SA LAKAS ng sampal na pinadapo ni Shiela ay napaling sa ibang direksyon ang mukha ni Chris. May parang tusok-tusok itong naramdaman sa pisnging nakatikim ng palad nito. Medyo may kaunting tinis na tunog din siyang naririnig sa kaliwang tenga.Pero sa halip na magalit sa ginawang pananakit ni Shiela ay napaismid lang si Chris. "Oppss, nabisto agad ako." Saka hinimas-himas ang pisngi na nasaktan. "Ito ba ang pang-welcome mo sa'kin?" sarkasmo niyang tanong.Nanlisik naman ang mga mata ni Shiela saka ito pinagsususuntok sa dibdib. "Walanghiya ka! Anong kasalanang ginawa ni Lolo para gawin mo 'to?!"Nang una ay tinitiis lang ni Chris ang natatamong suntok nito hanggang sa tuluyan na niyang pigilan at mahigpit na hinawakan ang magkabila nitong braso. "Tumigil ka na! Tinatanong mo kung anong nagawa niyang mali?! 'Wag mo sabihing lumipas lang ang isang taon ay nakalimot ka na sa mga ginawa niya sa'kin, sa'tin?!"Sa narinig ay natauhan si Shiela. Napagtanto niya ang mga maling nagawa ng Abuelo
SA PAG-IWAS ng tingin ni Mario ay mas lalo lang nitong pinatunayan na totoo ang ibinibintang sa kanya."Ba't hindi kayo magsalita, 'Lo?" may halong tampo sa tono ng boses ni Shiela.Nang mga sandaling iyon ay lumapit na ang mag-asawa. "Anong nangyayari, ba't ka nagagalit?" ani Rolan sa anak.Taas-baba ang dibdib ni Shiela dahil emosyonal na siya ng mga sandaling iyon. Sa huli ay tumayo siya at umatras. "Kung hindi niyo sasabihin sa'kin ngayon ang totoo ay kay Chris ko tatanungin lahat." Pagkatapos ay nag-walk-out na siya na kahit ilang beses tinawag ng ama at tuloy-tuloy lang siya sa paglayo.Nakabalik agad si Shiela sa parking lot at pagkasakay sa kotse ay tinanong ng driver, "Uuwi na po ba agad tayo, Miss?"Ang daming gumugulo sa isip ni Shiela ng mga oras na iyon. Hindi na niya alam kung sino ang paniniwalaan dahil ramdam niya naman na totoo ang ipinapakitang kabutihan ng Abuelo. Saksi ito sa pinagdaanan niya. Ito rin ang tumulong na tuluyan siyang maka-move on at muling magpatuloy
MAGDAMAG na iniyak ni Shiela ang nalaman, na ginagamit lang siya ng Abuelo para sa pansariling interes, na ang kabutihan nito sa kanya ay hindi pala tunay. Kaya nang magising kinaumagahan ay mataas na ang sikat ng araw.Pagharap sa salamin ng banyo ay awang-awa siya sa sarili. Kulang na lang pumutok ang talukap ng namumugtong mga mata kaya makailang beses siyang naghilamos ng mukha hanggang sa may kumatok sa pinto."Ma'am, nandiyan po ba kayo?"Boses iyon ni Rona kaya sumagot siya sa namamaos na boses, "Oo!""Nandito na po pala ang pagkain niyo," anito.Magaling na si Shiela mula sa sakit pero kailangan niya pang magpahinga at sobra-sobra ang iyak niya kagabi. Saad pa ni Rona ay malaki ang epekto ng stress sa taong may sakit kaya naroon pa ito nag-aalaga para sa kanya.Paglabas ni Shiela sa banyo ay nakatungo lang siya at hindi ito tinitingnan dahil nahihiya siya sa itsura. "Sila Papa at tita Evelyn pala nasa baba?""Magkasama po ngayon si Ma'am Evelyn at si Archie pero si Sir Rolan p
NAKAPASOK na sa loob ng mansion si Mia nang mapansin niyang pababa ng hagdan si Evelyn. Matagal na panahon man ang lumipas pero hindi niya makakalimutan ang mukha nito."Welcome, Hija," pagbati ni Evelyn nang tuluyang makalapit.Tipid na pagtungo lang ang tinugon ni Mia. Wala na siyang kinikimkim na galit sa mga ito dahil alam na niyang si Mario talaga ang dahilan kaya naging kaawa-awa ang kapatid noong bata pa ito at napilitan silang magtago.Pero magkaganoon man ay hindi niya pa rin maiwasang maasiwa ngayong kaharap na ito."Maupo ka muna at pababa na rin si Shiela," ani Evelyn.Ilang sandali pa ay may dumating na katulong para mag-serve ng inumin. Nang mga sandaling iyon ay pababa na si Shiela na nang makita ang kapatid ay bigla siyang naluha.Sa kaunting panahon kasi ay pansin niya ang malaking pagbabago sa itsura ng kapatid. Parang tumanda ito kaysa sa huli niyang naaalala."Ate," aniya habang nakalahad ang dalawang kamay upang salubungin ito ng yakap. "Namiss kita nang sobra.""
