Please understand that I have work. Not just work, but work after work. Therefore, if I only have one update or none during the weekdays, it is probably because I am busy. Thank you for your understanding. To all readers who reached this chapter, I am very thankful to all of you. Thanks for reading my story. I may not reply to all your comments, but it made me happy reading all of them. Thank you so much.
Pagbaba ko ay napatingin ako sa tatlong babae at isang lalaking kausap ni Mang Karding.Sila ba ang mga bagong kasambahay na tinutukoy ni Conan? Bakit masyado naman yatang madami? Akala ko isa o dalawa lang pero apat ang nandito ngayon."Ma'am Margarita, nandito na po sila. Sila po ang mga ipinadala ng agency. Si Ising ang magiging kusinera," pagpapakilala ni Mang Karding sa akin sa isang medyo may edad at malusog na babae. "Sila naman si Nerma at Carol." Tukoy naman nito sa dalawang medyo kasing edad ko lang. "Ito naman si Bert ang boy." Medyo bata pa ito at halatang batak sa trabaho."Hello po, ako po si Margarita," pagpapakilala ko sa kanila."Hello po, magandang araw po," sabay-sabay na bati ng mga ito sa akin."Sige, mam. Ituturo ko lang muna sa kanila ang magiging quarters nila para maituro ko na sa kanila ang mga gagawin nila," paalam sa akin ni Mang Karding.Tumango ako sa kaniya bago sila tuluyang ihatid ni Mang Karding sa magiging kwarto nila.Matapos ang ilang sandali ay
MARGARITANaging maayos ang mga sumunod na araw. Dahil may kasama na ako dito sa bahay at kasundo ko naman silang lahat ay hindi na ako nainip kahit minsan ay wala akong ginagawa dahil may gumagawa na ng mga gawaing dapat kong gawin pero minsan ay pinagluluto ko pa rin ang mag-ama ko. Hindi naman porke't may katulong na kami ay hindi na ako gagalaw. Lalo pa at nasanay akong nagta-trabaho.Ngayon naman ay nagtungo kami sa bahay nina Rebecca. Sabado ngayon at next week ay kasal na agad nila kaya busy ang lahat sa paghahanda.Isang Linggo pa lang ang nakaraan mula nang mangyari ang insidente pero gusto na agad madaliin ni Dwayne ang kasal nila bago pa raw lumubo muling ang tiyan ng kaibigan ko at may mangayri na naman dito. Mukhang nadala na ito ng husto dahil sa dinulot ni Sven.Pero imbes na maging abala sila sa preparing ay kami ni Conan ang pinagtuunan nila ng pansin.Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin aming dalawa ni Rebecca at sa anak namin na nakaupo sa pagitan namin."So, she is
Napatingin ako bagong dating. Napatigil ako nang makita ko ang ina at ama ni Conan. Pero nagulat ako nang biglang sumulpot ang anak ko at salubungin ang mga ito. "Lola!" ani ni Love at tumakbo papunta sa ina ni Conan at niyakap ito. Ganoon din naman ang ginawa ng matandang babae. Napakunot ang noo ko. Kailan pa nalaman ng anak ko na Lola niya ito. Ipinakilala na ba siya ni Conan sa anak ko ng hindi ko alam? "Are you my Lolo?" "Yes, Young lady, the handsome lolo of yours," nakangiting saad naman ng ama ni Conan. Walang duda dito nagmana ang nobyo ko. "Hello po, I am Lora Vera," pagpapakilala ng anak ko. "I am Lolo Ino," anito at binuhat ang anak ko nang itaas nito ang dalawng kamay. Bumaling sa akin ang matandang lalaki. "Is that her? The woman who made you crazy, son?" nakangiting tanong nito. Masyadong mukhang mabait ang tatay ni Conan kumpara sa ina nito na walang imik at tahimik lang. Lumapit ako sa kanila at ngumiti. Hinila naman ako ni Conan palapit sa kaniya. "Yes, dad.
COHEN "Why you didn't tell me you will go here?" bati ko kay Lolo nang pumasok siya sa opisina ko kasunod ang sekretarya ko. Sininyasan ko itong maiwan kaming dalawa kaya lumabas na ito. Naupo naman si Lolo sa sofa at tumingin sa akin. Seryoso ang mukha nito. "When are you going to throw that woman out in your house?" tanong sa akin ni Lolo. Iyon ba ang dahilan kaya nandito siya sa opisina ko ngayon? Dati naman ay hindi siya pumupunta sa akin dahil ayaw nito sa desisyon ko na bumukod ng negosyo. Gusto nito sa kompanya pa rin nito ako magtrabaho pero hindi ako pumayag. I want to build my own empire without anyone's help. Kaya nga hindi ako natatakot kahit sabihin pa niya na tatanggalan niya ako ng mana dahil may sarili naman akong pera. Pumayag lang ako sa gusto nito dati dahil wala pa naman sa buhay ko si Margarita noon at upang hindi niya na pakialaman ang buhay ng kapatid ko. Solong anak niya si Mama at ako sana ang solong tagapagmana niya kung sakali pero ngayong hindi ko na
COHENMatapos umalis ni Lolo sa opisina ko ay sinubukan kong tawagan si Maragarita to check her pero hindi ito sumasagot. Ilang beses ko siyang tinawagan pero nag-riring lang ang cellphone niya kaya tiningnan ko na sa monitor kung ano ang ginagawa niya sa bahay.Is she busy? Dati naman mabilis siya palaging sumagot ng tawag ko.Bawat sulok ng bahay ko ay may camera, hindi nga lang nakikita ang iba pero sinigurado kong nakikita ko bawat galaw niya. She is even aware that dahil minsan na niyang nalaman na may camera sa office ko sa bahay kahit wala naman siyang nakikita.Sometimes I am watching her, nagugulat na lang ako kapag inaasar niya ako sa camera na para bang nararamdaman niya na nakatingin ako sa kaniya.Napakunot ang noo ko nang hindi ko siya mahagip man lang. Wala siya sa kwarto kahit na saang bahagi ng bahay. Sinubukan kung i-play back ang mga video at nakita ko siyang nagmamadaling umalis ng bahay matapos niyang tingnan ang cellphone niya na tila ba may nagtext doon.Mabilis
COHEN Hindi ko alam kung paano ako kikilos. Gustong gumalaw ng katawan ko pero hindi maalis ang tingin ko sa kotse ni Margarita. Kung sino man ang bumangga doon, wala itong planong buhayin ang sakay noon. Hindi ko mapigilang mapapikit ng mariin habang napapamura sa isip ko. Sinabi ko naman sa kaniya na ayaw ko na siyang magmaneho, kung nakinig sana siya sa akin hindi ito mangyayari. Kung tinawagan sana niya ako bago siya umalis, hindi siya maaaksidente. Lalong hindi siya mawawala. Napatingin ako nang may isang lalaking biglang kumublit sa akin. "Boss, kilala n'yo ba ang driver niyan? May isang lalaking kumuha sa kaniya kanina." Kumunot ang noo ko dito. "Anong ibig ninyong sabihin?" Kung nakita niya bakit hindi alam ng mga nag-imbestiga ngayon dito. Is he a witness too? Ganoon kasi minsan, may mga nakakakita na hindi agad nagsasalita dahil sa takot na baka balikan sila. "Nang bumaliktad na kasi ang sasakyan ay humarurot na paalis ang bumangga sa kaniya pero may isang sasakyan p
COHEN Mabilis na bumaba ako sa sasakyan ko nang makarating ako sa bahay ni Lolo. Nakita ko pang nataranta ang mga katulong nang bigla akong makita. "Where is he?" dumadagongdong na tanong ko. Nag-echo ang boses ko sa loob ng kabahayan. Nakita ko pang napapitlag ang isa sa mga maid. "What's the fuss at this hour, Cohen?" Napatingala ako nang makita ko itong bumaba ng hagdan. Biglang kumulo ang dugo ko nang makita ko siyang tila ba walang alam sa nangyayari. "What did you do?" nagpipigil sa galit na tanong ko. Ngumisi ito sa akin dahilan para mabilis ko itong lapitan at kwelyuhan. "WHAT DID YOU FUCKING DO?!" pasigaw na tanong ko dito. Nangigil akong saktan ito pero gusto kong marinig mula sa mga labi niya ang totoo. "Nothing," balewalang sagot nito dahilan para mas higpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya dahilan para mapatingala ito sa akin. "DON'T PLAY WITH ME! I TOLD YOU NOT TO TOUCH HER!" umiigting ang pangang sigaw ko sa pagmumukha nito. Hinawakan nito ang kamay
