(Monina POV)
Hangang sa may nagdatingan na ilang tao. Yung ka-mundo din ni Cedrick na mapapayuko na lamang ang mga empleyado nila.
Bakit kasi merong tatsulok sa mundong ito? Yung mapepera lang ang mapagbibigyan.
“Anong problema?” ng umangat ang paningin ko. Napapikit na lang ulit ako. Sinasabi ko sa inyo na talagang sakit sa ulo ang mga lalaking nakasalo ng pagiging perpekto ng kagandahan. Wala akong oras sa kanila.
Di ko rin alam kung ako ba ang tinatanong niya.
“Doctor Haiden, gusto niya matignan ang mga nakuha ng CCTV footage.”
“Hmmm. Anong problema doon? May hinahanap ka ba Miss? Help her kung ano man ang kailangan niya.” na di ko pinansin ang tanong nito. Pero talagang hulog ata siya ni Papa God sa akin.
Tumalikod na ito matapos tignan ang binigay na folder saka sinundan ng mga tauhan niya. Doctor din siya? Yung lalaking bumili ng condom, saka nakasalubong ko noong isang araw n
(Secretary Lee POV)Malinaw ang sinabi ni Master Cedrick na wag ko nang babangitin ang tungkol kay Miss Monina.Nag-away ba ang dalawa? Possible dahil nga napasugod sa hospital si Monina at ang hanap niya ang kanyang ama. Sinabi ata ni Master Cedrick ang totoo kay Miss Monina. Napabuntong hininga ako.Kung yun nga ang desisyon na tuluyan nitong bitiwan at ayos lang kay Miss Monina. Di naman nga sila pinipilit.Ngunit di ko inaasahan ang madaratnan namin ni Monina. Naliligo sa dugo ang kanyang ama. Tatawagan ko na sana si Master Cedrick, ngunit may binitiwan na itong mga salita. Wag na wag kong mababangit ang pangalan ni Miss Monina.Anong gagawin ko?Tuluyan kong nabitiwan ang phone ko. Nang mawalan nga ng malay si Miss Monina. Naramdaman ito ng kanyang ama. Sinubukan naming lumapit ngunit para itong asong ulol na nagsasalitang di namin maintindihan.May masamang nangyari dito. Pinaglaruan ito kung sino mang dem
(Secretary Lee POV)“Nadadamay ang aking ama ng dahil sa trahedya noon?! Tapos ngayon, ito na naman ang ginawa nila?! Si Cedrick ang may kasalanan. Marami siyang kaaway.”“Miss Monina, dyan ka nagkakamali. Walang kaaway ang pamilyang Wu. Kaya nga tumagal ng sampung taon ang pag-iimbestiga tungkol sa aksidente. Nahihirapan kami ituro kung sino ba ang may gawa nito sa pamilyang Wu. Isipin mo, maraming namatay noon. Halos lahat innosente. Noong una, akala namin tungkol sa negosyo. Ngunit hindi.”“Mike, anong ibig mong sabihin?”“Sa ngayon pag-aaralan ko Miss Monina.”“Hindi. Di ako naniniwala.”“Miss Monina, wala kayong magagawa. Your father is the only witness na hinahanap namin. Sa ayaw mo man o hindi, kailangan ninyong lumipat sa secure na lugar. At ilalayo namin sa inyo ang iyong ama. Gaya ng sinabi ko kailangan ng Medical expert para nga bumalik kung ano man
(Secretary Lee POV)Tiyak liliyab ang loob nito kapag nalaman na, nadamay lang ang kasalan nila noon ng dahil kay Mister Alvarez. Walang kinalaman ang pamilyang Wu, at ang kasalan na nangyari. Target nila, ang ama ni Miss Monina. Sadista ang gumawa nito. Ang masayang araw, gustong gawing madugo.“Sa ngayon Master Cedrick, inilipat namin sa Wu medical facility si Mister Alvarez. Habang ang pamilya niya, si Miss Monina sa isang safe house. Nagpadala na din ako ng bantay para sa mga kapatid nito. Sa nakikita ko kasi binabalikan sila ng sindikato.”“Good. Kailangan natin ang ama ni Monina para masagutan ang nangyari noon.”“Master Cedrick.”Kailangan ko itong sabihin sa kanya. Di ko alam kung magbabago ba ang turing nito kay Miss Monina.“Nasagutan na ang tanong sa nangyari noon. Kaya nga natagalan akong bumalik. Nag-usap-usap kami ng ilang nag-aaral sa mga nangyari noon. Walang kinalaman
