Nang marinig ni Marco sa kabilang linya si Hiraya ay agad itong nagpaalam kay Reyko at mabilis na binaba ang telepono. Agad na ibinulsa ni Reyko ang cellphone, sinulyapan lamang si Hiraya at hindi man lang nagsalita."Bakit?" Lumapit si Hiraya sa lalaki at tinitigan siya. Halos pigilan nito ang emosyon sa harap ng lalaki. "Dahil ba nakipagkita ako sa kanya ngayon?"Tiningnan ni Reyko ang asawa, "Oo, at ayoko siyang nakikita siya sa Manila. May problema ba roon?” Nang marinig ni Hiraya ang sinabi niya ay tumawa ito ng mahina. "Ayaw mo siyang makita, o ayaw mo akong makipagkita sa kanya? Mr. Takahashi, ang possessive mo naman! Napakaseloso mo talagang asawa.”"Curious lang ako, ganyan ka rin ba ka-possessive kay Andrea?" Napangisi ang babae habang tinatanong iyon. "Kapag nalaman mo bang may iba na si Andrea… Gagawin mo rin ba ang lahat para saktan ang lalaking kasama niya?” Napangisi lamang si Reyko, nandilim ang mga mata niya at inangat ang baba ni Hiraya, "Hindi naman siya ikaw, h
"Tama, litrato ‘yan ni Andrea," mahinahong sabi ni Mayumi, saka inabot ang tasa ng kape sa mesa at dahan-dahang hinahalo iyon, "Kilala mo ba ang lalaki sa litrato? Parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko talaga siya matukoy at maalala... Sayang nga lang at mahigit ilang buwan na ang nakalipas ang mga litratong iyan. Sa tingin ko wala na siya sa Italy ngayon." Humigop si Andrea ng kape at saka nagpatuloy, "Alam mo ba mayroon ding mga taong naghahanap sa kanya."Tiningnan ni Hiraya ang lahat ng litrato. Nawala na ang gulat sa kanyang mukha at kalmadong nagsalita, “Ang mga tauhan 'yan ni Marco.""Si Marco? Ang pinsan ni Reyko na businessman din? Bakit niya hinahanap si Andrea? May lihim din ba siyang pagtingin sa babaeng iyon?" Napataas ng kilay si Mayumi. Bigla niyang natampal ang kanyang noo saka nagsalita. “Hay naku. Paano ko nga ba nakalimutan na magpinsan pala sila gagong iyon, siguradong tinutulungan ni Marco si Reyko, tama?""Kung ganoon, siguradong makikita rin ni Reyko ang mg
Sa opisina ni Reyko. Si Assistant Green ay naroon sa loob ng silid at hindi man lang huminga habang katabi nito ang amo. Gusto lang naman nitong dalhin ang mga dokumento at papeles para pirmahan ng doktor ngunit sakto namang naabutan niya na kausap nito ang asawa at tila ba nag-aaway ang dalawa. Kitang-kita ng binata na sobrang galit na galit ito. Humangos ng malalim si Assistant Green, handa na sana iabot ang dokumento sa amo subalit nakita niyang tumalikod ang lalaki at binagsak ang cellphone sa mesa. "Talagang hinahamon na ako ng babaeng iyong!"Natahimik si Green, sa isip-isip ng lalaki, hindi naman ito hinahamon ng madam kung ‘di talagang nagbago lang ang boss niya. Sa loob ng mahigit isang taong pagsasama nila, ni isang beses ay hindi man lang ito nagpakita ng kabaitan sa asawa, palagit nitong sinasabi na, nakakairita at maingay palagi ang asawa. Tao nga namang ito wala talagang kabaitan sa katawan. Pero syempre sa isip lang niya iyon at baka mapatalsik pa siya bilang assista
Okay na sana ang eksena, mukhang maganda ang mood nila sa isa’t-isa nang mag-ring ang cellphone ni Reyko.. Agad namang kinuha ng lalaki ang cellphone nito at sinagot. Narinig nila ang nagmamadaling boses ni Marco sa kabilang linya, “Reyko, may balita na tungkol kay Andrea!"Kitang-kita ni Hiraya ang bahagyang paninigas ng katawan ng lalaki. Bumaling ang tingin nito sa kanya at hindi sumagot.Muli pang nagsalita si Marco, "Nakikinig ka ba? May balita na tungkol kay Andrea. May nakakita sa kanya sa malapit sa Ospital mo. Kung hindi ka pupunta ngayon, baka mawala na naman siya. Ikaw na ang bahalang maghanap sa kanya, hindi na kita tutulungan pa."Nanlamig ang likod ni Hiraya saka ngumiti nang mapait. Sana hindi niya na lang narinig ang sinabi ni Marco.Pero hindi naman siya bingi. Maganda pa at malakas ang pandinig niya."Ipadala mo sa akin ang address, pupunta ako agad." Ibinaba ni Reyko ang tawag, tiningnan si Hiraya na puno ng pag aalala at pagmamadali, "Hindi ba dapat kakain kayo ni
Agad na pinaharurot ng lalaki ang kotse papunta sa flyover. Nakakunot lamang ang noo ni Hiraya habang nakakuyom ang kamao na nakapatong sa tuhod niya. Mahina siyang nagsalita, "Wala akong kinalaman sa nangyari kay Mayari. Kung gusto mong maghiganti, dapat ang asawa ko ang hanapin mo, hindi ako. Inuulit ko wala akong kasalanan."Napalingon siya sa lalaki at nagpatuloy, "At isa pa worth it ba itong ginagawa mo para sa babaeng hindi ka naman pala mahal?"Humigpit ang hawak ni Hiraya sa kanyang damit. Bakit ba siya ang dapat na magdusa sa kasalanan ni Reyko?"Walang kang kasalanan?" sarkastikong tumawa ang lalaki, "Asawa mo ang lalaking iyon! Tapos sasabihin mong wala kang kasalanan? Mrs. Takahashi, kailangan ko pa bang ipaalala sa’yo ang lahat ng mga ginawa mo sa mga babae ng asawa mo??""Ginawa ko?" Napapikit ng mariin si Hiraya, "Wala akong sinaktan o tinapakang tao. Ni hindi ko nga sila tinatakot, kusa silang umaalis. Binibigyan ko pa nga sila ng pera na galing sa aking asawa para hi
