Nagpatuloy ang pagrolyo ng nga araw. Hindi ko namalayan na nasasanay na pala ako sa mga nagaganap sa akin. Mas naging abala si Quirou, ang dating madalang naming pagtatagpo ay tila mas dumalang pa. Sinanay ko na lang ang aking sarili.
Dumalas ang mga pangyayaring magtatampo ako sa umaga at magkaka-ayos kami sa gabi. Palagi siyang may dahilan sa tuwing nagsasabi siya na gusto niya akong makita at magkukumahog naman akong puntahan siya dahil alam kong abala siya, at pagdating ko ay nakaalis na siya, tapos wala akong karapatang magtampo dahil sapat na naman ang rason niya.
Ayokong maging makasarili ngunit, hindi na talaga ako natutuwa sa mga nangyayari, magkagayunman ay pinilit ko na lang ang huminga ng malalim at ngumiti. Nasanay na lang ako.
"Sierra, tara na dito," tawag sa akin ni Quin.
Kahit naging abala si Quirou ay palagi pa rin namang nasa tabi ko sina Jai at Quin. Pinaalam na naman nila ako kay mama para mamili ng mga damit dahil ma
Pagdating ko sa bahay ay parang normal na naman ang lahat. Hindi na umiiyak si mama at Ana. Pagkatapos kuhanin ni mama ang coke sa aking mga kamay ay pinaalala niya na naman sa akin ang menudo na lulutuin ko.Hindi ko pa nakikita si Shano, wala rin si Shawie,baka magkasama ang dalawa. Nag-pokus na lang ako sa pagluluto ng menudo at pinilit na iwasan ang pag-iisip ng mga bagay na lungkot lang din ang dulot sa akin. Muli ang pagkawala ko ng isang malalim na buntong hininga."Ang lalim a, may problema ka ba?" wika ni Ana mula sa likod ko. Nakasunod na pala siya dito, kanina ay nasa sala lang siya at kasama ni mama kahit hindi naman sila nagkikibuan."Wala, may naisip lang," mahinahong wika ko.Kahit sa kalooban ko ay may giyera talagang nagaganap. Hindi ko mawari kung paano ko ba palilipasin ang mga araw na hindi nag-iisip sa mga bagay bagay. Kung anong nagaganap sa kanila ni mama, nababahala ako sa nakitang luha sa mga mata ni mama k
Tahimik na ang paligid nang iwan ko ang bahay. Mag-isa lang ako sa malamig na gabing ito, at tumatahip ang aking dibdib sa kaba. Maingay ang mga kulisap na panggabi, at malamig ang yakap ng hangin, dumagdag lang iyon sa samu't saring pangyayari na tumatakbo sa aking isipan.Saan ako pupunta ngayon? May maghahanap kaya sa akin?Paano na sila mama? Sino ang magluluto at maglalaba para sa kanila? Saan ko sisimulang hanapin si Ana ngayon?Sunod-sunod ang naging pagsinok nang tila mabulunan ako ng aking sariling laway dahil sa dami ng mga tumatakbo sa aking isipan. Wala akong dalang kahit ano maliban sa aking cellphone at balabal. Sa palagay ko ay alas dos pa lang ng madaling araw, may mga kanto pang madilim,ngunit mas lamang ang kagustuhan ko na mahanap si Ana at maibalik kina mama.May mga aso pa na tumahol sa akin, kahit takot ako dahil parang lalapain na nila ako ay hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad. Makapal naman kasi ang jogging p
Kahit ayaw ay wala ng nagawa si Ana nang iuwi ko siya, sinabi ko sa kaniya ang maaaring maging konsekwensiya ng pag-alis niya kung hindi siya makakabalik kaagad. Noong una ay lamang pa rin ang takot sa kaniya lalo pa't alam niyang galit na si tito Fred, ngunit nang linawin ko sa kaniya na ang galit na iyon ay huhupa din at na dahil lang sa nag-aalala ang ama niya sa maaaring maging sitwasyon niya dahil sa nagawang pagkakamali.Nag-aatubili pa ang paglakad niya kanina, mabagal at halos hindi rin nagsasalita. Halatang kinukumbinsi ang sarili na magiging ayos din ang lahat. Si Lean Marco ay tila nalaman na ang mga nangyayari kaya hinatid pa kami hanggang sa tapat ng aming bahay. Nang papasok na kami sa bahay ay mahigpit ko ng hinawakan si Ana sa kamay. Natatakot din ako para sa mga posibleng mangyari. Alas singko pa lang naman at tulog pa ang mga tao sa bahay."Magpahinga ka na muna sa silid mo, kikilos na ako sa kusina," mahinahong wika ko nang igiya ko siya
Napatingin ako kay mama na tulala pa rin ngayon, ang mga mata niya ay mugto na sa kakaiyak. Hindi rin ako makapaniwala na magagawa ni tito na gawin ito kay mama, na itapon na lang basta palabas sa bahay na pareho naman nilang pinundar."Tita Mira, Sierra, kumain na muna kayo," wika ni Jai.Tiningnan lang siya ni mama, at tila hindi interesado sa sinabi ng huli at muling binalik ang atensyon sa pagtitig sa kawalan."Mamaya na lang siguro, Jai. Busog pa rin naman kami," nakangiting sagot ko kay Jai.Nang initsa kami ni tito sa labas ay ilang minuto pa kami doon. Sa bilis ng pangyayari ay parang di rin namin mawari kung totoo nga ba iyon o isang hindi magandang panaginip lang.Napatingin din ako sa kawalan sa lungkot.Wala pa sana kaming balak na umalis doon ni mama, at baka lumambot pa ang puso ni tito at pabalikin kami sa loob ng bahay, ngunit hindi na nangyari pa ang inaasahan namin.Medyo mas
