Share

Chapter 15

last update Huling Na-update: 2023-11-04 08:00:49

Zoey is sick

Kinaumagahan ay nasa banyo ako at sumusuka. Kagabi pa masama ang pakiramdam ko at feeling ko ay lalagnatin ako. Pagkalabas ko galing sa banyo ay bigla akong nahilo kaya napahawak ako sa hamba ng pinto at dahan-dahan na lumakad papuntang kama at napahiga na lang ako pagkarating ko sa kama. Tiningnan ko ang oras at nanlaki ang mata ko na 7 am na.

"Shit! Alas-siete na" pero biglang akong nahilo nung tumayo na ako at nagsimula na naman akong masuka kaya dali-dali akong pumunta ng banyo.

"Zoey" pagkalabas ko ng banyo ay biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Si Manang Sally. Gustuhin ko man pagbuksan pero nahihilo na ako at feeling ko ay matutumba ako wala sa oras. Hinayaan ko na lang kumatok at bumalik sa pagkakahiga ko at nagtalukbong ng kumot.

"Zoey kanina pa nasa baba si Levin at baka biglang dumating si Levis nasa higaan ka pa" tawag pa ni Manang pero nakapikit pa rin ang mga mata ako at sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko.

'Bakit naman kasi nakalimutan kong magpalit ng damit' nung isang araw kasi ay kagagaling ko lang sa padalahan dahil nangutang ang magaling kong pinsan pandagdag daw sa pambili niya ng mga gamit sa school. Yung ginagamit na pang-vital signs kaya pinautang ko ito dahil ayaw niyang humingi sa magulang niya dahil marami itong binabayaran.

Naabutan ako ng ulan nung umuwi ako at buti na lang ay nakatakbo na ako papasok sa bahay. Nawala na sa isip ko na magpalit ng damit dahil binubugnot na naman ang bulinggit dahil di pinayagan ng ama na pumunta sa park dahil may bagyo raw baka abutan kami ng ulan habang naglalaro ito.

"Zoey" pagkabukas ni Manang ng pinto ay naabutan niya akong nakatalukbong ang kumot sa katawan ko.

"Zoey" tinapik niya ako pero di pa rin ako gumalaw hanggang sa nilagay na ang kamay niya sa aking ulo at leeg.

"Jusko! Nilalagnat ka" humarap ako kay Manang.

"Pasensya na po Manang" paghingi ko ng paumanhin.

"Sige na magpahinga ka na muna ako ng bahala kay Levin at magpaliwanag kay Levis" tumango ako.

"Magluluto ako ng arozcaldo at magdadala na rin ako ng gamot." Tumango na lang ako at lumabas na si Manang. Tumagilid ako at ipinikit ko ang mga mata ko.

Di ko namalayan na nakatulog na ako at nagising na lang ako dahil may nag-uusap sa labas ng kwarto ko.

"Is she really okay Manang?" Rinig kong tanong at kilala ko kung sino yun.

"Eto dinalhan ko siya ng arozcaldo at gamot para may laman yung tiyan na. Naririnig ko kasi na naduduwal siya kanina pa di ko na lang napansin baka may nakain lang siyang di maganda or sa pagkakatooth brush niya di ba kapag nililinis sa bandang tonsil ay pwedeng maduwal ang tao di ba?" Sabi ni Manang. Gustuhin ko man bumangon ay di na nakayanan ng katawan ko.

"Sige po dalhin niyo na po yan kay Zoey baka masuka na naman siya" saad ni Sir Levis.

"And then tatawagan ko si Mom para hiramin muna si Karen para may mag-alaga kay Levin habang may sakit si Zoey"

"Sige iho" binuksan na ni Manang ang pinto at naabutan niya akong nakatalukbong pa rin ang kumot sa katawan ko.

"Iha, kumain ka muna para may lakas ka" dahan-dahan akong bumangon. Nilapag sa maliit na mesa ang arozcaldo.

"Alam mo ba nung nalaman ni Levis na may lagnat ka aba'y biglang nataranta sabi sa akin tawagan ko raw yung personal doctor nila pero kinausap ko naman siya na lagnat lang yun at wala siyang dapat ikabahala. Nabanggit ko rin na baka dahil sa pagkakapagpaulan mo kahapon at di ka nagpalit agad ng damit kaya ka nilagnat" napangiti na lang ako sa kwento ni Manang.

"Sino po ang mag-aalaga kay Levin?" Biglang tanong ko.

"Tinawagan ni Levis ang mommy niya para hiramin muna si Karen" gusto ko man magprotesta ay wala na akong magawa. Di naman sa ayaw kong ipaalaga ang bata kay Karen sadyang masyadong mapang-asar lang talaga ang babaeng iyon. Parehas sila ng pinsan kong berat.

'Panigurado aasarin na naman niya ako'

***

Sinamaan ko ng tingin ang taong nasa harap ko kung kaya ko lang bumangon nasabunutan ko na siya.

