TUMANGO-TANGO si Chris pero hindi naman inaalis ang tingin hanggang sa muling isara ang pinto.Nagpakawala naman ng buntong-hininga si Shiela na marahan niya pang ginawa. Matapos ay tinapik-tapik ang pisngi para magising sa katotohanan, ipaalala sa sarili na hindi dapat siya nakakaramdam ng ganoon.Sa dami ng nangyari at pinagdaanan niya ay hindi pa rin ba siya natututo?Para siyang bumabalik sa nakaraan kung saan ay mahal niya pa si Chris."Tama na, Shiela. Tigilan na natin 'to," saway niya pa sa sarili saka naghanap na lamang ng damit na magagamit ni Chris.Ilang minuto ang lumipas ay muling nagbukas ang pinto ng banyo at sumilip ito mula sa loob."Nakahanap ka na ng damit?" ani Chris."Sweat pants lang ang meron ako pero wala akong mahanap na t-shirt.""Okay na 'yan at pahiram na lang ako ng towel na ipantatakip sa sarili," ani Chris.Tumango naman si Shiela, kumuha ng panibagong towel saka lumapit upang iabot ang kailangan nito.Matapos ng ilang sandali ay tuluyan nang lumabas si
NASA harap na sila ng apartment, nakatigil. Pero wala ni isa ang naglakas-loob na buksan ang pinto. May pagkakataong nagtatama ang tingin ng dalawa pero agad rin iiwas, halatang nagkakahiyaan. Hanggang sa bumukas ang pinto ng katabing apartment at lumabas ang tenant na may bitbit na basura. Saka lang tuluyang gumalaw si Shiela at Chris. Mabilis silang pumasok sa loob na animo ay may ginagawa at nahuli sa akto. Matapos maisara ang pinto ay pareho muli silang nagkatinginan sa isa't isa. "A-Ang mas mabuti pa ay matulog na tayo at masiyado nang lumalalim ang gabi," ani Shiela saka naglakad palapit sa kama. Nang walang ano-ano ay biglang yumakap mula sa likod si Chris. Ang mukha ay nakalapat sa balikat ng asawa. "A-Anong ginagawa mo?" ani Shiela. Nang magsalita si Chris ay nanigas na lamang si Shiela sa kinatatayuan dahil sa hininga nitong tumatama sa kanyang leeg. "Sa tingin ko'y alam mo na kung anong ginagawa ko," wika ni Chris. Matapos ay saka ito pinaharap. Hinaplos niya ang m
BIGLA na lamang may kumatok na ikinabigla ni Shiela. Mabilis niyang itinago ang cellphone saka binuksan ang pinto.Ang bagong gising na si Chris ang bumungad sa kanya. Magulo ang buhok, walang suot na damit pang-itaas ngunit gwapo pa rin. Pikit ang isa nitong mata dahil naga-adjust pa sa liwanag."B-Bakit?" ani Shiela.Isinandal ni Chris ang isang braso sa hamba ng pinto. "Wala lang, akala ko'y umalis ka na patungong trabaho," aniya sa namamaos na boses."Matulog ka pa kung inaantok ka," ani Shiela saka ito nilagpasan.Ngunit mabilis na humabol si Chris at ninakawan ito ng halik sa pisngi.Umiwas naman si Shiela at tinakpan ang pisngi na nahalikan. Napangiti si Chris nang makita ang kanyang reaksyon.Mariin lang na naglapat ang labi ni Shiela. Ang dami niyang gustong sabihin ngunit natatakot siyang baka totoo nga ang sinasabi ng kapatid. Na may iba na ito."Kailan ka babalik?" iyon na lamang ang kanyang tinanong saka nagtungo sa kusina para magluto ng almusal.Nakasunod pa rin si Chri
