Share

Chapter 2

last update Huling Na-update: 2022-12-09 20:29:01

Going to Laguna

"Ma, sige na please pumayag na kayo" sinabi ko na kay Mama tungkol sa pagtatrabaho ko sa Laguna.

"Zoey malayo ang Laguna di mo kakayanin mag-isa roon" suway ni Mama.

"Ma, nasa legal age na ako saka po para naman po di na po alahanin sa gastusin ko di ba nga po si Zane sa BMA po siya mag-aaral edi malaking tuition fee po yun saka Ma wag po kayong mag-alala di ko po pababayaan ang sarili ko." Sabi ko. 'Need ko pa ata magpaawa effect eh'

"Ang desisyon ng Papa mo ang kailangan natin intayin" pumunta si Mama sa kwarto nila dahil narinig ng umiyak si Rane.

Tumawag sa akin si Papa at nalaman niya mula kay Mama ang pag-alis ko papunta sa Laguna.

"Saan ba sa Laguna?" Takang tanong ni Papa. Kavideo call namin siya ngayon.

"Sa Los Baños po doon po sa may Village po" sagot ko.

"Kailangan mo bang gawin 'to pwede ko naman sambutin yung overtime dito para di mo na maisipan magtrabaho dahil lang sa gusto mong makabawas sa bayarin sa pag-aaral niyo"

"Pa, alam niyo naman po na magaaral na si Zane sa BMA pa kaya magiipon ako para di na po kayo mahirapan dyan saka wag niyo naman pong pagurin yung sarili niyo dahil lang po sa gusto namin magaral lang"

"Andyan naman ang ate mo eh" 'dinamay pa si ate'

"Pa, ayoko pong makaabala kay Ate saka gusto ko pong maranasan magbanat ng buto. Yung pera na pampaaral ko ay galing sa hirap at sipag ko." Mahabang paliwanag ko.

Napahilamos na lang sya sa mukha.

"Sino yung magiging amo mo mabait ba?" Sunod na tanong ni Papa.

"Yung pong pamilyang Wattson po" nagulat ang tatay ko pati si Mama ay nagulat din.

"Seryoso ka ba Zoey?" Di makapaniwalang tanong ni Mama.

"Ma, seryoso po ako sila po yung magiging amo ko" paliwanag ko.

"Edi payagan mo na Pa." Sabi ni Mama.

"Sige na nga mabait naman ang mga Wattson sa pagkakaalam ko pero may isang kondisyon Zoey" Sumeryosong sabi ni Papa.

"Ano po yun Pa?" Tanong ko.

"Kausapin mo muna yung babaeng amo mo tungkol sa kontrata paliwanag mo sa kanyang mabuti. Zoey pinabigyan lang kita dahi gusto mong maexperience magtrabaho pero wag mo naman kalimutan ang pag-aaral mo naintindihan mo ba yun Zoey" tumango ako.

"Sige po Pa, Ma tawagan ko muna si Mam Lessandra para po sabihin na sa kanya." Umalis na ako at pumunta sa tindahan buti na lang pala wala pang bumibili.

Tinawagan ko na ang numero ni Mam Lessandra.

"Hello" bungad na sagot ni Mam Lessandra.

"Mam Lessandra si Zoey po ito nung tumawag po nung isang araw."

"Ahh Zoey ano sabi ng parents mo?" Ngumiti ako.

"Mam payag na po sina Mama at Papa" tuwang tuwa kong sabi.

"Good anyway kailan punta mo rito?" Tanong niya.

"Sa susunod na linggo na po Mam may aayusin lang po ako rito eh" sabi ko.

"Sige tawagan mo na lang ako para mapasundo kita sa mga driver dito"

"Mam wag na po magcommute na lang po ako" tanggi ko.

"Iha sa panahon na ito marami ng loko loko lalo na't first time kang babyaheng magisa" pag-alala ni Mam Lessandra sa akin.

"Mam nakakahiya po na papasusunduin niyo pa po ako mula sa amin okay na po na magcommute na lang po ako" pilit na tanggi ko.

"Haysss! Ganito if ever nasa Los Baños ka na just call me okay para mapasundo kita"

"Okay po" wala na akong choice kung di sundin ang gusto ni Mam Lessandra.

Makalipas ng 4 araw nung tumawag ako kay Mam Lessandra upang ipabalita sa kanya ang desisyon ng parents ko.

Sinulit ko ang mga araw ng kasama ko ang family ko lalo na si Rane.

Ngayon ay nandito ako sa Walter kung saan inimbitahan ko si Lara upang ipabalita ko sa kanya ang magandang balita ko sa kanya.

"Oh gandang ngiti natin dyan ah" bungad niya.