"Tss! Tinatablan ka pala ng lagnat" umirap lang ako.

"Gusto mo magkaroon ka para alagaan ka ng labdilabs mo, kaya lang di ka na nakatira sa kanya" mapang-asar kong sabi. Pero biglang sumimangot ang mukha niya.

"Kung wala kang lagnat tinaklob ko na yung unan sa mukha mo!" Inis niyang sabi. Tumawa na lang ako ng mahina.

"Asan yung alaga ko?" Tanong ko.

"Tulog, gusto nga pumunta dito pero pinigilan ko baka kasi mahawa siya sayo lagot ako nito kay Sir Levis lalo ka na" natahimik na lang ako. Pero tumingin ito sa akin na nanunukso.

"Ano na naman?" Inis kong tanong.

"Grabe mag-alala yung boss mo gusto talaga ipatawag yung personal doctor nila for you" panunukso niya.

"Buti na lang ipinaliwanag ng maayos ni Manang na di naman gaanong kalala yung lagnat mo" dugtong pa niya.

Di ko alam kung paano ako mag-react sa mga sinabi nila pero masasabi ko lang ay nastress ako sa pinaggagawa at kinikilos ni Sir Levis sa akin.

"Bigla kang natahimik, di mo ba babanggitin sa pinsan mo lalo na sa pamilya mo sa Nueva Ecija na may lagnat ka" umiling ako.

"Ayokong mag-alala sila" sabi ko pero may biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Sir good morning po" napatingin ako sa orasan ko.

'11 am na pala'

"Labas muna ako" pipigilan ko sana siya pero bigla na lang siyang lumabas ng kwarto.

"How's your feeling right now?" Uupo sana ako pero pinigilan ako ni Sir Levis.

"Wag mo munang pilitin umupo baka mahilo ka na naman" wala na akong magawa kung di bumalik sa pagkakahiga.

"So, answer my question" gusto kong bumulong pero pinigilan ko lang.

'Grabe naman napakademanding! Akala naman di sasagutin yung tanong niya' sabi ko na lang sa isip ko.

"Eh okay na po ako nahihilo lang po pero di ko pa rin mapigilan na di masuka" sagot ko.

"Baka sa di mo pagkain ng lunch on time kaya ka nasusuka" mukhang napansin niya ang di ko pagkain ng lunch. Sabagay, madalas na akong 2pm na kumakain kapag tulog si Levin. Pero di naman yun ang dahilan ng pagsusuka ko

"Hindi po ganito po talaga ako kapag nilalagnat" maikli kong tugon pero nakatingin lang siya sa akin.

"Bakit po?" Napatanong na lang ako.

"I'm so worried to you Zoey" parang gusto kong pumigil sa paghinga pero baka mahalata ako at tuluyan na siyang tumawag ng doctor.

"Ok lang po ako Sir saka nakalimutan ko lang po na magpalit ng damit kahapon kaya bigla po akong nilagnat" paliwanag ko.

"Saan ka ba kasi nanggaling kahapon?" Bigla niyang tanong.

"Ahmm sa Palawan Express po nanghiram po kasi yung pinsan ko pandagdag sa gamit niya sa return demo niya." Paliwanag ko.

"Why she borrowed money to you? Di ba siya pwedeng humingi sa parents niya?" 'Tss kapag narinig yan ni Tasha ligwak ka agad sa kanya'

"Sir, parang katulad ko na po si Tasha na di po siya dumedepende sa magulang mas gusto nga po niya maging independent katulad ko. Gusto niyang magtrabaho ayaw lang po ng papa niya dahil makakaistorbo lang po sa pag-aaral niya" paliwanag ko. Bumuntong ito ng hininga.

"Okay, I understand and I'm sorry sa sinabi ko" humingi agad siya na paumanhin.

"Okay lang po Sir" ngumiti ako. Bumukas ang pintuan at nakita ko si Karen may dalang pagkain, tubig at gamot pero mas nagulat ako nang nakita ko si Levin.

"Baby, anong ginagawa mo rito baka mahawa ka" sabi ko.

"I want to see you if you feel okay  now" malungkot niyang sabi napangiti naman ako.

"Medyo di pa baby eh" pumunta ito sa tabi ng ama.

"Kumain ka na para makainom ka ng gamot" pero tumingin lang ako sa pagkain.

"Tss! Kung iniisip mo ay may nilagay akong kakaiba wag kang mag-alala wala akong nilagay diyan" tinaasan ko ito ng kilay.

"Why are you so defensive?" biglang tanong ko.

"Baka kasi ganun yung iniisip mo" sabi pa niya.

"Tinitingnan ko lang naman yung pagkain kung bakit walang kanin?" Sabi ko biglang itong binaba ang tingin at nanlaki ang mata nito.

