Share

Chapter 68

Naabutan ko pa si Anji sa ibaba nang bumaba ako mula sa opisina ni Delgado. Naglilipit pa lamang ito ng table niya.

Nang makita ko nito ay nagmamadaling kinuha nito ang bag at lumapit sa akin. "Sabay na tayo," wika nito nang makalapit siya sa akin.

"Hindi ka ba susunduin ng boyfriend mo?"

"Hindi, mag-o-overtime daw kasi siya ngayon," tugon nito. Tumango na lamang ako sa kaniya at nauna nang lumabas.

Marami pang nagtatrabaho sa site nang makalabas kami. Kinuha ko naman ang car key ko para buksan ang kotse ko.

"Sa'yo, iyan? May kotse ka?" napalingon ako kay Anji na nagtataka habang nakatingin sa akin at sa kotse ko.

Sasagot pa lang sana ako sa kaniya nang makita kong papalapit sa amin si Delgado nagmamadali akong sumakay ng kotse. "Sakay!" kulang na lang ay sumigaw ako kay Anji para pasakayin siya. Nagtataka man ito ay mabilis na sumakay sa passenger seat.

Mabilis na pinaandar ko ang kotse bago pa man makalapit sa amin si Delgado.

"Margarita, ayoko pang mamatay," kinakabahang sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
iamAexyz
Chapter 67 po.
goodnovel comment avatar
Aliyah
luhhhh paano nalaman ni Delgado na alam ni margarita n kasal xa???
goodnovel comment avatar
Michelle Adarne
more update po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status