"Umupo ka muna eto yung order kanina pa nandito ito" tumawa na lang sya.

"Ano yung magandang balita sasabihin mo ah?" Umayos ako ng upo.

"Ano......ahmmm" naiilang ako.

"Ano nangbitin ka pa eh!" Reklamo niya.

"Hayss magtatrabaho na ako" sabi ko.

"Anak ng Zoey sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Nagtatakang tanong niya.

"Malamang alangan naman magbiro ako" pilosopo kong sabi.

"Eh saan ka magtatrabaho?"

"Sa Laguna" sagot ko.

"Bruha kalayo naman yun" reklamo niya. Akala naman niya siya magtatrabaho eh.

"At least makakasama ko sa iisang bubong ang crush ko" mahinang bulong ko.

"Oy narinig ko yun" 'malakas pala pakiramdam nito'

"Sinong crush si Levis Wattson ba? Maniwala!" Pangaasar niya. Pinakita ko yung pic nung messages namin ni Mam Lessandra.

"Anak ng? Totoo nga sana ol bespren" napailing na lang ako at natawa sa reaksyon niya.

"Tangina! Totoo nga" tinakpan namin yung bunganga ni Jessie.

"Jessie ano ka ba itikom mo nga yan bibig mo nakakahiya!" Sermon ni Rodelyn.

"Seryoso ka ba?" Tinaasan ko lang ito ng kilay.

'Parehas sila ni Lara parang nagbibiro ako eh'

"Akin na nga yan sa tingin mo ba magbibiro ako ah?" saad ko.

"Eto na nga naniniwala na pero kailan alis mo?" Tanong ni Ashley. Ngayon lang namin ulit kasama si Ashley dahil busy ito sa kanyang family.

"Bukas" nanlaki ang mga mata nila.

"Agad-agad" tumango ako.

"One week na lang ako rito kaya kailangan ko nang pumunta ng Laguna bukas" ngumiti ako sa kanila.

Niyakap nila ako ng mahigpit.

"Basta magiingat ka doon ah" tumango ako.

"Zoey, paalala lang ha wag ka masyadong mapahalatang may gusto ka kay Levis jusko Zoey may pagkabaliw ka pa naman minsan" napasimangot ako sa paalala ni Ashley.

"Oo nga Zoey basta text ka lang or chat sa gc para always latest yung story mo sa amin ah" natawa ako sa paalala nila.

"Zoey!!!" Tumingin ako si Lara pala.

"Bakit di mo sa akin sinabi kanina aalis ka na bukas?" Naiyak iyak pa siyang yumakap sa akin.

"Lara..... one year lang ako doon tapos na nandito na ako ulit kasama niyo" ngumiti ako ng niyakap ko siya ng mahigpit.

She's my bestfriend after all since when start our high school in Grade 7 because were classmate but noon nag-grade 8 na kami hanggang sa Senior High School ay di na kami magkaklase pero may communicate pa din kami kahit may iba siyang friends.

"Oy tama na iyakan yung pizza saka coke eto na" si Klein.

Masaya kaming kumain at nagaasaran pero ang no. 1 pikon sa amin ay si Jessie.

"Zoey mga paalala namin ah sundin mo kung di lagot ka sa amin paguwi mo" tumawa na lang ako.

"Ano ba naman kayo para kayo si Mama" napailing na lang ako.

"Oh papaano uuwi na kami. Magingat ka sa first byahe mo ah" tumango ako at niyakap silang lahat.

"I miss you guys" bulong ko.

"Oh tara na wala nang iyakan ah" umuwi na sila at ako ay sumakay na ng tricycle dahil tamad na akong maglakad papuntang sakayan at pauwi sa amin.

Kinabukasan ay naghahanda na ako ng gamit ko at inilalagay na sa maleta.

"Ma!" Lumabas na ako sa kwarto.

"Zoey kumain ka na!" Sigaw ni Mama.

"Palabas na po!" Sigaw ko.

'Para kaming nasa bundok'

"Oh ayusin mo na sarili mo. Zane! Ilabas mo na yung maleta ng kapatid mo!" Inilabas na ni Zane ang gamit ko.

Nagayos na ako ng gamit ko pati sarili ko ay inayos ko na.

"Zoey mag-ingat ka doon ah. Yung mga paalala ko sayo sundin mo yun ah" 'parang di naman na ako babalik eh'

"Ma, teka lang ah alam ko na po kaya tama na po baka masabihan pa kayo ng OA eh" biro ko.

"Tigilan mo nga ako Zoey Gaile" tumawa na lang ako.

"Zoey basta ah always ka tatawag sa amin. Naiintindihan mo ba" tumango ako.

"Zane ihatid mo na si ate Zoey mo" tumango na si Zane at isinakay na ang maleta ko. Hinalikan ko si Rane sa pisngi.