"Ay! sorry nawala sa isip ko" napairap na lang ako. Tumawa naman ang mag-ama pero nang nilingon ko sila ay bigla itong natahimik.

"Sige ilalabas ko lang ito" pero pinigilan ko siya.

"Iwan mo na lang rito kumuha ka na lang ng kanin" saad ko kaya tumalikod na ito at lumabas na ng kwarto.

"Ngayon ko lang din napansin wala palang kanin kasama yung dinalang food for you" biglang nagsalita si Sir Levis.

"I want to stop ate Karen papunta here but dumiretso na siya eh" dagdag ni Levin. Nagtinginan na lang kami ng daddy niya at saka tumawa.

***

"Ano bang iniisip mo pati kanin ay nakalimutan mong isama?" Tanong ko. Nilalagyan niya ako ng sabaw sa kanin at sumubo na ako.

"Wala" maikling niyang tugon.

"Sus! Kahit ilang buwan palang tayo magkakilala ay kilala na kita Karen" sabi ko. Huminga ito ng malalim.

"Gusto akong pabalikin ni Sir Hance sa bahay nila kaya lang....."

"Kaya lang?"

"Kukunin niya ako as personal assistant niya" bigla akong napahinto sa pagsubo ng pagkain.

"Oh edi grab mo na yan opportunity mo na yan para makasama mo yung labdilabs mo" sabi ko pero bigla itong tumahimik.

"Tinanggihan ko yung hiling niya" nagtaka ako.

"Bakit?" Bigla kong tanong.

"Sabi ko sa kanya ay mag-aaral na ako sa August pero sabi niya ay susuportahan niya yung pag-aaral ko pero kilala mo na naman ako na ayaw kong dumedepende sa iba" paliwanag pa niya.

"Gustuhin ko man na tanggapin iyon kaya lang ayaw kong saktan ang sarili ko" dagdag pa niya.

"Dahil?"

"Alam kong may gusto siyang iba" bigla itong tumingin sa akin.

"Di ba mahal niya pa rin si Mam Hannah?" Takang tanong ko.

"Zoey, may taong nag-iiba ang nararamdaman kapag ang isang tao ay nakikita sayo ang katauhan nito" seryoso niyang sabi. Napatango na lang ako sa sinabi nito pero deep inside ay naguguluhan ako.

***

Days have passed ay medyo may sinat-sinat pa rin ako. Di ko ineexpect na aabutin ng dalawang araw ang lagnat ko.

"Naku kung di lang talaga dahil sa akin kaya ka nagkasakit isusumbong na kita kay Tita" napasimangot na lang ako.

"Tss! pasalamat ka kakasahod ko lang eh kaya napahiram kita" angil ko.

"Okay ka na ba?" pag-alala niya.

"Oo medyo may sinat pa ako" sabi ko.

"Umiinom ka ba ng gamot"  tumango ako.

"Kakatapos lang" sambit ko.

"Zoey" 

"Oh?"

"Di ka ba naguguluhan sa mga kinikilos ni Levis?"  bigla siyang napatanong.

"Naguguluhan din minsan nastress na rin ayokong bigyan ng kahulugan yung ginagawa niya akin baka masaktan lang ako" sabi ko.

"Alam mo kung ako sayo tanungin mo na si Levis tungkol diyan" nagulat ako sa sinabi niya.

"Hmm! ayoko nga" tanggi ko.

"Eh para di ka na naguguluhan sa mga kinikilos niya noh" sabi pa niya.

"Uy si Levis nandyan" lumingon ako at sinamaan ng tingin si Tasha.

"Bwisit ka eh noh" kung pwede lang pumasok sa screen sinabunutan ko na yung kausap ko sa video call.

"Eto naman di ka naman mabiro" inirapan ko na lang ito. Pero bigla itong tumahimik.

"Zoey andyan si Levis"

"Ewan ko sayo di mo na ako maloloko" sabi ko.

"Totoo nga walang halong biro o panloloko andyan nga siya"  inirapan ko na lang ulit pero nung tumagilid ako ay mukha ngang nagsasabi ng totoo ang berat dahil magkalapit na kami ng mukha.

"Sir kanina pa po kayo diyan?" gulat kong tanong.

"Kakapasok ko lang and naabutan kita na may kausap. Kakamustahan lang kita kung may lagnat ka pa rin" napaiwas na lang ako ng tingin.

"Ahh sinat na lang po Sir" sambit ko.

"You should rest Zoey para gumaling ka agad" tumango ako.

"Bumili ako ng fruits" nakita ko ang isang basket na prutas.

"Nagpabili po sa inyo si Levin" syempre ayokong maging assuming agad.

"No, I insist to buy it" napaamang ang mga labi ko.

"Sige matulog ka na" napatango na lang ako at tumalikod na huminto pa ito sa may pinto at binuksan niya na ito.

"Kyahh!" Kinuha ko ang cellphone ko at napapikit ako dahil di pa pala pinatay ni Tasha ang tawag.