(Monina POV)“Sa tingin ninyo anong oras makakalabas ng gusali ang mga kapatid mo?”“Di ko alam. Bakit di nila ako kinukontact? Makakatikim sila sa akin.”“Kung wala pa silang respond, mapipilitan ang mga tauhan ko na pumasok para kunin sila. Di kayo ligtas ngayon Miss Monina. Malaking sindikato ang nasa likuran ng inyong ama.” Napabuntong hininga ako.Dahil kung wala itong tulong, siguradong mababalisa ako kung paano nga mapo-protektahan ang pamilya ko. Kaya nga kailangan kong humarap sa may sayad na si Cedrick.Kinakabahan na ako ng bumaba sa sasakyan. Heto na naman ako sa pamamahay niya. Sa ngayon, siya itong handang tumulong sa akin. Tulong na di ko matatangihan.Hinatid ako ni Mike mag-isa sa dalampasigan. Ibig lang sabihin wala si Cedrick sa loob ng pamamahay nito.Ano nga ba ang sasabihin ko sa kanya?Di nga kalayuan nakita ko yung alaga niyang lion. Nili
(Monina POV)“As you wish Master Cedrick.” na nilisan nga kami ng dalawa. Si Rhoa nakatayo lamang. Naramdaman ko na lamang itinapon sa akin ni Cedrick ang twalya.“Make her ready.” na siyang utos nito kay Rhoa. Saka tumalikod na sa amin. Hinahabol ng kayabangan niya. Okey lang dahil may kakayanan naman siyang magyabang. Habang ako, wala naman diba?Umiyak lang ako. Naghihintay si Rhoa sa akin. Hinayaan lang ako. Hangang sa…“Oo Miss Monina, kailangan mong ubusin ang luha mo. Dahil ayaw ni Master Cedrick ng iyakin.” Di na ako tumugon. Napayakap ako sa twalyang inihagis sa akin kanina ni Cedrick. Na sa tingin ko nga, ako talaga ang mayroong malaking kasalanan.Kasalanan ko ba talaga?Bakit? Kasalanan bang tumulong si Papa sa mga nangailangan ng tulong noon?Diyos ko po. Di ko alam kung ano itong pinasok ko. Ngunit kailangan kong pangatawan ang sinabi kong kapalit kay Cedrick. Gag
(Carolina POV)“Haist! Tsk. Porque ba ang ganda mo.”“Oy! Magkakamukha lang tayo. Lamang lang ako ng isang paligo. Uwi na tayo. Miss ko na si Ate Monina. Di man lang tayo hinatid hangang bahay. Kailangan pa natin maglakad.”“Naubos yung allowance natin sa mga pamasahe at make-up kit na binili natin, for that audition lang. Tapos di man lang pumayag si Ate Monina. Hay naku. Di tayo sisikat niyan kapag ganyan si Ate. Hinawaan na ni Papa.”“Sumasakit na ang sikmura ko. Di man lang tayo pinakain muna. Hay naku. Pareho lang ata ang mga bangungot natin. Triplet talaga tayo.”“Hahaha. Tumakas pa tayo sa last subject natin. Kailangan natin buma—.”Natigilan kami sa kakadaldal dahil, may mga sasakyan na nagsisulputan sa harapan namin. Halos masira ang mata ko sa ilaw. Nakakasilaw. Gabi na kasi.Tipong ito ata ang nababagay na spotlight sa amin. Nagsilabasan ang
(Monina POV)Medyo nilalamig ako, ngunit dahil ngamay ka-abnormalan ang ilan kong nerves, di masyadong apektado.Nang pumasok ako dito, kinumpiska ni Rhoa ang mga gamit ko. Kailangan ko sumunod dahil yun ang palantuntunan sa bahay na ito. Wala na akong exception. Since di ko alam kung saan nga ba ako pumayag sa gustong mangyari ni Cedrick.Sinundan ko ang liwanag ng buwan. Sinubukan buksan ang pinto na bukas nga ito. Sa aking paglabas. Sinalubong ako ng totoong hangin ng dagat. Nilipad ang buhok ko.Sa may railings ako napakapit saka pinagmamasdan ang boung lugar. Anino lang ng mga puno ang makikita mo saka ang dagat na kala mo kalmado.Sobra akong nag-aalala sa mga kapatid ko at kay Papa. Niyayapos ako ngayon ng takot.“Still crying?” Halos malaglag ang puso ko. Mag-eemot na sana ako. Saka nga naramdaman ko na lang may shawl na ipinulupot sa aking leeg. Si Cedrick.Kanya ang shawl, at parang kung sa
(Monina POV)Binitiwan nito ang kamay ko.“Make sure na babalik ka. Marami tayong kailangan pag-usapan.”“Matutulog na ako. Since okey na din mga kapatid ko.”“Wag mo akong iiwasan. May binitiwan kang salita sa akin.”“Hindi ah. Bukas na lang tayo mag-usap.”“Ganito. Kapag umakyat ako sa silid mo mamaya na di ka pa tulog, alam mo ang mangyayari.” babala nito sa akin. Napatango na lamang ako, at patakbo ngang pumasok.Yung ihi ko, wala naman talaga. Best actress lang naman ako. Napadive sa higaan, saka pilit na ipinikit ang mga mata ko. Ngunit pati sa aking pagpikit… Siya parin ang nakikita ko. Puso ko na kumakabog. Feeling ko tuloy magkakasakit na ata ako sa puso.Ano ba itong nararamdaman ko? Sadya talagang may mali.Nagpagulong-gulong ako sa higaan. Nakatitig sa orasan. Nakatulala na di ko talaga alam ang gagawin sa sarili