"See you next year baby Rane magpakabait ka kay Mama ah" ngiti ko at tumawa naman siya.

Nakasakay na ako sa bus papunta terminal ng Cubao kung saan ako hahanap ng sasakyan papuntang Laguna.

Makalipas ng tatlong oras ay nasa Cubao terminal na ako at hahanap ng sasakyan papuntang terminal ng Laguna.

"Laguna! Laguna!" Sigaw ng konduktor kaya sumakay na ako.

Umaandar na ang bus at mahaba haba ang byahe nito kaya makakatulog muna ako ng maayos.

Ilang oras ang nakalipas ay nasa terminal na ako ng Laguna pero di ko inaasahan may mababangga akong lalaki.

"Ay! Sorry po pasensya na po" paghingi ko ng pasensya sa nakabangga ko.

"Next time be careful" umalis na ito sa harapan ko at napatanto ko na familiar ang boses na yun.

'Si Levis Wattson yun ah'

Napasabunot ako sa sarili kong buhok.

"Geezeee! Kaasar bakit di ko agad namukhaan or narinig yung boses niya" bulong ko sa sarili ko.

May biglang lumapit sa akin.

"Miss ikaw po ba si Zoey?" Nakatingin ako sa sa lalaking nasa harapan ko. Nagalinlangan pa akong tumango.

"Pinapasundo ka ni Mam Lesandra sa akin" di pa rin ako makagalaw dahil sa sinabi ng mama nandito.

Bumalik lang ako sa wisyo ng may tumawag sa akin.

"Hello po" bungad ko

"Iha andyan na ba yung susundo sayo" napanganga ako at mukhang naguilty dahil sa mga naging action ko na ipinakita sa kanya.

"Yes po" sagot ko.

"O sya sige I wait you okay" ibinaba na niya ang tawag.

"Pasensya na po ah" tumango naman siya.

"Hayaan mo na alam kong mahirap magtiwala sa iba." Tumango ako.

Sumakay na ako sa kotse medyo malayo layo pala ang Los Baños sa mismong terminal eh.

"Andito na tayo Zoey" bumukas ang bintana at napa......

"Wow Manong ang ganda po rito hihihihi" mahinang ngisi ko.

"Tara na Zoey baka nagiintay na sina Mam Lessandra eh" tumango naman ako.

"Ako ng bahala sa mga gamit mo pumasok ka na" pumasok na ako sa mala-palasyong bahay.

"Hello po ako po si Zoey" pakilala ko.

"Hi! Ako nga pala si Mindy, sya naman si Lolita, at ito si Manang Indang" kumaway sila sa akin.

"Welcome dito sa bahay ng mga Wattson Zoey" ngumiti ako.

"Tara na at baka nagiintay na sila roon." Tumango ako at sumunod na sa kanila.

"Zoey finally I met you na" niyakap ako ng mahigpit ni Mam Lessandra.

"Mam masyadong mahigpit po" napabitaw siya sa yakap ko.

"Ay! Sorry iha na-carried away lang ako. Hayss anyway welcome to Laguna Zoey and welcome to my house" ngumiti ng napakatamis si Mam Lessandra.

"Salamat po Mam Lessandra" ngumiti ako.

"Tara ilibot muna kita sa buong bahay para alam mo." Tumango ako.

Inilibot niya ako sa buong bahay pati sa labas ay ang ganda ng tanawin lalo na ang mga halaman at bulaklak nito.

"This is the balcony dito kami halos tumatambay lalo na sa gabi at di lang ito ang meron sa amin ng hubby ko at kay Levis pero minsanan siyang umuuwi rito dahil busy ito sa kanyang career." Paliwanag niya.

'Ibig sabihin di siya palaging nandito. Sayang naman'

'Ano ka ba Zoey trabaho pinunta mo rito trabaho hindi paglalandi!'

Umiiling iling ako.

"Iha are you okay?" Namutla ako ng napansin ni Mam Lessandra ang pagiling ko.

'Baka mapagkamalan akong baliw nito eh!'

"Wala po Mam ano lang...... para po mawala yung antok ko kaya umiiling iling ako hehehe" palusot ko.

"Bakit di ka na kaya muna magpahinga tatawagan na lang kita para kumain at bukas na natin pagusapan tungkol sa kontrata" umiling ako.

"Mam ok lang po ako inaantok lang po ako pero sapat naman po yung tulog ko eh" saad ko.

"O sya sige ayusin mo muna yung gamit mo yung kwarto mo nga pala nasa taas sa tapat ng kwarto ni Levis." Tumango ako.

'Wait! Sa tapat ng kwarto ni Levis kyahhhhh!!!'

Gusto ko sanang sumigaw baka marinig ako at magpakamalang baliw.

Inayos ko ang mga gamit ko at nilagay sa cabinet. Nagbihis muna ako ng pajama at tshirt. Wala pa akong uniform pang maid kaya eto na lang muna.

Bumaba na ako upang hanapin si Mam Lessandra.

"Oh iha buti bumaba ka na" ngumiti ako.

'Bakit ang daming pagkain?'

"Di ko akalain na maganda ka pala sa personal iha" namula ako sa papuri ni Mam Lessandra.

"Salamat po Mam" ngumiti ako.

"Mam Lessandra bakit ang dami pong pagkain?" Takang tanong ko.

"Ngayon dating nila Lexie at Logan galing Australia kaya naghanda kami ng ganitong marami" napa "ahh" na lang ako.

"Mam nandito na po sina Mam Lexie at Sir Logan" Tumayo na si Mam Lessandra at sinalubong ang dalawa niyang anak.

"Mom I miss you" hinalikan ni Mam Lexie si Mam Lessandra sa pisngi.

"Mom" ngiting bati ni Sir Logan kay Mam Lessandra. Bumaling ang tingin nila sa akin.

"Mom who is she?" Takang tanong ni Mam Lexie.

"Siya nga pala Zoey siya sina Lexie at Logan mga anak ko." Ngumiti ako sa kanila.

"Magandang gabi po Mam Lexie at Sir Logan" kinakabahan kong bati pero nung nasa kalagitnaan ng getting know each other center namin ay may biglang umugong na sasakyan at huminto sa harapan namin at bumaba.

"Kuya Levis your here na"

Kaugnay na kabanata

  • Dream To Be With You   Chapter 3

    Meet Wattson Family "Kuya your here akala ko di mo na bibisitahin si Mom" si Mam Lexie. "I'm sorry Lex kakatapos ko lang magshooting sa Batangas" paliwanag ni Sir Levis. "Let's go, the dinner is ready" pumasok na sina Mam Lexie at Sir Logan kasama si Mam Lessandra pero nandito pa rin sa tabi ko si Sir Levis. "S-sir di po ba kayo papasok sa loob lalamig po yung pagkain?" Nauutal kong tanong. "Who are you?" Tiningnan ko si Sir Levis. 'Ay oo nga pala di niya ako kilala' "Ako po si Zoey Gaile. Zoey na lang po" pakilala ko. Tumango siya. "So, ikaw pala yung sinasabi ni Mom sa akin?" Nagtataka ko siyang tingnan. "Po?" Gulat kong tanong. "Nothing" bigla na lang ito pumasok sa loob. Pumasok na rin ako na gulat pa rin sa sinabi ni Sir Levis. "Oh iha kumain ka pa" sabi ni Mam Lessandra. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako paano ba naman katabi ko si Sir Levis. "Where are you from?" Tanong agad ni Mam Lexie. Pinunasan ko muna yung bibig ko. Buti na lang pala mahilig ako manood ng k

    Huling Na-update : 2022-12-09
  • Dream To Be With You   Chapter 4

    May anak si Levis?"Girl tulala ka?" Pansin ni Keith. Isa sa mga kasambahay rito ng mga Wattson at 2 taon lang ang agwat niya sa akin. Ayaw nga niya tawagin ko siya na "Ate" eh nakakatanda daw yun."Wala may iniisip lang ako" deny ko."Hmmm" tumango tango na lang siya. Pero may pumasok sa utak ko yung kanina na narinig ko."Keith" tawag ko."Oh" "Kilala mo ba si Levin?" Tanong ko at bigla siyang nasamid."Hala ok ka lang sorry" inaalo ko siya at pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig. Binigay ko ang tubig sa kanya."Sorry mukhang nagulat ka sa tanong ko" pag-alala ko."Nakakagulat naman kasi yung tanong mo eh" uminom siya ng tubig. Ibinaba niya ang tubig sa isang lamesita."Teka bakit mo ba natanong?" Takang tanong niya."Wala lang" kibit balikat na lang ako. Ayoko naman pilitin si Keith baka sabihin ay masyado akong chismosa.'Chismosa ka naman talaga' pangbabara ng isip ko."Di kami basta basta pwedeng magsalita. Kailangan din namin itago yung privacy ng pamilyang wattson para sa

