(Monina POV)
“Bakit ayaw mong magsalita laban kay Cedrick?” Tanong kaagad nito na kasama nga si Atty. Abraca.
“Tinutulungan kita.”
Sige, lumapit ka pa Matt sa akin.
Mapait akong ngumiti sa kanya. Alam kong ang may chansang magsinungaling sa pagitan ni Cedrick at Matt, ay ito.
“Bakit mo tinatangihan?” Ikinalapit na nito nang tuluyan sa akin.
At bilang tugon sa tanong niya… isang sampal ang inabot ko. Nanginig ako sa ginawa ko. Ngunit sa inis ko lalo sa kanya, pinaulanan ko na ito nang hampas.
“Ang sama mo! Ang sama mo!”
Pinigilan ako nang mga kapatid ko. Wala akong paki-alam sa mga taong nakatitig sa amin. Hangang si Atty. Abraca na din ang nagpagitna sa amin.
Hinawakan ni Matt ang pisngi niya na sinampal ko. Napatitig sa akin at ngumisi ito.
Demonyo nga din siya. Nalaglag na ang maskara
(Secretary Lee POV)“Tss.” Yun na lamang ang narinig ko sa kabilang linya bago niya ibaba.Tinawagan ko na din si Rhio para nga maagapan ang pagdating ng mga pulis sa lugar. maging alerto sila. Lalo na nagmumukhang inosente si Haiden sa nangyayari. Nagmumukha pa tuloy na ito ang bayani ng magkakapatid.Nakasunod lang ako sa mga pulis.Bago pa man nga nila inaresto si Master Cedrick, muli kaming nagharap ng Hepe. Impossible na magpapigil siya, kaya wala nga kaming nagawa kundi inaresto si Master Cedrick. Pinusasan ito sa harapan ng maraming kamera na siyang agad nalaman ng mga taga media.Naging maingay nga sa tenga nang mga tao ang tungkol sa pag-aaresto ng ganito kay Master Cedrick. Natitiyak kong mas uulan ang mga taga-media mamaya.Nang makarating kami sa prisinto, inabala na nang mga ilan naming mga tauhan ang mga tag media na gusto ngang malaman kung ano ang nangyayari. Mas makakabuti na di muna maki-a
(Secretary Lee POV)“May nangyari ba sa inyo na di maganda?”“Ma, nasa kalagitnaan po ako nang. trabaho ko nga—.” Natigilan ako dahil parang may naririnig ako na…“Sige na Ma.” na siyang ibinaba ko. Hinahanap ang boses kung saan nagmumula. Parang merong sinasakal na di makasigaw.Dugo… Mga patak nang dugo.Sinundan ko ang mangilan-ngilan na patak nang dugo. Hangang sa hinatid ako nito sa tambakan nang basurahan. Gumalaw ang nakasarang container. Di na ako nagdalawang isip na buksan ito.Ngunit… ang bumungad sa akin…Ang pilit na sumisigaw na si Mitchelle ngunit di makawala ang boses niya dahil sa ducktape na ginamit para isara ang bibig niya.Daglian ko siyang inilabas sa container.Ngunit nang mailabas ko at inalis ang tape sa bibig nito…“Mike…” mahina niyang nabangit ang pangalan ko. Tumulo na sa p
(Secretary Lee POV)Walang magawa ang mga pulis sa nangyayari dahil hinarang na ito ng mga tauhan ni Master Cedrick.Ngunit nagsidatingan ang mga tauhan ni Haiden at rambulan na nga ang nangyayari. Di na rin napaawat si Rhio sa ginagawa niya. Nagkakagulo na ang boung lugar. Sa gigil ko din kay Haiden, natitiyak kong Masisira ang mukha niya sa akin!Kaya bumagsak ulit ito sa sahig na duguan na nga ang pagmumukha niya. bakit di niya gamitin ang kamao niya? Tss!Nagulat na lamang ako ng pigilan niya ang kamay ko. Saka itinulak ako. Aba, lalaban na siya. Wala kaming paki-alam kung wala nga kami sa sarili naming territoryo!Bago pa man nga makatayo si Haiden, bumagsak ulit ito dahil kay Master Cedrick.Sa gigil ni Master Cedrick, hinila nito ang kwelyo at ginulpi nang kanyang kamao ang mukha ni Haiden. Na ni minsan di ko ito nakitang ginamit ang kamao niya.Pinigilan na siya nang ilang Pulis, saka naman ako nagulat dahil m
