NAPUTOL ang pag-uusap ng dalawang babae nang tumawag si Chris."Sandali lang at sasagutin ko lang 'to," ani Shiela saka bahagyang lumayo. "Hello?" aniya sa kabilang linya."Palabas na kami sa airport," pahayag ni Chris."Talaga? Sige, pauwi na rin ako.""Bakit, nasa'n ka ba ngayon?""May binili lang para sa lulutuin ko mamaya pagdating niyo," ani Shiela saka nilingon si Tanya na matiyagang naghihintay. "Sige, ibababa ko na 'to."Matapos ay binalikan niya ang dalaga. "Pasensya ka na, a, pero kailangan ko na kasing umalis.""Ang asawa mo ba 'yung tumawag?" ani Tanya at tumango naman ito kaya tumayo na siya sa kinauupuan. "Ayos lang, nag-enjoy rin naman akong kausap ka."Bago umalis ay hiningi muna ni Tanya ang cellphone number ni Shiela. "Salamat ulit sa time." Saka ito tuluyang umalis.Matapos makitang papalayo ang dalaga ay umalis na rin si Shiela.Makalipas ang ilang minuto nang marating niya ang apartment. Mabilis na inasikaso ang pinamili.Ilang sandali lang din ay may kumakatok na
KAHIT nakauwi na sina Tanya ay Claire ay hindi pa rin maalis sa isipan ng matanda ang tungkol kay Shiela.Bumabagabag talaga sa kanya ito. Lalo na nang sabihin ng alaga na magkahawig ang dalawa. Saka lang din niya napagtanto na magkamukha nga nga dalawa, ayaw lang niyang aminin.Dumiretso siya sa kusina, inalis ang labis na pag-iisip upang tumulong sa mga kasamahang katulong na naghahanda na para sa hapunan. Matapos maisaayos ang hapagkainan ay umakyat naman siya sa ikalawang palapag ng mansion upang puntahan ang alaga at sabihing nakahanda na ang pagkain.Kumatok din siya sa pinto ng Madam nilang si Evelyn, ang Ina ni Tanya."Madam, nakahanda na po ang hapunan," aniya habang kumakatok sa pinto.Ilang sandali pa ay bumukas naman at humarap ito. "Si Rolan ba dumating na?""Hindi pa po nakakauwi si Sir, Madam."Tumango lang si Evelyn. "Mamaya na lang ako bababa kung nandiyan na siya.""Okay po, Madam." Aalis na sana si Claire nang biglang maisip si Shiela. "Ay, Madam. Kanina nga po pala
TUMAWAG si Tanya upang may makausap sa gabing iyon. Gusto rin kasi niyang ikuwento kay Shiela ang mga ginawa niya sa araw na iyon.Ngunit si Chris ang nakasagot, "Hello, sino 'to?""Hello, pwede kay Shiela?"Nang marinig ang boses ng babae sa kabilang linya ay bahagyang pinagaan ni Chris ang tono ng boses. "Anong kailangan mo sa kanya?""Ikaw ba ang asawa ni Shiela?" balik tanong ni Tanya saka nagpakilala.Napalingon si Chris sa asawa dahil hindi niya akalaing babanggitin siya ni Shiela sa ibang tao. "Ako nga, katrabaho ka ba niya sa pastries shop?""Hindi, pero kaibigan niya ko. Pwedeng pakausap sa kanya? Ay, wait. Natutulog na ba siya?""Nagpapahinga siya ngayon at wala siyang tulog mula pa kagabi.""Ha? bakit, anong nangyari?"Napaisip si Chris kung dapat niya bang sabihin dito ang totoo. Pero dahil nahihimigan naman niya ang concern sa nito ay sinabi na rin niya ang nangyari."Sa'ng ospital? Pwede pa ba 'kong dumalaw?" ani Tanya.Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Chris dahil hindi
HUDYAT na iyon ni Claire na um-exit para makapag-usap ang mag-asawa. Kahit naiwan na ang dalawa ay wala ni isa ang naglakas-loob na muling magsalita."Mom, Dad, anong ginagawa niyo riyan?" ani Tanya na pababa ng hagdan at nakapagpalit na ng damit.Tiningnan naman ng dalawa ang anak saka ngumiti. "Hinihintay ka," anas ni Evelyn, saka binulungan ang asawa, "Mamaya na lamang natin 'to pag-usapan 'pag wala si Tanya."Tumango si Rolan bilang pagsang-ayon at pagkatapos ay sabay-sabay na silang tatlo na nagtungo sa dining area.Habang naghahapunan ay kinausap ni Rolan ang anak, "Balita ko ay may bago kang kaibigan?"Awtomatikong ngumiti si Tanya. "Si Shiela po ba ang tinutukoy niyo? Oo, bago ko siyang kakilala at sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya," pagkukuwento niya pa."Pa'no nga ulit kayo nagkakilala na dalawa?"Bahagyang ibinaba ni Tanya ang hawak na kubyertos saka sinimulang ikuwento kung paano sila nagkakilala ni Shiela.Nakikinig naman ang dalawa maging ang ilang katulong na naroo