NAGING maganda ang araw ni Shiela kahit na tanghali pa lang ay pagod na siya.Kaya sa fifteen minutes break nila ay talagang umidlip siya para naman makabawi. Ginising lang ni Cory nang oras na para magtrabaho ulit.Sa hapon naman ay dumami ang customer nila at isa na roon si Harry."Ayos ka lang? Ba't parang pagod na pagod ka?" puna ng binata matapos umorder ng inumin at cheesecake."Hindi lang ako masiyadong nakatulog kagabi," pagdadahilan pa niya.Tumango lang si Harry saka humanap ng table na mapupuwestuhan matapos makuha ang order.Sunod naman inasikaso ni Shiela ang iba pang customer hanggang sa lumipas ang oras. At tuluyan na ngang gumabi.Dahil parang babagsak na sa pagod ay napagdesisyunan na niyang magpaalam na uuwi nang maaga at gusto na talaga niyang magpahinga. Para siyang lalagnatin sa kondisyon niyang iyon. Buti sana kung may mag-aalaga sa kanya pero wala.Matapos makapagpaalam ay naglakad na siya pauwi. Wala kasing dumaraan na tricycle. Kung meron man, puno kaya nagtii
NAPUTOL ang pag-uusap ng dalawang babae nang tumawag si Chris."Sandali lang at sasagutin ko lang 'to," ani Shiela saka bahagyang lumayo. "Hello?" aniya sa kabilang linya."Palabas na kami sa airport," pahayag ni Chris."Talaga? Sige, pauwi na rin ako.""Bakit, nasa'n ka ba ngayon?""May binili lang para sa lulutuin ko mamaya pagdating niyo," ani Shiela saka nilingon si Tanya na matiyagang naghihintay. "Sige, ibababa ko na 'to."Matapos ay binalikan niya ang dalaga. "Pasensya ka na, a, pero kailangan ko na kasing umalis.""Ang asawa mo ba 'yung tumawag?" ani Tanya at tumango naman ito kaya tumayo na siya sa kinauupuan. "Ayos lang, nag-enjoy rin naman akong kausap ka."Bago umalis ay hiningi muna ni Tanya ang cellphone number ni Shiela. "Salamat ulit sa time." Saka ito tuluyang umalis.Matapos makitang papalayo ang dalaga ay umalis na rin si Shiela.Makalipas ang ilang minuto nang marating niya ang apartment. Mabilis na inasikaso ang pinamili.Ilang sandali lang din ay may kumakatok na
KAHIT nakauwi na sina Tanya ay Claire ay hindi pa rin maalis sa isipan ng matanda ang tungkol kay Shiela.Bumabagabag talaga sa kanya ito. Lalo na nang sabihin ng alaga na magkahawig ang dalawa. Saka lang din niya napagtanto na magkamukha nga nga dalawa, ayaw lang niyang aminin.Dumiretso siya sa kusina, inalis ang labis na pag-iisip upang tumulong sa mga kasamahang katulong na naghahanda na para sa hapunan. Matapos maisaayos ang hapagkainan ay umakyat naman siya sa ikalawang palapag ng mansion upang puntahan ang alaga at sabihing nakahanda na ang pagkain.Kumatok din siya sa pinto ng Madam nilang si Evelyn, ang Ina ni Tanya."Madam, nakahanda na po ang hapunan," aniya habang kumakatok sa pinto.Ilang sandali pa ay bumukas naman at humarap ito. "Si Rolan ba dumating na?""Hindi pa po nakakauwi si Sir, Madam."Tumango lang si Evelyn. "Mamaya na lang ako bababa kung nandiyan na siya.""Okay po, Madam." Aalis na sana si Claire nang biglang maisip si Shiela. "Ay, Madam. Kanina nga po pala
TUMAWAG si Tanya upang may makausap sa gabing iyon. Gusto rin kasi niyang ikuwento kay Shiela ang mga ginawa niya sa araw na iyon.Ngunit si Chris ang nakasagot, "Hello, sino 'to?""Hello, pwede kay Shiela?"Nang marinig ang boses ng babae sa kabilang linya ay bahagyang pinagaan ni Chris ang tono ng boses. "Anong kailangan mo sa kanya?""Ikaw ba ang asawa ni Shiela?" balik tanong ni Tanya saka nagpakilala.Napalingon si Chris sa asawa dahil hindi niya akalaing babanggitin siya ni Shiela sa ibang tao. "Ako nga, katrabaho ka ba niya sa pastries shop?""Hindi, pero kaibigan niya ko. Pwedeng pakausap sa kanya? Ay, wait. Natutulog na ba siya?""Nagpapahinga siya ngayon at wala siyang tulog mula pa kagabi.""Ha? bakit, anong nangyari?"Napaisip si Chris kung dapat niya bang sabihin dito ang totoo. Pero dahil nahihimigan naman niya ang concern sa nito ay sinabi na rin niya ang nangyari."Sa'ng ospital? Pwede pa ba 'kong dumalaw?" ani Tanya.Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Chris dahil hindi
HUDYAT na iyon ni Claire na um-exit para makapag-usap ang mag-asawa. Kahit naiwan na ang dalawa ay wala ni isa ang naglakas-loob na muling magsalita."Mom, Dad, anong ginagawa niyo riyan?" ani Tanya na pababa ng hagdan at nakapagpalit na ng damit.Tiningnan naman ng dalawa ang anak saka ngumiti. "Hinihintay ka," anas ni Evelyn, saka binulungan ang asawa, "Mamaya na lamang natin 'to pag-usapan 'pag wala si Tanya."Tumango si Rolan bilang pagsang-ayon at pagkatapos ay sabay-sabay na silang tatlo na nagtungo sa dining area.Habang naghahapunan ay kinausap ni Rolan ang anak, "Balita ko ay may bago kang kaibigan?"Awtomatikong ngumiti si Tanya. "Si Shiela po ba ang tinutukoy niyo? Oo, bago ko siyang kakilala at sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya," pagkukuwento niya pa."Pa'no nga ulit kayo nagkakilala na dalawa?"Bahagyang ibinaba ni Tanya ang hawak na kubyertos saka sinimulang ikuwento kung paano sila nagkakilala ni Shiela.Nakikinig naman ang dalawa maging ang ilang katulong na naroo
SA PAG-IWAS ng tingin ni Mario ay mas lalo lang nitong pinatunayan na totoo ang ibinibintang sa kanya."Ba't hindi kayo magsalita, 'Lo?" may halong tampo sa tono ng boses ni Shiela.Nang mga sandaling iyon ay lumapit na ang mag-asawa. "Anong nangyayari, ba't ka nagagalit?" ani Rolan sa anak.Taas-baba ang dibdib ni Shiela dahil emosyonal na siya ng mga sandaling iyon. Sa huli ay tumayo siya at umatras. "Kung hindi niyo sasabihin sa'kin ngayon ang totoo ay kay Chris ko tatanungin lahat." Pagkatapos ay nag-walk-out na siya na kahit ilang beses tinawag ng ama at tuloy-tuloy lang siya sa paglayo.Nakabalik agad si Shiela sa parking lot at pagkasakay sa kotse ay tinanong ng driver, "Uuwi na po ba agad tayo, Miss?"Ang daming gumugulo sa isip ni Shiela ng mga oras na iyon. Hindi na niya alam kung sino ang paniniwalaan dahil ramdam niya naman na totoo ang ipinapakitang kabutihan ng Abuelo. Saksi ito sa pinagdaanan niya. Ito rin ang tumulong na tuluyan siyang maka-move on at muling magpatuloy
SA LAKAS ng sampal na pinadapo ni Shiela ay napaling sa ibang direksyon ang mukha ni Chris. May parang tusok-tusok itong naramdaman sa pisnging nakatikim ng palad nito. Medyo may kaunting tinis na tunog din siyang naririnig sa kaliwang tenga.Pero sa halip na magalit sa ginawang pananakit ni Shiela ay napaismid lang si Chris. "Oppss, nabisto agad ako." Saka hinimas-himas ang pisngi na nasaktan. "Ito ba ang pang-welcome mo sa'kin?" sarkasmo niyang tanong.Nanlisik naman ang mga mata ni Shiela saka ito pinagsususuntok sa dibdib. "Walanghiya ka! Anong kasalanang ginawa ni Lolo para gawin mo 'to?!"Nang una ay tinitiis lang ni Chris ang natatamong suntok nito hanggang sa tuluyan na niyang pigilan at mahigpit na hinawakan ang magkabila nitong braso. "Tumigil ka na! Tinatanong mo kung anong nagawa niyang mali?! 'Wag mo sabihing lumipas lang ang isang taon ay nakalimot ka na sa mga ginawa niya sa'kin, sa'tin?!"Sa narinig ay natauhan si Shiela. Napagtanto niya ang mga maling nagawa ng Abuelo
