"H-hello?" mahinang wika ko habang nakatapat sa aking tainga ang aking cellphone. Dis-oras na ng gabi nang tumunog ito, hindi ko alam kung sino na naman ang tumawag sa pagkakataong ito.
"Sierra..."
Boses ni Quirou iyon. Mukhang galing sa pagkakatulog dahil medyo paos pa siya. Rinig ko rin ang hangin, nasa labas marahil siya ng bahay nila. Anong oras na nga ba?
"O?" mahina at walang gana kong wika. Kahit nakatulog na ako ay pagod pa rin ako sa mga nangyari kanina. Kahit wala naman akong gaanong ginawa gamit ang pisikal na lakas ay sobrang napagod pa rin ako.
"Sierra," ulit niya sa pagtawag sa pangngalan ko.
Nagtaas ako ng kilay ko kahit alam ko naman na hindi niya ako nakikita. Paulit-ulit kasi siya, akala niya yata ay may gana akong makipagbiruan ngayon.
"O?" ulit ko rin.
Narinig ko ang masarap sa tainga niyang tawa. Tila sumabay pa sa hangin iyon at pakiramdam ko ay dinuduyan ako ng mga tawang iyon
Hindi na namin nahintay pa ni Quirou ang bukang liwayway, kinailangan ko ng umuwi dahil may mga gagawin pa ako sa bahay. Hindi maaaring magising sina mama na wala ako sa bahay, lalo pa't hindi ko alam kung ano ang parusang maaari niyang ipataw sa akin sa oras na muli akong lumabag sa mga batas niya. Magpapakabait muna ako. Napabungisngis pa ako sa kapilyahang iniisip ko. Parang ang pasaway ko naman yata tapos ay parang may dahilan lang ang pagpapakabait.Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko ang tahimik na paligid. Alas singko na ngunit tulog pa sila. Agad akong kumilos para gawin ang mga gawain sa bahay. Maingat ang aking kilos, sa araw araw ay sinisigurado ko na hindi sila maistorbo sa pagtulog. Nagagalit kasi si mama kapag nakakalikha ako ng ingay sa pag-aakalang pagdadabog iyon.Hinugasan ko na ang kaldero, pagkatapos kong magpainit ng tubig. Bahagya kong inangat ang aking kaliwang balikat dahil sa naramdamang kakaiba. Parang may nagmamasid sa akin. May nagmam
Umuwi akong bagsak ang balikat. Maingay pa sa bahay pagdating ko, kompleto marahil ang mga kapatid ko ngayon kaya nagkakatuwaan. May araw at maaga pa kaya wala akong narinig kay mama. Tahimik lamang siyang nag-ce-cellphone sa sulok, ngunit kahit pa tutok ang mata niya sa aparatong hawak ay batid kong umiikot iyon para obserbahan ang kinikilos ko. Nagkibit balikat na lang ako saka mabilis na pumasok sa silid ko.Pag pasok ko ay agad kong binagsak ang bag ko. Sumunod ako sa pag-upo ng pabagsak sa aking higaan. Mabigat pa rin ang aking dibdib dahil sa nangyari. Bakit ba kasi ganoon si Quirou? Bakit niya sinabi na pupunta siya tapos ay biglang babawiin? Hindi naman marahil ako magtatampo kung sinabi niya ng maaga na hindi na siya pupunta o kung hindi na siya nagsabi pa na pupunta. Oo nga't gusto ko siyang makita pero nakakaintindi naman ako, alam kong abala siya.Agad kong dinampot ang kulay dilaw na kwaderno, bahagya itong nakausli sa dulo ng shoulder bag na d
Nagpatuloy ang pagrolyo ng nga araw. Hindi ko namalayan na nasasanay na pala ako sa mga nagaganap sa akin. Mas naging abala si Quirou, ang dating madalang naming pagtatagpo ay tila mas dumalang pa. Sinanay ko na lang ang aking sarili.Dumalas ang mga pangyayaring magtatampo ako sa umaga at magkaka-ayos kami sa gabi. Palagi siyang may dahilan sa tuwing nagsasabi siya na gusto niya akong makita at magkukumahog naman akong puntahan siya dahil alam kong abala siya, at pagdating ko ay nakaalis na siya, tapos wala akong karapatang magtampo dahil sapat na naman ang rason niya.Ayokong maging makasarili ngunit, hindi na talaga ako natutuwa sa mga nangyayari, magkagayunman ay pinilit ko na lang ang huminga ng malalim at ngumiti. Nasanay na lang ako."Sierra, tara na dito," tawag sa akin ni Quin.Kahit naging abala si Quirou ay palagi pa rin namang nasa tabi ko sina Jai at Quin. Pinaalam na naman nila ako kay mama para mamili ng mga damit dahil ma