UMAGA pa lang ay pansin na sa mansion ang maya't mayang tawag ng mga hindi kilalang tao. May nagpapakilala na iba't ibang journalist na gustong makakuha ng panayam tungkol sa kaso ni Mario.Pero ang mas kinayayamutan ng mga katulong na sumasagot sa telepono ay iyong hindi naman nagsasalita at bigla-bigla na lang binababaan ng tawag. Parang pinaglalaruan lang sila.Kaya ng muling tumunog ang telepono ay pinag-utos na ni Evelyn na alisin ang koneskyon para wala ng makatawag.Hindi tuloy maiwasan ni Shiela na mabahala dahil maging ito na kalmado naman sa lahat ng oras ay nauubos na rin ang pasensya sa nangyayari.Pagdating ng tanghali, habang hinihintay ang pagbabalik ni Rolan para sabay-sabay na silang kumain ay ang mga tauhan naman sa labas ang napupurwisyo."Madam, tumawag po ang Guard at sinabing may gustong dumalaw sa inyo," sabi pa ng tauhan na nagbabantay sa labas."Sino naman?""Kamag-anak niyo raw po."Napakunot-noo naman si Evelyn. "Sinabi ba ang pangalan?""Hindi po, e."Mas l
NAINIS si Shiela nang hindi siya nito sinagot. "Narinig mo ba ako? Anong ginagawa mo rito?" balik tanong niya. "Sinusundan mo ba kami?" pang-aakusa niya pa.Si Chris na abala sa pakikipagkulitan sa anak ay biglang napalingon at nagtaas ng kilay. "Anong sinasabi mo? Pa'no ko naman 'yun magagawa? Tingin mo ba'y pinapasundan ko kayo? Pa'no ko naman 'yun gagawin kung bantay-sarado kayo."Napaisip si Shiela at napagtanto niyang tama ito. Paano naman nito magagawa silang sundan kung mahigpit ang security sa subdivision maging sa mansion. Bukod pa roon ay kahapon lang siya pumayag na sumama pabalik sa Cebu.Ngunit sa halip na aminin ang pagkakamali ay umiwas na lamang siya ng tingin.Pero hindi pa tapos si Chris na habang nakikipaglaro sa anak ay nagpatuloy sa pagsasalita, "Alam mo... dapat baguhin mo na ang ganyang ugali. Mabilis kang maghinala at mag-isip ng masama sa ibang tao dahil hindi ka marunong kumilatis ng tao."Napakunot-noo si Shiela saka ito tiningnan nang masama. "At ano naman
NASA labas na sila ng paliparan pero hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Archie. “Papa, sama ka sa’min~” saad pa ng bata na humihikbi-hikbi habang ang maliit na kamay ay mahigpit na nakahawak sa damit ng Ama.Napabuntong-hininga naman si Chris, na may munting ngiti sa labi saka napasulyap kay Shiela. “Anong gagawin natin?” bulong niya.Nagkibit-balikat si Shiela. “May gagawin ka ba ngayong araw?”“May pupuntahan akong meeting kasama si Sarah pero pwede naman i-postpone dahil mas importante si Archie.”Namewang si Shiela saka nag-isip nang paraan. Kahit pa sabihin nitong ayos lang ay ayaw niya naman makaabala. “Archie, anak. Tumahan ka na, sasama na sa’tin si Papa,” pang-uuto niya pa sa anak.Agad naman naniwala ang bata at unti-unting tumigil sa pag-iyak pero mahigpit pa rin ang hawak sa damit ng Ama.Ilang sandali pa ay nakahabol na rin sina Evelyn, Aileen at Sarah. Ang dalaga ay tuloy-tuloy sa nakaparadang kotse.“Chris, tara na,” tawag pa nito.“Susunod na lang ako,” untag naman
SA TANONG ay nagtaas lang ng kilay si Chris saka tumayo nang maayos upang maharap ito. “Ano bang dapat kung marinig?”“So, nakikinig ka nga sa pinag-uusapan namin?” balik tanong ni Shiela.Napabuntong-hininga si Chris. “Wala akong narinig. Sa tingin mo ba ay may maririnig ako sa layo kong ‘to sa pinto? Sumandal lang ako rito dahil ang sabi kanina ng katulong ay magkasama raw kayo ni Tita na umakyat. Kaya inisip ko na narito kayo kaya naghintay akong may lumabas,” mahabang paliwanag ni Chris.Hindi man kumbinsido ay hindi na lamang nag-react si Shiela. “At ba’t mo naman kami hinihintay?”“Tulog na tulog na sa kwarto si Archie at kailangan ko na rin umalis.” Saka napakamot sa likod ng ulo, tila nahihiya sa sasabihin. “Ang totoo ay gusto ko lang magpaalam.”“Pwede ka namang umalis na lang o ‘di kaya ay magpasabi sa katulong.”Hindi napigilan ni Chris na magtaas ng kilay. “Ayoko ng gano’n. Iyong bigla na lang aalis ng walang pasabi. Napakawalang-galang ng gano’n, nakakabastos.”Napakurap