LINGGO nang magtungo si Shiela sa bahay-- mali. Mansion ng pamilya moreno.Subdivision iyon at nang sabihin niya ang pangalan sa Guard sabay pakita ng ID ay pinapasok siya agad. Inalok pa ngang ihahatid gamit ang motor pero tumanggi na siya at nakakahiya sa tagabantay.Ang sabi ay tatlong bahay lang naman ang layo. Kaya nilakad na lamang niya. Iyon pala ay mala-palasyo ang nakatayo sa lugar na iyon. Kung normal na bahay lang ay baka pang labinglima ata ang nilakad niya.Nang marating ang gate ay medyo nag-alangan pa siyang mag-doorbell. Marangya tingnan ang labas ng mansion, paano pa kaya pagpasok niya sa loob?Ang mansion nila Chris dito sa Cebu ay malaki rin naman. Mas lalo na roon sa Manila.Pero dahil alam naman niyang mula sa mayamang pamilya ang asawa ay hindi na siya nabigla.Ito lang si Tanya ang hindi niya inasahan. Alam niyang mayaman ito pero hindi sa puntong sobra talaga. Parang papantay na sa yaman ni Louie.Ilang segundo na siyang nakatayo sa labas. Nahihiya talaga siyan
PAGBALIK ni Claire matapos maihatid si Shiela ay sinabi niya sa dalawang amo ang nangyari habang nasa sasakyan."Kinabahan po talaga ako, Sir, Madam at baka banggitin ni Shiela ang pangalan ni Tanya. Mukhang curious pa naman ang kapatid.""Nabanggit niya ba ang pangalan?" tanong ni Rolan."Hindi po, Sir. Ang alam ko lang po ay nakakatanda niya iyong kapatid dahil tinawag niyang Ate.""'Wag kang kabahan, hindi naman natin alam kung sino ang kausap niya," ani Evelyn. "E, 'yung inutos ko nagawa mo ba?" pag-iiba niya ng usapan.Tumango si Claire saka binigay ang nakuhang buhok mula kay Shiela. "Ito po, Madam." Saka ipinakita ang nakalukot na panyo kung saan itinago ang ilang hibla ng buhok.Si Rolan ang kumuha. "Salamat, Claire. Iuutos ko na lamang kay Paolo ang pagpapa-DNA nito."SAMANTALA, sa apartment ay hindi na muling tumawag ang kapatid at hindi na rin naghintay si Shiela.Alam niyang busy ito kaya hindi na niya inabala pa. Matapos magluto ng hapunan ay si Chris ang tinawagan niya,
GULONG-GULO at para talagang sasabog ang ulo ni Shiela dahil sa rebelasyong ni sa hinuha ay hindi niya inisip. Hindi niya akalaing ang Ama'ng hindi niya nakasama nang mahigit dalawang dekada, ngayon ay nasa kanyang harap na. Parang hindi totoo. Para siyang nananaginip ng gising. Saglit na tumigil ang oras para sa kanya habang tinititigan si Rolan. Malabo ang paligid pero malinaw niya itong nakikita. Wala rin siyang ibang naririnig ng mga sandaling iyon kung hindi ang tibok ng puso. Ang dami niyang gustong sabihin pero alin sa mga iyon ang una niyang itatanong? Sa huli ay isang katanungan lang ang nangibabaw, "K-Kaya po ba, no'ng una tayong nagkita sa ospital ay hinabol niyo 'ko?" Tumango si Rolan. "Kamukhang-kamukha mo si Anna, ang iyong Ina. Kaya agad akong naghinala na baka ikaw na nga ang matagal ko nang hinahanap." Pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela matapos iyong marinig. "S-Si Ate? Anak niyo rin po ba siya?" Umiling si Rolan. "Anak siya ng unang kinakasama ni Anna." S
ARAW-ARAW ay laging nakakatanggap ng messages si Shiela galing kay Evelyn, na nangangamusta.Siyempre, natutuwa naman siya dahil sa kabila ng kaalaman na anak siya sa labas ay hindi nag-iba ang pagtrato nito sa kanya.Kahit pa bunga siya ng pagkakamali o maaari rin sabihin na kataksilan.Mag-iisang linggo na rin nang malaman ni Shiela ang buong katotohanan sa kanyang pagkatao. Bukod sa pamilya ng asawa ay gusto niya rin makaramdam ang pagmamahal mula sa Ama.Nasa punto na si Shiela na pinag-iisipan niyang tumira na nga sa mansion ng pamilya Moreno. Pero bago muna mangyari iyon ay kailangan niyang sabihin kay Chris ang mga nangyari. Kaya ng magkaroon ng lakas ng loob ay tinawagan niya ito."Kamusta ang araw mo ngayon?" bungad na tanong ni Chris. "Ayos lang naman medyo maraming customer kanina. tumawag nga pala ako dahil may gusto akong sabihin.""Sige lang nakikinig ako," anito sa kabilang linya. Huminga muna nang malalim si Shiela bago muling magsalita, "Hindi ko alam kung pa'no sas
