarto namin dito sa hospital. Nasa VIP room kami kaya hindi gaya ng iba na kita agad ang kwarto namin sa labas. Para nga lang kaming nasa hotel dito, perks of having a rich tapos nadamay ako kasi boyfriend ko siya. Bukas ay pwede na siyang lumabas habang ako ay kailangan pang manatili ng ilang araw dahil sa paa ko. Gusto ko na ngang lumabas dahil nauumay na ako dito. "What are you doing?" nagtatakang tanong ko nang lumapit siya sa akin. Ngumisi ito sa akin. Ngisi pa lang nito kinakabahan na ako. This is one of the reasons why I don't want us to share room. He is too naughty and I can't resist him. "Don't you dare!" saway ko sa kaniya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May naiisip na namang kalokohan ang lalaking ito. Pero tila bingi ito. Nanlaki ang mata ko nang hubarin niya ang patient shirt na suot niya. "Conan," saad ko sa pangalan niya par
MARGARITA"Yeah, you are sorry," sarcastic na saad ni Conan habang nakatingin sa kaniyang ina. "It also means that while I am looking for her, you are blocking all the information. Don't you trust me? I can protect them, mom."Halata ang frustration sa mukha nito. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kaniya. May sugat pa siya sa tagiliran niya na katatahi lang pero mukhang masyado na agad siyang stress. Dapat nagpapahinga na lang muna siya.Marahang pinisil ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. He is becoming emotional. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya nagsinungaling ang lahat sa kaniya pero naiintindihan ko rin ang ina niya. Magkaiba sila ng paraan pero iisa lang naman ang gusto nila, ang protektahan kami ni Love at nagpapasalamat ako sa kaniya. Nagpapasalamat ako sa ina niya kahit na noong una ay siya ang pinagbibintangan ko sa mga nangyari sa akin noon."I am sorry. That's why I tried to correct all the things I did. When I found out that you already found