"Ano ka ba?" saway ko.

"Ang sweet niya insan" napailing na lang ako.

"Sige na matulog ka na" akmang magsasalita pa ito ay pinatay ko na ang tawag.

'Tss! Manahimik ka muna ngayon' kinuha ko ang basket at may nakita akong note at kinuha ko ito.

"Get well soon and good night" napangiti na lang ako at binalik ang basket sa bedside table ko at bumalik na sa pagkakahiga.

'Di ko alam kung anong mangyayari bukas'

***

Kinabukasan ay gumaling na ako at nasa banyo ako at naliligo dahil iba na ang amoy ko. Nakakahiya pa namang bumaba at nakita nila akong ganito ang itsura ko.

"Good morning po Manang, Karen" lumingon sila sa akin.

"Uy magaling ka na ba?" Tumango ako.

"Buti naman at gumaling ka na pero di muna kita ipapahawak ng mga gawain" bigla akong napasimangot.

"Bakit naman po?" maktol kong tanong.

"Sabi ni Sir Levis nung kakagaling lang niya sa room mo kagabi." Sabi ni Karen.

"Pero....." pinigilan ako ni Manang.

"Wag nang makulit" napakamot na lang ako sa ulo.

"Doon ka muna sa sala" pinapunta ako ni Karen sa sala. Nakita ko ang mag-ama pababa ng hagdan at tumakbo sa akin si Levin.

"Mimi you're okay na" tumango ako.

"Pero bawal ka munang makipaglaro kay Mimi" napasimangot naman ang bata.

"Why po?" Biglang sumingit ang ama.

"Baka kasi biglang mabinat si Zoey kakagaling lang niya" tumango na lang ito.

"Ate Karen what's breakfast today?" pumunta sa kusina si Levin humarap naman sa akin si Sir Levis.

"Buti di ka nagpumilit na humawak ng gawain bahay" napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Eh kayo daw po ang nagsabi kaya kailangan ko pong sundin" sabi ko.

"Ayaw lang kitang mabinat" napaiwas na lang ako ng tingin.

"Did you eat the fruit I bought for you?" tumango ako.

"Yung oranges lang po" sabi ko.

"Well did you see the note inside?" Bigla akong namula.

"Why your face is so red?" napahawak ako sa pisngi bigla.

"Ahmm baka po sa init" palusot ko.

"Tara na po Sir, Zoey kakain na daw po" tumungo naman ako at nagexcuse sa kanya.

'Wag naman sanang mapansin din niya na kinikilig ako sa mga kinikilos niya. Mahirap na may pagkamarupok pa naman ako at madaling mahulog'

Kaugnay na kabanata

  • Dream To Be With You   Chapter 16

    Summer VacationTwo weeks have passed since nagkasakit ako ay mas lalo akong nastress kay Sir Levis dahil sa biglang pag-uwi nito galing taping na halos sermonan na siya ni Mam Lessandra. Paano ba naman nalaman niya na nandito si Hance sa bahay nila ay bigla itong umalis sa taping. Tumawag ang direktor kay Mam Lessandra at sinabi ay biglang umalis si Levis sa taping tinatawagan ito pero di naman sumasagot. Nalaman na lang namin na hiniram nito ang helicopter ni Diego, ang kaibigan nito sa showbiz."Anteh" nilingon ko si Keith."Bakit?" tanong ko."Matagal ko nang napapansin yan si Sir na kapag nandito si Sir Hance ay bigla na lamang uuwi rito dati rati kapag nandito si Sir Hance ay di biglang umuuwi si Levis at hinahayaan lang niya pero ngayon parang may binabakod itong si Sir" bigla itong tumingin sa akin."Oy! Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Tanong ko."Wala" umiwas ito ng tingin."Mimi where's my snack" hinila ni Levin ang damit ko."Baby, tara doon tayo sa mesa" inaya na ni K

    Huling Na-update : 2023-11-11
  • Dream To Be With You   Chapter 17

    PassedWeeks have passed ay kanyang-kanya na kaming balik sa mga trabaho at ganun pa rin naman ang eksena sa bahay. Di pa naman nagbabago si Sir Levis sa pakikitungo niya sa akin na minsan na napansin ni Mam Lessandra pero kumubit balikat na lang ako dahi di ko alam kung ano ang isasagot ko."Insan, lumabas na daw yung result nung mga nagentrance exam last month" bungad na sabi ni Tasha."Wala pa yung course ko doon" sabi ko."Di ka pa ba nagexam sa NEUST?" umiling ako."Di ko alam kung kailan magemail sa akin yung registrar ng NEUST " sagot ko."Basta wait mo na lang yung list ng nakapasa sa CLSU" tumango na lang ako."Sige tumawag lang ako at papunta na dito yung prof namin" tumango ako. Pinatay na ni Tasha ang tawag at ipinagpatuloy ko na ang paglilinis ko sa kusina. Wala ngayon si Sir Levis dahil mayroon silang tour abroad kasama ang ibang artista syempre kasama doon ang kalove team niya na si Mikylla Santos."Mimi, di pa ba tumatawag si daddy?" Umiling ako."Baka tulog pa yun dad

    Huling Na-update : 2023-12-27
  • Dream To Be With You   Chapter 18

    Trending PictureBumuntong ako ng hininga habang nakaupo sa sofa. Di ko alam kung paano ko mapapaliwanag ang lahat lalo na sa trending picture. Tumatawag ang mga kaibigan ko sa gc namin kagabi at minemention nila ako. Kahit madilim makikilala pa rin ako dahil sa bracelet ko. Buti na lang hinubad ko ito at tinago sa may maleta ko. Nasa library ang pamilyang Wattson kasama ang manager ni Sir Levis at nag-uusap kung paano ito maayos at kung ano sasabihin sa mga tao lalo na sa mga fans nila ng kalove team na si Mikylla Santos."Teh, trending kayo ni Sir Levis sa twitter" tumawag si Karen at kasama nito si Keith. "Oo nga pero inaalam pa nila kung sino kasama ni Sir Levis alangan naman umamin ako na ako yung kasama at kahawak kamay niya sa picture." Paliwanag ko."Nakita kasi namin maigi yung picture na may nakasuot sayong bracelet. Nasan yun?" Tanong ni Karen."Nasa maleta ko at ayokong ilabas yun malalaman nila na ako yung nasa picture syempre pagdududahan siya ng family niya especially

    Huling Na-update : 2024-01-30
  • Dream To Be With You   Chapter 19

    Chapter 18Meet KimberlyBigla akong namangha dahil maganda ang bahay."In fairness Sir maganda yung design ng bahay at saka mukhang nakita ko na ito dun sa mga bahay sa ibang bansa like sa London at US" sabi ko."Hmm.. para ka na rin isang engineer" namula ako pero iniwas ko baka kasi mahalata niya.“Paano niyo naman po nasabi sir?” Tanong ko.“Sa pagtingin pa lang ng bahay medyo may alam ka na” ngumiti lang ako sir.‘Kung alam niyo lang sir na yun ang kinukuha ko ngayong first year"Levin press the doorbell" binuhat niya si Levin at sinunod naman ni Levin ang daddy niya. Hinintay namin na may dumating na magbubukas."Good morning po Sir" tumango si Sir Levis."Is Kim there?" tumango ang kasambahay nung ninang ni Levin."Pasok muna po kayo tatawagin ko lang po muna si Mam Kim" tumango si Sir at pumasok na kami. Pinaupo kami sa sofa nila at nilibot ko ang paligid na napakaganda talaga ng bahay at feeling ko mamahalin yung mga gamit dito dahil parang kumikinang ang mga gamit dito."Lev

    Huling Na-update : 2024-02-10
  • Dream To Be With You   Chapter 20

    Meet KimberlyBigla akong namangha dahil maganda ang bahay."In fairness Sir maganda yung design ng bahay at saka mukhang nakita ko na ito dun sa mga bahay sa ibang bansa like sa London at US" sabi ko."Hmm.. para ka na rin isang engineer" namula ako pero iniwas ko baka kasi mahalata niya.“Paano niyo naman po nasabi sir?” Tanong ko.“Sa pagtingin pa lang ng bahay medyo may alam ka na” ngumiti lang ako sir.‘Kung alam niyo lang sir na yun ang kinukuha ko ngayong first year"Levin press the doorbell" binuhat niya si Levin at sinunod naman ni Levin ang daddy niya. Hinintay namin na may dumating na magbubukas."Good morning po Sir" tumango si Sir Levis."Is Kim there?" tumango ang kasambahay nung ninang ni Levin."Pasok muna po kayo tatawagin ko lang po muna si Mam Kim" tumango si Sir at pumasok na kami. Pinaupo kami sa sofa nila at nilibot ko ang paligid na napakaganda talaga ng bahay at feeling ko mamahalin yung mga gamit dito dahil parang kumikinang ang mga gamit dito."Levis" lumingo