    Huling Na-update : 2022-12-09
  • Dream To Be With You   Chapter 5

    Babysitter?"Jusko di talaga ako makapaniwala eh" tinawagan ko agad si Tasha kahit na break time nito."So, ang alam mo lang ay kasambahay ka lang as in tagalinis at tagaluto ganun?" Tanong niya."Oo" sagot ko."Hayyss ang hirap pala kapag may tinatago unting unti mo nalalaman." 'Correct ka dyan insan'"So, anong balak mo?" Tanong niya."Syempre itutuloy sayang naman wala pa akong isang buwan dito" sagot ko."Di mo ba sasabihin kina Tita at Tito or sa mga friends mo?" Napahinto ako sa tanong ni Tasha.'Dahil ayaw ni Levis na mapahamak si Levin dahil isa siyang artista' nagflashback sa aking isip ang sinabi ni Mam Lessandra."Di muna saka na kapag medyo maayos na rito sa bahay" "Nat! Tara na andun na daw si Sir Panot" nagulat ako huling sinabi ng kaibigan ni Tasha."Siraulo ka ba? Baka marinig ka nung mga teacher dito ay ma-CSDL pa tayo. Naku baks ayokong magkaroon ng pangit na TOR kapag gumraduate na tayo" rinig kong sermon ni Tasha."Sorry ha, masyadong matabil kasi yung dila ng ba

    Huling Na-update : 2022-12-09
  • Dream To Be With You   Chapter 6

    Meet Levin"How your vacation with Lola and Lolo?" Bungad na tanong ni Mam Lessandra."I'm happy Mamita, I meet my new friends while we vacation in Palawan" tuwang tuwa na sabi ng bata."Di ka ba nagpasaway sa kanila?" Umiling ito.'Jusko! Marunong pala umitindi ito ng tagalog akala ko mahihirapan pa ako magenglish sa kanya'Di naman sa nagmamayabang ay marunong naman ako mag english at maintindihan ang salitang ingles kaya lang kapag malalim na ang mga words na sinasabi ay tinatawag ko na ang aking kaibigan na si Translator para maitranslate sa tagalog yung sinasabi."It's time to change your clothes now baby" sumingit si Sir Levis sa usapan ng mag-lola. Humarap naman ito sa kanyang daddy pero huminto ito at tumingin sa akin."Daddy who is she?" Biglang tanong ng bata."Baby can I talk to you later?" Tumingin ito sa Ama."May paguusapan lang tayo, It's okay to you" masunurin tumango ang bata."Okay po" ngumiti naman siya at pumanhik na rin sa taas. Bago pa sumunod si Sir Levis ay hum

    Huling Na-update : 2022-12-09
  • Dream To Be With You   Chapter 7

    Makulit"Levin huwag kang tumakbo sa may hagdanan papagalitan tayo ng daddy mo" nakipaghabulan ako sa batang makulit. Ayaw pa kasing maligo sabi niya raw ay malamig yung tubig pero may heater naman ito sa banyo niya.'Kami nga kailangan pa namin maginit ng tubig para lang makaligo kami dahil sa sobrang lamig tuwing december magkakasakit ka talaga wala sa oras.'"Ayaw kong maligo it's cold yung tubig" napakaconyo naman nito."May heater ka dun kaya di ka na malalamigan kaya tara na." Wala nang magawa si Levin kung di sumunod sa akin papuntang bathroom nito. Almost one month na ako dito at nachachalenge dahil sa sobrang kulit ng batang ito buti na lang napapasunod ko ito pero sa isang paraan na di masasaktan na emosyonal at pisikal."Kailan po uuwi si Daddy?" Napahinto ako sa sinabi niya."Di ko alam baby eh" Bigla siyang nalungkot."Pero baka mamaya tumawag na siya" sumilay naman ang maliit na ngiti niya. Ilang araw na kasing di tumatawag si Sir Levis dahil na rin sa taping niya. Eve

    Huling Na-update : 2023-04-03
  • Dream To Be With You   Chapter 8

    Mimi"Daddy!" Pagkababa namin galing kwarto ay sumalubong sa amin si Sir Levis na paakyat ng hagdan."Careful Levin" dinamba ng yakap ang ama."You miss me little boy?" Mahinang tanong ni Sir habang nakaakap ang bata sa kanya."Yes po Daddy super miss na miss po kita. Akala ko nga po di ka uuwi ng weekend eh" biglang pagmaktol niya."Syempre naman uuwi si Daddy pero this weekend Daddy and Son bonding time" humigpit ang yakap ni Levin sa kanyang ama."Naku laging niyang tinatanong kay Zoey kung kailan ka tatawag o uuwi" binalingan ko si Manang. Yumuko na lang ako dahil sa hiya."Oh siya nakahanda na yung pagkain" sumunod na ako kay Manang upang tumulong at yung mag-ama naman ay umakyat sa itaas upang magpalit si Sir ng damit."Akala ko di uuwi si Sir Levis ngayong weekend" biglang sabi ko."Mukhang pinayagan siya ng director at producer na umuwi para di magtampo ang bata" paliwanag pa ni Manang.Pagkakaalam ko na ang director at producer ang nagbabayad sa mga artista pero di ako sure a