Pagdating ko sa bahay ay parang normal na naman ang lahat. Hindi na umiiyak si mama at Ana. Pagkatapos kuhanin ni mama ang coke sa aking mga kamay ay pinaalala niya na naman sa akin ang menudo na lulutuin ko.Hindi ko pa nakikita si Shano, wala rin si Shawie,baka magkasama ang dalawa. Nag-pokus na lang ako sa pagluluto ng menudo at pinilit na iwasan ang pag-iisip ng mga bagay na lungkot lang din ang dulot sa akin. Muli ang pagkawala ko ng isang malalim na buntong hininga."Ang lalim a, may problema ka ba?" wika ni Ana mula sa likod ko. Nakasunod na pala siya dito, kanina ay nasa sala lang siya at kasama ni mama kahit hindi naman sila nagkikibuan."Wala, may naisip lang," mahinahong wika ko.Kahit sa kalooban ko ay may giyera talagang nagaganap. Hindi ko mawari kung paano ko ba palilipasin ang mga araw na hindi nag-iisip sa mga bagay bagay. Kung anong nagaganap sa kanila ni mama, nababahala ako sa nakitang luha sa mga mata ni mama k
Tahimik na ang paligid nang iwan ko ang bahay. Mag-isa lang ako sa malamig na gabing ito, at tumatahip ang aking dibdib sa kaba. Maingay ang mga kulisap na panggabi, at malamig ang yakap ng hangin, dumagdag lang iyon sa samu't saring pangyayari na tumatakbo sa aking isipan.Saan ako pupunta ngayon? May maghahanap kaya sa akin?Paano na sila mama? Sino ang magluluto at maglalaba para sa kanila? Saan ko sisimulang hanapin si Ana ngayon?Sunod-sunod ang naging pagsinok nang tila mabulunan ako ng aking sariling laway dahil sa dami ng mga tumatakbo sa aking isipan. Wala akong dalang kahit ano maliban sa aking cellphone at balabal. Sa palagay ko ay alas dos pa lang ng madaling araw, may mga kanto pang madilim,ngunit mas lamang ang kagustuhan ko na mahanap si Ana at maibalik kina mama.May mga aso pa na tumahol sa akin, kahit takot ako dahil parang lalapain na nila ako ay hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad. Makapal naman kasi ang jogging p
Kahit ayaw ay wala ng nagawa si Ana nang iuwi ko siya, sinabi ko sa kaniya ang maaaring maging konsekwensiya ng pag-alis niya kung hindi siya makakabalik kaagad. Noong una ay lamang pa rin ang takot sa kaniya lalo pa't alam niyang galit na si tito Fred, ngunit nang linawin ko sa kaniya na ang galit na iyon ay huhupa din at na dahil lang sa nag-aalala ang ama niya sa maaaring maging sitwasyon niya dahil sa nagawang pagkakamali.Nag-aatubili pa ang paglakad niya kanina, mabagal at halos hindi rin nagsasalita. Halatang kinukumbinsi ang sarili na magiging ayos din ang lahat. Si Lean Marco ay tila nalaman na ang mga nangyayari kaya hinatid pa kami hanggang sa tapat ng aming bahay. Nang papasok na kami sa bahay ay mahigpit ko ng hinawakan si Ana sa kamay. Natatakot din ako para sa mga posibleng mangyari. Alas singko pa lang naman at tulog pa ang mga tao sa bahay."Magpahinga ka na muna sa silid mo, kikilos na ako sa kusina," mahinahong wika ko nang igiya ko siya
Napatingin ako kay mama na tulala pa rin ngayon, ang mga mata niya ay mugto na sa kakaiyak. Hindi rin ako makapaniwala na magagawa ni tito na gawin ito kay mama, na itapon na lang basta palabas sa bahay na pareho naman nilang pinundar."Tita Mira, Sierra, kumain na muna kayo," wika ni Jai.Tiningnan lang siya ni mama, at tila hindi interesado sa sinabi ng huli at muling binalik ang atensyon sa pagtitig sa kawalan."Mamaya na lang siguro, Jai. Busog pa rin naman kami," nakangiting sagot ko kay Jai.Nang initsa kami ni tito sa labas ay ilang minuto pa kami doon. Sa bilis ng pangyayari ay parang di rin namin mawari kung totoo nga ba iyon o isang hindi magandang panaginip lang.Napatingin din ako sa kawalan sa lungkot.Wala pa sana kaming balak na umalis doon ni mama, at baka lumambot pa ang puso ni tito at pabalikin kami sa loob ng bahay, ngunit hindi na nangyari pa ang inaasahan namin.Medyo mas
Makulimlim ang kalangitan nang magising ako. Agad akong kumilos ngunit medyo nagulat ako dahil wala na si Jai sa aking tabi. Nauna na pala siyang bumangon. Agad kong niligpit ang mga dapat ligpitin at iniwan ng malinis ang kaniyang silid. Paglabas ko pa lang ay si mama na agad ang nabungaran ko. Nagkakape siya habang nakatingin sa kawalan, malalim ang iniisip. Sabagay, sa mga nangyari sa amin ay sino nga ba ang hindi mapapahinga ng malalim. Mahirap pakalmahin ang mga salita kapag nagsimula na ito sa pagsayaw sa ating isipan. Matapos sumimsim si mama sa kaniyang kape ay lumapit na ako sa kaniya at hinila ang isa pang silya para makatabi umupo sa tabi niya. Naagaw ko ang atensyon niya kaya napalingon siya sa akin. "Bakit po?" tanong ko nang mapansing hindi pa rin siya tumigil sa pagtitig sa akin ng mariin. Huminga siya ng malalim bago nag-iwas ng mga mata. Ngumiti siya, iyong uri ng ngiti na hindi ko pa nakita sa kaniya sa buong