COHEN Nakita ko ang pagkibot ng mga labi ni Lolo bago nangigigil na tumingin sa ina ko. "He will never be your grandson, you know that," muli ay pag-uulit ng ina ko. Napatingin naman sa akin ang ama ko nang mapangiwi ako dahil sa tama ko ng baril. "Let me bring you to the hospital." Umiling ako dito. I want to hear what will mom say. I want to know the truth. Paanong hindi ako apo ni Lolo? Hindi ba nila ako tunay na anak? Ano ba talaga ang totoo? "I gave you my name, I raised you. You are my daughter, he is my grandson," galit na saad ni Lolo. Tumawa ng pagak ang ina ko. "You gave your name, you raised me, but you got my mother's wealth. I am not your daughter, you are just my mother's husband. My son will never be your grandson unless he will marry Elle. Do you really think I am oblivious about everything? I treated you like my real father, but you are just using me to get all my mother's wealth. I did not react violently when you are secretly seizing my mother's wealth, but
“Anong ginagawa n'yo rito?” masungit na tanong ni Conan kina Cupid at Eros na malapad ang mga ngiti. Kasama ng mga ito si Dwayne na dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay namin at feel at home na naupo sa sofang katapat ko. Habang ang asawa ko naman ay parang sira na hinaharang ang kambal. “I want to play with Ate Love,” sagot ni Cupid na hindi pinansin ang pagsusungit ng asawa ko. “Lora, huwag kang maki-love. Ate Lora itawag mo sa kaniya.” “Love, for you,” biglang napatingin ang asawa ko kay Eros na may inaabot na paper bag kay Love. Mabilis na lumapit ito kay Eros na at kinuha ang hawak nitong paper bag bago pa man ito maabot ng anak namin. Hindi ko maiwasang mapailing sa inakto ni Conan habang ngingisi-ngisi naman si Dwayne. “Cookies? Bakit binibigyan mo ng cookies ang anak ko?” daig pa ng imbestigador sa tanong nito. “Mommy said to give it to Love,” paliwanag ni Eros “Ate Lora. Call her Ate Lora, nakiki-love ka rin, e.” Ako ang na-e-stress kay Conan, pati mga bata pinapa
Naluha ako sa tuwa habang hawak ko ang pregnancy test. Hindi ako makapaniwalang buntis ako. NA NAMAN. Duda na talaga ako dahil ilang araw na akong nagsusuka sa umaga. Inisiip ko baka may nakain lang ako pero wala naman akong kinakaing kakaiba kaya naisipan ko nang mag-PT. "Tigress, what happened? Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Conan na kalalabas pa lang sa shower nang maabutan niya akong tulala. Tumingin ako ng masama sa kaniya. "Hindi ba uso sayo ang magtapis man lang tuwalya?" Tinutuyo kasi nito ang basang buhok ng towel pero wala naman itong suot na kahit na ako na pwedeng magtago ng dapat itago. "As if you didn't see it," nakangising saad nito at sumandal pa sa sink kaya kitang-kita ko ang b****a niya. "Bakit ba ang hilig mong mag-bold?" Sanay na sanay na talaga siyang parang si Adan kapag kaming dalawa lang ang kasama. Palibhasa maganda ang katawan niya tapos malaki iyong kaniya kaya kung ibalandra niya ng todo sa mata ko ganoon na lang. Bigla nitong hinawak