NAPATINGIN si Chris sa kamay nitong nasa kanyang braso. Hanggang sa unti-unti niyang inangat ang tingin sa mukha ni Sheilla.Ang ngiti naman ng dalaga ay naglaho at pareho silang nagkatitigan."Ang kamay mo," ani Chris.Sa narinig ay parang napasong inilayo ni Sheilla ang kamay. "S-Sorry po," paghingi pa niya ng paumanhin. "Hindi ko po sinasadya, Sir.""Ayos lang," saad ni Chris saka tumayo sa kinauupuan. "Hindi mo na 'ko kailangan pang ihatid sa labas. Kaya ko na."Umiling si Sheilla. "Sa labas lang naman. Tara na po, ihahatid ko na kayo sa kotse niyo."Wala na rin nagawa si Chris sa pagpupumilit nito at pinauna na niyang maglakad.Pero habang pinapanuod ang likod nito ay napapansin niyang hindi maayos ang paglalakad ng dalaga. Para itong susuray-suray."Ayos ka lang ba, Sheilla?"Lumingon ito na muntik nang ikatumba. Mabilis naman nilapitan ni Chris at inalalayan.Natawa si Sheilla dahil sa kalampahan. "S-Sorry po, Sir.""Ang mas mabuti pa ay bumalik ka na sa loob at lasing ka na pa
PANIBAGONG araw na naman ang dumaan. Naka-ready na si Shiela para muling pumunta sa Cruz mansion.Bumaba siya upang kumain ng almusal nang matigilan matapos makita ang Abuelo na nakaupo sa hapagkainan. Buong akala niya ay umalis na ito dahil iyon naman talaga ang madalas na nangyayari. Napaatras tuloy siya dahil hindi niya ito gustong makasabay sa pagkain."Sa'n ka pupunta?" ani Mario matapos mapansin ang unti-unting pag-atras ng apo habang siya ay nagbabasa ng balita sa hawak na tablet."M-May naiwan lang ako sa taas," pagsisinungaling pa ni Shiela."Maupo ka, saluhan mo 'kong kumain ngayon at may sasabihin ako sa'yo."Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Shiela saka naupo malapit sa puwesto ng matanda."Hindi ko nasabi sa'yo dahil palagi kang wala pero may pupuntahan tayong event sa makalawa. Naka-ready na lahat kaya wala ka ng dapat pang alalahanin sa susuotin.""Ba't ngayon niyo lang po ito sinasabi sa'kin?"Isang seryosong tingin lang ang pinukol ni Mario sa apo. "Dahil biglaa
NANG una ay natigilan si Shiela hanggang sa mapakunot-noo. "Anong pinagsasasabi ninyo? Hindi 'to ang pinag-usapan natin!" kasabay ng pagtaas ng boses ay ang biglaan niyang paglayo."Huminahon ka muna," ani Mario."Pa'no ako hihinahon kung ganito ang ginagawa mo? Iniwan ko ang pamilya ko dahil sa mga banta mo tapos ngayon ay ganito naman?! Sumusobra ka na!"Biglang binagsak ni Mario ang hawak na baston na ikinagulat ni Shiela maging ni Castro."Senior, huminahon po kayo. Ang mas mabuti pa ay sa susunod na lamang natin 'to pag-usapan," saad ng lawyer saka niligpit ang mga dokumento sa center-table. Pagkatapos ay yumukod bilang pamamaalam. "Babalik na lang ako sa susunod, Senior." Saka ito tuluyang umalis.Nang maiwan ang dalawa ay tiningnan nang masama ni Shiela ang Abuelo. "Gusto ko ng paliwanag kung ba't mo 'to ginagawa."Tumayo sa kinauupuan si Mario at mataman itong tinitigan sa mga mata. "Bilang aking apo. Ayokong madungisan ang pangalan natin kaya inaalis ko sa buhay mo ang mga ba
SA MGA SUMUNOD na sandali ay pareho silang natahimik habang lumuluha. Lugmok at nakatungo si Chris habang nasa mga mata ang isang kamay. Si Shiela naman ay nakatingala, animo ay kayang ibalik ang luhang pumapatak.Ilang sandali pa ay may dumating na katulong. Kumatok sa bukas na pinto. "S-Sir... tumawag po ang security guard sa may entrance ang sabi ay may kotse pong gustong pumasok para sunduin si Ma'am Shiela.Sumenyas lang si Chris, itinataboy ang katulong kaya agad rin itong tumalima at umalis."Sino 'yung susundo sa'yo?""Tauhan ni Lolo," tugon ni Shiela.Biglang tumayo si Chris saka lumabas ng kwarto habang nanlilisik ang mga mata. Nang mapansin iyon ni Shiela ay bigla na lamang siyang kinabahan.Hinabol niya agad ang asawa pero sa bilis ng paglalakad ni Chris ay hindi niya ito mapigilan. "Sandali lang, Chris!"Sina Zia at Maricar ay nabigla rin nang mabilis itong dumaan habang nakakuyom ang kamay at galit na galit."Pigilan niyo siya!" sigaw ni Shiela nang patungo na sa gate si
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku