"WHAT happened to your eyes?" kunot-noong wika ni Plum. "Did you cry all night?"I looked away. "Of course not.""Kung ang iba mapapaniwala mo, ibahin mo ko. Matagal na tayong magkaibigan, Tatiana.""We're not friends, Plum."Umirap siya. "Best friends.""I don't do any kinds of friends.""Nagsimula rin naman kayo ni Elias sa pagiging magkaibigan."I glared at her. "I said don't mention him.""Dahil naiiyak ka lang?" ngisi niya. "Grabe ka pala magmahal, Tatiana.""Isa pang banat, ipapakain ko sa'yo 'tong kutsara.""Let's eat our brunch na." Naupo siya sa harap ko. "Mom called me. She wants us to be early there."Tumango na lamang ako at nagsimulang kumain. Nasa kalagitnaan kami ng kabusugan nang may mag-doorbell. Agad akong tumayo at tinungo ang intercom.Gano'n na lang ang pagtaas ng kilay ko nang makita sina Yara at Jill. Sa muling pag-doorbell ay doon ko pa lang binuksan ang pinto."Stay there," I warned frigidly. "What's with the sudden visit? The last time I check, we're not on t
"MATTHEWS 6:33. But seek first the Kingdom of God and His righteousness and all these things will be added unto you."Iyon ang mga katagang narinig ko nang makapasok sa mansion. Nadatnan ko sa living room si Daddy Rafael kasama ang kaniyang mga kaibigan sa simbahan at kasalukuyang nagdedebosyon. Hindi siya nakasimba noong Linggo dahil nagkasakit siya dulot ng nangyaring rebelasyon sa paboritong anak.Ilang beses na rin akong pabalik-balik dito upang alagaan siya. Maski si Barbara ay hindi niya kinakausap at ang lutong porridge ni Vivian lamang ang kinakain niya."There are some people who believe in Christ, but do not follow him. Unable to see his light, they do not know that it condemns them. There are good people who do not believe because God wills that they seek the light their whole life."Malalim ang naging buntong-hininga ko at umakyat sa third floor. Nakakailang hakbang pa lang ako ay narinig ko na ang tinig ng mag-ina sa seryosong usapan."M-Mom." Wala pa man ay naiiyak na si
"NANGAILANGAN ng driver ang boss ko sa coffee shop. Mula sa airport, inutos niyang ihatid ko si Jaime pauwi sa Pasig City," walang emosyong sambit ni Elias, tila sinasagot ang tanong sa aking isip. "May kausap siya sa cellphone at nabanggit niya ang pangalan mo, maging ang relasyon niyong dalawa."Napatulala ako, sinubukan kong humugot ng salita subalit walang lumalabas sa bibig ko. Tila nawalan ako ng boses at walang kalagyan ang kirot sa aking dibdib."Tatiana..." basag ang tinig na aniya. "Why did you lie to me?"Napalunok ako at tinago ang nanginginig na kamay sa likuran."I didn't lie to you. I just kept it from you."Malungkot siyang natawa. "You're shameless.""I do. That's my personality."Hindi ko sinabi dahil una pa lang, talo na ko. Papasok na siya ng seminaryo. Wala ring patutunguhan ang one-sided feelings ko. Pero hindi ko inaasahan na talagang kakalabanin ko ang tadhana para sa kaniya."Oh, you do have a visitor."Nilingon ko ang pumaibabaw na tinig at gano'n na lang ang
"CHANGE your clothes," kunot-noong turan ko. "We're gonna be live in the quarters of special forces. Be professional, Sergeant Roche.""Copy that, Captain." Nakanguso siyang nagpalit ng damit saka nakaupo sa tabi ko. "Balot na balot ka naman."Napatingin ako sa suot na white blouse, white trousers at black coat. "May pupuntahan ako after this.""Parang sa korte ka yata pupunta.""Kapag hindi ka nanahimik, doon kita dadalhin."Natawa na lang siya at binuksan na ang projector kung saan nakakonekta ang skype namin. Isang ring lamang ay sinagot na namin ang tawag mula sa France. Naroon sa paligid ang mga kasamahan sa trabaho at sumaludo sa akin."Hi, guys!" kaway ni Plum. "Tu me manques!" (I miss you)Nag-flying kiss pa siya kaya napailing ako. Sabi nang maging professional pero mahilig talaga siyang ihalo ang kalokohan sa trabaho."Ikaw naman, Captain!" yugyog niya sa akin. "Mag-hi ka! Masyado kang seryoso."Agad din kaming tumayo nang dumating si General Marchand at sumaludo sa kaniya.