PARANG nakakita ng multo si Shiela sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala--mali. Hindi niya talaga mapaniwalaan dahil napaka-imposible iyong mangyari sa kanyang Abuelo."Sinong nagsabi sa'yo niyan?""Tinawagan po kami ng secretary at sinabing 'wag magpapapasok ng kahit sino, utos ni Senior. Wala rin pong pinapayagan na lumabas.""Pa'no ko mapupuntahan si Lolo kung hindi--" Natigilan si Shiela nang tumunog ang phone. Sa pag-aakalang emergency ay agad niyang kinuha sa bulsa para lang mag-alangan na sagutin ang tawag mula sa ama.Huminga muna siya nang malalim saka ito sinagot, "Hello, 'Pa?""Papunta pa lang kami sa hotel ng makatanggap ng tawag na hinuli ng pulis si Papa?" tukoy ni Rolan sa ama."Hindi ako pumunta kaya ngayon ko lang din po nalaman. Ang sabi ay sinugod siya sa ospital matapos atakihin, puntahan niyo po siya ngayon, 'Pa. Hindi rin po kasi ako makalabas dito dahil inutos ni Lolo na walang magpapapasok at lalabas--" Saka muling tiningnan ang gate. "Nakaharang po ang mga t
KALANSING ng kubyertos ang maririnig sa hapagkainan. Kanina pa kumakain si Shiela at ganoon din si Mario. Matatapos na nga sana ang matanda dahil kaunti lang naman itong kumain kaya sinamantala na niya ang pagkakataon bago pa ito umalis. "'Lo, advance happy birthday po." "Salamat," tipid na sagot ni Mario. "Gusto ko sanang pumunta bukas sa celebration." Nag-angat ng tingin si Mario. "Pupunta ka? Akala ko ba'y ayaw mo?" Asiwang napangiti si Shiela. "Wala na rin pong rason para iwasan ko si Chris dahil nagkita na kami." Mataman ang tingin ni Mario saka muling binalingan ang pagkain. "Gusto mong pumunta? Walang problema sasabihan ko si Cedric na sunduin ka rito." Napakurap si Shiela. "Ba't siya, 'Lo? Hindi ba pwedeng sa'yo na lang ako sumama?" "Mas mainam na makita kayo ng mga bisita bukas na magkasama." Parang wala lang kay Mario ang sinabi nito pero hindi para kay Shiela. Hindi niya nagustuhan ang ideya na kailangan niyang pumunta sa celebration na kasama ng binata. Pa
HININTAY muna ni Shiela na magising ang anak saka sila bumaba para makakain ng almusal. Nakaharap na rin niya ang bagong Nanny ng anak na naghihintay sa sala at mukha naman itong mabait. Galing sa isang kilalang agency kaya panatag siya.Nagpakilala si Aileen na mas matanda ng sampung taon kay Shiela. Ayon dito ay isang dekada na rin nagtatrabaho bilang Yaya."Katatapos lang po ng kontrata ko sa dating amo, Ma'am. Dalawang taon din ako sa kanilang nanilbihan," kuwento pa nito."Anong rason at ba't hindi ka na nagtatrabaho ro'n?" tanong naman ni Shiela saka binaba ang anak sa upuan."Hindi na po nila ni-renew, Ma'am at nagbabawas sila ng tao. Malaki na rin po kasi ang inaalagaan ko, five years old."Tumango-tango naman si Shiela saka kinausap ang isang katulong. "Ate, kakain na po kami ni Archie. Pakikuha ng cereal niya at pakakainin ko.""Okay po, Miss." Na bahagya pang yumukod.Nakasunod ang tingin ni Aileen sa katulong. "Miss pala po ang tawag nila sa'yo rito, Ma'am. Kung gano'n ay
MATAGAL tinitigan ni Shiela ang Abuelo saka nagsalita, "Sigurado po ba kayong gusto niyong malaman kung anong napag-usapan namin?"Nagbaba ng tingin si Mario sa pagkain na animo ay walang narinig. "Hindi na pala kailangan." Saka humigpit ang hawak sa kubyertos matapos mapagtanto na nawala siya sa sarili at nasabi iyon. Nagmumkha siyang desperado kung ano man ang napag-usapan ng dalawa. "Baka lang kasi may sinabi na naman siyang hindi totoo.""Wala pong nangyaring gano'n. Kinarga lang niya ang bata at pagkatapos ay umalis na. Natagalan lang kami dahil iyak nang iyak si Archie pagkaalis nito," paliwanag ni Shiela saka pinagpatuloy ang pagkain.Pero kahit anong gawin niya ay ayaw ng kumain ang anak, nagtatampo. Hanggang sa matapos na silang maghapunan. Lumipat silang muli sa sala kung saan ay nag-usap pa sina Janette at Mario. Habang si Shiela ay napagpasiyahan na iakyat ang anak dahil aborido na talaga ito.Pero sa hagdan pa lang ay natigilan na sila dahil sa tauhan na nagbabantay sa la