    Huling Na-update : 2023-04-03
  • Dream To Be With You   Chapter 9

    Chika ni TashaKinakagabihan ay tinawagan ko si Tasha tungkol sa nangyari rito sa bahay."Really as in sinabi niya yun?" napa-oo ako sa tanong niya."Jusme! Sana ol pinsan" nilayo ko sa tenga ang cellphone ko."Berat ka! Ang sakit sa tenga" sinusundot sundot ko ang tenga ko."Sorry pero teh anong reaction ni Sir Levis mo?" Napaisip ako sa tanong niya."Hmm wala naman nagbabangayan kasi sila kanina eh" sagot ko pero may bigla ako naalala kaya naitanong ko na."Siya nga pala di ba may laptop ka?" Biglaan kong tanong. Nagchange topic ako para di na siya tanong ng tanong nakakahiya baka marinig nila Manang lalo na si Sir Levis."Oo, Bakit?" Tanong niya."Pwede mo bang icheck kung open na yung admission sa CLSU and NEUST" sagot ko."At ano ang naisipan mo at nagapply ka?" Kung nasa harap ko ito ay sinamaan ko ito ng tingin."Bakit masama bang bumalik sa pag-aaral?" Tanong ko."Di naman di ba nag-away kayo ng mama mo dahil sa kurso mo" bigla kong naalala ang nangyari kagabi."Kaya nga tinata

    Huling Na-update : 2023-04-23
  • Dream To Be With You   Chapter 10

    Meet Hance"Miss are you okay?" Nakatulala ako sa kanya. "I know pogi ako pero stop daydream of me nakakahiya sa mga tao dahil nakaharang tayo" lumingon ako sa likod nito na may mga tao pala doon.'Shemss! Nakakahiya!'"Sorry po kuya" tumawa na lang ito gumilid muna ako."So, are you okay?" biglang tanong niya."Ako nga po magtatanong niyan eh kasi po nabunggo ko po kayo" pagsimangot ko."I'm okay masyado lang ata mabigat yan laman ng cart mo" napa-hehehe na lang ako."Oh, by the way saan section ka pupunta?" biglaang tanong niya."Eh sa mga gulay at prutas po" sagot ko. Tumango naman siya."Eh kayo po saan po punta niyo?" biglaang tanong ko."Hmm... in the meat section" tumango ako'Kaya pala kamuntikan ko na siyang mabangga dito pala punta niya'"Sige po mauuna po ako" nagpaalam na ako at pumunta na sa fruits and vegetable section. Pagkatapos kong kuhanin ang lahat ng nasa listahan ay pumunta na ako sa counter upang magbayad na."Ay oo nga pala wala na pala ako napkin" pumunta muna

    Huling Na-update : 2023-05-06

Pinakabagong kabanata

  • Dream To Be With You   Chapter 21

    Going homeAndito pa rin ako sa bahay ni Kimberly at nandito sina Mam Lessandra at Levin na nakayakap lang sa akin na parang ayaw niya akong paalisin.“I ask Mang June kung anong oras ang byahe papuntang cubao” tumango ako.“Bakit di ka na lang magpahatid hanggang sa inyo?” takang tanong ni Kim.“Ayokong mapagod yung driver sa bahay dahil pagkahatid naman sa akin saka aalis eh syempre sayang yung pagod at gasolina kaya mgcommute na lang ako” paliwanag ko.Mahirap kasi eh kung magpapahatid pa ako sa amin eh may mga chismosang kapitbahay kami baka pagkamalan ay nagtatrabaho as escort. Matatabil pa naman ang mga dila nun.“Gusto mo muna bang dumaan muna sa bahay?” Tumango ako.“Gusto ko po kasing magpaalam ng maayos” saad ko.“Tita, nandun ba ang anak mo?” Biglang tanong ni Kim.“Oo umuwi nang lasing kagabi buti naiuwi pa ni Darrien kaya ayun tulog pa hanggang ngayon” hinaplos ko ang likod ni Levin na nakatulog na sa balikat ko. “Anong oras ka aalis Zoey?” Tanong niya.“Mga 5 pm ng hapo

  • Dream To Be With You   Chapter 20

    Meet KimberlyBigla akong namangha dahil maganda ang bahay."In fairness Sir maganda yung design ng bahay at saka mukhang nakita ko na ito dun sa mga bahay sa ibang bansa like sa London at US" sabi ko."Hmm.. para ka na rin isang engineer" namula ako pero iniwas ko baka kasi mahalata niya.“Paano niyo naman po nasabi sir?” Tanong ko.“Sa pagtingin pa lang ng bahay medyo may alam ka na” ngumiti lang ako sir.‘Kung alam niyo lang sir na yun ang kinukuha ko ngayong first year"Levin press the doorbell" binuhat niya si Levin at sinunod naman ni Levin ang daddy niya. Hinintay namin na may dumating na magbubukas."Good morning po Sir" tumango si Sir Levis."Is Kim there?" tumango ang kasambahay nung ninang ni Levin."Pasok muna po kayo tatawagin ko lang po muna si Mam Kim" tumango si Sir at pumasok na kami. Pinaupo kami sa sofa nila at nilibot ko ang paligid na napakaganda talaga ng bahay at feeling ko mamahalin yung mga gamit dito dahil parang kumikinang ang mga gamit dito."Levis" lumingo

  • Dream To Be With You   Chapter 19

    Chapter 18Meet KimberlyBigla akong namangha dahil maganda ang bahay."In fairness Sir maganda yung design ng bahay at saka mukhang nakita ko na ito dun sa mga bahay sa ibang bansa like sa London at US" sabi ko."Hmm.. para ka na rin isang engineer" namula ako pero iniwas ko baka kasi mahalata niya.“Paano niyo naman po nasabi sir?” Tanong ko.“Sa pagtingin pa lang ng bahay medyo may alam ka na” ngumiti lang ako sir.‘Kung alam niyo lang sir na yun ang kinukuha ko ngayong first year"Levin press the doorbell" binuhat niya si Levin at sinunod naman ni Levin ang daddy niya. Hinintay namin na may dumating na magbubukas."Good morning po Sir" tumango si Sir Levis."Is Kim there?" tumango ang kasambahay nung ninang ni Levin."Pasok muna po kayo tatawagin ko lang po muna si Mam Kim" tumango si Sir at pumasok na kami. Pinaupo kami sa sofa nila at nilibot ko ang paligid na napakaganda talaga ng bahay at feeling ko mamahalin yung mga gamit dito dahil parang kumikinang ang mga gamit dito."Lev

  • Dream To Be With You   Chapter 18

    Trending PictureBumuntong ako ng hininga habang nakaupo sa sofa. Di ko alam kung paano ko mapapaliwanag ang lahat lalo na sa trending picture. Tumatawag ang mga kaibigan ko sa gc namin kagabi at minemention nila ako. Kahit madilim makikilala pa rin ako dahil sa bracelet ko. Buti na lang hinubad ko ito at tinago sa may maleta ko. Nasa library ang pamilyang Wattson kasama ang manager ni Sir Levis at nag-uusap kung paano ito maayos at kung ano sasabihin sa mga tao lalo na sa mga fans nila ng kalove team na si Mikylla Santos."Teh, trending kayo ni Sir Levis sa twitter" tumawag si Karen at kasama nito si Keith. "Oo nga pero inaalam pa nila kung sino kasama ni Sir Levis alangan naman umamin ako na ako yung kasama at kahawak kamay niya sa picture." Paliwanag ko."Nakita kasi namin maigi yung picture na may nakasuot sayong bracelet. Nasan yun?" Tanong ni Karen."Nasa maleta ko at ayokong ilabas yun malalaman nila na ako yung nasa picture syempre pagdududahan siya ng family niya especially

  • Dream To Be With You   Chapter 17

    PassedWeeks have passed ay kanyang-kanya na kaming balik sa mga trabaho at ganun pa rin naman ang eksena sa bahay. Di pa naman nagbabago si Sir Levis sa pakikitungo niya sa akin na minsan na napansin ni Mam Lessandra pero kumubit balikat na lang ako dahi di ko alam kung ano ang isasagot ko."Insan, lumabas na daw yung result nung mga nagentrance exam last month" bungad na sabi ni Tasha."Wala pa yung course ko doon" sabi ko."Di ka pa ba nagexam sa NEUST?" umiling ako."Di ko alam kung kailan magemail sa akin yung registrar ng NEUST " sagot ko."Basta wait mo na lang yung list ng nakapasa sa CLSU" tumango na lang ako."Sige tumawag lang ako at papunta na dito yung prof namin" tumango ako. Pinatay na ni Tasha ang tawag at ipinagpatuloy ko na ang paglilinis ko sa kusina. Wala ngayon si Sir Levis dahil mayroon silang tour abroad kasama ang ibang artista syempre kasama doon ang kalove team niya na si Mikylla Santos."Mimi, di pa ba tumatawag si daddy?" Umiling ako."Baka tulog pa yun dad