NAGISING ako dahil sa matinding lamig. Nahirapan akong idilat ang mga mata ngunit nagawa ko ring ilibot ang paningin at natagpuan ang sarili sa hospital."Oh, oh!" turo sa akin ni Blake. "She's awake!"Narinig ko ang sunod-sunod na yabag hanggang tumunghay sa akin ang mukha nina Daddy Rafael, Barbara, Ledger at Vivian. Napangiwi ako saka sinenyasan si Blake na lumapit sa akin."Why? You have something to say?" Marahan akong tumango kaya naman bahagya siyang yumuko. "What is it, Tatiana?""G-Get...out of here.""Pardon?" Mas lalo pa siyang lumapit."Get out of here. I don't want to see all of you."Malakas siyang natawa. "Let's go, guys. She's fine."Sabay naman napairap sina Barbara at Vivian habang sina Daddy at Ledger ay matagal pang tumitig sa akin bago tuluyang lumabas.Napabuntong-hininga ako at tiniis ang kirot sa parte kung saan ako natamaan ng bala. Sanay naman na kong mabaril pero ngayon lang bumaon sa sikmura ko dahil wala akong armor vest.Lumingon din ako sa side table at
UMAWANG ang labi ko, hindi makapaniwala. "Paano po nangyari 'yon?" Hinawakan ni Elias ang nanlalamig kong kamay. "Paanong siya ang ama ko at hindi si Daddy Rafael?""Sina Chairman Rowan at Ma'am Talitha ang tunay na magkasintahan. Unang kita pa lang ni Sir Rafael sa mommy mo, nagkagusto na siya. Nabuntis si Ma'am Talitha at akala ni Sir Rafael, anak niya ang nasa sinapupunan nito. Nagpaubaya si Chairman Rowan kahit alam niyang siya ang tunay na ama. Ngunit nang sumapit ang 10th birthday mo, nalaman din ni Sir Rafael ang totoo. Lalo na nang matuklasan pa niyang ikaw ang magmamana ng Gil Group of Companies. Nagalit siya dahil buong buhay niya, alam niyang siya ang tagapagmana niyon. Doon na nagsimula ang lahat ng kalbaryo sa buong pamilya niyo."Bumigat ang dibdib ko, tila nagpatong-patong na ang mga rebelasyon at hindi makayanan ng isip ko."Bakit hindi po sinabi sa akin ni Mommy ang tungkol do'n? Buong akala ko si Daddy Rafael ang ama ko."Pero masaya ako. Masayang-masaya ako na si Lo
"THE mind and ways of God are different from the thoughts and acts of man. As we follow Him closely, we discover that we have to 'lose to gain', 'surrender to win', 'die to live', 'give to receive', 'serve to reign', 'scatter to reap'. In weakness, we are made strong. In humility, we are made lifted up. And in emptiness, we are made full. Trust in His ways and you will never be lost."Napangiti ako nang marinig iyon paglabas ng banyo. Sigurado akong bukas ang TV at do'n nagmumula 'yon. I wore my black sando, black leather pants and black combat shoes. I put the gun inside my belt bag. Tinuyo at sinuklay ko ang buhok saka lumabas."Faith in God is still the best armor." Nadatnan ko si Plum sa harap ng TV at pinagdikit ang dalawang palad. "Amen!""Baka lumagpas ka sa langit niyan," biro ko.Natatawa niya akong nilingon. "Kumain ka muna bago umalis."Naupo ako sa harap ng dining table, tahimik na nag-antanda at taimtim na nagdasal sa Panginoon."Thank you, Father God, for this brand new
"ALL human beings, irrespective of sex, or race, creed, will have to come to terms with death. It is hard to bear the loss of people whom we love because of our attachment to them. It hurts to lose someone who impacted our lives and there's a huge, gaping void in us that only they could fill in. But we don't have to carry on like those without hope. We don't see this as the end of life, but rather a person's birth into eternal life."Tulala lamang ako sa casket ni Daddy Rowan na nasa harap ng altar habang matamang nakikinig sa sermon ni Father Ben at tahimik na pumapatak ang luha sa aking mga mata.Nitong nakaraan ko lang nalaman ang katotohanang siya ang ama ko pero heto siya, binawi na agad sa akin. Siguro nga na sandali siyang ginising ni Lord upang muli akong makita at mahagkan sa huling pagkakataon. Na pinaranas muna sa akin ni Lord na makasama at maparamdam ang pagmamahal ko kaniya dahil mahigit labindalawang taon kaming wala sa tabi ng isa't isa."One day, we will cross from de
7 years later..."EACH day is a blessing. Blessing to enjoy life to its fullest, blessing to correct any mistakes, blessing for us to forgive, blessing to ask for forgiveness and blessing to love and be loved. How wonderful that our God is a God of many blessings. God is good. God has been good. God is always good and will aways be good! Amen?""Amen!" sabay-sabay naming sambit. "Praise the good Lord!""Go forth, the mass is ended.""Thanks be to God."Masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa buong simbahan. Nakangiti naman akong tumugtog ng piano kasabay nang pagkanta ng choir ng I Will Sing Forever bilang recessional song. Mula sa altar ay nakita kong sumamang naglakad pababa si Elias kay Father Ben upang alalayan ito. Lalo na nang lumapit ang mga bata't matanda upang magmano sa pari."Maraming salamat po, Ate Tatiana!" malakas nilang wika nang matapos ang kanta. "Sa susunod na Linggo po ulit ikaw po ang tumugtog, ha?""Oo naman," ngiti ko at ginulo ang kanilang buhok. "Dumeretso
"CLASS dismissed. See you next semester."Tumayo si Elias at niligpit na ang mga gamit."Ano, pre?" Inakbayan siya ng kaklase. "Sasama ka ba sa amin mamaya? Laro tayo ng basketball.""Hindi." Sinukbit niya ang bag. "May pupuntahan ako.""Ay, alam na! Pupunta ka ulit ng France, 'no? Makikipagkita sa girlfriend." Saka sila muling naghiyawan. "Elias Gentry at your service!"Tinapik niya sa balikat ang mga ito. "Mauna na ko.""Ingat, pre! Magbaon ka ng proteksyon."Napailing na lamang si Elias at lumabas na ng room. Dumaan din siya sa simbahan bago tuluyang umuwi."Ma, ako na po r'yan," sambit niya. "Sabi ko naman po ako na ang mag-aayos ng damit sa maleta.""Patapos na ko, anak. Hubarin mo na 'yang uniporme at magpalit ng damit. Baka mahuli ka pa sa flight."Sinunod na lamang niya ang ina at pumasok na sa kwarto. Saglit siyang nag-shower at nagbihis. Bitbit ang trench coat ay lumabas siya habang sukbit ang backpack."Sana this time magkita na kayo ni Ate," nguso ni Elle. "Four months ka
"IN the world where everything seems uncertain, God always loves you beyond words, time and distance."Iyon ang mga katagang sinulat ni Elias sa kaniyang journal notebook. Ang katagang namuo sa kaniyang isipan nang mapakinggan ang sermon ni Father Ben. Kauuwi lamang nila mula sa simbahan at agad siyang tumungo sa kwarto upang gumawa ng reflection. Nakasanayan na niya ang gano'ng gawi mula pa noon at hindi siya magsasawang gawin 'yon araw-araw.Biglang nahagip ng tingin niya ang litrato nilang dalawa ni Tatiana. Stolen shot 'yon habang papunta sila sa garden ng Gilbert mansion. Nakatingin sila sa isa't isa, parehas may matamis na ngiti sa labi at magkahawak ang kamay. Si Jill ang kumuha niyon at binigay sa kaniya bilang remembrance dahil napansin nitong wala pa silang picture kahit isa.Yumuko siya, pinatong ang baba sa mesa at nilapit ang picture frame upang mas mapagmasdan ang nobya."Kamusta ka na?" bulong niya at agad na namuo ang luha. "Miss na miss na kita."Hinding-hindi niya ma