    Huling Na-update : 2024-03-01
  • Dream To Be With You   Chapter 21

    Going homeAndito pa rin ako sa bahay ni Kimberly at nandito sina Mam Lessandra at Levin na nakayakap lang sa akin na parang ayaw niya akong paalisin.“I ask Mang June kung anong oras ang byahe papuntang cubao” tumango ako.“Bakit di ka na lang magpahatid hanggang sa inyo?” takang tanong ni Kim.“Ayokong mapagod yung driver sa bahay dahil pagkahatid naman sa akin saka aalis eh syempre sayang yung pagod at gasolina kaya mgcommute na lang ako” paliwanag ko.Mahirap kasi eh kung magpapahatid pa ako sa amin eh may mga chismosang kapitbahay kami baka pagkamalan ay nagtatrabaho as escort. Matatabil pa naman ang mga dila nun.“Gusto mo muna bang dumaan muna sa bahay?” Tumango ako.“Gusto ko po kasing magpaalam ng maayos” saad ko.“Tita, nandun ba ang anak mo?” Biglang tanong ni Kim.“Oo umuwi nang lasing kagabi buti naiuwi pa ni Darrien kaya ayun tulog pa hanggang ngayon” hinaplos ko ang likod ni Levin na nakatulog na sa balikat ko. “Anong oras ka aalis Zoey?” Tanong niya.“Mga 5 pm ng hapo

    Huling Na-update : 2024-03-11
  • Dream To Be With You   Prologue

    "Kailangan mo na ba talaga umuwi ng Nueva Ecija?" Di na ako nagulat sa tanong ni Ate Mandy. "Ate napag-usapan naman po namin ni Mam Lessandra tungkol rito kaya kahit mahirap po ay kinailangan ko na po bumalik saka po yung po kasi ang usapan namin ni Papa na papayagan niya po akong magtrabaho dito basta babalik po ako kapag malapit na yung next school year saka po nakapasa na po ako sa entrance exam di lang po sa NEUST kung di sa CLSU sa Muñoz po" mahabang paliwanag ko. "Eh papaano si Levin?" Umupo ako at nagiisip kung paano mapapaliwanag ang lahat. "Di ko po alam ate?" Yumuko na lang ako dahil sa sobrang gulo ng isip ko. "Ang tanong nasabi mo na ba kay Sir Levis tungkol dito" umiling ako. "Ate gustuhin ko man pong sabihin kaya lang pinigilan po ako ni Mam Lessandra sabi niya po siya na daw ang bahala" paliwanag ko. "Zoey, kailangan mo nang sabihin kay Levis ang lahat dahil alam mo naman na ayaw niya sa mga taong sinungaling palagi ko naman sinasabi sayo di ba?" tumango ako. "Ma

    Huling Na-update : 2022-12-09
  • Dream To Be With You   Chapter 1

    Working ExperiencePanlulumo, yan ang itsura ko ngayon kung sakali man makita ko ang sarili ko sa salamin. Lumabas na ang resulta ng entrance exam but I hurt deep inside because this is the last university I applied. Ang daming requirements kasi kung sa Manila ako magapply ng admission for the collage eh.Dumating ako ng bahay galing sa pinapasukan kong school this senior high school actually I already graduated and waiting the result of entrance exam in NEUST but I failed."Oh anong plano mo Zoey?" Bungad ni Mama. Sinabi ko na kay Mama ang nangyari."Hihinto muna ako pansamantala Mama" nanlaki ang mga mata ni Mama."Zoey naman pwede ka naman magapply sa ibang school" rason ng nanay ko."Ma, wala nang bukas na admission sa ibang public university, next school year pa or sa december pa." Paliwanag ko."Pero....." di ko na tinuloy magsalita si Mama."Ma, ngayon lang saka gusto ko muna magpahinga baka po mabaliw na ako nyan" seryoso kong sabi at may halong joke pero it's true naman eh. M

    Huling Na-update : 2022-12-09

Pinakabagong kabanata

  • Dream To Be With You   Chapter 21

    Going homeAndito pa rin ako sa bahay ni Kimberly at nandito sina Mam Lessandra at Levin na nakayakap lang sa akin na parang ayaw niya akong paalisin.“I ask Mang June kung anong oras ang byahe papuntang cubao” tumango ako.“Bakit di ka na lang magpahatid hanggang sa inyo?” takang tanong ni Kim.“Ayokong mapagod yung driver sa bahay dahil pagkahatid naman sa akin saka aalis eh syempre sayang yung pagod at gasolina kaya mgcommute na lang ako” paliwanag ko.Mahirap kasi eh kung magpapahatid pa ako sa amin eh may mga chismosang kapitbahay kami baka pagkamalan ay nagtatrabaho as escort. Matatabil pa naman ang mga dila nun.“Gusto mo muna bang dumaan muna sa bahay?” Tumango ako.“Gusto ko po kasing magpaalam ng maayos” saad ko.“Tita, nandun ba ang anak mo?” Biglang tanong ni Kim.“Oo umuwi nang lasing kagabi buti naiuwi pa ni Darrien kaya ayun tulog pa hanggang ngayon” hinaplos ko ang likod ni Levin na nakatulog na sa balikat ko. “Anong oras ka aalis Zoey?” Tanong niya.“Mga 5 pm ng hapo

