Matapos naming mag-usap ni Love ay nagkasundo kami na walang makakaalam ng lahat ng pinag-usapan namin. Pumayag ako na lumapit siya sa ama niya pero hindi nito sasabihin kay Delgado ang totoo. Nangako rin ito na hindi na ito tatakas pa para pumunta sa ama niya. Ngayong alam na ng anak ko ang totoo, hindi ko naman alam kung sasabihin ko na ba kay Delgado na may anak kami. Pero ayokong makasira ng relasyon kahit na alam kong may ginagawang kalokohan ang asawa niya sa likod niya.Ayaw kong ako ang maging dahilan para maging magulo ang relasyon nilang mag-asawa. Ayokong madawit ang pangalan ko kung sakali dahil kapag nangyari iyon siguradong madadamay ang anak ko.Nagtataka pa sina mama nang makita nilang parehong mapula ang mga mata namin ni Love nang lumabas kami ng kwarto pero wala namang nagtanong sa amin kung ano ang nangyari. Siguro inisip lang nila na pinagalitan ko ang anak ko dahil sa ginawa nito.Naging maayos na rin ang pakiramdam ko dahil uminom ulit ako nang gamot pagkatapos
Bumalik ako ng Caridad na naka-commute lang. Hindi ko pa alam kung saan sa San Antonio ipinadala ni Delgado ang kotse ko. Siguro may binayaran siya para i-drive iyon. Gaya nang dati ay balik trabaho na naman ako. Nang makarating ako sa site ay nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang kotse ko na nakaparada doon. Dito pala pinadala ni Delgado. Nasa kaniya pa ang susi nito dahil hindi naman niya binalik sa akin. Hindi ko na rin naman nakuha sa kaniya dahil nagmamadali akong umalis sa bahay niya noong sabado ng madaling araw. Nang pumasok ako sa opisina ay naabutan ko na si Mayla at Anji. Bumati lang ako sa kanila at dumiretso na ako sa table ko. Napakunot ang noo ko nang may makita akong coffee sa ibabaw ng table ko. May tatak pa ito ng isang kilalang brand. Mayroon ding dalawang croissant na kasama na katabi ang kape. Nagtatakang umikot ang tingin ko sa paligid upang alamin kung sino ang naglagay noon sa table ko. Nakita ko si Eng. Romualdez na may nire-review na documents sa t
Bumalik ako sa pwesto ko at nagsimulang magtrabaho ulit. Bahala na si Delgado sa buhay niya.Hindi ko namalayan na lunch break na pala dahil masyado akong tutok sa trabaho ko. May pinabaon naman sa aking pagkain si Aling Pacing kaya hindi ko na kailangan pang lumabas. Ako na lang at si Eng. Romualdez ang natira dito dahil nang tingnan ko sa baba ay wala ng tao. Marahil ay kumakain na sila ng lunch. Si Eng. Romualdez kasi ay palaging may baon dahil nga masarap daw magluto ang asawa niya.Niligpit ko muna ang mga nakakalat na mga gamit ko sa table ko bago ko kinuha ang dala kong baon. Nakita ko naman si Eng. Romualdez na bumaba, siguro ay sa pantry siya kakain.Nagsimula na akong kumain nang mapatingin ako sa opisina ni Delgado. Mula nang magkausap kami kanina ay hindi pa siya lumalabas. Hindi rin niya ako tinatawag para utusan.Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Bahala siya, matanda na siya para isipin ko pa.Habang kumakain ako ay bigla akong napatingin sa selpon k
Naabutan ko pa si Anji sa ibaba nang bumaba ako mula sa opisina ni Delgado. Naglilipit pa lamang ito ng table niya. Nang makita ko nito ay nagmamadaling kinuha nito ang bag at lumapit sa akin. "Sabay na tayo," wika nito nang makalapit siya sa akin. "Hindi ka ba susunduin ng boyfriend mo?" "Hindi, mag-o-overtime daw kasi siya ngayon," tugon nito. Tumango na lamang ako sa kaniya at nauna nang lumabas. Marami pang nagtatrabaho sa site nang makalabas kami. Kinuha ko naman ang car key ko para buksan ang kotse ko. "Sa'yo, iyan? May kotse ka?" napalingon ako kay Anji na nagtataka habang nakatingin sa akin at sa kotse ko. Sasagot pa lang sana ako sa kaniya nang makita kong papalapit sa amin si Delgado nagmamadali akong sumakay ng kotse. "Sakay!" kulang na lang ay sumigaw ako kay Anji para pasakayin siya. Nagtataka man ito ay mabilis na sumakay sa passenger seat. Mabilis na pinaandar ko ang kotse bago pa man makalapit sa amin si Delgado. "Margarita, ayoko pang mamatay," kinakabahang sa
Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko. Nakita ko pang nagtatakang nakasunod sa akin ng tingin si Mang Andoy at ang asawa nitong si aling Pacing nang pumasok ako ng bahay. Nasanay na kasi silang binabati ko sila at hindi agad ako pumapasok ng kwarto kapag dumarating ako pero ngayon ay wala ako sa mood na makipagbatian kahit na kanino. Pabagsak na dumapa ako sa kama. Kinuha ko ang unan ko at ibinaon ko doon ang ulo ko. Naiinis ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong saktan si Delgado dahil sa ginagawa niyang pang-gugulo sa akin. Almost one hour din akong nagmukmok sa kwarto ko dahil sa inis na nararamdaman ko kay Delgado. I don't understand why he keep on chasing me when he is already married to his beautiful wife. Pakiramdam ko kasalanan niya kaya nagloloko ang asawa niya. Mas may oras pa kasi siyang kulitin ako kaysa ang atupagin niya ang asawa niya. Kinuha ko ang selpon ko. Gusto kong uminom. Magwawalwal na lang ako kaysa isipin ko pa ang lintik na ab
"Put me down!" sigaw ko kay Delgado habang kumakawag para ibaba nito.Pero parang bingi ito. Ipinasok ako nito sa passenger seat bago mabilis na sumakay ito sa driver seat. Nang makasakay na ito sa kotse ay ito pa mismo ang naglagay ng seatbeat belt.Pakiramdam ko talaga masusuka na ako dahil sa ginawa niya. Lalong akong nahilo dahil sa pabaliktad na pwesto ng ulo ko.Mabuti na lang at may seatbelt ako. Muntik na akong mapasubsob sa unahan nang bigla nitong paandarin ang kotse."What do you think you are doing? Bakit lagi ka na lang sumusulpot at umeepal sa mga ginagawa ko?" asar na sigaw ko sa kaniya. Tuwing nagsasaya ako ay palagi na lamang siyang nagpapakita upang pigilan ako. Saka bakit ba tuwing lalabas ako nalalaman niya?"Dwayne called me, his wife is worried about you. Why did you go in a bar alone?" tanong nito, mahina lang ang boses nito pero may diin ang bawat salita nito na para bang pinipigilan nito ang galit."I did not go there alone. May mga kasama ako!" inis na depen
" I am not pushing you away. I just don't want to be involved in you. Akala mo ba madali? From the very beginning, I already know about your marriage, that's why I tried to avoid you. Hindi ko maintindihan kong bakit ginagawa mo ito. Explanation? Ano pa bang ipapaliwanag mo?" naiiyak na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko habang nakatingin sa mga mata niya. "Please, stop this. Ayokong makasira ng relasyon ng iba, ayokong maging dahilan para masira kayong mag-asawa. Delgado, you are already married, don't deny it. She is a wonderful woman, kaya huwag mo siyang lokohin. Kung ano man ang nangyari sa atin noon kalimutan mo na iyon. Matagal na iyon, hindi na dapat natin inaalala pa. Isang gabi lang naman iyon, init lang ng katawan. Huwag mong sayangin ang kasal ninyo dahil lang sa nangyari sa atin noon o sa anumang atraksiyon na nararamdaman mo sa akin ngayon," umiiyak na pakiusap ko sa kaniya.Nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung anong iwas pa ba an
Napatanga ako nang tumigil ang kotse na sinasakyan namin sa tapat ng isang hotel. Hindi lang basta hotel kundi hotel na pagmamay-ari ko mismo.Anong ginagawa namin dito?Nagtatakang tiningnan ko si Delgado. "What we are doing here?"Bakit sa dami ng pupuntahan namin dito pa? Anong proof naman ang makikita ko dito?"We will disturb them because you need to see a proof," he simply said and unlock his seatbelt.Mabilis na bumaba na rin ako nang makababa siya kahit hindi ko pa rin gets ang sinasabi niya.Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papasok. Hindi na ako nakaaangal sa kaniya dahil nakita ko ang guard na nagtatakang nakatingin sa akin. Ang alam ko pang-umaga ang duty nito madalas kaya nakapagtatakang pang gabi ito ngayon. Madalas ay palagi pa naman ako nitong nakikita."Good evening, Ma'am, Sir," bati nito sa amin ni Delgado habang pinagbubukasan kami ng pintuan.Tumango naman ang lalaking kasama ko habang ako ay ngumiti kay kuyang guard.Dumiretso kami sa elevator. Pinindot nit