NAPATINGIN si Shiela sa Abuelo matapos iyong sabihin ng katulong. Mabilis siyang tumayo pero bago umalis ay nagtanong ito."Anong nangyayari, Shiela? Sa'n ka pupunta?""M-May kukunin lang po ako, 'Lo," palusot niya pa kahit alam naman niyang sasabihin ng katulong ang totoo. Matapos ay naglakad na siya patungo sa bukana ng mansion.Saglit siyang tumigil upang pagmasdan mula sa malayo ang gate. Pansin niyang may nakaparadang sasakyan sa labas ng gate at doon nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib, hindi sa excitement na muling makita ang dating asawa. Alam niyang malabong iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ngunit hindi niya lamang mapangalanan.Naglakad siya palapit hanggang sa unti-unti niyang nakikita ang lalakeng nakasandal sa itim na kotse, nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha pero nasisiguro niyang si Chris. Wakang duda kahit matagal na niya itong hindi nakikita.Umungot ang gate ng buksan niya kaya napalingon si Chris na may subo-subo pa sa bibig. Kumunot
NATIGILAN si Shiela at napakurap pa ng mata. "H-Hindi ko alam na ganito pala kayo mag-celebrate. Sorry."Mabigat ang ginawang pagbuntong-hininga ni Mario. "Ano pang magagawa ko kung nandito ka na... Gusto mo bang um-attend?"Umiling si Shiela. "Hindi pa 'ko ready na makaharap sila ate Zia."Sandaling katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa muling nagsalita si Mario, "Ang mas mabuti pa'y magpahinga ka na muna. Ngayong nandito ka na'y may gusto akong ipakilala sa'yo.""Sino po?""Malalaman mo rin mamaya sa dinner."Gusto pa sanang magtanong ni Shiela ngunit halata naman na abala ito sa trabaho kahit nasa bahay lang. "Okay po, 'Lo," aniya saka nagpaalam ng aalis. Bumalik siya sa kwarto at tinabihan ang anak sa pagtulog.Nang magising ay palubog na ang araw. Paglingon ay bigla na lamang siyang napabangon dahil wala na sa kanyang tabi si Archie."A-Anak?" Bumaba siya sa kama saka naghanap sa buong kwarto ngunit hindi niya ito makita. Sa huli ay lumabas siya at bumaba.Wala siyang na
SANDALING katahimikan ang namayani sa dalawa. Gustong magsalita ni Shiela pero pinangunahan siya ng sariling emosyon. Sobrang unfair sa kanya ng sitwasyon."Sa tingin ko, mas mabuti na rin sigurong ganito ang kinalabasan ng relasyon natin dalawa. Kasi, napagtanto ko na baka... hindi talaga tayo para sa isa't isa. Na kahit anong gawin na'tin, darating at darating tayo sa puntong 'to," matapos iyong sabihin ay tumalikod na siya bago pa tuluyang umiyak sa harap nito. Si Chris naman ay napalingon at tinangka itong hawakan ngunit hindi niya maabot ang kamay ng asawa. Malayo-layo ang distansya nilang dalawa mula sa kama. Akmang babangon pa nga sana siya ngunit nahihirapan ng gumalaw, walang lakas sa katawan."Magpagaling ka at hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa," dagdag pa ni Shiela saka mabilis na naglakad palabas ng kwarto."S-Shiela! Sandali lang!" ani Chris, nakataas ang kamay at pilit itong inaabot. "Sandali lang, 'wag kang umalis..."Ngunit huli na para roon dahil nakalabas na