Nandito kami ngayon sa bahay nina Rebecca. Nanganak na ito at lalaki ulit ang naging baby niya, habang ako naman ay tatlong buwang buntis. Kababalik lang namin ni Conan mula sa honeymoon mula sa ikatlong kasal namin. Isa sa hindi niya papayagang palampasin ay ang honeymoon. Minsan nga binibiro ko siya na honeymoon lang talaga habol niya. "Wow, ang popogi naman ng mga anak mo, Reb," saad ko habang tinitingnan anak nitong pitong buwan na. "Siguradong maraming paiiyaking mga babae ito." Nilalaro ko ang anak niya na may malalim na dimple kapag tumatawa. "Siguradong sasakit din ang ulo ko dito," saad naman nito na ikinatawa ko. "Okay lang iyan, hasang-hasa ka naman na sa kambal." Isa pa isa yata siya sa may pinakamahabang pasensyang nakilala ko. Kung gaano kahaba ang pasensya niya ganoon naman kaiksi ang akin. Sumimangot ito. "Kotang-kota na ako sa dalawang iyan," saad nito at tumingin sa mga anak niya na kalaro ng anak ko habang ang mga ama naman nito ay nagkakagulo sa swimming poo
Patulog na kami pero bigla akong napabangon at tumingin kay Conan nang bigla akong may maalaala."Tell me," saad ko sa kaniya."Ang alin?" nagtatakang tanong nito."We first met in my graduation right?" paninigurado ko sa kaniya.Ang natatandaan ko ay nagkabangga kami nang makalapas ako nang comfort room. Iyon ang unang beses na nakita ko siya at agad na akong humanga sa kaniya.Ngumiti ito sa akin at ipinagsaklop ang kamay sa likod ng ulo nito habang nakahiga."You first met me during graduation, but I first met you before I graduate," sagot nito na ikinakunot ng noo ko.Pinakatitigan ko siyang mabuti. Seryoso ba siya?"What do you mean?""My mother own the Arkanghel Foundation. They had a medical mission in your school before and I was one of the volunteers. That was the first time I saw you, when there are a lot of girls trying to catch my attention in your school, you are busy sleeping on the bench. I even seated opposite where you are sleeping, but you did not notice me. I used to
PAMANHIKANMahigpit na hinawakan ko ang kamay ni Conan habang hawak ko namana ng kamay ni Love sa kabila bago kami tuluyang pumasok sa bahay ng ama ko.Napatingin sa amin ang lahat ng pumasok kami. Nakita ko pang natulala ang pamilya ko nang makita kami.Alam naman nilang paparating kami dahil tumawag na ako sa kanila bago pa kami pumarito. Kaya marahil may mga nakahanda rin sila sa lamesa kahit may mga dala naman kaming pagkain na ipinapasok ni Mang Karding.Ipinilit kasi ni Conan na magpaalam muna sa ama ko bago kami magpakasal. At masaya ako sa desisyon niyang iyon. Ibig sabihin nirerespeto pa rin niya ang mga magulang ko. Kahit alam kong kung sakali man na hindi pumayag ang ama ko ay pakakasalan pa rin niya ako.Ipinakilala ko sila sa ama at mga kapatid ko. Hindi makapaniwalang nakatingin lang sila sa akin. Alam kong hindi nila aasahan na may anak na ako. "May anak ka na? Hindi mo man lang sinabi sa amin?" gulat na tanong ni Marcela. "Ibig sabihin nang mawala ka ng matagal na sab
MARGARITA "So what do you want? Garden, beach or church wedding?" tanong sa akin ni Conan habang pinaglalaruan nito ang mga daliri ko. Nandito kami ngayon sa opisina niya sa bahay. Hindi siya pumasok ngayon gayong weekdays naman. Iba na talaga kapag boss, pwede pumasok anytime. Ako nga gusto ko nang magtrabaho ulit. Hindi ako sanay na nasa bahay lamang. May mga negosyo naman ako pero tumatakbo naman iyon ng maayos kahit wala ako dahil may mga tauhan akong mapagkakatiwalaan. Binigyan ko na rin ng trabaho si Mikael sa hotel na pagmamay-ari ko. Sinabi kasi niyang gusto na talaga niyang magpart-time habang pumapasok siya. Mukhang natuto na rin sa wakas kaya ako na mismo ang nagbigay ng trabaho sa kaniya. Sabi ko naman sa kanila handa akong tulungan sila basta nakita ko lang na nagsisikap sila. Si Marcela ay okay na rin kami may oras na nag-iiringan pa ring kaming dalawa pero hindi na katulad ng dati. Minsan parang nasanay na lang kaming nagtatalo kami kaya ganoon. Nalaman ko na rin n