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang
BAGO pa makapag-react si Archie ay may dumaan na babaeng customer patungo sa restroom. Kaya nagpigil siya, mariin kinuyom ang kamay. Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nagawa pa rin huminahon. "Sa bahay na natin 'to pag-usapan." Pagkatapos ay nauna nang umalis.Si Chantal naman ay pumasok sa restroom, naghugas ng kamay kahit hindi naman kailangan. Wala lang, gusto lang niyang mapag-isa kahit sandali."Ayos ka lang?" tanong ng babae kanina na dumaan.Tiningnan ito ni Chantal saka malungkot na nginitian, hindi alintana na naluluha siya ng sandaling iyon."Magkakaayos din kayo ng boyfriend mo," patuloy pa ng babae."Salamat." Pagkatapos ay umalis na siya. Pagbalik sa table ay ang malawak na ngiti agad ni Edward ang sumalubong."Ayos ka lang ba?"Natigilan si Chantal dahil pangalawang beses ng may nagtanong sa kanya, ibig sabihin ay mahahalata talaga sa mukha niya na hindi siya totally fine.Pagkatapos ay nilingon niya ang table kung saan nakaupo ang Ina saka si Archie, na masama ang
NABIGLA at napakunot-noo pa si Chris habang nakatingin sa anak. Nagtataka kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito. "Ba't parang gulat na gulat ka?"Kumurap-kurap ang mata si Archie, biglang natauhan. "W-Wala lang po, nabigla lang. Ito ang unang beses na ginawa niyo 'to. Masiyado pa naman kayong over-protective kay Chantal."Naging relax ang ekspresyon ni Chris sa sinabi ng anak. "Well, ayoko rin sa ideya na 'to. Para sa'kin ay walang sinong lalake ang nababagay para sa anak ko."Napalunok ng laway si Archie sa narinig ngunit pinanatiling walang reaksyon ang mukha. "Totoo, walang sino man ang nararapat kay Chantal--"'Dahil akin lang siya.'Iyon ang isinisigaw ng isip ni Archie. "Pero bakit niyo hinayaan, 'Pa?""Iyong isang kaibigan ng Mama mo, nakiusap dahil 'yung tarant*do-- Well, hindi naman talaga siya gano'n, ang sabi pa nga ay matino naman na binata--" Saka umakto na parang nasusuka. "Ang sabi ay nagustuhan ng anak ng kaibigan ni Shiela si Chantal kaya gustong makipag-date."
TUMANGO-TANGO si Chantal sa hiling ng bata. Hindi niya gustong masira ang wish nito. “Hmm… Oo naman, magiging happy family tayo. Forever.” Pag-angat ng tingin kay Archie ay nakatitig din pala ito sa kanya.Ilang segundo silang ganoon hanggang siya na ang unang umiwas ng tingin. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na sila sa labas ng bahay.Si Shiela agad ang unang nakapansin sa kanila. “Kanina pa kita hindi nakikita, sa’n ka galing?” aniya habang nakahawak sa balikat nito. “Umiyak ka ba?”“Kasalanan ko, ‘Ma,” agap ni Archie.“Nag-away kayo?”“Wala lang po ‘yun, ‘Ma,” si Chantal ang nagsalita para hindi na lumalim ang usapan. “May fireworks po kayong hinanda?” pag-iiba niya pa ng topic.Tumango lang si Shiela at hindi na masiyadong inalam ang pinagtatalunan ng dalawang anak.Hindi nagtagal ay inaabangan na nila ang fireworks hanggang sa nagsimula na nga.Lahat ay nakatingala sa madilim na langit at pinagmamasdan ang makukulay na paputok. Napapahiyaw pa nga si Amber sa tuwa at pagkabigla sa sunod