(Monina POV)“Ate!”Tumango ako sa kanilang dalawa.“Deserve natin magkaroon nang normal at tahimik na buhay. Wala nang sino man sa atin ang mangugulo. Oo, parang sinasabi ko lang sa inyo na talikuran natin na mabigyan nang hustisya ang pagkamatay ni Carolina. Dahil wala naman tayong kalaban-laban sa kanila.” Yun ang katotohanan na kailangan nila malaman.“Ate, handa tayong pakingan nang autoridad.” Umiling ako.“Alam niyo ba kung bakit ito nangyayari sa atin? Si Papa. Oo si Papa, pagkatapos niya mag-ala bayani noon. Heto yung nangyayari sa buhay natin. Tapos nang lumaon nga nakalimutan ang kabayanihan niyang ginawa. Ano ngayon? Siya pa yung nasa panganib at tayo, dahil nga pinabayaan lang tayo nang ganito!” na siyang nahihilo na naman ako.“Ate.”“Hayaan niyo na ang kapatid niyo magpahinga.” si Matt.Nagkatitiga
(Monina POV)“Saan mo kami dadalhin Rhoa?” huling tanong ko sa kanya. Ngunit di man lang niya ako sinagot.Hangang sa itinigil ni Rhoa sa isang tahimik na kalsada ang sasakyan. Gabi na. Di ko namalayan ang takbo ng oras. Napakarami ng nangyari ngayon.“Ginagawa ko lang ang huling utos ni Master Cedrick para sayo Monina.”Napabuntong-hininga ako. Sinubukan ko ngang buksan ang pinto nang sasakyan. Bukas naman. Ibig lang sabihin nito, hangang dito na nga lang ang tungkol sa amin ni Cedrick.Lumabas na ako na siyang ikinasunod nang dalawa kong kapatid.Binuksan ni Rhoa ang bintana nang sasakyan.“Huling araw na ata kita makikita, diba Monina?” Tumango ako.“Ikaklaro ko lang sayo. Walang kinalaman si Master Cedrick kung ano pa ang mangyayari sa inyo simula ngayon. Bukas ililibing ang kapatid niyo sa himlayan nang inyong ina. May susundo sa inyo. Yun na lang d
(Monina POV)Bakit parang bigla ako dito yung naging masamang kapatid?Bakit parang ako pa itong naging masama sa harapan nang dalawa kong kapatid? Gusto ko lang naman sagipin ang buhay nila.Sumusobra na ba ako?Mali ba ang ginagawa ko?Sila nga ang iniisip ko diba?!Inihakbang ko ang aking mga paa para sundan sila. Nagmamadali para mahabol sila. Nang biglang suminag sa aking paningin ang maliwanag na ilaw ng sasakyan. Kaya napapikit ako.Sa aking pagmulat, halos mawala ang isipan ko sa katinuan. Parang nanaginip lang ako. Binabangungot na siyang parang parusa sa akin. Kung bangungot man ito… Kung maari lang gisingin niyo na ako!“Catriona! Caroline!” siyang sigaw ko na ikinatakbo nang aking mga paa dahil nakahandusay sa kalsada ang mga kapatid ko!Nanginginig ang katawan ko. HINDI! GUSTO KO NA TALAGANG MAGISING SA BANGUNGOT NA ITO! DI ITO MAARI!(Vanessa POV)
(Vanessa POV)Pinangatawan ko ang maging ina sa bata. Pinakita ko sa lahat na meron nga akong ginintuang puso.Pero… napamulat ako sa katotohanan kung paano kumilos ang mundong ito. Unti -unting naging bato ang puso ko. Lalo na nang mabalitaan ko na tuluyan na ngang nakalimutan ata ni Cedrick kung sino ako sa buhay niya.Kaya isang araw nagpakita na ako sa kanya. Saka di na nga maganda ang nangyayari kay Adrian.Noong makita ko ulit siya personal nakaramdam ako nang panghihinayang. Dahil siguro sa babaeng umaaligid sa kanya.Pinatagal ko pa nang sampung taon bago ko simulan ang laro ko kay Cedrick. Anong binabalak ko noon?Tss.Hahanapin niya ako? At kapag nalaman niyang buhay ako, mananabik siyang makita ulit ako. Diba? Plano na makukuha ko sana ang puso ni Cedrick. Pero… sira ulo din pala ako.Tanga.Ako ang mawawalan dahil sa ginagawa ko.Lumayo ako sa kanya at iti
(Monina POV)Umulan nang malakas habang sinusubukan kong tawagin ang mga pangalan ng kapatid ko. Pinapaligiran na ako ngayon ng mga tao. Yakap-yakap ko ang duguang ulo ng kapatid ko.Hayop ang gumawa nito sa kanila!Namalayan ko na lang may tumayo sa akin. Pumapalag pa ako ng damputin nga ang katawan ng mga kapatid ko. Siyang may yumakap sa akin at nakilala ko ang boses nito.“Di… di ko iha alam ang sasabihin ko sayo….” Si Tiya Linda.“Di ko alam.”“Sabihin niyo sa akin, panaginip lang ang lahat ng to. Please lang po!” Saka niyakap ako nito nang mahigpit.(Cedrick POV)Tuluyan na nila akong ikinulong sa selda. Alam kong oras lang ang kailangan nila para ipakita sa publiko na gumagana parin ang pantay na pagtingin ng gobyerno sa mga tao. Pero hindi. Alam kong malaki ang perang ipi