Gulong-gulo ang isip ni Hiraya sa mga oras na iyon. Napatingin si Rhob sa lalaking walang malay sa loob ng driver's seat at ang kotse nito ay nakaharang sa gitna ng kalsada hindi na rin umaandar. Kinuha ng lalaki ang kanyang cellphone para tumawag ng ibang sasakyan! Mayamaya ay biglang may masangsang na amoy, tumutulo na pala ang gasolina sa kotse ni Rhob at bigla silang nakakita ng ng apoy. Isang malakas na pagsabog ang narinig nila. Biglang lumaki ang apoy kung kaya’t walang pag-aalinlangang niyakap ni Rhob si Hiraya. Halos mabingi sila sa pagsabog ng kotse at ang apoy at usok ay kumalahat sa kalangitan. Dahil sa banggaan ng dalawang kotse sa elevated highway, sobrang naging traffic ang kalsada kaya hindi makausad ang mga police car papunta sa lugar ng insidente.Nang marinig ni Mayumi ang pagsabog habang nakasakay sa police car, nakaramdam siya ng takot, agad na bumaba ng sasakyan at tumakbo. Nang makarating siya sa insentende, bumungad sa kaniya si Rhob na punong-puno ng dugo a
Hatinggabi na nang makabalik si Reyko sa mansyon. Nagulat ang mga katulong nang makita siyang bumalik nang hindi kasama ang asawang Hiraya. Medyo nag-aalala na rin ang ekspresyon ng mga katulong, "Sir, hindi niyo po ba kasama si Madam?"Napataas ng kilay si Reyko sa sinabi ng katulong. Sa katunayan, kanina pa siya balisa dahil hindi niya mahanap si Andrea at nang marinig niyang hindi pa bumabalik si Hiraya, mas lalo siyang napabusangot, "Hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon?"Umiling ang katulong, "Akala po namin magkasama kayo ni Madam..."Kinuha ni Reyko ang kanyang telepono para tawagan si Hiraya, pero naka-off na ito. Nandilim ang kanyang mga mata at mabilis na lumabas upang pumunta ulit sa kanyang kotse. Pagkaupo niya sa driver's seat ay tumawag siya kay Assistant Green."Boss, naaksidente po si Madam!"Napamura si Reyko at mabilis na pinaandar ang itim na Sedan sa highway. Mariing humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela kung kaya’t nagsilitawan ang mga ugat sa likod ng kan
Siguro’y nalaman ni Reyko ang lahat nangyari sa assistant nito. Kung hindi dahil kay Rhob, baka isa na siyang bangkay ngayon o kaya naman ay na-rape na siya ng lalaking iyon. "Pinahanap ko na ang lalaking iyon kay Marco. Huwag kang mag-alala, gagawin natin ang lahat para makulong ang lalaking iyon sa bilangguan."Malamig na tumingin si Hiraya sa asawa at napangiti ng mapait, "Patay na siya, ano pa bang gusto mong gawin, Mr. Takahashi? Baka naman gusto mong pahirapan din ang pamilya niya gaya ng ginawa mo sa akin noon?"Napailing si Hiraya sa lalaki. “Huwag mo ng gawin, maging mabait ka na lang for once. Inosente ang pamilya ng lalaking iyon…” Biglang naalala ni Hiraya ang batang babaeng umiiyak kanina. Napakuyom siya ng kamao at huminga ng malalim. "Sa huli, ikaw naman ang dahilan kung bakit nangyari iyon."Dumilim ang mga mata ni Reyko, matagal na tumitig ang lalaki sa kanya. Napahawak na lamang ito sa batok at nagsalita. "Magpapasuri ka ulit sa doktor mamaya pagkatapos noon ay u
Agad namang inasikaso ni Rhob ang discharge papers ni Hiraya, kumuha rin siya ng gamot at handa na ring umalis. Pero pagkalabas pa lang nila ng pinto ng ward ay may lumapit na pigura sa kanila. Si Reyko ang lalaking iyon. Sa isip-isip ni Reyo, ilang minuto lang siyang nawala ngunit ma-di-discharge na agad si Hiraya? Siya ang asawa ngunit bakit hindi man lang siya sinabihan nito? Pinapunta pa talaga ng asawa niya si Rhob para asikasuhin ang papeles? Napahangos siya ng malalim at akmang hahawakan na sana si Hiraya nang bigla siyang pinigilan ni Rhob. Punong-puno ng tensyon ang paligid sa mga oras na iyon. Dumilim at tumawa ng pagalit si Reyko sa lalaki, "Dr. Rhob, saan mo balak dalhin ang asawa ko, ni hindi ka man lang nagpaalam sa akin?""Tapos na siyang obserbahan ng doktor at pwede na rin siyang lumabas ng ospital. Ihahatid ko na siya pauwi,” malamig na sagot ni Rhob."Oh, ganun ba? Kung gano’n, hindi pala okay ang ospital na ito? Kahit walang pahintulot ng pamilya, basta-basta n