  • Dream To Be With You   Chapter 20

    Meet KimberlyBigla akong namangha dahil maganda ang bahay."In fairness Sir maganda yung design ng bahay at saka mukhang nakita ko na ito dun sa mga bahay sa ibang bansa like sa London at US" sabi ko."Hmm.. para ka na rin isang engineer" namula ako pero iniwas ko baka kasi mahalata niya.“Paano niyo naman po nasabi sir?” Tanong ko.“Sa pagtingin pa lang ng bahay medyo may alam ka na” ngumiti lang ako sir.‘Kung alam niyo lang sir na yun ang kinukuha ko ngayong first year"Levin press the doorbell" binuhat niya si Levin at sinunod naman ni Levin ang daddy niya. Hinintay namin na may dumating na magbubukas."Good morning po Sir" tumango si Sir Levis."Is Kim there?" tumango ang kasambahay nung ninang ni Levin."Pasok muna po kayo tatawagin ko lang po muna si Mam Kim" tumango si Sir at pumasok na kami. Pinaupo kami sa sofa nila at nilibot ko ang paligid na napakaganda talaga ng bahay at feeling ko mamahalin yung mga gamit dito dahil parang kumikinang ang mga gamit dito."Levis" lumingo

  • Dream To Be With You   Chapter 19

    Chapter 18Meet KimberlyBigla akong namangha dahil maganda ang bahay."In fairness Sir maganda yung design ng bahay at saka mukhang nakita ko na ito dun sa mga bahay sa ibang bansa like sa London at US" sabi ko."Hmm.. para ka na rin isang engineer" namula ako pero iniwas ko baka kasi mahalata niya.“Paano niyo naman po nasabi sir?” Tanong ko.“Sa pagtingin pa lang ng bahay medyo may alam ka na” ngumiti lang ako sir.‘Kung alam niyo lang sir na yun ang kinukuha ko ngayong first year"Levin press the doorbell" binuhat niya si Levin at sinunod naman ni Levin ang daddy niya. Hinintay namin na may dumating na magbubukas."Good morning po Sir" tumango si Sir Levis."Is Kim there?" tumango ang kasambahay nung ninang ni Levin."Pasok muna po kayo tatawagin ko lang po muna si Mam Kim" tumango si Sir at pumasok na kami. Pinaupo kami sa sofa nila at nilibot ko ang paligid na napakaganda talaga ng bahay at feeling ko mamahalin yung mga gamit dito dahil parang kumikinang ang mga gamit dito."Lev

  • Dream To Be With You   Chapter 18

    Trending PictureBumuntong ako ng hininga habang nakaupo sa sofa. Di ko alam kung paano ko mapapaliwanag ang lahat lalo na sa trending picture. Tumatawag ang mga kaibigan ko sa gc namin kagabi at minemention nila ako. Kahit madilim makikilala pa rin ako dahil sa bracelet ko. Buti na lang hinubad ko ito at tinago sa may maleta ko. Nasa library ang pamilyang Wattson kasama ang manager ni Sir Levis at nag-uusap kung paano ito maayos at kung ano sasabihin sa mga tao lalo na sa mga fans nila ng kalove team na si Mikylla Santos."Teh, trending kayo ni Sir Levis sa twitter" tumawag si Karen at kasama nito si Keith. "Oo nga pero inaalam pa nila kung sino kasama ni Sir Levis alangan naman umamin ako na ako yung kasama at kahawak kamay niya sa picture." Paliwanag ko."Nakita kasi namin maigi yung picture na may nakasuot sayong bracelet. Nasan yun?" Tanong ni Karen."Nasa maleta ko at ayokong ilabas yun malalaman nila na ako yung nasa picture syempre pagdududahan siya ng family niya especially

  • Dream To Be With You   Chapter 17

    PassedWeeks have passed ay kanyang-kanya na kaming balik sa mga trabaho at ganun pa rin naman ang eksena sa bahay. Di pa naman nagbabago si Sir Levis sa pakikitungo niya sa akin na minsan na napansin ni Mam Lessandra pero kumubit balikat na lang ako dahi di ko alam kung ano ang isasagot ko."Insan, lumabas na daw yung result nung mga nagentrance exam last month" bungad na sabi ni Tasha."Wala pa yung course ko doon" sabi ko."Di ka pa ba nagexam sa NEUST?" umiling ako."Di ko alam kung kailan magemail sa akin yung registrar ng NEUST " sagot ko."Basta wait mo na lang yung list ng nakapasa sa CLSU" tumango na lang ako."Sige tumawag lang ako at papunta na dito yung prof namin" tumango ako. Pinatay na ni Tasha ang tawag at ipinagpatuloy ko na ang paglilinis ko sa kusina. Wala ngayon si Sir Levis dahil mayroon silang tour abroad kasama ang ibang artista syempre kasama doon ang kalove team niya na si Mikylla Santos."Mimi, di pa ba tumatawag si daddy?" Umiling ako."Baka tulog pa yun dad