TATLONG araw pa lang akong nakakulong sa kung saang bahagi ito ng Manila ay para na naman akong mababaliw. Ganitong-ganito ang pakiramdam ko nang dakpin ako ng Omega dati, tila wala akong kawala.May kumatok sa pinto. Bumukas din 'yon at pinasok ng French officer ang tray ng pagkain. Sumaludo siya sa akin kaya tumango lang ako bilang pasasalamat."Major Chastain wants to know if you're done planning the capture of Omega boss?""Yesterday pa," irap ko. "And tell him I need more special paper like this." Tinaas ko ang papel. "The scented one, okay? Like the smell of the church.""Understood, Captain." Saka siya lumabas.Nilingon ko ang salamin at nakitang nangangalumata ako dahil sa puyat. Sa sobrang pag-aalala kay Elias, hindi ako nakatulog. Wala akong balak matulog, lalo na't kailangan kong tapusin ang mahahalagang sulat. Sulat para sa baby boy ko.Kinuha ko ang tray at nag-antanda upang taimtim na pasalamatan ang Panginoon sa araw-araw na biyaya. Sumubo na rin ako ng sisig at tinuloy
"PAANO?" mahina kong usal habang nakahawak sa dibdib. "Paano akong magiging masaya kung ang sarili kong kasiyahan ay napahamak dahil sa akin?""Tatiana..." Yumakap sa akin si Plum. "I'm sorry. Hindi ko agad nakita ang pagpunta ni Elias do'n. Masyadong mabilis ang pangyayari."Hindi ako tumugon at nanatiling nakayuko habang patuloy pa ring umaagos ang masaganang luha. Ilang oras na kaming naghihintay dito sa harap ng ICU ngunit hindi pa rin lumalabas ang doktor. Naroon naman sa pinto ang pamilya ni Elias habang katabi ko sina Yara at Jill na kanina pa rin umiiyak.Ni hindi ko magawang tignan ang mga magulang ni Elias dahil nahihiya ako. Kasalanan ko kung bakit nadamay ang anak nila sa magulo kong mundo. Dapat dinoble ko ang proteksyon niya para hindi siya mapahamak. Pero heto ako, unti-unti nang nadudurog dahil sa mga nangyayari.Gusto ko na lang ulit maglaho pero sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi sa akin ni Elias ay hindi ko na 'yon magawa. Nagkaroon na rin ako ng takot kay Lord na
HINDI ako nakatulog. Magdamag akong dilat habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang alaala namin ni Blake noong mga bata pa kami. Si Ledger man ang una kong nakasundo dahil sa hilig naming maglaro pero si Blake ang nagtagal dahil bukod sa bibo siya, mahusay siyang magpatawa. Sa tuwing malungkot ako ay pinapasaya niya ako. Ngunit isang araw, bigla na lang siyang umiwas sa akin.I opened my phone and played the video he uploaded minutes before he passed away. Ngiti niya agad ang bumungad sa akin ngunit malungkot 'yon, lalo na ang mga mata niya. Nagpalit pa siya ng damit, magarang suit and tie. Talaga yatang planado niya ang sandaling ito na kinasama ng aking loob."I'm Blake Gilbert, the second son of Gil Group of Companies. I committed a crime twelve years ago. I murdered Talitha Gilbert." Nakagat niya ang labi, pinigilan ang emosyon pero traydor ang kaniyang luha. "Tatiana Rae, I'm sorry. This may not help me anymore but I still want you to know that I regretted it. Since th