  • Dream To Be With You   Chapter 16

    Summer VacationTwo weeks have passed since nagkasakit ako ay mas lalo akong nastress kay Sir Levis dahil sa biglang pag-uwi nito galing taping na halos sermonan na siya ni Mam Lessandra. Paano ba naman nalaman niya na nandito si Hance sa bahay nila ay bigla itong umalis sa taping. Tumawag ang direktor kay Mam Lessandra at sinabi ay biglang umalis si Levis sa taping tinatawagan ito pero di naman sumasagot. Nalaman na lang namin na hiniram nito ang helicopter ni Diego, ang kaibigan nito sa showbiz."Anteh" nilingon ko si Keith."Bakit?" tanong ko."Matagal ko nang napapansin yan si Sir na kapag nandito si Sir Hance ay bigla na lamang uuwi rito dati rati kapag nandito si Sir Hance ay di biglang umuuwi si Levis at hinahayaan lang niya pero ngayon parang may binabakod itong si Sir" bigla itong tumingin sa akin."Oy! Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Tanong ko."Wala" umiwas ito ng tingin."Mimi where's my snack" hinila ni Levin ang damit ko."Baby, tara doon tayo sa mesa" inaya na ni K

  • Dream To Be With You   Chapter 15

    Zoey is sickKinaumagahan ay nasa banyo ako at sumusuka. Kagabi pa masama ang pakiramdam ko at feeling ko ay lalagnatin ako. Pagkalabas ko galing sa banyo ay bigla akong nahilo kaya napahawak ako sa hamba ng pinto at dahan-dahan na lumakad papuntang kama at napahiga na lang ako pagkarating ko sa kama. Tiningnan ko ang oras at nanlaki ang mata ko na 7 am na."Shit! Alas-siete na" pero biglang akong nahilo nung tumayo na ako at nagsimula na naman akong masuka kaya dali-dali akong pumunta ng banyo."Zoey" pagkalabas ko ng banyo ay biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Si Manang Sally. Gustuhin ko man pagbuksan pero nahihilo na ako at feeling ko ay matutumba ako wala sa oras. Hinayaan ko na lang kumatok at bumalik sa pagkakahiga ko at nagtalukbong ng kumot."Zoey kanina pa nasa baba si Levin at baka biglang dumating si Levis nasa higaan ka pa" tawag pa ni Manang pero nakapikit pa rin ang mga mata ako at sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko.'Bakit naman kasi nakalimutan kong magp

  • Dream To Be With You   Chapter 14

    Mixed Signals"Nagpasa ka na ba ng requirements for registration" tumango ako.Bigla kasing tumawag si Tasha about my plan to apply college admissions. Wala pang alam si Sir Levis pero alam niya kung ano gusto kong course. Nagalibay na lang ako na kapag nakapag-ipon ako saka pa lamang ako babalik sa pag-aaral."Aantayin ko lang na mag-official registered and wait na lang ako sa exam" saad ko. Bali dalawang university ang inapplyan ko isa sa NEUST sa Cabanatuan at isa sa CLSU sa Munoz sa Nueva Ecija."And I wish sana makapasa ka ulit sa NEUST and sa CLSU" napangiwi ako sa sinabi niya."Pshh! Grabe naman sadyang mabilis lang yung segundo sa bawat question saka alam mo naman na gumagawa pa ako nun for research and naghahanda for defense" paliwanag ko."Oo nga pala, kailan mo ba balak sabihin kay Levis ang tungkol sa pag-alis mo?" napaiwas ako sa tanong niya."Di ko pa alam" maikling sagot ko."Zoey hangga't maaari ay masabi mo na sa kanya dahil patagal ng patagal ay nagiging malapit ka n

  • Dream To Be With You   Chapter 13

    Rivals"Levis, alam ko matagal na kayong may hidwaan dalawa pero pwede ba m*****i na kayo" napasandal na lang si Mam Lessandra sa sofa."Mom, kahit kailan di ako makikipagbati sa kanya" bumungad sa amin ang pag-aaway ng mag-ina."It's been a long time ago Levis" "Kahit na Mom, I will not forget what he did to me" bigla na lang siya tumalikod at umakyat sa taas."Grabe uy" biglang singit ni ate Odette."Ate bisaya ka ba?" Nabigla siya sa tanong ko."Ay oo taga-Naga ako eh sa Cebu" tumango ako."Ikaw ba?" "Ahh sa Mama ko taga Mandaue naman siya" sagot ko.Si Mama ay taga-Cebu siya nagkakilala lang daw sila ni Papa sa Maynila dahil dating babysitter si Mama at si Papa naman ay isang mekaniko. Nakapunta na rin ako sa Cebu nung kasal ng pinsan ko. I'm not influent to use bisaya kahit doon ako ipinanganak pero minsan naman ay natuturuan naman ako kahit papaano kaya lang di nga lang malalim na pagka-bisaya.'kaya pala iba ang pagkakaluto ni Ate Odette nung isang araw ng isda may konting bit

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status