  • Dream To Be With You   Chapter 16

    Summer VacationTwo weeks have passed since nagkasakit ako ay mas lalo akong nastress kay Sir Levis dahil sa biglang pag-uwi nito galing taping na halos sermonan na siya ni Mam Lessandra. Paano ba naman nalaman niya na nandito si Hance sa bahay nila ay bigla itong umalis sa taping. Tumawag ang direktor kay Mam Lessandra at sinabi ay biglang umalis si Levis sa taping tinatawagan ito pero di naman sumasagot. Nalaman na lang namin na hiniram nito ang helicopter ni Diego, ang kaibigan nito sa showbiz."Anteh" nilingon ko si Keith."Bakit?" tanong ko."Matagal ko nang napapansin yan si Sir na kapag nandito si Sir Hance ay bigla na lamang uuwi rito dati rati kapag nandito si Sir Hance ay di biglang umuuwi si Levis at hinahayaan lang niya pero ngayon parang may binabakod itong si Sir" bigla itong tumingin sa akin."Oy! Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Tanong ko."Wala" umiwas ito ng tingin."Mimi where's my snack" hinila ni Levin ang damit ko."Baby, tara doon tayo sa mesa" inaya na ni K

  • Dream To Be With You   Chapter 15

    Zoey is sickKinaumagahan ay nasa banyo ako at sumusuka. Kagabi pa masama ang pakiramdam ko at feeling ko ay lalagnatin ako. Pagkalabas ko galing sa banyo ay bigla akong nahilo kaya napahawak ako sa hamba ng pinto at dahan-dahan na lumakad papuntang kama at napahiga na lang ako pagkarating ko sa kama. Tiningnan ko ang oras at nanlaki ang mata ko na 7 am na."Shit! Alas-siete na" pero biglang akong nahilo nung tumayo na ako at nagsimula na naman akong masuka kaya dali-dali akong pumunta ng banyo."Zoey" pagkalabas ko ng banyo ay biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Si Manang Sally. Gustuhin ko man pagbuksan pero nahihilo na ako at feeling ko ay matutumba ako wala sa oras. Hinayaan ko na lang kumatok at bumalik sa pagkakahiga ko at nagtalukbong ng kumot."Zoey kanina pa nasa baba si Levin at baka biglang dumating si Levis nasa higaan ka pa" tawag pa ni Manang pero nakapikit pa rin ang mga mata ako at sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko.'Bakit naman kasi nakalimutan kong magp

  • Dream To Be With You   Chapter 14

    Mixed Signals"Nagpasa ka na ba ng requirements for registration" tumango ako.Bigla kasing tumawag si Tasha about my plan to apply college admissions. Wala pang alam si Sir Levis pero alam niya kung ano gusto kong course. Nagalibay na lang ako na kapag nakapag-ipon ako saka pa lamang ako babalik sa pag-aaral."Aantayin ko lang na mag-official registered and wait na lang ako sa exam" saad ko. Bali dalawang university ang inapplyan ko isa sa NEUST sa Cabanatuan at isa sa CLSU sa Munoz sa Nueva Ecija."And I wish sana makapasa ka ulit sa NEUST and sa CLSU" napangiwi ako sa sinabi niya."Pshh! Grabe naman sadyang mabilis lang yung segundo sa bawat question saka alam mo naman na gumagawa pa ako nun for research and naghahanda for defense" paliwanag ko."Oo nga pala, kailan mo ba balak sabihin kay Levis ang tungkol sa pag-alis mo?" napaiwas ako sa tanong niya."Di ko pa alam" maikling sagot ko."Zoey hangga't maaari ay masabi mo na sa kanya dahil patagal ng patagal ay nagiging malapit ka n

  • Dream To Be With You   Chapter 13

    Rivals"Levis, alam ko matagal na kayong may hidwaan dalawa pero pwede ba m*****i na kayo" napasandal na lang si Mam Lessandra sa sofa."Mom, kahit kailan di ako makikipagbati sa kanya" bumungad sa amin ang pag-aaway ng mag-ina."It's been a long time ago Levis" "Kahit na Mom, I will not forget what he did to me" bigla na lang siya tumalikod at umakyat sa taas."Grabe uy" biglang singit ni ate Odette."Ate bisaya ka ba?" Nabigla siya sa tanong ko."Ay oo taga-Naga ako eh sa Cebu" tumango ako."Ikaw ba?" "Ahh sa Mama ko taga Mandaue naman siya" sagot ko.Si Mama ay taga-Cebu siya nagkakilala lang daw sila ni Papa sa Maynila dahil dating babysitter si Mama at si Papa naman ay isang mekaniko. Nakapunta na rin ako sa Cebu nung kasal ng pinsan ko. I'm not influent to use bisaya kahit doon ako ipinanganak pero minsan naman ay natuturuan naman ako kahit papaano kaya lang di nga lang malalim na pagka-bisaya.'kaya pala iba ang pagkakaluto ni Ate Odette nung isang araw ng isda may konting bit

DMCA.com Protection Status