Makulimlim ang kalangitan nang magising ako. Agad akong kumilos ngunit medyo nagulat ako dahil wala na si Jai sa aking tabi. Nauna na pala siyang bumangon. Agad kong niligpit ang mga dapat ligpitin at iniwan ng malinis ang kaniyang silid. Paglabas ko pa lang ay si mama na agad ang nabungaran ko. Nagkakape siya habang nakatingin sa kawalan, malalim ang iniisip. Sabagay, sa mga nangyari sa amin ay sino nga ba ang hindi mapapahinga ng malalim. Mahirap pakalmahin ang mga salita kapag nagsimula na ito sa pagsayaw sa ating isipan. Matapos sumimsim si mama sa kaniyang kape ay lumapit na ako sa kaniya at hinila ang isa pang silya para makatabi umupo sa tabi niya. Naagaw ko ang atensyon niya kaya napalingon siya sa akin. "Bakit po?" tanong ko nang mapansing hindi pa rin siya tumigil sa pagtitig sa akin ng mariin. Huminga siya ng malalim bago nag-iwas ng mga mata. Ngumiti siya, iyong uri ng ngiti na hindi ko pa nakita sa kaniya sa buong
Posible ka pa rin palang mabasag kahit pinaghandaan mo na ang isang pangyayari. Hindi man inaasahan ang pagkikita namin ngunit ang aming pagtatapos ay tila nakatakda ng mangyari. Nanlamig siya, nawalan ng gana, at nawalan ng oras sa akin. Hindi niya natupad ang mga sinabi niya, hindi siya nanatili. Ang dating liwanag na hatid niya sa madilim kong mundo ay unti-unting lumabnaw, nawalan ng liwanag, naging normal na kulay, at tila isa na lamang palamuti sa ulap kagaya ng karamihan. Nagbago siya. Napayuko ako. Mabigat ang aking dibdib, at may impit na hikbing nagtago sa likod ng ingay ng mga kulisap. Tapos na kami ni Quirou. 'Yon na ang maaaring maging huli naming pagtatagpo. Mahigpit kong hinawakan ang aking saya, nilukot ang laylayan at tila doon humugot ng lakas sa patuloy na pagluha. Nang iwan ko siya ay hindi na ako lumingon pa, kinumbinsi ko ang sarili kong huwag na siyang lingunin kahit ang totoo ay gusto kong bumalik at makiusap sa kaniya na ayusin na
Madilim na nang magising ako ngunit maingay pa rin ang paligid. Marahil ay katatapos pa lang mamaalam ng haring araw kaya tila nagsasaya at nag-iingay pa ang iilan. Gayunpaman ay naririnig ko na ang huni ng mga panggabing ibon, kasabay ng mga iyon ang sigawan ng mga batang naglalaro sa labas. Maingay na ngunit ramdam ko pa rin ang kirot sa aking dibdib. Bakit ganoon? Sa mga napapanood at nababasa kong ilang kwento ay nawawala pansamantala ang sakit matapos ang sandaling pagkatulog ngunit bakit ang sa akin ay tila malinaw pa rin ang sakit? Nalalasahan ko pa rin ang pait ng mga pangyayaring inasahan man o hindi ay di ko napaghandaan. Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa aking labi. Wala akong katabi. Wala pa si Jai. Tila wala ring nag-iingay sa loob ng bahay. Wala rin marahil tao sa labas. Mabilis ang naging paghakbang ko para suriin kung tama ba ang aking hinala. Napangiti ako nang mapansin ko na mag-isa nga lang ako. Agad kong kinuha a
Makalipas ang ilang araw na pamamalagi ko sa condo ni Saemont ay naisipan ko na rin sa wakas na labhan ang bag ko. Nilabas ko ang mga gamit roon at siniguradong wala ng nakalagay pa ngunit may nahila akong isang sobre sa bulsa ng bag ko.Tila pamilyar sa akin ang sobreng ito, parang nakita ko na ito noon. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan pero parang— isang mapait na ngiti ang kumawala sa aking mga labi nang malinaw na maalala ko ang pinagmulan ng sobreng ito. Ito ang bigay ni tita na galing daw kay mama.Makapal ang sobre, halatang pera ang laman. Kahit di ko na buksan ay sigurado na ako. Huminga ako ng malalim, gagastusin ko ba ito? Habang nag-iisip ay tuluyan ko ng binuksan ang sobre at halos manlaki lang ang mata ko sa gulat nang tumambad sa akin ang lilibuhing pera. Saan galing ni mama 'to? Paano niya ako nabigyan ng ganitong halaga?Napansin ko rin ang isang liham na maayos na nakatupi sa tabi ng mga pera. Hinila ko iyon at tiniti