COHEN Napatingin ako sa anak ko nang bigla itong bumungtong-hininga ng malakas. "What's wrong?" I asked her. It's sunday, she is eating peanut cake again while we are watching her mom helping in the garden. Sinabihan ko na si Margarita na hayaan na lang ang mga kasambahay namin na gumawa noon pero ako pa ang pinagalitan nito kaya hinyaan ko na lang siya. She is fully healed already. Have a lots of energy to move around dahil masyado daw siyang na-bored noong hindi siya makalakad ng maayos. Lora and I are on the second floor balcony. "When are you going to marry my mom?" biglang tanong nito. I smiled at her. "Soon." She rolled her eyes. "Dad, I want an specific time and date. Are you saying soon because you are not sure?" nakatikwas pa ang kilay na tanong nito. "Don't say that, if there is someone I am so sure in my life, that's your mom," depensa ko sa kaniya. "Then will you are going to marry her?" "I need to propose to her first." "When are you going to propose?" "I nee
Napatingin ako kay Conan nang patulog na kami. Nakahiga na ako sa bed ko pero tumayo pa siya at siniguradong naka-lock ang pinto ng kwarto namin dito sa hospital. Nasa VIP room kami kaya hindi gaya ng iba na kita agad ang kwarto namin sa labas. Para nga lang kaming nasa hotel dito, perks of having a rich tapos nadamay ako kasi boyfriend ko siya. Bukas ay pwede na siyang lumabas habang ako ay kailangan pang manatili ng ilang araw dahil sa paa ko. Gusto ko na ngang lumabas dahil nauumay na ako dito. "What are you doing?" nagtatakang tanong ko nang lumapit siya sa akin. Ngumisi ito sa akin. Ngisi pa lang nito kinakabahan na ako. This is one of the reasons why I don't want us to share room. He is too naughty and I can't resist him. "Don't you dare!" saway ko sa kaniya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May naiisip na namang kalokohan ang lalaking ito. Pero tila bingi ito. Nanlaki ang mata ko nang hubarin niya ang patient shirt na suot niya. "Conan," saad ko sa pangalan niya par
MARGARITA"Yeah, you are sorry," sarcastic na saad ni Conan habang nakatingin sa kaniyang ina. "It also means that while I am looking for her, you are blocking all the information. Don't you trust me? I can protect them, mom."Halata ang frustration sa mukha nito. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kaniya. May sugat pa siya sa tagiliran niya na katatahi lang pero mukhang masyado na agad siyang stress. Dapat nagpapahinga na lang muna siya.Marahang pinisil ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. He is becoming emotional. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya nagsinungaling ang lahat sa kaniya pero naiintindihan ko rin ang ina niya. Magkaiba sila ng paraan pero iisa lang naman ang gusto nila, ang protektahan kami ni Love at nagpapasalamat ako sa kaniya. Nagpapasalamat ako sa ina niya kahit na noong una ay siya ang pinagbibintangan ko sa mga nangyari sa akin noon."I am sorry. That's why I tried to correct all the things I did. When I found out that you already found