PIGIL-HININGA si Chantal ng sandaling iyon. Gusto niyang marinig kung anong sasabihin ni Archie. Kulang na nga lang ay sumilip siya ngunit nanatili na lamang siya sa puwesto.“Kailangan mo talagang pakisamahan ang mga kapatid ko kung gusto mong maging parte ng pamilya. Lalo na kay Chantal dahil mas close ako sa kanya.”Tila daan-daan karayom ang tumusok sa puso ni Chantal nang marinig iyon mula sa lalakeng iniibig.Natawa si Heather sa sinabi nito. “Wow, akala ko ba’y hindi ka interested sa gustong mangyari ng mga parents natin? Ba’t ngayon ay parang willing ka ng ma-engaged sa’kin?”Napatiim-bagang si Archie at hinarap ito. “Dahil iyon ang gusto nila Papa.”“What an obedient child, indeed,” komento naman ni Heather. “I think, wala talaga siya rito kaya sa ibang lugar na lang tayo maghanap?” Saka niyakap ang braso nito.“Anong ginagawa mo?” react naman agad ni Archie.“Ano pa ba? Dapat nagsasanay na tayong maging ganito sa isa’t isa. Kasi, sooner or later ay haharap tayo sa mga tao bi
PINAGMASDAN muna ito ni Archie saka marahan hinaplos ang pisngi gamit ang likod ng kamay. Hindi pa siya nakontento at inayos ang ilang takas na hibla ng buhok.“Wala naman kaming pinag-usapan. Tinanong ko lang siya kung saan niya pa gustong pumunta tapos bumalik na kami dahil hindi siya interested,” iyon na lamang ang sinabi niya sa halip na bigyan ng iisipin ang nobya.“Maganda siya… Tingin mo ba, may chance na magkagusto ka sa kanya?” ani Chantal.“No.”“Pero pa’no kung ipag—“ hindi na niya natapos ang sasabihin nang haplusin ni Archie ang kanyang bibig gamit ang daliri.“’Wag na lang natin siyang pag-usapan. Hindi naman siya mahalaga.”Iyon man ang sinabi nito pero hindi talaga maiwasan na mabahala ni Chantal. Kitang-kita niya kung gaano kagusto ng Ina si Heather. Lalo na nang umalis ang dalawa kanina ay wala itong ibang bukang-bibig kundi ang dalaga. Maging si Zia tila gusto rin ang dalaga.Ayaw niya man aminin sa sarili pero naiinggit siya. Dahil kahit kailan ay hindi niya marara
PAREHONG natigilan sa paghinga ang dalawa habang nakatitig sa inosenteng mga mata ni Amber. Nang walang ano-ano ay bigla itong tumakbo palapit sa kanila sabay yakap.“Power hug~!” hiyaw pa ng bata na tuwang-tuwa.Asiwa naman na napangiti si Chantal saka humiwalay ng yakap kay Archie. Pagkatapos ay naupo upang pantayan ang height ng bata sabay yakap. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi sila mahuli ng bata. Buong akala niya ay iyon na ang katapusan ng maliligayang sandali nilang dalawa ng nobyo.Matapos ang yakapan ay binuhat naman ni Archie ang limang taon gulang na kapatid saka hinalik-halikan sa pisngi. “Namiss mo ba si Kuya?”Tumango si Amber saka ito niyakap sa leeg. “Play tayo, Kuya.” Lambing pa niya sabay sandal ng ulo sa balikat nito.“Punta muna ako sa kwarto ko,” saad ni Chantal saka iniwan ang dalawa. Paglabas ay halos makasabay niya ang katulong na dala ang kanyang bagahe.Sa halip na kunin mula rito ang gamit ay sinabayan na lamang niya ang katulong hanggang sa makapasok
ILANG KILOMETRO ang layo mula sa bahay ng mga Cruz ay nakaparada ang isang mamahaling kotse sa madilim na bahagi ng lugar, iyong hindi madalas daanan ng sasakyan at ng kahit sino.Mula sa loob ay maririnig ang dalawang magkaibang boses na kapwa nahihirapan at nasasarapan sa ginagawa habang umu*ngol. Kulang na lamang ay umalulong ang lalakeng nakasandal sa backseat habang hawak sa bewang ang babaeng nakaupo at taas-baba na gumagalaw.“Sige pa, bilisan mo pa,” ung*l na may kasamang daing na sabi ni Archie. Nararamdaman na niyang malapit na siya kaya gusto niyang bilisan nito ang paggalaw.Ang babae naman na nakaupo ay hirap na hirap na sa pwesto, napapagod na rin dahil hindi naman sanay sa ganoong posisyon. “P-Pagod na ‘ko,” hinihingal pang sabi ni Chantal.Umigting ang panga ni Archie, hindi niya gustong doon pa ito tumigil kaya niyakap niya ito sabay ikot para magpalit sila ng puwesto. Ngayong siya na ang nasa itaas kaya malaya na niyang magagawa ang gusto.Inangat niya ang kanan niton