Agad na rin akong umuwi nang makita kong nakaalis na ang kaibigan ni Delgado. Hindi man ako makapaniwala sa nakita ko pero wala naman akong magagawa. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya dahil wala naman akong ebidensya baka isipin pa nila sinisiraan ko sila kaya pinilit ko na lang balewalain ang nakita ko. Wala namang lihim na hindi nabubunyag, sana lang malaman na niya na niloloko siya ng asawa n'ya. "Magandang hapon po, ma'am," bati sa akin ni Mang Andoy nang pagbuksan niya ako ng gate. "Good afternoon din po," ganting bati ko sa kaniya bago pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Aling Pacing na nasa kusina. "Ma'am, dito po ba kayo maghahapunan para maipagluto po kayo ng paborito ninyong paksiw na bangus. Tamang-tama may nabili ako kaninang umagang sariwang." "Hindi na po, aalis na rin po ako ngayong gabi," sagot ko sa kaniya bago ko binuksan ang ref para kumuha nang maiinom. "Ah, ganoon po ba? Hindi po kaya gabihin na kayong masyado sa daan?" "Okay lang po, sanay naman
"What happened?" tanong ni Delgado at mabilis na lumapit sa bago ako pinayungan.Nasa mata nito ang pagtataka at pag-aalala habang nakatingin sa akin na basang-basa sa ulan.Tinaggal ko ang tubig na nasa mukha ko bago tumingin sa kaniya."Can't you see?" pagtataray ko sa kaniya at akmang uupo na para sana simulang ikabit ang gulong pero hinawakan ako nito sa braso at pinigilan kaya napatingin ako sa kaniya."Stop it. You are already wet, paano kung magkasakit ka?" nag-aalalang tanong nito.Tila ba gusto na ako nitong kaladkalarin palayo sa gulong na hawak ko pero pinipigilan nito ang sarili. Kahit salubong na ang kilay nito ay bakas na bakas sa boses nito ang pag-aalala.Samantalang kaninang hapon ng dumating ito ay hindi ako nito pinansin pero okay lang naman iyon sa akin kaya sana ganoon na lang rin ang ginawa niya ngayon."Why do you care ba?" masungit na tanong ko sa kaniya. Alam kong nag-aalala lang siya sa akin pero hindi ko kailangan ang concern niya."Stop that attitude, woma
COHEN I did not talk back to Margarita. Not because she wins our argument, but because I know she will always have something to say. And before our conversation goes on to something that might anger her again, It is better to keep my mouth shut. But I don't believe that she will not be mine. I don't know the reason why she hates me so much, but I don't believe that she does not like me. I touched my lips while my right hand was still on the steering wheel. I can still remember when she kissed me once. It was she who initiated it, and then she suddenly ran away. If she really does not like me, she would not do that. I looked at her, and I saw her already sleeping on the passenger seat. I want to wake her up and ask where I should drop her, but she looks tired. This woman is definitely a hard-headed one. How could she personally change her car tire without asking us for someone to help her? Another big question to me is why she is using a car? She really knows how to drive? Is that
COHENMuli akong magising nang may marinig akong nagsasalita. Napatingin ako kay Margarita at mabilis akong bumangon nang makita kong siya ang nagsasalita."Love... l-love... love..."Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Love? Is she calling someone? Is that an endearment?Who the heck is that man? Wala naman siyang boyfriend, sinisigurado ko iyon kaya sino ang tatawagin niyang love?Gumalaw ang panga ko nang muli siyang magsalita, "Love...""Who are you calling? Love? Can't you think of something as endearment, love is too common," I said with bitterness.Ako ang nandito para alagaan siya pero may iba siyang tinatawag.Muli kong tsinek ang temperatura niya kahit na masama ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan dahil lang sa asar na nararamdaman ko dahil may tinatawag siyang love. Tumaas na naman ang lagnat niya kaya muli ko siyang pinunasan ng towel na malamig. Kumuha na rin ako ng cool patch para sa lagnat niya. Idinikit ko iyon sa noo niya."Get we
Alas diyes na nang umaga nang bumangon ako mula sa kama. Nang pakiramdaman ko ang sarili ko ay wala na akong lagnat pero medyo sinisipon pa ako.Mabilis akong bumangon sa kama. Wala na ang bigat na nararamdaman ko kanina, siguro dahil nakainom na ako ng gamot bago ako matulog ulit. Tahimik sa buong kabahayan nang lumabas ako. Nagtungo ako sa kwarto ni Love para tingnan ito pero wala ito doon kaya bumaba na lang ako sa first floor.Nasaan naman kaya ang anak ko. Wala naman akong makita maliban sa mga katulong na abala sa mga gawain nila."Nasaan si Love? Nakita n'yo po ba?" Tanong ko kay Manang nang makita ko siyang pumasok mula sa back door."Sinama ng mama n'yo. May bibilhin lang daw pero babalik din daw sila agad," sagot nito.Tumango naman ako dito. Nagtungo ako sa kusina para humanap ng makakain. Medyo kumakalam na rin ang sikmura ko dahil soup lang ang naging agahan ko.Napangiti ako nang may makita akong fried liempo at ginisang ampalaya. Paborito ko ang ginisang ampalaya lalo n
Pinakatitigan ko anag anak ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo o itatanggi ko.Gusto kong sabihin sa kaniya na tama ang hinuha niya pero paano kung iyon ang dahilan para magkagulo kami? Alam ko ang magiging resulta kapag nalaman na ng lahat ang totoo. Pipilitin nilang kunin ang anak ko at iyon ang ayaw kong mangyari. Pero hindi ko naman pwedeng itago habang buhay ang totoo.Sinalubong naman ni Love ang mga mata ko."Love...""Yes, love?"Ngumiti ito sa akin ng matamis. Minsan talaga kinakabahan na ako sa anak ko, ang bata pa kasi nito pero masyado na itong matatas kung mag-isip. Hindi ko tuloy alam kong ano ang sasabihin ko sa kaniya. "Love..." muli ay sambit ko bako naupo. Hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisang sabihin sa kaniya lahat.Ayaw kong malaman nila kung sino ang tunay na ama ng anak ko pero naisip ko lang. Malaki na ang anak ko at kahit hindi niya sabihin sa akin, sigurado akong naghahanap siya ng kalinga ng isang ama. Parang ako lang siya noon,
Matapos naming mag-usap ni Love ay nagkasundo kami na walang makakaalam ng lahat ng pinag-usapan namin. Pumayag ako na lumapit siya sa ama niya pero hindi nito sasabihin kay Delgado ang totoo. Nangako rin ito na hindi na ito tatakas pa para pumunta sa ama niya. Ngayong alam na ng anak ko ang totoo, hindi ko naman alam kung sasabihin ko na ba kay Delgado na may anak kami. Pero ayokong makasira ng relasyon kahit na alam kong may ginagawang kalokohan ang asawa niya sa likod niya.Ayaw kong ako ang maging dahilan para maging magulo ang relasyon nilang mag-asawa. Ayokong madawit ang pangalan ko kung sakali dahil kapag nangyari iyon siguradong madadamay ang anak ko.Nagtataka pa sina mama nang makita nilang parehong mapula ang mga mata namin ni Love nang lumabas kami ng kwarto pero wala namang nagtanong sa amin kung ano ang nangyari. Siguro inisip lang nila na pinagalitan ko ang anak ko dahil sa ginawa nito.Naging maayos na rin ang pakiramdam ko dahil uminom ulit ako nang gamot pagkatapos
Bumalik ako ng Caridad na naka-commute lang. Hindi ko pa alam kung saan sa San Antonio ipinadala ni Delgado ang kotse ko. Siguro may binayaran siya para i-drive iyon. Gaya nang dati ay balik trabaho na naman ako. Nang makarating ako sa site ay nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang kotse ko na nakaparada doon. Dito pala pinadala ni Delgado. Nasa kaniya pa ang susi nito dahil hindi naman niya binalik sa akin. Hindi ko na rin naman nakuha sa kaniya dahil nagmamadali akong umalis sa bahay niya noong sabado ng madaling araw. Nang pumasok ako sa opisina ay naabutan ko na si Mayla at Anji. Bumati lang ako sa kanila at dumiretso na ako sa table ko. Napakunot ang noo ko nang may makita akong coffee sa ibabaw ng table ko. May tatak pa ito ng isang kilalang brand. Mayroon ding dalawang croissant na kasama na katabi ang kape. Nagtatakang umikot ang tingin ko sa paligid upang alamin kung sino ang naglagay noon sa table ko. Nakita ko si Eng. Romualdez na may nire-review na documents sa t